Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – Punto Asintado by Erwin Tulfo
03 February 2017
TULFO:  Magandang umaga, Secretary Martin Andanar, sir.

SEC. ANDANAR: Good morning partner. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa inyong programa dito po sa Radyo Singko, 92.3 News FM.

TULFO: Naku, thank you sir, for flagging our stations. Anyway, Sec kahapon pinasuspindi na rin, nagbigay ng kautusan ang Pangulo na pati ang National Bureau of Investigation hindi na puwede munang mangi-alam dito sa anti drug campaign ng pamahalaan, bakit po, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, ito po’y dulot ng kaso ng Korean businessman na kinidnap at pinatay at ang mga sangkot ho dito ay galing sa Philippine National Police at NBI. At maliwanag naman na talagang both agencies took a huge blow because of the unfortunate incident. Kaya ang ating Presidente, Pangulong Digong, ay galit po sa mga gumawa nito at galit din sa nangyayari within the Philippine National Police at NBI. Kaya ang Pangulo po ay ipinasa niya na, in-assign niya na po ang command sa anti-drug war dito sa Philippine Drug Enforcement Agency or PDEA.

TULFO: Well, if there’s any consideration siguro, pa-konsuwelo de bobo, Secretary Martin… hindi naman pakonswelo de bobo, kung meron mang konswelo, consolation, bagama’t problematic ngayon ang Pangulo dito… parang walang iniwan sa magulang, hindi ba iyong mga kasabihan natin, iyong panganay, sumunod sa panganay puro mga luko-loko rin pala, imbes na magdisiplina ng mga mga younger siblings nila, mga kapatid, eh mga luko-loko din pala itong PNP at saka ilang miyembro ng NBI.

SEC. ANDANAR: Opo.

TULFO: Pero may konsolasyon, Secretary Martin. Alam mo ba na itong  Bureau  of Customs  anuman ang ginagawa doon, mukhang may ginagawang tama roon si Commissioner Faeldon,  wala ka nang marinig, mabalitaan na kotong, mukhang tumahimik, tinablan iyong mga tao doon dahil sinabi ni Pangulo ito ang pinaka-corrupt na agency. Pangalawa, ay naulanigan ko na na-meet na nila iyong kanilang tax collection target for the month of January. Iyong pier pa nga nila—pati iyong Cagayan De Oro, iyong lugar mo, na-meet nila iyong target nila doon ng tax collection; lalo na itong Port of Manila sumobra pa sila ng 200,ooo million, Secretary.

SEC. ANDANAR: Kaya we congratulate Commissioner Nick Faeldon for a job well done. Alam naman natin, partner, na itong mga unang buwan – of course, may mga adjustments pa na ginagawa si Commissioner Nick at alam din natin na marami pang naninibago. Pero tama ka rin sa mensahe ni Pangul0 sa mga tiwali sa Customs ay ngayon ay wala na. Talagang sumunod na sila at maganda at name-meet ang ating Customs Commission ang kanilang tax target or collections target dahil sa dami po ng proyekto ng Pangulo, lalo na iyong infrastructure eh kailangan po talaga merong popondo nito at malaking tulong ang koleksyon ng Bureau of Customs.

TULFO: All right. Sir, isa pang problema ngayon, itong—ano po ang balita doon sa—I know this is sa legislative, pero ano hong naririnig ninyo mula sa mga kaalyado po ninyo sa Kongreso at Senado. Kasi—at ano ang reaksyon po ng Palasyo rito dahil si House Speaker Alvarez kahapon ay nagsalita na, sinabi niya na kung hindi nila ipasa ito wala tayong magagawa, di isa-isa na lang iyang itumba. Si Senador Chiz Escudero naman ay nagsabi na rin na kakausapin niya isa-isa ang kanyang mga kasamahan sa Senado na wag ipalusot o palusutin itong death penalty. Pero ang mga kababayan po natin, Sec., talagang gusto nila na maipasa itong death penalty na para ika nga may katatakutan. Kagaya na lamang po nito, hindi po ba, itong mga law enforcers na natin na dapat magpatupad ng batas ay siya pa… gaya nila Sta. Isabel, kagaya nung ilang miyembro ng NBI. Eh kailangan ito masampolan, maisalang sa death penalty kung maipasa ang death penalty, pero mukhang hinaharang ngayon pa lang, Sec?

SEC. ADNANAR: Well, alam mo naman, partner, dahil part of the democratic process sa Kongreso, ganoon din po ang ating Simbahan na merong malaking moral ascendancy para pag-usapan itong panukalang batas sa pagbabalik ng capital punishment, death penalty. The government urges everyone to participate in this debate in a public consultation manner. For those who support death penalty, madali lang namang ho, you just write your Congressman, sulatan ninyo iyong mga Senador ninyo o sumali kayo sa diskurso. Ito naman, partner, ay kasama sa proseso, may mga senador against, mga pro. It’s part of it. They have their own opinions, at meron silang paniniwala. Pero of course, tayo sa Executive, we believe that malaki ang magiging tulong nitong death penalty para ma-discourage iyong mga criminal from doing all of these criminal activities, to deter them from doing it. That all we can do is thru the democratic process at iyon nga sa Kongreso, kailangang balangkasin iyan at sa Senado and for those who—again, I would like to repeat for those who support the bill or itong sa panukalang batas eh kailangan po ay just to really participate by writing your Congressman  and your Senators.

TULFO: Hindi ho kaya, Secretary, ma-railroad ika nga iyong momentum, ika nga ang efforts ng pamahalaan na sugpuin itong mga problema sa droga at kriminalidad. Will it greatly affect kasi may momentum na, sir? Tapos eh kailangan nga talaga ang death penalty, para it will send chilling effect sana doon sa mga nagbabalak, pero without death penalty how is this. Do you think this will hinder iyong masigasig na kampanya ng administrasyong Duterte against criminality?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko, partner, kung ang taumbayan ang magsasalita and their Congressman, their lawmakers, if they participate in the debates that are being sponsored by the churches, sa palagay ko makikinig naman ang mga liderato natin sa Kongreso. Of course, ano ito, we are a free society, lahat po ng—we have a market of ideas at alam naman natin as a Catholic nation ay talagang merong opposition talaga.

TULFO: Okay. Sec, anyway napu-putol po kayo.  Maraming salamat po, Secretary Martin. Thank for your time with us this morning, sir.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat partner Erwin Tulfo at sa lahat po ng nakikinig sa inyong programa. Mabuhay po kayo diyan sa Radyo Singko. Salamat.

TULFO: Have a nice weekend po.

SOURCE: NIB Transcription