February 21, 2017 – Interview with PCOO Secretary Martin Andanar
Interview with PCOO Secretary Martin Andanar |
DWIZ/Ratsada Balita by Alex Santos |
21 February 2017 / 6:41-6:51 A.M. |
SANTOS: Secretary Martin, good morning po. Alex Santos po sa DWIZ. SEC. ANDANAR: Good morning, maayong buntag Alex. Maayong buntag po sa tanan, lahat po ng nakikinig ng inyong programa dito sa DWIZ. SANTOS: Secretary, unahin po natin siguro iyong inyo pong paglilinaw with regards po dito sa reklamo ng atin pong mga kasamahan po sa media, iyon pong isyu po sa 1,000 dollars, ano hong paliwanag ho ninyo dito po, Secretary? SEC. ANDANAR: Kahapon, Alex, ay nag-release ako ng statement sa media at sa aking social media. And doon ko nilagay na I hold our colleagues in high esteem dito sa Senado, iyong mga reporters. At malinaw naman din na kung babasahin natin ang transcript na wala naman akong binaganggit na pangalan, wala naman akong pinaratangang journalist na tumanggap ng pera. Ang sinabi ko lang po ay nakatanggap ako ng intelligence report na merong ganitong klaseng halaga na umiikot na diumano’y ino-operan, pero wala naman akong report na natanggap na merong tumanggap ng pera. So siguro, maganda rin siguro na para sa mga nagagalit sa akin na mga grupo like NUJP na siguro basahin iyong buong transcript para maliwanan. But I also do not blame them about the people’s reaction, kasi very emotional iyong naging mga pangyayari kahapon sa Senado. So, siguro basahin na lang po ang aking statement at ang aking transcript kahapon na nangyari, between the interview of CNN and myself. SANTOS: Nabasa ko rin po iyong inyo pong pahayag kay Pinky Webb ng CNN at wala naman talaga kayong binanggit ho doon, Secretary, na may tumanggap po nung 1,000 dollars, pero ang sinabi po ninyo, iyon nga ho may report ho kayong natanggap na meron nga hong grupo. Pero hindi nga daw ninyo nabanggit kung sino pong grupo. Kayo po ba, sir, are you in liberty to say to us kung sino po iyong mga grupo na magplano hong magbigay ho ng pera ho? SEC. ANDANAR: Number one, Alex, of course iyong mga source naman natin. Ako naman ay naging broadcaster, hindi natin—we are not at liberty to reveal our sources at ganundin po kung sino po iyong grupo na diumano’y namigay. Dahil iyong mga binibigay na mga impormasyon ay these are information na should be really be confidential. So, ang sa akin lamang, the point really is – kaya ko sinabi iyon – is because meron talagang concerted efforts to come up with all of these negative stories against the President for the eventual ouster and eventual mass protest this coming February 25. At iyon po iyong basa namin, basa namin sa Palasyo at basa din ng ilang mga Cabinet members outside the Palace. So iyon po talaga, Alex. Kaya I was saying that—pointing that iyong pera na iyon na umikot is part of that grand protracted scheme to oust the President. Wala naman akong sini-single out na media sa Senado. Sinabi ko naman sa transcript. Wala naman. SANTOS: Eh ang nagulat din po ang ibang mga kasamahan sa media kung bakit po dollar ang nabanggit, Secretary. Baka siguro galing siguro iyong grupo sa ibang bansa kaya dolyares ho? SEC. ANDANAR: Hindi ko masasagot iyon. I already settled that issue yesterday. And for those who are still asking, siguro I can defer you to the statement that I have made on line at sa mga media, nasa media naman lahat ito. SANTOS: Secretary, kayo po ba ay willing to apologize sa atin pong mga kasamahan sa media? SEC. ANDANAR: Number one, wala naman akong binanggit na media man. Wala naman akong binanggit. Again, the issue was made to point out the fact that there is an escalated effort para nga patalsikin si Panghulong Duterte, iyon lang naman. Wala naman akong sinabi na tumanggap iyong media, ganoong. Wala akong sinabing ganyan. Sinabi ko lang na merong ganitong pera based on my intelligence report na diumano’y umiikot. Pero wala akong report na may tumanggap. Wala naman. So, dapat—everyone should really read the statement para maintindihan. Also I would also advise NUJP to read the statement, iyong talagang interview, iyong transcript namin in Pinky Webb, basahin nila. SANTOS: Secretary, ito isa pang tanong ko po sa inyo. Kanina po ay mukhang may nag-interview po kay Senator Trillanes, ang sabi ho hindi daw ho sinasagot ng direkta ng Pangulong Duterte iyong isyu at iyon lang daw