Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Bagong suggested retail price sa ilang mga bilihin at consumer protection, pagbabakuna ng second booster sa ilang eligible population, at antas ng tubig sa mga dam kaugnay ng pagpasok ng tag-ulan, ilan lamang iyan sa mga usaping hihimayin natin ngayong araw ng Biyernes, ikadalawampu ng Mayo. Manatiling nakatutok po. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Nanindigan ang Malacañang na walang nangyaring iregularidad sa nagdaang Hatol ng Bayan 2022. Ito ay kasunod ng pahayag ng grupong International Observer Mission na hindi raw umano naging patas at malaya ang nakaraang eleksyon. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, nawa’y irespeto ng lahat ang naging resulta ng eleksyon at bigyan ng pagkakataon ang mga nanalo na gampanan ang kanilang tungkulin.

Ganunpaman, para maliwanagan ang isyu, ipinaubaya na rin ng sa Commission on Elections ang pagpapaliwanag ukol dito.

Nagpaalala po ang Commission on Elections sa lahat ng mga kandidato sa Hatol ng Bayan 2022 na hanggang June 8 na lamang po ang pagsusumite ng statement of contribution and expenditures o SOCE. Ayon sa Comelec, saklaw nito kahit ang mga natalong kandidato at mga nag-withdraw.

Para naman po sa mga nanalo na mabibigong magpasa ng kanilang SOCE, posibleng hindi makaupo ang mga ito sa kanilang puwesto kahit naiproklema na. Paalala ng poll body, may karampatang parusa ang hindi pagpapasa ng SOCE sa ilalim ng Republic Act 7166.

Nagbabala rin ang Comelec sa mga kandidato laban sa posibleng pamimeke ng kanilang SOCE dahil may kopya rin ng resibo ang Comelec sa mga nagastos ng bawat kandidato.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para naman makibalita sa mga pagsusuri ng FDA kaugnay sa mga bakuna kontra COVID-19, makakasama po natin si FDA Director Oscar Gutierrez. Magandang umaga po, Director. Director? Babalikan po natin, mukhang nawala po siya sa linya ng ating komunikasyon. Direktor Oscar Gutierrez? Okay, babalikan po natin si Director Oscar Gutierrez.

Samantala, naniniwala si Senator Go na nararapat lang na mabigyan ng honoraria at benepisyo ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan dahil daan aniya ang SK para mailapit sa taumbayan ang mga programa ng pamahalaan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Price increase sa ilang mga pangunahing bilihin, inaprubahan ng Department of Trade and Industry. At panukalang batas na nagsusulong para sa pagtatayo ng Timbangan ng Bayan Centers ganap na pong batas. Iyan ang ating pag-uusapan, sa puntong ito ay muli nating makakasama si DTI Undersecretary Ruth Castelo. Magandang umaga, Usec.

DTI USEC. CASTELO: Hi! Good morning, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Good morning, Usec. Ruth. Para lang po sa kaalaman ng ating kababayan, nasa magkano po raw iyong inaprubahang taas-presyo ng DTI sa ilang prime goods?

DTI USEC. CASTELO: Marami tayong requests na na-receive, Usec. Rocky. Medyo malalaki siya, matataas na percentages. Pero ang in-approve natin finally is only a maximum of ten percent increase. Mayroong mga ibang two percent, three percent, four percent, pinakamataas na po iyong ten percent.

And, Usec. Rocky, only 82 products na nasa suggested retail price bulletin natin ang gumalaw out of 212 shelf-keeping units na nakalagay doon sa ating bulletin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Ruth, dito sa ten percent increase, ano pong mga produkto, ilan po sa mga produkto dito ang inaasahang magkakaroon na nga ng pagtaas?

DTI USEC. CASTELO: Iyong mga produkto na nandito, mayroon tayong [unclear]; mayroong water in bottles, iyong potable water na nakabote at naka-container; processed milk; pati instant noodles, coffees, salt. Medyo marami siyang items, Usec., kaya lang kapag tiningnan mo iyong bulletin natin sa isang item, halimbawa canned sardines, maraming produkto iyan; siguro mga apat ng sampu ang gumagalaw lang at any given publication would be around three or four items.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano raw po iyong naging consideration o batayan ng DTI dito sa pagtaas ng SRP, Usec.?

DTI USEC. CASTELO: Hindi na natin mapigilan na hindi magalaw, hindi magalaw iyong presyo dahil sa nagtataas na presyo ng raw materials naman na ginagamit nila, major ingredients nila sa paggawa. Halimbawa iyong tamban, for canned fish products, ang laki ng tinaas niya in terms of percentage. Aabot hanggang—even instant noodles, iyong palm oil na ginagamit nila, abot up to 32.14 percent. Iyong [unclear], idagdag mo pa iyong fuel prices na tumaas by 28.84%. Kaya kapag tiningnan mo talaga iyong raw materials nila, kung tumataas nang … malaki iyong pagtaas ng major raw materials nila, hindi natin puwedeng hindi na igalaw ang presyo. Although, pigil na pigil pa rin ito because DTI makes sure na hanggang 30% lang ng items ang gagalaw. But this time, dahil mayroon pa tayong mga pending requests for increase even before the latest … even before the January publication, naging 38% iyong ginalaw natin dito, Usec., kaya we have 82 SKUs na gumalaw.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., so far, namu-monitor po ba raw ng DTI kung nasusunod itong SRP? Kumusta raw po iyong monitoring sa mga pamilihan?

DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec., lahat ng mga supermarkets and groceries ay covered nito kasi hanggang tier 2 level tayo ng supply chain nagmo-monitor. So dito sa mga bilihan na ito, sigurado tayo na sumusunod sa suggested retail price natin ang mga retailers.

Iyong hindi lang natin covered ay iyong mga nasa convenient store na, Usec., at saka mga sari-sari stores because the supply chain mechanism is different. Ibang nature na iyon eh. So hanggang supermarkets and groceries po, sigurado tayo na bastante ang presyo.

And, Usec., we don’t only monitor the prices. Pati ang supply ng retail and manufacturing natin ay tinitingnan din natin kaya sigurado tayong maraming supply, hindi po tayo mauubusan despite the …what’s going on right now, na mauubusan tayo in terms of … with respect to manufactured food products po ay hindi tayo mauubusan.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po iyong hinaing ng ilan nating mga kababayan, nagkaroon daw po ng umento pero tumaas naman daw po ang presyo ng bilihin, Usec.

DTI USEC. CASTELO: Ang increase natin, Usec. Rocky, would be, maybe 15 centavos hanggang piso. So halos hindi rin naman natin mararamdaman itong increase na ito at ilan lang po doon sa mga nasa listahan natin ang gumalaw ang presyo, ang tumaas.

So the consumers would still have the choice na pumili sila ng mga nandoon sa SRP bulletin natin na hindi gumalaw ang presyo from January. Kasi iyong last publication natin before May 11 was January 27, so makikita nila iyong difference kung ilan lang talaga iyong gumalaw in the May publication, Usec. So, iyong bulletin natin, they can find it in the DTI website; nag-publish din tayo ng May 11. Or puntahan nila iyong e-presyo application ng DTI, It is downloadable in the android or IOS mobile devices. Para po kapag namili sila, dala-dala nila itong listahan natin, puwedeng piliin nila iyong mga items na nakalista doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa ngayon, sa assessment ninyo ay nakaka-recover na ba iyong ating MSME sa pandemic so far?

DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec, because we are already on 100% business operations. Unti-unti po, of course, medyo hindi naman pa kagaya noong pre-pandemic level. Pero, kahit papaano, Usec, nakaka-recover na iyong mga Micro, Small and Medium Enterprises natin na alalay lang. Siyempre alalay lang rin tayo sa ngayon, dahil hinihintay pa natin iyong full recovery talaga at full normalization ng operations. Pero, ngayon naman kasi, more or less, malapit-lapit na rin tayo doon sa normal operations nila, Usec.

Marami na ring nakabalik sa trabaho, marami na ring mga negosyong nagbubukas ulit at marami ring mga bagong negosyo na nagbukas this year also, including 2022, USec.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang batas na layong magkaroon ng Timbangan ng Bayan Center sa bansa para daw po iwas scam. Ano ba itong Timbangan Center na tinatawag, Usec?

DTI USEC. CASTELO: Iyong Timbangan ng Bayan, Usec, ito iyong mga timbangan na makikita natin sa mga major wet markets, iyong mga malalaking palengke talaga. Under the Consumer Act, ang DTI po ang naka-assign na mag-distribute ng timbangan, iyong malalaking weighing scale, para kapag namimili iyong mga tao ng agricultural products sa palengke.

Pero, under the law, iyong existing Consumer Act natin, iyong Municipal Treasurer po o ang City Treasurer po ang magka-calibrate nito. Magka-calibrate, meaning, imi-maintain nila na siguradong accurate iyong measurement doon sa weight na binibigay natin. But under the amendment na pinirmahan po ni Pangulong Duterte, marami na pong involved na agencies. Ang DILG po, katuwang ng DTI, to make sure na namo-monitor at nami-maintain itong mga timbangan na ito. And then now, under the new amendment also, iyong mga market masters – kasi, Usec, hindi pa lahat ng palengke, mayroong market master or market administrator – so, sila na ngayon ang in-charge na mag-monitor at mag-maintain nitong mga timbangan na ito para sigurado talaga na hindi nakakaloko.

Kasi, Usec., maraming mga scheme na ginagawa sa palengke. Halimbawa, dadalhin mo iyong nasa bilog na container o nasa batya siya na maliit na kakasya siya doon sa weight. May mga pabigat doon sa mismong lalagyan, hindi pa nailalagay iyong binibili mo ay mabigat na iyong weight noong lalagyan pa lang mismo. So, ngayon maa-avoid natin ito, because we are already going to hold the market master liable. So, sila na mismo ang titingin at maninigurado na hindi po, walang daya, walang scam or walang fraud na nangyayari doon sa Timbangan ng Bayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kung sakaling makita ng consumer na may kapabayaan o pandaraya sa timbangan, ano daw po iyong maaaring kakaharaping parusa ng nagbebenta?

