Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang araw, Pilipinas. Ngayong araw ng Lunes, ika-13 ng Hunyo, ating aalamin ang mga pagbabagong hatid ng modernization program at accomplishment ng Philippine Air Force. At pag-uusapan din natin ang COVID-19 situation sa ating bansa, at update sa filing ng statement of contributions and expenditures ng newly elected officials sa mga probinsya ng ating bansa.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Nagbuga ang Bulkang Bulusan ng higit 4,000 tonelada ng sulfur dioxide matapos ang ikalawa nitong pagsabog kahapon. Dahil dito, umabot na sa mahigit 8,000 pamilya ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkan. Ang update doon, alamin natin mula kay Ryan Lesigues. Ryan?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Ryan Lesigues.

Sa nalalapit na paggunita ng ika-75 na anibersaryo ng Philippine Air Force, alamin natin ang mga magaganap sa pagdiriwang nito at iba pa nilang mga programa at proyekto. Kasama po natin si Lt. General Connor Anthony Canlas, Sr., ang Commanding General ng Philippine Air Force. Magandang umaga po, General.

PAF LTGEN. CANLAS, SR: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa ating mga nanunood sa programang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko lang po iyong tanong, kasi nakita ninyo po ang report ng ating kasamang si Ryan Lesigues tungkol po sa Mt. Bulusan. So ano po ang nagiging paghahanda o pagtulong na ginagawa ng Philippine Air Force sa naturang lugar po dahil sa sitwasyon?

PAF LTGEN. CANLAS, SR: Usec. Rocky, ang Philippine Air Force, sa tulong ng ating Tactical Operations Group 5 dito sa Legazpi, ay handang tumulong dito sa sakuna na maidudulot ng pagputok ng Bulusan. Despite na medyo pinag-iingat pa ang paglipad ng ating mga eroplano dahil sa ashfall, iyong ating mga ground troops po doon sa TOG 5 ay nakikipag-ugnayan doon sa lokalidad para kung anuman ang kailangang isuporta doon sa mga magiging biktima – sana naman po ay wala – ay handa po ang Philippine Air Force doon sa area.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kahapon nga po ay ipinagdiwang ng buong Pilipinas itong 124th Independence Day. At sa ceremony kahapon po sa Rizal Park, nagsagawa po ng flyby ang Philippine Air Force. Can you tell us more about dito sa naging participation ng Philippine Air Force sa Independence Day ceremony kahapon? Kasi parang bihira na ngayon iyong mga ginaganap na flyby, pero kahapon po ay nakita ulit ito ng tao.

PAF LTGEN. CANLAS, SR: Salamat, Usec. Rocky. Alam ninyo po ang Philippine Air Force, kasama ang Armed Forces of the Philippines, ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ating ika-124 na anibersaryo ng ating independensya. Tayo po ay nakapagpalipad ng several platforms doon sa culmination ng ceremony kahapon. Ito po ay mga trainer aircraft, ang ating FA50 sa opener pass, at iyong mga helicopters na bagong acquire po under the administration of Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po bang mga lumipad na ito—kasi tanda ko noong nagko-cover ako, may Blue Diamonds. Nandito pa rin po ba iyong mga iyon?

PAF LTGEN. CANLAS, SR: Usec. Rocky, iyong Blue Diamonds natin was made up of the F5 na jets noong araw. Pero iyong mga F5 natin na iyon ay na-decommission na kasi wala na pong spares.

So ang Blue Diamonds natin ngayon ay medyo deactivated. So kapag medyo tumaas po ang ating mga eroplano ulit, baka sakali pong mabuo natin ang Blue Diamonds ulit.

USEC. IGNACIO: Opo, ito iyong mga jet fighter pilots po ito. Sa ngayon po ba ay ilan na po ang lahat ng aircrafts na mayroon ang Philippine Air Force?

PAF LTGEN. CANLAS, SR: Ngayon, Usec. Rocky, ang aircraft na nasa inventory natin ay nasa 173. So ito ay made up of several fixed-wing aircraft and several rotary aircraft. Binubuo niya po ang air mobility function, ang search and rescue function, ang surface strike function at ang air defense function. So lahat po iyan ay nabubuo dahan-dahan to achieve a credible and dependable Air Force by 2028.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ilan po ba dito iyong nadagdag magmula ng administrasyong Duterte? Puwede na po ba nating – nabanggit ninyo na rin naman – na talagang sabihin natin na sufficient, substantial na po ang ating mga kagamitan pagdating po sa Philippine Air Force?

PAF LTGEN. CANLAS, SR: Yes, Usec. Rocky. In fact, nakita po ng ating mahal na Pangulo ang pangangailangan in terms of air defense. Pati po iyong mga radars na required sa air defense ay sinuportahan at inaprubahan po ng ating mahal na Pangulo. Dinagdagan niya rin po ang ating mga assets in terms of airlift capability. Iyong mga Black Hawks natin, helicopters, 16 ang initial niyang binili at inaprubahan niya po ang additional 32. Kasi dito, ang role ng ating Black Hawks ay mag-deliver sa mga hindi naaabot ng serbisyo ng gobyerno, kagaya po ng mga relief operations, ito po ang nagdadala ng mga goods, generators lalo na noong sakuna ng nakaraang Typhoon Odette. So iyan po ay dinagdagan po lahat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko lang po ‘no, dito po sa modernization program ng Air Force, anu-ano iyong mga kagamitan na nadagdag? Ano daw po iyong mga pagbabago na … nabanggit ninyo na rin iyong iba sa … maihahatid nito sa mga bagong kagamitan sa pagpapalakas ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas?

