Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH hosted by
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Siksik na naman po sa impormasyon at panibagong kaalaman ang ating tatalakayin ngayong araw ng Huwebes, ikalima ng Mayo 2022. Mamaya lamang po makakasama natin ang mga kawani ng pamahalaan na handang sumagot at magbigay-linaw sa tanong ng bayan.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Bilang panimula, atin pong pag-uusapan ngayong umaga ang seguridad sa mga teritoryo ng bansa partikular na sa West Philippine Sea at mga programang isinasagawa ng ating pamahalaan upang mas palakasin pa ang depensa ng bansa. Makakasama natin ngayong araw dito sa studio si Secretary Delfin Lorenzana mula po sa Department of National Defense. Magandang umaga po, Secretary, at welcome po sa ating Laging Handa.

DND SEC. LORENZANA: Magandang umaga, Rocky. Thank you for having me here.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, nice to see you po.

Secretary, unahin ko na po itong usapin sa West Philippine Sea. Ano po ang ating ginagawang mga hakbang upang palakasin po ito pong presensiya ng ating bansa dito po sa pinag-aagawang teritoryo, sa West Philippine Sea? Ano po ba iyong sitwasyon ngayon doon?

DND SEC. LORENZANA: Ang sitwasyon doon ngayon, Rocky, ay tahimik naman, stable… wala namang nangyayaring mga kaguluhan diyan except noong binomba ng water cannon iyong isang supply ship natin. Pero pinag-usapan na namin ng Ambassador ng China at nag-apologize naman siya at hindi naman nila sinasadya iyon so ngayon iyong ating supply ay tuluy-tuloy na rin.

Ngayon gusto ko lang sabihin sa mga mamamayan na mula noong pumasok si Presidente ay wala namang nakuhang bagong teritoryo—kinuhang bagong teritoryo iyong China. Hindi na rin sila nag-occupy ng mga vacant—unoccupied features. Saka palagi naming sinasabi na not an inch of our West Philippine Sea has been—kinuha ng China during the time ano. And at the same time, he was able to talk to the leaders of the Chinese government na itutuloy natin iyong ating peaceful coexistence muna habang sinusukat natin kung sino ba talaga iyong may-ari ng lugar na iyan ‘cause it’s disputed eh.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, nabanggit mo… sinabi mo tahimik naman, maayos. Ano po ang ibig sabihin nito? Nadagdagan po ba iyong mga—or nabawasan ito pong presensiya ng mga Chinese vessel sa lugar? Papaano ninyo po nasabing tahimik naman, maayos naman?

DND SEC. LORENZANA: Kaya ko nasabing tahimik, Rocky, dahil wala naman tayong nakikitang mga kaguluhan. Unang-una siguro dahil nag-uusap na iyong mga gobyerno natin, I think pinakamagandang solusyon diyan ay still diplomatic ano. At the same time, mayroon na rin tayong mga inangkat na mga bagong barko diyan, nagpapatrolya na tayo… mas madalas na at mas marami na iyong nagpapatrolyang barko natin – iyong BFAR, iyong Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ship nandiyan na rin, ang Coast Guard natin nandiyan na rin nagpapatrolya – so dumami iyon dahil nadagdagan iyong ating mga assets nitong mga nakaraang taon.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan na nga po. Kukumustahin ko itong ating modernization ng Armed Forces of the Philippines lalo na nga po iyong pagpapatupad nitong Horizon 2. Kumusta po ito?

DND SEC. LORENZANA: It’s on track ano. Ayon dito sa mga impormasyon na—official information ng aking mga staff ay itong Horizon 2 na nagkakahalaga ng 427.7 billion ay on track na iyan, marami na ang natapos – 96 projects na iyong nakaprograma and about more than three-fourths na iyong tapos diyan.

Ngayon, iyong mga hindi pa nai-deliver na mga equipment na napirmahan na iyong kontrata noon ay still they are on track for delivery kahit na wala na tayo rito.

USEC. IGNACIO: Ah, opo. Pero, anu-ano daw po iyong mga balak nating bilhin pa na mga kagamitan para po sa AFP at saan daw po sila puwedeng magamit?

DND SEC. LORENZANA: Iyong iniisip ngayon natin or pinaplano, siguro bago matapos itong administration na baka mapirmahan iyong kontrata ay iyong anim na OPVs – ang OPV is Offshore Patrol Vessels – mas maliit iyan sa frigate pero magagamit din iyan sa West Philippine Sea. So, dagdagan natin iyong ating naval assets nitong anim.

Pero sa tingin namin, looking at the… sa lawak ng ating maritime domain ay kulang pa iyong ating barko. Kailangan pa nating bumili ng barko. Ngayon sabihin mo, saan pa puwedeng magamit iyon? Pampatrolya ng ating karagatan, alalayan natin iyong ating mga mangingisda, at the same time kung may mga sakuna/catastrophe – iyong mga bagyo – kasi alam mo naman taun-taon tayong sinasalanta ng bagyo ay makakatulong kaagad iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kamakailan, Secretary, nakipagpulong po kayo kay US Secretary of Defense Lloyd Austin III. Napag-usapan po ba iyong issue ng West Philippine Sea?

DND SEC. LORENZANA: Yes, napag-usapan namin iyan. In fact matagal naming pinag-usapan iyan, siguro mas matagal pa sa ibang mga topics ano. Sabi nila ay handa silang tumulong kung mayroon pa mang mga kailangan nating tulong diyan sa West Philippine Sea. Pero ang sabi ko naman na, sige we will come to you kung kailangan namin ng tulong pero as of now, we are managing the situation with China very well. Wala naman kaming sigalot ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano po iyong pagtaya ng relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas nito pong nakaraang anim na taon, ngayon nga pong papalapit na ring matapos itong administrasyong Duterte?

