Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH hosted
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Pinaiigting na bakunahan sa bansa at isyu kaugnay ng umiiral na window hours para sa mga provincial buses na pumapasok sa Metro Manila, ilan lang iyan po sa ating mga lilinawin ngayong araw ng Biyernes, ikadalawampu’t dalawa ng Abril. Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong graduate ng Philippine National Police Academy na sa tama lamang pumanig at magserbisyo nang tapat sa bansa. Ngayong nalalapit na ang Hatol ng Bayan 2022, iginiit ng Pangulo na mahalaga ang papel ng pulisya para mapanatili ang kapayapaan ng bansa. Pagtiyak naman ng Punong Ehekutibo, handa niyang ipagtanggol ang mga pulis ngunit ibang usapan na aniya kung may ginawang iligal ang mga ito. Dinipensahan din ng Pangulo ang dagdag sahod sa mga pulis sa kabila ng pag-alma ng ilang sektor.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Magtatayo ng makeshift polling precinct ang Commission on Elections sa mga lugar na napinsala ang mga voting center dahil sa Bagyong Agaton. Ayon kay Comelec Executive Director Attorney Bartolome Sinocruz, pinu-procure na ng regional offices ang mga gagamitin para sa makeshift voting centers. Pagtiyak din ng opisyal, walang nasirang election paraphernalia sa mga apektadong lugar dahil nasa biyahe pa lamang ang ito nang tumama ang bagyo.

Samantala, nilinaw ng poll body na hindi isasailalim sa Comelec control ang buong probinsiya ng Abra sa kabila ng nangyaring tensyon sa isang munisipalidad nito. Kahapon ay nagtungo doon sina Comelec Chair Pangarungan at Commissioner George Garcia para sa isang covenant signing.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Estado ng vaccination rollout at iba pang update sa sitwasyon ng COVID cases ang lilinawin natin. Kasama po natin si Health Secretary Francisco Duque III. Good morning po, Secretary. Welcome back po sa Laging Handa.

DOH SEC. DUQUE III: Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bagama’t hinihintay na lang po iyong rekomendasyon ng HTAC, ano po ang mga paghahanda na ginagawa ng DOH para sa nalalapit na pag-rollout para po sa second booster ng DOH? Pero babalikan po natin si Secretary, ayusin lang po namin ang linya ng komunikasyon sa inyo.

Samantala, ilang probisyon sa ilalim ng SIM card registration bill muling susuriin. Senator Go nilinaw na igagalang ang naging desisyon ng Pangulo matapos po nitong i-veto ang nasabing bill upang mas mapag-aralang mabuti. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Muli po nating balikan si Secretary Duque. Secretary Duque, good morning po ulit. Bagama’t hinihintay na lang po iyong rekomendasyon ng HTAC, ano po iyong paghahanda na ginagawa raw po ng DOH para sa nalalapit na pag-rollout ng second booster dose sa mga nasa priority group? Secretary, ganito rin po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News, kailan daw po iyong target [na] magsisimula ang rollout ng second booster para sa priority population?

DOH SEC. DUQUE III: Unang-una, magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky, at sa lahat po ng inyong mga tagasubaybay.

Iyong patungkol sa ating pag-rollout ng second booster dose, ito ay nililimitahan muna natin para doon sa mga indibidwal na immunocompromised. So, sa ngayon, ang aking inaprubahan batay sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council ay iyong second booster dose para lamang sa mga immunocompromised na mga pasyente katulad ng mga taong nakatanggap ng organ transplant; mga taong umiinom ng mga gamot para sa kanilang immunosuppressives; ito iyong mga nagkaroon ng mga kidney transplant; iyong mga pasyente na may cancer; iyong mga HIV/AIDS patients; iyong mga taong mayroong chronic dialysis ‘no; at iyong mga taong mayroong untreated HIV/AIDS; taong may mga primary immunodeficiencies ‘no; at mga indibidwal na na-diagnose na mayroon talaga silang kahinaan sa kanilang immune system ‘no.

So, lalabas itong lahat sa ating implementing guidelines na binubuo na ngayon sa kasalukuyan para next week ay ma-rollout na natin ito. So uulitin ko lang, hindi pa kasama rito iyong healthcare frontliners at saka iyong senior citizens; only for the immunocompromised individuals na aking in-enumerate. At iyong para sa A1 or healthcare workers at doon naman din para sa mga senior citizens, next week pag-aaralan, susuriin pa ng ating Health Technology Assessment Council. Iyong mga datos galing sa WHO, sa US FDA, sa kanilang CDC at saka sa UK Joint Commission on Vaccination and Immunization. So matapos nilang masuri ang mga datos at kapag sabihin nila na okay na, rollout na tayo ng second booster dose for A1 and A2 ay gagawin din po natin iyan kapag nabuo na rin natin ang implementing guidelines.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, all set na rin po ba iyong mga supply ng bakuna na gagamitin dito? At paano rin po raw iyong inaasahang magiging sistema dito sa vaccination site para po sa second booster?

DOH SEC. DUQUE III: Pareho pa rin iyan, ano. Pero pinag-uusapan nga iyan sa …habang binubuo ang implementing guidelines for the second booster rollout. Ito ba ay sa ospital lamang gagawin o ito ba ay kasama ang mga usual vaccination sites na magtuturok ng second booster dose. So iyan, antabayanan na lamang natin iyong mas detalyadong issuances ng National Vaccination Operations Center.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumustahin natin rin natin iyong ongoing vaccination rollout nitong nagdaang linggo sa gitna po ng kabi-kabilang campaign sorties.