PAF LTGEN. CANLAS, SR: Yes, Usec. Ang Philippine Air Force ngayon ay tinatahak niya ang naka-craft na aming Flight Plan 2028. So ibig sabihin, mayroon po kaming na-identify na mga core functions sa Philippine Air Force. Ito ay kasama iyong mga HADR capability to help our kababayan kapag mayroong sakuna. And, of course, iyong ating principal core function is to provide air support operations to support the Armed Forces sa mga adhikain ng civil military operations, sa mga hindi kaya ng internal security operations, at sa … most important iyong external threat. So dito, ginagampanan ng Philippine Air Force ang pagbabantay sa ating territorial air space.

USEC. IGNACIO: Ito pong Philippine Air Force ay malaki po iyong naging tulong sa mga search and rescue operations lalo na nitong kasagsagan ng pandemya. Puwede po bang maibahagi ninyo sa amin ang mga ito?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Yes, Usec. Alam mo noong kasagsagan ng pandemya ay nawala iyong commercial flights, so ang ating mga C-130s, ang ating medium airlift assets, sila ang kumuha ng mga supplies – ng PPEs, ng vaccines at ng mga galing sa ibang bansa na [mga supply] para ma-address ang pandemya.

Saka iyong mga vaccines, iyong mga booster shots natin na kailangan ng ating mga  kababayan, dinadala from mainland patungo doon sa mga probinsiya na hindi naabot ng land transportation.

USEC. IGNACIO: Opo. Natatandaan ko po iyong mga ganiyang niri-report natin noong kasagsagan ng COVID-19. Nakahanda po ba ang Philippine Air Force naman dito sa nalalapit na pagpapalit naman daw po ng administrasyon, General?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Yes, Usec. Alam mo, ang ating Philippine Air Force ay napaka-professional at lahat ng ginagawa natin ay according sa Constitution and lahat po ng mga guidance na binibigay sa atin galing sa itaas ay ginagawa po. Tapos na po, sa aming pananaw, ang mga adventurism noong araw. So sa ngayon, ang Philippine Air Force ay maaasahan ng bawat Pilipino to be a professional and God-fearing in adherence to our Constitution and chain of command.

USEC. IGNACIO: Opo. General, ano po iyong masasabi nating hamon o challenge sa Philippine Air Force pagdating po dito sa external threat, security threat?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Sa ngayon, Usec, ang ating external defense capability ay nasa kalagitnaan pa lang, kasi po ang ating mata o tainga na tinatawag, iyong ating radars, naka-install na po iyong tatlong radars doon sa tatlong critical sites, pero hindi pa po iyan enough. Kaya mayroon pong inaprubahan ang Presidente natin na apat pang radar para ilagay sa buong archipelago at makita natin ang kabuuan.

So, kapag iyan po ay na-install na by 2024, kumpleto na po ang picture natin ng buong bansa at makikita natin kung sino ang mga intruders. Sa ngayon, we can respond to any intrusions lalo na iyong mga hindi nag-a-identify, when we give them challenges and then we can respond accordingly.

Ang pinaka-challenge po niyan, is how we should maintain the necessary number of aircraft flying. Kasi may challenge po minsan na kapag nasira ang isang piyesa ng eroplano, medyo matagal ang delivery. So, it affects the air time of the aircraft. So, mas matagal siya minsan sa ground.

USEC. IGNACIO: General, ano daw pong mga programa o proyekto ng Philippine Air Force ang nais daw po ninyong maipagpatuloy pa sa susunod na administrasyon?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Sa Philippine Air Force, nais po sana naming maipagpatuloy ang modernization ng Philippine Air Force. Nakikita po natin ang epekto ng external threat; sana po iyong nangyayari sa Russia and Ukraine ay hindi mag-trickle sa ating region. Kung mag-trickle iyan, baka it will require more assets. So, dapat po paghandaan natin iyan!

USEC. IGNACIO: Opo. Pero maiba naman po tayo ‘no, mayroon daw po bang update kung bakit po nag-crash-landing ang [unmanned] aerial vehicle (UAV) na Hermes 900 drone noong May 28 sa Cagayan De Oro City, General?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Yes, Usec. It’s unfortunate na iyong Hermes 900 ay bumagsak  sa may Cagayan De Oro City Airport, ito ay nangyari during a functional check flight, so ibig sabihin tini-testing iyong eroplano, bumagsak siya a couple of meter during the descend to landing. Ngayon ang final cause of the crash will still be known kapag nadala na po iyong black box for interpretation. Kasi dadalhin po iyong black box eh, kasi nandoon po lahat ng parameters before the crash. So ang magbabasa po niyan, sa Israel Company po, iyong nag-supply noong ating Hermes 900.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman pong challenge sa internal security natin, mayroon po ba, General?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Sa ngayon, Usec,  dwindling na po ang strength  ng internal security natin and thanks to NTF-ELCAC naliliwanagan po ang ating mga kababayan na ang hasik at lagim na dulot ng  komunista sa ating bayan ay pabagsak lang ang naidudulot noon. So, naiintindihan po iyan ng mga magulang, lalo na ng mga estudyante natin sa eskuwelahan, kaya nakikita naming ang threat ng internal security operations ay pababa na, kaya medyo magshi-shift na po tayo sa external threat.

