INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZBB / Dobol A sa Dobol B by Benjie Liwanag
25 February 2016
 
BENJIE: Secretary Coloma, sir. Sir hindi ba natin ie-extend itong experiential museum?

SEC. COLOMA: Aalamin po natin sa Edsa People Power Commission. Ang pananaw po natin dapat magkaroon ng permanenteng bahay ito, at hahanapan ito ng Edsa People Commission. Nag-offer na sina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte, kung hindi doon sa Quezon Memorial Circle ay doon sa mas malapit din doon, iyong sa Parks and Wildlife area ng DENR. Gagawin natin ang nararapat para mas maging mahaba iyong panahon ng pagpansin ng ating mga kababayan. Unawain lang natin, meron kasing mga live actors dito, may airconditioning, maraming hong installation na kinakailangan. Hindi po talaga uubra iyong ganitong improvised tent set up lang. Kaya ang ating tinitingnan ay iyong mas permanenteng experiential museum.

BENJIE: Sir, fully booked na raw po eh, pero marami po iyong humihiling na puwedeng habaan.

SEC. COLOMA: Aalamin natin sa Edsa People Power Commission. Baka puwedeng pag-aralan nila iyong posibilidad na ma-extend pa ito, Aalamin muna natin mula sa kanila.

BENJIE: Maraming salamat po.

SOURCE: NIB-Transcription