Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon pong araw ng Huwebes, siksik na naman po sa impormasyon ang ihahatid namin sa inyo. Makakasama po natin ang mga kinatawan ng pamahalaan at eksperto para himayin at bigyang linaw ang mga isyu ng bayan na mahalaga pong mapag-usapan.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maaari na pong magpaturok ng second booster kontra COVID-19 ang mga health care workers at senior citizens, ito ay kung higit apat na buwan na po ang nakalipas mula nang matanggap ang unang booster shot.

Sa guidelines ng National Vaccination Operations Center, ang mga bakuna ng Moderna at Pfizer ang maaaring pagpilian para sa kanilang second booster shot. Papayagan din silang pumili kung magkapareho o magkaibang brand ang kanilang booster shot.

Tiniyak naman ng DOH na ang second booster para sa A1 at A2 ay ligtas at epektibo laban sa lahat ng COVID-19 variants, kabilang na ang mas nakakahawang Omicron sub-variant na BA.2.12.1.

Nagpapatuloy na bakunahan at usapin ukol sa local transmission ng Omicron sub-variant, iyan po ang ating tatalakayin. Kasama po natin si Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Diseases Expert. Good morning po, Dok.

DR. RONTGENE SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] … Infectious Diseases Expert, ano po iyong nakikita ninyong scenario pagdating po sa number of cases sa mga susunod na linggo, ngayon pong nadagdagan pa ang mga lugar na nakitaan po ng Omicron sub-variant na BA.2.12.1?

DR. RONTGENE SOLANTE: Well, ang expectations natin dito ay tataas ang kaso, especially in those areas na mababa ang vaccination rate ‘no, at importante dito na alam natin na itong variant or sublineage na ito ay napakataas ang transmissibility. So vulnerable ang population natin especially for those na wala talagang bakuna kumpara doon sa may mga bakuna especially for those [who have] booster.

So there is a possibility ‘no, malaki ang posibilidad niyan na medyo tataas ang kaso, but I don’t think it will be enough to affect our hospitalization rate.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] hindi naman po posibleng makaapekto sa ating mga hospitalization rate. Pero sa tingin ninyo po, ito ay aabot ng mga 500 pataas? Kasi sa kasalukuyan, tayo po ay nasa 200 plus per day.

DR. RONTGENE SOLANTE: Sa rate ng transmissibility nitong bagong variant ‘no, it’s more transmissible than the original Omicron variant. Now, if this will occur, especially in regions na talagang mababa ang vaccination rate, siguro mas mahihigitan pa natin ang mga 500 na nakikita natin before ‘no; and that’s what we’re going to monitor.

Ang ano lang dito, Usec. Rocky ‘no, ay alam natin na ngayon ay mababa rin ang testing ano natin to those who have symptoms, in fact, we have experienced na iyong mga iba ay hindi nagpa-test maski mayroong mga sintomas, [we] might not be able to reflect kung ano talaga ang totoong number ng cases na nangyayari ngayon sa ground over that of those who were tested and are found to be positive in the RT-PCR.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] … sa Metro Manila, nakitaan natin iyong mga ilang lugar na nagkaroon po ng uptick. Ito ay kasama sa sinasabi ninyo na talagang inaasahan natin na magkakaroon talaga ng mga pagtaas?

DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, ito iyong inu-observe natin especially in NCR na ang population natin is very dense ‘no and iyong mobility, nandito lahat [sa punong-lungsod], so expected iyan na talagang mayroong pagtataas ng mga kaso because of this variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, paano naman daw po nakakaapekto iyong bilang ng mga tini-test sa bilis nga po ng pag-detect sa possible cases ng Omicron sub-variant?

DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, talagang importante iyon dahil, unang-una, if we don’t have the enough testing, then we don’t know how many of those really are infected. The fact na nandito na ngayon ang sub-variant na iyan, even if we look at the old variant which is Omicron, which is still highly transmissible, there is more reason to believe na puwedeng tataas because of those superspreader events for the past days or [garbled]. Plus the fact na iyong waning immunity natin na tinitingnan din even if you’re vaccinated, isa iyan sa mga factor na naka-contribute also to the increase in the cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo, Doc Rontgene, na hindi ninyo inaasahan na tataas itong utilization rate sa hospital. Ibig sabihin po talaga, itong sub-variant na ito ay hindi po ganoon naman ka-severe o kadelikado?

DR. RONTGENE SOLANTE: Well, ang aspect kasi, Usec. Rocky, of the virus is highly transmissible. For the general population, it may not cause more severe infection ‘no, but ang tinitingnan natin dito ay ang vulnerable population. And if there will be an uptick in terms of rate [of hospitalization], most likely these are the vulnerable population. But I don’t think it will still affect [garbled] dahil nakita natin sa Delta before na talagang nahirapan [tayo dahil] mataas ang mortality. This time, based on our experience on the ground, iyong mga iba [garbled] pupunta lang sa hospital for the consultation. And because they have comorbidities, then we don’t have any choice but to really observe.

USEC. IGNACIO: Opo. Inaprubahan na rin po iyong pamamahagi ng booster para sa mga senior citizen at health care workers. So ito po ba ay makakatulong talaga ng husto para sa posibleng pagpigil o pag-prevent ng mas mataas na cases dahil sa local transmission ng Omicron subvariant, Doc Rontgene?

DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, Usec. Rocky. Linawin lang natin ‘no: Bakit pinayagan natin ng second booster ang vulnerable population like 60 years old [garbled] and the health care workers dahil doon sa risk ng exposure ay [mainly] because these are the populations na kapag nabakunahan mo ng second booster, mayroon talagang benefit in terms of protection against the severe form of the infection ‘no. Iyon iyong rationale natin!

But iyong general [garbled] talaga natin is giving the first booster for the general population and the second booster for the vulnerable population.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, mayroon lang tayong mga tanong mula sa ating kasamahan sa media. Tanong po sa inyo mula kay Aiko Miguel ng UNTV: Paano raw po dapat mag-ingat ang mga Pilipino lalo na’t may local transmission na ng Omicron sub-variant na BA.2.12.1 sa bansa?

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. Ang pinakaimportante pa rin at this point ay iyong pagsunod sa mga health protocols, napakaimportante niyan – the compliance. Hindi natin ibababa ang pag-comply sa health protocols, especially the wearing of the face mask in crowded areas, in poorly ventilated rooms or in areas na talagang you are not so sure kung mayroong risk of exposure ‘no, at ang pangalawa, iyong paghugas ng kamay. And then, of course, isa sa importante diyan ay you get your booster na rin para at least may dagdag kang proteksiyon.

USEC. IGNACIO: Doc Rontgene, kailan daw po ninyo makikitang magri-reflect sa number of cases iyong epekto nitong nangyaring eleksiyon kamakailan at ano rin daw po iyong projection ninyo by the end of May?

DR. RONTGENE SOLANTE: Ang tinitingnan natin dito ay iyong uptick ng cases ay beginning  of second week after the election ‘no, especially iyong pagpasok ng sublineage na BA.2.12.1. And then onward, until June iyan – May up to June, kung mayroong pagtataas ng kaso. [Garbled] critical of this month na if there is a community transmission, then malalaman natin, tataas ang mga kaso because of the highly transmissible sublineage na BA.2.12.1.

USEC. IGNACIO: Ngayong aprubado na po itong pamamahagi ng booster sa mga kabataang edad lima hanggang labing-isa sa Amerika so, Doc Rontgene, tingin ninyo ay dapat na rin itong i-consider dito sa atin?

DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, importante iyon ‘no, dahil mayroon nang isang bansa sa Europe, so ibig sabihin, (technical problem) sa five to eleven (years old) at ang alam natin at mapursigi natin na maprotektahan ang vulnerable population and the bulk of the five to eleven years old is one of [the] vulnerable population ‘no, na makakuha ng severe COVID.

(Technical problem) siguro hindi pa na-approve dito ang twelve to seventeen so, iyon ang titingnan dapat ng mga authorities natin na five to eleven and then twelve to seventeen will also get the booster shots.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Aiko Miguel pa rin ng UNTV: Ngayong opisyal na daw pong pumasok ang panahon ng tag-ulan, ano daw po ang mga sakit na maaaring mauso? Naku, eh baka iyong sintomas po ay kahalintulad ng COVID.

DR. RONTGENE SOLANTE: Iyong una pong (technical problem), USec. Rocky, iyong dengue, because alam natin during rainy season kung saan namumugad iyong mga lamok na iyan (technical problem) tataas ang rate ng dengue (technical problem). And we know when we have dengue, it can also have the same symptoms ‘no, [with COVID-19] – ng fever and then pananakit ng katawan.

Pangalawa, iyong influenza, iyong flu nandito na rin, kaya i-emphasize natin sa mga vulnerable population. Tapos ay mas maganda rin [ay] magpakonsulta or get the influenza vaccine or the flu vaccine ‘no.

Tapos mayroon tayong isang sakit na napaka-common kapag bumabaha, iyong leptospirosis na talagang isa iyan sa minsan na nakalilimutan na (technical problem) especially during the pandemic. With the increased mobility ng mga tao, [na mga] lumalabas na, puwedeng ma-expose sa baha, puwede ka ring magka-leptospirosis.

USEC. IGNACIO: Panghuli na lang, Dr. Rontgene, kung nakikita ninyo po ba daw na tayo ay magtutungo na rin sa pagiging endemic?

DR. RONTGENE SOLANTE: Well, iyon ang (technical problem). With the low number of cases, hopefully it will be maintained to less than two hundred ‘no, so magiging flu na lang iyan na we don’t need to panic.

But again, nandoon pa rin iyong pag-iingat natin at iyong preparasyon natin na anytime kung mayroong pagtaas ng kaso, dapat preparado pa rin ang healthcare facilities natin including the availability of medications like mga anti-viral agents na puwedeng ibigay din sa outpatient.

USEC. IGNACIO: Kuhanin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan. Go ahead, Doc Rontgene.

DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. So, sa mga kababayan natin, especially with the approval now of the second booster sa vulnerable population [na] sixty years old and above at saka sa mga health care workers, (technical problem) to have your second booster.

At iyong hindi nakapag-booster na nabakunahan ng primary vaccine series, kailangan ay kunin na nila ang first booster and then iyong hindi pa nakapagbakuna, of course, we want them and encourage them to get the vaccine para ma-maintain natin ang wall of immunity (technical problem) tataas ang kaso dito sa ating bansa. Iyon lang, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Doc Rontgene, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at pagbibigay ng panahon [at] impormasyon, Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert. Salamat po.