USEC. IGNACIO: Opo. General, nalalapit na rin po ang pagdiriwang naman ng founding anniversary ng Philippine Air Force, kailan ba ito at saan daw po ito gaganapin?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Salamat, Usec, for this opportunity. Ang Philippine Air Force will be celebrating the 75th anniversary sa Air Force City, Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga sa July 1. Ito ay mangyayari sa hapon and we have invited, our new President, President-elect BongBong Marcos to grace the occasion as our guest of honor. Sana po iyong may time [ay dumalo] at magpapalabas din po kami, through VTC para doon sa hindi makakadalo physically.

USEC. IGNACIO: Pero, ano daw po ang magiging tema ng pagdiriwang ngayong taon at ano pa iyong mga magaganap sa mismong selebrasyon?

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Usec, ang ating tema for the 75th anniversary ay PAF@75: Patuloy sa Paglipad Tungo sa mas Matatag at Maaasahang Hukbong Himpapawid para sa Diyos, Bayan at Pilipino. So, sa celebration po na ito, sa July 1, of course ay we will be awarding units, who exemplified during the past year, and individuals who have demonstrated extra skills and accomplishments during the year. And this will be culminated through simple dinner and then some drone show in the afternoon. And then, we will also do flybys, para maipakita po natin sa ating sambayanan kung ano na po ang Philippine Air Force sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Mukhang itong anibersaryo ng Philippine Air Force ang unang event na pupuntahan ni President-elect BongBong Marcos matapos po na talagang pormal nang maupo o mag-assume sa kaniyang post, ano po. General, kunin ko na lamang po iyong mensahe mo, paalala lamang po sa ating mga kababayan at imbitahan na rin ninyo sila para po suportahan itong nalalapit na anibersaryo ng Philippine Air Force.

PAF LTGEN. CANLAS SR.: Salamat, Usec. Rocky.

On behalf of the Philippine Air Force, and of course our Commander-in-Chief, we would like to invite you to grace or witness the 75th Founding Anniversary of the Philippine Air Force. Sana po ay ma-appreciate ninyo ang mga inihanda namin para sa inyo at makita po ninyo kung ano po ang Philippine Air Force sa ngayon. We continue to be public servants and rest assured that we will be professional and committed to serving the people and of course the country and of course, our almighty God.  So, maraming-maraming salamat po, for this opportunity and  God Bless everyone po.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong pagtungo dito sa amin, Lt. General Connor Anthony Canlas Sr., ang Commanding General ng Philippine Air Force. Mabuhay po kayo and happy anniversary!

PAF LTGEN. CANLAS SR.:  Thank you, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, sinamahan ni Senator Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-124 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kahapon sa Rizal Park. At kasabay nito ay may panawagan rin si Senator Bong Go sa bawat Pilipino. Ang detalye sa report na ito.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mahahalagang impormasyon patungkol pa rin po sa COVID-19 situation sa bansa at iba pang isyung pangkalusugan ang ating pag-uusapan kasama po si Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel at isang Infectious Diseases Expert.

Magandang araw po, Doc Solante!

DR. RONTGENE SOLANTE:Good morning, USec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, last week ay may tatlong naidagdag na kaso ng Omicron subvariant BA.5 sa bansa. Sa latest po na estado ng COVID-19 cases sa ating bansa, ano po iyong nakikita ninyong magiging sitwasyon sa mga susunod na araw or linggo?

DR. RONTGENE SOLANTE:Kailangan nating i-monitor ‘no, especially   this is a highly transmissible lineage of the Omicron. And the BA.5 has already been documented in 47 other countries na medyo causing uptick of the cases. Although ang maganda lang dito sa most   of the BA.5 na na-experience ng ibang bansa, it has not been proven yet that it can also cause [a] severe type of COVID-19 infection.

But, just to say, in the next few weeks, it’s important for us to monitor the trends in the cases especially for those who may have COVID[-19]. And importante rin dito ang pag-monitor natin ng healthcare utilization natin para lang at least,  …magiging kampante pa ba tayo na itong COVID[-19] lineages na ito are only causing mild infection or is it possible also that the vulnerable population can have mild symptoms but can also develop severe disease.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, isunod ko na po itong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: The country reported 308 new COVID[-19] cases yesterday. This is the highest single day jump since April 20. Is this a cause of concern considering daw po that the DOH also noticed a slight uptick in cases nationwide in recent weeks? Ganito rin po iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV,  ano daw po kaya iyong nakikitang dahilan nito?

DR. RONTGENE SOLANTE:Okay. Dito, nakikita natin ngayon with the report of the BA.4, BA.5 entry including BA.2.12.1, na kapag pumapasok ito sa bansa natin, talagang we would expect na mayroong mga uptick of cases. But if you look at the 300 plus cases, it’s not something to worry about, something to be of concern.

Alam naman natin kung paano ito masugpo at ma-control and we have had experience before with more virulent and more highly transmissible variants of concern like the Delta or the Alpha.

So, we just have to monitor the cases and again, ang pinakaimportante ngayon is we need to maintain our mask mandate, the health protocol and isama na rin natin na sana with these number of cases ay mapalago natin ang first booster sa general population which is for me,  very important with the Omicron lineages.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, ano po iyong masasabi ninyo sa naging pahayag po ng OCTA [Research] na posible daw po na sa isa hanggang sa dalawang linggo ay puwedeng maibalik sa ‘moderate’ [risk classification] ang sitwasyon ng National Capital Region?

DR. RONTGENE SOLANTE:Well, this is something about   prediction ng OCTA, [it is] because of the highly transmissible virus ‘no. You can just imagine, if you have BA.4, you have BA.5 and at the same time you have BA.2.12.1 in our setting, then this is something talaga,  we would expect uptick of cases, and going back to a ‘moderate’ risk [classification] will only make us more careful and at the same time to prevent the escalation of the cases.