DOH SEC. DUQUE III: Tuluy-tuloy naman ang ating “Special Vaccination Days” ‘no. At so far, ang total administered doses natin [ay] nasa 145,241,828 at 67.2 million na ng mga Pilipino ang mayroon nang kumpletong bakuna. Katumbas po nito ay mga 75% from our target population of 90 million Filipinos. So, iyan.

Iyong ating Special Vaccination Days ay isinasagawa pa rin natin para nga maitaas ang porsiyento ng ating primary series coverage at siyempre, iyon ding ating booster dose coverage.

USEC. IGNACIO: Secretary, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media ano po. Mula po kay Mark Fetalco ng PTV: Napag-usapan na daw po ba ng DOH at COMELEC ito pong policy regarding po sa pagboto ng mga quarantined and isolated due to COVID-19? Posible rin daw po bang suspendihin ang eleksiyon sa mga lugar na mataas ang kaso ng coronavirus?

DOH SEC. DUQUE III: Pag-uusapan iyan. Alam ninyo, mayroon pa tayong mga dalawang linggo at kalahati bago ang eleksiyon, so patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH at ang COMELEC para linawin nga itong mga katanungan.

Tama naman iyong mga tanong na, “Ito bang may mga sakit, may sintomas, pabobotohin ba sila?” Ako kasi, ang tingin ko diyan, dapat hindi! Dahil lagi naman nating sinasabi na ang policy natin ay to isolate kung mayroon kang symptoms. So, salungat iyan doon sa ating policy kung sasabihin natin, “Ah hindi, kahit na may symptoms puwedeng bumoto!”

Pero siyempre, may mga tao naman na doon lamang [at] habang naghihintay ay biglang may mararamdaman na sintomas. Eh iyon, [sa] tingin ko dapat kailangan i-isolate. Makipag-ugnayan sa local government unit, doon sa kanilang Provincial, City or Municipal Health Officers at sundin iyong ating protocol na i-isolate sila, iti-test, tapos kung kinakailangang dalhin sa isolation center, iyon ang gagawin nila.

Pero by and large, ang posisyon ko diyan, kapag may sakit, huwag nang lumabas kasi makakapanghawa pa kayo, eh, mahirap na.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ni Doc Nina Gloriani kahapon na isinama nila sa rekomendasyon ng booster dose itong iba pang nasa A3 o iyong mga taong may chronic condition pero hindi immunocompromised. Kasama po ba sila sa mga babakunahan ng fourth dose?

DOH SEC. DUQUE III: Hindi! Kasi ang ating batayan ay ang positive recommendation ng Health Technology Assessment Council. Iyong binasa ko kanina, iyon lamang muna ang ating babakunahan ng second booster dose.

So, maghintay na lang tayo doon sa detalye ng ating implementing guidelines.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta rin po iyong pag-uusap ng Pilipinas dito daw po sa mga bansang padadalhan ng mga sobra-sobrang mga bakuna? Tuloy pa rin po ba ito?

DOH SEC. DUQUE III: Yes, itutuloy iyan. Hinihintay lamang iyong clearance na nasa Office of the President at siyempre ang Office of the President ay tinitingnan din ang mga legal implications nito. So, hinihintay lang natin na ito ay mangyari, at iyong mga pagpupulong ng Department of Foreign Affairs [ay] patuloy rin po iyan, [kasama ang] DBM, Office of the President at saka ang Department of Health.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumustahin ko na rin po iyong isinasagawang “Bayanihan Bakunahan Special Vaccination Days” sa ilang areas. Kumusta raw po ang naging turnout nito so far?

DOH SEC. DUQUE III: Well, sa ngayon, hinihintay pa rin natin ang mga pinakabagong datos mula sa ating mga centers for health development at mga Regional Vaccination Operation Center. Pero para sa buwan ng Abril [ay] magkakaroon tayo ng special mobilization activities hinggil din sa pagbabakuna, dahil as of April 20, 2022, 27.4% pa lamang ng target sa BARMM ang ating naaabot.

Ang babang-baba talaga sa BARMM eh, kaya ako ay nananawagan [na] paigtingin na po natin ito, palawigin natin ang bakunahan sa BARMM para magkaroon ng proteksiyon ang atin pong mga kababayan, mga kapatid na Muslim. At paalala na rin sa ating mga kababayang Muslim na hindi po ipinagbabawal ang bakuna sa panahon ng pag-aayuno, ngayong Ramadan. Ayon po ito sa Office ng Bangsamoro Mufti.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Will the proposal daw po to set expiration dates for COVID-19 vaccination cards, similar to some countries, be adopted here?

DOH SEC. DUQUE III: There is a possibility. Pero iyan po ay tatalakayin, pag-uusapan iyan ng IATF next week, sa Huwebes at matapos ibigay ng Technical Working Group ng IATF ang kanilang recommendation patungkol sa isyu na ito kung, number one, are we going to redefine the meaning of fully vaccinated? Number two, are we going to also include expiration dates for the initial vaccination cards issued? And for the booster dose, will there also be some kind of expiration date?

So, lahat po ito ay sabay-sabay na tatalakayin ng inyong IATF sa darating na linggo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang po at paglilinaw lang po na tanong mula po kay Mark Fetalco ng PTV: Posible rin daw po ba na suspendihin ang eleksiyon sa mga lugar daw po na mataas ang kaso ng COVID?

DOH SEC. DUQUE III: Well, that is always a possibility, but we will stick to our Alert Leveling System.

Halimbawa, kung nag-Alert Level 2 tayo, iyong mga public places o iyong mga lugar [ay] mayroon tayong limitasyon. Sa Alert Level 2, 50% ng capacity, iyon lamang ang pahihintulutan na makapasok ang mga tao kung indoor. Kung outdoor naman, puwede hanggang 70% ang capacity na pahihintulutan.

