Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Punto Asintado by Erwin Tulfo – DWFM
29 August 2016

TULFO:
Sec., good morning.

SEC. ANDANAR:
Good morning, partner. Good morning sa lahat ng nakikinig sa atin sa Punto Asintado at Radyo Singko.

TULFO:
Batiin mo na rin iyong mga … kasi tayo ay naka-Facebook Live na ngayon, Pareng Martin, at maraming nagla-like dito. Susmaryosep, tuluy-tuloy iyong, ika nga, like at share, etc., etc.

SEC. ANDANAR:
Oo, binabati natin lahat ng nakikinig sa atin, nanonood sa Facebook Live sa Punto Asintado. Nami-miss ko na kayong lahat, mga tagasunod ng Punto Asintado.

TULFO:
Ayun, nagsalita ka lang, tuluy-tuloy na, wala nang patid iyong mga like. Diyos ko po naman, at tumatakbo itong kulay blue, kulay pula, kulay dilaw, mga puso, mga thumbs-up dahil nagsalita ka.

But anyway, Secretary, maiba tayo. Dito tayo sa … ano bang instruction, mayroon bang instruction ang Pangulo dito sa … nakarating na ba sa Pangulo itong nangyaring pagtakas, sir, ng sampung miyembro at iba na mga nakakulong diyan sa Marawi City Jail noong linggo, Sec?

SEC. ANDANAR:
Alam mo, lahat naman, partner, ay gagawin lahat ng mga bandido, mga terorista para makatakas iyong kanilang mga kasama, iyong kanilang mga kabaro dahil alam nila na seryoso po ang pamahalaan sa war against drugs, war against terror and war against war against bandits ano. Siguro ngayon lang nakita ng talagang totoong kalaban ang mga bandido na iyan, mga terorista na iyan. So they will do everything they can to save their heads.

TULFO:
Oho. So I am sure as we speak, sir, ay tuluy-tuloy itong operasyon at walang puknat ng PNP at AFP para ma-recover muli itong mga miyembro ng armed extremist na Maute Armed Group?

SEC. ANDANAR:
Oo, tuluy-tuloy iyan kasi siguro nakita nila iyong walang patid na operasyon na nangyayari ngayon sa Sulu. Kita naman natin a few days back, despite ‘no na higit sa dalawapu’t isang mga miyembro ng Abu Sayyaf ang nabura sa mapa ano, tuluy-tuloy ang operasyon.

So we expect this… the AFP and PNP expect this kind of events na mangyari. Pero tuluy-tuloy po, hindi po titigil talaga. Lalo na ngayon na napaka-high morale po ng ating mga kasundaluhan at kapulisan.

TULFO:
Sabi nga po noong isang araw, sir, ni General Restituto Padilla nang makapanayam natin, at saka ng WestMinCom, kakaiba raw ito kumpara doon sa mga operations ng former administration. Dahil itong administration daw na ito ay todo ang suporta financially at saka material at saka personnel ay binibigay daw po ngayon sa WestMinCom para madurog itong Abu Sayyaf. So this is very different compared to the previous administrations.

SEC. ANDANAR:
Oo, kakaiba talaga, partner. Alam namin natin, tayong mamamayan na we are really facing so many enemies at all fronts. Nandiyan iyong mga druglords, nandiyan iyong mga bandido, nandiyan iyong mga terorista. Now, sadly, iyong international press has been very negative on us and our country. Siguro this is the time that we all take all the cudgels for every Filipino, we also have to support our President. You know, we only have one country. Sabi nga ni Presidente noong tumatakbo po siya na, “here is the last card,” and he’s really showing na he really is the last card.

 And for us to be very successful in all of our warfare ay kailangan pong suportahan po natin. Huwag po nating pabayaan na mabugbog po tayo sa international media. Tayo, halos lahat tayo, mayroon tayong mga Facebook pages, mayroon tayong mga Twitter, etc., so we have to be one. We have to share the good news. We have to share the gains of the government.