Ilang mga panukalang batas ang pirmado na ni Pangulong Duterte, kabilang na po diyan ang pagbibigay ng night differential pay para sa mga government employees. Para alamin ang update diyan, makakausap po natin si Director Gerald Janda mula po sa Organization, Position Classification and Compensation Bureau ng Department of Budget and Management. Magandang umaga po.

DBM DIR. JANDA: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Director, inaprubahan na nga po ni Pangulong Duterte itong batas na titiyak sa mga sahod ng mga manggagawang magtatrabaho sa night shift. So, sinu-sino lang po iyong mga sakop ng batas na ito at ano po iyong inaasahang guidelines sa pagpapatupad nito?

DBM DIR. JANDA: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Ito pong bagong batas na naipasa po at naaprubahan po ng ating Pangulo ay naglalayon na magbigay po ng night shift differential po sa lahat po ng empleyado ng gobyerno na ang kanila pong posisyon ay permanent, contractual, temporary or casual po as attested by the Civil Service Commission.

So, for every hour of work performed between 6:00 P.M. po hanggang 6:00 A.M. the following day, makaka-receive po sila ng night shift differential at the rate po ng 20% of their hourly basic rate po.

So, ang guidelines po nito, ayon po sa batas, ay idi-develop po ng Civil Service Commission in coordination with the Department of Budget and Management. Sa kasalukuyan po kasi, mayroon po tayong Budget Circular (BC) No. 8 na inisyu po ng DBM granting po iyong night shift differential. So, ang gagawin po natin dito ay iha-harmonize po natin itong Budget Circular sa batas na naipasa ng ating Pangulo po. Iyon lang, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Director, kailan daw po target na maisapubliko itong guidelines para sa nasabing night differential?

DBM DIR. JANDA: Opo. Susundin po natin ang nakalagay po sa batas. Na-receive po namin iyong kopya ng batas nitong linggo lamang po at kami po ay nakipag-coordinate na sa Civil Service Commission. So, we will coordinate with the office of Chairperson Nograles para po ma-harmonize at immediate issuance po ng ating guidelines po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano naman daw po iyong mga on-call employees, kung puwede daw po ba silang makatanggap ng night differential pay?

DBM DIR. JANDA: Usec. Rocky, nasa batas po na excluded po ang mga empleyado na on-call o iyong mayroon pong 24/7 duties such as iyon pong ating mga military and uniformed personnel. However po, lilinawin po natin ang IRR o iyon pong guidelines para dito to attune or harmonize po sa batas.

Pero sa kasalukuyan kasi iyong mga 24/7 duty na mga empleyado ay hindi po talaga sakop ng pagbibigay ng night shift differential. Iyon din pong mga empleyado na ang kanila pong shift or schedule ng pagpasok ay 6:00 P.M. to 6:00 A.M. ay hindi rin po sakop nito, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Saan naman daw po huhugutin ang pondo at kung kakayanin po ba daw itong ma-sustain, Director?

DBM DIR. JANDA: May mga budget na po iyong mga agencies para po dito. Kukuhanin po sa Personal Services po nila at kung may kakulangan ay maghahanap po ng pondo sa GAA, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman daw po ang magiging computation para dito?

DBM DIR. JANDA: [Ang] computation po is ang hourly basic rate po ay sinasabi po natin na basic rate per hour divided po sa basic monthly rate by twenty-two working hours po and divided by the quotient na to be divided by eight hours. So, ito pong mga computation po ay nasa BC No. 8 na po pero lilinawin po natin sa guidelines, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, basahin ko na lamang po iyong ilang tanong ng ating mga kasamahan. Para po sana ito kay [DBM] Sec. Tina. Tanong ni Ivan Mayrina, basahin ko na lang po: What can you tell us about the meeting daw po of the transition team so far? [Is there] any specific policy recommendation that you would like to see being carried over by your successor?

Alam ko po na hindi ninyo ito maaano pero nagkakaroon na po ba ng paghahanda o transition sa inyong hanay?

DBM DIR. JANDA: Sa pagkakaalam ko po, mayroon na pong mga transition committees na na-create ang ating Office of the President sa pangunguna po ng Office of the Executive Secretary at nakikibahagi po ang DBM sa mga pag-uusap.

I think, we will coordinate with our principals po para po mas matugunan iyong mga issues or iyong mga concerns po regarding sa DBM dito po sa transition committee, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Director, kuhanin ko na lang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan.

DBM DIR. JANDA: Marami pong salamat, Usec. Rocky.

So, ang DBM po at ang Civil Service Commission po ay naglalayon na maipalabas po kaagad itong guidelines. So, kung may mga concerns and issues po kayo ay maaari naman po kayong dumulog sa aming tanggapan para po matugunan natin at mabigyan ng appropriate na response ang inyo pong mga issues ang concerns. Iyon lamang po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat, Director, sa inyong pagbibigay [ng] panahon at impormasyon sa amin. Director Gerald Janda ng Organization, Position Classification and Compensation Bureau ng Department of Budget and Management, salamat po

DBM DIR. JANDA: Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Pagpasa sa Senate Bill No. 1228 o Mandatory Evacuation Act, Rental [Housing] Subsidy Program Act at paglikha sa Department of [Disaster] Resilience, muling iginiit ni Senator Go.

Layon ng mga nabanggit na panukalang batas na gawing handa ang mga Pilipino at mabilis ang pagtugon sa anumang kalamidad sa bansa. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa darating na Hunyo ay inaasahang epektibo na ang bagong minimum wage sa Metro Manila. Ibig sabihin, tataas na ng P33.00 ang sahod kada araw po ng mga manggagawa sa ilang piling sektor.

