President Benigno S. Aquino III’s Speech during the switch-on ceremony for the electrification of 32,688 sitios nationwide under SEP
Laguindingan, Misamis Oriental
13 April 2016
 
Maupo ho tayo, magandang hapon sa inyo.

Bagama’t Kapampangan po ako, nakakaintindi akong konti hong Bisaya.Mga pinalangga kong kaigsuonan, maayong hapon sa inyong tanan. Close ho kami ni Oca Moreno kaya kino-coach niya ako paminsan-minsan. Balita ko nga ho dun sa radio program niya, pati yung lovelife ko, pinag-usapan e.

Secretary Mel “Senen” Sarmiento; Secretary Naidi Monsada; Chair Mely Nicolas; Administrator Editha Bueno na hindi naman yata naglalabas ng sama ng loob nung kaninang pinaalala niya yung may balida; ARMM Governor Mujiv Hataman; Mr. Nonito Labis; Engineer Julie Real; officials and staff of the Misamis Oriental One Rural Electric Service Cooperative; beneficiaries of the Sitio Electrification Program; other local government officials present; fellow workers in government; honoured guests: talagang maganda po ang hapon ngayon.

Alam niyo, parang sa isang banda ho,diba,32,000– Edith, tignan ko ulit kanina, 32,441 ang commitment. Ang prinoduce 32,688 – lumampas. Pagdating ho ng panahon, sasabihin ni Edith, buti na lang nire-balida kita, kaya nalampasan mo ang goal. So siyempre, masaya ho, at pangalawang pakay ko ho, magpapaalam na rin ho ako sa inyo, meron tayong 78 days na lang ho sa panunungkulan pero maganda na nga hong pakiramdan ng pag-alis ko, talagang tumupad ako sa mga pangako ko sa inyo.

Siguro ho, umpisahan natin, dito muna tayosa kuryente. Nandito tayo sa mga cooperatives ‘no. Nung una po akong tumakbong congressman sa amin po sa Tarlac, may mga lugar, may mga sitio, nakikita natin may mga antenna yung bahay. Tapos, napatanong lang ako, kako “may antenna yung bahay, ibig sabihin may TV”, may TV pero parang walang kawad ng kuryente dito, at yang Tarlac ho, hindi malayo sa Metro Manila, isang oras kalahati lang ang biyahe ho e. So, hindi malayo pero dito walang kuryente. Tapos pareho lang ho dun siguro, para magpakabit sa grid, gaanong kahabang linya ng kuryente? Ilang tore ang kakailanganin, tapos nahihirapan yung kooperatibang paabutin ang kuryente dun, talagang parang major undertaking kada sitio.

So dumating nga ho sila sa akin 2011, binanggit yung barangay na inaangkin nung ating pinalitan, lahat ng barangay, may kuryente na. Bakit kako nandito ang NEA? Kasi ho, yung barangay hall lang ang nalagyan ng kuryente o yung bahay ni Barangay Captain, pero actually parang barangay hall, di ba, pag umabot yung kuryente sa barangay hall: yung barangay, may kuryente na. Siguro, ibig sabihin nun, imbes na walang kuryente, maski papano, may kuryente dun sa barangay. Pero ang parang pinag-intindisa atin, buong barangay, di ba? Yung buong barangay hall, lahat ng sitio. E yun nga ho lumabas, pag-abot sa barangay, yun na yun. So ilang sitio ba ang pinag-uusapan natin? O di binanggit nila: 32,400-plus. Magkano naman bawat isa?Isang milyong piso. O dun na lumabas yung calculator.

Alam ho niyo kasi, nung pagbabasa puwesto ni GMA, naupo ako, mabait naman ho sa akin yung dati kong teacher, yung budget ho na iniwan sa akin – kulang-kulang 7 percent, mga 6.8 percent. Yun yung puwedeng – yung malaya pang gastusin. 6.8 percent na yan, gagastusin ko sa 6 na buwan. Siyempre, dahil 6.8na lang yung akin, yung 93.2, sa kanya. Ginastos yan yung 6 na buwan, yung natitirang 6 na buwan, medyo bahala na tayo, tapos yun nga, bandang, parang early part nung 2011 nung binanggit ito e. Pero gusto kong ipagdiinan ‘no, sa Daang Matuwid ho kasi, di ba, ano bang pakay? Pakay: Maglingkod sa taumbayan, totoo, di ba? Totoong maglingkod, hindi yung magpakasasa sa kapangyarihan, hindi magpakayaman.

