Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRH/ACS Balita by Henry Uri
19 August 2016
 

URI: 
Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR:
Henry, good morning. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa inyong programa at dito sa DZRH.

URI:
Oo, kanya kami nagpatawag sa iyo dahil iyong first 50 days, I think audio, video o iyong ibang mga bagay-bagay tungkol po sa ikalimampung araw ng ating Pangulo ay nailabas na po ninyo. Pakikuwentuhan n’yo nga iyong mga hindi pa nakakapanood. Ano ba ang nalalaman nung pinalabas ninyong communication material na iyon?

SEC. ANDANAR:
Iyong 50 first days it was a documentary na pinalabas po kahapon ng alas-dose ng tanghali at alas-otso po ng gabi sa PTV4. Ang documentary na ito, ito iyong mga nagawa na po ni Presidente Rody Duterte sa loob po ng limampung araw ng kanyang administrasyon. So lahat po ng mga ipinangako ng ating Pangulo during the SONA, iyong iba po doon ay naipatupad na – iyong iba, hindi lahat – at lahat po ng mga cabinet officials ay meron po silang kanya-kanyang mga polisiya na kanilang naipatupad na sa loob po ng limampung araw.

Kaya makikita po ito sa documentary na napakabilis po gumalaw ang gobyerno ni Presidente Duterte, at meron po siyang isang working cabinet, iyong nagtatrabaho ho sa kanya lahat.

URI:
So anu-ano iyong mga nagawa na sa loob ng limampung araw?

SEC. ANDANAR:
Okay, ito, this is on top of my head, Henry. Nandiyan iyong war against illegal drugs, iyong halos 600,000 nagprisinta sa kapulisan na gusto nang magbago ang buhay. Nandiyan din po iyong anti-mining, iyong ipinasara na mga illegal miners at irresponsible miners ni Secretary Lopez. Nandiyan din po iyong Freedom of Information na ito po ay in-initiate ng opisina po ng PCO. Nandiyan din po iyong mga trinabaho po ng ating Department of Transportation para po mas umikli po iyong pila sa MRT – at marami pa pong iba, Henry ‘no. At kung mapapanood mo nga itong ating documentary ay malalaman ninyo na talagang wow, iyong Presidente natin nagawa niya ito sa loob ng limampung araw, ano pa kaya after 100 days.

URI:
Iyong sinasabi pong change is coming. Papano sa tingin niyong nararamdaman ng taumbayan na may ipinagbago na nga.

SEC. ANDANAR:
Well, iyon nga sa pamamagitan ng mga polisiya na ipinapatupad ng ating Presidente ay masasabi nating talagang nandito na iyong pagbabago, mabilis pong trumabaho itong ating gobyerno. Kasi alam mo iyong pagbabago ho ay ano naman ito, mararamdaman mo ito sa paamamagitan ng aksyon ng isang pamahalaan, pero iyong talagang direktamenteng mararamdaman mo na talaga iyong effects niya, it will take 12 months or maybe years, pero nakikita po natin na ang ating pamahalaan ay nagtatrabaho, iyon po iyong ano doon ng pagbabago.

URI:
Sa sikmura ng ating mga kababayan, marahil ang tanong diyan, nalamnan na ba ang sikmura ng ating mga kababayan sa Duterte administration?

SEC. ANDANAR:
Oho, nandiyan po iyong mga polisiya ng Department of Agriculture sa pamamagitan po ni Secretary Manny Piñol na ngayon po ay marami pong kinansela na proyekto ang ating Secretary na sa palagay niya, na hindi naman ho akma doon sana na dapat ginagawa, hindi naman natin napapakinabangan. At pinapalitan na ng mga proyekto na talagang kailangan ng mga magsasaka. Isa sa proyekto ni Secretary diyan ay meron po siyang soil testing na buong bansa, ay tine-testing po niya ang ating lupa at inaalam sa mga magsasaka na ito talaga bagay itanim diyan, hindi iyong tanim ka ng tanim ng cacao, hindi naman tutubo iyong cacao diyan. Tapos meron siyang proyekto na tsine-check din po iyong mga gilingan ng palay, kasi napag-alamanan ni Secretary Manny Piñol ang daming ano pala, ang dami pala nating mga ganoong makina na hindi nagagamit.