pong mga tauhan lang daw ang sumasagot tulad po ninyo. Are we expecting po the President will answer iyon pong mga sinasabi ni Lascaños po, sir? SEC. ANDANAR: Hindi ko masasabi, Alex. Alam mo naman mahirap din i-preempt ang ating Pangulo. Ikaw matagal ka naman sa Davao nag-cover alam mo naman na it’s a no-no to preempt the Mayor kung ano ang gagawin niya. So antayin na lang po natin kung ano iyong magiging tugon. Pero as far as the alter egos are concerned – ako, si Secretary Aguirre – we will do our part to answer all of the questions, the queries and we will also do our job to protect our President. SANTOS: So wala namang ano, hindi naman nababahala ang ating Pangulo dito sa mga naglalabasang mga bagong isyu na naman na demolition job para sa kanya? SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Alex, mabuti at tinanong mo. Kasi kahapon nagkaroon kami ng meeting with US Ambassador, US-Philippines Society, mahaba iyong meeting na iyon, tapos after that nasundan ng NEDA meeting. At never nabanggit ng Pangulo iyong mga nangyayari. In fact ako pa nga iyong nagbigay ng update, tapos tumatawa lang siya. Sabi niya, bahala na si Sal Panelo diyan. Gumaganun siya, jokingly he was saying that, so tawanan kami. Iyon in-update ko na siya doon sa naging statement ko at iyong naging epekto ng statement ko. Everything is okay, I also updated him na merong planong mag-rally sa Feb. 25. At meron ding mga—kasi dalawa ang gustong mag-rally eh, iyong sa kanila, yung oposisyon or—mahirap sabihin opposition, but those are against this government; and those who are for this government na nagpaplano ding mag-rally. Antayin na lang natin sa Feb 25 kung ano ang magiging resulta nito. SANTOS: This is in time sa celebration po ng EDSA People Power po. SEC. ANDANAR: Tama, oo nga pala, tutal na mention mo na iyong celebration ng EDSA. Meron akong press conference mamaya dito sa Malacañang Palace, kasama ko si Joey Concepcion na siyang co-chairman ng People Power Commission at si Deputy Executive Ibarra para pag-usapan itong celebration ng EDSA People Power at 21 years. SANTOS: In a nutshell, parang simpleng selebrasyon lang daw po ito, Secretary? SEC. ANDANAR: Yeah, simple pero meron ding ano, Alex. Kasi originally, ang plano 24, tapos meron tayong—nadagdagan ng dalawa pang araw—Actually, four days lahat eh. Iyong tatlo doon, open for media. So mamaya ia-announce ko mamaya sa press conference sa Press Briefing Room ng Malacañang, Alex. SANTOS: Panghuli siguro, iihabol ko lang pong tanong, Secretary. Wala pa ho bang plano ang ating Pangulo na kasuhan itong si SPO3 Lascañas, matindi kasi ang paratang sa kanya eh. Puwede siguro perjury or any case laban sa kanya? SEC. ANDANAR: Siguro sa tanong na iyan, Alex, I would defer to Justice Secretary Vit Aguirre at kay Secretary Sal Panelo para sila na lang ang sumagot. Pero if I may, Alex, tayo po—gusto ko lang pong i-announce ito. Kasi nakakalungkot po iyong balitang ito. Na meron pong namatay na estudyante. Nakikiramay po tayo sa mga pamilya ng mga estudyanteng nasawi at handa tayong tumulong sa mga nasaktan. Marapat lamang na suspindihin po at siyasatin ang mga bus o iyong bus operator upang tiyaking ligtas sila para magbiyahe. At dapat kumilos ang DPWH kung may kailangang karatula at pagbabago sa daan upang maiwasan ang sakuna. Gayundin po, dapat imbestigahan ng PNP ang aksidente upang mapanagot ang may sala. Napakalungkot po nung balita, Diyos ko mga kabataan. Alam mo naman lahat tayo mga magulang, Alex, hindi dapat na tayo ang naglilibing ng anak natin, dapat iyong anak natin ang naglilibing sa atin, hindi ba. Diyos ko, kaya this is really a sad day for all of us. SANTOS: Wala naman pong kautusan ang ating Pangulo na itigil muna iyong mga excursion, iyong mga fieldtrip, fieldtrip na iyan ng atin pong mga eskuwelahan? SEC. ANDANAR: Wala pa naman sa ngayon. Mamaya tatawagan ko si Secretary Briones at para ma-update din tayo kung ano iyong kanyang polisiya tungkol dito at kung ano iyong kanyang panawagan, Alex. Salamat. SANTOS: Okay, with that Secretary, thank you so much at magandang umaga po sa inyo, sir. SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Alex at congratulations ang ganda ng newscast. SANTOS: Thank you, sir. SEC. ANDANAR: Talagang bagay na bagay ka talagang maging newscaster. Thank you. Mabuhay ka. ## source: Transcription NIB |