DTI USEC. CASTELO: Hindi po nila puwede balewalain iyong violations sa timbangan, kasi under the Consumer Act, administrative cases would be penalized up to P300,000. And then sa Price Act naman, it constitutes profiteering also, so it becomes a criminal offense. Ang penalty po diyan would be P5,000 to P2 million and imprisonment of five to fifteen years. Kaya hindi po maliit na penalty ito lalo na iyong pagkakulong, so hindi po nila puwedeng i-ignore iyong batas.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod dito sa Timbangan ng Bayan, inaprubahan na rin po ni Pangulong Duterte itong Executive Order number 169 o itong Strengthening the Franchising Industry for the Protection of Micro, Small and Medium Enterprises. Paano daw po makakatulong ang batas na ito sa una nating MSMEs at mga consumers?

DTI USEC. CASTELO: Oh, yes, Usec. Kung maaalala natin, before the executive order [ay puwede] ang kahit sino na lang na negosyante, [kung] gusto niyang magpa-franchise, kahit na wala siya kahit anong rehistro, kahit na wala naman siyang produkto rin na pinapa-franchise, kaya maraming nai-scam na consumers natin at mga maliliit na negosyante.

So, with the Executive Order recently signed by PRRD, itong Executive Order number 169, mapoproteksiyunan na natin against scams ang MSMEs, kasi po naglagay na ng standard regulations ang DTI para sigurado po na makasunod, na mayroon talaga silang franchise agreement, na pipirmahan ng franchisor at franchisee at hindi po ito puwedeng i-violate. Additional feature nitong EO na ito, Usec, ay magmi-maintain tayo ng registry ng lahat ng franchises in the country.

So, dito po iyon sa DTI, kami po ang magmi-maintain ng registry na ito, para masigurado natin na nasa listahan iyong mga franchisors na ito at kung mayroong interesadong franchisee na gustong pumasok doon sa ganoong negosyo, puwede nilang i-verify sa atin sa DTI. Dati po kasi ay wala iyan, Usec. Ngayon, magkakaroon na tayo ng database.

USEC. IGNACIO: Opo. Hingi na rin kami ng detalye tungkol naman dito sa bagong loan program na alok po ng SB Corporation, para sa ating mga ating MSMEs, ito po iyong RiseUp program, Usec?

DTI USEC. CASTELO: Oh, yes, Usec. Itong RiseUp Program, bago naman na pondo, parang fresh funds naman ng SB Corporation. It’s a P6 billion fund na puwedeng mag-avail ng loans ang mga kababayan natin. So, we have three loan programs, mayroong multi-purpose, mayroong RiseUp Tindahan, mayroong RiseUp Turismo.

So, iyong Micro enterprises po natin, can get a multi-purpose loan of up to P300,000, mayroon pong 1% [interest] per month na walang collateral. Ang Small, Medium Enterprises naman po, puwedeng suki, kung dati na silang kliyente ng SB Corporation, puwede po silang makahiram up to P5 million collateral-free na loan, puwede pong magdagdag pa ng another P5 million, so magiging total of P10 million, provided of course, that they are in good standing doon sa loan – makakapagbayad sila o ayos iyong mga papeles nila overtime, on time silang magbayad. Ang interes po noon would be less than 1% per month, so puwede pong 8%, puwedeng 9%, depende po doon sa standing nila at sa magiging arrangement with SB Corporation.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, iyong may mga existing loan sa ibang SB program loan, puwede pa rin daw bang makapag-avail sa RiseUp Program?

DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec, basta same qualification, same condition. Nasa good standing po sila ng SB Corporation, iyong hindi sila sumasablay, nakakabayad sila on time at lalo na po kung natapos na nilang bayaran iyon. So, puwedeng-puwede po, kahit na mayroon silang existing loans.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman daw po kapag naghahanda ang DTI para naman dito sa transition period na ng papasok na bagong administrasyon, Usec?

DTI USEC. CASTELO: Opo. Lahat ng function groups po dito sa DTI, nag-submit kami ng mga major programs and accomplishments ng each function group, nasa PMS na rin po, sa Presidential Management Staff. Mayroon din po kaming sarili dito sa DTI, para matulungan si Secretary Lopez na mai-brief iyong bago pong papasok sa Secretary. So, ready naman po kami anytime kung ipatawag kami ng bagong magiging secretary or kung kailangang mag-briefing kami, ready po ang DTI.

But, very importantly, Usec, iyong mga existing programs natin na nakita natin na malaking benefit para sa bansa, itutuloy po natin and we will make the necessary recommendations po sa bagong secretary para ituloy talaga at masuportahan iyong mga programa.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec, ano na lamang, ang inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead.

DTI USEC. CASTELO: Oo, Usec, maraming salamat for this opportunity.

Mananawagan na din tayo, Usec. Wala po tayong problema sa pagkain, especially for manufactured food products, hindi po natin kailangan bumili ng madami or mag-imbak or ubusin lahat ng nasa shelves. Kumpleto po ang supply natin, so wala po tayong dapat ipag-alala.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Samantala, balikan na po natin si FDA Director Oscar Gutierrez.

FDA DIR. GUTIERREZ: Magandang umaga, Usec. Rocky. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po. Director, inaprubahan na po sa US ang booster shots sa five to eleven years old.

Dito po sa Pilipinas, may nag-apply na po ba na vaccine manufacturer para po sa booster shots para po sa naturang age group?

