Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Failon Ngayon by Ted Failon – DZMM
22 August 2016

(Recording cut)

SEC. ANDANAR:
… of the nation. Very, very ano—very, very… malaman na malaman, entertaining at parang naalala ko tuloy iyong mga programa ni Howard…

FAILON:
I’m honored Secretary ‘no, to hear that from you. Asan mo karon?

SEC. ANDANAR:
Well kakatapos lang, Ted, katatapos nila akong interview with Karen Davila doon sa Rockwell. So, yes, yes.  Karon, your interview and then patungo na Malacañang.

FAILON:
Okay. Sige sir, kasi po ngayon may kalituhan po ‘no, Secretary Martin, doon sa pahayag po ni Pangulong Digong over the weekend nga, na pinagre-resign niya lahat ng mga presidential appointee. Opo.

SEC. ANDANAR:
Yes, sir.

FAILON:
Papaano po iyan, sino ho iyon? Iyon ba’y noong nakalipas na administrasyon na wala pa hong naipi-fill up na mga bago o kasama po iyong sa kaniya?

SEC. ANDANAR:
Well number one Ted ‘no, linawin natin. Maglalabas din si Executive Secretary Bingbong Medialdea ng kaniyang memo. Pero ganito po iyon, lahat ng mga appointed positions, lahat po ng mga puwesto na mga in-appoint po ng dating Pangulong Noynoy Aquino na hindi pa po nagsa-submit ng kanilang courtesy resignation at mayroon ding mga kasama rin na recently appointed pero hindi po nagpapakita ng gilas ‘no pagdating po sa anti-corruption drive kaya pinapatawag po ng ating Pangulo ang LTO at LTFRB sa Malacañang mamaya.

FAILON:
Opo. Opo. Pero sabi ho ninyo, iyong pong mga hindi pag nagsa-submit ng courtesy resignation po ‘no, ang sakop po nitong order na ito. Iyong in-appoint po ng Presidente na—for example po, ni Pangulong Digong na mga Usec., papaano po kaya iyon?

SEC. ANDANAR:
Well ito po iyon, Sir Ted ‘no, iyong mga—basta lahat ng mga six thousand appointed positions, as long as you’re appointed during the last administration, you have to vacate your post. Number two, kung mayroon pong pini-pinpoint ang Pangulo, babanggitin on a special case basis tulad po sa LTFRB, kailangan pong mag-report sa Malacañang. Para po doon sa mga heads of agencies at CESO ‘no, na kayo po ay regular employees, of course you will keep your jobs as a regular employees as CESO officers of your agencies, pero it is now up to the President kung tatanggapin ang inyong resignation. Kung kayo po ay mayroong mga bad records diyan po sa inyong ahensiya, kung hindi ninyo po na-curb ang corruption then of course, mayroon po kayong pananagutan.

FAILON:
Okay. Siguro po—siguro, if I may add ano ho para ho sa guidance po ng mga nakikinig ngayon sa atin po na mga appointees ni Pangulong Digong, siguro pinakamaganda rin consult your secretary ‘no.

SEC. ANDANAR:
Yes, sir. Ang sabi po sa amin kagabi, ay let’s just wait for the official memo of the Executive Secretary.

FAILON:
Oo, para maliwanag.

SEC. ANDANAR:
Oo. Pero doon po sa mga appointed po ng dating Pangulo, ay you have to vacate your post. You have to submit your courtesy resignation.

FAILON:
Yes, and that goes—ang special mention po kahapon ni Pangulong Digong, GSIS ‘no. So siguro ho iyong SSS kasama na iyon, right? Lahat po ng mga nandiyan pa ho sa board nila na appointed nga po ng dating Pangulong Aquino.

SEC. ANDANAR:
Yes, sir. Pero ang hindi ko lang tiyak, Sir Ted, ay iyong mga puwesto nga na, you know, may mga constitutional bodies na puwesto na may termino. So, I have to clarify this with the Executive Secretary, Sir Ted.

FAILON:
Okay. Sige po, maliwanag iyan para po sa guidance ngayon ng mga nakikinig sa atin particularly ho ng mga empleyado po ng pamahalaan. Sir, ito lang po ‘no, just to remind you ho, I hope you don’t mind me… you know, Sec, reminding you on this.

SEC. ANDANAR:
Yes, sir.

FAILON:
Nabanggit ko po ito kay Secretary Abella noong isang linggo. Ang akin pong approach sa kaniya ay lambing ‘no, baka pupuwede kakong maglambing sa ngalan po ng mga senior citizens po, Secretary, na araw-araw po nagte-text sa akin, sa aking programa at mayroon nga po kaming ginawang episode po para dito. Iyon po bang naipangako remember during the campaign period na two thousand pesos across the board na pension increase sa SSS.

SEC. ANDANAR:
Opo. Yes, sir.

FAILON:
Opo. Ang sabi ko po kay Ginoong Abella, “Sir, baka ho lang pupuwede, may paraan ho kayo just to remind the President anuman hong paraan ito, dito ho sa sinasabing dagdag pension,” not necessarily ho dalawang-libo siguro. Kasi po, kung ito ho ay idadaan pa daw ho sa usual legislation na paraan, baka matagal. Eh ang sabi po ng iba, ito raw po ay maaaring i-order po ng Presidente sa Board ng SSS eventually para po magkaroon ng dagdag pensiyon ang mga pensiyonado po ng SSS. Baka daw ho pupuwedeng mailambing din po namin sa inyo Ginoong Andanar, na ito po ay mai-remind lang po na baka ho nakaligtaan na ng ating Presidente.

SEC. ANDANAR:
Yes, Sir Ted. Consider it done. Mayroon po kaming Cabinet meeting mamaya at ito po iyong una kong babanggitin sa ating Pangulo ‘pag nagkita po kami mamaya sa Cabinet meeting. Papaalala ko po sa kaniya iyong kaniyang pangako po noong nakaraang halalan ‘no, noong kampanyahan, about the two thousand increase sa SSS lalong lalo po sa mga kababayan natin na mga senior citizens na nagbibiro na po. At, alam naman natin na iyong kanilang pensiyon na three thousand eh siguro ilang araw lang po iyon, dahil iyong mga matatanda nating mga kababayan natin, iyong mga senior citizens ay mas marami po silang pangangailangan lalong-lalo na sa medisina.

FAILON:
Opo. Kahit na ho siguro hindi pa—kahit na ho hindi dalawang-libo kaagad ano. Basta importante lang ho, may karagdagan po na pensiyon. Salamat po Sec. Martin, and we are so honored to have you this morning sa amin pong programa.

SEC. ANDANAR:
Mabuhay po kayo, Sir Ted Failon. Mabuhay po ang DZMM. Salamat po.

FAILON:
Mabuhay. Thank you! Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office.

###

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)