DND SEC. LORENZANA: Medyo—iyong sa umpisa kasi alam mo naman, Rocky, noong umpisa [ay] maraming mga pronouncements si Presidente na wala nang exercises, wala nang tropa rito. Pero noong mag-usap kami nang masinsinan ay ano naman eh, he reconsidered his stance… na nandiyan pa rin.

Ngayon iyong pagtigil ng Balikatan, hindi naman iyon dahil lang sa gusto nang itigil ni Presidente iyong Visiting Forces Agreement. Nagkataon lang na nagkaroon ng COVID kaya natigil iyong Balikatan. Pero iyon din, noong 2019 nang sumulat si Presidente sa kanila na ititigil na niya iyong Visiting Forces Agreement, but eventually ni-retract naman niya iyong sulat. So, balik na naman tayo sa normal, as usual na iyong sitwasyon noong bago pumasok si Presidente.

USEC. IGNACIO: Opo. So, nananatili pong matatag iyong relasyon ng Pilipinas—

DND SEC. LORENZANA: Matatag, oo, still strong.

USEC. IGNACIO: Opo. Ginanap din po iyong Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting kung saan daw po ay magkasama kayo ni DFA Secretary Teodoro Locsin.

DND SEC. LORENZANA: Yeah, nagkaroon kami ng 2 plus 2.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong napag-usapan po doon sa—ninyo, nitong Japanese Defense Minister?

DND SEC. LORENZANA: Ah, madami. Napag-usapan namin na iyong kaguluhan sa Ukraine kung paano makaapekto sa atin and then nilabas din nila iyong tungkol sa North Korea tapos dito sa may East Philippine Sea nila, problema na rin sa—parang sa atin, mayroon tayong dispute sa West Philippine Sea, sila naman sa East Philippine Sea naman sa kanila ng—sa lugar, sa kanilang bayan ano.

Ngayon napag-usapan din namin iyong West Philippine Sea kung ano na ang nangyayari. And I told him, sinabi ko sa kaniya na as far as we are concerned, it is very stable and we [are] talking with the Chinese on how to manage the situation properly. Ito pa, nagkaroon pa kami ng—at binanggit din niya iyong mga puwedeng itulong nila sa atin especially sa Coast Guard, kasi iyon yata iyong mayroon silang limitasyon na ‘pag tumulong sa Armed Forces kung hindi sa Coast Guard lang—civilian, civilian entity oo. So iyon ang napag-usapan namin, iyong relationship natin.

USEC. IGNACIO: Oo. Pero, bukas po ba iyong Pilipinas dito sa isang trilateral arrangement or agreement kasama po ang US at Japan?

DND SEC. LORENZANA: Siguro hindi na kailangan iyon, Rocky, kasi iyong US mayroon silang MDT with Japan, sa atin mayroon din silang Mutual Defense Treaty. So, we work with the—aming poste diyan ay iyong US, so we work with the US – both of us work with the US.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito po iyong medyo pinangangambahan ng ilan ano po. Nabanggit ninyo rin kanina iyong posible daw pong maapektuhan iyong Pilipinas dito sa possible spillover ng gulo sa Russia at Ukraine. Ano po ang masasabi ninyo rito?

DND SEC. LORENZANA: Ang napag-usapan din namin ni Presidente diyan, especially noong Command Conference ano, tinanong niya kung ano ba talaga ang ano natin ‘to – are we in a danger na masangkot tayo diyan? Kasi ang sabi niya, pinayagan ko iyong US na gamitin nila iyong Clark kung saka-sakaling magkagiyera sila.

Ang sabi ko naman sa kaniya, “Mr. President, malayong mangyari siguro iyan, dahil unang-una napakalayo natin.” Kung nangangailangan lang ang Amerika ng mga paglalagyan nila ng kanilang mga equipment at saka mga tao bago sila makipag-ano doon sa Ukraine ay mayroong malapit na bansa diyan. Iyong Korea, mas malapit [sa Ukraine] iyan kaysa sa atin, Turkey at saka iba pang NATO forces. So, sabi ko hindi siguro mangyayari na masangkot tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kapag sinabi ninyo pong malayong mangyari o hindi masasangkot kasi hindi po tayo sa tingin ninyo pupuntahan sakali pong—

DND SEC. LORENZANA: No. Hindi. Last ano tayo kung saka-sakali man dahil nga inu-offer nga ni Presidente iyong Clark para sa kanila. It’s very unlikely na magpoposisyon sila ng maraming tropa dito at saka maraming equipment.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman daw po iyong masasabi ninyo dito sa ginagawa namang aktibidad ng communist terrorist group na panghihingi daw po nitong tinatawag na permit-to-campaign at permit-to-win peace sa mga tumatakbong kandidato na binanggit na rin po ni National Security Adviser/NTF-ELCAC Chairperson Secretary Hermogenes Esperon na iligal.

Sang-ayon po ba kayo na dapat pong i-disqualify ito daw pong mga kandidatong nagbibigay/magbibigay? Ano daw pong hakbang ang puwedeng gawin ng ating Defense Department tungkol dito?

DND SEC. LORENZANA: Sang-ayon ako diyan. Sang-ayon, kasi hindi fair iyong labanan kung ganoon. Kasi ang ginagawa ng mga NPA ay kinokotongan nila iyong mga papasok para mangampanya sa lugar nila. Tapos kung minsan naman ay mayroon silang kinikilingang mga kandidato, tapos iyong iba [ay] iyon iyong kinokotongan nila.

Ngayon, narinig ko kamakailan lang kay Secretary Briones kasi iyong mga teachers nila ay nasa mga liblib na pook. So, nakikita nila iyong mga ginagawa ng NPA.

