Interview with Presidential Communications Office Secretary Jose Ruperto Martin Andanar
DWFM – Punto Asintado by Erwin Tulfo
05 August 2016

TULFO:  Magandang umaga. Maayong buntag kanimo, Sec?

SEC. ANDANAR:  Good morning.

TULFO:  Ginagamit naman natin, noon pag pumanaw. Ibig sabihin lumipat lang. Hindi naman ho sumakabilang buhay.

SEC. ANDANAR:  Actually, sabi nga sa akin ni Senator JV Ejercito, “should I congratulate you or should I extend my condolences.”

TULFO:  Ay nako, Sec., ako eh… lahat ng mga kababayan natin ay natutuwa, pero may mga ilan na mga listeners natin na naawa sa inyo, ay talaga naman daw ay bugbog na bugbog kayo. Mamaya-maya nakikita kayo sa Malacañang, mamaya nandoon kayo sa Davao, maya kung saan kayo at talagang puspusan ang inyong pagtatrabaho. Sabi ko nga eh, “si Martin Andanar pa”. Alam ho n’yo ba noon ay gumigising iyan alas-tres ng umaga, sa Alabang nakatira iyan eh. Para makarating dito ng alas-singko ng umaga sa Morning Show at uuwi na ng gabi dahil meron pa siyang — hepe siya ng News 5 Everywhere. So sabi ko hindi nagkamali ang Presidente.

SEC. ANDANAR:  Salamat, partner. Salamat, Erwin. Good morning sa lahat ng nakikinig sa atin. In fact, I just landed from Davao, at kagabi ako dumating ng Davao at in-assist po natin ang Presidente sa mga nais mag-interview sa kanya. So kararating ko lang, papunta na ako ng Malacañang straight from the airport.

TULFO:  All right. Sec, ito mabilisan lamang po, I know you are tired. Ito pong… may anomalya po at inamin na rin po ni Secretary Perfecto Yasay dito sa kontrata po ng former… ng mga opisyal dati, na pinirmahan ng mga dating opisyal ng DFA and NPO, mga dating opisyal diyan. Ay may nakikita po siyang anomalya at problema. Dahil iyong pagiimprenta ng passport, nakalagay din po sa kontrata, dapat ay government agency itong APO nga. Pero itong APO sinab-contract ho ito sa isang kumpanya, mabuti sana kung sanay po mag-imprenta ng passport, eh gumagawa lang pala ng karton ng sardinas itong hinayupak na ito, iyong UGEC (United Graphic Expression Corp.). Ano ho ang gagawin ho natin, sir? Because sabi ni Secretary Yasay kayo raw ho ay nag-iimbestiga na ngayon at gusto ninyong malaman ang puno at dulo nito, ano ang nangyari, Sec?

SEC. ANDANAR:  Well, ganito lang iyan, partner. We are following the marching orders of the President. Number one, no corruption and number two, eh kailangan equal, fair and just right for every Filipino. Kaya noong ito ay inilapit sa atin ni Secretary Jun Yasay na gumawa sa… nila, sa joint venture ng APO at UGEC, eh agarang nagpa-conduct tayo ng sarili nating imbestigasyon. At lumalabas nga sa imbestigasyon, partial investigation namin ay merong mga kuwestyunableng mga nakasulat o transaction within the joint venture. Iyong joint venture naman ay hindi naman ito naka-register sa SEC. Kaya tama si Secretary Jun Yasay. Sa aming imbestigasyon ay kumbaga JV-JV-han (joint venture) lang, parang ganoon ang lumalabas. Kasi hindi naman siya nakaano sa SEC. Now, marami, Erwin. Siguro, the best thing… at I don’t really want to telegraph the punches of the investigating team. Siguro kapag nag-upo na lang tayo, I can explain it to you one by one o kung magpatawag ang Senado ng imbestigasyon and I can explain kung ano iyong findings namin. At hindi lang naman kami. In fact, [ang] nagsimula talaga itong imbestigasyon is the Bureau of Internal Revenue kasi meron din silang sariling imbestigasyon dito nga sa APO Incorporated at saka itong joint venture with UGEC.

TULFO:  May naamoy po ba kayo Secretary na mukhang — kami ho rito, base sa mga dokumentong hawak ko po at  sa kausap ko pong ilang sources — mukhang may kumita na, sir, may kumikita  pa at may kikita pa sana sa loob ng sampung taon. Ito po ba ay naniniwala kayo na may kumita rito ng limpak-limpak sa salapi sa passports po ng mga kababayan natin, Sec?

SEC. ANDANAR:  Well ako, I would like to give the benefit of the doubt doon sa pagpapatakbo ng—o doon sa mga pumirma sa dating kontrata, at doon sa mga dating namumuno ng APO at UGEC. Pero the fact na binabaan po ng UGEC iyong presyo — pumayag po sila sa Department of Foreign Affairs na babaan iyong presyo ng pasaporte – unit price from P870 to P620. So, doon pa lamang eh, parang… sabi ko nga eh, siguro mayroon talagang nangyayaring kalokohan. Siguro ‘no.