TULFO:
Pero kahit papaano kasi, Secretary, alam ko hong suportado po ang Pangulo ng mga bumoto po sa kaniya na labing-anim na milyon. Pero meron pa rin ilang mga kababayan natin, siguro iyong mga hindi bumuto po sa Pangulo, ay mukhang hindi po nasisiyahan at hindi po nagugustuhan itong mga relentless at saka itong masigasig na effort ng pamahalaan para matuldukan na po itong problema sa droga ay nagkukomento at nagre-react; medyo hindi ho nila gusto. Kaya pumapasok na rin pati mga international communities ho, mga organizations at nakikialam nga dito. Ano hong reaksiyon po ng Pangulo dito na panay negative lalo na po sa international community, sir?

SEC. ANDANAR:
Well, ako, partner, ang reaction ko personally ‘no, alam mo tayong mga Pilipino talaga ‘no mayroong mangilan-ngilan sa atin na mayroon pa ring mga crab mentality, na sayang naman kasi alam naman natin na majority of the Filipinos, 91% of the Filipinos believe in what the President is doing, the campaign.

You know, it was just 60 plus days ago that the President got the highest mandate ‘no in our… the history of our presidential elections ‘no. At iyong mandate na iyon ay nangangahulugan na sinusuportahan nila ang lahat ng plataporma de gobyerno ni Presidente Rody Duterte. So malungkot lang dahil tayo ay tuluy-tuloy na umaasenso. Panalo na tayo sa phase 1 ng giyera kontra droga, partner. If you have almost 700,000 who have turned themselves in para ma-rehabilitate, at doon sa 700,000 ay nasa mga 30,000 iyong mga pusher ‘no. This is Guinness Book of World Record, panalo na tayo.

But then again, mayroon pang second phase. At iyong second phase niyan ay paano ayusin iyong ating mga drug rehabilitation centers, paano pabilisin iyong ating prosecutorial processes ‘no dahil may problema ho tayo sa ating judicial process, na natetengga po iyong mga kaso. So marami pong dapat gawin, kaya dapat tulungan po natin ang ating pamahalaan.

TULFO:
Speaking of second phase nitong drug campaign ng Duterte administration, sir, I think the President was quoted before na wala na raw pong pag-asa iyong ilang drug dependents. What does he mean by that, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Kung titingnan natin, partner, iyong lahat ng mga drug dependents, ayon nga sa sinabi ni Dr. Vergara, ay dalawapung porsiyento lang po iyong may pag-asa talagang ma-completely rehabilitate. This is a chronic disorder, it’s a chronic problem. Ibig sabihin, lifetime po iyong pagpagamot o iyong rehabilitation ng isang drug dependent.

Now, marami po doon sa mga drug surrenderees o iyong mga nagprisinta, hindi lang ho shabu. Mayroon po doon iyong marijuana, mayroong cocaine, halu-halo po iyan ‘no. Pero alam po natin na kapag shabu po iyong ginamit mo, this is the poor man’s cocaine, ay talagang liliit po iyong utak ng tao ‘no. At marami doon iyong sinasabing beyond redemption, but you can manage it by putting them in drug rehabilitation centers para hindi po gumawa ng mga kalokohan. Eh papaano, iyong iba rin kasi doon, iyong mga drug dependents, lalo na iyong sa shabu, ay nasisiraan na po ng ulo.

TULFO:
So ano hong solusyon dito, sir, kung sila’y magsu-surrender, iri-rehab pero kung wala naman hong pag-asa, papaano ho matitigil ito, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR:
Number one ho, you have to cut the supplies of drugs all over the country. Kailangan hong mabantayan nang husto. Number two is to manage them properly. The doctors would know this better kung papaano po, sina Dr. Vergara kung papaano i-manage, but sinabi na nga ni Dr. Vergara na 20% lang ng mga lahat na drug dependents ay really have a chance to 100% recuperate from this disorder.