Ngayon, mayroon tayong task force. Task Force na composed of AFP at saka PNP na nagmamanman kung sino iyong lumalabag sa batas, iyong nangongotong o [nagbibigay ng] permit-to-campaign. Kung ma-prove nila iyan ay iri-report nila sa COMELEC and COMELEC will file the charges.

Pero kasi, Rocky, matagal nang ginagawa ng NPA iyan. For the past siguro 30 years ginagawa na nila iyan. So, tingin namin gagawin pa rin nila ngayon ito kung [unclear] silang gagawin. Pero nandiyan naman tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, ito pong sa ilalim ng administrasyong Duterte, masasabi po ba natin na humina itong puwersa ng communist group?

DND SEC. LORENZANA: Napakalaki ng hinina nila. Napakalaki! Kasi as of yesterday na nag-bi-briefing sa akin iyong ELCAC ay 24,000 na iyong surrenderees. Iyong armado at saka iyong masa. Kasi iba-iba iyan, mayroong armado, mayroong masa – 24,000 [surrenderees] na.

Ito iyong mga kusang bumabalik sa gobyerno iyong armado, kasama iyong mga armas nila. And the government is taking care of them. Talagang binibigyan sila ng mga benepisyo – pabahay, mga hanapbuhay, medical care at saka education ng mga anak nila.

So, humina na sila. Out of the 81 guerilla fronts ay na-neutralize na natin iyong mga 47. So, kaunti na lang [ang strength nila].

USEC. IGNACIO: Opo. Ito, lilipat naman po ako dito sa nalalapit na halalan sa May 9, sa Lunes po. Kumusta daw po ang preparasyon ng AFP sa nalalapit na eleksiyon?

DND SEC. LORENZANA: Maganda. I think noon pa iyan eh, siguro mga ilang buwan na ang nakaraan ay nagpi-prepare na; joint kasi iyan eh, combined diyan iyong PNP at saka iyong Armed Forces. Ngayon ang ginagawa ng COMELEC kapag eleksiyon ay dini-deputize niya ang AFP para mayroon silang police powers na katulad ng PNP.

So, ngayon mayroon tayong 40,000 na military ang naghahanda na tumulong na mapanatili ang kapayapaan sa eleksiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, mayroon po ba kayong na-monitor o namu-monitor na mayroong direktang banta sa seguridad ng bansa, ito pong nalalapit na halalan at pagkatapos po ng eleksiyon?

DND SEC. LORENZANA: Ngayon wala, isolated lang. Alam naman ng COMELEC kung saan iyong hotspot kasi under COMELEC control at saka control ng PNP.

So far generally, it will be a very peaceful election. Mayroon lang sigurong [kaunti], alam mo naman sa Pilipinas hindi mawawala iyong mga awayan ng mga kandidato. So, mayroon iyan, but it is very isolated at saka kaunti lang iyan.

Now, after the election I don’t think na magkakaroon tayo ng kaguluhan dahil sabi ko nga kung sino iyong ipo-proclaim ng COMELEC ay iyon ang iri-recognize natin na nanalo, kung sino ang i-proclaim.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon lang pong tanong ang ating kasamahan sa media. Tanong po sa inyo ni Job Manahan ng ABS-CBN: How much daw po iyong tinitingnan na magagastos for the additional naval assets na planong bilhin bago po bumaba si President Duterte?

DND SEC. LORENZANA: Iyong ngayon, iyong six OPVs? I think that’s P32-M. Pero naka-budget na iyan.

So, iyong Horizon 3, alam na natin kung magkano iyong kabuuan niyan. Siguro aabot din iyan ng mga P300 to P400-B. Pero ipu-program nila iyan sa susunod na taon. Wala na dito sa 2022.

USEC. IGNACIO: Opo. May habol lang din po: So, ibig pong sabihin [ay] talagang wala kayong nakikitang mangyayaring gulo o anumang banta pagkatapos daw po ng eleksiyon na katulad daw po ng sinasabi ng iba?

DND SEC. LORENZANA: Wala naman akong nakikita.

USEC. IGNACIO: Opo. Teka lang po ha, Secretary, kasi mayroon din pong tanong ang ating kasamahan sa media na si Maricel Halili ng TV-5: Ano daw po ang puwedeng gawin ng kandidato if they were forced by NPA na kumuha ng permit? Paano po sila makakapagkampanya freely, considering na three days na lang na puwedeng mangampanya?

DND SEC. LORENZANA: Isuplong nila. Isuplong nila sa pulis at saka sa military. At saka kung talagang totoo iyan ay puwede naman silang samahan ng mga military na puntahan iyong mga barangay. Kasi nangyayari lang ito, Rocky, sa mga remote areas.

Alam mo naman iyong remote areas na kung saan wala masyadong mga tao na nagpupunta doon, iyon ang tina-target ng mga NPA na kokotongan nila iyong mga kandidato.

So, all they have to do is report it to the police or the military; alam na ng military ang gagawin doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, sa inyong monitoring, ito pong mga ginagawang ganito ng NPA, nabawasan po ba o nadagdagan nito pong mga nakalipas?

DND SEC. LORENZANA: Nabawasan na! Sa tingin ko itong eleksiyon na ito, kaunti na lang iyan kasi karamihan nga, sabi ko sa iyo kanina, ay nag-surrender na iyan.

So, [ang] nakikita ko lang dito, siguro sa Samar mayroon diyang mangyayari; sa Negros; kaunti diyan sa Bicol and then kaunti diyan sa Cagayan Valley. Pero all others siguro, wala na.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bago po magtapos ang kasalukuyang administrasyon, ano po ang maiku-consider ninyong naging achievements ng inyong ahensiya? May mga programa po ba o proyekto kayong hinahabol na matapos bago po daw magpalit ng administrasyon?

