Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng ating mga manunood saan man galing sa mundo. Ako po ang inyong tagapaglingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong March 16 ay muling pagtutuunan natin ng pansin ang isyung patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, dahil dito ay umaaray na ang ating mga magsasaka at mangingisda. Kaya gumawa ng—malalaman din natin kung ano po iyong amendment sa oil deregulation law at mga maaaring maging tulong nito para sa taumbayan. Isa rin sa mga tatalakayin ang pagsasailalim nang mas maraming rehiyon sa Alert Level 1.

Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Talk to the People kanina ni Pangulong Rodrigo Duterte inilatag ng economic development cluster sa Punong Ehekutibo ang mga paraan para mabalanse ang sitwasyon sa gitna ng problema sa tumataas na presyo ng petrolyo. Maliban sa pagpapalakas sa targeted subsidies, ipinanukala din ang 4-day work week at work from home arrangement. Ang detalye mula kay Mela Lesmoras. Mela?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Mela Lesmoras.

Pinalawig pa ng IATF hanggang sa katapusan ng buwan ang umiiral na Alert Level 1 sa Metro Manila. Bukod dito, kasama rin sa Alert Level 1 ang areas ng Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. Gayundin ang Batanes, Cagayan, Santiago City, Isabela, Quirino, Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan at Nueva Ecija. Kasama rin diyan ang Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, Marinduque, Puerto Princesa City, Romblon, Naga City at Catanduanes.

Para naman sa Visayas, Alert Level 1 din ang ipinatupad sa Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo City, Cebu City, Siquijor, Biliran, Ormoc City at Tacloban.

At sa Mindanao naman, kabilang din sa Alert Level 1 areas ang Zamboanga City, Cagayan de Oro City, Camiguin, Davao City at Butuan City.

Sa mga lugar na hindi nabanggit, Alert Level 2 naman ang ipinatupad.

Nilinaw ng Department of Health na hindi pa pinal na termino ang Alert Level Zero. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible kasi itong magdulot ng kalituhan sa publiko. Paliwanag ni Vergeire, ang pinakamababang alerto ay nangangahulugan na manageable na ang mga kaso ng COVID-19. Mas nakikita rin aniya dito na mas nakakaagapay na ang healthcare system, gayundin ang mataas na vaccination rate. Pero giit ni Vergeire, sa ilalim nito ay kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Simula nga po ngayong March 16 hanggang sa katapusan ng Marso, isasailalim ang mas maraming mga rehiyon sa Alert Level 1. Kaugnay niyan ay makakausap po natin si National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa. Good morning po, Dok Ted.

DR. TED HERBOSA: Good morning, Usec. Rocky. At good morning po sa mga tagapanood ng Laging Handa.

USEC. IGNACIO:  Dok Ted, sa ibang bansa po ay nagkaroon ng surge at mayroon pa ngang Deltacron dahil sa pagbaba nila ng alert level. Ngayon naman po ay nagbaba rin tayo ng alert level. May mga precautions ba tayong ginagawa para rito?

DR. TED HERBOSA: Tama iyan, Usec. Rocky. With the declaration ang ating mga Alert Level 1 ay dumami pa ‘no, naging 47 areas na siya as you enumerated. At mayroon tayong a few na nasa Alert Level 2 pa. Ito iyong mga sa Mindanao, sa Visayas, na hindi nakakaabot ng mataas na antas ng pagbabakuna. Talagang iyon ang ating isa sa mga parameters, 80% ng senior citizens mabakunahan na. At katatapos lang natin itong National Vaccination Days, we’ve added another 1.2 million na naibakuna natin. At itutuloy ito ‘no because we did not reach the target, we continue until March 18 para may panahon iyong ating mga LGUs na makuha iyong targets nila for vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa Bayanihan Bakunahan 4, hirap po iyong gobyerno abutin itong 1.8 million target na bakuna. Pero sa total number ng mga nabakunahan sa Pilipinas, sapat na po ba kaya ito para sa pagbaba ng alert level sa mas maraming lugar?

DR. TED HERBOSA: Yes ‘no. Our currently level is 65 million fully vaccinated, ano. Sixty-five point four yata iyon, and that’s about 70% ng target natin. Although, for the total population, nasa parang 60% pa lang siya.

Pero mataas na rin iyong ating booster doses ‘no, from 10 naging 11 million na ang ating booster doses, at tuluy-tuloy ang pagbabakuna natin. I think, nagkakaroon na tayo ng tinatawag na saturation ng mga gustong magpabakuna. We have plenty of supply. Pero madami tayong mga kababayan sa malalayong lugar, in fact, iyong areas na in-enumerate mo, BARMM, Soccsksargen, these are the areas na tututukan ngayon ng National Vaccine Operations Center na maabot natin talaga iyong bakuna sa mga malalayong lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano po kaya mahihikayat ang mga hindi bakunado kung patuloy na pong bumababa itong alert level?

