INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZMM / Radyo Patrol Balita Linggo by Junry Hidalgo and Jasmine Romero
21 February 2016
ROMERO: …kinabang nito po. Ano pong uri ng mga government workers ang saklaw nitong EO?

SEC. COLOMA: Unang-una po ‘no, saklaw nito ang lahat ng mga civilian employees ng ating pamahalaan with respect to… iyong kanila pong basic pay ‘no at salary scale. Ito po ay covered sa Section 3 ng EO 201. Nandoon po iyong lahat ng salary grades simula Salary Grade 1 hanggang Salary Grade 33. At nandoon din po iyong different steps – bawat grade po kasi ay mayroong step increment na tinatawag – Step 1, Step 2 hanggang Step 8 po iyon. At nandito rin po sa Executive Order 201 iyong first tranche, second tranche, third tranche at fourth tranche. Iyon pong tranche, corresponding po iyan sa taunang pagpapatupad. So, iyon po ang una ‘no, civilian employees.

Ngayon, mayroon din pong tungkol sa military and uniformed personnel. At iyong military and uniformed personnel ang nakasaad naman po dito sa Section 7 ay iyong pagbago ng kanilang provisional allowance schedule. At sa Section 8 naman, iyong pagtataas ng kanilang hazard pay, at sa Section 9 iyong pagbabago o pagtaas ng kanilang officers’ allowance. Iyon pong provisional allowance, para po sa lahat ng ranggo ng AFP – mula candidate soldier hanggang General. At iyong mga katumbas na ranggo sa PNP o Philippine National Police, BJMP – iyong Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Fire Protection na sakop din ng DILG. Sakop din po diyan iyong Philippine Coast Guard at iyong NAMRIA, mayroon din po silang mga ranggo doon.

Iyong sa hazard pay, para po sa lahat ng military and uniformed personnel po iyan, at iyong sa officers’ allowance naman ay mula sa ranggo ng Kapitan pataas sa Heneral, hanggang doon sa iba pang mga kahalintulad na ranggo nito sa DILG, Philippine Coast Guard at NAMRIA. Kaya mayroon din naman pong ibinigay na pagbabago sa allowance at hazard pay para sa military and uniformed personnel. Kaya lang, katulad ng inyong nabanggit, hindi pa nabago o nagalaw iyong tungkol sa kanilang base pay schedule dahil iyan nga ang pinagtalunan doon sa deliberasyon sa Kongreso patungkol doon sa isyu ng indexation.

ROMERO: So, anong ibig sabihin po noon sir? Mayroon bang particular date na maaasahan iyong mga government workers, iyong mga lahat po na nabanggit ho ninyo, kung kailan nila mararamdaman iyong increase?

SEC. COLOMA: Mayroon Jasmine ‘no, dahil ang effectivity nito ay kapag nai-publish na ‘no sa newspaper of general circulation puwede nang ipatupad. Ibig sabihin, kapag na-publish na nga puwede nang i-implement, retroactive to January 1, 2016. So, kahit na ngayon lamang ang approval o issuance nitong EO 201, ang retroactivity po o sakop iyong buong suweldo ng buwan ng Enero at nitong buwan ng Pebrero dahil ang effectivity date ay January 1, 2016 para doon sa first tranche. At katulad ng binanggit ni Junry kanina, sakop na ito ng General Appropriations Act for 2016 kaya buong-buo na po ang funding nito. Kasama na rin diyan iyong lahat noong aking nabanggit na patungkol sa allowances.

HIDALGO: Secretary, baka mangangahas lang ako ng kuwenta ‘no. Ngayon ay a-bente uno, hindi ho ba at ang pag-publish niyan ay 15 days, ‘di ho baga? So ibig sabihin ho, mga March 15 eh susuweldo iyong mga government employees ng kanilang regular na suweldo at kasama na iyong retro mula noong January?

SEC. COLOMA: ‘Pag tinunghayan natin itong EO mismo, Junry ‘no, nakalagay ay retroactive at iyong sinabi nga, “this order shall take effect immediately upon its publication in a newspaper of general circulation.” Wala namang binabanggit na may 15 days pa.

HIDALGO: Ah, okay.