DND SEC. LORENZANA: Kung sasabihin ko rito, Rocky, iyong accomplishment namin sa Defense at saka AFP ay mahaba ito, aabutin tayo ng isang araw. But important dito iyong human resources, alam mo naman iyong pinakaimportanteng resource ng military ay iyong tao.

So, inayos natin iyan – ang organisasyon, training, everything ay inayos natin. Maganda ang leadership natin kaya nakita mo naman [na] top ten (10) iyong AFP sa approval rating ng mga Pilipino. So, of the result there is like that ano. Maganda na iyong palakad niyan, respected na sila.

Pagkatapos during the time of President Duterte ay nakabili tayo ng maraming equipment. He bought more equipment than the past, siguro three [or] four administrations. Ganoon kadami iyong nabili niya.

So, maganda. Marami rin tayong naitayong mga pasilidad sa mga kampo. Ganoon din ang gusto ni Presidente, that is what he wanted.

So, ngayon sinasabi niya, when I reported to him about three weeks ago iyong mga accomplishments ng administrasyon niya during the past five [or] almost six years, ang sabi niya “I’m very happy to leave an armed forces that is better than when I came in.”

USEC. IGNACIO: Kasi palagi nga pong sinasabi ni Presidente sa kaniyang mga talumpati o speeches na sinisigurado niya na iti-turnover niya sa susunod na administrasyon ang isang malakas, malinis at tahimik na Pilipinas.

Ano po ang masasabi ninyo doon?

DND SEC. LORENZANA: Yes. I think he has achieved that. Mayroon pa ring natitira. Alam mo sabi nga niya, he admitted it na hindi talaga natin maaano kaagad iyang drugs. Iyong insurgency, paliit nang paliit iyong NPA.

Iyong terrorism naman sa Mindanao, nawala na dahil nagkaroon na tayo ng Bangsamoro Organic Law. That is very important, that is one of the keys, iyong talagang milestone iyan sa history ng Mindanao na napatahimik na natin, na niya, ng kaniyang administrasyon iyong buong BARMM.

Sa ngayon, iyong BARMM is struggling to come up with some governance kasi self-governing na sila eh. So maybe siguro three more years, in place na iyong infrastructure ng governance nila na tuluy-tuloy na silang makikisama sa pag-unlad ng ibang region.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang dami ring nangyari sa …talagang hamon dito po sa seguridad sa ilalim ng administrasyong Duterte. Hindi po natin makakalimutan iyong nangyari sa Marawi na alam po natin sa mga susunod na araw ay makikita natin na isa nang maganda at bagong Marawi.

DND LORENZANA: Maganda rin iyong ginawa ni Presidente doon, ang kaniyang response doon sa Marawi ay very decisive. Martial law kaagad tapos tropa, so in three months ay na-solve natin iyong problema.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kapag natapos na po ang administrasyon, kayo po ba sa Gabinete, anong plano ninyo, kayo nila Presidente? Ano po raw iyong gagawin ninyo kapag natapos na iyong termino? Kayo raw po ba ay magkikita-kita nila Presidente?

DND LORENZANA: Hopefully, sana magkita-kita kami paminsan-minsan para naman i-relive namin iyong aming experience dito kasi it’s very exciting. It was an exciting six years ‘no. Marami kaming pinagdaanan, kaming lahat ‘no.

So, ang gagawin ko ngayon, magpapahinga muna ako and then siguro kapag na-bore na ako sa aking pagpapahinga ay maghahanap ako ng part-time job para mayroon naman tayong ginagawa.

USEC. IGNACIO: At pupunta kayo sa Davao City? Pupuntahan ninyo si Presidente?

DND LORENZANA: Oo, pupunta kami doon. Kasi ano ako eh, taga-Cotabato ako eh, malapit lang sa ano eh, oo, malapit lang.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, hingin na lamang po namin ang inyong mensahe para po sa publiko. At siyempre, alam po natin na ito pong inyong puwesto, itong Defense department ay isang napakalaking hamon na dapat ay kung sinuman po iyong susunod na uupo ay talagang kasing galing ni Secretary. Sige po, Secretary, go ahead po.

DND LORENZANA: Mga kababayan, unang-una, salamat po sa suporta ninyo sa amin. I think hindi naman kami magtatagumpay kung walang suporta iyong mga mamamayan. Sana po ay tuluy-tuloy ang pagsuporta ninyo kahit hindi na kami ang nandito ‘no. Salamat po.

Maaasahan po ninyo na ang inyong kasundaluhan ay gagawin ang lahat ng kanilang magagawa para tahimik at maayos iyong ating eleksyon ngayong darating na eleksyon sa Lunes. Iyon lang po at maraming salamat ulit sa inyong mga suporta.

USEC. IGNACIO: Secretary, bago ko kayo pakawalan, may pahabol po na tanong sa inyo si Ivan Mayrina ng GMA News: May presidential candidates po ba na nag-request ng briefing sa inyo on the West Philippine Sea situation in formulating their China policy? If so, may we know kung sino daw po at what advice did you give them?

DND LORENZANA: Wala naman. Walang lumapit sa amin na magpapa-briefing ng ganiyan. Pero noong mga unang taon ni Vice President Robredo ay nagpa-briefing sa amin iyan about the overall situation, that was 2016 or 2017, pero after that ay wala na po. Pero iyong kandidato na siya, hindi na rin siya bumalik sa amin, at saka no one among the candidates came to us to ask about iyong sitwasyon sa West Philippine Sea and security in general.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, [sa] pagbibigay-impormasyon at inyong pagtungo po dito sa studio at siyempre ang pag-guest dito sa Laging Handa. Maraming salamat po kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense. Salamat, Secretary.

