Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – All Ready by Orly Mercado
03 August 2016

MERCADO:  Kausapin natin ang Communications Secretary, si Secretary Martin Andanar. Hi Martin good morning, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Mang Orly. First of all, thank you.

MERCADO:  Gaano kabilis na ang itinanda mo simula nang maghiwalay tayo (laughs)? Ilang taon—ilang dekada nang… wala ka pa yatang isang buwan diyan eh baka mamaya eh kasing tanda mo na ang itsura ko.

SEC. ANDANAR:  Mga katumbas ng tatlong buwan sa isang—

MERCADO: Alam mo, kasama sa buhay iyan. Pero actually, you will be…after a while you’ll get used to these things and you roll with the punches, and you get to know how to cope on a daily basis ‘no.  Para ang aming tawag sa iyo Secretary Martin ay nauukol dito sa, unang-una, dumalaw ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines’ hospital, itong medical center sa V. Luna. At mayroong mga planong inanunsiyo ‘no? Ano ba ang mga plano ng Pangulo tungkol dito?

SEC. ANDANAR:  Well number one diyan, iyong plano ng Pangulo na dagdagan ang mga ospital at iyong mga kama, the bed and the hospital, lalong-lalo na para sa ating Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. At ito namang pagdalaw ng ating Presidente sa ospital ng mga sundalo, ay ito’y bahagi ng pagpapalakas ng morale ng ating kasundaluhan at iyong mga miyembro din ng ating Philippine National Police dahil nga matagal na rin pong… hindi naman napabayaan pero hindi nabigyan ng ganoong klaseng halaga – iyong person-to-person relations, person-to-person relationship between the Commander-In-Chief…Chief Execu… Commander-In-Chief of the Armed Forces.

Pinapakita ng ating Pangulo na he cares, he has the compassion for our soldiers. Kaya tuluy-tuloy po magbisita. Kung napansin ninyo po, nagpunta po siya sa isang kampo diyan sa Davao ‘no, tapos dito po sa … o sa Quezon. Eh kasi nga po, bahagi po ito ng rounds ng Pangulo.

MERCADO:  Maganda itong litrato sa Philippine Star, niyayakap niya si 2nd Lt. Jerome Jacuba who has been blinded ha, talagang blinded iyan ng paputok ‘no, pumutok ang isang Improvised Explosive Devise nang ito’y—clearing operations nila sa Datu Salida sa Maguindanao noong Marso. It’s really very touching. Pero mayroon siyang mga in-announce yata na mga bibilhing equipment, diagnostic equipment at iba’t ibang mga gagamitin. In other words, gusto niyang itaas ang lebel at i-improve – that means budget will be given for V. Luna, napakaimportante noon.

SEC. ANDANAR:  Opo, opo. As a matter of fact ay nabanggit iyan sa cabinet meeting ‘no, iyong pag-a-upgrade ng mga ospital ng mga sundalo like diyan sa V. Luna at iba pang mga ospital na kailangang i-upgrade – para nga mas maging responsive iyong mga ospital. At iyon, like what I’ve mentioned earlier para lakasan pa ang morale ng ating mga kasundaluhan.

At alam mo, Ka Orly, talagang malapit sa puso ng ating Pangulo ang military ‘no. You can just look at the composition also of the new government ‘no, marami ding mga ex-military na in-appoint ng ating Pangulo.

MERCADO: I’d to go to another topic ‘no. Ito’y nauukol doon sa proposal – at mukhang sang-ayon, at ang Presidente nga ay is in this particular direction of the revival of the Reserved Officer Training kurso, ROTC.

SEC. ANDANAR:  Isa pa iyan.

MERCADO:  Napag-usapan ninyo ba iyon sa gabinete?

SEC. ANDANAR:  Oo, extensively Ka Orly ‘no. As a matter of fact, I know the ROTC now by heart (laughs). Tinuro na talagang ganoon kahalaga po iyong ROTC – that this program…

MERCADO:  Anong dahilan bakit gustong i-revive ni Pangulong Duterte ang ROTC?

SEC. ANDANAR:  Hindi kasi, nakita po ng ating Pangulo iyong literal na pagbaba/pagbagsak ng patriotism noong Pilipino – at isa lang iyan. Number two, ay iyong laganap na paggamit ng iligal na droga sa… naiko-connect ito ng Presidente natin doon sa kawalan din ng disiplina ‘no, ng karakter, strength of character ng isang bata ‘no. So, if we go back to the history of the ROTC ay ito po’y tinanggal noong 1991 ‘no. Kung naaalala po natin iyong… ‘di ba nagkaroon po ng hazing dito sa UST?

MERCADO:  UST, yeah may namatay.

SEC. ANDANAR:  Oo, hindi sa UST pero may kinalaman itong estudyante at iyong mga ROTC officers ng UST before – Mark Welson Chua.

MERCADO:  Yes, yes.

SEC. ANDANAR:  Tapos, nagkaroon ng hazing, at may kinalaman ‘tong mga RTOC officers, at iyong ang naging mitsa na alisin itong ROTC na isang programa—

MERCADO:  Ginawang boluntaryo.

SEC. ANDANAR: Oo, na kailangang kunin ng… talagang kailangan you will have to take it up ‘no, it’s under RA 9163 na ginawa na itong National Service Training Program. At tatlong bahagi po ang mayroon sa NSTP – ROTC, Literacy Training Service, at ito pong Civil Welfare Training Service. At nakakalungkot po kung titignan natin iyong tatlong programa na iyon, eh nasa katorse porsiyento (14%) lang po ang—

MERCADO:  14?

SEC. ANDANAR: 14% lang po iyong kumukuha ng ROTC out of the hundreds of thousands of students ‘no. So, nakita po ng ating Pangulo—saw the wisdom na kailangan ibalik ito para number one, magkaroon na rin ng… maibalik iyong disiplina, strengthening of character para hindi po ganoon kabilis o you know, iyong isang bata na ma-tempt na magdroga. At number two, eh para to strengthen also our paramilitary ‘no?

MERCADO:  Oo, reserved force. Militia natin.

SEC. ANDANAR:  Oo, reserved force kasi hindi lang naman sa giyera iyong reserved force, iyong mga ano natin… our war against environmental degradation.

MERCADO: Yeah, oo disasters. Napakadami nating mga ano eh, lahat ng disasters nasa atin eh.

SEC. ANDANAR:  So if we will look back sa history, ito po ay naging compulsory under the Executive Order ni Manuel Quezon ‘no, iyong National Defense Act of 1935. Tapos hanggang sa naging ano po ito, 9163. Pero sa ngayon po, mayroon pong dalawang pending bill in Congress.

MERCADO:  Ah, so pagdedebatehan iyan.

SEC. ANDANAR:  Oo, sa pangunguna po ni Congressman Ungab at ni Senator Sherwin Gatchalian.

MERCADO:  Okay, thank you very much Martin. Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa aming tawag ‘no.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay ka, Ka Orly. Mabuhay po lahat ng nakikinig sa Radyo Singko. Salamat po.

MERCADO:  Martin Andanar, Secretary Martin Andanar – ang Communications Secretary ng gobyerno ngayon.

—–

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)