But ang pinakaimportante dito, USec. Rocky, they need to monitor the healthcare utilization rate. We need to protect the healthcare viability ‘no, ng healthcare natin, because once we see, na makita natin ang pagtaas ng mga kaso and at the same time [ay] marami rin ang naa-admit dahil sa dami ng kaso, then that’s something na medyo hindi maganda ano.

So, ang laban talaga dito is in the community. We need to strengthen the isolation, we need to strengthen the detection and if we have the antiviral agent, sana very accessible ito, so that we can also continue to protect the vulnerable population to prevent them from getting the severe infection at hindi mapupuno ang mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyon tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune although may nabanggit na po kayo, baka may maidagdag lang po kayo, Doc Rontgene: Ano daw po iyong measures na dapat gawin to keep the COVID[-19] situation manageable?

DR. RONTGENE SOLANTE:Okay. Unang-una, let’s prepare the healthcare system kasi iyon naman talaga ang pinaka-ugat nito na kapag na-overwhelm iyong healthcare utilization natin, doon tayo magkakaproblema dahil maraming pasyente ang hindi makakapasok at puwedeng magdulot ng more severe infection. We still have to maintain the room allocation of the hospitals, hindi natin muna itodo  for the non-COVID-19. I-reserve natin, we maintain the percentage of COVID-19 rooms.

Pangalawa, we need to strengthen the detection, the testing, especially for those vulnerable population na mataas ang risk na mag-severe disease. Even if they are still in the mild symptom, they can be given with the antiviral agents ‘no para at least hindi lumala iyong mga condition because for me, the vulnerable population, this is the one [that] we need to prioritize in protecting because of the high risk of mortality.

And iyong pangatlo, napaka-importante pa rin ng health protocol.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Mela Lesmoras ng PTV: Sa isang panayam, sinabi ni Undersecretary Vergeire ang posibilidad na i-akyat nga po sa Alert Level 2 ang NCR dahil sa uptick ng COVID-19 cases. Sang-ayon po ba kayo dito?

DR. RONTGENE SOLANTE:Well, isa iyan sa mga tinitingnan natin because we always follow the parameters ‘no, iyong mga metrics na tinitingnan natin. And if there is an indication that we have to increase the alert level to moderate [risk classification] so that everyone will also be conscious about the status specially the people, na talagang medyo tumaas ang kaso, then we should do that para at least to strengthen our implementation of what is important in mitigating para hindi tayo magiging critical level.

USEC. IGNACIO: Opo. Tayo po ay protektado o malakas ang ating immune system kontra COVID-19 virus four to six months after magpabakuna. May mga ilan po sa atin na kumuha na ng booster shot noong buwan po ng Enero pa ngayong taon. Ngayon ay June na po, ibig sabihin po ba itong mga nakakuha ng booster shot o nagpabakuna nang lampas anim na buwan ay, sabihin natin, bumababa na po ang proteksyon sa COVID-19 virus, Doc Rontgene?

DR. RONTGENE SOLANTE:Okay. So, ipaliwanag lang natin ‘no. Noong nagbibigay tayo ng booster, the primary purpose of giving the first booster is to prevent development of severe infection and that’s why the general public was given that mandate that they should receive  the first booster kasi ang ayaw natin na magkakasakit at mag-develop ka ng severe disease.

Now, these vaccines that are available, iyong proteksyon niya after four to six months,  talagang bababa in terms of protecting us na makakuha ng infection. So, puwede tayong kapitan pero the efficacy of the vaccine to protect us against severe disease will still be there.

So, importante pa rin na nandoon iyong confidence natin na even magkakasakit ka but since you have the booster, your risk of developing the severe infection will be lowered compared to those who did not have the booster. That’s the difference between a booster and a non-boostered individual.

At gusto ko lang i-extend itong explanation natin ‘no. Now, the second booster is really intended to the immunocompromised at saka iyong 60 years old, including the healthcare workers because the benefit ng second booster is mataas ang makuha nilang benefit compared to giving a second booster to the general population.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dr. Rontgene, sa ngayon po ay mga immunocompromised, mga medical frontliners at senior citizens pa lang po iyong pinapayagang makakuha ng second booster. Ano po kaya iyong puwedeng gawin ng mga hindi pa puwedeng kumuha ng second booster shot para po mapalakas iyong immune system kontra COVID-19 virus?

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. So maliban doon, Usec. Rocky, palagi natin itong inuulit-ulit: Get your first booster. Kasi for the general population, the 18 years old and above, it’s the first booster that matters a lot in terms of protection against severe infection.

Now the other one rin, na palagi nating sinasabi rin, na huwag tayong magtanggal ng mask ‘no whether it’s outdoor or indoor. Napakaimportante pa rin ‘no especially with these new variants of concern na napakataas ang hawaan, we cannot allow ourselves getting sick and at the same time, tataas na naman ang kaso natin. So we have to do it ‘no, itong dalawa, napakaimportante at this point in time.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero para sa inyo po, kailan po dapat maaprubahan o ma-implement ito pong pamimigay ng second booster shot sa iba pang priority list?

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. So kung ako ang tatanungin nito, if I’m going to add what priority list that should be given the second booster ay ito iyong mga mayroong comorbidities. Sa ngayon, ang second booster ay allowed only for the healthcare workers, for the immunocompromised and those 60 years old and above.

But I think, the other consideration there are those with comorbid conditions kagaya ng may hypertension, may diabetes. These are people also [that are] as vulnerable as those patients who are also elderly. So sana mayroon tayong move na ganito, na i-extend natin sa mga may mga comorbidities.