DND LORENZANA: Maraming salamat din, Rocky, for having us here. Mabuhay ka.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na rin kay Presidente. Salamat po.

At bago po matapos ang kaniyang termino, buong puso pong nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng healthcare workers sa bansa na naging katuwang ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic lalo na noong nagsisimula pa lang ang krisis. Sinabi ito ng Pangulo nang pangunahan niya kahapon ang inagurasyon ng bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Pangulong Duterte, dahil sa COVID-19 pandemic, nangingibabaw kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng maayos at epektibong healthcare system sa Pilipinas, bagay na patuloy na tinututukan ng pamahalaan. Sa katunayan, sa nalalabing panahon niya sa tungkulin, may mga proyekto pa siya ukol dito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil sa naging karanasan natin sa pagharap sa mga hamon ng pandemya, napunan ng ating gobyerno ang mga kakulangan sa sektor ng pangkalusugan. Kaya naman po ay tinutukan ng administrasyong Duterte ang pagpapabuti ng healthcare service sa bansa. Alamin kung ano po ang mga pinagbago sa ating serbisyong medikal sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, ating alamin ang update tungkol pa rin sa estado ng ating bansa sa patuloy pong pakikipaglaban sa COVID-19 at [ang] survey na isinagawa ng ilang researchers para po sa nalalapit na eleksyon. Muli po nating makakasama mula sa OCTA Research group, sina Professor Ranjit Rye at Dr. Guido David. Magandang umaga po sa inyo. Welcome back po sa Laging Handa, Prof. Ranjit and Prof. Guido.

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Yeah, good afternoon, Usec., at sa lahat po ng nanunood po sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Kay Doc Guido po muna.

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Magandang umaga, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Guido sa usapang COVID muna po tayo, ano po ang kasalukuyang estado ng infection rate sa bansa?

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Yes, Usec., so far ay mababa pa rin, hindi pa—tumaas nang konti iyong reproduction number, nasa 0.62. Pero iyong bilang ng mga kaso sa buong bansa ay less than 200 – 193. Ngayon, bahagyang tumaas iyan kumpara sa nakaraan na linggo, from 187 ay tumaas sa 193. Pero nothing concerning at this time iyong hospital utilization natin pati sa NCR ay mababa pa rin, nasa 21%. Iyong positivity rate ay nasa 1.2%. So mababa iyong mga numbers natin. Wala pa tayong nakikitang talagang pagtaas ng bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa tingin po ninyo, by the end of this month ay nasa ilan po kaya iyong maitatalang positibo dito? Kasi nga po, nakitaan ninyo nang konting pagtaas na nagpupositibo sa bansa dahil na rin po dito sa pagbaba pa rin po ng maraming alert levels sa iba’t ibang lugar sa bansa.

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Well, Usec., hindi pa natin masasabi talaga kasi mayroon pa ring danger na baka magkaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso dahil nakikita natin na tumataas sa South Africa at saka sa India pati rin sa US, umabot na naman sila ng 100,000 cases per day. Sa atin, wala pa naman, pero hindi natin masasabi kung kailan …baka may makapasok na subvariant – sana naman ay wala.

Kung wala namang panibagong subvariant tayong makita na makapasok dito, baka mananatili tayong less than 500 cases per day. Tulad ngayon, nasa 200 lang. Pero puwedeng magbago iyan kung may makita tayong mga subvariant na kumalat dito bigla.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Guido, nabanggit nga rin po ninyo noong nakaraan na maaari ngang makapagtala ng 5,000 to 10,000 cases a day dahil nga dito sa posibleng pagpasok ng bagong COVID sub-variant sa bansa. Mayroon na po ba kayong bagong impormasyon tungkol sa mga variant? Ano po ang maipapayo ninyo sa ating mga kababayan para po maiwasan itong ganitong pagtaas sa bilang ng mga nagpopositibo habang maaga pa po?

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Yes. Usec, hindi natin dapat hintayin na magkaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso. Itong mga panibagong sub-variant na nakita natin sa South Africa, sa India at sa US ay mas mabilis makapanghawa, 20% more transmissible kaysa doon sa kumalat sa atin na Omicron na BA.2. Kaya mahalaga pa rin, Usec, [ang] pag-iingat pa rin, pagsunod natin sa health protocols, pagsuot ng face mask, tapos magpabakuna pa rin tayo, magpa-booster tayo kung eligible na tayo. Ito iyong mga magagandang paraan para maprotektahan natin ang sarili natin at maiwasan natin itong surge.

So, kapag magtulungan tayo, baka maiwasan pa natin itong pagtaas ng kaso. Kapag hindi, kapag naging kampante tayo at hindi tayo nagpapabakuna, puwedeng magdala ng pagtaas ng bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Professor Rye: Mayroon din po ba kayong survey upang malamang kung bakit daw po bumababa ang mga nagpapa-booster shot sa bansa at ano po iyong mga nakalap ninyong dahilan o impormasyon tungkol dito?

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Okay. Usec, mayroon kaming survey noong first week of April tungkol sa COVID data. Mayroon kaming new data dito sa aming bagong survey noong April 22 and 25, at consistent pa rin. Sa willingness na magpa-booster, alam ko ho mataas eh, nasa seven out of ten Filipinos, more than 70% of adult Filipinos who had taken the vaccine ay willing pong magpa-booster. Napakaliit lang po – hindi naman napakaliit, minority lang po ang ayaw magpa-booster ho, nasa 23%.

Doon ho sa 23%, tatlong mahalagang rason kung bakit ayaw nilang magpa-booster: Unang-una iyong kaligtasan, ligtas ba sila sa booster shot. So, 53% ng 23% na iyon ng minority na ayaw magpa-booster, ang sinasabi nila ay kung ligtas [ba] ang booster.