SEC. COLOMA: So, kung bukas ay nai-publish na ito ay gagawin na ng mga accounting departments o noong mga payroll section iyong paghahanda para maisama na ito sa susunod na pasuweldo, kung kakayanin. Pero ang mahalaga, iyong retroactivity ay January 1, 2016

ROMERO: So ang ibig sabihin po Secretary, pasensiya na po, palinaw lamang po ano. So, the moment it is implemented, ang mga government employees sa mga nabanggit ho ninyo, kukuha ho sila ng basic pay, retroactive at ng increase.

SEC. COLOMA: Iyong basic pay nila ay mayroon nang increase. Dahil doon lamang sa pinag-umpisahan ‘no, doon sa Salary Grade 1 ay itinaas na ito mula P9,000 plus to P11,000 plus – parang ganoon po iyong aking pagkaalala. ‘Pag tinunghayan po natin, makikita natin doon iyong Salary Grade 1, Step 1 – P9,478… o P9,000 lang yata ngayon sa kasalukuyan. Ito kasi, iyong binabasa ko iyong sa bago na ‘no. At kapag ganap na naipatupad na ay aabot na sa P11,068 iyong Step 1 ng Salary Grace 1 after the fourth tranche. Kaya, ipapatupad nga po itong pagbago at pagtaas ng base pay schedules.

ROMERO: Iyong… ito pong pagtataas ng suweldo, sir. Kasi may nabanggit nga po si Senator Recto na good lang ito ng hanggang 2016, because of the budget. Papaano ho ba dito naglalaro iyong budget at may katotohanan po ba iyong sinasabi ni Senator Recto?

SEC. COLOMA: Tama iyong binanggit mo Jasmine. Pero linawin natin ‘no. Iyong pinanggalingan kasi nitong hakbang na ito na pag-isyu ng EO 201 ay iyong batas na hanggang ngayon ay nakabinbin pa—

HIDALGO: Sa bicam.

SEC. COLOMA: —doon sa batas na ang tawag ay SSL4 o Salary Standardization Law or Proposed Salary Standardization Law 2016 na nakabinbin pa sa kasalukuyang Kongreso. Ang latag kasi nitong mga pagtaas ng pasuweldo na ito ay para talaga sa apat na taon. Dahil iyong mga sinundang pagpapatupad din ng Salary Standardization Law, iyong SSL3, ganoon din ang latag – apat na taon talaga. Kaya lang, sa ngayon dahil nga wala pa iyong batas, ang mapapatupad lamang ay iyong first year dahil iyon ay mayroon nang approved appropriation; Kongreso din ang nag-approve noon na kabilang o nakapaloob doon sa General Appropriations Act.

Ngayon para doon sa 2017, iyong budget kasi for 2017 inumpisahan nang ihanda, at ito ay isusumite ng susunod na administrasyon pagkatapos i-deliver ng susunod na Pangulo iyong kaniyang SONA, na gaganapin sa huling Lunes ng Hulyo 2016. Iyon pong budget para sa susunod na taon pinaghahandaan na ngayon. Ang tawag po doon habang hindi pa nagiging batas – National Expenditure Program. At doon sa National Expenditure Program for 2017, tinitiyak po natin na kasama na rin doon iyong second tranche. Kaya kung pumasok na iyong susunod na administrasyon at hindi pa rin naipasa ng Kongreso ‘no, noong kasalukuyang Kongreso iyon dahil mayroon pa naman silang nalalabing session days mula May 23 hanggang June 10.

Kung hindi pa nila maipapasa, isasama po iyan doon sa National Expenditure Program o para doon sa 2017 Budget para magkaroon po ng probisyon ng pagpondo doon sa second year. At hihintayin muli ano kung maipapasa iyong batas. Kung maipasa iyong batas eh ‘di makatitiyak na tayong maipapatupad na rin iyong third at fourth tranche. Kung hindi naman, puwede ulit gamitin itong ganitong pamamaraan ng susunod na administrasyon na maglagay ng probisyon sa National Budget at mag-issue ng Executive Order ang Pangulo.