At iyon na nga, depende sa tatlong panukatan or metrics. Number one – two-week growth rate. Kung lampas 200%, ibig sabihin high-risk na iyong classification ng isang probinsiya/siyudad/municipality. Pangalawang panukatan ay iyon namang average daily attack rate per hundred thousand population, na kung sumobra ka sa 18 kada araw per hundred thousand population, nasa high-risk ka ‘no. At kung ang iyong healthcare utilization rate – pangatlong metric o panukatan – ay mataas ka sa 74% or 75 until 84%, nasa high-risk ka.

So, itong mga ito ang binabantayan natin. Parang dashboard ito, so ito iyong mga metrics. Tinitingnan natin, ito iyong mga gauges. So, depende pa iyan. So, ika-calibrate natin iyong response natin.

Ngayon, kung ang tanong: Posible bang magkaroon ng postponement?

Oo, siyempre! Posible pa rin kung talagang masyadong mataas ang sipa ng mga kaso sa mga piling lugar.

USEC. IGNACIO: Pero, Secretary, ilang linggo po bago itong eleksiyon ano po, mayroon po ba tayong mga nakikitang lugar na posible pong pumasok dito sa sinasabi ninyong [mayroong] pagtaas ng kaso na posible pong masuspinde?

DOH SEC. DUQUE III: Well, mayroon tayong mga paunti-unti lang na one week growth rate na pagtaas sa mga ilang lugar, pero hindi pa ito sapat para sabihin natin na mag-i-escalate tayo to Alert Level 2.

Malayo pa tayo diyan kasi nga, iyong ating mga metrics ay hindi naman lumalampas o umaabot pa doon sa mga threshold na aking binanggit. Although mayroon talagang mga lugar, halimbawa, ang Marinduque ‘no, ang kaniyang growth rate ay mataas na mataas na, lampas 200. Pero, ang kaniyang average daily attack rate ay nasa 0.35 lang per one hundred thousand population. So, low risk pa iyan, ano.

Pero kapag ibabangga mo doon sa more than 200% two-week growth rate ay magiging moderate risk ang kaniyang classification. Pero kung titingnan mo ang kaniyang healthcare utilization rate ay mababa pa rin, nasa 8.7% and 10.3% iyong kaniyang non-ICU and ICU bed utilization rate.

So, mahalaga itong ating alert leveling system. Napakamagandang sistema, ito ang ating susundin.

USEC. IGNACIO: Secretary, opo. Pero dito po sa Metro Manila ilan po iyong mga lungsod ang nakapagtala ng zero-COVID cases? At ano po iyong nakikita niyong factors dito? At hindi po  kaya ito makaapekto dito sa sinasabi nating mababang testing rate?

DOH SEC. DUQUE III: Hindi naman kasi unang-una iyong positivity rate ay titingnan mo. Mababa iyong positivity rate. Below 5% na acceptable positivity rate according to the World Health Organization standards.

So, tayo kung may mga zero-COVID cases ay tuluy-tuloy pa rin ang pagmu-monitor natin para siguraduhin na walang pagtaas o walang nagbabadyang pagsipa ng mga kaso. Pero iyon pa rin ang isinasagawa natin is base-targeted testing [sic]. At posible rin naman na gawin iyong sentinel testing kung tawagin [bilang] bahagi ng surveillance para malaman kung mayroon na bang mga hindi pa natutuklasan na mga kaso.

So, lahat ginagawa natin para masiguro natin na mababa ang bilang ng mga kaso pero ang talagang mahalaga ay ang disiplinadong pagsunod sa minimum public health standards. Alam kong paulit-ulit na itong sinasabi ko, baka rinding-rindi na iyong mga iba pero iyan po talaga. Iyong pagsuot ng mask, hand hygiene, at ang BIDA Solusyon natin. Iyong wearing of the best fitted mask, iyong tamang pagsuot ng mask, isolate if you are sick or symptomatic, double lock with your protection with booster doses, and air flow na sapat para hindi magkaroon ng hawaan at hindi tataas ang kaso ng COVID.

So, iyan pa rin at ang bakuna and booster. Iyan talaga ang dalawang bahagi ng ating tugon sa pandemyang ito para mapanalunan natin itong laban na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bagamat may mga lugar dito sa Metro Manila, iyong sinasabing may zero cases na kasama na po ito sa mga lugar naman na nakitaan ng pagtaas ng kaso. Ano po iyong nakikitang dahilan ng DOH dito? Ito daw po kaya ay epekto ng mga isinasagawang campaign sorties?

 DOH SEC. DUQUE III: Well, posible iyan pero kung titingnan naman natin iyong campaign sorties nag-umpisa na iyan bago pa pumasok ang year 2022. In fact, nag-umpisa iyong national campaign period officially noong February 8 at saka March 25 for the local campaign period. Pero so far, patuloy namang bumababa pa rin ang mga kaso natin although may mga iba nga na may nakikita nang bahagyang pagtaas  based on the one-week growth rate which is the first metrics I talked about.

So, iyan ay posible kung may pagtaas at lalo na kung binabalewala natin iyong minimum public health standards, aasa kayo mukhang tataas na. Posibleng sumipa ang kaso. Kaya huwag na huwag po tayong magluluwag, magpakampante sa pagsunod sa minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong pa rin po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: matapos daw pong ilabas ang projection na baka magkaroon ng 500,000 na aktibong kaso ng COVID pagkatapos ng eleksyon ay sari-sari po ang naging reaksyon ng publiko dito. Inaakusahan daw po ang DOH ng diumano’y fearmongering at pagmamanipula diumano sa mga tao na baka daw po magkaroon ng lockdown pagkatapos ng eleksyon.

Ano po ang masasabi niyo dito, Secretary?