USEC. IGNACIO: Opo. In your previous statement po, Doc Rontgene, na-mention po ninyo na it’s high time na tanggalin ang emergency label ng COVID-19. Ito po ba ay napapanahon pa rin kahit po may naitatalang pagtaas sa bilang ng COVID cases sa bansa?

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. That’s a very good question ‘no. Now, I’m going to make this something like this: With the threat of these variants of concern, especially these three variants of concern which is globally rising ‘no, in terms of prevalence, I think this is not the right time yet to lift the public state of emergency.

If the public state of emergency will give us more leeway to implement the mitigating recommendations and policy para lang hindi lalaki iyong mga kaso, hindi tataas ang mga kaso, then I would agree that we will still be in a state of public emergency.

USEC. IGNACIO: Opo. Cebu Governor Gwen Garcia issued po an executive order sa Cebu na puwede na pong magtanggal ng face mask basta nasa well-ventilated/open spaces. Ano po ang opinyon ninyo dito, Doc Rontgene?

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. So gusto ko lang ipaliwanag ‘no, comparing a ventilated/open space and a closed indoor in terms of transmission, mas mataas ang risk sa indoor. But the outdoor, it doesn’t also mean zero ang risk especially sa mga matataong lugar – sa mga public market, sa mga public transportation system.

So in a way, for me, at this point in time, plus the fact na mayroon pa tayong mga variants of concern na hindi natin alam ang status especially in the provinces ‘no, I think it’s not safe yet to lift the mask mandate not only in indoor but also outdoor.

USEC. IGNACIO: Opo. Naging isyu po nitong nakaraang mga linggo iyong punuan na emergency room (ER) ng ilang mga ospital lalo na po dito sa NCR dito po sa mga non-COVID patients. Sa mga ospital na kayo po ay affiliated, ito rin po ba ay concern hanggang sa ngayon?

DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, Usec. Rocky, and this is expected because itong mga naka-admit ngayon sa mga ospital, these are non-COVID; these are patients in the vulnerable population with chronic diseases kagaya ng hypertension, kagaya ng diabetes. And most of the reason for admission is either because of the complications of these chronic diseases na sa dalawang taon ay hindi masyadong na-maintain ang mga gamot or masyadong napabayaan.

And in fact, there are also cases na tumataas ang tuberculosis, tumaas ang HIV. And talagang normal ito na effect ng isang pandemic wherein we limit the mobility; natatakot ang mga pasyente pumunta sa hospital. So these are also experienced by most of the hospitals now, na nakita natin ang pagtaas ng mga ganitong klaseng kaso.

USEC. IGNACIO: Doc, anong mga hakbang daw po ang isinasagawa naman ng mga ospital para po masolusyunan itong problema na ito?

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. So most of the hospitals now are gearing towards encouraging people to have their check-ups especially sa may mga chronic diseases ‘no, in terms of preventing them na mag-develop ng mga kumplikasyon ‘no. So dapat ay alukin natin sila pagpunta sa mga ospital para matingnan ng mga doktor nila maski wala pa silang naramdaman as long as para lang ma-checkup sila.

Pangalawa, most hospitals are really allocating beds na rin dito sa mga non-COVID. And to maintain the viability, we still have to also screen them for COVID maski hindi naman respiratory ang presentation, just to make sure na hindi mahaluan ng COVID kasi mahirap din kung mayroon tayong mga ganitong klaseng mga non-COVID tapos pagpasok sa ospital ay mahahawaan lang.

So, napakaimportante na ang mga hospital systems ngayon are also encouraging patients to have their clinic follow-up and then see their doctors para at least makontrol iyong mga chronic diseases nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sa panahon po ngayon, bukod po dito sa COVID-19 vaccine, ano pa raw pong bakuna ang kailangan natin sa ngayon?

DR. RONTGENE SOLANTE: Well, salamat sa ganitong reminders ‘no, because flu season is starting now in the Philippines. Usually, ang flu season sa Philippines ay mag-start ng June, July, August and September. And at this point, talagang we encourage people to also get their influenza vaccine especially the vulnerable population. Sino ba sila? Iyong matanda, mga may comorbidities at iyong mga bata at saka immunocompromised population.

Maliban sa flu vaccine, mayroon din tayong pneumococcal vaccine kasi magkasama palagi iyan. Kapag mayroon kang influenza, mataas rin ang co-infection ng pneumonia ‘no, iyong ganoong infection.

So we encourage the adult [to have] the influenza, the pneumococcal vaccine. Tapos iyong sa mga adolescent na mga vaccination recommendation, kailangan din na ma-update sila at alamin nila doon sa mga doktor nila kung ano iyong mga bakuna na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, kunin ko na lamang ang inyong mensahe at paalala ninyo sa ating mga kababayan? Go ahead po.

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. So nakikita natin ngayon ang slight uptick ng mga cases ng mga COVD-19 ‘no, but this is not something to panic. At alam naman natin kung ano ang gagawin natin. We have had this experience before, at hindi tayo magpa-panic ‘no. Maintain our health protocol – magsuot ng mask, maghugas ng kamay. At iyong hindi pa nakatanggap ng first booster nila, iyon ang priority natin na sana, you have to consider getting the first booster to maintain your protection against severe type of COVID. Salamat po!

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong walang sawang paglalaan ng inyong oras sa amin, Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel at isang infectious diseases expert. Salamat po!

Maayos na ang kalagayan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ngayon, matapos pong mahimatay kahapon sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Maynila.