At para po mas maintindihan iyan, makakasama po natin si Executive Director Maria Criselda Sy ng National Wages and Productivity Commission.

Magandang umaga po, Ma’am!

NWPC EXEC. DIR. SY: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, nito lamang Sabado ay inanunsiyo na po ng DOLE itong pag-apruba ng Wage Boards dito sa umento po sa sahod ng mga manggagawa sa NCR at Western Visayas.

So, magkano po ang aasahang umento ng mga manggagawa mula po sa mga nasabing rehiyon, at kailan po ito inaasahang maipatutupad?

NWPC EXEC. DIR. SY: Salamat po sa tanong, Usec. Rocky.

Actually, limang regions na po iyong nakapag-issue ng panibagong wage order. At nabanggit mo nga kanina na iyong una ay sa NCR na magbibigay ng P33.00 na increase na umento sa minimum wage ng ating mga manggagawa and therefore, iyong kanila pong minimum wage sa NCR ay magiging P570.00 po sa non-agriculture sector at P533.00 naman sa agriculture sector.

Iyong susunod po ay sa Region I at ang amount of increase ay nasa P60.00 po up to P90.00 at ito po ay ibibigay in tranches sa Region I. Sa kabuuan, kapag naipatupad na po iyong minimum wage ay tataas po ang minimum wage sa Region I sa P400.00 – ito po ay sa non-agriculture sector, at sa agriculture naman ay P372.00.

Iyon din pong kasambahay sa Region I ay nagtaas na rin po ng minimum wage at ang increase po ay P500.00 to P1, 500.00. At ang rate po ay magiging isa na lang sa mga kasambahay sa Region I, at ito po ay magiging P5,000.00.

Sa Region II naman po, ang minimum wage increase ay nasa P30.00 to P75.00 at ito po ay ibibigay din in tranches na sa pagpapatupad po nito ay magiging P400.00 to P420.00 na po ang minimum wage sa Region II.

At doon naman po sa kanilang mga kasambahay, ito po ay tataas. Sorry, sa ano pala iyon, sa Region VI. Iyong kasambahay sa Region VI naman po ay tataas from P4,000.00 to P4,500.00.

At iyon pong sa mga private sector workers ay tataas ang kanilang minimum wage from P55.00 to P110.00. Sa kabuuan ho ang rate na matatanggap po ng mga manggagawa doon na minimum wage ay nasa P400.00 to P450.00.

Ang panghuli po ay doon po sa Rehiyon ng Caraga at ang itinaas po ng minimum wage ay P30.00. Ito po ay with selected provinces po affected by typhoons na ibibigay po in tranches.

Sa kabuuan, sa Rehiyon ng Caraga po, pagkatapos po ng implementation ng minimum wage order ay makakatanggap po sila ng P350.00.

USEC. IGNACIO: Director, napansin natin na magkakaiba po ang amount sa bawat rehiyon nitong umento. Anu-ano po iyong mga criteria na isinaalang-alang at proseso dito po sa pagtatakda ng minimum wage sa isang rehiyon at sinu-sino din po iyong bumubuo ng Regional Wage Boards?

NWPC EXEC. DIR. SY: Ang pagtatakda po ng minimum wage ay nakasalalay sa sampung criteria na kung saan ay kumakatawan ito sa tatlong bagay: Iyong una po ay ang tinatawag natin na needs of workers and their families; Pangalawa po iyong employers’ capacity to pay; at iyong pangatlo naman ay iyong requirements of our economic development lalung-lalo na po ngayon na we are in the process of recovery, kaya maingat na maingat po iyong pagsusuri lalo na ng socioeconomic situation ng ating mga regions para po masunod ito pong mga criteria sa pagtatakda po ng minimum wage.

At ang mga kumakatawan po sa ating Independent Regional Boards ay binubuo ng regional director ng Department of Labor and Employment being the chairperson. At mayroon din po tayong kasama, katuwang po natin ang National Economic Development Authority, ang regional director po nito at ang regional director din po ng Department of Trade and Industry on the part of the government at mayroon po tayong tig-dalawang sectoral representatives from the labor and management sectors – so, tripartite po ang composition ng ating Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, hindi po lahat ay nagkaroon kaagad ng umento, pero kumusta po ang status ng pag-uusap ng iba pang Regional Wage Boards sa bansa?

Inaasahan na din po ba natin iyong pag-approve din nila sa mga wage petitions sa kanilang mga nasasakupang rehiyon?

NWPC EXEC. DIR. SY: Sa ngayon, ang update na maibibigay ko Usec. Rocky, ay karamihan sa ating mga Regional Boards ay nasa stage na ng wage deliberation. In fact, kakaunti na lang iyong nasa last stages ng kanilang public hearings, so maaasahan natin na sa mga susunod na araw at sa mga susunod na linggo ay magkakaroon na rin po ng announcement iyong iba pa po nating mga Regional Boards.

USEC. IGNACIO: Opo. So, kailan po at saang rehiyon po ba huling nagkaroon ng umento sa sahod? At tuwing kailan din daw po itinatakda iyong pagtataas nito?

NWPC EXEC. DIR. SY: Iyong sinabi ko, na siguro mga nasa labing-dalawang regions na iyon ano, of course, nasa iba ibang area at ang naiiwan na lang na hindi pa nakakatapos ng public hearing ay iyong para sa domestic worker natin sa NCR kasi nga ito ay pag-uusapan pa nila next week.

