Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing Laging Handa PH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Sa pagpasok po ng ating programa sa ikatatlo nitong taon, siksik naman po sa talakayan ang ating pagsasaluhan sa loob ng isang oras.

Pagtaas sa presyo ng ilang bilihin kasunod nang walang humpay na oil price hike, operasyon ng LRT at MRT stations ngayong Alert Level 1, at ang nagpapatuloy na National Vaccination Days, ilan lamang po iyan sa mga usaping tampok ngayong araw ng Huwebes.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Regalo para sa mga Overseas Filipino Workers, ganitong maituturing ni Senator Go ang pagkakatatag ng Department of Migrant Workers. Sa ilalim kasi ng bagong departamento, inaasahang mas mapapadali at bibilis ang pagpapaabot ng tulong at serbisyo sa mga OFWs. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nilinaw ng Department of Finance na pandagdag lamang sa mga nauna ng ayuda ng pamahalaan ang 200 pesos kada buwan na target ipamahagi ngayong mataas ang presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay DoF Secretary Carlos Dominguez, ang mga benepisyaryo nito ay ang mga mahihirap na Pamilyang Pilipino na kasama na rin naman sa nakakatanggap ng tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Plano rin nilang ibigay ang dalawandaang piso na kada buwang tulong sa loob ng isang taon.

Sabi naman ng Malacañang, antabayanan lamang kung kailan ito masisimulan at ngayo’y inaayos na ito ng mga kinauukulan.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Hirap na nga ang ilang mamimili sa pagba-budget ng arawing gastusin. Ang ilan, naghihigpit na ng sinturon dahil ramdam na nila ang pagtaas ng presyo sa ilang mga produktong epekto ng walang prenong pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo. Para po pag-usapan ang estado ng mga bilihin at dapat tandaan ng mga mamimili, makakasama po natin si Assistant Secretary Ann Claire Cabochan mula po sa Consumer Protection Group ng Department of Trade and Industry. Good morning po, Asec.

DTI ASEC. CABOCHAN: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ramdam na nga po ng mga mamimili itong pagtaas sa presyo ng ilang basic goods sa mga grocery stores. Namu-monitor po ba raw ito ng DTI kung pasok pa rin ito sa SRP?

DTI ASEC. CABOCHAN: Usec. Rocky, pinag-igting po ng DTI iyong pagmu-monitor sa suggested retail price ng lahat ng mga produkto na nakalista po sa aming SRP Bulletin on Basic Necessities and Prime Commodities, buong bansa po iyong minu-monitor po natin.

And based on our monitoring ay pasok naman po sa SRP iyong 260 na shelf keeping units na nakalista po doon sa ating bulletin.

USEC. IGNACIO: Opo. Kapag sinabi pong pasok sa SRP, nasa magkano lang po ba iyong price range na maaaring asahan ng mga mamimili na itataas at anu-ano raw pong mga produkto ito? Kasi may ilan daw po nagugulat sa itinatalon o itinataas ng presyo, Asec.

DTI ASEC. CABOCHAN: Usec. Rocky, mayroon naman talagang reports ng mga produkto na nagtataas po sa ating mga groceries and supermarkets, kaya lang iyong mga produktong iyan po ay wala po sa ating SRP list.

Ang tip lang po namin sa ating mamimili, gamitin po natin iyong ating SRP list kasi nandoon po iyong mga basic necessities and prime commodities na binabantayan po ng DTI na hindi po dapat magtaas ng presyo kung walang pahintulot po ng DTI.

Doon sa tanong ninyo, Usec. Rocky, kung gaano ba kalaki iyong aasahan nating pagtaas kung magtutuluy-tuloy po itong ating mga factors that are in play in our economy right now.

Kami po sa DTI ay mayroong polisiya, and we have this coordination with manufacturers of these basic necessities and prime commodities. Kapag iyong kanilang hinihingi po na price adjustment ay mas mataas ng ten percent sa presyo noong nakaraang bulletin po ay pinapakiusapan po natin iyan sila na i-stagger po iyong increase. But at this time, pinag-aaralan pa po ng DTI kung magkakaroon po tayo ng panibagong SRP bulletin.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan nga po iyong susunod kong tanong, kung posible pong maglabas ng updated suggested retail price ang DTI dahil sa epekto nga po ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Para sa atin pong mga kababayan, paano rin daw po nila makikita itong updated SRP?

DTI ASEC. CABOCHAN: Usec. Rocky, iyong atin pong SRP bulletin ay naka-publish po iyan sa newspaper of general circulation. Naka-upload din po iyan sa ating DTI website. And any increase will only become effective upon publication by DTI of that SRP bulletin.

Now, kung magkakaroon po ba ng bagong SRP list ay pinag-aaralan po natin iyan. So base po sa aming ugnayan with manufacturers, we met with our manufacturers last Friday and with retailers last Monday, alam po namin that they have existing inventory of raw materials and inputs and even fish products. So, inaasahan po namin na pag-produce po nila ng mga produkto at this time using iyong mga inputs na iyan ay dapat hindi pa natin maaasahan iyong increases kasi nga binili naman nila at prices before nagkaroon ng increase in oil and also iyong gulo po sa Ukraine. So, hindi sana mangyari na mag-i-increase in the immediate future, pero pinag-aaralan po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Kapag sinabi pong pag-aaralan ng DTI iyong SRP at maglalabas sa lalong madaling panahon, mga kailan po raw ito, Asec? Puwede po ba ito sa susunod na linggo o sa susunod pa ring buwan?