HIDALGO: Secretary, hindi lahat ay masaya doon sa paglagda ng Pangulo doon sa EO 201. Eh, ang sabi ng grupo ng mga guro naliliitan sila dahil iyong 2,000 increase, iyan ay hinati sa loob ng apat na taon. Ang binabanggit naman ni Senador Antonio Trillanes na siyang nagsulong ng panukala, iyong SSL4, eh… ito ho iyong kaniyang eksaktong sinabi ano ho, ‘sinusian daw ng Pangulo ang mga Kongresista para hindi ipasa iyong dagdag pensiyon sa retired military personnel.’ Eh, nilagay naman daw niya doon sa panukala niya na kung wala talagang pera iyong gobyerno, ‘di wala. Pero kung magkaroon ng extra’ng pera, ‘di bigyan ng dagdag pensiyon iyong retired military personnel. Ano po iyong masasabi ninyo na ‘sinusian’ daw – iyong term ho ang ginamit ha, “Sinusian ng Pangulo ang mga Kongresista kung kaya’t hindi napasa iyong SSL4.” At yung sa SSL4 niya, ay kasama iyong probisyon para sa dagdag pension ng military personnel.

SEC. COLOMA: Kung puwede lang, Junry at Jasmine ‘no, ihiwalay natin. Dalawa kasi iyong pinag-uusapan diyan. Iyong unang binanggit ni Junry, iyong opinyon na maliit iyong dagdag sahod para sa mga guro, at iyong ikalawa naman iyong isyu na ipinahayag ni Senador Trillanes hinggil doon sa suweldo ng military personnel ‘no at iyong kanilang pensiyon. Magkahiwalay kasi iyan ‘no, so tukuyin muna natin iyong tungkol sa sahod ng mga guro.

Ang layunin po kasi nitong SSL4 o itong bagong Salary Standardization Law ay pataasin iyong buong salary scale ng gobyerno. Kasi po, noong ipinasa iyong nakaraang SSL, na nagtapos noon pang… na pinasa po ito noon pang nakaraang administration. Nakasaad po doon pagkatapos maging ganap iyong implementasyon noong nakaraang SSL, dapat ay repasuhin o pag-aralan iyong buong salary scale ng gobyerno at tignan o maihahambing sa salary scale ng pribadong sektor.

Dahil kilalanin natin na, unang-una, kinakailangan din namang makapag-akit tayo ng mga mahuhusay na tao sa gobyerno para mapahusay po natin ang serbisyo publiko. At pangalawa, kailangan din namang itaas iyong pasuweldo ng buong gobyerno, hindi lang naman po para sa iisang grupo lamang o iisang sektor. Kaya iyong kabuuang layunin, iyong buong salary scale ay dapat na maging mas comparable o competitive sa private sector. At kung noong dati, ‘pag tinunghayan natin iyong buong salary scale ay wala pa sa kalahati ng sinusuweldo ng private sector. Ito pong bagong scale na nakapaloob na doon sa SSL4 at pinapatupad na sa EO 201, humabol na po nang bahagya, naging 70% na po iyan noong salary scale sa private sector. Kaya naiangat na iyong buong salary scale – iyan naman po ang pangunahing layunin.

Batid natin na hindi ‘happy’ o hindi po nasisiyahan ang sektor ng mga guro o iba pang mga sektor. Pero kailangan, unawain nila iyong big picture po, na dapat iyong buong salary scale ay gawin nating mas maihahambing o comparable o mas competitive din po kung ihahambing sa private sector. Iyon po iyong paliwanag doon sa una. Gusto ninyo po bang dumako na tayo doon sa pangalawa o mayroon pa kayong tanong diyan?

ROMERO: Sige po.

HIDALGO: Iyon pong pangalawa, iyong sinasabi ni Senador Trillanes na…

SEC. COLOMA: Okay. Iyon naman sinasabi ni Senador Trillanes, patungkol iyon sa indexation. Ano ibig sabihin noon? Ang simpleng paliwanag diyan Junry ay ito: Halimbawa ay mayroong retired officer o military… or enlisted man. Nagretiro ka ten years ago. Pagkatapos, ngayong taong ito ay mayroong ipapasa iyong Kongreso, o itong EO 201 nga ‘no na nagkaroon na ng bagong salary scale, itinaas iyong suweldo para doon sa iniwan mong ranggo. Iyong pensiyon mo ibabatay hindi doon sa suweldo mo noong ikaw ay nagretiro, i-index ito o iaangat ito na kapantay noong sinusuweldo ng active personnel. So, taas iyon nang taas ‘no dahil kapag tumataas iyong sa active, pati iyong retired apektado.

