Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Over Radyo ng Bayan/PTV-4 – Radyo Bisyon by Francis Cansino and Czarina Lusuegro
18 August 2016

CANSINO: (COVERAGE CUT) … sa Ateneo de Davao.

SEC. ANDANAR: Hindi po. Ang Presidente ay mayroon po siyang scheduled na activity dito po sa social agenda sa pangunguna po ni Secretary Jun Evasco. Dito sa SMX Davao, magsasalita po siya mamayang hapon.

LUSUEGRO: Secretary, nagkasya po ba sa 30 to 40 minutes ang lahat ng achievements ng Pangulo? At, I think, naging challenge din sa inyo para pagkasyahin lahat.

SEC. ANDANAR: Czarina, naku, magaling naman iyong mga taga-Channel 4 mag-edit.

LUSUEGRO: Wow.

SEC. ANDANAR: Alam naman natin na sobrang dami, kasi halos every day po mayroong achievement eh. Pero nagkasya naman dahil pinilit nating magkasya, at the same time, it’s still a comprehensive documentary na mapapanood n’yo po sa PTV.

LUSUEGRO: And I’m sure right now naghahanda na rin po kayo for 100 days naman ng ating Pangulo.

SEC. ANDANAR: Oo, ito, practice lang ito …

CANSINO: Pero ito nanaman, Mr. Secretary, another first sa kasaysayan natin, another first, sapagka’t normally ang ginagawa ay first 100 days ng Pangulo na naluklok. Ito ngayon kay President Rodrigo Duterte, first of its kind, 50 days sa kaniyang panunungkulan, Mr. Secretary.

SEC. ANDANAR: Oo nga. Kasi kami po ay nangangamba na kapag hinintay pa natin iyong first 100 days ay baka hindi na magkasya sa isang oras na programa sa dami pong ginagawa ng ating gobyerno ngayon. Napakabilis po talaga ng takbo at ng successes nitong gobyernong ito, at minabuti na naming magkaroon ng isang advance na documentary – 5o First Days of President Rodrigo Duterte.

CANSINO: Mr. Secretary, mayroon po sana kaming ilalambing sa inyo, itong ating Radyo Bisyon. Sana po pagbalik ninyo rito sa Metro Manila at hindi na po kayo masyadong abala, puwede po bang mai-guest namin kayo sa Radyo Bisyon one of these days, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR: Walang problema. Alam mo ang gagawin natin, Ka Francis, kasi meron pong bagong radio station itong RTVM. Nagtayo po tayo ng bagong studio. So ang gawin natin, i-launch natin iyong RTVM, iyong RRD o RTVM Radio Daily, i-launch natin, i-hook up natin diyan sa inyo para kayo na ang mag-launch, kayo na ang pinaka-exclusive sa kauna-unahang broadcast ng RTVM Radio Daily. Iyon na lang ang gawin natin.

CANSINO: At kayo po ang magiging first and guest namin dito sa launching?

SEC. ANDANAR: Oo, ako po ang mag-a-anchor.

CANSINO: Iyan, naku po. Wow, what a privilege ha. Bubuksan na pala iyon, iaangkla na dito sa atin iyong radio sa RTVM.

SEC. ANDANAR: Oo, di ba kasi napakatagal na Ka Francis na ang tawag natin RTVM. Ano ba ang ibig sabihin ng RTVM? Radio Television Malacañang. So ang tanong doon noon, nasaan ang radyo? Hindi ba puro TV lang.

CANSINO: Iyong radyo, nandidito sa Radyo ng Bayan.

SEC. ANDANAR: Kaya ngayon, talagang mayroon ng radyo doon mismo. Kasi kung pupunta ka sa RTVM, may TV, may production, pero walang radio production. Ngayon mayroon na.

LUSUEGRO: Wow, hihintayin natin iyan.

CANSINO: Mga kailan po kaya iyan, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR: Actually, kung may oras ka, tapos na iyong radyo, tapos na iyong studio. Mga 99.9% tapos na, isang bumbilya na lang ang kulang.

LUSUEGRO: Okay na, may radio na ang RTVM. Totoo nga naman, Secretary, na wala nga namang radio aspect iyong RTVM, bakit pa tinawag na Radio TV Malacañang.

SEC. ANDANAR: Kaya minabuti natin, Czarina, na lagyan ng radyo dahil alam naman ninyo siguro na ako po ay more than anything ‘no, first and foremost, I am a radio announcer.

LUSUEGRO: Yes.

CANSINO: Right, yes, sir.

LUSUEGRO: So paano ang airing niyan, everyday?

CANSINO: Naka-hook up nga eh.

SEC. ANDANAR: Naka-hook up lang kasi hindi naman natin kayang mag-programa everyday kasi magastos eh. So ang gagawin natin, mayroon tayong isang programa, parang newscast galing doon sa RTVM, hook up na din sa Radyo ng Bayan at meron din akong sariling programa ko, once a week.

LUSUEGRO: Once a week iyong program ni Secretary.

CANSINO: Siya ang anchor.

LUSUEGRO: Yes, siya mismo.

CANSINO: Siya mismo ang magpapaliwanag ng mga kilos pampanguluhan. Puwede po iyon, Mr. Secretary, once a week ano po?

SEC. ANDANAR: Oo narration lang, narration lang naman ito, Ka Francis, kung ano ang nangyari mula noong Monday hanggang Friday. Tapos sa hapon, magpo-programa ako para ipaliwanag sa taumbayan kung ano iyong mga insights ‘no, insider information sa loob ng gabinete at sa loob po ng Malacañang. Kaya exclusive po ang mapapakinggan ninyo dito sa programa na RTVM Radio Digest naman iyong programa ko.

CANSINO: Okay. Siguro diyan sa pamamagitan ng programa ninyo, Mr. Secretary, ipo-forward na namin ni Czarina lahat po ng mga text natin dito sa Radyo Bisyon na may kaugnayan po sa kilos pampanguluhan na gusto nilang malaman, mga concerns nila. Siguro po magandang avenue iyon, Secretary Andanar?

SEC. ANANDAR: Oo, sige po, walang problema. Upuan ntin ito, planuhin natin nang maigi, Ka Francis at Czarina. Walang problema po basta kayo.

CANSINO: Okay, we don’t want to take too much of your busy time. Ang inyo pong mensahe, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang mensahe ko po ay patuloy nating suportahan ang ating Presidente sa kaniyang kampanya, kaniyang plataporma para sa gobyerno, mga polisiya para mas mabilis po ang ating pag-ahon at pag-asenso, at para mas mabilis po iyong pagbabago na ating minimithi.

Maraming salamat. Mabuhay po kayo, Ka Francis, Ka Czarina at mabuhay po ang Radyo Bisyon, Radyo ng Bayan. Thank you po.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)