Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – Punto Asintado by Maricel Halili
23 December 2016

MARICEL:  Good morning, Sec.

SEC. ANDANAR: Hello, Maricel.

MARICEL: Merry Christmas, Sec. Naka-holiday mode na tayo.

SEC. ANDANAR: Tama ka, holiday mode lahat, pero tayo nasa trabaho natin. Merry Christmas po sa lahat ng mga kababayan natin.

MARICEL:  Sec, ito good news, I’m sure para sa inyo. Kasi excellent pa rin iyong naging rating ni President Duterte – iyong kanyang trust rating – although bahagyang bumaba, pero nandoon pa rin siya sa category na excellent. Ano po iyong mensahe dito ng Malacañang?

SEC. ANDANAR: Ang opisina po ng PCO at opisina ng Pangulo ay nagpapasalamat sa mga taga-suporta ng Pangulo sa patuloy na tiwala dahil mahalaga po ang tiwala ng taumbayan para mas mapabilis po ang reporma na ating ninanais.

MARICEL: Ano iyong nakikita ninyong dahilan, Sec, bakit nanatili pa rin sa ganoong category iyong trust rating ni Presidente?

SEC. ANDANAR: Kasi nakita po ng kababayan natin na mabilis magtrabaho ang ating pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Duterte at nakita po nila na hindi na po tayo puro salita. Eh mabilis po iyong gawa, lalung-lalo na siguro kung umabot survey sa pirmahan ng National Budget na nakita nila ang ating Pangulo sinsero at iyong kanyang gusto na libreng  edukasyon at libreng irigasyon ng ating mga magsasaka ay siguro mas mataas pa sa +72. Pero alam naman natin instead of hovering around the excellent… that rate of excellence. Salamat po sa taumbayan.

MARICEL:  Kahapon lang napirmahan ano, iyong National Budget natin, pero ito iyong first budget under Duterte administration, ano Sec. Ano iyong pinaka-magiging focus natin, although nabanggit nga rin kahapon ni Presidente na education, saka iyong irrigation. Aside from that, ano po iyong pinaka-sentro ng ating National Budget for next year?

SEC. ANDANAR: Well, nakita naman natin na binanggit po ng ating Pangulo na itong 2017 budget ay talagang pro-people, pro-investment, pro-development. Iyong libreng edukasyon, kasi nabanggit po sa mga state colleges at universities; iyong universal health care; nandiyan po iyong 2.6 billion na alokasyon para sa construction at treatment ng rehab  Centers.

Hello? Pasensiya na kasi tumatakbo ng Skyway, alam mo napuputol. Tapos nandiyan rin iyong 45 billion pesos para Department of Agriculture, 137 billion para sa Department of Defense at nakita naman natin ang—nagbigay po si Presidente ng isang bilyon mula sa PAGCOR para po sa mga gamot, etc.

 Marami, talagang pro-people ito, Mace. At lahat po ng mga infrastructure projects, lahat po ng ito ay mararamdaman ng ating mga kababayan ngayong darating na 2017. Kaya po panatag ang ating loob na ang ating ekonomiya ay lalo pang lalakas dahil sa budget spending sa imprastraktura at ang infrastructure projects ay nakakalikha ito ng trabaho.

MARICEL: At saka Secretary, di ba laging sinasabi ni Presidente doon sa kanyang mga speech na laging tandaan na iyong pag-start kasi ng kanyang term iyong budget eh from Aquino time pa, kaya hindi ma-push iyong mga project especially for illegal drugs. So, ngayon meron  na tayong enough budget for that.

SEC. ANDANAR:  Opo at ang maganda diyan kasi bukod sa 3 trillion na budget ay nandiyan din iyong mga investments, soft loans, grants na ibibigay sa atin ng iba’t-ibang bansa tulad ng China, tulad ng Russia, Japan ay—at iyong mga negosyante na pribado. At ito ay mararamdaman natin sa susunod na taon. Nandiyan din iyong mga PPP, iyong mga riles na gagawin. Kanya the next six years will be happier for our citizens at mararamdaman ninyo na unti-unti nating makakamit iyong ating pangarap na maging rising tiger sa Asean. At mahalaga ito dahil next year ay tayo ang chairman nga ng ASEAN at makikita rin ng mga banyaga, lalo na ng mga miyembro ng ASEAN, na tayo po ay patungo na doon sa kaunlaran na gusto natin.

MARICEL: Okay, Sec. pahabol lang ano po. Paano ba balak ni Presidente mag-celebrate ng Christmas? Siyempre mukhang nakauwi na siya ng Davao eh.

SEC. ANDANAR:  Kung hindi po mabago iyong schedule ay magkakaroon po ng usual na visit ang ating Pangulo tuwing Christmas Eve dito po sa mga cancer patient sa Davao. Tapos usually binubuksan niya iyong kanyang tahanan, sa clubhouse, sa ating mga kababayan na mahihirap sa Davao City. Then meron pong Christmas Party ng Pangulo na binibisita din po iyong mga kaibigan, mga (unclear) sa Davao City.

MARICEL:   Ayon, so sa Davao talaga si Presidente. Sige Sec. Maraming-maraming salamat sa iyo at aka Merry Christmas. Mag-start na tayo ng holiday natin.

 SEC. ANDANAR: Merry Christmas Mace, at sana ay tuloy-tuloy po ang success ng Radyo 5, ng TV 5. Namimiss ko na kayo diyan.

MARICEL:  Oo nga.

SEC. ANDANAR: Ito iyong first Christmas na hindi tayo ang magkasama, after 15 years natin sa TV 5. Pero I would like to congratulate also your station, lahat po ng kasamahan ninyo diyan sa Media Quest at si Atty. Rey Espinosa. Nais kong magpasalamat sa suporta po na binibigay ninyo sa atin nung tayo ay nandiyan pa at suporta din na binibigay Media Quest sa ating bansa. Alam naman natin na mahalaga po iyong partnership ng gobyerno at ng media para mas lalong mapalago natin ang ating buhay. At nais lang din pong batiin si Ma’am Luchi Cruz-Valdez ng Merry Christmas; si Ma’am Lanie Lucas, lahat po na mga dating boss natin sa TV-5. I heard kasi Mace, na something is brewing inside TV5 and Media Quest. And I think this will be very good for the entire network, for the entire organization.

 Mabuhay po and Merry Christmas din kay MVP. Mabuhay kayong lahat.

SOURCE: NIB Transcription