DOH SEC. DUQUE III: Iyan pong ating mga sinasabi ay batay sa mga experts natin. Hindi po ito gawa-gawa ng DOH, hindi po ito iniimbento ng IATF. Ito po ay mula sa ating mga experts, iyong mga data analytics, iyong atin pong faster group of experts na talagang nag-specialize, mga nagpaka-dalubhasa.

Ang sinasabi lang naman nila ay simple, kung babalewalain natin ang pagsuot, pagsunod, pagtalima sa minimum public health standards ay may 50%. Ibig sabihin niyan, posibleng magkaroon tayo ng active cases na aabot ng 500,000 by end of May.

Kung 30% ang reduction ng ating compliance, aabot tayo [ng] posible 300,000 active cases by end of May.

So, lahat po ito isa lang ang sinasabi. Kung magiging [garbled] naglipana ang mga tao doon, iyong iba wala ng mask, iyong iba ay nagpa-party na, nagiging pasaway na. Talagang magkakaroon ng muling pagsipa ang mga kaso gaya ng nakikita natin sa ibang mga bansa sa Europe, sa America, sa Asya. Nakita natin na nagtaasan, sumipa ang mga kaso.

So, ayaw nating mangyari iyan. Simple lang ang solusyon. Sumunod tayo, tumalima tayo sa minimum public health standards. Mask, [unclear], vaccination plus booster. Iyan ang tugon sa pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman po mula kay Lara Tan ng CNN Philippines: WHO strongly recommended Pfizer’s Paxlovid oral pill for mild and moderate COVID-19 patients at highest risk of hospital admission. It also worries about availability and need for front [unclear] COVID-19 tests.

How much stock does the Philippines have? What is the DOH plan for this pill?

Ganito rin po ang tanong ni Lei Alviz ng GMA News: May plano daw po ba na mag-angkat nito dahil may EUA na po mula sa FDA?

DOH SEC. DUQUE III: Oo. Iyan namang mga ospital ay pinahintulutan na mag-angkat at magbigay doon sa mga pasyente na mild para hindi tumuloy at maging severe to critical COVID infection.

Ang mahalaga ay siguraduhing makatanggap muna ng bakuna, makumpleto iyong primary series, and then iyong booster dose. Iyon muna ang talagang bigyan natin ng priority.

Ngayon, itong usapin naman sa mga bagong antiviral. Okay na iyan. Ang mga ospital, mayroon na silang otoridad para gumamit nitong mga Paxlovid, Molnupiravir, at mga iba pang mga antiviral treatment regimen.

So, wala pong problema rito. Hindi lang po tayo makapag-angkat ang gobyerno nang maramihan dahil ang hinihingi ng kumpanya para magbenta sila ng [unclear] direktamente sa gobyerno ay dapat mayroon ding indemnification [unclear] na kung saka-sakaling may problema sa paggamit ng Paxlovid, sinisigurado nila na hindi sila hahabulin, hindi ka madedemanda.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may ilan pong umaalma dito sa health insurance na niri-require sa mga college students na magbabalik po sa face-to-face classes dahil dagdag gastusin daw po ito sa kanila.

Ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?

DOH SEC. DUQUE III: Tama po kayo talagang [unclear] kaya hinanapan nga ng PhilHealth ng pondo para mailista, maisama sila sa national health insurance program [unclear] and above. Hindi na po sila dependents ng kanila pong mga magulang kung saan sa kasalukuyang polisiya ay covered sila kung below 21 years of age. Problema, iyong 21 years and above, iyon ang hinahanapan ng PhilHealth at saka ng DBM ng pondo para ma-enroll sila. At iyan din naman ang mandato sa ilalim ng Universal Healthcare Law na lahat ng Pilipino ay maging miyembro ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, hingin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan at siyempre paalala na rin po sa lahat na magpabakuna lalo’t next week po ay isi-celebrate itong World Immunization Week.

Go ahead, Secretary.

DOH SEC. DUQUE III: Ako po ay nananawagan mentras ito pong ating pag-obserba ng World Immunization Week from April 24 to 30, dalhin po ninyo ang inyong mga mahal sa buhay para makapagpabakuna laban po sa mga vaccine-preventable diseases, iyong mga nakamamatay na mga sakit na puwede naman pong maiwasan kapag nasa tamang panahon ang bakunahan.

So, for the school-age children at mga adolescent, nagbibigay tayo ng [vaccines for] measles, rubella, tetanus in pedia, at iyong Human Papillomavirus Vaccine para maiwasan iyong cervical cancer sa mga kababaihan. Sa mga buntis naman, binibigyan natin sila ng bakuna para sa tetanus diphtheria para hindi mabiktima ng tetano, lalo na kung ang panganganak ay hindi sa mga accredited na mga lying-in clinics at may banta ng tetanus infection.

Sa mga senior citizens naman, iyong pneumococcal polysaccharide vaccine, para maiwasan ang pneumonia secondary to streptococcus pneumoniae. Ang inactivated influenza vaccine, kailangan din po ng mga matatanda ito, mga senior citizens. Dahil kahit na iyong mga karaniwan na mga flu na ang sanhi ay virus, puwede pong maging banta sa kanilang kalusugan. Puwede rin makamatay kung wala silang sapat na proteksiyon at kaya, hinihikayat natin ang lahat na magpabakuna at samantalahin itong maganda at [unclear] na mga programa ng inyong gobyerno. At ang mga bakuna ay paulit-ulit na nating sinusuri at nagpapakita na ito ay ligtas at epektibo, hindi lamang sa ating mga sanggol kung hindi sa pamilya.

So ganoon din, nakakapaghatid ito ng proteksiyon hindi lamang sa ating mga kaanak kung hindi sa ating komunidad. At higit sa lahat, libre po ang bakuna sa ating mga health centers. Kaya naman po, please, get the jab right away sa darating na World Immunization Week. At of course iyong ating vaccination against COVID, tuluy-tuloy po iyan.