Ang pangalawang rason ay marami sa ating mga kababayan, something like 35% [of the 23%] ang naniniwala na hindi na kailangan iyong booster shot. So, if you look at this, Usec, it has to do with information and really educating our kababayans about the importance of having an additional booster shot to extend iyong immunity natin against COVID-19.

So iyon ang reason but generally speaking, Usec, most Filipinos are willing to get boosted. Iyon nga, ang lumalabas doon sa kakaunting ayaw magpa-booster, iyong usapin ng kung ligtas ba ang booster at kung kailangan pa ang booster ang pangunahing rason kung bakit hindi sila nagpapa-booster.

Ganoon pa man, kahit na more than 70% ay gustong magpa-booster ay napakakaunti pa rin ng nagpapa-booster doon sa ating mga vaccination sites. So, ang isang explanation ng OCTA siguro dito ay iyong kumpiyansa ba, dahil kasi bukas na iyong ekonomiya, bukas na lahat, medyo wala pa tayong banta, hindi malala ang sitwasyon ng COVID sa NCR at sa maraming parte ng bansa kaya may kaunting complacency po.

So again, kailangan natin iyong tulong ng gobyerno, ng private sector dito, ng ating mga komunidad na siguraduhin po na ma-inform ang ating mga kababayan about the importance of having [the] booster [shot] or getting boosted.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Rye, bigyang-daan ko lang po itong tanong ng kasamahan natin sa media. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Dahil daw po sa mga nairi-report na mga kaso ng virus sa mga turista tulad ng sa Palawan, may possibility daw po ba na may mga unreported variant cases sa ibang lugar? At bakit daw po hindi rin nakikitaan ng pagtaas ng mga kaso sa mga lugar na ito?

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Well, maraming posibleng sagot diyan ano. Definitely, alam naman natin nagpapa-test naman lahat. Iyong isyu kung saan nanggaling iyong sakit, siyempre mahirap i-determine iyan. But definitely ‘no, nandiyan naman iyong ating mga rules and regulations sa local government units at nari-report naman po sa Department of Health iyong datos na iyan and kami naman sa OCTA, nakikita rin naman po namin.

Ano iyong isang rason? Marami pong nagpabakuna na eh, marami po sa ating mga tourist areas po, lalo na iyong mga tourist operations, iyong mga personnel, completely vaccinated and boosted po. So, mataas ang immunity, mataas ang wall of protection po. Kaya hindi po nakakakita ng surge o pagtaas. Hindi ibig sabihin na hindi magkakaroon ng surge lalo na, sabi nga ni Professor David, magkakaroon ng mga bagong variants na papasok at kung magpapabaya at magkukumpiyansa ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Rye, tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Nakikita po ba ng OCTA ang isang post-election surge ng mga kaso dahil sa mga nadidiskubreng surges at unreported na mga variant cases sa ilang mga lugar sa bansa?

OCTA RESEARCH PROF. RYE: It’s always possible po. OCTA has always maintained since last month na it’s always possible na magkaroon talaga ng uptick o pagtaas, kaya nga wina-warn natin iyong mga kababayan natin. Ang information kasi na binibigay ng OCTA at ng Department of Health at mga ibang concerned agencies is meant really to inform our own countrymen so that they can make better decisions and they can protect themselves. COVID is still here, we cannot be complacent at all, and new variants have already been identified all around the world and one has already come in, there is a documentation ‘no. And we don’t know, if this variant has already had community transmission.

Our belief is, given the data that we have, so far the country is at low risk. But again, we need to insulate it, we need to work together to put up that wall of population protection that can only really happen if, number one, follow the minimum public health standards. Number two, if many of us get booster or vaccinate.

Marami pa hong mga kababayan natin sa ibang parte ng ating bansa na hindi pa po vaccinated, wala pa pong primary vaccination. So, kailangan tuluy-tuloy po iyan. Nandiyan naman po iyong mga bakuna, nandiyan iyong mga vaccine sites natin, free naman po siya, ligtas naman po siya. So, sana po iyong hindi pa nagpapabakuna, hindi pa nagpapa-booster, huwag nang maghintay, pumunta na sa vaccination sites.

USEC. IGNACIO: Professor Guido, isunod ko naman po iyong tanong ni Aiko Miguel ng UNTV: Ano po iyong projected COVID-19 cases ng OCTA sa NCR after daw po ng election day? At how about in Baguio City daw po? Are we seeing a rise in COVID-19 cases after the detected B.2.12 lone case?

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Yes, Usec. Iyong projection natin, kung wala namang pagkalat or pagtaas or kung wala tayong makitang pagtaas ng kaso, we’re still seeing na cases will remain low in NCR, basta nag-iingat tayo. So, it could still be at around mga ano, ngayon, we are having less than 100 or 100 cases per day sa NCR. Pero, siyempre iyon nga, kung magkaroon ng pagtaas, kasi may difference siya na [unclear] tayong tinitingnan. Kung magkaroon ng pagtaas ng kaso, we could be seeing up to 500 to 1,000 cases per day sa NCR. Pero sana naman siyempre, hindi mangyari iyan.

Sa Baguio, wala pa tayong nakikitang pagtaas, sa Benguet. So far may mga cases doon, hindi naman siya zero, pero mababa pa rin, still at very low risk ang Baguio. Pero patuloy nating mino-monitor iyong mga areas na iyon, Usec, kasi anytime posibleng magkaroon ng pagtaas ng kaso. Kaya talagang we are closely monitoring.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Professor David, nadagdagan po ba iyong mga lugar na sinabi ninyo dati pa na mino-monitor ninyo?

