Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
By Melo del Prado and Orly Trinidad, Super Balita sa Tanghali Nationwide – DZBB
25 August 2016

ORLY:
Secretary Andanar, magandang tanghali sa iyo.

SEC. ANDANAR:
Magandang tanghali po sa dalawang mga guwapo. Kumusta po kayo?

ORLY:
Aba’y ikaw ang idol namin eh. Sa’yo na nanggaling iyan ha. Baka kasi magduda pa iyong iba, buti ikaw ang … eh spokesperson ka.

Kunan ko lang ng reaksiyon from you, Secretary, kung ano—ito, katatapos lang na report ni Nimfa Ravelo na nagpalabas ng matrix. Parang hindi naman daw ito tatakbo dahil walang ebidensiya, eh wala itong patutungahan. Bagama’t ang DOJ may binabanggit na mayroon silang anim na kukuning mga testigo. Makatitiyak ba ang sambayanan na sapat ang ebidensiyang ilalatag ng administrasyon dito sa mga pangalan na nasabi sa matrix ni Pangulong Duterte, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Orly, makakatiyak ang sambayanan na kung anuman ang mga pahayag ng ating Pangulo ay na back-up ito ng matibay na ebidensiya. Iyong una pong mga binanggit ni Presidente noon sa matrix ng mga heneral na diumano’y sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga, at dalawa doon ay kinasuhaan ng DILG, at sunud-sunod na iyan. Kumbaga, kung sino ang unang nakapila, iyon ang uunahin. So iyong mga nabanggit po ni Presidente kagabi na matrix ay ilang beses din po iyon tsinek, bineripay (verified), binalideyt (validated) dahil nagkaroon po tayo nang konting problema doon, doon sa unang binanggit na matrix na mayroon pong mga personalidad doon na patay na ‘no. So, aminado naman ang ating Chief PNP na nagkamali nang kaunti dito kaya siniguro po natin, ng ating Pangulo, at ng PNP at PDEA at ng DOJ na itong matrix binanggit kagabi ay validated.

MELO:
So, suportado ito ng mga ebidensiya at saka iyong mga personalidad na maaaring magbigay po ng mga affidavit tungkol dito, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Yes, tama ka, Sir Melo, suportado ito ng ebidensiya. At ganoon din naman ang ating ini-encourage po iyong mga nabanggit doon na siguro, they have to prepare their own evidences na hindi sila sangkot sa gawain na iyon. And of course, nabanggit na nga ni Usec. Baraan na he will only answer this once na ito ay nasampa sa korte. So I guess, si Usec. Baraan ay ayaw niyang makipaglaban before the bar of public opinion, kung hindi doon mismo sa korte, sa husgado.

Q:
Kasi dalawang matrix na, Secretary, iyong lumalabas eh – iyong matrix na nandoon iyong mga narco generals, pagkatapos itong nandito si Secretary De Lima. Iyan bang dalawang matrix na iyan, in anyway, magkaugnay din ba iyan?

SEC. ANDANAR:
Hindi ko kasi nakita iyong matrix kagabi kasi nandito po tayo sa Maynila. Kaya pasensiya na po hindi po at ako makapag-confirm ng exact—

Q:
Tumutukoy yata iyon, Secretary, sa operasyon ng drugs sa loob ng New Bilibid Prison.

SEC. ANDANAR:
Opo.

Q:
Parang hindi lang yung kung papaano tumatakbo ito, ika nga, nailalabas at ano iyong mga koneksyon. Siguro iyon din ang gustong malaman ng ating mga kababayan dahil baka rin may kaugnayan din iyong mga narco generals ‘pag nailabas na ng New Bilibid Prison iyong droga.

SEC. ANDANAR:
Well, mostly likely, Melo and Orly, kasi nakita ko naman iyong unang matrix at mayroon naman talagang mga drug lords ‘no. So nakalagay doon na nakakulong na (LINE CUT)

Q:
Saglit lang mga kapuso. Naputol ang linya natin. Nagbabalik po si Secretary Martin Andanar. Secretary, hello?

SEC. ANDANAR:
Oo, Sir Melo at Orly. So—

Q:
Pasensiya na ha, naputol tayo.

SEC. ANDANAR:
Hindi, wala tayong magagawa. Ganoon talaga.

Q:
May matrix ba kayo ng mga cellphone companies? (Laughs) Go ahead, Secretary.

SEC. ANDANAR:
(Laughs) Baka mabawasan kayo ng advertisement diyan.

Q:
Iyong tinanong natin kanina, iyong koneksyon ng dalawang matrix. Kasi ang napuna namin diyan, Secretary, may common denominator. Kasi iyong nakakulong doon sa Bilibid, iyon din ang koneksyon nung una at saka pangalawang matrix. Tama ba iyon?

SEC. ANDANAR:
Opo. Kasi iyong unang matrix po, nakasulat doon iyong mga diumano’y drug lord talaga ‘no. Sila iyong king of kings ‘no, na nakasulat doon sa unang matrix. Sa Bilibid mayroon tayong, I think, mga isa o dalawang nasa top tier talaga doon na drug lord, tapos meron pa sa ilalim, parang mga down line nila na puro drug lord sa loob ng matrix na iyon. So I am assuming, since I have not seen the updated matrix last night, I’m assuming na ito ay mga up line naman, ito iyong mga binabanggit ni Presidente na mga opisyal ng gobyerno na diumano’y sangkot sa… iyong paglalako ng illegal na droga.