DTI USEC. CABOCHAN: Pinag-aaralan po natin, Usec. Rocky, kasi kapag nagbibigay po tayo ng SRP bulletin na may price adjustment eh alam naman po natin ang magiging epekto rin niyan kasi po tataas pa iyong presyo. Kaya we have to study doon sa mga manufacturers na nagbigay dahil hindi naman lahat ay humihingi rin ng increase as of this time, may ilan-ilan po.

So, titingnan po natin muna kung justified iyong increase. And if it is justified, and that is the time DTI will make, not necessarily to call the 216 [unclear] on the price bulletin.

USEC. IGNACIO: ASec., ano raw po iyong maaari pang gawin ng DTI para naman daw po matulungan ang mga consumers sa mabigat na pasanin dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Mayroon po ba kayong mga programa para sa ating mga consumers?

DTI ASEC. CABOCHAN: Usec. Rocky, mayroon kaming programa aside from iyong aming intensified monitoring, puwede din iyong mga mamimili natin na mag-complain kung may makita sila na mas mataas pa sa SRP. So, they can always complain at [email protected] and also through our hotline 1384.

Mayroon kaming ‘Diskwento Caravans’ and iyong ‘Presyong Risonable Dapat’ (PRD). May frozen meat edition po kaming kasama doon sa PRD program as of this time. So, iyong ‘Diskwento Caravan’ po pumupunta po iyan sa iba’t ibang mga LGUs, nagdadala po ng mga basic necessities and prime commodities na nandiyan po sa listahan namin ng SRP na iyon iyong manufacturer’s price po nila, inilalapit po natin sa ating mga mamimili at may kasama pong PRD, iyong Presyong Risonable Dapat ng frozen meat.

So, we have coordinated with the Meat Importers and Traders Association to be able to also include itong frozen meat doon sa aming PRD. Mayroon na din kaming mga retailer partners – mayroong 113 retailers now that are carrying iyong PRD frozen meat. So, doon sa Robinson’s, Metro Grocery, mayroon silang PRD meat na mas mababa po doon sa ibang makikita nila sa mga grocery.

USEC. IGNACIO: Opo ASec., hindi raw po ba puwedeng magpatupad ng price cap o price freeze sa ilang produkto para naman daw po kahit papaano makatulong sa pasanin ng mga consumers? Puwede ba ito, ASec.?

DTI ASEC. CABOCHAN: Doon naman sa ating Price Act, Usec. Rocky, iyong Republic Act 7581, mayroon naman doong mekanismo na puwede pong magkakaroon ng Price Freeze, kunwari po may declaration ng state of emergency. As of this time, at sinabi na ito ni DTI Secretary Lopez sa isang interview sa kaniya recently, na hindi pa natin nakikita ang circumstances that would give rise to a declaration of a state of emergency.

But patuloy po natin iyang mino-monitor kung magkakaroon po ng circumstances that would prod such declaration. Kasi iyong implementing agency under the Price Act, marami po kami diyan, nandoon si Department of Agriculture, nandoon si Department of Health, Department of Environment and Natural Resources. Any of these implementing agencies or the National Price Coordinating Council can make a recommendation to the President in case there are circumstances that would warrant a price freeze.

Pero dapat matandaan po natin, Usec. Rocky, ang price freeze po, ang naka-freeze ay iyong mga basic necessities lang po na nakalista doon sa ating Price Act, so, hindi nga kasama din iyong prime commodities.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po dito sa sardines manufacturers, marami na po bang product manufacturers daw po ang nagri-request na rin ba ng price adjustment? At ano rin po daw iyong factors na tinitingnan bago po ito ma-approve ng DTI?

DTI ASEC. CABOCHAN: Aside from iyong canned sardines, Usec. Rocky, mayroon ding humihingi ng adjustment tungkol doon sa processed milk like evaporated and condensed milk at saka doon sa meat loaf at saka canned beef na mga produkto.

So, ang titingnan po natin, hinihimay po natin iyong cost components. Alam natin there is an increase of certain percentage na may fuel cost sila but based on our analysis dito sa mga produktong nasa aming SRP Bulletin ay iyong range ng [fuel cost] doon sa cost ng pag-produce ng produkto is a range of two to twelve percent.

So, mayroon pang ibang mga cost components na tinitingnan namin. Kunwari, iyong raw materials nila, kung canned beef, pork product or canned beef eh, iyong ano naman, iyong cost of tin. So, tinitingnan natin iyong mga components sa pag-produce produktong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Malaki-laki rin iyong itinaas, ASec., ng presyo ng LPG. Namo-monitor daw po ba ng DTI kung reasonable pa rin po iyong itinaas na presyo? May mga reports po ba kayong natatanggap kung may ilan na po ang nananamantala?

DTI ASEC. CABOCHAN: As to LPG, iyan po ay under ng Department of Energy. But based in our monitoring, wala po kaming natatanggap na complaints about LPG, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa rin po itong food delivery services ang apektado ng series of oil price hike. May mga hakbang po ba daw ang DTI para matulungan din itong sektor na ito? Kung posible raw po bang maisama rin sila sa fuel subsidy ng pamahalaan?