As I said earlier, halos lahat ng regional boards ay makakapag-issue na po. At iyong huling tanong mo, Usec. Rocky kanina, kung kailan ba huling nagkaroon ng umento sa sahod – ito ay iyong sa ating Region XII, kung hindi ako nagkakamali, and this happened in February of 2020.

So, sa ating policy, actually mayroon tayong tinatawag na regular predictable (unclear) increases at [unclear] ay nagmi-meeting ang ating mga regional boards. But, dahil sa kadahilanan na nagkaroon tayo ng pandemic, naging polisiya ng Commission at ito naman ay consistent doon sa policy na ipinatupad ng Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Secretary Bebot [Bello] na ang unahin natin during the pandemic ay ma-ensure na maprotektahan natin ang mga existing na trabaho dito sa ating bayan. Kaya mayroong decision in the last two years, noong nagkaroon tayo ng pandemic na maging prudent iyong ating mga Regional Boards sa pagdedesisyon nila kung kailangan bang taasan o hindi ang minimum wage ng ating mga manggagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inyo pong datos ay gaano po karaming manggagawa ang maaaring makinabang, kung sakali pong mapahintulutang magkaroon po ng umento sa sahod ang lahat po ng rehiyon sa bansa?

NWPC EXEC. DIR. SY: Okay. Ang estimate po natin ay nasa 3.6 million po iyong mga minimum wage earners sa kabuuan sa ating bansa. Sila po ang unang-unang makikinabang dito po sa pagtatakda natin ng minimum wage.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, bigyang-daan ko lang iyong tanong ng ating kasamahan sa media po, may tanong po si Shiela Francisco ng TV 5: Hindi daw po sapat ang itinaas na minimum wage para matugunan itong inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ano daw po ang masasabi ninyo dito?

NWPC EXEC. DIR. SY: Oo. Salamat sa tanong. Iyong sinasabi natin na hindi siya sapat, ang proseso kasi na ginagamit natin is, number one ay iyong kasapatan na nandoon siya sa criteria ng needs of workers and their families. Isa lang ito sa mga criteria na isinasaalang-alang ng ating mga Regional Boards sa pagtatakda ng pasahod. Tulad ng sinasabi ko kanina, kailangan din nating tingnan iyong capacity of our employers to pay at iyong requirements ng ating economic development.

Atin pong tandaan na hindi po ang gobyerno ang nagbibigay ng umento, hindi po ito nanggagaling sa kaban ng bayan. At iyon pong magbibigay ng umento na mga enterprises, lalung-lalo na po iyong mga micro-entrepreneurs, sila po ay pinadapa rin po ng pandemya. Kaya’t iyong atin pong minimum wage policy, because of the pandemic that happened ay ito po iyong nakikita natin na limitation nitong policy na ito.

At ito naman pong minimum wage policy is just a support policy. Marami naman pong mga programa na ini-implement ngayon ng ating pamahalaan para maibsan ang paghihirap at kakulangan ng income ng ating mga kababayan, lalung-lalo na po iyong nasa bottom 50 ng ating income bracket – kasama na po diyan iyong CCT, iyong libreng pamasahe ngayon, iyong voucher sa mga gasoline – ito po ay whole-of-government approach, Usec. Rocky. Kaya isa lang po ang minimum wage sa mga interventions po ng ating government.

But ito po, as I said earlier ay nakatuon po sa mga minimum wage earners, lalung-lalo na sa ating mga vulnerable workers, sapagkat every time po na gagalawin natin ang ating minimum wage, ito ho ay nagkakaroon ng negative effect sa ating mga macro-economic outcomes. At iyon ho ang kailangan nating i-manage, na hindi po tayo mahirapan para hindi naman po ma-derail iyong ating economic recovery.

USEC. IGNACIO: Opo, iyon nga po. Bilang forefront daw po sa usapin ng minimum wage, paano naman daw po tinutugunan nitong National Wages and Productivity Commission, iyon daw pong mga isyu nga na kinakaharap patungkol sa pagtatakda ng umento sa sahod, lalo [ngayon na] tayo ay nasa pandemya pa din, katulad din po ng mga nabanggit nga ninyo kanina?

NWPC EXEC. DIR. SY: Opo. Ang National Wages and Productivity Commission po ay dalawa ang mandato niya: Number one, ay magtakda nga po ng minimum wage; pangalawa ay mag-conduct ng mga advocacy activities lalung-lalo na para sa ating Micro, Small and Medium Enterprises para mapataas po ang kanilang productivity, so that in the end, iyong tinatawag po nating wages and productivity nexus ay mapalakas natin. At sa pamamagitan ng pagiging produktibo ng mga kumpanya ay ultimately magta-translate po ito sa mas mataas na sahod ng ating mga manggagawa.

So, mayroon po kaming mga technical assistance na ibinibigay po sa ating mga Micro, Small and Medium Enterprises kung papaano po mapapalago, mapapataas iyong productivity ng mga companies nila. Specifically po ay iyong aming banner program na productivity toolbox, dito po nakapaloob ang ating mga basic, intermediate and advance productivity technologies that we can offer for free sa atin pong mga maliliit na kumpanya para po matulungan silang ma-reduce iyong cost ng kanila pong production, maka-save sila sa resources, ma-improve iyong safety and health organization, so that in the end, makatulong po ang mga ito na mapaunlad iyong bottom line ng atin pong mga firms.