But then again, hindi naman ibig sabihin na walking dead iyong ang isang tao ay hindi mo tutulungan, kasi tao rin naman iyan—

TULFO:
Of course.

SEC. ANDANAR:
So, ang solusyon po diyan ay dagdagan iyong ating mga drug rehabilitation centers.

TULFO:
Pero for now yata, Secretary, since wala pang naitatayong rehabilitation centers. Gagamitin po muna, tutuloy ho ba iyon, at kailan natin makikita na dadalhin sa mga kampo ng militar itong mga drug dependents po natin, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Mayroon na hong mga nasa kampo, partner. Mayroon na ho sa mga kampo ng kapulisan at mga Army, at dito po sa mga probinsiya. Pero mayroon pong ginagawang isang malaking drug rehabilitation, I think, somewhere here in Central Luzon. Hindi ko na lang ipi-preempt ang Pangulo dahil siya po iyong mag-aanunsiyo noon. We are continually working – the President, Department of Health, PNP, AFP, lahat po ng sangay ng gobyerno na mayroon pong stake dito sa giyera kontra iligal na droga.

TULFO:
All right. Sir, another issue. I’m sure eh … ito naman ho ay hindi sa departamento ninyo pero nais ko lamang iparating sa inyo para makarating ho sana sa pamunuan ng Department of National Defense. Ito ho eh if you have just a minute or two, noong nakaraan po, ito po ay parang midnight deal ho ito. Iyon dati pong administration, ang DND po, ay trying to purchase two frigates. Nagpa-bidding po sila, 15 billion plus po iyong worth nung dalawang frigates. Marami pong sumali, kasama po diyan iyong Indonesian company na supported by the Indonesian government, at saka iyong Hyundai ng Korea. Eh pagmukat-mukat, sir, noong bidding na, ang pinakamababa po ay iyong Indonesian na company na supported or backed up by the Indonesian government ang nananalo sa pricing. 

Pero ang nakapagtataka, sir, ibinigay sa Hyundai na sinasabi ng ilan ay wala naman daw experience sa Hyundai na gumawa ng mga naval warships eh doon po naibigay sa kanila. Kaya nagrereklamo po itong Indonesian company na, ika nga, suportado ng Indonesian government, ito po ay nirereklamo nila. Baka puwede raw pong silipin ito, Sec. Martin, at maiparating kay Secretary Lorenzana o ng Department of National Defense, sir.

SEC. ANDANAR:
Sige po. Ang pinaka-the best po na gawin natin, Pareng Erwin, siguro ay ipadala mo iyong dokumento sa opisina ko tutal papasok naman ako ngayong araw na ito. Tapos madalas ko namang makausap si Secretary Delfin Lorenzana, at sisiguraduhin ko pong maiparating kay Secretary Delfin—pero anyway, kagaya po ng pakiusap sa atin idol Raffy Tulfo ‘no na kausapin si DepEd Secretary Briones, nakausap ko na po at I think tinawagan na po si idol Raffy.

But iyong concern diyan na binanggit ninyo tungkol diyan sa Department of National Defense na frigates na binili, kung puwede ipadala sa opisina ko iyong dokumento para maipasa ko kaagad kay Secretary Lorenzana.

TULFO:
Alam mo, Sec., before I let you go, iyong inihanda kong cake na binili ko lang naman diyan sa isang bakeshop ay yelo na doon sa freezer ng aking refrigerator. Nagpakanda-hirap pa naman ako, Secretary, nilagay ko ‘Happy Birthday, Secretary and former partner Martin Andanar.’ Yelo na, sir, chocolate cake.

SEC. ANDANAR:
Mayroon akong event ngayon sa Shangri-La EDSA Plaza kasama iyong ibang mga media. Alas dose nandoon ako, kung gusto mo akong puntahan, puwede naman akong lumabas doon sa event at tikman natin iyong cake na iyan.

TULFO:
Maraming salamat po, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:
Salamat, partner. Mabuhay ka.

##

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)