Huwag na po tayong maghintay ng surge bago tayo magpabakuna at magpa-booster.  Bakit ‘ka ninyo? Kung may surge, siksikan na naman ang mga vaccination centers, mahihirapan na naman po kayo, mahaba ang pila, mainit at siyempre magrireklamo na naman ang taumbayan at sasabihin na ganito, ganoon.  Eh samantalang ngayon na maluwag ang mga bakunahan ay pumunta na po kayo. Ngayon po, habang mababa ang kaso.

Dahil kapag nagkaroon ng surge, pati iyong mga magbabakuna, mga doktor, mga nurse ay baka hindi makarating sa mga vaccination centers. Kasi pupunta sa hospital iyan eh. Dahil kapag may surge, alam naman ninyo, ang mga tao mahilig pumunta sa ospital kapag may surge. Eh doon pupunta iyong ating mga vaccinators, eh kukulangin tayo sa vaccination centers natin, sa mga LGU, so lalong hahaba ang pila. Eh ngayon ay maluwag, eh ngayon ang pinakamaganda [na magpabakuna] para mabenepisyuhan tayo ng mas mahabang proteksiyon laban sa COVID. Kung saka-sakaling magkaroon ng tinatawag nating another surge, protektado na tayo, malayo na tayo doon sa severe to critical COVID infection.

So, tara na po, magpabakuna na po tayo. Ngayon na, ngayon na po dahil ngayon po ay maluwag, walang pila, mabilis! Iyon lang po ang akin pong apila sa atin pong mga mahal na kababayan.

USEC. IGNACIO: Salamat po sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, Department of Health Secretary Francisco Duque III. Salamat po, Doc.

DOH SEC. DUQUE III: Maraming salamat, sa ngalan ng Department of Health at ng atin pong Inter-Agency Task Force on pandemic response.

USEC. IGNACIO: Marami sa ating mga kababayan na lumuluwas at umuuwi ng probinsiya ang nalito po kasunod ng implementasyon ng window hours para po sa pagbiyahe ng mga provincial buses. Para linawin at direktang sagutin iyan, makakasama po natin si Chairperson Romando Artes ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA. Good morning po, Chair?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, pakilinaw po ito sa ating mga kababayan ano po. Ano po ba talaga iyong napagkasunduan daw pong panuntunan kaugnay dito sa window hours para sa mga provincial buses sa Metro Manila? Bakit daw po tila hindi naging malinaw dito po sa ating operators at agencies, ito daw pong window hours? Saan po daw kaya nagkaroon ng loophole, Chair?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Actually, Usec. Rocky, wala naman pong dapat pagmulan ng pagkalito, dahil consistent po iyong ating dialogue at communications both sa LTFRB at sa ating mga bus operators. Ilatag ko lang po siguro, Usec. Rocky, iyong pinagmulan nitong window hour.

Noon pong March 24, ni-lift po iyong resolution 101 na nagsasabi na for health reasons ay dapat ang mga provincial buses ay dapat mag-terminate sa PITX iyong galing sa south at sa NLEX galing sa north.

Bago po iyan, bilang paghahanda sa pagpasok ng mga buses sa Metro Manila, nag-inspect po ang LTFRB  sa mga istasyon, pribadong istasyon at terminals ng mga buses at wala pong pumasa base sa memorandum circular nila na nagsasaad ng guidelines para makapag-operate po ng pribadong terminal ang mga buses nito. Consistent po din naman iyan sa national policy natin, sa National Development Program na ang mga buses po na papasok ng Metro Manila ay dapat sa labas na po at sa integrated terminals lamang po magti-terminate.

Pero sa pagpupulong po namin sa mga bus operators, humingi po ang mga bus owners na para po daw sa ating mga kababayan, sana ay magkaroon ng window period para po iyong bumibiyahe at dumadating ng gabi, sa NLEX particularly, ay may masakyan or maideretso na sa Metro Manila, considering na pagdating nga raw po sa NLEX ng alanganing oras ay wala pong masakyan papunta po ng Metro Manila.

Iyan po ay napagkasunduan natin, nagkaroon po kami ng gentlemen’s agreement sa mga bus operators at iyan po ay hiniling natin sa LTFRB at napagbigyan naman po na payagan itong mga provincial buses galing sa norte na pumasok ng Metro Manila between 10:00 PM to 5:00 AM lamang.

Ang sinasabi pong kalituhan, Usec. Rocky, nito pong Holy Week, muling dumulog sa ating tanggapan ang mga bus operators para po payagan na sila na magsakay at magbaba sa kanilang mga pribadong terminals kahit po outside sa window hour. Para po ito sa paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Semana Santa. Iyan po ay ating pinayagan at muli, nakiusap po tayo sa LTFRB at napagbigyan na hayaan na itong mga provincial buses na magsakay at magbaba sa kani-kanilang terminal, all throughout the day and night during Holy Week lamang.

Supposedly nga, Usec. Rocky, ang pagpayag po natin na gamitin itong pribadong terminal, even outside the window hours ay hanggang linggo lamang. Pero si Mr. Alex Yague po mismo na presidente ng kanilang asosasyon ang nakiusap po sa atin na i-extend po hanggang Tuesday, iyon pong pagpayag natin na magsakay at magbaba sila sa terminals nila, kahit outside of window hours.

