Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Super Radyo Nationwide by Francis Flores – DZBB
27 August 2016

FLORES:
Aba, na-contact na ang binabati nating nag-birthday – si Secretary martin Andanar ng Presidential Communications Office. Magandang umaga po, Secretary Martin Andanar. Good morning.

SEC. ANDANAR:
Good morning, Francis. Good morning sa lahat ng nakikinig sa atin dito sa DZBB. 

FLORES:
DZBB siyempre. Teka muna, belated Happy Birthday muna.

SEC. ANDANAR:
Salamat po. 

FLORES:
Ang lagay eh, ganiyan lang sabi ni Kapitan Andoy (laughs)

SEC. ANDANAR:
(Laughs) Ganiyan-ganiyan na lang.

FLORES:
Ganiyan-ganiyan na lang (laughs). Secretary Martin seriously, nasaan na ngayon si Pangulong Duterte? Ano, hindi ninyo po din alam…

SEC. ANDANAR:
Opo. Nandoon po sa Davao ngayon si Presidente, Francis.

FLORES:
‘Ayan ba ngayon ay kaniyang rest day, as in iyong nasabi na noong mga nakaraang pagbabalita, rest day ba nga niya ang Saturday at Sunday?

SEC. ANDANAR:
Yes. ‘Pag Saturday saka—actually, Saturday iyon lang ang rest day niya talaga kasi ‘pag Sunday nagtatrabaho na ulit si Presidente eh. Pinupuntahan ho niya iyong iba pang mga activities na naka-schedule.    

FLORES:
So, isang araw lang talaga pala ang kaniyang pahinga. Okay. Puwedeng kuwentuhan mo naman kami bilang PCO Secretary, ito’y kuwentuhang—siyempre iyong mga nangyayari ngayon sa Malacañang at ang mga activities ni President Duterte. Ano na naman ‘tong mukhang may isyung mag-iinit tungkol dito sa reaction ni President Duterte laban sa sinabi ni Chief Justice Sereno tungkol doon sa warrantless arrest?

SEC. ANDANAR:
Well, sinabi naman ni Presidente sa kaniyang talumpati na with all due respect – at sinasabi niya ito with all respect and formality – na it was legal opinion na sa palagay niya ay, ito ay mali ang sinabi ni Supreme Court Chief Justice. At ipinaliwanag po naman ni Presidente Duterte kung ano ang ibig sabihin ng warrantless arrest. Oh, so kaniya-kaniyang pananaw iyan eh. Of course mga abogado po iyang mga iyan eh; si Presidente dating prosecutor; si   Chief Justice…. Mayroong kaniya-kaniyang mga opinyon, at mas magandang pakinggan ‘pag iyong dalawang abogado ang nagdedebate.

FLORES:
Mayroong mga interpretation, ‘di ba, ng law, iyong mga—at saka, well may opinyon at posible nga, sabi nga ng iba mukhang nagbabalik na naman ang—napansin nila, Sec. Martin, na kumalma na noong una, nag-sorry na si President Duterte tungkol doon sa maanghang na salita. Eh mukhang may maanghang na namang salitang naidagdag ang Chief Justice Sereno. 

SEC. ANDANAR:
Well hindi naman maanghang Francis, kasi nakita naman natin sinabi ni Presidente na with all due respect, formality ay ipinaliwanag niya iyong kaniyang legal opinion. These are two lawyers talking already. Sa mga abogado napaka-interesting po iyong kanilang pinag-uusapan. At para po sa mga non-lawyers like us, we are also learning something new everyday. Ipinaliwanag po ng Presidente na warrantless arrest, ito iyong, halimbawa na lamang, hindi ka naman pulis at hindi ka sundalo or pulis o sundalo, at tinutukan ka lang at nakita mo na, nasa harapan mo may isang tao tinutukan ng baril iyong isa, a crime is about to be committed, puwede mong hulihin iyong tao na iyon kahit na wala kang warrant of arrest. (phone connection cut)

FLORES:
Naputol. Ang tawag doon, Sec. Martin, ay citizen’s arrest. Oo nandoon na, actually makikita mo na eh. Oh naputol, pakibalikan mo lang Secretary Martin, si birthday boy and Secretary, Presidential Communications Office. Iyon po, nagsisimula pa lang kami sa aming usapan tungkol dito sa—eh nag-react na naman, nagkaroon ng reaction. Oh tuloy mo Secretary Martin, naputol ka, iyong iyong sinasabi about—

SEC. ANDANAR:
Ipinaliwanag ni Presidente na halimbawa, a crime is to be committed in front of you, even if you are police or not, or you’re a normal person na soldier, puwede mong hulihin asi nakikita mo na a crime is about to be committed. (overlapping voices) It’s a warrantless arrest, citizen’s arrest, at iyon iyong pinapaliwanag ni Presidente, he opined legally to the Chief Justice and in front of the media kung ano iyong kaniyang punto. So, at sa palagay ko naman ay hindi naman ito maanghang na salita. Sa palagay ko naman ay tatanggapin din po ni Chief Justice as a legal challenge sa kaniyang mga binitiwang salita noong nakaraang araw.