Yung 1 milyon na tinatantiya nila, naging average po: 600,000 na lang bawat sitio. Yung dating istilo,lalaktawan yung sitio kung saan natalo yung kung sinumang pulitiko. So di ba, imbes na poblacion, may kuryente, pinakamalapit na sitio, ididikit. Yung nakadikit dunsa sitiong yun, di ba, dagdagan rin. So kaya lang napababa yung presyo, wala ho yung lalaktaw, babalik, lalaktaw, babalik — e talagang kalokohan ho yun e.

At yun nga ho resulta. Dahil sa ginawa ng tatlong kalihim ng ating Department of Energy, umpisa kay Rene Almendras, tumuloy kay Ikot Petilla for the most part at si Naidi nga ho, Monsada ang nagtapos nito. Tumulong ang lahat ng cooperative para mangyari ito.Hindi naman ho puro tauhan ng gobyerno ang gumawa nito. Tumulong kayo sa Sitio Electrification Program, tumutulong kayo parati pag may bagyo, nagbagsakan ang linya, kayo nagpapamadali sa pagbabalik o panunumbalik ng kuryente.

Dun po sa pinagtulung-tulungan natin, ulitin ko ho ha, hindi ho si Nonoy Aquino ang gumawa nito. Kayo ho ang gumawa, dinamay na lang niyo ako, tayong lahat ang gumawa nitong tagumpay na ito. Kaya maraming-maraming salamat sa inyo.

Balikan ko lang ho yung halimbawa sa Tarlac ‘no. Hindi masyadong malayo, hindi mapakabitan sa kuryente. Sabi ko, paano ka manonood ng TV, wala kang kuryente? Galing sa baterya ang electricity. Paano mo naman icha-charge yung baterya? Bibitbitin yung baterya every so many days, pupunta sa poblacion, icha-charge, tapos babalik.

Okay, ano bang problema pag walang kuryente? Yung kunwari ho ano, ang ating DOST, DOH – may programa dahil sa Pilipinas, halos malapit pa yata tayong mas maraming cellphone e kaysa Pilipino. Okay, ngayon nagagamit yung cellphone ng mga doctor para kunwari, merong skin disease, makukunan ng litrato yung skin disease, malalaman nung dalubhasa, “uy, ganyan.” Parang maraming puwedeng i-transmit na data tungkol sa taong may karamdaman. Ang pagkaintindi ko po, merong isang rare na rare na sakit, nasa liblib na liblib na lugar, nagamit po itong bagong teknolohiyang ito, lahat ng dalubhasa ng Pilipinas, yung nakapanayam nitong maysakit at ginagamot sa kasalukuyan. Dati ho, di ba, hindi makapunta dun yung dalubhasa, sorry na lang. May cellphone ka ngayon, nakukuha yung datos na kailangan nila, nakukunsulta ang pinakadalubhasa sa Pilipinas.

Balik tayo, kung wala kang kuryente, paano gagamitin si cellphone? Walang silbi. Isa pa hong proyektong ginagawa ng DA sa kasalukuyan pero hindi pa ho buong-buo, ‘no. Yung magsasaka, parating pag nagtanim: sabay-sabay, pag umani: sabay-sabay, pagdarating ang mamimili: sabay-sabay dun sa panahon ng ani. Nagdidikta yung bumibili, ano presyo? Ang hinahabol natin ngayon, magkakaroon ng tinatawag na platform, sa cellphone dadaan, sasabihin nung magsasaka, itong produkto ko gaano karami, ito presyo ko. Meron naman mamimili, kasama rin dun sa platform, hindi kailangan yung parating namimili sa kanila, puwedeng galing sa ibang lugar, magpapataasan ng presyo para dun sa magsasaka. Other words po, makakakuha tayo ng mas tamang presyo para dun sa namimili at dun sa nagbebenta gamit ulit itong bagong teknolohiyang ito.Balik na naman tayo, kung walang kuryente, wala rin yan.

Klaro naman ho, pag nagkakakuryente, nagkakaroon ng mga dagdag na oportunidad maghanapbuhay. Noong nagpasalamat po, isang bayan sa Cordillera, nagulat ho ako, sabi nila, pasalamat ho dito sa Sitio Electrification Program niyo, may kuryente na po kami. Tapos pinakita yung mga negosyong itinayo, dun po sa Cordillera, siyempre alam natin bulubundukin, di ba, nandon yung Baguio – malamig. At yung negosyong itinayo: Ice buko. Yung upright na freezer, yung mga chest, ano bang tawag dun, chest freezer, talaga at punong-puno.