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Well, Usec, iyong Benguet is under monitoring sa ngayon and sa mga lugar na tinitingnan natin, hindi naman masyadong nadagdagan. Mino-monitor natin iyong Davao region, pero wala namang pagtaas doon sa areas na iyon, or sa Cebu region, wala rin namang pagtaas. Iyong Isabela, may nakita tayong 12 cases kahapon, hindi naman iyan concerning, pero again, we are just looking at the numbers closely. Pero sa ngayon, overall, Usec, nasa low risk pa rin naman tayo, pati sa NCR.

Pero iyon nga, it can change anytime kasi hindi natin mapi-predict kung kailan may makakapasok tulad ng nangyari noong December, noong holidays ay bigla na lang nagkaroon ng pagtaas ng kaso. So far ngayon, Usec., wala pa tayong nakikita.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Professor—usapang eleksiyon naman po tayo ano. Professor Rye, naglabas na po kayo ng latest pre-election survey ngayong umaga. May malaki po bang pagbabago po sa resulta kumpara po sa mga nakaraang survey?

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Yeah. So sa ating mga kababayan, naglabas ho ang OCTA Research ng kaniyang pre-election survey, ang title ng aming research ay “Tugon ng Masa” ‘no. At ang survey period namin ay April 22 to 25 so tandaan natin ilang linggo na nakalipas iyon. Iyong aming survey po ay isinagawa sa—nag-face-to-face interview kami at isinagawa ito all around the country. Ang respondents namin ay 2,400 at ang aming margin of error ay around 2% ‘no.

And iyon nga, wala masyadong nagbago po – ang frontrunner pa rin natin ay si former Senator Bongbong Marcos at 58% of the vote and si Mayor Sara Duterte at 56% of the vote po. They come from the same tandem, so sa Uniteam po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, puwede ninyo po bang idetalye sa amin iyong method na ginagamit ninyo sa paggagawa ng survey?

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Yes, po. So, Professor David, would you like to talk about that? Yeah…

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Yes, Usec., [overlapping voices] face-to-face survey with 2,400 respondents, and we used a multistage random sampling similar to other major survey firms. So, face-to-face ‘to mahalaga, Usec. Rocky, and we surveyed registered voters and those who are likely to vote. So, as mentioned ni Professor Ranjit, it was conducted about two weeks ago, April 22 to 25. So, ‘ayun nga iyong nakita nating results, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sino lang po iyong puwedeng sumagot, ano po. Gaano daw po kahalaga itong margin of error dito sa pag-analyze ng data sa mga survey?

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Yes, Usec., I’ll take that question. Iyong margin of error, mahalaga iyan kasi diyan sinasabi kung ano iyong confidence natin doon sa numbers. And basta tama iyong statistical method… kasi may mga nagsasabi, “Eh, bakit mababa iyong bilang ng mga respondents?” Well unang-una, we would survey more people kung—I mean, mahal kasi magpa-survey, Usec. eh, kasi it costs money kasi ito lumalabas talaga on the field iyong mga nagsu-survey at nagpupunta sila sa mga barangays.

Ngayon iyong margin of error naka-depend iyan, Usec., kung ilan iyong respondents. So as long as proper scientific methodology and sampling ay nai-estimate natin iyong margin of error. And dito dahil 2,400 respondents, ang margin of error ay plus-minus 2% and what that means is mayroon tayong 95% confidence na iyong actual numbers will be within the range of plus-minus 2%. So dagdagan natin ng 2%, bawasan natin ng 2% – nandoon iyong range ng actual numbers doon sa ano…

Kasi [unclear] of estimate itong mga surveys, ini-estimate natin iyong sentiment ng voters and based on that nakikita natin iyong snapshot ng estimate doon sa nangyaring dates na iyon – April 22 to 25.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sino lang din po puwedeng sumagot ano po. May inilabas po kayong survey regarding po sa likelihood of changing votes for president. Maaari ninyo po bang ibahagi sa amin iyong naging resulta po ng inyong survey?

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Usec., iyong sa likelihood of changing votes, inaayos pa po namin for this newest survey. But, just like what we have seen in the first week of April when we also did an additional survey ano, a recent survey, we are seeing about 10 to 15 percent of the total voting population still changing their votes. It could go up around 20% po so that’s our own estimate po sa OCTA, hanggang 20% po of the votes still you know, likely to change pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, mayroon po ba kayong naitalang main reason kung bakit po nagbabago ang desisyon ng taumbayan sa mga kandidatong kanilang pinili?

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Well ano, alam mo disposisyon po iyan eh ng ating mga kandidato. Pero doon sa datos namin, may tatlong pangunahing bagay na mataas ‘no sa sentimyento ng ating mga kababayan, iyong rason ‘no [unclear] po na magtsi-change ho iyong vote nila. Number one ho, kung sangkot ho iyong kandidato nila o nasangkot iyong kandidato nila sa korapsyon; number two, ho ay siya ho’y nagsisinungaling, okay; and number three ho, kung siya po ay nasangkot sa eskandalo. Iyon ang tatlong rason ‘no na sinasabi ng ating mga voters na rason na para magbago sila ng kanilang boto po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inyo pong dalawa, kung kayo po ang tatanungin, posible po kayang mabago pa iyong resulta sa araw mismo ng halalan bagama’t ito pong April 22 to 25 po isinagawa iyong survey? Hindi po ito nalalayo sa araw mismo ng eleksiyon.

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Alam ninyo ho, mahirap hong magsabi ng ganiyan po kasi ho wala naman kaming crystal ball at gaya nga ng sabi ni Professor David, estimation ito ng preference ng mga tao on the survey dates, April 22 to 25.