DTI ASEC. CABOCHAN: Usec. Rocky, ang fuel subsidy po, alam naman po natin ang implementing agency diyan ay ang Department of Transportation. Nandoon po iyon budget para sa ating fuel subsidy. Although, of course, consistent with the whole-of-government approach, DTI is always willing to help to ensure na iyong mga vulnerable sectors and the sectors most impacted by this crisis ay masasama.

Iyon namang mga delivery services na iyan po, iyong tinatawag nating Private Express and Messengerial Delivery Services ay nasa ilalim po iyan ng Department of Information and Communications Technology.

USEC. IGNACIO: Opo. Kuhanin ko na lamang po iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan. Ano pa po iyong maaari nilang asahan sa mga susunod pang araw sa usapin pa rin po ng presyo ng ilang pangunahing produkto. Go ahead, ASec.

DTI ASEC. CABOCHAN: So, sa ating mga kababayan po, please use our SRP list as a guide for your purchases. Plan your purchases well at ngayong panahon na ito po ay napakahalaga that we learn how to really spend our resources well. In wide resources even electricity, water, and gasoline.

So, maganda iyong nagpaplano po tayo ng purchases and kami po, sinisikap namin sa DTI na hindi lang iyong presyo risonable, kung hindi sapat din iyong supply. Kasi alam naman po natin kapag nagkukulang magkakaroon din po tayo ng problema. Tuloy-tuloy po iyong aming koordinasyon not only with manufacturers but also with consumers.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Assistant Secretary Ann Claire Cabochan ng Department of Trade and Industry. Salamat po, ASec.

DTI ASEC. CABOCHAN: Thank you din po, Usec.

USEC. IGNACIO: Tiniyak ng Phivolcs na hindi magdudulot ng tsunami ang magnitude 7.3 na lindol sa Japan. Ayon sa ulat ng Phivolcs, ang hazardous tsunami ay posibleng umabot lamang sa loob ng 300 kilometers mula po sa epicenter ng lindol.

Ang sentro ng pagyanig ay nagmula ng east coast ng Honshu at may lalim na 67 kilometro. Dahil dito, nag-issue ang Japan Meteorological Agency ng tsunami warning sa ilang bahagi ng Miyagi at Fukushima Prefectures. Nagdulot din ito ng malawakang brownout doon.

Sa pagbaba ng Metro Manila sa Alert Level 1, kumusta nga ba ang operasyon ng mga bagong sa MRT at LRT station. Nasusunod pa rin kaya ang mga paalala ng awtoridad ngayong balik full capacity na ang mga istasyon?

Pag-usapan natin iyan kasama po ang mga kinatawan mula sa transport sector, sina Undersecretary Timothy John Batan, Undersecretary for Railways at Engineer Michael Capati, Director for Operations ng MRT.

Magandang umaga po sa inyo.

DOTR USEC. BATAN: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa lahat ng ating viewers ang listeners ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po.

MRT-3 DIR. CAPATI: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko na po muna itong para kay Usec. Batan. Usec, higit dalawang linggo mula nang maibaba tayo sa Alert Level 1. Sa ngayon, kumusta daw po iyong dagsa ng mga commuter sa LRT stations? Masasabi po ba natin bumalik na iyong volume ng mga pasahero kagaya noong pre-pandemic?

DOTR USEC. BATAN: Usec. Rocky, nakikita natin na mula noong tayo ay magbaba sa Alert Level 1 ay unti-unti na ngang tumataas iyong ating mga pasahero sa lahat ng ating mga linya. Halimbawa, sa LRT-1 ay umabot na tayo ng 182,000 na average riders kada araw, sa LRT-2 naman ay 59,000, sa MRT-3 ay 220,000 at higit pa.

Ngunit kung ikukumpara natin ito sa ridership natin na pre-pandemic ay hindi pa natin naaabot dahil nga halimbawa sa LRT-1 na 400,000 plus ang ridership natin bago ang pandemic at halos nasa 200,000 pa lang tayo o nasa 40 to 50%.

Sa LRT 2 naman, bago mag-pandemic ay aabot tayo ng nasa 160,000 at ngayon ay nasa 60,000 pa lang at siguro isa na rin doon sa mga dahilan diyan ay ang LRT-2 natin ay maraming student ridership. So ngayon ay nag-uumpisa pa lang ang pagbabalik ng face to face ng mga klase kung kaya’t hindi pa talaga natin nakikita ang pagbabalik noong ridership natin sa LRT-2 at ang MRT naman tulad na rin ng nasabi kanina ay 220,000 tayo ngayon at pre-pandemic tayo ay nasa 270,000 to 300,000, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., paano daw po natitiyak na name-maintain itong pagsunod sa minimum health protocols?

DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky patuloy ang ating pagpapaalala at pag-obserba noong ating tinatawag na seven commandments. Nandiyan iyong ating mga train marshals, iyong mga marshals natin sa loob ng mga bagon at maging sa ating mga istasyon, kung saan pinapaalalahanan ang lahat ng ating mga pasahero na kailangan palaging magsuot ng facemask, bawal magsalita at makipag-usap sa telepono, bawal kumain, laging panatilihin iyong tinatawag na appropriate na social physical distancing doon sa ating mga platform stations at siyempre para naman sa ating mga operators ay nagsasagawa tayo ng regular na disinfection at pati iyong ventilation ng ating mga tren ay pinapanatili, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman kay Engineer or kay Director Capati: Bagama’t puwede na po ulit iyong full capacity, paano po sinisiguro na hindi daw po magsisiksikan iyong mga pasahero lalo na kung rush hour?