Siguro akala lang natin ay hindi mabebenta diyan, pero isipin niyo, napasukan yun. Ano pang mga others? Dito alamko po, maraming naghahanap-buhay sa niyugan. Yung isang araw, pinapakita sa akin presyo ng copra or copra mill at saka yung oil. Pero alam niyo ho, sa niyog, hindi na po yun lang binibenta e, ultimo yung tubig, yung coconut water. Yung huling report na nakita ko pero two years old na po yun, mga 16 million liters ng coconut water na dapat itinatapon – ibinibenta na natin.

Ngayon, yung bunot di ba, kinukuha yung fiber, ginagawang coco coir ang tawag. Ginagamit ho yan, katulad niyan may slope, imbes na semento — bato, lalagyan nun, damo tutubo, tatanganan yung lupa. Export item po ito, actually nauubusan na rin tayo nito. Pag ginagawa yung — kinuha mo yung fibers dun sa bunot, nagkakaroon ng dust, ang tawag po nila, coco peat sa manufacturing process, yun ho hinahalo sa lupa, napapaganda yung paglakinung anuman ang tinatanim. Ang tawag ho dun e soil fixing entity.

So meron ho tayong nasa prototype stage ngayon, pinagkalooban ng gobyerno si Doctor Arboleda para magtayo ng planta ng para sa nagni-niyog maliban dun sa copra. Lahat nung ibang produkto, at ang inisyal na study po, sinasabi, babalik yung puhunan ‘tapos ng 3 taon. Madaling salita, minsan nating punduhan yung unang factory, siya na magpopondo dun sa pangalawa. After 3 years, magpopondo ng pangatlo, puwedeng manganak ng manganak ‘to. Pero hindi pa natin iro-roll out ng buo ’to dahil nasa prototype stage, di ba? Pinag-aralan, papatunayan natin na talagang ganon ang mangyayari at iro-roll out natin yan para talagang tulungang mabuhay, di ba, yung mapaganda ang kabuhayan ng nagni-niyog.

Ngayon ho, ito pinatanggal ko ho yung teleprompter ‘no, gusto ko alam niyo galing ho sa atin talaga pero kailangan konang tingnan yung ating notes. Okay, bilib na bilib ako dun sa kay First Honors. Habang pinapakinggan natin, ito siguro pagdating ng panahon, ‘cum laude.’ Marami sa atin dito , cum papasa at isama ko na din ho yung ating kasamahan na nagkuwento yung mga anak niya, nakakapag-aral na dahil may kuryente.

Pag-usapan natin yung 4Ps. Yung 4Ps ho, kunwari sa Amerika, sanay na sanay ho sila dun e. Every year, kailangang magreport sa stockholder, ano accomplishment natin? Yung 4Ps po, kanina binanggit yung mag-aaral, sabi nung iba, doleouts sayang, dinadaya, tinatapon yung pera, ganon-ganon. Ang pananaw po namin, ang tinatawag natin dito: investment. Ano bang investment? Yung bata, pag nakapagtapos sa High School, may study yung Developmental Institute for Developmental Studies, sinasabi niya, 40 percent ang dagdag na kikitain ng nakapagtapos ng high school kaysa dun sa elementarya lang.

Panahon pa hong nanay ko, alam niyo inumpisahan yang free basic education, pre school at high school pero bagama’t free, ultimo pamasahe, hindi makuha ng iba nating mga kapatid, kaya imbes na umasenso kada henerasyon, parang palubog ng palubog ang kanilang sitwasyon. Paano ba natin hihintuin yan? So tatay koho, sabi sa akin nung bata ako, “alam mo, ngayon, baka sikat ka, baka bukas laos ka. Ngayon, baka mayaman ka, baka bukas mahirap ka.” Pag nag-aral ka, natuto ka, mangyari ng mangyari, may panglaban ka. Talaga pong isinapuso ko yang habiling yan, at binilin niya sa akin yan nung panahon nung Martial Law, na talagang bumaliktad ang mundo namin.

So balikan ho natin, bakit natin pinasukan yan?Yan ang talagang magiging solusyon, ano bang pangunahing talagang kakayahan o lakas ng Pilipinas? Paniwala ko po: ang Pilipino.Kailangan nating bigyan ng lahat ng pagkakataon ang bawat Pilipino para umasenso at para umangat. Hindi puwede yung masabing may nagawa ka lang. “Uy, nagpagawa kami ng isang deepwell pump sa inyo, ang galing na namin.” Hindi ho, dito saPantawid Pilipino Program, nag-umpisa tayo: 780,000 na kabahayan sa buong Pilipinas. Ngayon po: 4.6 million ‘tong taon na ‘to, matatapos yung 200,000.

