President Benigno S. Aquino III’s Opening Statement during his meeting with the families of the killed in action (KIA) soldiers
Multi-Purpose Hall, EAAB, Zamboanga City
13 April 2016
 
Magandang hapon ho ulit sa inyong lahat.

Dinalaw lang ho naming yung isang yumao at saka itong mga lahat ng mgasugatan. At nandito ako para makipag-diyalogo sa inyo. Meron ho kayong maaasahan ‘no, lahat ng sugata, at saka yung yumao, may matatanggap po besides sabi nang gitna benefits na galing sa AFP. Meron rin ho galing sa President’s Social Fund. Ngayon, may election ban, humihirit tayong permiso sa COMELEC, inaasahan nating maibigay yun, may mga proseso na kailangang tapusin. Kaya nandito ho ako ngayon para pakinggan kayo.

Ngayon, una muna ano, kailangan pasalamatan ho kayong lahat. Alam ko yung dinadaanan niyo maski papano. Itong tinutugis natin sa Basilan kasalukuyan, batid naman po niyo kung gaano kabigat na mga criminal ‘tong pagkatagal-tagal nang hinahabol natin. Mukhang sa wakas,matatapos na yung lagim na ginawa nila. At malaking bahagi yung itinulong ng inyong mga kamag-anak sa pagsupil nitong dalawang pinaghahabol na pangkat. Lampas dekada na pong naghahasik ng lagim.

So, andito po ako ngayon para pakinggan kayong lahat baka meron kayong gustong sabihin sa akin. Baka merong hindi naasikaso ng mga dapat maasikaso. So, nandiyan ho yung mic, pakigamit na lang ho. Nandito ho kami para makinig at subukan nating matugunan kung anuman ang mga suliranin nila, yung hinahanap po niyo. So, anyway, libre ho yung mic. Antayin naming kung may gusto hong magsalita, nandiyan po yung mic, nasa gitna, gamitin ho natin.

At muli, magandang hapon po sa inyo.