INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue
02 February 2016
 
ALAN: Ngayon po ay 65th anniversary ng Department of Social Welfare and Development, at mismong ang Pangulong Noy ang mangunguna po sa selebrasyon na iyan. Bilang advancer po, ano pong mga expected na maging highlights ng selebrasyon ngayong araw na ito ng anibersaryo ng DSWD, Sec. Sonny, sir?

SEC. COLOMA: Ang mahalagang dapat nating pansinin sa pagdiriwang na ito ay iyong malayo nang narating nung Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagbunsod sa pag-angat ng kabuhayan ng marami sa ating mamamayan at nakapagbigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na magkaroon ng hanapbuhay at higit sa lahat iyong matapos iyong kanilang pag-aaral, dahil ito ay ang edukasyon ang susi sa pag unlad ng kabuhayan. At umani din ng pagkilala ang ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pandaigdigang larangan at ito ay kinilala ng World Bank at ng iba pang mga international multilateral organizations, Alan.

ALAN: Opo. We understand na patuloy po ang pag-aaral para mai-expand ang coverage nitong ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Like halimbawa po dito sa budget para sa taong kasalukuyan 2016. Mga more or less ilan po ang nakikitang posibleng madagdag dito sa mga beneficiaries po ng 4Ps ng pamahalaan.

SEC. COLOMA: Sa aking pagkabatid ay mahigit na sa P65 billion, parang ganoon, more or less P65 billion na ang nakalaan dito. Nag-umpisa ito noong 2010, ang inabutan ng administrasyon ay 800,000 beneficiaries lamang.

Doon sa pinakahuling tala ng DSWD as of August 2015: 4,353,597 active household beneficiaries, of which 57o,056 are indigenous households — iyong sa mga indigenous peoples natin, Alan; at 217,359 ang merong at least one person with disability. At ayon din sa DSWD, ang sakop na school children hanggang age 18 ay lampas na sa 10 milyon — 10, 235,658 school children na ang average ay two to three children per household. Dahil iyong buod nga nitong programang ito, Alan, iyong pagtitiyak na iyong mga musmos at batang miyembro ng pamilya ay makakatapos ng basic education para maitawid nila iyong kanilang kabuhayan mula sa kahirapan, tungo sa mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng makabuluhang hanapbuhay, Alan.

Iyan ang mga kabit-kabit na layunin ng Pangtawid Pamilyang Pilipino Program, na meron ding component na Conditional Cash Transfer.

ALAN: Opo. Bale, Sec. Sonny, talagang itong nabanggit ninyo, halimbawa iyong pag-aaral ng mga anak, para fully matugunan nung isang posibleng benepisyaryo iyong mga requirement dito sa pagtanggap niya ng Pantawid, ika nga ano ho, eh tungkulin naman niya na maipadala sa eskuwelahan o mapag-aral iyong kanyang mga anak doon sa mga public schools natin. Parang isa iyon sa mga kondisyon ano ho; maliban pa, Sec., doon sa kung sakaling child-bearing age iyong nanay o kaya ay buntis, ay iyong regular na pagpapa-check naman niya sa mga health centers. Bahagi pa rin ng mga kondisyon iyon, Secretary Coloma, hindi po ba?

SEC. COLOMA: Ito iyong mga kondisyon, Alan: Iyong mga children beneficiaries — mula kindergarten hanggang 18, hanggang high school — ay dapat na makapagtala ng 85% attendance, para tiyak na makakatapos. Iyong mga nasa edad na 6 hanggang 14 na taon ay tumatanggap din ng deworming pills twice a year. Iyon namang up to 5 years old ay tumatanggap ng regular preventive health check-ups at vaccines. Kaya pati iyong kalusugan ng pamilya ay mahalagang bahagi nito. Iyong mga magulang o guardians ay dapat ding mag-attend ng family development sessions, including topics on responsible parenting, health and nutrition. Kung iyon namang mga ina ng pamilya, iyong mothers ay nagdalang-tao, kinakailangang ay mag-avail sila doon sa pre- and post natal care at matulungan sa panganganak ng isang trained professional, either doktor o midwife. Kaya’t mapapansin natin, Alan, ito ay isang integrated program.

At malayo na ang narating ng DSWD. Naalala ko nung ako ay nasa high school pa lamang, naging ka-partner namin iyong DSWD para maghatid ng mga relief goods. ‘Di ba parang ang imahe dati ng DSWD, kapag binanggit mo iyong—nag-umpisa pa yata ‘yan Social Welfare Administration. Ang unang imahe niyan ay may kalamidad at relief goods. Parang iyon ang kanilang nakagisnan na nating main activity. Pero ngayon ay hindi na ‘no. Social protection na ito, integrated special protection, human development at iyon ngang poverty reduction o poverty alleviation. Kaya malayo na ang narating ng ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

At pansinin din natin, mahigit sa apat na milyong pamilya ang lumalahok dito. Ang bawat isa doon ay identified by family name, place of residence, iyong pangalan ng ama, ina at ng mga anak. Talagang masinsin iyong pagsubaybay sa kanila at recently ay isinama na rin dito iyong mga walang tahanan, iyong mga homeless, at na-expand na rin mula elementarya na hanggang high school dahil doon sa pag-aaral na kapag nakapagtapos ng high school ay tumataas ang posibilidad na makakakuha ng hanapbuhay.

ALAN: Ayon. Okay. And later, Sec., mismong ang Pangulong Noy ang mangunguna sa paggunita sa anibersaryo ng DSWD, Secretary Coloma.

SEC. COLOMA: Idaraos ito sa Heroes Hall ng Malacañang Palace, Alan

ALAN: Yes, sir. Okay. Sir, salamat po ng marami muli for the updates from the Palace.

SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga.

SOURCE: NIB-Transcription