Inexpand po nung 2014 sa high school. Yung unang cohort, yung unang nag-graduate dun, over 300,000. At dun sa number na yun, kulang-kulang 14,000 ang honors dahil natulungan natin nakapagtapos, honors na graduate sa high school. Yung spokesmen po nila, dalawa: isang babae, isang lalaki, currently nasa UP College of Engineering na alam po niyo, quota course. Itong mga ‘to, kung di tinulungan, hindi ho umabot sa UP, at malamang hindi mapapakinabangan ng lipunan yung angking galing nila.

So parati ko hong sinasabi, saan ka nakakitang programa, tayong lahat na Pilipino, nagtulung-tulong dito para may mangyari. May tinutulungan tayo, hindi tayo nabibigatan tumulong. Di ba maski sa simbahan, hiningan tayo ng ating contributions, kung sa katoliko, yung sa ‘offertory.’ Merong ‘tithing’sa ating Protestanteng kapatid at iba pang klase, ano. Pag may sinabing tulong, parating bunot, parating ibig sabihin nun, bawas yun sa akin, tulong ko sa kabila. Dito ho, walang dinagdag na pabigat kaninuman.

Pero ulitin ko nga ho, 4.6 million na kabahayan, tinutulungan. 7.7 million na Pilipino, umangat na po sa poverty line dahil dito sa pag-ambag-ambag natin.

Nabanggit yung Laguindingan Airport, sabi sa akin ni Oca, pinaalala sa akin, panahon pa pala ng nanay ko ginawa yung feasibility study, bumaba siya 1992. Ito, nung natapos, sa totoo lang ho, hindi naman tayo ang nagpagawa niyan pero problema, 10 years, mula natapos yung plano, hanggang inumpisahan yung proyekto. So yung plano na good 10 years ago, e hindi na good, di ba? Yung 1996 natapos ang plano, 2006 bago nag-umpisa ang construction. So lumaki naang populasyon, lumaki na yung pangangailangan, hindi pa ginagawa, bitin na. At ang nagpaalala ho na naman sa atin niyan, si Oca Moreno, talagang magaling na mayor po ito ano.

Siyempre, ako ho naglanding kanina, nakita ko yung Tarmac, puting-puti, bagong-bago, di ba?Talagang binuno natin ng husto yan, pati yung navigational equipment. Maraming kung anong detalye na kailangang bunuin para fully capable yung inyong airport. Sasabihin normally ng isang mayor, ‘sir, salamat, okey na ‘to’. Si Oca Moreno, talagang nakikita yung hinaharap, “sir, thank you, kulang ‘to.” At totoo naman ‘no, yung airport, maraming bagay, talagang para makonekta, di ba, kapuluan tayo e, hiwa-hiwalay tayo, pinakamabilis lalo na pag may dumating na sakuna, para dumating ang ayuda ng national government, airport ang pupuntahan. Pag yung airport, tulad dun sa Tacloban, garantisadong babahain dahil nandun sa, di ba, nasa bay, siya ang unang sasapo ng storm surge parang hindi puwede natin i-mintina dun. Yung gagamitin natin pag may sakuna, di mangyayari – flooded. So kailangan natin talaga yung mga maayos mag-isip, talagang tinitingnan ang kapakanan ng lahat, na talagang nakatutok hindi lang sa lumipas, hindi sa kasalukuyan pero lalo na dun sa kinabukasan. O ibahin nila yung Oca Moreno, talagang ‘thank you, kulang pa.’

Hindi, talagang magaling ho ‘tong kasamahan koho sa kongreso ‘tong si Oca e. At saka si Oca ho, kasabay natin ‘to sa impeachment trial nung araw at siya’y isa sa ating mga prosecutor na talagang nagpresinta ng mahusay na ebidensiya kung saan maliwanag na maliwanag, yung may ginawang mali ay napatunayan.