DR. TED HERBOSA: Tama iyan, ano. Dapat matandaan ng ating mga kababayan na kahit Alert Level 1 na tayo at maraming lalawigan, importanteng malaman na nandiyan lang ang COVID-19 at puwedeng mag-re-emerge at magkaroon ng outbreak kagaya ng nangyari sa ibang bansa – sa China, mayroon sila ngayon sa Shenzhen at sa Wuhan; sa South Korea, sa Indonesia, sa Vietnam, sa Europa at sa US ay tumataas muli ang mga kaso nila.

So very important na sa panahong ito, iyong hindi pa nababakunahan ay kumbinsihin natin na magpabakuna na sila; iyong mga senior citizen na high risk ay bigyan natin ng bakuna para sila ay protektado in case umakyat. Alam mo naman, Usec. Rocky, iyan ang istorya natin ‘di ba. Tataas sa ibang bansa, bababa sa Pilipinas; bababa sa ibang bansa, tataas sa Pilipinas. Dalawang taon na nating naoobserbahan iyang cycle na iyan, importante na tuluy-tuloy na mag-ingat ang mga kababayan natin. Kaya siguro hindi binaba sa zero, talagang tuluy-tuloy pa rin iyong Alert Level 1 hanggang March 31 sapagka’t nandiyan pa si COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, sa tingin ninyo ba dapat nang i-implement itong “No Booster, No Entry” para mapataas ang bilang ng nagpapa-booster?

DR. HERBOSA: Parang kulang pa ‘no kasi, Usec. Rocky, ang na-booster dose natin 11 million. Kung ang vaccinated natin ay 64, ang tantiya ko dapat may mga 32 million na tayo na nabigyan ng booster kasi may three months na sigurado iyong kalahati. So, dapat engganyuhin pa natin talaga iyong mga hindi na nakapagpabakuna na magpa-booster.

Ang isang paraan na ginagawa ng DOH at National Vaccination Center, pumupunta kami sa mga workplace, doon sa mga BPO industry, sa mga mall. Very useful iyon kasi [garbled] sa kanila at mukhang iyon ang tutulong na magpataas ng booster rate natin.

Number two, iyong fake news ‘no, iyong misinformation na tama na at hindi na kailangan ng booster. Kailangan po ng booster, talagang mas maganda po iyong boosted tayo lalo na’t madaming bagong variant, iyong Deltacron at saka iyong BA.2 na siyang dumadami ngayon sa ibang bansa.

So, very important ma-update natin talaga iyong ating fully vaccinated status by getting a booster dose.

USEC. IGNACIO: Sa tingin ninyo, Doc Ted, makakamit ng pamahalaan ang target vaccinee by the end of March kasunod po ng pag-extend ng Bayanihan Bakunahan 4 sa ilang mga lugar?

DR. HERBOSA:Well, iyan ang tatargetin natin ano. Pipilitin natin maabot talaga iyong 77 million. Nasa 65 million na tayo na fully vaccinated, so kailangan na lang natin eh parang 12 million ‘no. Sana maabot natin pero kung hindi naman natin maabot iyan, tuluy-tuloy tayong mag-a-attempt na makuha talaga ang mga kababayan nating hindi pa vaccinated para maprotektahan sila in case tumaas uli ang mga kaso.

Alam mo, Usec. Rocky, iyong sa South Korea, katatapos lang nila ng eleksiyon and during the campaign tumataas talaga iyong cases nila and today they have up to hundred thousand a day na new cases na nada-diagnose. So, very important mag-ingat talaga tayo at ma-vaccinate ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman dito sa pinag-uusapang posibilidad na Alert Level Zero nga po, ano daw po iyong masasabi ninyo rito? May kaugnayan po ang tanong diyan ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: In a radio interview you stated that the NCR is already eligible for Alert Level Zero. Maaari ninyo po bang ipaliwanag ng mas malalim ang pananaw ninyong ito at ano daw po ang basis ninyo?

DR. HERBOSA:Tama po iyan ano. In fact, even the mayors ng NCR nag-recommend sila sa IATF na alisin na iyong alert levels ng NCR ngunit kadalasan sumusunod ang IATF sa recommendation ng ating mga mayors. Pero dahil marami pa tayong problema in terms of, sabi nga ni Usec. Vergeire, baka akalain ng mga kababayan [na kapag] inilagay tayo sa walang alert level eh wala ng COVID.

Hindi po ganoon, tuluy-tuloy pa rin ang COVID kaya ako ay sang-ayon dito sa pahayag ng ating IATF na tuloy tayo to Alert Level 1 hanggang March 31 sapagkat nandidiyan lang ang COVID and anytime [puwede] siyang mag-reemerge at magkaroon ng outbreak. So, very important na baka akalain ng tao kapag nagdeklara ka ng Alert Level Zero eh wala ng COVID.

In fact, ang World Health Organization, ang sinasabi nila, baka magdeklara na silang tapos na iyong pandemic pero magiging endemic. Ang sabi nila, walang bago sa ating gagawin, pareho pa rin ang gagawin natin, magma-mask, magbabakuna, sapagkat ang iniba mo lang iyong pangalan noong sitwasyon na alam natin na iyong sakit eh nandidiyan lang kagaya ng trangkaso, kagaya ng common colds, kagaya ng dengue. Nandidiyan lang siya or endemic lang siya.