But then again, we will have to go through a proper investigation or… before saying na may nangyari ngang ganoon dito, na mayroong maling—o masamang intensiyon. But then again, sa presyo pa lang na iyon makikita mo siguro taon pa eh. I don’t have to explain it to you na malaki na ang natipid po ng gobyerno – from P870 to P620.

Tapos nga, marami ho tayong pag-uusapan, Erwin ‘no – nandiyan iyong JVA. May mga tanong eh, sino ba ang may-ari ng UGEC? Sino ba iyong mga tao na nasa likod sa UGEC. At mayroon tayong narinig na mga akusasyon na mayroon pang ibang sub-contractor — sino po may-ari noong makina? Is this joint venture agreement advantageous to the government or disadvantageous?

So kasi, ‘pag sinabi ko po na isang JVA o iyong Joint Venture Agreement ay hindi po naka-register sa SEC, so there must be something wrong, ‘di ba? Ganoon lang iyon, tapos iyong—

TULFO:  Sir, matanong ko lang, makasingit lang Sec. So ito pong actually… itong lumalabas po at base sa mga documents na hawak ko po ngayon, hindi po sila capable at hindi talaga naman sila ang nag-iimprenta nito. Pati iyong mga supplies nila, iyong mga ginagamit nila – iyong mga security paper, eh wala naman po sa kanilang kamay. Bagkus, ito po ay kinukuha lang nila sa isang sub-contractor. Ito po’y isang sub-contractor na may gawa nitong mga security features.

Bakit po… pupuwede po bang… puwedeng ipatigil ho ito muna sa… alisin sa UGEC at ilipat na lang iyong sina-sub-contract na iyon ng UGEC na isang kumpaniya na konektado doon sa French agency sa Pransya, eh bakit hindi nga po tayo rumekta para to cut the cost even more. Kaysa sa itong ginagawa po nitong UGEC, eh sub contract na nga, sinub-contract pa niya. Diyos ko po, pupuwede ho ba iyon, sir?

SEC. ANDANAR:  Erwin, di ba alam mo naman na we have to go through a process. Pero kung ako ang tatanungin mo, eh didiretso na ako doon sa source mismo ng makina. Ba’t pa ako dadaan sa isang middleman. Again, that’s already disadvantageous to the government kung dadaan ka sa middleman eh mayroon pang komisyon iyong middleman. ‘Bay alisin na natin iyan, iyon ang ayaw ng ating Presidente.

Pero just the same, we give everything a benefit of the doubt at due process – padadaanin natin ito sa tamang proseso, ire-review natin iyong kontrata ngayon ng UGEC at ng APO. At together with the Foreign Affairs Department ay pag-aaralan natin ito, together with the Bureau of Internal Revenue dahil may sarili din silang issue dito po sa APO.

Then again, I don’t want to telegraph the result of the investigation, kasi mahirap na na… you know, na mabasa ho ng ating ano, ng mga taong iniimbestiga natin kung ano po iyong lumalabas sa imbestigasyon. But then again, this will be discussed in a proper forum.

TULFO:  Alright. Sir finally, can we expect na heads will roll there – kung hindi man makakasuhan, hahabulin po ng pamahalaan, ng administrasyong Duterte iyong mga nasa likod po nito before?

SEC. ANDANAR:  Alam mo partner, kung drug lord nga eh walang takot na pinapanagot ng ating Pangulo at kung iba pong mga drug lord nga ay walang takot po ang ating pamahalaan na banggitin ang kanilang pangalan, pahiyain. Eh tayo po ay hindi natatakot, ilalabas din po natin. Kung mayroon man talagang ebidensiya na nagpapakita na mali po iyong ginawang kontrata at iyong pirmahan, eh sigurado na mayroon pong mananagot dito. Sisiguraduhin po natin, partner.

TULFO:  Anyway, Secretary Martin Andanar ng PCO. Sir, sobrang daming salamat, ingat ho kayo, magpahinga na ho kayo. Mukhang wala pa ho kayong tulog ano po, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Ah hindi, diretso po tayo ngayon sa Palasyo at magtatrabaho pa ho tayo dahil Biyernes (laughs). Alam mo naman, marami tayong pipirmahan dahil tayo’y nagpunta ng Davao kahapon. Pero Ganunpaman, partner, kami’y nagpapasalamat sa inyo sa walang sawang tulong at pag-iimbestiga para sa kapakanan ng ating bayan at paglalahad ng mga maling kontrata, mga kuwestiyonableng mga proyekto ng gobyerno. Kaya naman ang programa mo ay hanggang ngayon ay number one pa rin sa iyong time slot.

TULFO:  Iyan, okay. Dahil sa sinabi mo iyan, hoy engineer padalhan mo ng isang hamburger doon sa Palasyo itong si Secretary Andanar. Alam nating lagi kang kumakain sa umaga eh, mukhang wala ka pang kain. Padalhan mo… hindi naman siguro masama, isa lang hamburger diyan eh, aba’y nagkasama naman tayo.

SEC. ANDANAR:  (Laughs)

TULFO:  Anyway Sec., maraming salamat ha. Magandang umaga, ingat po kayo.

SEC. ANDANAR:  Salamat po. Mabuhay po ang Radyo Singko.

TULFO:  Si Secretary Martin Andanar.

***

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)