Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – All Ready by Orly Mercado
18 August 2016
 
MERCADO: Hi, Secretary Martin. Good morning.

SEC. ANDANAR: Ka Orly, idol, good morning. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa Radyo Singko.

MERCADO: Kailan ba iyong 50th day na panunungkulan ni Presidente Duterte?

SEC. ANDANAR: Ngayon po, ngayon po ang 50th day.

MERCADO: Ah, today.

SEC. ANDANAR: Oho. So, we’re celebrating the 50 first days through a documentary.

MERCADO: Mayroon kayong ginawa na documentary on the first—alam mo normally in the past, they wait until hundred days.

SEC. ANDANAR: Hundred days, opo.

MERCADO: Ano ba ang nag-udyok sa inyo kinakailangan ay 50 days? Mukhang nasa fourth year talaga kayo ah.

SEC. ANDANAR: Ganito, Ka Orly, sa dami po talaga ng ginagawa ng ating Presidente at sobrang busy po ng mga kalihim, kasama na iyong Kalihim natin sa DICT na is Secretary Salalima. Sobrang dami pong ginagawa kaya we were worried na kapag hinintay natin iyong 100 days baka hindi magkasya sa isang oras sa documentary.

MERCADO: Maraming ginagawa pero marami na rin ang mga kaaway, marami ang mga pumupuna, maraming kalaban.

SEC. ANDANAR: Marami. I guess it comes with the territory. Pero iyong first 50 days, we celebrate all of the policies ni Presidente na kaniyang in-implement na tulad nitong war against illegal drugs. Nandiyan din po iyong success niya na mayroon ng more than 600,000 na nagprisinta at sumirender sa gobyerno at gustong magpa-rehab. Nandiyan din po iyong Freedom of Information na pinirmahan ng Presidente. Nandiyan din po iyong mga reporma na ginagawa ni Secretary Salalima pagdating po sa information technology, dahil ang pangako po ni Presidente ay magkaroon ng free wifi iyong mga public places tulad ng mga nasa city hall at iba pa, mga parke. So tinatrabaho iyan. Nandiyan din po iyong recent success ng pag-i-implement ng panel on the Bangsamoro Peace Agreement diyan sa Kuala Lumpur. At ito po iyong patuloy na peace talks naman with the CPP/NPA/NDF, at iyong mga proyekto ni Ma’am Gina Lopez. Si Secretary Lopez na pagdating sa DENR, marami na po siyang naipasara na mga lumalabag na coal miners, at ito nililinis niya ang kalawaan ng Laguna De Bay. At napakadami pa pong mga programa ang ating Presidente.

At nandiyan din po iyong social agenda sa pangunguna ni Secretary Jun Evasco na ito pong kaniyang social agenda ay bahagi po ng poverty alleviation ng gobyerno, at iyong sampung mga ahensiya nga ay napasailalim na sa Cabinet secretary, at iba’t ibang programa na mapapanood ninyo po mamayang gabi dito po sa PTV4.

Pero, Ka Orly, gusto ko lang pong sabihin sa inyo na mayroon po kaming launching, media launching ngayong alas-nuwebe y media ng umaga.

MERCADO: Sa Ateneo de Davao ba?

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Oo, Ateneo de Davao. Ito po ay sa pangunguna natin at ni Father Tabora ng Ateneo de Davao. So very exciting po ito. And I’d like to tell you also, Ka Orly, na kung naalala ninyo noong Hunyo ay ipinangako natin sa publiko na magkakaroon tayo ng nationalized person ng Mula sa Masa Para sa Masa na programa ni Presidente dito sa Davao . Ito po, ilulunsad na po natin.

MERCADO: Iyong kaniyang … it used to be local, in Davao. Ngayon ay gagawin niyang national.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Mayroon pong TV show na ilulunsad po tayo—hindi iyong ilulunsad natin ngayon, kung hindi iyong ating tabloid. Iyong diyaryo po na Mula sa Masa Para sa Masa, atin pong ilu-launch mamaya dito po sa Ateneo de Davao.

MERCADO: Okay. Pag-usapan nga natin … I’d like to ask iyong kaniyang … on this big issue na idinadawit ni Presidente Duterte ang driver ni Senador Leila De Lima diumano mayroong kinalaman sa droga.

SEC. ANDANAR: Siguro hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa mga kababayan natin na matagal na po itong hidwaan, alitan po ng ating Pangulo at ni Senator Leila De Lima mula noong sila po ay mga kandidato at tumatakbo pa. Even before they ran, silang dalawa na po ang nagbabangayan. At hanggang ngayon, unfortunately hanggang ngayon ay ganoon pa rin ho. At nung kinausap ko ang Presidente yesterday ay he invoked actually the Freedom of Information Executive Order na siya mismo ang lumagda. At sabi niya, under that Executive Order ay mapipilitan siyang ibunyag kung anuman ang mga nalalaman niya para sa kapakanan ng taumbayan.

MERCADO: So, we haven’t heard the last of this …

SEC. ANDANAR: Oo, iyon nga.

MERCADO: … hanggang ngayon, iba-iba. I guess that will prevail in the newspapers, in the headlines for some time.

SEC. ANDANAR: Opo. At kung anuman ang alitan ng ating Presidente at ni Senator De Lima, both of us know, Ka Orly, na sila po ay coming from different branches … co-equal branches of government at sila din may immunity kaya medyo ano … siguro nasa kanila na ho … kung mag-aayos ho ang dalawa, si Presidente at si Senator De Lima, nasa kanila na po iyon. Pero, of course, hangad po natin na sila po ay magkaayos eventually. Kasi ‘di ba parehas silang abogado, parehas na taga-San Beda …

MERCADO: Oo nga, when you come to think of it, parehong eskuwela rin pala sila and both of them are lawyers.

SEC. ANDANAR: Opo. Pero I cannot blame the President. Napuno na rin po ang Presidente, kasi ang pakiramdam po ng Presidente ay masyado na ho siyang nalalait, masyado na ho siyang pini-personal ni Senator De Lima.

MERCADO: Okay, so we leave it at that. Hindi naman natin sasakyan itong … at hindi na natin palalaguin pa.

SEC. ANDANAR: Opo.

MERCADO: Masasakit na salita rin iyan, both sides.

SEC. ANDANAR: Opo.

MERCADO: So, you are ready to launch your projects on your 50th day.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Sabi ko nga sa mga staff ko sa PCO, sabi ko, “You know there’s time to talk; there’s time to pronounce our policies; and now, this is time to act already.” We’ll show them na hindi lang tayo puro ngawa ‘no, may gawa tayo. Iyon po iyong ano doon.

MERCADO: Thank you very much, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ka Orly. Maraming salamat po sa lahat ng nakikinig ng Radyo Singko. Mabuhay po ang programa n’yo po, Orly’s All Ready.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)