DIR. CAPATI: Usec. Rocky, mayroon tayong mga train marshals gaya ng nabanggit ni USec. TJ na nagpapatupad ng health protocols natin. Doon naman sa ating platforms ay nag-o-observe pa rin po tayo ng mga social distancing natin and iyong ating mga health protocols naman po ay fully in place.

USEC. IGNACIO: Para po kay USec. Batan: USec., nagpapatuloy pa rin ba iyong alok daw po na libreng antigen test sa ilang stations kahit na bumaba na tayo sa Alert Level 1 at napag-usapan na rin po kasi itong Alert Level Zero. Kumusta rin po iyong turnout ng mga test, may mga nagpa-positive pa rin po ba?

DOTR USEC. BATAN: Yes, USec. Rocky, patuloy po iyong ating libreng antigen testing para sa mga voluntary na sa pasaherong gustong magpa-test. Mula po noong Pebrero ay tayo ay nakakapagtala ng nasa 200 to 300 po na test kada linggo at mula nga po noong Pebrero ay doon po sa kalahatan ng ating mga test ay wala na po tayong nakikitang positive. So, napaka—nasa zero na po ang positivity rate natin sa linya ng ating tren, pero ipinagpapatuloy po natin itong antigen testing na ito, dahil ginagamit po natin ito na parang indicator para po makita natin kung magkakaroon po ulit ng mga kaso ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. So, papaano po iyong proseso nitong antigen tests na ibinibigay ninyo sa ating mga commuters, Usec.? Para paalala lang po sa ating sumasakay sa railways.

DOTR USEC. BATAN: Maaari po silang… iyong mga interesado po at iyong mga willing na magpa-antigen testing, maaari po silang magtanong sa ating mga istasyon, sa ating mga station personnel kung nasaan po iyong ating puwedeng testing ng antigen at kung anong oras.

At iyan po ay libre naman, na kinakailangan lang po na mag-fill up ng consent form iyong ating mga pasahero at kinakailangan lang po nilang magpunta doon sa takdang mga istasyon at sa takdang mga oras po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. USec, isinusulong ngayon itong taas-pasahe dito sa pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo. Bagama’t hindi naman po direktang apektado ang linya ng mga tren. Pero kung matutuloy po ito, makakaapekto rin po ba ito sa singil ng pamasahe sa mga LRT at MRT?

DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, maigting po na paalala at instructions ni Secretary Tugade na tayo po ay walang inaasahan at wala po tayong pinaplano na pagtaas pasahe sa linya po ng ating mga tren. Alam po natin na mayroon nga po tayong nangyayari ngayon na pagtaas ng presyo sa langis na maaari pong makaapekto dito sa presyo ng ating ibang mga bilihin. Kung kaya’t po, sinisigurado natin na… na sa utos nga po ni Secretary Art Tugade, nasa sektor po ng riles ay tayo po ay walang kinukonsidera na taas-pasahe, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Engr. Capati: Pagdating po ng Abril, inaasahang mas dadami pa iyong mga commuters na sasakay sa MRT, babalik po kasi iyong onsite working. So, paano po natin ito pinaghahandaan at paano rin po iniiwasan na maulit iyong aberya sa mga tren, tulad po noong pre-pandemic?

DIR. CAPATI: USec. Rocky, patuloy ang maintenance program natin sa MRT-3. In fact, iyong ating rehabilitation ay natapos na last year, December, that’s two months. And iyong ating mga sasakyan, iyong mga tren natin ay properly maintained at ang ating mga sistema po ay bago lahat. So, makakaasa po sila ng smooth na operation ng ating mga tren.

USEC. IGNACIO: Engineer, samantala para naman po doon sa kaalaman ng publiko. Magkakaroon po ba daw kayo ng suspension sa operation sa Abril, gaano po katagal ito at possible daw po ba itong ma-extend?

DIR. CAPATI: Tama po, USec. Rocky, Mayroon po tayong tinatawag na yearly maintenance program natin na ginagawa natin during Holy Week.

Ito po ay magsisimula ng Abril 13 hanggang 17 at magbubukas po tayo ulit sa April 18, Monday. Ito po ay para maisaayos natin at ma-maintain ng maayos ang facilities ng MRT-3 po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kailan po ulit sila magsisimula iyong pagsarado, ano pong date?  

DIR. CAPATI: April 13 po, that’s Holy Wednesday hanggang Linggo po. Sa Monday ay April 18, balik po tayo sa revenue.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay, USec. Batan, sa ibang usapin naman po, nagsasagawa na rin ng bakunahan sa ibang linya ng tren. Kumusta po ito at nasa ilan na po iyong bilang ng mga nabakunahan so far?

DOTR USEC. BATAN: Tama po, USec. Rocky. Sa kasalukuyan po ay mayroon tayong mga vaccination sites sa ilan pong istasyon ng ating mga tren, kasama po ang ating mga partner na local government units.

