Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the dinner with V. Luna and Cotabato wounded in action soldiers
Malacañan Palace
29 August 2016
Senate President Aquilino Pimentel III; Secretary Delfin Lorenzana; Secretary Hermogenes Esperon Jr.; General Ricardo Visaya; our brave soldiers who have been wounded in action; the officers and men and women of the Armed Forces of the Philippines; my fellow workers in government; my beloved countrymen.

Alam mo, mga sundalo ako ay guest kanina sa Araw ng Kagatingan doon sa Fort Bonifacio. And while I was proceeding there by helicopter, I was fetched from the Palace of the People, ayaw ko kasing tawagin iyang Malacañan. You know why? It’s a name that adopted by the Spaniards, it has a very strong imperialist undertones. I do not— hindi naman, wala na tayong away, but I am just being—I am a Filipino, hindi naman ako Kastila. I wanted it to be called the People’s Palace, because sa Davao may malaking park doon, we had a hard time looking for the name. And I simply said, call it the People’s Park. Wala akong hangarin kung hindi ang bayan ko, Pilipinas.

Sa chopper iniisip-isip ko, anong masabi ko sa inyo. Jerome, ano ang —-I am not good at you know Tagalog, I still have to grapple with words. So let me just say it in English.

I was trying to put my mind in the proper perspective of talking to soldiers. But you know the one thing that I really like was not even a soldier. During the Japanese occupation, inaresto nila si Chief Justice Jose Abad Santos and he was brought to Malabang with his family. But in one of the occasions there, parang pista ata ng Hapon iyon, he was made to swear to the Japanese flag. At sabi ni Justice Abad Santos, no way, no way kong gawin iyan. At wala namang mga tao doon, history records it to be like this:

Umiyak iyong anak niya, the son cried and beg his father “Pa, pumayag ka na lang, wala naman tao dito at ano ba naman iyan, eh simple lang naman iyang gusto nila, ba’t ka pa magpakamatay”. And you know what? Ang sagot niya sa anak niya is ganito, “You know, son, do not suggest to me a thing which would be treason to my country”. Sabi niya huwag mo akong iyakan, kasi hindi lahat ng Pilipino, not all Filipinos are given that rare chance to die for his country.

Iyan ang tandaan ninyo, iyan ang pinaka-paborito – and also of Rizal, but ito sinabi kasi niya, hindi lahat ng Pilipino pinagbigyan. How I wish I would hear my son say something to me on a same, similar or parallel, at masabi ko sa kanya, “Thank you, magpasalamat ka at binigyan ka ng pagkaroon na ako mamatay rin sa bayan ko.”

But I am not a soldier, I don’t know kung saan ako papunta, pero ganito iyan. Lahat naman tayo eh, lahat tayo may sinusunod. Whether you like it or not, there is always a day for you. So kayong medyo lumusot, it means to say, fight again. But this I can assure you, my presidency will take care of you. Wala kayong dapat alalahanin. (applause)

Si Jerome, sabi ko mag-aral ka ng Braille. Alam mo ba Jerome, si Bocelli, singer? Yeah. Bulag iyan, kita mo ang lakas mag–but because his father wanted him to be a lawyer, nag-aral siya doon sa school for the blind, and he finished law. He is a lawyer, iyong kumakanta na ang boses maganda, magandang lalaki. He finished law because that was what his father wanted him to be. But pagkatapos pagka-abogado niya, pinagbigyan niya tatay niya, bumalik sa pagkanta. Nakatabi ng gago, purong magagandang singer na babae ngayon, naka-akbay pa minsan, nakakainggit.You know, I see this… he have a concert with Sarah Brightman, hanapin ninyo iyon, ang taas ng boses ng babaeng iyon.

By the way before I forget really, I brought with me—humingi ka kasi Jerome at iyong isang kaibigan mong si—nanghingi kayo ng laptop, nandito iyong laptop mo. Kumain ka muna, baka mag-sige ka nang laptop, ganoon ang ginagawa ng lahat. Saan na iyong dalawa? Ibigay mo sa kanya, pati iyong ano— Pati siguro kotse na, isali mo na. (applause) Where is the other one? Ikaw? At saka may dala akong wheelchair na electric ito, wag mong ibunggo ito, wag ka rin sa hagdanan, diyan ka lang sa baba. It’s an electric wheelchair. At kung sino pa ang may gustong kailangan, maski tuhod lang iyang maliit na sugat, gusto man lang magpasyal-pasyal, ayan patakbuhin mo. But he has to learn, parang drive lang iyan eh, iyong parang manibela. Ang wheelchair nasa likod. Isauli mo iyan doon sa doctor mo, sabihin mo pangit iyan. Iyan drayban mo iyan parang manibela lang iyan, i-ganun-ganun mo lang.