In fact, Usec. Rocky, nag-meeting po kami uli noong Martes at napag-usapan po ito at kami ay nag-agree na hanggang Tuesday na lang po iyong implementation ng leeway na ating ibinigay. Ang problem po, mukha pong sinadya ng mga bus operators na ipitin po iyong mga  pasahero noong Miyerkules na kahit na po, alam na nila na hindi na po dapat gamitin iyong terminals nila outside of the window hour, pinaghintay po nila iyong mga pasahero hanggang alas-diyes ng gabi, saying na alas-diyes lamang po sila ng gabi puwedeng bumiyahe. Samantalang mayroon naman pong biyahe talaga na nagti-terminate sa NLEX at iyon pong mga may QR codes ay may biyahe po papunta ng Cubao, sa Araneta Center Terminal. At may biyahe rin po mula dito sa mga istasyon na ito papunta po sa mga probinsiya, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, ilang mga bus po itong nahuli dahil sa pagbiyahe? Ano kaya ang mangyayari sa kanila, dahil daw po na ito ay nagresulta sa maraming na-stranded? Hindi daw po ba ito tila naging biglaan at tila nagtuturuan din daw po ang mga ahensiya dahil sa nangyari? Ano po ang masasabi ninyo dito, Chair?

MMDA CHAIRPERSON ARTES: Unang-una po, wala pong turuan na nangyari. Sila po ang gumagawa ng isyu. Tila pinagsasabong po kami ng MMDA at LTFRB.

Malinaw po ang polisiya ng ating pamahalaan na ang direction po natin, nasabi ko nga po, nasa national development program po iyan ng pamahalaan at inaral po iyan ng NEDA na dapat po lahat po [ng] buses ay magti-terminate sa PITX. Malinaw po iyan!

It’s just that, iyon nga po, amin pong sariling inisyatibo iyong window hour dahil diyan po sa kahilingan ng mga bus operators para po sa kapakanan ng mga mananakay natin na bumibiyahe sa gabi. So, wala naman pong kalituhan dapat diyan. It’s just that, sa amin pong palagay, sinadya po ito para po magalit ang tao sa LTFRB at sa MMDA para po ma-justify iyong pagbubukas muli ng mga terminals sa EDSA at sa Manila at magamit po nila ito ng buong araw even outside the window hours na pinagbigyan po natin ang kahilingan.

USEC. ROCKY IGNACIO: Chair, may datos po ba kayo kung nasa ilang mga pasahero ito daw pong naapektuhan dulot ng nangyaring kalituhan? May ilang pasahero po kasi na pinili na lang diumano ay sumakay sa colorum dahil wala pong masakyan. May intervention po ba iyong MMDA at maging itong DOTr para daw po tugunan iyong volume ng mga na-stranded na commuters hanggang kagabi?

MMDA CHAIR ARTES: Opo. Unang-una po regarding interventions, ang DOTr po ay nag-provide, nag-service-contracting po sila simula po noong Lunes para po ihatid iyong ating mga pasahero from NLEX papunta po ng PITX at ng Cubao Araneta Center Terminal at iyan po ay libre. Nagsisimula po iyan simula ala-una ng madaling-araw/ala-una ng umaga hanggang 12:00 midnight. Iyan po ay libre, wala pong babayaran iyong ating mga kababayan.

On the part po ng MMDA, patuloy naman po iyong panghuhuli natin ng colorum vans na talaga naman pong nananamantala ng ating mga kababayan na nagtsa-charge po ng napakalaking [halaga ng] pamasahe at wala pong insurance ito na delikado po sa ating mga mananakay dahil kung sakali po – huwag naman po sana – na magkaroon ng aksidente ay hindi po sila covered ng kahit na anong insurance.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Chair, bigyang-daan ko lang po ang tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Why are provincial buses daw po still allowed to ply the routes going in and out of Metro Manila beyond the so-called window hour scheme by the MMDA?

MMDA CHAIR ARTES: Actually, iyan po, iyong mga pumapasok po ng Metro Manila ay allowed po ng LTFRB, ito po iyong may mga special permit, na may tinatawag na QR codes. Ito po iyong tinatawag nating commuter routes, iyon po iyong mga 80 kilometers and less ang distance from Cubao terminal, kaya po pinapayagan po sila na pumasok sa Metro Manila. Iyon lang po, ang restrictions po nila, dapat po magsasakay at magbababa lamang sila sa Cubao terminal po.

USEC. ROCKY IGNACIO: Tanong naman po mula kay Patrick De Jesus ng PTV: May paglilinaw po ba daw kayo patungkol daw po sa pagsasara ng Macapagal Boulevard kung saan isasagawa ang campaign rally ni VP Leni? Base po kasi sa inilabas na statement kagabi ng MMDA, ang full road closure ay hindi para pigilan ang mga supporters ni VP Leni?

MMDA CHAIR ARTES: Opo. Napakarami po naming natanggap na reklamo lalung-lalo na po sa comments sa Facebook pages namin at sa iba’t ibang sites, sa mga news items na sinisisi po kami at sinasabi na kami ay nanggigipit at pinipili lamang iyong supporters ni VP Leni na um-attend noong rally.

Mali po iyan! Nililinaw po namin na ang pagsasara po sa mahigit limang araw ng Macapagal Boulevard ay kahilingan ng organizers ng rally. Iyan po ay pinagbigyan ng LGU-Pasay at ng PRA (Philippine Reclamation Authority). Ang amin pong partisipasyon diyan ay traffic management at announcement lamang at ito pong pagsasara ay hindi po para manggipit or isabotahe iyong rally, kung hindi para po ito doon sa rally mismo.

So, iyan po ay pabor na ibinigay sa organizers. Hindi po iyan panggigipit or panghaharang sa mga supporters na um-attend ng rally na iyan dahil unang-una ay napakalaki po ng stage na ginagawa. Sakop na po nito ang south bound ng Macapagal Boulevard at inaasahan po natin na napakarami pong taong a-attend nitong rally na ito.