Eh ano ang problema dito: pondo. Kasi nga, katulad noong sa SSS, GSIS, mayroon silang investment’s fund na ginagamit ‘no. Dahil nga sa laki ng gastos na kinakailangan dito, kailangan ay iyong pondong kumikita ng interes ‘no, iyong pondong napapalago, iyong pondong puwedeng palaguin pa sa pamamagitan ng investments. At dati, mayroon po sila niyan – ang tawag nila ay iyong AFP-RSBS o iyong Retirement and Separation Benefits System. Pero naubusan po iyon ng pondo at nawalan po ng pagkukunan iyon. At simula noon, ang pinagbabatayan na lang o pinagkukunan na lang ay iyong National Budget.

Dahil po sa laki noong halagang kinakailangan ay nahirapan po talaga iyong pamahalaan na matugunan ito ng sa kabuuan. Kaya nga sa kasalukuyan, ayon po kay Secretary Abad ay mayroon pang outstanding na… or arrears doon sa pension payment na simula pa noong mga nakaraang taon dahil nga… ito ‘no sinabi niya: “over the past 13 years, the government has accumulated 18 billion in unpaid pension adjustments.” Batay po ito sa isang dikreto o decree na in-issue ni dating Pangulong Marcos na kung saan sinasabi nga ‘no, iyong prinsipyo ng indexation – na dapat iyong pension hike para sa mga retiradong military personnel ay kapantay noong itataas para sa active soldier.

So, iyon po ang problema diyan. At dahil hindi naman puwedeng itigil ng isang Executive Order ang isang batas ‘no na katulad noong ating nabanggit, ay hindi po iyan natukoy nitong EO. Sana matukoy na iyan doon sa batas, eh hindi nga po sila nagkasundo. Kaya ang ginawa na lang muna, ang binigyan ng adjustments ay iyong sa aspeto ng allowances at sa hazard pay, iyon po ang mga paliwanag.

ROMERO: Opo. So, depende na lang iyan, Secretary, sa susunod na administrasyon o kung magkakaroon ba… kung iyong deadlock ay hindi… kung nabuksan iyong deadlock at nagkaroon na ng panibagong bill na puwedeng ihain (sa) next Congress o kaya sa aaprubahan ng susunod na administrasyon. Doon na lang talaga dedepende itong adjustment na ito para sa military?

SEC. COLOMA: Substantially correct iyong sinabi mo, Jasmine ‘no. Kaya ko sinabing ‘substantially’, mayroon ding isa pang mahalagang aspeto na dapat nating pagtuunan ng pansin. Iyan kasing sinasabi ni Senador Trillanes at iyong naging posisyon ng House of Representatives na sumasalamin sa posisyon ng administrasyon, iyan po ay tumutukoy lang sa implementation of salary adjustments.

Pero ang mas basic diyan ay iyong mismong batas tungkol sa ano ba dapat ang paraan ng pagbabayad ng pensiyon. Kasi hiwalay iyan eh, hindi naman iyan pondo lamang para sa salary adjustments, eh basic issue iyan ‘no. Dahil… ito nga ‘no, covered by a Presidential Decree for the last… more than 40 years na ‘no, dahil Presidential Decree ay martial law era pa iyon. Hanggang ngayon, hindi pa nababago iyong batas na iyon. Kaya nga nitong mga nakaraang buwan, sinikap din na tukuyin ito, sinikap ding makapaghain ng isang panukalang batas na tutukoy mismo doon sa issue ng indexation.

Kaya lang nga, hindi na nagkaroon ng sapat na panahon dahil sa marami pang mga tinalakay ang Kongreso. At ang naging posisyon na lamang, habang hindi pa nakakapagbuo ng mas komprehensibo, mas angkop at mas makabuluhang patakaran hinggil diyan, eh sabihin na lang muna doon sa SSL na sinususpinde pansamantala iyong indexation – iyan ang posisyon ng administrasyon, na tinutulan naman ni Senador Trillanes. Sabi niya, dapat daw ipagpatuloy kahit na walang nakikitang source of funding, iyon po ang dapat nating linawin. Bukod doon sa pag-a-adjust noong pension, kinakailangang repasuhin at magkaroon sana ng bagong batas hinggil mismo sa pension, na hindi kaakibat o kadugtong lamang ng anumang salary adjustments para sa iba’t ibang sektor ng civil service natin at government service.

