Interview with Presidential Spokespeson Ernesto Abella
DZMM
17 August 2016
TED: Secretary, good morning po, sir. Good morning.

SEC. ABELA: Good morning, Ted. Good morning.

TED: Maayong buntag. Sorry to bother you, sir, ha. Sir, puwede ho pa lang maglambing, lambing lang po ito?

SEC. ABELLA: Ano po iyon?

TED: Kasi po, Sec., if you recall, during the campaign period po ‘no, napag-usapan po iyong … naging isyu po iyong P2,000 across the board na pension increase for SSS pensioners, ano ho.

SEC. ABELLA: Okay.

TED: And then, naghayag … I remember clearly, naghayag po noon si Pangulong Digong na siya ho ay pabor doon na bigyan po ng karagdagang pension. Ngayon, ang status nga po kasi, naipasa ho iyong batas, hindi pinirmahan po ni Pangulong Noynoy, vineto (vetoed) po instead iyong batas po na granting the additional pension. All right. Ngayon po, sir, merong pong mga panibagong panukala tungkol doon. But long shot po iyong dadaan sa Kongreso na panukala. Ang sabi po ng marami din na, actually, hindi mo na kailangan pa ng bill, ng law for that; ito ho lamang sa pamamagitan po ng isang utos na manggagaling po sa Chief Executive para po sa SSS Board na ito ho ay pagbigyan, not necessarily dalawang libo, pero taasan daw po ito. 
So ngayon po, sir, ang panawagan po ng marami is that, kung ito po ba raw ho ay maaari pong mailambing kay Pangulong Digong na, you know, baka ho sa dami ng kaniyang iniisip at mga problema ho ng bayan, baka daw ho pupuwedeng i-remind ang Presidente na baka ho pupuwedeng ito ay kaniyang bigyan po ng pansin?

SEC. ABELLA: Kung lambing ho ay puwede naman siguro nating ilambing. (Laughs) Ihahanap lang po natin ng ano—ang akin po ay wala po akong masasabi talaga, definitely ito lang dahil hindi ko naman po ano iyon. Pero ang puwede kong sabihin ay puwede po akong matanong at puwede ko pong i-course to the right channel po.

TED: Yes, opo. You know, siguro po ipapadaan po sa kung saan man. By the way po kasi, ang SSS Board ngayon, wala pa ho – the same pa ho sila. Kumbaga, waiting ho sila sa kanila pong ipapalit na bagong board ‘no.

SEC. ABELLA: That is right, opo.

TED: So if you ask them now, definitely they will say no. Hindi ba?

SEC. ABELLA: Okay.

TED: By the way po, sir, Sec. Ernie, baka hindi ninyo alam ha, nagkaroon ng computer glitch pala ang SSS.

SEC. ABELLA: Ay, ganoon ho ba.

TED: Yes, oo. Umabot, sir, sa higit sa 100,000 mga miyembro ang may problema ngayon sa kanila pong mga SSS files.

SEC. ABELLA: Ganoon ba.

TED: At ito ho pala ay nangyari even before pinag-uusapan itong debate sa karagdagang pension. So this was hidden from us, members. And, you know, they have a problem now trying to fix this. Well, ibang usapan pala iyon. Anyway, nabanggit ko lang po sa inyo.

Okay, sir, so going back po, sir, sa atin pong usapan. So gagawa ho kayo, sir, ng paraan po para lang ho ito makarating sa kaalaman po ni Presidente, at the same time po, kung ano ho ang magiging puwedeng maging tugon po ng Palasyo dito?

SEC. ABELLA: Opo. Anyway, ang ano ko po is, ipaparating ko lang po na may “lambing” ang senior citizens. At let’s see, let’s watch the process unfold po.

TED: Yes, sir. We will be waiting. Sana nga po ito ay maalala po ng Presidente, at mag-utos siya para ho mapag-aralan po ito at magkaroon po ng aksyon kahit na po hindi dalawang libo at least may karagdagan.

One more thing po, sir. Meron po akong nalaman na mag-uulat ang Pangulo dito ho sa first 50 days ng pamahalaan?

SEC. ABELLA: Actually po hindi mismo ang Pangulo, kung hindi it’s going to be some sort of a—anong tawag nito—some sort of a documentary, parang semi-documentary. Iyon pong mga achievements, mga comments, iyong mga ano po ng mga people surrounding him at saka people on the streets. And it will be launched on Thursday.

TED: Opo, on Thursday kasi po 48th days na po kayo today, tomorrow 49th and Thursday is 50th.

SEC. ABELLA: Tama po, opo. Mga 12 noon po siya para talagang akma doon sa kanyang first … iyong pagte-take oath. So it will be 50 days after … exactly 50 days after he took the oath.

TED: Okay. Saan po ito, sir, mas maririnig, mapapanood?

SEC. ABELLA: Ang pagkakaalam ko po, it’s going to be launched sa Ateneo de Davao po. And pero ang ano ko po, it’s going to be coursed sa PTV. So, I’m sure it’s going to be through the usual course of event na magpi-feed ang PTV.

TED: All right. Sige po hintayin po namin iyan. So, Sec. thank you po for your time. Iyon po lamang ang aming kailangan and request po sa inyo. Kung maaari po lamang, kami po ay makakuha po ng feedback soonest possible time, sir.

SEC. ABELLA: Okay, thank you po.