So, wag na muna tayong mag-speech-speech, mag-istorya na lang tayo. Careful ha, alalayan mo. No, no, no,no, hintayin mo lang iyong ano, you will be ready for that—

I-control mo ha, alalayan muna. Where is the technician? Ano ito Bong, tatakbo na o baka makuryentehan pa ang puwit niyan, mas madoble ang problema natin dito. Ayan, bantay ha, parang forward mo lang. Hayaan mo, Secretary lang naman, pati iyong Senate president ang bungguin. Tapos side, ganoon lang. Sanay ito. Kita mo kung magpisil ng ano, parang ano, ano? Umupo ka diyan, makinig ka na lang.

Ang ano kasi, you know, we know how to pay our debt of gratitude. Kayong lahat, actually heroes na kayo. Walang problema iyan, kaya most of you will go back. Nandito si Hermie Gutierrez, siya iyong may-ari ng Trust Trade. Alam niya, sabi niya iyong mga sundalo doon, meron siyang proposal. Magbigay siya ng baril sa inyo Glock30, kasi Duterte kaya Glock30, bigyan niya kayong lahat, libre. (applause) Isang matino na tao, hindi iyan nagpapabili ng paltik kagaya sa iba. Baka magalit iyon, wag ninyong sabihin, sa Danao lang iyan.

So wag na muna tayong speech-speech diyan. What I really plan to do is iyong na-release ko na iyong kanina—well, for release na iyong 4.6 billion sa mga biyuda at iyong mga generals na nag-retire. Pero para sa inyo, we will continue the assistance financially. Ngayon kagaya mo, babalik ka man sa serbisyo, may Glock ka, at kung matagal pa iyong medalya na, iyong promotion, I mean I can hurry up Secretary Lorenzana, bilis-bilisan mo para ma-promote na kayo. (applause) Puwede, Delfin, diretso na sila general lahat? Wag na nating patagalan ito, hero ba naman, di hero, eh hero ako di gawin mo akong general. In the sight of the Filipino people, you are all generals.

Kaya ako ‘pag magsaludo ako sa inyo, wounded in action, sinasabi ko, nagsasaludo ako, so mauna kang bumaba ka sa kamay. Iyan ang respeto ko sa inyo. Hindi iyan ginagawa ng iba. But then ako I usually bow—maski saang crowd naman iyan, nagba-bow ako.But to salute the wounded, talagang ako ang nauunang magsabi, “I salute you, Sir.” Tapos kung hindi mo ibaba iyong kamay mo, iyong isang sundalo nagtinginan na kami, sabi ko, “Anong gawin natin dito?” [Laughter] Mahiya siya. Out of respect siguro, mamaya na. “Ibaba mo na ang kamay mo.” Sabihin niya, “Hindi, sir, ako na.” Sabi ko, “Hindi ko rin ibaba itong kamay ko.” [Laughter] Para tayong buang ditong dalawa. “Ibaba mo iyan.”

Well, ang importante kasi, what bothers you lalo na kayong may mga pamilya, anak ninyo. Alam ko iyan. Maski sino. Tayo, one day in our lives, ganun na, nandiyan na iyan eh. Kung mabuhay ka, mabuhay, mag-abot ka pa ng valor diyan kung ginusto ninyo. But ang inyong problema is ang pamilya. So alam ko iyan.