Kasisimula lang noong ng programa nang mag-collapse po ang Kalihim kaya’t agad siyang dinala sa ospital.

Nag-video call naman po sa kaniya si Pangulong Rodrigo Duterte kasama po si Senator Bong Go para tiyaking nasa mabuting kundisyon ito.

Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, kararating lamang ng Kalihim mula sa Singapore nang siya ay dumiretso sa Luneta na sinabayan pa ng matinding sikat ng araw, ito ang nakikitang dahilan kaya siya nahimatay.

Sa isang Facebook post ng Kalihim, makikita namang nakangiti na siyang muli habang nagpapahinga. At sa caption nito, nagpapasalamat si Lorenzana sa lahat ng nananalangin para sa kaniya.

Una na pong ipinahayag ni DILG Secretary Eduardo Año na hindi kikilalanin ng DILG ang executive order na ipinalabas ni Cebu Governor Garcia hinggil po sa optional na pagsusuot ng face mask sa outdoor area sa lalawigan. Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Undersecretary Epimaco Densing III ng Department of the Interior and Local Government. Good morning po, Usec.

DILG USEC. DENSING III: Magandang umaga, USec. Rocky at maayong buntag sa tanan (dialect).

USEC. IGNACIO: USec, ano po iyong naging direktiba ng DILG ngayon, ilang araw po matapos itong pag-i-isyu ng EO ni Governor Gwen Garcia kaugnay po sa pagsusuot ng face mask   sa lalawigan?

DILG USEC. DENSING III: Well, ang guidance pa rin po ni Secretary Año  ay huwag kilalanin ang Executive Order na inisyu ni Governor Gwen Garcia at binigyan po ng kautusan at direktiba pa rin ang ating kapulisan  na komprontahin o bigyan ng advice iyong ating mga kababayan diyan sa Cebu province na hindi nakasuot ng face mask na magsuot pa rin ng face mask. At iyong  pagsasabi po na sila ay arestuhin, puwede naman po iyang gawin. Dahil kung ang ating kapulisan, who are persons in authority, ay kanilang ginagampanan lang iyong kanilang trabaho at sinusunod ang kautusan sa kanila. At iyong ating kababayan ay hindi sumusunod ay puwede naman talaga silang arestuhin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero masasabi po ba ng DILG  na may nalabag na batas dito?

DILG USEC. DENSING III: Mayroon po. Una sa lahat, nasa National Public Health Emergency pa tayo. Ito ay mali-lift on or before September 12 of this year. So, in other words, lahat dapat ng mga kautusan ng mga lokal  na gobyerno ay naka-align sa pambansang gobyerno, dahil tayo  ay naka-pandemya pa. At isa sa major policy  na nanggaling mismo sa bibig ng ating Pangulo ay patuloy pa ring  magsuot ng face mask, maging sa loob o sa labas ng bahay puwera lang kung tayo ay kakain o kung tayo ay involved sa isang sports na maayos ang ventilation.

Other than that, kailangan nating isuot ang ating mga face mask, so this is a valid order from the highest official, the President himself. And I would like to make mention that under the constitution, the President has the general supervision over all local government units. In this case, the governors and mayors of highly-urbanized cities are under the direct supervision of the President. At gusto ko lang banggitin na, USec. Rocky ‘no. May nabanggit si Governor Garcia na i-invoke po niya ang section 105 ng local government code. Gusto ko sanang i-correct lang na hindi po ito applicable sa sitwasyon   ngayon. Dahil ang section 105 ng local government code na nabanggit po doon na puwede pong utusan ng Pangulo ang  Secretary of Health after consulting with the local government na i-takeover nila  ang health operations ng isang local government unit at maibabalik lamang ito after six months.

Pero dito sa sitwasyon natin, never po nag-takeover ng health operations ang ating national government sa local government health  operations. Ang binabanggit lang po nito, mayroon tayong national policies  and part of these national policies to prevent the spread of COVID-19 is really to wear the face mask at isa sa binabanggit dito sa ating lokal na gobyerno, that all  our local government  officials mandate is to follow the law, policy and regulations at ito ang  basehan ng general supervision ng ating Pangulo.

At gusto ko lang banggitin din na itong general supervision na ito na  mandato ng ating Pangulo has been delegated to the DILG by a administrative order 267. Kaya po kami sa  DILG ang nagpapasaway sa mga lokal  na gobyerno na hindi po sumusunod o hindi naka-align ang kanilang mga polisiya o ordinansa sa mga pambansang batas.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may kaugnayan po dito ang tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror. Is DILG now considering any sanction for the Cebu Local Government if it continues to implement optional wearing of face masks?

DILG USEC. DENSING III: That should be the last step ‘no. sending a show-cause order to the good Governor. But in the meantime, we will have to ask our officials in the region to talk to the governor to make some adjustments in the executive order. I believe there is a good intent in the executive order by Governor Gwen. But more importantly, we should most probably look into the details that it should be aligned with what is pronounced by the President. So, in the meantime, communication is key, a show cause order will be the last step if ever no adjustments will be made.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong susunod pong tanong ay tanong ni Celerina Monte ng NHK. Pero pareho na rin po sila ng tanong ni Sam Medenilla. Klaruhin lang po natin ano po, dahil hindi daw po nire-recognize ng DILG itong executive order ni Governor Gwen. Ibig sabihin po ba nito, huhulihin pa rin iyong mga makikitang hindi nagsusuot ng face mask sa  pampublikong lugar sa Cebu? Tama po ba ito, USec.?