FDA DIR. GUTIERREZ: Sa ngayon po kasi ay wala pa pong nag-a-apply o natatanggap, Ma’am, kahit anong application para sa booster doses na pang-five to eleven years old.

Kung sakali mang mayroon pong mag-a-apply sa loob po ng tatlong linggo ay susubukan po nating ma-evaluate ito agad.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi po napipinto na po iyong pagtatapos ng Duterte Administration, so in case po, mga tatlong linggo po sa palagay ninyo ay aabot po sakali po na may mag-apply?

FDA DIR. GUTIERREZ: Opo, kakayanin po iyan kasi nagtutulungan naman po kami dito lahat kasama po ng ating mga vaccine expert.

USEC. IGNACIO: Isinusulong din po itong pagbibigay ng second booster shot para po sa mga OFWs at uniformed personnel. Ano po ang update ng FDA dito?

FDA DIR. GUTIERREZ: Kung titingnan po natin iyong Category A ay nakapaloob na po diyan iyong A4 kung saan po iyong frontliner at essential worker po natin ay kasama na po diyan iyong uniformed personnel.

Ang OFW naman ay nasa category naman ng B pero kung iku-consider po natin as essential workers sila ay maaari po silang mabigyan ng booster. Ito po ay desisyon na ng DOH. Ang importante po dito ay iyong bakuna po na inaprubahan ng FDA ay pumasa po sa safety, efficacy and quality standard para maibigay po sa adult population as booster.

USEC. IGNACIO: Pero ano naman po iyong masasabi ninyo dito sa bivalent vaccine na binubuo ng Moderna na pinaghalo raw po ang mRNA mula sa original virus at mula po sa Omicron? Mas epektibo raw po ba ito sa mga bagong variants, Director?

FDA DIR. GUTIERREZ: Opo. Welcome po itong development na ito laban sa COVID-19. Isang bakuna po na ang sabi po ay epektibo laban sa Beta, Delta, at Omicron.

Hihintayin po ng FDA ang EUA application at pag-aaralan po natin iyong clinical trial at iba pang datos po para ma-evaluate din po natin ito para sa safety, efficacy and quality ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Mag-update naman po kami tungkol dito sa mga bakuna na malapit na daw pong mag-expire. May na-extend po ba na shelf life?

FDA DIR. GUTIERREZ: Marami po tayong na-extend. Ang importante po kasi dito kung malapit na pong mag-expire ang bakuna, iyong EUA holder po ay i-present po nila iyong kanilang stability data na patuloy po nilang pinag-aaralan kung ang bakuna ay pumapasa po sa kanilang standard para ma-extend po iyong bakuna.

USEC. IGNACIO: Sa ngayon po, mayroon po ba kayong inaprubahan na dapat i-extend na shelf life, kung mayroon po ay ano po ito?

FDA DIR. GUTIERREZ: Sa ngayon po, wala po akong data pero natatandaan ko po mayroon po tayong naaprubahan na bakuna po.

I will get back to you na lang, Usec. Rocky, ipadadala ko po iyong data as soon as possible.

USEC. IGNACIO: Opo, Director, salamat po.

May mga bago po bang naaprubahan din na antigen home test kits, Director?

FDA DIR. GUTIERREZ: Sa ngayon po, mga dalawampung home antigen [test] kits na po ang naaprubahan ng FDA at marami po tayong hinihintay pa sa RITM.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kunin ko na lang iyong mensahe mo sa ating mga kababayan.

Go ahead po, Director.

FDA DIR. GUTIERREZ: Ayun lang naman po, na magpabakuna po tayo ng primary COVID vaccine at booster.

Ayon po sa guidelines ng DOH, patuloy po tayong magsuot ng ating mask at siyempre po, kung mayroon po tayong kakaibang nararamdaman ay kusa po tayong magpatingin sa mga doktor.

Iyon lang po. Maraming salamat, Usec.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, FDA Director Oscar Gutierrez.

Nitong Linggo ay pormal na pong inanunsiyo ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan. Para kumustahin ang antas ng tubig sa mga dam sa pagpasok ng tag-ulan at maging paghahanda para ditto ay makakausap po natin sa puntong ito si Director Sevillo David Jr., ng National Water Resources Board. Magandang umaga po.

Okay, babalikan po natin si Director Sevillo.

Samantala, ilang mga pamilyang nasunugan sa Maynila, hinatiran ng ayuda ng tanggapan ni Senator Go. Nakikiisa rin sa pamamahagi ng tulong ang ilang ahensiya ng gobyerno. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, umaarangkada na po ang pamamahagi ng second booster dose sa mga senior citizens at health care workers at para po pag-usapan iyan ay makakasama po natin si Dr. Benito Atienza, ang pangulo po o presidente ng Philippine Medical Association. Doc Benny, magandang umaga po.

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Usec. Rocky, good morning po at sa ating mga nakikinig po ulit sa ating programa sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Doc, puwede na pong magpabakuna ng second booster ang mga senior citizen at health care workers, ano po iyong guidelines para dito? Magbibigay din po ba ng another booster card?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Ang alam ko po, ang importante po ay madala nila iyong booster card kasi iyong sa ibang LGU po ay may dinidikit silang sticker. Importante po dala nila iyong kanila pong card para po makita na nabigyan po sila ng first two doses.