At iyon nga po, katulad ng sinabi ko kanina, makapag-implement ang mga kumpanya ng mga productivity-based incentive schemes na magiging katuwang po ng minimum wage na ibinibigay po natin sa ating mga manggagawa. Ito po ang mas longer term initiatives na makakatulong doon sa ating mga kumpanya, lalung-lalo na para mapataas po ang kanilang mga productivity.

During the pandemic po, iyong focus po ng aming intervention ay nakatuon po doon sa tinatawag natin na business resiliency and continuity plan. Ito po iyong mga ibinigay namin na technical assistance, lalung-lalo na po doon sa mga kumpanya na pinadapa ng pandemya. At marami rin po tayong mga kumpanya na nabigyan ng ganitong tulong, ng ganitong technology, at sa ngayon po ay tuluy-tuloy po iyong kanilang pag-o-operate as a business enterprise.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, may tanong lang po ang ating kasamahan sa media. Tanong po ni Cherry Light ng SMNI News: Marami daw po ang nagtatanong sa mga minimum wage earner sa bansa kung bakit hindi na lang daw po gawing pantay itong daily minimum wage sa buong bansa [dahil] mas lamang pa rin daw po kasi sa NCR, ano raw po ang tugon ninyo dito?

NWPC EXEC. DIR. SY: Ang NWPC po at ang Regional Boards ay sinusunod iyong nakapaloob sa mandato na ipinagkaloob sa atin ng Kongreso na gawing regionalized iyong minimum wage structure. So ito po ay aming ipinapatupad ngayon at wala ho kasi sa aming kakayahan na bilang delegated function po ng Kongreso at saka ng Senado na magtakda ng minimum wage na pangkalahatan sa ating bansa.

So, talagang ang purpose po ng batas ay gawin pong regionalized iyong ating wage. At ito naman po ay sa kadahilanan na kung titingnan po natin iyong ating mga datos ay iba-iba naman po ang living condition sa ating mga regions.

Nabanggit nga po ninyo kanina na ‘no, na sa NCR lalung-lalo na mataas po iyong cost of living kaysa po sa ating mga probinsya, at ito po ay backed up by the statistics that is being produced by the Philippine Statistics Authority. Makikita rin natin na iyong isa sa mga objectives ng batas ay kumbaga ma-strengthen po natin iyong ating mga regions, so that iyong sa mga regions na mas mababa ang sahod, hopefully po ay ma-attract po natin ang mga investors na doon po sila mag-locate kaysa po lahat ay naka-c0ncentrate dito sa Metro Manila at saka sa neighboring developed regions po.           

USEC. IGNACIO: Opo. Director, nasa inyo po ang pagkakataon na magbigay ng mensahe sa ating mga manggagawa, mga employers na nakaabang po sa pag-apruba ng mga Regional Wage Boards sa umento ng sahod. 

NWPC EXEC. DIR. SY: Salamat, Usec. Rocky.

Katulad ng nabanggit ko kanina, asahan po natin na sa mga susunod na araw at linggo ay maglalabas na rin po ng wage order ang iba pa po nating mga Regional Wage Boards. At gusto ko lang pong i-emphasize na ang layunin po ng ating minimum wage ay upang maprotektahan ang mga vulnerable po nating manggagawa mula sa labis na mababang pasahod. Kaya ito po ang target na beneficiaries ng ating minimum wage na dapat ay kung ipapatupad po natin ay every time na magha-hire tayo ng mga workers, ang sahod nila ay hindi dapat bababa dito sa minimum wage na itinatakda ng ating Regional Tripartite Wages and Productivity board.

Iyon lamang, Usec. Rocky, at maraming salamat sa pagkakataon na ipinagkaloob mo sa amin.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-impormasyon, Executive Director Maria Criselda Sy ng National Wages and Productivity Commission, salamat po.

Para mas mahikayat ang ating mga kababayan na makiisa sa tamang paggamit ng renewable resources, isa pong campaign ang inilunsad ng Department of Energy kamakailan. Para po pag-usapan iyan, makakasama po natin si Director Patrick Aquino ng Energy Utilization Management Bureau mula po sa Department of Energy. Magandang umaga po, Director!

DOE DIRECTOR AQUINO: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa mga nanunood sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, naglunsad ng isang campaign ang Department of Energy kamakailan, kaugnay dito sa sinasabi nating energy conservation. So ano po ang tema para sa nasabing campaign at ano po iyong inaasahan ninyong goal dito?

DOE DIRECTOR AQUINO: Maraming salamat sa katanungan. Ang DOE po at ang PCOO ay naglunsad noong unang linggo ng Mayo na tinatawag nating kampaniya na ‘Enerhiyang Atin’. Layon nitong bigyan ang ating publiko ng kaalaman at mga impormasyon tungo sa mas masinop na paggamit ng enerhiya at pag-deploy po natin at paggamit ng renewable energy at iyong mga bagong teknolohiya, halimbawa po ng electric vehicles.

Ang atin pong programa sa kasalukuyan ay nasa SM City-Cebu po. Mayroon tayong activation kiosk doon. Mayroon din po ngayon na simultaneous sa SM City-Olongapo. At asahan po ng ating mga kababayan na sa susunod na linggo, nasa SM City-Sta. Rosa tayo at sa SM City-Davao, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Director, ano po ang mga activities bukod diyan, na puwede pong salihan ng ating mga kababayan, at ang tanong pa nila ay puwede po ba silang sumali online?