DILG USEC. DENSING III: Nabanggit ko nga kanina, mayroon pong valid order mula sa pinakamataas na opisyal ng ating bansa, ang Pangulong Duterte na patuloy pa rin dapat na nagsusuot ng face mask. So, ang direktiba po ay sitahin ‘no, sisitahin po iyong ating mga kababayan na hindi nakasuot ng face mask, kung may dalang face mask ang ating kapulisan, bigyan po sila ng face mask, pero kung talagang sinasadya po ng ating  kababayan na hindi sundin ang isang kautusan ng isang persons with  authority, itong ating mga kapulisan, iyong ating mga barangay na sila ay magsuot ng face mask at patuloy nilang ayaw talagang sundin, iyon po ang  basehan ng pag-aaresto, ang hindi pagsunod  sa mga taong may awtoridad or persons in authority.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po, mula kay Mela Lesmoras ng PTV. Sinabi daw po ni  Cebu Governor Garcia na walang legal basis para arestuhin ang isang taong mahuhuling walang face mask outdoors. Ano po ang masasabi ninyo dito at ano daw po talaga iyong patakaran sa face mask  sa ilalim ng IATF guidelines?

DILG USEC. DENSING III: Binanggit ko na po ang legal basis ng pag-aaresto, ‘no. Hindi po, dahil hindi nakasuot ng face mask. Ang sabi po natin, ang ating kapulisan ay kailangang pagsabihan iyong ating mga kababayan na ang isang valid order ng ating Pangulo na magsuot ng facemask, kailangan sundin. Kaya nga sabi nila, kung may dalang face mask ang ating kapulisan, bigyan pa. Pero kung talagang patuloy at sinasadyang ayaw sundin ng ating kababayan ang isang tamang kautusan o ng direktiba ng ating kapulisan, puwede silang hulihin on the basis of disobedience to the persons in authority, iyon po ang legal basis for the arrest.

Not necessarily with the non-wearing of facemask. And again, uulitin ko, the protocol right now, as pronounced by the President is still to use the facemask in all areas in the Philippines,  whether indoor  or outdoor especially in crowded places, ‘no Even though there is  ventilation except  kung kakain po iyong ating kababayan kailangan talagang tanggalin or kung sila ay involved into sports na maayos po ang ventilation, pwede rin pong tanggalin. But in general terms, everybody should still continue to wear the face mask, hindi pa po naka-lift iyong National Public Health Emergency, mayroon pa ring various variants of concern at nabanggit kanina ng ating isa sa infectious experts na si Dr. Solano na siya na mismo ang nagsasabi na kahit open or open space po ito or ventilated, maaari pa ring makapanghawa, lalo na itong mga bagong variant ng Omicron na mabilis makapanghawa even in an open environment.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Vivienne Gulla ng ABS-CBN. Isa daw po sa mga nakikitang  dahilan ng pagtaas ng COVID cases maliban sa bagong subvariants ay ang mababang booster  uptake. May mga rekomendasyon ba o strategy ang DILG  para daw po mapalakas iyong rollout ng COVID booster shot sa LGUs?

DILG USEC. DENSING III: Well, tama po iyan, napakababa po ng ating booster shots. I think, nasa 14.5 or 14.6 million lamang out of the close to 70 million that we have fully vaccinated. And this is one of the agenda or topics that we talked about in one of the latest meetings of the National Vaccination Operations Center to which the DILG serves as the Vice-Chair.  So, our push really is one, to ensure that all local governments will make that final push, at least before June 30 of this year, to convince their fellow residents or constituency to have that booster shots.

Marami pa po tayong available na bakuna at sana maintindihan ng ating mga kababayan, lalo na iyong mga may immunocompromised, iyong mga  healthcare workers at saka mga senior citizens na magpabakuna. Ito po iyong ating priority. So, ito po ang major push namin sa susunod na  dalawa pang linggo.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol na tanong po si Sam Medenilla ng Business Mirror. Hanggang kailan po ang ibibigay na grace period ng DILG sa Cebu Provincial Government to change its EO for the optional wearing of face mask?

DILG USEC. DENSING III: Siguro ngayong linggo, puwede po nating sabihin, dapat nag-uusap na po ngayon iyong aming Regional Director together with the Governor or the representative of the Governor to make that adjustments. Again, noong tiningnan ko po iyong EO, may mga ilang area lang naman na medyo hindi nakatugma, kagaya ng sinasabi nilang kapag crowded places, people are encourage to wear face mask. Kailangan na hindi encourage, kailangan mandatory pa rin kung crowded areas, kasi nagkaka-dikit-dikit po iyong tao.

Siguro iyong mga ibang probisyon na iyan. Pero in general terms, kailangan lang naman siya naka-align doon sa protocols or health protocols as pronounced by the President in the wearing of face masks.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Mela Lesmoras ng PTV: Dahil daw po sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa National Capital Region, pabor daw po ba kayong iakyat ulit sa Alert Level 2 ang Metro Manila?

DILG USEC. DENSING III: May metrics po tayong sinusunod po diyan kagaya ng kapag nagkaroon ng 200% increase ng two-week growth rate or tumaas po iyong ating Average Daily Attack Rate (ADAR) or tumaas po iyong ating healthcare utilization rate.

