PCOO_insidepage_NEWS
24 Feb 2016

President Aquino leads switch-on ceremony for electrification of 1,197 Sitios in Central Luzon
(TALAVERA, Nueva Ecija) President Benigno S. Aquino III on Wednesday led the switch-on ceremony for the electrification of 1,197 sitios in Central Luzon under the Sitio Electrification Program (SEP) held at the Nueva Ecija Electric Cooperative, Inc. (NEECO II) Area 1 Gymnasium in Barangay Calipahan here.The President was assisted by Energy Department Undersecretary Donato Marcos, National Electrification Administration chief Editha Bueno and Nueva Ecija Governor Aurelio Umali in pushing the botton which turned on the LED Lights in the Central Luzon map that represent the 1,197 sitios.

A total of P1.873 billion has been allocated for the electrification of the 1,197 sitios in the provinces of Aurora (264), Tarlac (465), Nueva Ecija (272), Pampanga (68), Bataan (44) and Zambales (84).

Around 15,666 household connections or about 78,330 people have benefitted from the electrification of the sitios.

The provision of electricity to sitios will serve as stimulus for infrastructure development and investment. It is also an opportunity for the countryside to gain access to basic services that would improve the quality of people’s lives. With electricity comes more job prospects; increased livelihood programs; upgraded technical facilities in schools, commercial and medical establishments; and modern household equipment.

“Dito nga po sa atin sa Gitnang Luzon, 100 percent ng mga sitio, o iyon pong lahat ng 1,199 na sitio, energized na po. Nagpapasalamat po tayo sa mga ahensyang nasa likod ng tagumpay na ito, sa pangunguna nga po ng DOE at ng NEA, ang atin pong mga electric cooperatives, at ang ating mga lokal na pamahalaan. Siyempre po, hindi natin mararating ang puntong ito, kung wala ang pakikiisa ng mga Boss nating Novo Ecijanos. Sa inyong lahat: maraming salamat po,” said President Aquino in his speech.

“Itong Sitio Electrification Program po, bahagi lang ng malawakan nating stratehiya upang bigyang liwanag ang kinabukasan ng ating mga Boss. Dito nga sa Nueva Ecija, na siyang “Rice Bowl of the Philippines”, nakatutok ang gobyerno sa pagpapayabong ng inyong agrikultura. Inayos natin ang mga kalsada at nagpakilala ng bagong farming technologies—na ibinalita po sa atin kanina—para masiguro ang mataas na kalidad ng inyo pong ani,” the President added.

President Aquino said the government has allocated P16.17 billion for public works in Nueva Ecija.

“Para po mabilis na maihatid ang inyong ani sa merkado, nagpagawa at nagpaayos tayo ng 112 na farm-to-market roads, at may 16 pa nitong kasalukuyang iginagawa. Naglaan rin tayo ng 374 milyong piso sa production at post-harvest machinery and equipment, para mas mapalaki ang produksyon at kita ng ating mga magsasaka.

“Isa pa po sa mga proyekto dito ang Central Luzon Link Expressway Phase 1. Magsisimula po ito sa SCTEx, sa amin po sa Tarlac, babagtas ng Zaragoza, Aliaga, at magtatapos sa Cabanatuan dito po sa Nueva Ecija. Kapag nakumpleto po ito, mapapabilis po nito ang biyahe mula Tarlac hanggang Cabanatuan City, kung saan makikinabang ang 11,200 motorista kada araw. At natural ho mapapaayos rin ang pagpunta sa Region 2. Magsisimula na po ang konstruksyon nito sa susunod na buwan.

Bukod po rito, may binubuo tayong alternatibong kalsada patungong Region 2. Ang rutang babagtasin nito: Aurora-Quirino-Nueva Ecija. Sa alternatibong rutang ito, hindi na kakailanganing dumaan ng Dalton Pass, na batid nating malaki ang posibilidad ng landslide o matamaan ng lindol. Ilang bahagi nga po ng alignment nito sa north at south ay tapos nang maipagawa. Patuloy pa po ang pag-aaral natin sa tunnel section nito para masiguro ang katatagan ng alternatibong kalsada,” the President said.
President Aquino also mentioned Project NOAH which enables local government units to be prepared during floodings.

“Alam din po natin na isang problema sa inyong probinsya ang madalas na pagbaha na pumipinsala sa maraming imprastruktura at kabuhayan. Noon po, wala tayong tiyak at maaasahang sistema para mailayo sa peligro ang ating mga kababayan, at maiwasan o mabawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad. Kaya po, nilunsad natin ang Project NOAH, para lubos na mapaghandaan ng ating mga LGU ang pagdating ng malakas na pag-ulan. Gamit ang lokal na teknolohiya at makabagong kasangkapan, pinaunlad natin ang ating rainfall at flood forecasting at warning system. Ngayon, nakakapagbigay na tayo ng babala sa ating mga komunidad, apat na oras bago ang pag-ulan.

“Dito nga po sa Nueva Ecija, nakumpleto na noong Setyembre 2014 ang enhanced landslide susceptibility map gamit ang Light Detection and Ranging System. Gamit ang mga mapang ito, natutukoy natin ang mga lugar na pinakababahain sa tuwing bubuhos ang malakas napag-ulan. Sa tulong nito, agaran rin nating naililikas at nabibigyan ng ayuda ang mga nangangailangan sa mga apektadong lugar,” the President said.

President Aquino likewise noted the expansion of the additional cash transfer to the underprivileged.

“Dagdag pa sa suportang kaloob ng ating gobyerno sa Nueva Ecija ang pagpapalawak ng ating mga serbisyong panlipunan. Kung dati, 11,400 lang na kabahayan dito ang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya, ngayon, nasa 83,953 na kabahayan na ang saklaw nito. Kabilang po sila sa mahigit 4.4 milyong kabahayan na natutulungan na ng Pantawid Pamilya sa bansa. Sa PhilHealth naman po, 1.6 million indibidwal na ang sakop ng programa. Kabilang po sila sa 92.4 milyong Pilipino na nakikinabang na sa benepisyo ng PhilHealth,” the President said.

The SEP, which is considered as one of the economic pillars of the Aquino administration, went into full swing in 2012. With a budget of P4.053 billion, 6,163 sitios were energized, 156 more than the target of 6,007. It has since moved forward to electrify 5,263 sitios in 2013; 7,567 in 2014 and 10,361 in 2015.

The NEA is confident to complete the energization of the remaining 579 sitios by March 2016. This will complete the energization of 32,441 sitios.

Other officials present were Nueva Ecija District 1 Representative Estrellita Suansing, Nueva Ecija District 3 Representative Czarina Umali, Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez, NEECO II-Area 1 President Reynaldo Villanueva and General Manager Eulalia Castro. PND (jm)