Ngayon ho, tulad ng sinumang pulitiko, puwede naman siyang namili ng, di ba, ‘isalba ko sarili ko, ba’t teka muna, bubungguin ko, ang bigat e, huwag na lang.’ Per okay Oca, tulad dati ano, may tama, may mali. Pag yung mali, sinamahan mo, mali ka rin, hindi puwedeng umiwas ka lang. Tumayo kang pinuno, panindigan mo. Pag may tama, gawin mo, gawin mong tama, kaya talaga naman pong lahat ng napagtulong-tulungan natin dito, mamaya ko na ipapaliwanag sa ating mga minamahal na kababayan sa Cagayan de Oro mismo, sa sentro, pero marami na talagang marami ng napagtulungan.

Mahaba ho ‘tong listahan e, ayoko naman hong sabihin niyo, puwede ba uuwi pa kami, tapusin mo na yang sasabihin mo. Ang haba ho talaga. Simpleng-simple lang ho ano, lahat ng ginawa natin, siguro kung meron akong iiwan na isang mensahe lang ho sa inyo. Halos anim na taon na po, 78 days na lang ang natitira, 6 years na po tayo sa puwesto. Nag-umpisa tayo, walang-wala, dapang-dapa, di ba, alam po niyo yan. Tinatawag tayong “Sick Man of Asia,” ngayon, sinasabi tayong “The New Tiger”, “Asia’s Rising Tiger.” Pag ininvestment grade na tayo, siguro pag-usapan ko muna, gaano kalayo ba naabot natin?

Isa sa pinakamabigat na problema ko habang nanunungkulan sa inyo, yung problema ng kuryente sa Mindanao. At pare-pareho naman nating alam kung ano sitwasyon, di ba? Yung hydro na itinayo nung kami ni Oca ay supling pa lang, di ba parang nasa second thirty year na tayo, yung hydro yata, tanda ko ang briefing sa akin, gaano katagal tatagal yan? 30 years. Ano ang nagawa natin pagdating natin?Kinumpuni natin para baka makahirit pa tayo ng another 30 years. Ngayon mura yung hydro, pag natapos mo na yung investment sa pagtayo diyan, yung maintenance mura na. So nagkaroon sa EPIRA ng exemption na hindi ibebenta ng NAPOCOR ang assets niya sa Mindanao – for 10 years. Dumagdag ng dumagdag ang pangangailangan, alam naman po natin dito, nagkaroon tayo ng mga problema sa illegal logging, yung watershed nawala. Yung riverbeds nagsilt-up, pag tag-init, mababaw yung tubig o yung tubig konti dumadaloy, mababa yung kapasidad nung hydro mag-generate ng kuryente.

Tapos alam niyo, sa nakailang taon tayo, pag tag-init, nagrereklamo ang taga-Mindanao. Ano ang ginagawa mo sa problema namin sa kuryente, at marami solusyonkaming inalok, sa mga kooperatiba, baka puwede tayong magkaroon ng mga gensets ‘no, in effect, ipapahiram sa inyo. Pag natapos na, na-install na itong ating baseload plants, babawiin sainyo, dadalhin nasa SPG o yung sa SPG na areas sa missionary routes, ang komol(call) ho yata diyan dalawa e. Tama hoba? Sa lahat ng inalukan: 2 at nagkaroon sila ng bidding nung tag-init, nung kailangan na.

Okay, pag tag-ulan, malakas na naman yung hydro, walang problema. Susunod na tag-init, mumurahin na naman tayo, di ba? So, ang gusto ko lang ibalita ho sa inyo, inireport nga sa atin ni ating butihing Kalihim ng Energy. So more or less, nagpapantay-pantay na yung demand at saka yung supply. May mga issue dun sa pagko-contract na merong gusto pa rin ang pure hydro, ayaw sumama dun sa mix. Ang magandang balita, magkakaroon tayo, mako-commission ng May, June, July, October. Bagong baseload plants na ipinangako sa inyo: May, June, July, October, mako-commission, talagang lalagpas na tayo dun sa atin, sa peak ano, talagang lumaki ang ating mga reserves, at pagkaintindi ko, meron pang mga ibang indicative. Meron pa dun sa mga plantang yan, meron pang renewables na magtatayuan, solar primarily at saka hydro na run off sa river, hahaba ho tayo masyado dito e.

Basta ang punto ho,pati yung problema sa kuryente, ina-assure ako, di ba nung nag-umpisa tayo ng problema yan, para magtayo ng planta: 2 years, 3 years pinakamabilis: Coal. Pero baka 3, 4, 5 years, tatapusin pa natin lahat yung resikitos: environmental compliance, di ba, yung consultation with everybody, yung pagbabago ng mindset na hindi na mapro-produce ng hydro lahat ng kailangan natin.

