Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – All Ready by Orly Mercado
08 August 2016

MERCADO:  Kausapin natin ang Communications Secretary ng gobyerno, si Secretary Martin Andanar. Hi Martin, kumusta.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Ka Orly. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa Radyo Singko at sa inyong programa.

MERCADO:  Okay. We’d like to ask you… work kaagad. First of all, ang aming question for today dito eh “Tama ba itong paglalabas ng listahan ng mga tinatawag nilang narco-officials ng ating Pangulo?” Ah, it’s quite the list ha. Pagtinignan natin itong listahang ito eh, mayroong mga nanggaling sa Kongreso, but a lot of it are mayors and local government officials and even judges. Anong justification ng Pangulo sa kaniyang paglalabas nito, listahang ito noong nakaraang—ah, yesterday ‘no, Linggo?

SEC. ANDANAR:  Kasi, itong listahan na ito, Ka Orly, apparently ay matagal na itong listahan na ito. Existing ito, right from the previous administration, at ang naging problema lang eh siguro wala sa polisiya noong nakaraang administrasyon ang… o hindi iyong priority ‘no na habulin itong mga alleged drug lords, drug coddlers, drug protectors. Now, it just so happened that these are the priority of the President. Then, the President understands his power – the presidential immunity, kaya ito nagagawa ng Presidente. 

Now, sobrang talamak na po ng droga sa bansa natin at kahit anomang pamamaraan ang ginawa noong mga nakaraang administrasyon, obviously hindi po na-solve. Kasi, ganoon po kadami na at ganoon katalamak. Sabi nila, 3 million drug users ‘no. So it is only during the administration of Duterte na ito’y nagagawan ng talagang… talagang extensive campaign para masawata na itong problema na ito.

MERCADO:  Itong paglalabas ng mga pangalang ito ‘no, mayroong mga—obviously there are people who are, sabi mo nga they’ve been there in that list. Does this mean na mayroon nang impormasyon noong araw pa iyan, at hindi nga, hindi nagagawalaw, hindi naano, nandoon pa rin. Pero mayroong mga iba naman na sinasabing patay na o kaya wala na, they’re non-existent.

SEC. ANDANAR:  Dapat kasi, Ka Orly, maintindihan ng taumbayan na hindi ho ganoon kadali, kabasta-basta lang na ang isang pangalan ay maisama sa listahan ng drug list ng PDEA at ng Philippine National Police. Hindi po ganoon kadali, napakadaming imbestigasyon, napakadaming mga intelligence reports ang ginagawa po ng PDEA at Philippine National Police para maisama lang ang isang pangalan ng isang ‘di umano’y drug lord at drug protector—o drug coddler.

Ngayon, kung ganoon po kahirap na isama ang pangalan, ganoon din po kahirap alisin ang pangalan. As a matter of fact, kahit patay na ho iyong isang tao, nandoon pa rin iyong listahan dahil napaka—may proseso ho iyan para maalis ang pangalan – either you go to the court; number two, or you provide a death certificate.

Ngayon… siguro for those under investigation, eh siguro hindi na lumapit iyong pamilya at ibigay iyong death certificate para maalis iyong pangalan doon sa listahan. At patunay din lamang na napakahirap pong maalis sa listahan ang pangalan ng isang person of interest ay… halimbawa na lamang, iyong mga nasa kulungan na because of drugs, nandoon pa rin iyong pangalan nila kahit nasa kulungan na. So, ganoon po iyong proseso – mahirap maisama iyong pangalan, mahirap din maalis ang pangalan. Napakahaba po ng proseso, and it only goes to show kung gaano po ka-extensive iyong research ng PDEA at Philippine National Police, at kung gaano po ka-credible iyong nasa listahan po ng PDEA at Philippine National Police.

MERCADO:  Kasi mayroong mga nagsasabi, “Ay, mayroong isa o dalawang nandito na, actually patay na eh.” Does that mean that invalidated iyong buong listahan?

SEC. ANDANAR:  No. No. No. No. Kung patay na sila, then the family should go to PNP, should go the PDEA, to go through the process para maalis po sa listahan ang pangalan noong kanilang kamag-anak na person of interest. Dapat ganoon po. Eh magdala sila ng death certificate at ipakita nila doon at sumunod sila doon sa tamang proseso para maalis po iyong pangalan nila doon.

MERCADO: Mayroon pang mga lumalabas din na mga dating pulitiko, na wala na ngayon. Pagpalagay natin na natanggal na noong last election o kaya’y hindi na tumakbo pero nandoon pa rin iyong kanilang mga pangalan.