Ang kailangan po natin ngayon ay iyong [mabigyan ng booster, kasi] marami pa tayong mga senior citizens at saka po iyong mga eighteen and above po na hindi pa nabibigyan ng boosters. Kasi po ang total po na nabigyan ng bakuna ng first at saka second dose ay umabot lang po ng 70 million at ang nababakunahan pa lang po na may booster ay almost 14 million o mahigit, wala pa pong 15 million.

Kaya po hinihikayat po natin ang ating mga mamamayan na magpa-booster na po kasi po after second dose ay puwede na po kayong magpabakuna after four months. Kaya iyong mostly po sa atin, na nabakunahan po nito pong last year ng November at saka December on the height of Omicron, noong nagkaroon po ng Omicron, hinihiling po natin, nakalampas na po kayo ng almost five months na, magsi-six months na kasi magju-June na, kailangan na po kayong mabigyan ng boosters.

Tapos iyong na-booster naman na po na mga immunocompromised at saka seniors na 80 and above, puwede na pong bigyan ng second dose ng booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Benny, pinag-uusapan na ba sa PMA itong posibleng pagbibigay ng second booster dose sa ating mga clinics?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Puwede nang magbigay ang mga clinic ng booster dose kaya nga lang dapat magpalista ang clinic. Ang inano po natin ay iyong multi-specialty clinic at saka mga clinic sa ospital para sa coordination namin, kasi ang hassle doon sa ating mga magbabakunang mga doktor ay iyong kanilang secretary. Dapat ay magkakaroon kami sa May 26, in coordination with DOH iyong orientation ng mga secretary at saka coordinator.

Bale ang gagawin namin, para mas mabilis at saka isang storage lang sa mga ospital, itong may coordination na may isang doktor na magko-coordinate tapos sa lahat ng mga doktor na may clinic at saka secretary para isa na lang ang magre-report. Napag-usapan nga namin iyan ng DOH.

Tapos itong mga bakuna naman na pambata ay isasama na rin sa mga clinic sa ospital din. Tuwing may mga hospitals’ training kami ng Philippine Pediatric Society at magpapadala sila ng kanilang mga chairman ng mga bawat department nila ng pedia at saka iyong secretary para isa lang iyong makikipag-coordinate tapos doon na lang kukuha ng bakuna para iyong storage ay isa lang at saka para maano natin iyong reporting.

Magaganap ang meeting namin siguro sa May 26, tapos sa May 31 ay magpapasalamat ang DOH together with Secretary Duque, Secretary Galvez, Secretary Dizon, Usec. Cabotaje sa ating mga doktor kasi magkakaroon na kami ng turnover, last day na namin sa May 31 [dahil] may papasok na bagong set of officers ang Philippine Medical Association at pahahalagahan namin ang lahat ng mga doktor na sumali sa National Vaccination Days, sa ating Chikiting Ligtas at marami pang iba.

At ang DOH ay sumulat ulit sa amin na magkakaroon ng massive vaccination campaign, itong Chikiting Ligtas. Itong Chikiting Ligtas, ang dapat bakunahan dito ay iyong mga zero to five na na-miss nila iyong mga bakuna gawa nga ng COVID. Iyong mga bagong anak na hindi nabigyan ng bakuna noon during COVID ay two years old na iyan, two to three, kaya dapat silang mabakunahan at isi-set iyan sa NCR kasi marami tayong hindi nabakunahan diyan.

At ang nangyari nga diyan, five out of ten na bata ay hindi nabakunahan during COVID-19 pandemic at hinihikayat namin [sila] na sumali sa catch-up immunization. Ano itong catch up immunization? [Ito] iyong mga bakuna na hindi naibigay sa kanila noon ay ibibigay sa mga health centers at tutulong diyan ang Philippine Medical Association at mag-start ito ng May 30 to June 10.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Benny, mayroon na ring nagpaturok sa inyo ng second booster, kung mayroon man po, kumusta po ang naging turnout nito?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Maraming gustong magpabakuna kaya nga lang ang inaano natin ay ang priority at saka medyo naantala, inamin naman ng DOH kasi gawa ng eleksiyon. Ang mga tao ay pumunta ng mga rally tapos naging busy, tapos ang ano naging busy rin.

Ang inaano namin ay sana magpa-ano na iyong ating mga kababayan lalo na iyong wala pong booster, unahin muna natin iyong walang booster, tapos iyong may booster naman ay puwede na rin kaya lang nasa priority at ang priority ng second booster is itong immunocompromised at itong ating mga senior citizen, tapos susunod na diyan – doon sa ibang LGUs [ay] nagbibigay na sila sa mga health care workers at sana magsusunud-sunod na iyan.

At ang priority pa rin natin ay iyong mga bata lalo na at summer ngayon at saka nag-start na rin ang pag-ulan, dapat ay magpabakuna na rin ng ibang bakuna hindi lang sa COVID kasi dumadami na po ang ating cases na may mga nagda-diarrhea, kailangan din iyan ng Rotavirus [vaccine]. Marami na rin ang nagkaka-measles at saka mga mumps, rubella, kaya dapat mabigyan sila ng MMR (Measles, Mumps, and Rubella vaccination).