So, sa kasalukuyan po ay  nakapag-administer na tayo ng 5,526 na mga vaccine shots, iyan po ay maaaring i-avail ng ating mga pasahero po, nang ating mga commuters, sa LRT-1, LRT-2 at  ang MRT-3. Bisitahin lamang po ang social media pages ng LRTA, LRMC, PNR, MRT at DOTr, para po malaman kung paano po kayo puwedeng magpa-schedule ng libreng bakuna dito nga po sa piling mga istasyon ng ating mga linya ng riles.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., basahin ko lang po itong pinadalang tanong ng ating kasamahan sa media mula po kay Ariel Fernandez ng Manila Bulletin: May mga private emission testing center operators at empleyado daw pong nagtatanong kung bakit pinipili lang nire-renew ang franchise to operate?

DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, paumanhin po, ito po ay isang aspeto po para sa ating sector… sa road sector po ng DOTr. Siguro po, kung ano po, ire-refer po namin itong katanungan na ito kay USec. Pastor ng aming road sector at ng mabalikan po ang sagot sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po ang mensahe ninyong dalawa para sa mga kababayan. Unahin ko po si USec. Batan, USec?

DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, paalala lang po ulit sa ating mga commuters at pasahero na patuloy po nating i-observe ang mga minimum health protocols sa ating pagbiyahe po sa ating mga linya ng riles at hinihikayat din po natin ang lahat na magpabakuna. Mayroon po tayong mga istasyon sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3, kung saan po kasama ang mga local government units, tayo po ay nagbibigay ng mga libreng bakuna at maiabot po natin iyong mataas na vaccination rate po na kinakailangan natin, para po talagang tayo ay makatapos na po dito sa COVID-19 pandemic. Salamat po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Engr. Capati?

DIR. CAPATI: USec. Rocky, gaya din po ng sinabi ni USec. TJ na umaapela kami sa aming mga tumatangkilik sa MRT-3 na sumunod sa ating mga health protocols at naka—assured po tayo na mine-maintain po ng MRT-3 and ating facilities para po sa proteksiyon ng ating mga mananakay. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong panahon sa amin, Undersecretary Timothy John Batan, Undersecretary for Railways at Engr. Michael Capati, Director for Operations MRT-3 ng Department of Transportation. Salamat po!

May paalala si Presidential Adviser for COVID-19 Response, Secretary Vince Dizon, para sa mga lungsod at probinsiya na nais na ring mapasailalim sa Alert Level 1 o new normal. Ito ay ang pagpapataas pa ng vaccination rate sa mga lugar. Ayon kay Secretary Dizon, sa ilalim ng kasalukuyang alert levels, siyam na probinsiya at highly urbanized cities ang nadagdag na sa listahan ng Alert Level 1 areas dahil pasok sila sa metrics para dito.

Malaking bagay rin aniya ang pagbabakuna kontra COVID-19 para makamit ang new normal kaya’t hinihikayat niya ang iba pang local government units na paigtingin pa ang mga hakbang para dito.

Ang pagluluwag ng patakaran ay sinusundan din aniya ng pagbangon ng ekonomiya, kaya sa lalong madaling panahon umaasa ang mga awtoridad na makakamit na ang Alert Level 1 sa buong bansa.

Mas magandang healthcare at mabilis na medical assistance para sa mahihirap, ito po ang prayoridad ni Senator Bong Go, kasunod ng kaniyang pagbisita sa Malasakit Center sa Southern Philippines Medical Center sa Davao nitong Lunes. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. ROCKY IGNACIO: Extended National Vaccination Day at update sa binabalangkas na pinakamababang classification ng alert level system, iyan po ang ating hihimayin at lilinawin. Muli po nating makakasama si Department of Health Secretary Francisco Duque III. Good morning po, Secretary. Welcome back po.

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Usec. Rocky, magandang tanghali sa iyo at sa lahat ng inyong mga tagasubaybay. Salamat, sa ngalan ng Department of Health at ng IATF.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo Secretary, nilinaw nga po ng DOH na hindi pa final ang term na Alert Level Zero para sa pinakamababang alert classification. May update na po ba tayo dito at sa binabalangkas na guidelines sa ilalim po nito at kailan daw po ito inaasahang mailalabas?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Pinag-aaralan pa iyan Usec. Rocky, so wala pang nabubuong policy patungkol sa Alert Level Zero at tingin ko dahil marami pa namang lugar na nasa alert level 2. Iyon muna ang inaatupag natin ngayon na tulungan sila para ma-deescalate to Alert Level 1.

Mayroon pang mga 57 provinces, highly urbanized cities and independent component cities na nasa Alert Level 2. Kailangan pang paigtingin iyong kanilang vaccination coverage for the general population na abutin iyong 70% of the 80% target population at para naman sa A2, abutin iyong 70% of the 85% target population ng mga matatanda or senior citizens.