May programa ako sa lahat. Well, of course, I promise you next year—nandito man si Senator, huwag ka lang sana ipasubo kita, but I want you to promise us na – doblado naman iyong suweldo lahat, pulis pati sundalo –na I will start iyong state university or the nearest, iyong high school, national high school, i-accommodate ito silang lahat para sa mga ano iyan … talagang mati-train ang mga anak ninyo. Or if they are exceptionally bright, they can choose the—well, sa special category, iyong IQ ay umaabot na ng 102, mga bright talaga iyan, so sayang e, mapakinabangan ng bayan. So they will enjoy scholarship. So long-term iyan. Ipasok ko na iyan ngayon mientras ako pa ang Presidente. So iyan ang masasabi … so libre ang edukasyon – kindergarten hanggang college. [applause]

Okay na iyan. Balik ka naman, bahala na mamatay. Okay na pala, eh di okay, basta safety lang ang pamilya. Tayo, alam natin eh. Kayo, alam ninyo. Pagpasok mo pagkasundalo, alam mo na one day talagang tatamaan ka. Pero ang kalaban, may tama man rin. Ang inyo diyan is that you have served the country well. And even you got the wounds and iyong iba sa pagkamatay. Malaki ang respeto ko diyan, sa inyong lahat. Kaya ako naka-salute – hindi ginagawa ng ibang presidente iyan, pero iyan ang respeto ko sa inyo, again.

So iyan ang dapat pag-usapan natin: ang buhay ng sundalo. Kasi kung papasok ka ng giyera araw-araw at buhay ka naman, wala kang problema. High morale ka lalo na kapag naka-score kayo ng marami. But at times, huwag mo naman sabihin na ikaw na at palagi tayo – may disgrasya talaga iyan. So there’s always a drawback somewhere if there’s fighting. But I assure you na kung … ano ang sundalo ‘pag nasugatan o medyo may tama na talaga.

Kagaya ni Jerome, I want him to study Braille. Kasi kung ma-master niya iyan, and even somebody na reading him the books, the SupremeCourt might consider him just answering in oral. Kung ano iyong ibinigay doon sa bar examinees, basahin na rin sa kaniya na … kasi kung makumpleto mo iyan, kausapin ko iyong Alma Mater ko, San Beda, pa-enroll kita sa College of Law. Matuto ka na magkanta parang kay Bocelli, para makuha natin iyong magaganda diyan. May pahawak-hawak pa iyan sa iyo eh, tignan mo kapag marunong ka nang kumanta.

So I want you to get another … to travel another miles sa buhay mo. Mag-aral ka nang mabuti, tutal you’re the—suwerte ka na, may nakita ka naman na … hindi ka pa bulag. Kumpleto ba iyong … nakita mo, nakita mo sila lahat? Eh di hawak mo na lang ngayon, pareho lang iyan eh. [Laughter] ‘Pag hinawakan mo, alam mo na iyan kung ano. Do not be too sentimental about it as there is life after being wounded in … kaniya-kaniyang suwerte iyan. So binigay ng Diyos iyan sa’yo, really, it’s only God that can answer you. But I’m sure that, dito kami, hindi ka namin pababayaan.

Sa Davao ako, when I was the mayor – kaya tignan mo ang Davao maganda; patay naman lahat pero maganda. [Laughter] Kamatayan … putang-inang mga iyan! Buwiset talaga! Sinabi ko sa kanila talaga, “Kriminal, umalis kayo dito. Mga durugista, umalis kayo dito. Lahat kayo umalis, ‘pag hindi, patayin ko kayo.” Noong City Director si Secretary Cuy, Lito, patay lahat. Doon naubos. Demandado naman kaming lahat, pati sila. Do you know, recommended sila for dismissal, 27 police officers. Kaya ako nagwala eh, sabi ko, hindi ako papayag. Hindi ako papayag na may sundalo, may pulis magpunta ng kulungan dahil sa nagtatrabaho – ah, kalokohan iyan. Kalokohan iyan. Huwag kang matakot, basta trabaho. Isang pirma lang iyan, alam mo ano? Pardon. Nandiyan sa Constitution, totoo. Sumunod ka lang, huwag kang bumiyahe ng iba. Anong sinabi sa’yo, gawain mo ‘to, gawain mo basta trabaho. Wala kayong problema. File-an kayo ng kaso? Talo kayo sa korte? Ah, madali.

