Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
News to Go by Kara David – GMA News TV
25 August 2016

KARA:
Magandang umaga sa iyo, Secretary.

SEC. ANDANAR:
Good morning, Kara.

KARA:
Sir, paano po nabuo itong matrix na ito? Kanino po nanggaling iyong impormasyon? At anong klaseng verification or validation po ang ginawa?

SEC. ANDANAR:
Tulad po nung mga nakaraang matrix na inilahad ng ating Pangulo sa publiko, ito ay nanggaling sa PDEA at Philippine National Police, and went through the same vetting process na ginawa nung mga nakaraan. So a few days back, binanggit na po ito ni Pangulo na maglalabas po siya ng bagong matrix. At ito na nga, in his own time, madaling araw ay inilahad ng Pangulo sa atin lahat.

KARA:
At sinabi n’yo po ito ay galing sa PNP at sa PDEA. So I’m supposing na ito pong impormasyon na ito ay matagal na nilang hawak?

SEC. ANDANAR:
Well, matagal nang hawak kasi iyan. Kasi alam mo, Kara, isang matrix lang naman lahat iyan, kumbaga, nagiging piecemeal iyong lahat ng matrix dahil sa vetting process, iyong revalidation ng data. Kasi alam po natin na noong nakaraang linggo, nagkaroon tayo ng problema doon sa mga ___ o huwes na patay na, etc., so mayroong mga kaunting mali doon ‘no. Kaya it took sometime before President released that new matrix.

KARA:
Okay. Itong si Bucayu na nakalagay doon sa—dati siyang BuCor Chief. May pinangalanan ba dito sa naturang matrix, or base sa impormasyon na ibinigay ng PDEA, sinabi ba doon kung sinu-sino iyong mga drug lords na pinuprotektahan nito?

SEC. ANDANAR:
Actually, Kara, hindi ko nakita iyong matrix kasi wala ako nung ipinakita ito ni Presidente so I cannot answer your question.

KARA:
All right. Bago po nilabas ni Pangulong Duterte itong matrix, sinabi po niya na mayroon siyang … na isa doon sa  mga nasa matrix ay malapit daw sa kaniya or kaibigan niya. Ito po ba ay iyong si former Governor Espino?  Ito po ba iyong sinasabi ng Presidente na kaniyang kaibigan?  

SEC. ANDANAR:
Kasi nung nagkaroon po kami ng Cabinet meeting, I think it was the third Cabinet meeting, mayroon pong binanggit si Presidente, inisa-isa niya po. So, hindi po si Espino iyong nabanggit niya.  Ayaw kong pangunahan ang Pangulo, Kara.

KARA:
So itong nasa matrix na Governor Espino, hindi ito iyong tinutukoy niya na mayroon daw isa pa siyang … mayroon daw opisyal na malapit daw sa kaniya or kaniya daw kaibigan? Hindi pa ito si Governor Espino?

SEC. ANDANAR:
Hindi ko alam kung anong nasa isip ng Pangulo. What I am stating is that during the third Cabinet meeting, may binanggit ang ating Pangulo na mga pangalan, kasama iyong mga local government chief executives – mayroon pong mga mayor, mga governor. Mayroon po siyang nabanggit doon na gobernador. Pero hindi ko po pangungunahan ang Pangulo, at hindi po si Governor Espino ang nabanggit niya during that time. So, I just don’t know kung mayroong bagong impormasyon ang Presidente, kung mayroon siyang iba pang mga gobernador na nasa listahan.

KARA:
Okay, okay. So itong si Governor Espino ay  hindi po  niya kaibigan or wala po siyang relasyon kay Pangulong Duterte, sir?

SEC. ANDANAR:
I’m not certain, Kara. Kasi ang alam ko lang na mga kaibigan ng Pangulo, iyong mga gobernador – since I’m from Mindanao – ay taga-Mindanao lang.

KARA:
Opo, opo. Ano pong mangyayari dito sa impormasyong ito na inilabas? Mayroon po bang kakasuhan?

SEC. ANDANAR:
Just like the matrix before, iyong mga announcement po ng Pangulo, ay hinahanapan po ng—well, pinagbibigyan ang mga nabanggit po na pangalan to give their counter affidavit, to state that they are not involved illegal drugs in whatsoever capacity. At kung hindi po ma-satisfy ang Philippine National Police at ang PDEA, at kung iyong PDEA po ay may prima facie evidence po sila, kakasuhan tulad po nung dalawang general na kinasuhan na po ng DILG.

KARA:
Pero masasabi n’yo po ba, sir, na mayroon kayong matibay na ebidensiya na talagang magpapatunay na talagang involved sa drugs ang mga pinangalanan dito sa matrix, enough para magkaroon ng kaso against them?

SEC. ANDANAR:
Yes, ma’am. Yes, ma’am.  Mayroon pong matibay na ebidensiya ang Presidente kaya po nabanggit niya ito. Dahil alam naman po natin na si Senator Leila De Lima ay hindi po ordinaryong tao, siya po ay isang Senadora, so ang Presidente po ay hindi magbabanggit nang ganya-ganyan lang na walang matibay na ebidensiya.

KARA:
Kasi ang sinasabi ni former Undersecretary Baraan sa kaniyang statement na magsasalita siya tungkol dito if there is a case filed against him?

SEC. ANDANAR:
So ibig sabihin po, ang sinasabi ni Usec. Baraan na he will not entertain question siguro sa media and (unclear) to be judged (unclear) public opinion at gusto niyang dalhin sa husgado.

KARA:
Okay, may iba pa bang bahagi itong Muntinlupa connection matrix o ito na po iyong kabuuan?

SEC. ANDANAR:
Ma’am, pasensya na po dahil hindi ko pa po nakikita. Iyong nakita kong matrix kasi iyong una lang. Well, hindi naman binanggit ni Presidente lahat nung mga nakasulat sa matrix nung una so malamang mayroon pa po kasi wala naman siyang binanggit na iba pa kagabi. So, marami pa pong mga pangalan na sangkot doon. Sobrang dami po kasi, ma’am.

KARA:
So itong nilabas nitong madaling araw na matrix, hindi n’yo pa po ito nakikita?

SEC. ANDANAR:
I have not seen it. The President has told us, the Cabinet, na mayroon siyang … so he is keeping this, I guess, close to his chest.

KARA:
Okay, okay. So hindi n’yo rin, I suppose, alam pa right now dahil hindi n’yo pa nakikita iyong matrix kung sinong mga drug lord  o kaninung sindikato konektado itong mga taong ito?

SEC. ANDANAR:
At kung sino po ang mga nadagdag kasi alam ninyo sa (unclear) mayroong mga revalidation, may mga nadagdag at saka may naalis.

KARA:
Okay. Maraming salamat po sa inyo PCO Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:
Salamat, Kara. Thank you.

——- 

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)