FLORES:
I hope hindi iyon lumala, at mali na namang maging isang malaking isyu, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:
Hindi naman po…

FLORES:
Punta ‘ko dito sa isyu ng, eh aayunan din ni President Duterte ang postponement noong barangay and SK elections. Ang sinasabi niya, iyong mayroong possibility na ang gagamitin o posibleng magamit ang pondo o pera na nanggagaling sa mga illegal drug operation. Tama ba ito, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:
Well ang Presidente naman, ay ipinahayag niya iyong kaniyang sentimyento pagdating sa barangay at sanggunian election na makakatipid tayo, magastos, mahirap. You know, it’s good that the minds of the legislators, the Lower House and the Executive ay nagkakaisa sa isang isyu. So my understanding, ay ito po ay unang ipinanukala ng Lower House na i-postpone nga itong barangay and SK elections, at iyon nga dahil magastos kagaya dito sa eleksiyon, at marami pang ginagawa ang Kongreso na pinapasang batas, minamadali ‘no para maging Saligang Batas iyong mga panukala, mga polisiya po ng ating Pangulo.

Our President also has his own idea kung bakit hindi dapat mangyari iyong barangay elections. I don’t think it’s—it’s been done before, so it should not pose any problem to the country. Now—

FLORES:
Iyong sinasabi po nga niya, sa point nung nilabas na balita ay nakasentro siya doon na posible o baka magamit nga ang perang nanggagaling sa illegal drug operations, sir.

SEC. ANDANAR:
Yes, Francis. You know, anything can happen at this point in time. So iyong ating giyera kontra iligal na droga ay namamayagpag. In the first phase of the war against drugs, masasabi nating matagumpay na tayo eh kasi mayroon na tayong almost 700,000 who turned themselves in sa otoridad ‘no. Never in history has this happened, na ganoong kadaming mga drug dependents at drug pushers that—drug pushers, you would count them to about more than fifty thousand who turned themselves in, and iyong the rest are drug users, drug dependents. Iyong mga nasa—mga 650,000 na gustong magpa-rehab.

So it’s not just the first phase. Of course mayroon pang second phase. Iyong second phase meaning, iyong mga mas malalaking tao, iyong mga mayayaman, iyong mga big time, iyong mga politiko, mga heneral, mayor ‘no na dapat ay makasuhan na rin dahil nabanggit na nga doon sa matrix. Nandiyan din po iyong ating pakikipagtulungan sa Department of Health, sa AFP para bilisan itong pagpagawa ng ating mga drug rehabilitation dahil hindi naman puwedeng hindi mo i-rehab ang mga sum-urender o nagprisinta.  So this is part of the second phase. And maybe we can add to that – maybe judicial process, procedure para mas lalong mapadali, mapabilis iyong pagsasampa ng kaso, pag-solve nito sa mga korte ‘no dahil hindi naman puwedeng nakatengga lang diyan sa mga korte. Oo, hindi natin alam kung anong gagawin ng Presidente pero kasama po iyan sa susunod na mga hakbang.

FRANCIS:
Speaking of, nabanggit mo iyong drug matrix. One point lang Secretary Andanar, mayroon pa bang ilalabas na mga personalities na involved doon sa drug matrix na iyan na nilabas ni President Duterte?

SEC. ANDANAR:
Alam mo Francis gusto ko man sabihin, pero sinabi po ng Presidente na marami pang pinag-aaralan. Gusto ko mang sabihin kung sino itong mga ito, pero I am not in a position dahil ito ay nasa—iyong baraha po ay malapit sa dibdib ng Pangulo.

FRANCIS:
(Laughs) I can understand that. Naintindihan ko po iyon Secretary Andanar, bilang isang, of course Presidential Communications Office and Chief nga, of course eh kailangan Presidente maglabas niyan. I’m sure, iyong sagot mo diyan ay mayroon pa. Ibig sabihin, aabangan ng ating mga taongbayan, tama ba?

SEC. ANDANAR:
Ang panawagan ko lamang siguro Ka Francis at sa lahat ng mga nakikinig sa inyo sa programa ninyo, ay doon sa taongbayan na patuloy po nating suportahan ang ating Pangulo sa laban kontra iligal na droga. We all have a stake in this war – you, me, our children, our grandchildren, kahit ikaw po ay reporter, kahit ikaw ay anchorman, kahit kayo ay nasa media, eh tayo pong lahat ay Pilipino. This is our national interest, the national interest of every Filipino ‘no, na malinis po ang ating lipunan, na maibalik po ang kalsada sa mga kabataan. At kapag tayo po ay natalo ng mga media, mga media entities sa labas ng bansa na patuloy po ang paninira sa ating Pangulo, ay hindi lang po ang Pangulo masisira natin pati po ang ating bansa.

So tandaan po natin, isa lang po ang bansa natin; tandaan po natin na ang ating Pangulo ay mayroong mandato. Eighty plus days ago, siya po ay ibinoto bilang Pangulo, at sa paniwala ng ating mga kababayan, sa kaniyang plataporma, itong giyera kontra droga, hindi na po ito surprising dapat sa lahat dahil paulit-ulit na pong sinabi ng Pangulo na ito ay magiging madugo, itong giyera na ito. Suportahan po natin, dahil kapag hindi po natin suportahan eh babalik po tayo doon sa nakaraan, at lalo pong dadami ang mga drug addict at mga drug lord sa bansa natin. So sana po ay suportahan natin ang ating Presidente, Ka Francis. 

FLORES:
Alright. Well said Secretary Martin Andanar, matulog ka na ulit birthday boy. Salamat po. Maraming salamat. Thank you, kung may mga issues pa rin eh sana makausap ho ulit namin kayo. Thank you.

SEC. ANDANAR:
Salamat. Salamat sa inyo.

FLORES:
Salamat. Thank you, Secretary Martin Andanar.

———-

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)