At saka bukas naman ang ating mga health centers at iyong regular na Wednesday nila at saka itong darating nga na mula May 30 to June 10 ay iyong Chikiting Ligtas lalo dito po sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa Amerika po [ay] aprubado na iyong pamamahagi ng boosters sa five to eleven years old. Dito po sa Pilipinas, kinukonsidera na din po ba natin?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: As of now, iyong booster po sa mga bata [ay] wala pa siyang masyadong study. Hindi pa po ano, kasi special vaccine po iyang sa mga bata. Lahat po ng ating mga bakuna ay under emergency use authorization (EUA) lang at hinihintay po natin. Ang latest ko po na natanggap na balita sa Department of Health at saka po dito sa ating HTAC (Health Technology Assessment Council) ay puwede na po at marami na nga ang nagri-request kung puwede iyong Sinovac. Hinihintay lang po namin ang sasabihin directly ng DOH kung puwede pong ipamahagi na iyan at kung mayroon na po silang mga available vaccines ng Sinovac.

Pero ngayon po, ang binibigay lang po para sa bata na five to eleven is itong Pfizer kasi iba po iyong preparation niyan, 0.2 lang ang binibigay po sa kanila at iba po iyong color ng vial para hindi po magkamali. Kaya ang gagawin po namin, ang magtuturok po sa mga ospital ng five to eleven ay mga pediatricians, tapos iyong mga booster doses at saka po iyong mga ibang first at saka second dose ay itong mga [unclear] naman po para well-coordinated po.

At nakikipag-coordinate po ang Philippine Medical Association para doon sa training ng ating mga doktor at saka iyong mga secretary po, especially po iyong pagri-report. Madali pong pagbabakuna kaya nga lang po ay may mga process po iyan. Hindi na ganoon ka-strict ang inano po natin sa DOH para po mabigyang prayoridad po ang mga pasyente kasi dumadami na rin iyong mga pasyente natin na pumupunta ng mga clinics ngayon kasi bumaba na iyong alert. Alert [Level] 1 na lang po tayo.

Pero sinasabi po natin, huwag po tayong maging kampante, sundin pa rin po natin ang mga minimum health protocols – pagsusuot ng mask, paghugas ng kamay, tapos iyong airflow dapat i-maintain sa bahay o kaya sa opisina at higit sa lahat iyong distancing pa rin. At siguro, sinasabi natin, kasi marami ngayon ang mga may sipon, may ubo, marami ang [may] pneumonia kaya iyong matatanda natin sana ay mabigyan din sila ng ibang vaccine like anti-pneumonia at saka iyong flu vaccine [dahil] uso po ang trangkaso ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Benny, tungkol dito sa local- transmission ng Omicron sub-variant, paano po naghahanda ang mga ospital at ang ating mga health care workers dito sa posibleng epekto nito? Kasi po nabanggit na rin na mino-monitor iyong ilang pagtaas o uptick ng cases dito po sa Metro Manila at tumaas po ba rin iyong mga ospital—

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Yes, kasi nga doon sa ospital namin dito sa Batangas, doon sa ospital na pinupuntahan ko, mayroon na rin daw dalawa na Omicron sub-variant galing Canada. Kaya ang pinapakiusap natin sa mga mamamayan na maging vigilant, huwag maging kampante. Kung may sintomas na ubo, sipon, sintomas ng ibang ano, kahit diarrhea sa bata, ipa-check-up po natin, magpa-test. Kailangan lang po nating magpa-test at ituloy lang po natin ang ating T3 ‘di ba – Test, Trace and Treat, iyon po ang importante. Kasi kakaunti na ang nakakapagpa-test kaya kakaunti na rin iyong kaso.

Pero ngayon, nagkakaroon na nga ng paisa-isa sa mga ospital kaya dapat po maging maingat at saka sinasabi nga natin, siguro dapat mag-self-quarantine na lang iyong mga galing abroad kasi hindi tayo sigurado sa ating sarili at magpa-test na. Kahit magpa-test ay ulitin ang test after mag-quarantine sila, iyon po ang inaano natin.

Huwag kumpiyansa at nasa ating mga sarili ang ika-aano po natin, kung paano kakalat iyan. Sana hindi na po maulit iyong surge, kasi napakahirap po. Huwag na po nating hintayin iyong ma-lockdown na naman tayo. Lalo po ngayon, tag-ulan, hindi natin ma-differentiate kung ano iyong COVID at saka alin po iyong mga may trangkaso kasi, tag-ulan na po ngayon. At saka naano natin ngayon kung may nararamdaman, magpa-check-up, magpa-test. Kasi ang nati-test ngayon kalimitan ay iyong mga dinadala sa ospital.

Kasi sini-segregate doon ang magpa-positive o iyong negative. Kasi iyong positive, ia-isolate na iyon. Tapos kapag negative ka, puwede ka nang ibalik sa ward. Iyon pa rin po ang mga process ng mga ospital ngayon, kaya tinatanong pa rin ang ating mga bantay, kung may bakuna at saka po tini-test din po iyong mga bantay kung ang pasyente nila ay bata. Nagiging maingat pa rin po ang ating mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Benny, napansin po ba o nagkaroon kayo ng report na nagkaroon ng pagtaas sa paggamit ng ICU dahil po sa COVID?