Ang gusto naming sabihin po, Usec., tayo hong mga Pilipino, importante ho ang halalan sa buhay ng ating bansa, sa ating demokrasya. Sana ho makilahok tayo, makialam tayo, lumabas tayo sa May 9, bumoto tayo hindi ayon sa survey results kung hindi ayon sa ating mga paniniwala, sa mga prinsipyo natin at mga kandidatong gusto natin saka programa’t plataporma ng ating mga kandidato. At hindi ho dapat maging basehan ng ating boto ang resulta ng survey na ginawa noong April 22 to 25, ito ho ay impormasyon para sa ating lahat.

But that is to say also na surveys have been reliable po at ito ho ang unang pagkakataon ng OCTA sumabak sa larangan na ‘to, ng ganitong klaseng public opinion research. Tingnan natin ho kung lalabas itong mga numero na ‘to. Pero ang isa pang gusto kong sabihin ay nagbabago ho ang mga numero at two weeks ago marami na pong nangyari. And sana ho… kung may exit poll sana kami or may exit poll sana, iyon mas malalaman natin kung ano talaga ang preference on the day of election. Pero wala eh, so ito ho ay isang estimate lang, noong period na ‘to at sa aming palagay hindi ito ang—kumbaga hindi ito nakataga sa bato, okay, and magbabago pa po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Rye/Professor Guido, mayroon po ba kayong karagdagang impormasyon na nais ibahagi sa ating mga kababayan? Ano na lamang po ang inyong mapapayo sa publiko? Unahin ko po si Professor Rye.

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Well gaya nga ng sinabi ko earlier, malapit na ho ang May 9, gawin natin ang ating… you know, responsibilidad bilang mamamayan, bilang citizens ‘no. We have to forget that we’re individuals and act like citizens ‘no and think of the country when we go out to vote on May 9. Importante ho na ang boto natin nakabase ho sa prinsipyo, sa plataporma, programa ng ating mga gustong kandidato.

‘Pag lumabas tayo kasama ng ating pamilya, lagi tayong mag-iingat ‘no. Iyong ating pagsunod sa minimum public health standards at lagi-lagi nating iisipin ‘no, ang boto natin ay hindi para sa kandidato kung hindi para sa ating bayan. So kailangan ho kapag bumoto tayo, importanteng-importante na titingnan natin hindi lang iyong ating interes pero interes ng ating buong bansa. So, sana ho lumabas tayo, we go out and vote at huwag na huwag nating gagamiting basehan ang survey results para sa ating mga boto.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, Professor Rey. Professor Guido…

OCTA RESEARCH PROF. DAVID: Yes, Usec. Maraming salamat ulit sa pag-imbita sa amin ni Professor Rye. Sa May 9 napakahalaga iyan na araw para sa ating bansa at talagang dapat iyong mga kababayan natin, we encourage na lumabas sila to exercise their constitutional right para sa ating demokrasya.

Iyong numbers na nakita natin sa COVID, so far wala pa namang pagtaas ng bilang ng kaso, magandang balita iyan so huwag tayong kakabahan na lumabas at bumoto. Makakaboto tayo, let’s just practice safety protocols sa precincts – magsuot tayo ng mask, protect natin iyong votes, protect natin iyong sarili natin. let’s all have a fair and safe elections and let our democracy prevail.

Maraming salamat, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor David, Professor Rye… kami po ay nagpapasalamat sa palagian ninyo pong pagpapaunlak sa aming programa. Professor Ranjit Rye at Dr. Guido David ng OCTA Research, salamat po.

OCTA RESEARCH PROF. RYE: Salamat.

USEC. IGNACIO: Ngayong papalapit nang papalapit na po ang ‘Hatol ng Bayan 2022’, muli pong nagbabala ang Commission on Elections sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang vote-buying. Sa panayam [kay] COMELEC Commissioner George Garcia sa Kapihan sa Manila Bay kahapon, binigyang-diin niya na maaaring makasuhan o makulong ang sinumang mapapatunayang sangkot dito. Paalala pa niya, hindi lamang pamimigay o pagtanggap ng pera ang kinukonsiderang vote-buying, kung hindi maging ang pag-aalok o pagtanggap ng mga gamit o kahit pagbitiw ng simpleng pangako lamang. Bukod dito, naungkat din ng opisyal ang usapin ukol sa fake news.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Tinipon ng Commission on Elections ang mga international poll observers kahapon upang bigyang-gabay sa proseso ng magiging botohan sa Lunes. Mabibigyan ng pagkakataong makilahok sa electoral process ang international observers, kaya naman ipinaliwanag sa kanila kung paano bumoto sa Pilipinas hanggang sa pag-transmit ng mga boto at canvassing. Sa araw ng eleksiyon ay kinakailangan ding sumunod sa health protocol na inilatag ng IATF ang mga dayuhang magbabantay sa proseso ng eleksiyon.

Ayon sa COMELEC, mahalaga ang mga international observers upang mas mabantayan pa ang malinis at tapat na halalan sa Lunes.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan po natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, tanggapan ni Senator Bong Go, muling nagpaabot ng tulong sa mga kababayan natin sa San Jose Del Monte, Bulacan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mga nabibiktima ng text at online scam, dumadami! Kaya naman nagbabala ang PNP na mag-ingat at huwag basta-basta maniwala sa mga natatanggap na messages at alerts lalo na kung galing sa mga hindi kakilala. Tunghayan ang detalye sa report ni Eddie Carta:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mga kababayan, sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaganapan sa darating na eleksiyon. Tumutok po kayo sa ‘Hatol ng Bayan’ live coverage ng PTV at gamitin ang #PTVBantayBoto, #PTVElectionTV at #HatolNgBayan2022. I-follow rin kami sa mga sumusunod na social media accounts. Maaari rin kayong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng Viber at Gmail.

At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center