Kaya po sa araw mismo ng rally, ito po ay isasara at sa day after the rally, hiniling din po ng organizers na dahil nga po sa laki ng entablado at marami pong equipment na ilalagay ay isasara pa rin po para bigyan po ng daan iyong pag-aalis nitong entabladong ito. So, mali po iyong sinasabi or iyong akusasyon na sinasabotahe po ng MMDA ang rally ni VP Leni, bagkus kami po ay tumutulong para iayos po iyong traffic na dulot nitong rally na ito.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Chair, pag-usapan naman po natin itong bagong coding scheme. May final guidelines na po ba dito? Tuluy-tuloy na rin po ba ito sa May 1?

MMDA CHAIR ARTES: Wala pa po, Usec. Rocky. Ito po ay patuloy nating inaaral base sa sitwasyon. Ito po ay idi-discuss namin sa Metro Manila Council base po sa mga bagong datos na ating kinalap, pati po iyong ating pag-aaral regarding sa possible effects ng bagong proposed coding scheme.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Chair ano na lamang po iyong paalala ninyo sa mga commuters, pati na rin po sa provincial bus operators. Go ahead po.

MMDA CHAIR ARTES:  Unang-una, sa mga bus operators, sana po huwag nating iliko iyong facts. Particularly, kay Mr. Alex Yague, marami po siyang binibitiwan na mga salita na mali po, nandoon naman po siya sa lahat ng aming pagpupulong.

In fact, sobra po ang pasalamat niya sa aming ahensiya lalung-lalo na po sa akin, sa pagtulong namin sa kanila at sa pagbibigay po ng window hour. Kaya po sana huwag na nilang gamitin itong mismong window hours para lituhin po iyong ating mga kababayan para po magamit nila iyong kanilang terminals na pribado na hindi po allowed under LTFRB rules.

Sa atin naman pong mga kababayan, kami po ay tumutulong. We are going out of our way para tumulong po sa inyo para maging kombinyente ang inyong pagbiyahe kahit wala na po ito sa aming mandato, dahil kami naman po ay nag-i-implement lang ng traffic policies ng DOTr at LTFRB.

Pero just the same, despite what happened, kami po ay patuloy na tutulong sa inyo para maging ligtas at kombinyente ang inyong pagbiyahe sa mga [unclear].

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong paglilinaw at pagsama sa amin ngayong umaga, Romando Artes, MMDA chairperson. Salamat Chair.

MMDA CHAIR ARTES: Salamat po.

USEC. ROCKY IGNACIO: Ilang panibagong Omicron sub-lineage ang maigting na binabantayan matapos pong makitaan ng mabilis na pagtaas ng COVID cases sa ilang mga bansa. Alamin po natin ang iba pang detalye. Makakasama po natin si Dr. Rontgene Solante, infectious diseases expert. Doc, magandang umaga po.

DR. SOLANTE:Good morning, Usec. Rocky.

USEC. ROCKY IGNACIO: Doc, hihingin ko lang po itong latest development kaugnay ng Omicron sub-variant na BA.2+.12.1, although pareho po sila ng sub-lineage ng Omicron. Para lang daw po malinaw, Doc, paano daw po ito naiba dito sa BA.2?

DR. SOLANTE:Yes, Usec. Rocky. This is sub-lineage of the BA.2, and being a sub-lineage ng BA.2, mayroon siyang karagdagang mutations doon sa spike protein to make it another sub-lineage ng BA.2. So meaning, this is believed to be also highly transmissible, pero hindi natin alam kung ano pa ang characteristic nito in terms of kung makaapekto ba ito sa protection natin sa bakuna or it can also cause severe disease. But one thing is sure, this is a highly transmissible sub-lineage variant of BA.2.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Iyon nga po iyong susunod kong tanong. Paano naman po ito naiba pagdating dito sa epekto sa efficacy rate ng mga bakuna at siyempre in terms po sa epekto sa immunity ng tao? Paano daw po ito naiba sa original Omicron variant?

DR. SOLANTE: Okay. Now, if you’re going to compare, Usec. Rocky, iyong Omicron, iyong BA.1 with BA.2, mas highly transmissible ang BA.2. Now, in terms of the efficacy ng mga bakuna between BA.1 and BA.2, mas may reduction ng efficacy ang bakuna with the BA.2. So meaning, kung itong sublineage ng BA.2 is the BA.2.12, we would expect na medyo magkapareho lang ito na limited ang magiging proteksiyon natin sa mga bakuna with this sublineage of a variant ‘no. Kaya napakaimportante ngayon sa ating bakunahan na mapa-increase natin ang booster vaccination para at least aangat nang kaunti ang proteksiyon natin with the BA.2.

Remember, the BA.2 is the variant na dumaan sa atin noong January na marami ang hawaan ‘no, mataas ang hawaan. And I would expect that we still have the natural immunity because of that infection, plus the effect of the primary vaccine series ‘no. But the impact here is after three to four months, ngayon mag mi-May na tayo, bababa talaga ang immunity, ang protection natin diyan kasi mataas ang pagbaba ‘no. So meaning, puwede tayong mahawaan ulit ng BA.2.12 kung dadaan iyan dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, masasabi ba natin na mas severe ito?

DR. SOLANTE: Sa ngayon, ang nakikita natin ‘no, dahil iyong data sa South Africa with the BA.2 ‘no, iyong na-release nila last month is that it causes severe disease and hospitalization among the less than five years old and those 60 years old and above. So meaning, itong mga young population, iyong mga walang comorbidities, hindi mga immunocompromised, mukhang hindi siya magiging severe. But sa mga population na less than five years old and elderly, there is a possibility na puwedeng mag-severe ito at puwede silang madala sa hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, base po sa mga report na na-detect na ito sa US at maging sa UK, so kumusta po iyong naging impact nito sa kanilang COVID cases? Bukod din po sa mga nabanggit na bansa, saang areas na rin po ito na-detect?