PMA PRES. DR. ATIENZA: So, far naman po, ganoon pa rin ang datos ng DOH, hindi pa rin naman po ganoon. Kung mayroong maano lang po. Ang kailangan po lang talaga natin is, mag-ingat lalo na iyong ano po natin. Kasi hindi na maano iyan, kasi makikita natin sa ngayon ay talagang siksikan na sa mga mall iyong mga bata. Sana po, hindi natin dalhin iyong mga bata o matanda na wala pang bakuna, kasi baka sila iyong mahawa. At least, kung may bakuna ay malaki na iyong panlaban ninyo.

Sinasabi po nating magpabakuna para iwasan ang COVID, at hindi lang po iyong COVID vaccine, magpabakuna po ng ibang bakuna, lalo na po iyong anti-pneumonia sa matatanda at saka flu vaccine, kasi marami po ang may trangkaso ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Benny, tanong po ng ating kasamahan sa media, mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: May mga napapabalitang mga kaso po ng liver infection sa mga bata na nari-report daw po sa Amerika at Indonesia. Sinasabi ng iba, ito raw po ay hepatitis, pero mayroon naman pong malisyoso na inuugnay daw po ito sa bakuna ng COVID. Bilang isa pong pediatrician, ano po ang inyong mapapayo sa mga magulang para daw po maiwasan iyong ganitong agam-agam?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Actually po, ang kailangan po natin na kaya po tayo nagbibigay kasi napakahalaga po ng hepatitis B vaccine. Kaya po, dapat nga po, pagkaanak ng baby, tinatanong natin kung ang nanay ay nagkaroon ng hepatitis B, kapag may hepatitis po iyong nanay, napakalaking istorya at kung iaano po niya, hindi niya ibibigay ang tamang istorya, maaapektuhan ang baby. Kasi kapag ang baby po ay ipinanganak, tapos ang mother ay may hepatitis B, binibigyan na po namin siya ng hepatitis B immunoglobulin. At the same time, binibigyan na rin po natin ng hepatitis B vaccine. Bakit po? Sa pag-aaral po, ang mga nagkaka-liver cancer, iyan po ang nagkaroon ng hepatitis infection, 30 years after na nagka-ano po sila, [nagka-hepatitis infection]. Usually, late diagnosis na iyan.

Kaya nga po napakahalaga ng istorya, kaya dapat hindi magsisinungaling ang manganganak, kasi tini-test din po sila sa hepatitis at kapag positive nga po sa antigen ay binibigyan na po ang bata ng immunoglobulin, ito na iyong mismong antibodies na panlaban. Ang hepatitis B [vaccine] ay pagkapanganak, after one month at saka after six months ay ibinibigay, napakahalaga po nito, para maiwasan natin ang liver cancer later on in life.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin daw po ng PMA, ano daw po ang qualification ng isang Health Secretary sa papasok na administrasyon?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Napakahirap na tanong po iyan. Ang ano po natin sana iyong qualification, dapat talagang pasensiyoso at saka iyong talagang, since mag-i-start na tayo ng Universal Health Care, eh kailangan po natin iyong talagang malawak na pang-unawa ng isang Health Secretary at saka dapat iyong katulad po ng ano, pahalagahan pa rin ang pagbabakuna at dapat dinidinig iyong mga hinaing ng ating mga health care workers, iyong mga suweldo nila, iyong ganoon. At saka iyong mga facilities at saka ang unang-una rin ay iyong pananaw niya, dapat talaga eksperto sa ating mga mamamayan at saka dapat down to earth, iyong nakaka-relate lalo na sa lower strata ng ating ano. Iyong ang dating ay parang ang aming idol na si Juan Flavier.

Iyon dapat, iyong mga idol namin na mga doktor na at least, nakaka-communicate, nadadala po iyong mga sentimiyento ng ating mamamayan at pinapahalagahan po ang health workers at ang ating mamamayan. Lalung-lalo na po ngayon na ongoing na po iyong ating implementation ng Universal Health Care, iyon pong kalusugan para sa lahat. Napakaimportante po nito na mapaabot siya sa ating mga mamamayan.

Ang atin po namang DOH ay iyan din naman po ang plataporma, naiiba lang po iyong ating head o Secretary of Health. Sana po maging ano po at dapat katanggap-tanggap sa ating mamamayan iyong magiging Secretary of Health.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Dr. Benito Atienza ng Philippine Medical Association. Dr. Benny, salamat po.

Samantala, balikan na po natin si Dr. Sevillo David Jr., ng National Water Resources Board. Sir, magandang umaga po!

NWRB DIR. DAVID: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa ating tagasubaybay po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, unahin ko na pong kumustahin itong sitwasyon sa mga dam lalo’t nitong mga nakaraang araw po, nakakaranas ng malalakas na pagbuhos ng ulan ang ilang mga lugar?

NWRB DIR. DAVID: Opo ‘no. Masasabi po natin na ito pong mga nakaraang araw na mga pag-ulan ay nakakatulong po ‘no doon sa mga pag-recharge po ng mga dams natin, partikular po itong Angat Dam na siyang nagsu-supply ng halos 97% po ng tubig na pangangailangan po ng Metro Manila. At ito po ay kasalukuyang bahagya po siyang umangat at iyon pong mga nakaraang araw ay nakatulong din po, kasi hindi po siya masyadong bumaba. Kasi kung wala pong masyadong mga pag-ulan ay medyo mabilis po ang pagbaba niya.