In the meantime kung titingnan natin iyong metrics, ang pinakaposibleng tumaas lamang po ay iyong two-week growth rate. So, kung nag-200% po ang two-week growth rate ng NCR, isa po itong metric na makakapaglagay sa NCR into a ‘moderate’ risk environment na maaaring makapagpataas to Alert Level 2. Pero of course, this will only be subject to discussions amongst members of the Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

So again, may sinusunod na metrics. Then kapag ito po ay tatamaan, pag-uusapan po ito ng IATF bago po ma-finalize kung talagang kailangan iangat ang alert level to a higher alert level, again, depending on the situation and the appreciation of its impact on the economic environment of the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Mela Lesmoras ng PTV: Kailan daw po magpupulong ang IATF para pagdesisyunan ang susunod na alert level sa bansa? At para sa kaalaman po ng publiko, anu-ano po ang basehan ng IATF para itaas o ibaba ang alert level sa isang lugar?

DILG USEC. DENSING III: Sa aking pagkakaalam, ang susunod na IATF meeting po [ay] sa Huwebes sa susunod na linggo, Thursday, next week ‘no – that’s number one, kasi po idi-decide po uli iyong alert level from June 16 to June 3o.

Pangalawa, nabanggit ko kanina, ang mga basehan po diyan, again, iyong two-week growth rate [ay] kailangan po hindi lalampas ng 200%; iyong Average Daily Attack Rate, kailangan hindi lumampas ng seven cases for every 100,000 population; at iyong healthcare utilization rate natin ay dapat hindi po lumampas ng 50%. Iyon po ang mga basehan.

So, kung lahat ho iyon [ay] mababa, nasa Alert Level 1 status. Kung lumampas po ang isang metric sa mga ceiling, puwede hong i-moderate level at pagdesisyunan o magkaroon ng posibilidad na i-angat ang alert level status.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May existing localized lockdown na po kaya na ipatutupad ang DILG dito daw po sa areas with increasing COVID-19 cases like Quezon City; if yes, saan po kaya ang mga ito?

DILG USEC. DENSING III: Tuluy-tuloy naman po ang mga sitwasyon kung kailangan hong mag-granular lockdown. In fact, nakakakuha pa rin ho tayo ng report mula sa ating PNP. Pero so far po, iyong mga cases, kung Omicron po iyan, usually iyong mga kababayan na mismo natin po ang hindi na po lumalabas ng bahay ‘no. So, [ang] binabantayan na lang po natin na hindi lumabas iyong mga kababayan natin na nahawaan ng Omicron o ng COVID-19.

So, mayroon na hong self-policing na nangyayari. Pero kung kailangan na talagang i-lockdown ang isang barangay o isang sitio, gagawin po natin. Pero right now po, kumbaga kung may mga lockdowns po na nangyayari, naka-lockdown po ang isang bahay lamang po kung nasaan iyong kaso ay nandoon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman po ng halaalan. Nitong ika-walo daw po ng Hunyo, 2022 ang deadline ng filing ng State of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga newly elected officials, ano na daw po ang update dito, Usec?

DILG USEC. DENSING III: Siguro ang kailangan naming makuha – kasi nagsu-submit po ang ating mga kandidato sa COMELEC ‘no – siguro kung makakakuha kami ng notice sa COMELEC na iyong mga ilang nanalo sa ating nakaraang halalan ay hindi po nag-submit ng kanilang State of Contributions and Expenditures, kailangan bigyan ng notice ang DILG para mapagsabihan itong opisyales na ito na maaaring hindi po sila makaupo o maka-assume [ng] office until mabigyan ho sila ng clearance ng Commission on Elections.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero mayroon po ba na hindi pa nagsusumite, Usec.?

DILG USEC. DENSING III: As of today, wala pa ho kaming notice coming from the Commission on Elections kung sino ang mga nanalong opisyales sa lokal na lebel na hindi pa nakakapag-submit ng SOCE. So, hihintayin po namin ang feedback galing sa COMELEC.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Kumusta po ang transition activities ng DILG para po sa incoming administration? Ano daw po ang advice na ibinigay ni Secretary Eduardo Año to incoming Secretary Benhur Abalos?

DILG USEC. DENSING III: Well, una sa lahat, nagkaroon na po ng unang pagpupulong ang transition team ni [incoming] Secretary Benhur Abalos at iyong transition team namin dito sa DILG noong Biyernes ‘no. Nagkaroon ng mahigit dalawang oras na pag-uusap at nagkaroon po ng briefing kung ano ang mga legal basis ng DILG, iyong kanilang mga ginagawang trabaho, iyong mga attached agencies.

So, it was a general briefing for the part of the DILG to the incoming transition team and magkakaroon pa ng iba pang mga susunod na meeting kasama ang transition team ni [incoming] Secretary Benhur Abalos. Pero doon sa transition na iyon ay mas magiging detalyado na ang gagawin.

Ang advice lang po ni Secretary Año kay [incoming] Secretary Benhur ay medyo mabigat po ang trabaho sa DILG. Pero [si] Secretary Año, having had an experience of working with Benhur Abalos in the past few years because of this COVID-19 pandemic, he (incoming Secretary Abalos) will be able to overcome these challenges at the DILG.

It’s quite a large work that he will be handling for the next administration but I believe with the professionality, of professional attitude and experience of [incoming] Secretary Benhur Abalos, he will be able to do what needs to be done under the auspices of the DILG under the Marcos administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong araw, Undersecretary Epimaco Densing III ng Department of the Interior and Local Government. Stay safe po, USec.!

DILG USEC. DENSING III: Salamat po, Usec. Rocky. Magandang umaga muli!

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid sa atin iyan ni Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng medical frontliner si Senator Bong Go, at nagsagawa ng monitoring sa Malasakit Center sa Sultan Kudarat Provincial Hospital bilang pagpapatuloy ng pagsulong ng mga batas para sa ikabubuti ng healthcare system sa bansa.

Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)