DOE DIRECTOR AQUINO: Opo. Usec. Rocky, dito sa mga kababayan natin na nasa Cebu, malapit sa SM City-Cebu or SM City-Olongapo, kapag bumisita po tayo sa ating mga kiosk, mayroon po tayong makikitang mga produkto, mayroon po tayong mga interactive events. At iyon pong sa Cebu, actually mayroon pong live na demo ng isang electric vehicle na maaari pong masubukan ng ating mga kababayan.

Para naman po doon sa mga hindi makakasali, mayroon po tayong mga games available online, sa atin pong Google Play at Apple play store kung saan ang tawag po dito ay ‘City of Energia’ na layon din po nito na magkaroon ng immersive experience ang ating mga kababayan, lulan ng City of ‘Energia’ na application, ng impormasyon hinggil sa energy efficiency, renewable energy at iba’t ibang programa ng ating pamahalaan. Mayroon din po itong laro para po masubukan ang ating kaalaman dito sa mga topics na ito.

USEC. IGNACIO: Pero so far, alin daw pong mga lugar na ang nabisita nitong campaign? Tama po ba na mag-iikot daw po kayo sa iba pang lugar at hanggang kailan daw po ito tatagal?

DOE DIRECTOR AQUINO: Opo, tama po iyon, Usec. Rocky. Nagsimula po ang ating kampaniya, inilunsad ito sa SM City-BF Parañaque noong unang linggo ng Mayo. Ngayong linggo po, kasama po natin ang PCOO at DOE, nasa SM City-Cebu at SM City-Olongapo. Sa susunod pong linggo, sa huling linggo ng Mayo, nasa SM City-Davao tayo at SM City-Sta. Rosa.

Dito lang po iyong ating initial leg during the hot/dry season. Asahan pa po ninyo na mayroon pa tayong mga susunod na aktibidad at ia-announce po namin sa pakikipagtulungan nga po ng PCOO at ng inyong programa.

USEC. IGNACIO: Director, speaking of online, mayroon din po ba kayong ini-launch na Enerhiyang Atin website? Ano po ang maaaring makita dito raw sa nasabing website?

DOE DIRECTOR AQUINO: Opo, iyong ating Enerhiyang Atin, kapag sinearch po natin online, ang laman po nito ay mga impormasyon hinggil sa masinop o wais na paggamit ng enerhiya, mga polisiya tungo sa paghihikayat sa ating mga kababayan na gumamit pa ng mas madaming renewable energy [garbled] … bagong programa at impormasyon dito sa ating kagawaran na DOE.

USEC. IGNACIO: Opo. Pag-usapan po natin ito para sa ating mga kababayan. Paano po raw iyong pinakaepektibong paraan naman para makatulong po iyong ating mga kababayan dito po sa pagtitipid o pag-conserve ng renewable energy?

DOE DIRECTOR AQUINO: Iyong atin pong mga kababayan, malaki na po ang naitulong ninyo dahil sa inyong masinop at wais na paggamit ng enerhiya. Wala po tayong naging pangmatagalan na power interruptions. Kaya patuloy ang panghihikayat ng DOE doon sa may mga kakayahan na mag-invest na po, halimbawa, sa ating net metering program o iyong pag-i-install o paglalagay ng mga solar panels sa ating bubungan na malilikom na kuryente ay ibibenta po natin sa ating distribution utility, offsetting po ito.

Bukod pa dito, iyon nga pong paggamit, kung mayroon po tayong kakayahan ay bumili po tayo ng mas energy-efficient na mga produkto na mas mataas po iyong rating o mas madaming star, iyon po ang ating piliin.

Kung hindi naman po [unclear] tayo ay wala sa budget, ang atin pong patuloy na paalala, mayroon pong mga kayang gawin ang ating mga kababayan upang maging mas masinop sa paggamit ng enerhiya – bunutin o patayin ang mga appliances na hindi ginagamit, palagiang linisin ang ating air conditioner at electric fan. At kung gagamit po ng air con, huwag naman po nating tataasan o higit pa sa 23 degrees Celsius ang thermostat.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon ay idineklara na po ng PAGASA itong panahon ng tag-ulan.

So, paano po naiiba iyong paraan ng pagkonsumo ng renewable energy ng ating mga kababayan kumpara po noong sa panahon ng tag-init?

DOE DIRECTOR AQUINO: Usec. Rocky, kapag tag-ulan kasi, ang napapansin at naoobserbahan natin dito sa DOE ay mababa nang kaunti ang ating konsumo sa kuryente dahil nga po ang pinakamalaking bahagi ng ating konsumo ay ang paggamit, halimbawa, ng air con.

Pero pagdating naman po ng ating tag-ulan, patuloy pa rin naman po ang paalala ng ating DOE na maging masinop pa rin iyong paggamit. Kasi iyong pagtitipid naman natin o iyong makukonsumo natin na matitipid ay tuluy-tuloy naman po iyong magiging benepisyo nito.

Kaya pagdating po ng tag-ulan, ang paalala ng DOE ay siguraduhin po na iyong hindi nga po ginagamit na mga appliances ay siguraduhing patay o bunot, dahil iyong maliliit pong bagay na ginagawa nating iyon, kapag pinagsama-sama base po sa aming datos, lima hanggang sampung porsiyento po ang matitipid ng ating mga kababayan sa kanilang konsumo sa kuryente.