URI:
Tapos Secretary, kayo-kayo ay meron na raw kayong ilalabas ding diyaryo para po sa ating Pangulo?

SEC. ANDANAR:
Opo, itong diyaryo po na ito, Henry ay ito ay binanggit na natin nung Hunyo pa. Sabi ko na iyong mula sa masa na para sa masa na programa ng Pangulo sa telebisyon dito po sa Davao ay gawin nating nationwide. At kaakibat niyan ay mula sa masa, para sa masa na tabloid, at mula sa masa, para sa masa na online. So ngayon nauna pa iyong diyaryo. So nauna po iyong diyaryo natin, at marami po ang nagtatanong sa atin eh kung – sasamantalahin ko na Henry – may mga nagtatanong po sa mga kasamahan natin sa media na baka magastos, gastos lang ito bakit kailangan ng diyaryo, etc. etc. Ganito lang po iyan, ang pamamahayag po ay hindi lang ho telebisyon, iyong sa gobyerno hind lang po radyo, meron din pong printing. In fact, through printing, the oldest form of communication, of news dissemination. Ngayon ang gobyerno po ay merong printing press, kaya nagpri-print po tayo. Pero hindi po ibig sabihin, may nagsasabi gastos lang iyan. Hindi po. Meron pong dalawang printing press ang gobyerno. At ito pong printing press ng gobyerno na dalawa ho ito, meron din pong for social responsibility. So libre po iyong printing nito, hindi po maramihan ang printing nito, kung hindi, ito rin po available on time.

URI:
So walang gastos po ang gobyerno dito.

SEC. ANDANAR:
Wala pong gastos sa printing, kasi alam natin mahal ang printing ng tabloid eh, hindi ba Henry. Wala po, so ‘wag po kayong mabahala dahil ito po ay libre.

URI:
Saan makukuha iyong mga diyaryo na iyan, at ano ang lalamanin niyan? Iyan ba ay kagaya nung mga tabloid o ng mga newspaper na may balita, may iba’t-ibang mga features, may iba’t-ibang section. Ano ang talagang magiging (unclear) nitong diyaryong ito?

SEC. ANDANAR: 
Ang magiging laman po talaga ng diyaryong ito ay mga polisiya ng ating presidente. Let’s say katulad ng war on drugs, ngayon every issue po ay maglalabas kami ng isang main policy ng gobyerno. So iyong next issue po natin ay tungkol po sa peace process. So ganoon po, meron din pong entertainment, meron din po siyang sports. Pero iyong main – iyong diyaryo talaga, iyong pag-uusapan talaga—iyong pinakapag-uusapang isyu…sa isang isyu, ang pag-uusapang topic talaga ay depende. So, next topic, next issue, ang topic ho natin ay itong usapang pangkapayapaan.

URI:
Magiging thematic kada labas.

SEC. ANDANAR:
Opo thematic po ito. Wag pong mangamba iyong mga kasamahan natin na nasa diyaryo po ang negosyo dahil hindi po namin kayo aagawan ng advertisement mula sa gobyerno.

URI:
Ito ay magiging ano, Kagaya ng inyong pamamahala sa PTV 4 at sa Radyo ng Bayan, magiging communication channels din lamang ito ng communication thrust ng Pangulo at ng Malacañang .

SEC. ANDANAR:
Opo at ang talagang ano, ang talagang focus ho talaga nito iyong online, kasi alam naman natin na iyong online, unang-una, libre iyong online. Nandoon na, ilalagay mo lang doon, hindi mo na ipi-print iyon, tapos mas malawak po iyong reach nung online. Itong diyaryo po natin, ito po ay ipapamahagi po natin sa ating Philippine Information Agency. Now, sabi ko nga sa mga followers, it’s better ‘wag ninyong kontrahin iyong Facebook. Iyon para sa mga mayayaman na tagasunod ni Presidente. Ipa-photocopy n’yo na lang at ibigay ninyo sa iba.

URI:
So ano ito, makukuha ba ito ng libre sa mga palengke, simbahan, terminal. Saan po ito makukuha?