Sa ngayon po, medyo bumagal at kahapon nga po, ngayong umaga ay nagkaroon ng increase pa ng elevation na niya na medyo kakaunti, pero significant po at nakakatulong ito sa kasalukuyang sitwasyon po natin, partikular po iyong pagbibigay natin ng sapat na supply ng tubig para sa kababayan natin na kasalukuyan, Usec. Rocky, patuloy pa ho ang pangamba ng COVID, nandiyan pa rin po at napakaimportante po ng tubig para po mapigilan ang paglaganap po ng COVID-19 po.

USEC. IGNACIO: Sir, ano po iyong measures na ginagawa o gagawin ng NWRB para paghandaan din po itong papasok na tag-ulan? Kasi ang nababanggit po natin, siyempre iyong maganda pong epekto sa mga dam na napupunuan po, pero iyong ibang bahagi po, ano pa iyong dapat bantayan ng NWRB tungkol dito po sa mga malakas na buhos ng ulan para po sa ating mga dams?

NWRB DIR. DAVID: Opo. Ngayon po kasing taon ay nagsabi nga po ang PAGASA na patuloy po iyong sinasabing La Niña, kaya umaasa po tayo n magkakaroon po ng mga pag-ulan na mataas po sa normal.

Kaya isa pong dapat din nating paghandaan ay ang posibilidad na magkaroon po ng mga spilling doon sa mga dam natin kung ito po ay mapuno kasi po kapag mataas po masyado ang mga pag-ulan.

At iyong mga operators po ng dam ay iyan po ang minu-monitor natin at minu-monitor din nila para po kung sakali po na magkaroon ng pangamba ng malakas na pag-ulan ay magkakaroon po ng karampatang abiso para po sa mga lokal na pamahalaan na siyang nagbibigay din po ng abiso sa mga posibleng mga komunidad na posible pong maapektuhan ng mga pagbaha kung sakali pong magkaroon ng spilling sa mga dams po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa nagdaang naging sitwasyon naman ng mga dams sa nagdaang dry season, masasabi po ba natin na naging maiksi o maaga itong panahon ng tag-init?

NWRB DIR. DAVID: Opo ano. Sa ngayon po dahil nga po nasa La Niña, masasabi po nating medyo maikli po iyong panahon ng tag-init, iyong mainit na panahon ay medyo maikli nga po. At katunayan nga po, dito po sa Angat Dam noong panahon ng Abril ay nakaranas po tayo ng sinasabi nating pinakamataas na record ng mga pag-ulan po diyan sa watershed ng Angat kaya po medyo maikli iyong mga panahon ng tag-init.

At nakatulong din po sa kasalukuyang sitwasyon po ng mga dam natin na pagdating po ng mga pag-ulan ay hindi po siya mahihirapang maka-recover, hindi po kasi kagaya noong 2019 ay bumaba po siya ng 160 at medyo nahirapan po siyang maka-recover. Ngayon po ay nasa 190, eh sa tingin po natin ay nasa normal operating level at sa tingin po natin bago magtapos ang taon ay makaka-recover po iyan sa inaasahan po nating lebel na mga 210 or 212 meters po.

USEC. IGNACIO: Opo. Nagpatupad po ng water interruption ang isang water concessionaire na tatagal po hanggang Hunyo. Ito po ba ay posibleng bunsod dito sa sinasabing kakulangan ng suplay ng tubig, sir?

NWRB DIR. DAVID: Sa ngayon po ay hindi po. Ito po ay bunsod po ng [kadahilanan na] kapag iyong malaking demand po ng mga kababayan po natin dito sa Metro Manila, ang nangyayari po ay hindi po nakaka-recharge or napupunuan iyong mga tinatawag na mga reservoir ng sapat, hindi po nakakasabay kaya kailangan po silang magpatupad ng interruption para po mapunan iyong mga reservoir na nagsu-supply po sa mga kababayan natin kapag panahon po, iyong peak period po kung kailangang-kailangan po talaga ng tubig.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero matitiyak po ba natin sa publiko na talagang sapat ang suplay ng tubig para po sa pangangailangan po ng ating mga kababayan dito po sa ilang areas, partikular po dito na rin sa Metro Manila?

NWRB DIR. DAVID: Opo, Usec. Rocky. Para po sa kaalaman ng mga kababayan natin ay sa kasalukuyang sitwasyon po ng Angat Dam, nasa 190.83 meters ay may sapat po tayong suplay na para po magamit ng kababayan natin dito sa Metro Manila.

Ganoon pa man, mas maganda rin po nating gamitin o maging responsable po sa paggamit ng tubig, Usec. Rocky, para naman po makatulong din ang kababayan natin doon po sa tamang paggamit, at maka-recover din po ang mga dams natin nang hindi po sila nahihirapan.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Sevillo David Jr., kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Dr. Sevillo David Jr., ng National Water Resources Board.

NWRB DIR. DAVID: Maraming salamat po at magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Samantala, may ulat si Hannah Salcedo mula po sa PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Czarinah Lusuegro mula po sa PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center