So, iyan muna ang ating pagtuunan ng pansin kaysa pag-usapan na iyang Alert Level Zero eh maayos naman tayo sa Alert Level 1. Tingin ko baka ito ay hanggang sa katapusan lahat. And of course, depende pa rin sa mga nagbabadyang mga variants, mutations dahil kapag mayroon tayong confirmation na naman ng mas peligroso – sana huwag naman – na variant Iyan ang kagandahan ng naka-Alert Level system tayo. Puwede kang mag-de-escalate kung kakaunti ang kaso at hindi naman nabibilaukan ang mga hospitals, maganda ang vaccination rate o kung saka-sakaling magkaroon ng variant of concern na medyo mabangis, mabilis kumalat ay nandiyan na iyang alert level natin para tugunan ang posibleng pangyayaring ganoon.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Secretary, ayon nga sa MMDA handa na itong Metro Manila sa mas mababang alert level or iyon nga pong Alert Level Zero. Pero, ano po ba iyong protocol na posibleng alisin o manatili pa rin dito? Ito po bang pagsusuot daw ng facemask, iri-require pa rin kung sakali po?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Alam mo, kagaya ng sinabi ko, iyan na usapin na iyan ay binubuo pa lang at para sa akin iyan ang pinakamahirap sagutin na katanungan, “Tatanggalin na ba natin ang facemask?” Ang tingin ko, hindi pa panahon para magtanggal ng facemask at matuto tayo sa karanasan ng mga iba’t ibang bansa gaya sa Europa na kung saan mabilisan tinanggal nila ang mask mandates. Oh, kita mo naglipana na naman ang mga kaso. Ang Austria, ang Denmark, ang Germany, ang France. Eh gusto ba nating matulad sa kanila? Ayaw natin. So, dahan-dahan tayo, let us be prudent ano and let us be guided by our data and science through our expert panel ano?

So, iyan lang po kaunting pasensiya, pinag-aaralan po iyan at darating ang panahon kung kinakailangan magtanggal ng mask ay bakit naman hindi? Pero sa ngayon, masyadong premature, masyado pang maaga. So, Alert Level 1 muna tayo malamang hanggang katapusan ng termino ng ating Pangulong Duterte. Pero, of course, hindi naman iyan pinipigilan na pag-aralan na kung ano ang mga hakbangin sa hinaharap.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Huling araw po bukas ng extended Fourth National Vaccination Day. Nasa ilang individual na po ba iyong mga nabakunahan so far at kumusta din po iyong pagbabantay ng DOH sa ilang areas na mayroon pa rin pong mababang vaccination turnout?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Iyon na nga, ang ginagawa na natin ay pinapalawig natin iyong strategies natin, iyong sinusuyod na iyong mga komunidad, lalung-lalo na doon sa mga mataas pa ang bilang ng mga senior citizens na hindi pa nababakunahan.

So, aking pinapaalalahanan ang mga local chief executives na pagtuunan ito ng pansin, siguraduhin na ang kanilang mga doktor, iyong mga vaccination teams nila ay bigyan talaga ng prayoridad ito pong mga natitirang mga mamamayan, iyong mga matatanda na pinanggagalingan ng severe, critical and ICU cases ‘no.

So, iyan po ang ating pakiusap sa ibabaw ng ating pinalawig na mga vaccination sites. Maliban sa National Vaccination Day round 4 ay mayroon din tayong pinalalawig na bakunahan sa mga terminals, sea ports, airports, land transport exchanges.

Iyan ay kasama natin ang DOTr tapos siyempre sa eskuwelahan ganoon din at sa mga bahay-bahay nga, sa mga jail ano. Sa mga piitan at sa mga iba’t iba pang lugar para mapaunlad pa natin lalo ang access to vaccination at makamit iyong ating target na 90 million Filipinos ang mabakunahan at maprotektahan.

‘Di ba ngayon [garbled] million na ang nabakuhanan after dito sa NVD 4. So halos abot na rin iyong 1.8 million at hindi na magtatagal ay atin nang makukuha iyang 1.88 million na target natin.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Secretary, kailan naman daw po inaasahang mailalabas naman ng DOH iyong guidelines para sa paggamit ng Sinovac vaccine sa pediatric population?

DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III: Hinihintay lang natin iyong positive recommendation ng Health Technology Assessment Council, isang grupo iyan ano or council sa ilalim ng Universal Health Care Law na sila ang nagsusuri ng mga dokumento patungkol sa kaligtasan, sa pagiging dekalidad at epektibo ng mga bakuna.

So, humingi sila ng dalawang linggo pa para makumpleto iyong kanilang evaluation or assessment to ensure safety lalo na para sa mga bata po ito kanya kinakailangan talaga mas mahigpit o mas malalimang pagsusuri ng mga bakunang katulad ng Sinovac.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Ito nga po palagian din itong itinatanong sa atin: Base daw po sa pag-aaral, ano daw po iyong mga posibleng side effects nitong pediatric population ng Sinovac, Secretary?

DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III: Iyong mga side effects niya karamihan diyan mga minor. Ito iyong mga headache, a little of fever, dizziness, localized pain doon sa injection site. So, iyan naman ay matagal na nating naobserbahan iyan at hindi naman ito parang—ito mga common side effects, minor side effects which is true also for all other vaccines. Iyan lang ang masasabi natin ang importante lahat sila ligtas.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Secretary, ngayon daw pong puwede na rin itong gamitin sa pediatric population paano daw po itong makakatulong dito sa pag-ramp up ng vaccination rollout natin?

DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III: Maraming maitutulong, maraming benepisyo ang pagsali ng Sinovac vaccination for the pediatric age group. Mas may options ang mga tao, iyong mga… alam mo na kung mayroon silang kaunting duda sa Pfizer ano or mRNA vaccine platforms mayroon silang pagpipilian iba na mas tinatawag natin traditional vaccine platform katulad ng Sinovac na heat inactivated type of a vaccine; at pangalawa mas madali natin maiparating sa mga lugar na wala pang sophisticated ultra-low freezer at mayroon na mga ordinaryong cold storage facilities na 2 to 8 degrees centigrade. Ibig sabihin mas maraming lugar ang puwede nating maibigay ng Sinovac and despues [then] mas maraming mga bata ang mabibigyan ng proteksyon at ng bakunang Sinovac.

USEC. ROCKY IGNACIO: Kaugnay naman Secretary, dito sa inirerekomenda ng vaccine expert panel na second booster shot, ano po ang tingin ninyo dito o ng DOH?

Ganito rin po iyong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: Kailan daw po ito ipatutupad at ano po ang approved interval from the booster shot at kailangan po ba same brand with the first booster?

DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III: Unang-una, wala pa rin tayong panuntunan sa ngayon patungkol sa second booster or fourth shot. So, pinag-aaralan pa rin iyan ng ating vaccine expert panel, ng ating NITAG o National Interim Technical Advisory Group of Experts ano at hinihintay natin ang kanilang recommendation kung puwede na ba ito.

Although, initially ang  mga lumalabas ay makatutulong ito doon sa mga matatanda, doon sa mga healthcare workers, doon sa mga immunocompromised o may mga kaakibat na mga sakit ay puwedeng dagdag proteksyon para sa kanila laban sa COVID-19.

So, mataas naman sa kamalayan ng ating mga eksperto na itong mga impormasyon na ito ay kanilang bina-validate pa but eventually kung kinakailangan ng fourth dose we will prioritize healthcare workers, the senior citizens and individuals with comorbidities or are immunocompromised.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Secretary, dito naman daw po sa usapan ng Deltacron: Anong mga paghahanda o monitoring po ang ginagawa ng DOH dito, magkakaroon po ba ng adjustment sa protocols para sa mga pumapasok sa bansa bilang pag-iingat po sa binabantayang variant?

DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III: Sa ngayon, hindi muna tayo nagbabago ng ating mga guidelines and protocols.

So far, ito namang Deltacron na sinasabi na ang tawag dito recombination variant ano. Parang mestizo ng Delta at saka ng Omicron pinagsama mo sa isang tao well simultaneous circulation of both viruses ay nakitaan doon sa pasyente. At doon nagkaroon ng recombination part delta features, part omicron features pero wala pa naman datos o katibayan na ito ay mabangis, mas peligroso o mas mabilis makahawa ano.

In fact, very low nga ang detection rate sa France, sa Germany, Netherlands. So, iyan ay pinag-aaralan pa, nagmamatyag ang ating mga expert at ang atin mga pinakahuling impormasyon mula sa WHO doon sa [garbled] at saka sa International Health Regulation, naghihintay pa tayo ng kanilang updates patungkol dito.

So, tuluy-tuloy lang iyong ating four-door strategy, iyon pa rin iyong ating sinusunod. So status quo muna tayo dahil alam mo hindi naman ito puwedeng ihalintulad noong 2020 na walang bakuna or 2021 kulang ang bakuna, ngayon ay sapat ang bakuna natin. So, hindi naman tayo sa short-term nag-iisip ng paghigpit sa international border controls ano. So, iyan ang atin binabantayan, tinitingnan natin, nakikipag-ugnayan tayo, iyong World Health Organization [garbled] ang opisina niyan sa loob ng DOH. So, makakaasa po kayo na anuman ang pinakahuling ulat ay tayo muna makakaalam.

USEC. ROCKY IGNACIO: Isunod ko na Secretary itong tanong ni Mark Fetalco ng PTV: Ano din daw ang preparations ng government sa binabantayang BA.2.2 sa ibang bansa na sinasabing dahilan ng pagtaas ng kaso sa Hong Kong at gaano daw po kahalaga ang booster shot para labanan ang sublineage ng Omicron variant?

DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III: So far, ang ating mga paghahanda ay pareho pa rin naman. Iyong Omicron ay iyon ating mga subok na na mga pamamaraan, siya pa rin iyon. So, iyong bakuna, booster, iyong pagsuot ng best fitted mask, iyong isolation kung mayroon kang sintomas at double up with booster doses and making sure kumpleto ang primary series ano at siyempre iyong airflow and sufficient ventilation, avoidance of the three Cs, iyong closed phases, crowded areas and close-contact settings.

So, iyan pa rin at ang ating bakuna naman ay epektibo pa rin against severe, critical COVID kaya less ang hospitalization natin at pailan-ilan na lang din ang mga nakakalungkot na pumapanaw dahil din sa maraming komplikasyon hindi lang dahil sa COVID ang kanilang pagpanaw kung hindi dahil din sa mga iba rin kaakibat na mga malulubhang karamdaman. So, ang istratehiya natin hanggang ngayon siya pa rin iyon at dahil mababa pa rin naman ang ating mga kaso, ang ating hospitalization admissions ay mababa at iyan naman vaccination ramping up strategy natin ay tuluy-tuloy ano – so, iyan pa rin.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po ni Mark Fetalco ng PTV: Posible daw po ba na muling tumaas ang cases sa bansa kung makakapasok daw po itong BA.2.2?