Pero ulit, pinagtulung-tulungan natin yan, siguro naman po, after July 1, papunta na tayo dun sa alaala yung brownout, ng brownout na medyo, nung araw ang tawag dun, pag lumampas ng 1 hour, ‘blackout’ e.

So talagang ang isang talagang sentrong mensaheng gusto kongiwan sa inyo po, ay lahat ng ginawa nating ‘to, nagmula dahil nagtulong-tulong tayong baguhin ang dinatnan nating sistema. Yung perang hindi ninakaw, nadala sa Sitio Electrification, nadala sa 4Ps, nadala sa 185,000 classrooms, nadala sa PhilHealth.

Marami pa ho tayong kailangang gawin. Dito sa inyo, malaking bagay yung flood control. Yung flood control, napakalawak nung Cagayan River, tapos kailangan mong itukoy talaga, saan ba nagmumula ang problema, saan ba ang mga puwesto na puwedeng magkaroon ng intervention – engineering intervention para – siguradong hindi na magkaroon ng baha.

Yung mga komunidad — na-endanger, kailangan nating ilipat. Yun bang pagendanger, ibig sabihin nun, nanganganib ba sila, garantisadong nanganganib sila. Kailan na lang tatamaan ang pag-uusapan, imbes na tatamaan ba sila? So, pagkaintindi ko po, natapos na yung study pinunduhan ng ating mga kaibigang Hapon sa JICA at implementation po nung Comprehensive na Plan 2017, nawala yung may tangan nung aking notes, 2017 ho mag-uumpisa, parang 2017 to 2020. Sorry 2017, sa lawak po ng Cagayan River, hanggang2021 para matapos lahat.

Yung mga naunang puwede ng gawin, natapos ng 2015, tama? Nung naalala ni Secretary Singson: yung mga sa likod ng simbahan na may mga dike na bricks. So yung ulit ha, hindiyung gumawa ka ng isang kilometrong dike at sabihin mo, ayos na kayo. Hindi ho, hindi namin ugaling mambola, maraming kailangan pang tatapusin dito, ang gusto ko lang masabi sa inyo, naipakita na natin sa 6 na taon, hindi tadhana ng Pilipinong magtiis, puwede nating ibsan, bawasan ang problema natin basta tama ang desisyon natin.

Balikan ko lang ho, talagang classic example: marami hong namatay na isang baha dito, alam na po niyo tinutukoy ko, di ba?Nakatira dun sa labasan ng ilog, pinagtalunan namin nung dating nakaupo, sabi niya, “kailangan ho nating pabalikin diyan.” Kako, pag rumagasa na naman yung tubig, yung troso, ganon na naman ang mangyayari, di yata natin – parang obligasyon natin ilayo sila sa kapahamakan. Inutos ko, hindi puwedeng tayuan yan, bawal, para iligtas yung buhay.

Okay ngayon ho, di ba, babalik tayo. May iba-ibang klaseng pinuno, maraming nangangako sa atin ngayon, maraming nanliligaw sa boto niyong napakahalaga. Ano’ng pupuntahan natin, nakita ninyo ang Tuwid na Daan, kayo magsasabi kung itutuloy o babalik tayo. Ano ba yung babalik? Sabi nga ho, baka ma-left turn tayo, baka ma-right turn tayo, pinakamasakit, baka ma-U turn tayo. Balik ba tayo dun sa panahon na nakikilala lang kayo tuwing eleksyon o yung totohanang pinaglilingkuran kayo bawat araw, bawat gabi.

Kanina nga ho, ewan ko naman kung ibang ilaw dito, napakahusay nung camera niyo, parang nung umalis akong Maynila, mas marami ho akong buhok e, Di ho bale, meron naman ho tayong National Greening Program na 1.5 billion trees sa 1.5 million hectares. Halos tapos na po yun, kakausapin ko DENR, baka meron na sila para dito.

Pero uulitin ko lang ho, magpapaalam na ho ako sa inyo. 78 days, hindi ko alam kung makakabalik pa ho ako dito, talaga hong marami tayong napagtagumpayan, talaga hong palagay ko, puwede nating masabi, ngayon pa lang, na di hamak mas maganda ang iiwan natin sa susunod na salinlahi kaysa dun sa dinatnan natin. Talagang malaking karangalan po mamuno ng isang dakilang lahi tulad ng Pilipino at yan nga po, utang ko sa inyong lahat.

Magandang hapon po. Maraming salamat sa inyong lahat.