Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
By Alan Allanigue and Czarina Lusuegro – PTV4
22 August 2016

ALAN: (RECORDING CUT) … kasama iyong mga Cabinet secretaries. Pero marami po ang nagtetext at nagtatanong  sa atin, halimbawa, dito sa Radyo ng Bayan at sa PTV, up to what extent po ba nag deklarasyon na iyon ng ating Pangulong Rody Duterte, Sec. Martin, sir?

SEC. ANDANAR: Salamat sa inyong tanong. Linawin natin, maglalabas po ngayong araw ang ating Executive Secretary Bingbong Medialdea ng kaniyang memorandum circular na ang mga kasama po dito ay lahat ng anim na libong appointive positions na in-appoint ng ating Pangulo o in-appoint ng nakaraang Pangulo, ng nakaraang administrasyon. Therefore, iyong mga hindi po nag-submit ng kanilang mga courtesy resignations dahil meron po tayong bagong administrasyon, sila po ay dapat mag-resign na sa kanilang mga posisyon. Pero meron pong mga ibang posisyon tulad po ng LTFRB at LTO na masalimuot ang problema diyan, kaya pinapatawag ang ating heads of agency sa dalawang ahensiya na iyan sa Malacañang.

CZARINA: Sir, included din po ba ang mga GOCCs dito ngayon?

SEC. ANDANAR: Kasama po lahat, lahat po kasama. Of course meron pong immunity iyong mga posisyon na merong termino at iyong mga constitutional bodies.

CZARINA: This early, sir, may mga nagpadala na po ba ng kanilang mga response that they will comply dito sa utos ng ating Pangulo?

SEC. ANDANAR: Malalaman po natin iyan mamaya pagpasok po natin sa opisina sa Malacañang.

ALAN: Opo. Well, Secretary Martin, sir, salamat po nang marami at napagbigyan n’yo po ang panayam na ito sa kabila po ng inyong very busy schedule ngayong umaga, Sec. Martin, sir.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo Czarina at sa lahat ng nakikinig ng inyong programa. Thank you po.

ALAN: Thank you, sir at muli happy birthday po sa inyo.

———-

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)