Kunin mo diyan kay Bong iyong … signed na iyan, lahat. Ganoon kakapal. Pinirmahan ko na dati, pardon dito, pardon doon. Tang-ina! Buwiset! Basta trabaho tayo, trabaho. Protektado kayo, lahat. Lahat basta nagtatrabaho, wala kayong dapat ano … Magsabi kayo na napilitan kang mag-ratrat diyan, may tinamaan ng sampung magandang babae, magalit ako. Bakit maganda ang pinili mo? [Laughter] Pero iyong kasalanan, balewala iyan, putang ina. Basta in the performance of duty, there is really no problem. And to think that—hindi natin trabaho iyan. Buti narinig ninyo, bakit balutin pa ni Bato iyong patay? Hindi naman trabaho ng sundalo o pulis ang magawa ka ng mummy diyan. Gawin mummy, nagbalot iyong … eh wasting your time. Isang bala lang iyan.

And you know, when you are in a war, in the coming days, it will be hard for us to … Pero iyan ang tandaan mo, huwag kayong pumunta ng giyera na may galit ka. Propesyonal kayo. Huwag kayong prrrttttt! Isang bala lang. You save ammo there, do not—kalokahan man iyan. Gobyerno tayo. Basta huwag kayong pumasok ng giyera na may galit kayo, putang-ina, nandito ba …’ Eh madidisgrasya kayo. You begin to … you waste your resources and you are inviting danger. Kung ano iyong itinuro sa inyo sa training, iyon lang. Pero kapag umabot ng panahon, sabi ko, lahat naman tayo. Ang importante lang, alam namin na ang asawa mo, protektado. Alam namin kung ilang babae ang pinang-anak mo pa kasi kawawa eh. So ilan ba ang asawa mo talaga? [Laughter] Huwag mo akong bolahin, just tell me the truth, kasi tulungan din natin iyan. Karamihan niyan pulis.

Namatay ang pulis, tatlong pamilya minsan. Kasi walang ginagawa ang mga buang kung hindi mag-parking diyan sa mga bar-bar. Lahat ng magaganda, kanila. Lahat naman ng kumpirmiso, pulis. Usually iyan dalawa ang asawa niyan, mag-iyak. Saan ba si Bato? Ilan ba iyong kaniya? Matanong nga.

Well, anyway, seriously now, huwag kayong mag—go back and fight. Kung sundalo ka, alam mo ganito, papiliin ka: sundalo ka, tumawid ka diyan sa EDSA tapos nasagasaan ka pa ng … iyan ang gusto mong kamatayan? Ako, kung ako ang sundalo, gusto kong mamatay ako diyan sa … ratratan tayo harap-harapan. Bakit ako mamili ng kamatayan na anong edad o … Basta ako sundalo, ako’y handang mamatay. Ang sinasabi ko lang sa gobyerno, huwag kalimutan kasi iyong buhay namin, inalay mo sa ating bayan. The least that we can do, ladies and gentlemen, is really na huwag nating pabayaan. Pamilya iyan. Ang sikretong nagbibigay sa kanilang psychologize… pamilya. Ano ang mangyari sa mga anak ko? Hindi pa iyong asawa. Palitan mo na iyan. Ako, nagpalit ako dalawang beses na eh. Pero anak, hindi pupuwede iyan. Anak is anak. So hiwalay ako sa asawa ko pero alam ko, mahirap basta lalo na iyong lalake, iyong anak nating babae.

So disabuse your mind not to think of so much. Concentrate ka na lang sa rehab mo. Then we will take care. At mayroon akong … magagawa ako ng programa na pagkatapos kung hindi ka talaga puwede diyan sa banatan, you can have a very functional and productive life. Ang importante, ano ang gawain mo from this kung hindi ka na makabalik sa battlefield? So you must be happy with that. So pinapipili ko kayo ng kung ano ang gusto ninyo. But pamilya, protektado. By December, I think, makumpleto na iyong … doble na ang suweldo. Iyon ang pangako ko noong eleksyon, not because na gusto ko kayong bolahin na suweldo. Twenty-three years akong mayor, maski tanungin mo si Secretary Lorenzana, mayroon iyan siyang artillery noon, si Gutierrez. Gin-artillery iyong bukid, nawala iyong isang pamilya. Tang-ina, sabi ko, anong klase … So I was there to help the soldier. Iyong howitzer, hindi mo naman malaman talaga kung saan magbagsak iyan. Nabagsak doon sa bahay, eh di nawala iyong tao doon lahat. Walang makita. But we’re able to fix it.

I was always there when they needed me. And for as long as God will give me the productive years of my life – I’m 71, I will be in the presidency to protect you and to help you.

Maraming salamat po.