SEC. ANDANAR:  Exactly. It’s the same coin, Ka Orly, na the same side of the coin na hindi pa rin nila naki-clear iyong kanilang mga sarili doon sa listahan na iyon. And now, na mayroon po tayong isang Presidente na napakalalim ho ng kaniyang political will, napakalalim ho ng kaniyang paninindigan at paniniwala at kaniyang political will ay…kaya ganoon.

And the President also understands his power, and one of which is his immunity ‘no, kaya ina-announce niya ito. Now, kung titignan naman natin mayroon na pong mga mayor na sumurender mismo sa Presidente na… at para po naman doon sa iba na gustong patunayan ang kanilang… na malinis ang kanilang pangalan, now they should come out in the open avail themselves to a proper investigation. Para malinis po iyong kanilang pangalan at maalis sila doon sa listahan.

MERCADO:  Dito sa isangdaan limampu’t siyam na mga narco-officials ‘no, mayroon pa bang susunod dito? Mayroon pa bang ibang mga maaaring ilabas or this is it already?

SEC. ANDANAR:  Ayoko lang po i-preempt ang ating Presidente, Ka Orly, pero doon po sa nangyaring meeting noong madaling araw ng Linggo — kasama po iyong press — ay sinabi po ni Presidente Duterte na mayroon pa pong nire-revalidate na mga pangalan na hindi pa niya nababanggit. Pero, I will not preempt him, I will not say when, I don’t know when.

MERCADO:  Kasi may mga bagong ebidensiya, pagpalagay natin or ano…

SEC. ANDANAR:  Opo.

MERCADO:  And, iyon namang iba ay maaring bini-buildup pa iyong case. Ibig sabihin ay talagang kasalukuyan pang iniimbestigahan at inaalam kung credible iyong mga reports na nangyayari, na nabibigay.

SEC. ANDANAR:  Yes, sir. Opo.

MERCADO:  So, in this—wala namang pinupuntiryang mga lugar, kasi mayroon naman ditong mga items ang sinasabi nakatutok sa… special mention daw ang Iloilo.

SEC. ANDANAR:  Well, wala naman. Hindi naman po selective ang Pangulong Duterte ‘no. Kung iyon talaga lumabas sa report ng Philippine National Police at iyon din po ang lumabas sa report ng PDEA, eh wala ho tayong magagawa, talagang ganoon ho talaga.

Now, hindi lang ho naman Iloilo. Eh marami din hong lugar dito sa Mindanao na kasama din po. Siguro, nagkataon lang siguro na identified nga iyong Iloilo to be a political bailiwick noong dating katunggali ng Pangulo.

MERCADO:   Alam mo Martin, ikaw ang Communications Secretary ‘no…

SEC. ANDANAR:  Opo, sir.

MERCADO: Siguro’y dapat ding ipaliwanag mo sa amin kung anong ibig sabihin ng “shabulized”. (Laughs)

SEC. ANDANAR:  (Laughs).

MERCADO: You have a new—a contribution to the lexicon — “shabulized.” Sabi ni Presidente “shabulized”.

SEC. ANDANAR:  Oo, it’s from the root word “shabu.” (laughs)

MERCADO:  (Laughs) Iyong pagkatalamak siguro ng droga doon sa isang lugar, it can be called a “shabulized city or a shabulized province.” 

SEC. ANDANAR: Oo, and kailangan eh ipasok din ito sa mga ano… iyong mga etymologist diyan sa UP. (laughs)

MERCADO: Oo, sa lexicon natin eh bagong ano eh. Eh iyan namang iyan eh, ang language naman ay dynamic eh. So, itong mga personalidad na ito ay… I mean, are trooping to us. Sinasabi they’re asked to go to the PNP and file their affidavits para iyong side nila ay mailagay doon.

SEC. ANDANAR:  Well you know… well iyon nga, Ka Orly, there’s due process. They are given the chance to clear their names and the recommendation is for them to report or go to the Philippine National Police Headquarters para po i-file po iyong kanilang mga counter affidavit at patunayan po nila na hindi po talaga sila kasama doon, na hindi sila drug coddler, drug pusher o drug lord, drug protector. That’s the only way. Otherwise hindi po nila gagawin iyon, eh talagang… they will be a suspect and maaari ho silang talagang maging ano, mahatulan ng guilty.

MERCADO:  Okay, thank you very much Secretary Martin. Maraming salamat sa iyong pagsagot sa aming tawag.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po, Ka Orly. Mabuhay po kayo.

MERCADO:  Secretary Martin Andanar, Communications Secretary.

———-

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)