Q:
Ayon. Possible din ba na iyong mga nasa matrix na ito na up lines kan’yo, tapos iyong unang matrix, iyong nasa bandang ibaba iyon, magkakakilala ba iyan, magka-alam-alam ba sila diyan, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Well, iyon ang nakalagay doon sa matrix na kone-konektado. Although again, I’d like to repeat na hindi ko pa nakita iyong bagong matrix na diumano’y may kinalaman na si Senador De Lima at si Usec. Baraan at iba pang mga… kasi hindi ko nakita lahat kung meron pang ibang mga kasamahan sa DOJ.

Now, I am pretty much sure na ito ay continuation lamang nung unang matrix ‘no. Na-imagine ko na iyong parang pyramid triangle, parang pyramiding din iyan.

Q:
Ayon, meron pa bang kasunud, meron pa bang iba, may iba pa bang matrix na lalabas?

SEC. ANDANAR:
Yes, kasi di ba nabanggit po naman ng Pangulo na merong mga local government officials — iyong mga mayor at Gobernador. In fact, binanggit niya kagabi na meron siyang mga kaibigang Gobernador na nakasama doon sa listahan na, although malungkot siya pero wala tayong magagawa, dahil nandoon talaga eh. So, in due time ilalabas po ito ni Presidente at siya lang makakaalam kung anung araw, petsa, oras na ilalabas itong matrix ng mga pulitiko.

Q:
Ano nga po pala ang instruction doon sa mga una niyang ipinalabas na listahan — may mga mayor, may mga artista, may mga hukom. Iyong iba nagtungo na ng Kampo Crame. Papapano po ba ang magiging ika nga pagtrato sa kanila, tulad din po ba ng nangyari kina General Tinio, General Pagdilao na after several months eh iyon tuluyang isinampa ng NAPOLCOM iyong kaso?

SEC. ANDANAR:
Ganoon din po, sir Orly, sir Melo. In fact, iyong ating mga nabanggit na mayor, particularly si Albuera, Mayor Espinosa. Eh kasi hindi ba una nagpunta siya ng Crame, tapos siya ay pinakawalan and then nagkaroon ng raid sa bahay niya doon sa probinsiya at nakitaan ng pera at limpak-limpak na shabu o kilo-kilong shabu. Tapos ayon isinampa na ng PNP. Tapos iyong PNP po naman ngayon ay naghihintay lamang sila ng Court Order, ng warrant of arrest. Kasi ito po ay bahagi ng due process na sinasabi natin na matagal na po nating sinasabi na talagang meron po namang due process talaga. Dahil may warrant of arrest, naghihintay din ng warrant of arrest. So hinihintay po natin iyong korte na magbigay ng warrant of arrest. Ganundin po iyong mangyari sa iba pa pong mga suspects ano, mga person of interest. Kung talagang wala silang maibigay counter affidavit na magpapatunay sila ay inosente at kapag nakitaan sila ng prima facie evidence ng PNP ay kakasuhan sila doon sa korte na naaayon. Halimbawa, kung sila po ay aktibo pa sa serbisyo, sa PNP, eh doon sa NAPOLCOM, ‘pag sila ay retirado ay doon sa korte.

Q:
Ito ay mangyayari ba pagsapit na ng ika-isangdaang araw. Kasi may mga ganoong sinasabi, baka on the hundred day ay sila naman iyong lamanin o ika nga ay maging laman nung report sa taumbayan ng Pangulo.

SEC. ANDANAR:
Palagay ko po. Palagay ko po ay within 100 days ay meron na pong mga masasampahan ng kaso. In fact, meron na ngang dalawang heneral na nasampahan ng kaso. So, patuloy po iyong pangangalap ng ebidensiya, patuloy din po na hinihintay ng gobyerno ang mga counter affidavit ng mga naakusahan, mga nabanggit na pangalan. At habang ito ay nangyayari ay patuloy din po iyong imbestigasyon at iyong giyera laban sa illegal na droga.  

Q:
Okay. Panghuling tanong na lang sa akin, Secretary. Napanuod mo ba kung papano sinagot ni PNP Chief Bato si Senadora De Lima doon sa—tungkol sa komunikasyon sa ‘zero’ na sa New Bilibid Prison. Tapos sabi nila naisip din naan daw nila iyan, sabi ni Senadora De Lima noong araw. Ano ba ang naging reaksiyon mo doon?

SEC. ANDANAR:
Hindi ko nakuha iyon. Ang nakuha ko lang iyong mga sa text message, pero hindi ko talaga napanuod iyong eksaktong ano.

Q:
Pero so far doon sa Facebook at saka text message, pare-pareho naman iyon, na tinanong at sinabi ni PNP Chief Bato, “Siguro Ma’am kung nung panahon ninyo ginawa ninyo at nilagay ninyo iyong SAF diyan. Sana wala nang malaking problema pa.” Anong reaksiyon n’yo po doon?

SEC. ANDANAR:
Well alam mo naman, sir Orly, na ang ugali po ng ating Pangulo ay hindi po iyong—you know, na naninisi tayo or tinitignan natin iyong pagkakamali nung mga nakaraan. Siguro as a Press Secretary of the President, eh ganun din po iyong sagot ko. So, I am just echoing the words of the President na just moved on and you know, and do our jobs. Kaya ganoon na lang siguro.

Q:
Pero hindi madaling lokohin ang mga tao, ‘no Pilipino ‘no. Kapag sinabi mong naisip mo, ba’t di mo ginawa, hindi ba.

SEC. ANDANAR:
Ikaw nagsabi nun.

Q:
Sinasabi ko lang iyong sabi ni Howard dito. Secretary, maraming, maraming salamat. Sa uulitin po. Thank you, sir.

SEC. ANDANAR:
Mabuhay ka, Ka Orly at Melo. Maraming salamat at mabuhay po lahat ng nakikinig ng DZBB. Thank you po.  

**

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)