SEC. ANDANAR:
Ibibigay ko po ito, Henry, sa PIA dahil kakaunti lang po iyong ating kopya, So sila na, strategically they will be the ones to distribute it.

URI:
Secretary sa ibang isyu. Anong napag-usapan ninyo ng Pangulo doon sa mga galit na galit na bumabatikos sa inyo ngayon sa administrasyon lalo sa Presidente dito sa pagpapangalan niya kay Senator De Lima?

SEC. ANDANAR:
Well, Alam mo kasi, Henry it really comes with the territory. Wala namang administrasyon na hindi kini-criticize nung mga taong ayaw sa desisyon ng isang Presidente. So, kami ipinagkibit-balikat na lang namin na ganoon lang talaga. Tapos, ang Presidente po meron po siyang duty na gawin po iyong kanyang trabaho to protect and to serve also the Republic of the Philippines. So we just leave it at that for the President, kasi siya naman ang merong wisdom para gawin po iyon.

URI: 
Kasi iyong iba po ay sinasabi, kababaeng tao naman pinatulan ng Pangulo. So iyan ba ay napag-usapan ninyo ang bagay na iyan, at ano ang sagot ng Pangulo riyan?

SEC. ANDANAR:
Well, simple lang naman ang sagot diyan Henry. Si Senator po ay hindi naman siya (unclear) kung hindi siya po ay isang senador.

URI:
Anong latest sa mga biyahe ng ating Pangulo? Saan ba ang kanyang unang pupuntahan at ano ang kanyang magiging pakay?

SEC. ANDANAR:
Sa araw po na ito, Henry, ang schedule po ng ating Pangulo, unless magbago, po ay dito lang po sa Davao, kasi sa preparation po ng Kadayawan Festival, parang the biggest day is tomorrow. Pero the entire day today dito lang po siya sa Davao City.

URI:
Sa susunod daw na mga limampung araw pa, ano pa ang inyong maaring mapaulat sa bayan, naging accomplishment ng administrasyon, kung meron kayong tinututukan?

SEC. ANDANAR:
Marami pa kaming tinutukan, Henry. Halimbawa ito po sa amin sa opisina, sa PCO, iyong ating mga training ng ating mga tao mula po sa Voice of America, sa BBC , ito po news— FOI natin, iyong paggawa mismo ng manual, kasi iyong manual po ay on the stages of finalization na ‘no. Kasi marami ang nagtatanong about the FOI. Sabi ko sa kanila, iyong FOI, meron pong 30 days, I think it’s going to be August 30 ang deadline ng SolGen para magbigay ng exception. And then we count another few days, I think November ang final IRR nito, November this year. So, iyon at marami pang iba. Marami pang mga sorpresa na makikita ninyo.

URI:
So before the end of this year may IRR na iyong FOI?

SEC. ANDANAR:
Iyon po iyong nakasaad sa batas na by November, o kung ma-publish ba ito by November, okay na siya. So meron tayong mga dates na tina-timing. At sa PCO po magkakaroon po tayo ng isang national communications workshop, next week iyon ‘no. So marami po kaming gagawin na hindi na ito iyong mga pangako, aksyon na iyong ginagawa natin, umaaksyon na tayo, iyong talagang ano, (unclear). Mahirap naman sabihin tayo na—may hangganan kasi iyong pagsasalita eh. Mukhang may hangganan, that’s why after sometime hahanapin iyong (overlapping voices).

URI:
So mabilis na aksyon at mabilis na solusyon. In fact iyong sinasabi nung kampanya. So iyon ang ginagawa na ninyo ngayon at gagawin pa.

SEC. ANDANAR:
(Unclear), tapos of course, maraming nagse-settle down iyong mga tao sa gobyerno, tapos iyong iba na-appoint na ho. So iyon sobrang bilis po nitong gobyerno natin. At para ho sa iba, siguro nababagalan pa, pero rest assure na ginagawa po namin lahat para maibigay po lahat ng pangako.

URI:
All right. Secretary Martin. Maraming salamat po sa inyo. Have a good morning.

SEC. ANDANAR:
Maraming salamat, Henry sa pagkakataon. Mabuhay po kayo at ang inyong programa at mabuhay po ang DZRH.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)