USEC. IGNACIO: Pero may mga bago bang teknolohiya na efficient energy saver? Pakibahagi ninyo po ito sa ating mga kababayan.

DOE DIRECTOR AQUINO: Doon sa mga bibisita, Usec. Rocky, doon sa ating mga binanggit na activities, mayroon na po doon na mga kiosk na kung saan pinapakita po iyong ating mga produkto na mas energy efficient.

Sa kasalukuyan, ang paalala ng DOE ay kung magpapalit na po tayo ng bombilya o sa ilaw, ang piliin na po natin ay iyong light-emitting diode o LED. Hindi lang po ito mas efficient, mas mahaba pa po iyong buhay. May mga warranty po ang ating mga LED lights.

Kung kayo naman po ay nag-iisip bumili o magpalit ng refrigerator, air conditioner, TV, ay piliin po natin iyong mayroong energy label na mas madami po iyong stars o mas mataas ang rating, dahil po kapag mas madami o mataas ang star, mas kaunti po iyong kinukonsumo ng produktong iyon at sa pangmatagalan ay lamang po ang bawat pamilya.

USEC. IGNACIO: Pagdating naman sa private at saka sa public sector, paano rin po natin sila hinihikayat na makiisa sa pagtititpid sa energy resources?

DOE DIRECTOR AQUINO: Iyong sa ating mga pribadong sektor, Usec. Rocky, kamakailan lamang, noong April 15 ay mayroon pong taunang obligasyon ang ating mga malalaking kumukonsumo ng enerhiya na mag-submit ng mga reports at gumawa ng programa sa paggamit ng energy efficiency at renewable energy.

Bukod po doon, patuloy po ang ginagawang programa ng DOE. At sa dulo po ng taon [ay nagbibigay po ang DOE] ng tinatawag nating Energy Efficiency Excellence Awards or EEE Awards, kung saan pinararangalan namin at binibigyang-pugay ang mga kumpanya na mayroon pong sustainable at mas energy efficient practices.

Ilan lang po iyon, Usec. Rocky, sa mga ginagawang programa ng DOE at ng pamahalaan upang hikayatin ang sektor na ito na mas maging energy efficient sa kanilang paggamit ng enerhiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman dito sa industry sector, kagaya po sa agriculture sector, paano po sila maaaring makapag-participate sa paggamit ng energy sources?

Ano rin po iyong naging tulong ng gobyerno sa mga third party, kagaya ng mga magsasaka?

DOE DIRECTOR AQUINO: Usec. Rocky, magandang katanungan iyan. Sa pakikipagtulungan ng ating Kalihim na si Alfonso G. Cusi at ang Department of Agriculture, mayroon po tayong kasunduan or memorandum of agreement kung saan nagbibigay po ng technical assistance ang ating DOE para sa mas malawakan pang paggamit ng renewable energy sa sektor po ng pagsasaka at kahit po sa ating pangingisda.

Ang layon po nito ay bigyang-daan na magkaroon po halimbawa ng mga cold chain facilities na powered by renewable energy or solar, [unclear] na paggamit ng mga post-harvest facilities na gumagamit ng renewable energy, bio-mass [unclear]. Ilan lang po iyon sa ginagawa nating mga programa.

Kung gusto po ng ating mga kababayan na ma-avail po itong mga programang ito ay makipag-ugnayan po sa pinakamalapit ninyo na DA representative at tulung-tulong naman po ang DOE at DA dito po sa paghahatid nitong mga programang gumagamit ng RE sa atin pong agriculture sector.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa ngayon ay ano po ang mga potential energy sources na nakikitang puwedeng gamitin sa bansa?

DOE DIRECTOR AQUINO: Usec. Rocky, pinagpala naman ang ating bansa na madami tayong renewable energy. Isa sa patuloy na isinusulong ng ating DOE ay ang paggamit po ng ating solar, iyong atin pong continuous development ng ating hydro resources, geothermal resources, biomass resources.

Maidagdag ko lang. Kamakailan lamang ay naisabatas ang Republic Act #1697 na naglalayon na gamitin na rin natin ang electric vehicles doon sa ating transportation sector. So, ilan lang po ito sa mga aasahan ng ating mga kababayan na pagbabago, na transition natin sa paggamit natin ng enerhiya para mas maging sustainable.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-oras sa amin, Director Patrick Aquino ng Energy Utilization Management Bureau ng Department of Energy, salamat po.

DOE DIRECTOR AQUINO: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, hindi na po pinalampas ng tanggapan ni Senator Bong Go na maghatid ng tulong para sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay UP Campus sa Quezon City. Kasama rin sa nagbahagi ng tulong ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan. Kasunod niyan, muli namang tiniyak ng Senador ang pagpapalakas sa kapasidad ng Bureau of Fire Protection sa ilalim ng BFP Modernization Act. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Al Corpus ng PBS-Radyo Pilipinas

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

Pinag-aaralan na po ngayon ng Office of Civil Defense-Cordillera at Tuba Police ang posibleng pagsasara ng historic Kennon Road sa mga motorista bilang pag-iingat, dahil sa kasalukuyang sitwasyon doon. Karagdagang report mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Oath-taking ni Mayor Sara Duterte bilang bagong Bise Presidente, isasagawa sa Davao City! Public Safety and Security Command Center sa lungsod, naghahanda na. Ang detalye sa report ni Julius Pacot ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)