DR. SOLANTE: Well, the data with the BA.2.12.1 was so limited ‘no. And ang sa ngayon, ang nakikita lang nating data is according to the CDC. And according to them, in some states in the US, this is the cause of the uptick of the cases. So ibig sabihin, like around 19% of the newly diagnosed case doon sa mga tumataas na mga kaso are because of the BA.2.12.1 ‘no.

So malamang, very limited pa ang data because ito lang iyong mga bansa at wala pa silang nasasabi kung ano ang mga character ng mga na-admit, kung bakunado ba. But I would say, they are vaccinated already but siguro mababa ang booster vaccination kaya nahawaan pa rin and most likely, these are also the more vulnerable population.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero dahil diyan, masasabi po ba nating posibleng maging [maingat] o dapat na po ba tayong maging maingat pagdating dito sa border control ngayon pa lang?

DR. SOLANTE: Yes, I agree with that because with this COVID -19 variant ‘no, mga variants of concern, we continue to be vigilant in our border screening, especially for those incoming travelers. And I think the Department of Health [together] with the BOQ, are monitoring this. And ang nakita ko rito ay iyong requirement for testing prior to the date of expected arrival na they need to have an RT-PCR – 48 hours or 24 hours – before arrival, the antigen test. These are important safety nets ‘no, para lang at least ma-monitor natin ang activity and iyong mga pumapasok dito sa bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bukod daw po sa nabanggit na sublineage, hihingi na rin po kami ng update kaugnay naman dito sa BA.4 at BA.5 subvariants. May bago raw po bang pag-aaral tungkol dito?

DR. SOLANTE: Well, so far, according to the WHO latest bulletin, these two sub-lineages of the Omicron variant, there is no evidence yet that it is highly transmissible ‘no. So wala pang ganoong data. There is also no evidence yet na ito ay magiging severe or can cause severe infection or can also decrease the protection of the vaccine.

So, so far, wala pa tayong konkretong data nito pero we’ll see in the next few weeks ‘no kung anong mangyayari sa mga variants of concern na ito.

USEC. IGNACIO: Doc Rontgene, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po sa inyo ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ni Dr. Nina Gloriani kahapon na matagal pa bago maaprubahan ang booster shot sa mga healthy individuals. Sa tingin po ba ninyo ay importante pa iyong pangalawang booster para sa mga taong wala naman daw pong comorbidity?

DR. SOLANTE: Thank you for that. Yeah, I agree with that ‘no, na matagal pa dahil hindi naman talaga siya priority for the second booster because the first booster alone will have enough protection against severe disease, and nakita natin dito, if you are a younger population without comorbidities, your protection with the primary vaccine series plus the booster, enough pa iyan ‘no na hindi tayo maospital.

Now, if in case na we will be recommending another shot, then hopefully, it will be a variant-specific booster na ‘no, not the current group of primary vaccine series. If in case ‘no, na kung halimbawa tataas ang mga kaso because we know that with this variant of concern, mataas pa rin or limited ang proteksiyon with the current vaccines. So dapat titingnan na natin kung mayroon nang mga available na mga specific vaccines against variants of concern like Omicron.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa hong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano rin daw po iyong paliwanag kung bakit mas mataas ang efficacy ng isang heterologous booster shot kaysa po sa homologous booster tulad po ng nasabi ni Dr. Nina kahapon?

DR. SOLANTE: Okay, that is basically with Sinovac ‘no. With Sinovac na homologous, nakita talaga na mas mababa ang proteksiyon. And I think it’s the nature of the vaccine na it doesn’t really stimulate the immune response to produce more neutralizing antibody – may mga data tayo niyan.

But if you are given Sinovac and you will be given a heterologous vaccine, like mRNA or a virus vector, then doon natin nakikita, mas doble or even triple ang neutralizing antibody na nabubuo kumpara doon sa Sinovac as the booster. So on that note, it’s really because of the platform that is limited sa pag-stimulate ng immune response to produce that neutralizing antibody.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Lei Alviz ng GMA News: Ano raw po ang ipinakita na datos ng Paxlovid sa gamutan ng COVID?

DR. SOLANTE: Well, ang Paxlovid continues to be an important antiviral agent, Usec. Rocky, because in the data that they presented doon sa FDA na nag-apply sila ng EUA, it prevented the mild to moderate patients to develop severe COVID in 88 to 89 percent if taken within five days. So very crucial lang dito na kung nag-Paxlovid tayo, unang-una, ang pipiliin natin na mga pasyente ay iyong mga may comorbidities at vulnerable population. At pangalawa, ang pagbibigay nito, mayroon din tayong timeframe, dapat within five days upon the diagnosis ng sintomas.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Solante, pinangangambahan daw po iyong posibleng pagtaas ng COVID cases sa hanggang 300,000 by May. Ano po ang masasabi ninyo rito?

DR. SOLANTE: Well, there’s always that possibility, as I’ve always explained, one is because of the complacency with the health protocol – pagbaba ng mga face masks, kapag hindi na tumupad doon sa mga gatherings ‘no. At ang pinakaimportanteng factor dito ay iyong waning ng immunity natin, ng mga bakuna ‘no. For example, kung nakatanggap ka lang ng primary vaccine series and your last dose of the primary vaccine series was November, December, most likely if you haven’t had that booster, ngayon talagang wala ka nang protection against an Omicron variant. And that’s the risk, that when somebody will have an infection especially iyong mga walang bakuna ‘no, ang taas ng risk ng hawaan niyan, even if you are vaccinated pero wala kang booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Solante, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert. Stay safe po.

DR. SOLANTE: Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Mga pamilyang nasunugan sa Taguig City, hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Go. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)