HIDALGO: Dahil sinabi mo iyan Secretary Coloma, iyong binabanggit mong—pinaghahandaan ninyo na iyong pagsusumite ng huling National Expenditure Program sa Kongreso mula sa mahal na Pangulo, eh inaasahan na, na hindi na makakasama talaga iyong budget para naman doon sa dagdag pensiyon ng mga retired military personnel, tama ho ano?

SEC. COLOMA: Well, ang sinasabi lang natin iyong pagpapatuloy noong second tranche — na halaw nga doon sa nakabinbing batas, na hindi pa naipapasa — iyon ay isasama sa proposed National Expenditure Program. Pero linawin din natin Junry, na nasa pagpapasya ng susunod na administrasyon kung paano nila ito isusumite ‘no, kung i-a-adopt ba nila iyong ginawa namin o babaguhin nila, o magkaroon sila ng totally new NEP ‘no, nasa pagpapasya po nila.
Nasabi ko lang na pangkaraniwan na ang paghahanda nitong NEP o iyong budget para sa susunod na taon ay isinasagawa na kasi iyan umpisa pa ng taon ‘no. Katulad ngayon, iyong para sa 2017, January pa lang inumpisahan na iyong budget call para diyan. Dahil gagahol iyon sa panahon kung hihintayin pa natin iyong pagpasok ng bagong administrasyon. Pero, nasa kanila pong pagpapasya kung ito ay kanilang i-a-adopt, babaguhin o magsimula po sila sa umpisa ‘no, na totally new iyong gusto nilang isumite. Nasa pagpapasya po nila iyon.

HIDALGO: Kambiyo naman ako, Secretary. Kanina doon sa aking intro, may statement itong si dating Usec. ng DOTC, si Engr. Pelagio Battung, na iyong vote-counting machines para sa 2016 elections ay puwedeng i-hack. Hindi niya binabanggit iyong tungkol sa source code kundi ang binabanggit niya ay tungkol doon sa algorithm ng VCM. So ang sinasabi niya po, “‘puwedeng i-hack”. Ano ho ba ang reaction ninyo roon sa babala nitong Engr. Battung?

SEC. COLOMA: Ang pinakamainam po ay ipagbigay-alam niya iyan sa Comelec, dahil iyong Comelec po ang siyang may mandato na tiyakin ang integridad ng ating halalan. At kung mayroon po siyang nalalaman, puwede po naman niyang ipagbigay-alam niya ito sa Comelec at iyong Comelec po ang aaksiyon hinggil diyan.

HIDALGO: Sa Thursday na isang holiday ano po — pero kami’y required na pumasok — eh EDSA Uno anniversary po, 30th. May utos ho ba iyong Palasyo na maghakot ng mga dadalo? Sabi kasi ng MMDA, na sampung libo kada LGU dito sa Metro Manila ang dadalhin eh para doon sa okasyon.

SEC. COLOMA: Wala naman pong pamimilit ito at wala naman pong hakot. Ang sistema lang po ay ipinaalam sa buong pamahalaan, kasama ng mga lokal na pamahalaan, iyong pagkakaroon natin ng programa ‘no, iyong Salubungan at iyong palatuntunan sa harapan ng EDSA People Power Monument. At sila na rin po ang nagpasya sa kanilang… kani-kaniyang departamento, kagawaran o lokal na pamahalaan kung paano sila gustong lumahok. Wala pong sapilitang diyan at wala pong paghahakot ng anumang anyo o paraan.

HIDALGO: Kaugnay din po noong EDSA. Ano ho ba ang position ng Malacañang sa same-sex marriage? Ang layo eh (laughs).

ROMERO: Akala ko pag-uusapan uli SSL eh.

SEC. COLOMA: Ang alam natin Junry, dahil sa EDSA ay naibalik iyong Kongreso. Dahil noong wala pa po iyong EDSA, in-abolish po iyong ating Kongreso, ‘di po ba, noong martial law at limited naman po iyong… doon sa Interim Batasang Pambansa. Ngayon na ganap ang ating mga institusyong demokratiko, maari ding magkaroon ng ganap na talakayan hinggil sa patakarang iyan.

ROMERO: Okay. Marami pong salamat, Secretary.

SEC. COLOMA: Maraming salamat sa inyo, Jasmine at Junry. Maraming salamat sa pagkakataon.

ROMERO: Oh iyon, at least malinaw po. Secretary, marami pong salamat.

HIDALGO: Happy Sunday po, Secretary ha.?

SOURCE: NIB-Transcription