DOH SEC. DUQUE: Well, kung sa posibilidad lang, talagang may posibilidad iyan lalo na kung magpapabaya tayo sa pagtalima sa minimum public health standards. So, matuto tayo sa mga nangyayari sa Austria, Denmark, Germany, France, lipana ang kaso, ang taas na naman ng mga kaso. At dahil balitang-balita na kaagaran na nagtanggal sila ng mask mandates nila so ganoon ang mangyayari. Eh kombinasyon ng increased mobility at pagluwag ng mga restrictions ay talagang sisipa iyan. Kaya tayo, lagi natin binibigyang paalala ang halaga ng pagsunod, disiplinadong pagtalima sa minimum public health standard, iyong BIDA Solusyon natin na nabanggit ko kanina.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Edson Guido ng ABS-CBN: DOH reports 393 new cases for March 16, ito po iyong kahapon. No data raw po for March 15 but estimated to be around 383 cases. The number of active cases, 45,447, is the lowest since January 5, NCR with 140 new cases kahapon. Does this mean daw po DOH is back to reporting daily numbers? Will there be a report for March 17 later?

DOH SEC. DUQUE: No, no, hindi! Weekly reporting pa rin tayo. But, of course, kung pupuntahan mo iyong website ng DOH, doon makikita pa rin iyong itemized or breakdown ng mga cases. Pero ang reporting regularity will be on a weekly basis pa rin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman, Secretary, opisyal na pong idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-init. Ano po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan?

DOH SEC. DUQUE:  Well, alam mo kapag ang summer ay nandito na, ang atin pong paalala sa mga mamamayan ay iyong laging rehydration. Laging umiinom ng tubig, iwasan iyong sobra/labis na exposure sa init ng araw dahil magkakaroon po tayo ng heat stroke or heat exhaustion, iyong dehydration. Lalo na po sa mga matatanda, sila po ay may kahinaan, iyong thirst sensitivity nila ay hindi na po katulad natin o ng mga bata kung mauuhaw, madali kaagad maramdaman iyong uhaw. Sa mga matatanda, nahihirapan sila maramdaman iyong uhaw. Kaya kahit na wala ng tubig, hindi pa rin humihingi ng tubig kaya dapat ang kanilang mga kapamilya, i-offer mo, bigyan mo na kaagad ng tubig, baso, dalhin mo na doon sa iyong lolo, lola o sa auntie, sa uncle mo na nakatatanda para maiwasan itong dehydration na maraming kumplikasyon na puwedeng idulot.

Pangalawa, siyempre iyong sunburn ‘no. Iyong mga naggo-golf ay dapat maagang-maaga or late in the afternoon, malapit nang maggabi. At kung mayroon namang sapat na ilaw ay doon na lamang, huwag na iyong from 10 to 3 o’ clock ay lumalabas lalo na kung hindi naman maiwasan, kailangan maglagay ng sunblock. Mayroon pong mga klase ng sunblock na puwedeng gamitin, dagdag proteksiyon din ito para sa balat at para sa mga ibang karamdaman na puwedeng mangyari if sobrang exposed. Paggamit ng mga payong at siyempre iyon pa ring sinisigurong sapat ang bentilasyon, iyon din ang mga praktikal na bagay. Pero tubig, tubig, tubig, iyan ang pinakamahalaga sa lahat.

So huwag po nating kakalimutan iyan, magbaon tayo ng tubig. Pero siyempre iyong tubig, siguradong malinis. Kung hindi naman bottled eh ‘di pakuluan ng tatlong minuto para nakakasiguro tayo na hindi ito magiging sanhi ng typhoid, cholera, hepatitis A at mga iba’t iba pang mga sakit dahil sa dumi ng tubig na iniinom ‘no.

Sa mag-iingat po tayo. Sa bandang huli, ang tunay na yaman ay kalusugan.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin, ang pagbibigay-linaw at impormasyon, Department of Health Secretary Francisco Duque III. Salamat po, Secretary.

DOH SEC. DUQUE: Usec. Rocky, maraming salamat din sa pagkakataon na ibinibigay ninyo sa Department of Health at sa IATF. At akin pong pinapaalalahanan ang lahat na magpabakuna na po tayo kung hindi pa kayo bakunado. At kung kumpleto na ang bakuna, magpa-booster dose naman po tayo. At mag-iingat po tayo, bantayan po natin ang ating kalusugan at ito po ang susi para po umunlad ang atin pong bayan. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary Duque.

Samantala, hinatiran ng tulong ang libu-libong kababayan sa Calubian at San Isidro sa Leyte. Patuloy ding nanawagan na magkaisa upang tuluyan nang mawakasan ang COVID-19 pandemic. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Jam Sison ng PBS- Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jam Sison ng PBS-Radyo Pilipinas.

Patuloy po ang apela at pagkumbinsi ng Philippine Red Cross Baguio Chapter sa iba’t ibang organisasyon sa rehiyon para lumahok sa kampaniya nilang voluntary blood donation. Ang detalye sa report ni Eddie Carta:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Aktibo Davaoeño Program, muling inilunsad sa Davao City. Layunin ng nasabing programa na panatilihing physically active ang mga mag-aaral ngayong new normal. Ang detalye sa report ni Hannah Salcedo ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)