Parang iyong Spanish influenza noong 1918, pandemya siya, pagkaraan ng ilang taon hanggang ngayon, nandidiyan pa rin ang trangkaso or influenza. So, malamang doon tayo tumungo ano and eventually kailangan maintindihan ng mga kababayan natin na may mga paraan na puwedeng gawin para mapigilang mahawa. So, magsuot ng mask, umiwas sa matataong lugar at kapag nagkasakit mag-isolate.

At ngayon may mga gamot na na puwede kaming i-reseta, ng mga doktor, iyong Paxlovid, Molnupiravir, para hindi ka mag-serious. At kung mag-serious ka naman, alam na rin ng mga doktor kung paano gamutin at mga gamot na gagamitin at oxygen na pagbigay ng High Flow Nasal Cannula. So, iba na ang sitwasyon natin ngayon hindi kagaya noong umpisa na pandemya. So, iyan ang sagot natin, Usec. Rocky, sa nagtanong.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may mungkahi din po na tanggalin na iyong alert level system at ipatupad na lang iyong katulad ng ginagawa na nagtataas ng signal kapag may bagyo. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?

DR. HERBOSA:Tama iyan ‘no. In fact, iyan ang usapan ng DOH na we will call the next phase with another statement pero hindi yata dapat Alert Level Zero. Kasi nga tayo kapag walang bagyo, wala namang typhoon signal ‘di ba? Hindi naman natin tinatawag na typhoon signal zero.

So, agree ako but ang tawag namin medically is endemic iyong disease, so may surveillance pa rin. Binabantayan iyong number of cases na nasa sa ospital dahil sa COVID-19 at nati-test. At kapag ito ay biglang dumami, ito iyong magdideklara tayo ng alert level na tapat doon sa dami ng cases na nangyayari.

So, nandidiyan na iyan ano, the alert level system will be part of our epidemiologic surveillance of mga bagong sakit kagaya nitong COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay impormasyon, Dr. Ted Herbosa. Stay safe po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Maraming salamat, Usec. Rocky. Mabuhay kayo!

USEC. IGNACIO: Isa sa mga epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo ay ang pagtaas din ng presyo ng bilihin tulad ng mga gulay at karne. Maraming mga magsasaka ang umaaray at may mga mangingisdang tumigil palaot. Dahil dito, anu-anong aksiyon ng gobyerno dito. Malalaman po natin, kasama po natin si Secretary William Dar ng Department of Agriculture.

Magandang umaga po, Secretary!

DA SEC. DAR: Magandang umaga po, USec. Rocky. At sa lahat po din ng televiewers po ninyo, magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, maraming mga magsasaka at mangingisda po iyong naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihing gulay at karne. Ano po ang tugon ng pamahalaan dito?

DA SEC. DAR: Okay. Mayroon tayong ini-launch two weeks ago, itong Plant Plant Plant Program Part 2 para mai-focus po natin itong mga iba’t-ibang banner programs doon sa mga pangunahing problema na idinulot ng Ukraine crisis.

So, mayroon tayong ibibigay na fuel subsidy sa mga corn farmers and the fishers, mayroon ding subsidy for the rice farmers [garbled] from the Rice Tariffication Law na excess tariff, mayroon ding pamimigay ng fertilizers, iyong subsidiya ng fertilizers at tuluy-tuloy po iyong capacity building training and support sa extension delivery system.

So, pinapaigting po natin lahat ng banner programs ng Kagawaran ng Pagsasaka para maitaas po natin iyong productivity towards higher local food production.

And another objective nitong Plant Plant Plant Program Part 2 is to enhance the resiliency of the farmers and fishers all over the country, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, maraming mangingisda po iyong tumitigil dahil nalulugi daw po sila. Kung magtutuluy-tuloy ito, maaari pong mabawasan ng hanggang 50% ang supply ng isda, tama po ba ito? Ano daw po iyong masasabi ninyo dito, Secretary?

DA SEC. DAR: Usec. Rocky, nakikiusap po tayo sa mga mangingisda na huwag namang ipagpatuloy ang kanilang balak. Ang fuel subsidy po ay ibibigay na natin. Starting tomorrow I will be [garbled] and with the President. [Garbled]to rollout of the fuel subsidy for fishers and corn farmers and tuluy-tuloy na iyan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas hangga’t maibigay natin iyong first tranche na P500 million.

Mayroong second tranche iyan, Usec. Rocky, and this will be distributed in April, P600 million. Again, these are the corn farmers na listed doon sa farmers registry natin at saka iyong fishers na may mga makinarya, mga pump boats, iyong mga boats, na rehistrado rin doon sa boat registry ng BFAR. Sana ang ating mga mangingisda ay tuluy-tuloy pa rin ang pangingisda nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, basahin ko na lamang po iyong tanong ng atin ding kasamahan sa media. Ano daw po iyong update sa distribyusyon ng fuel subsidies – baka may maidagdag lang po kayo – para sa mga magsasaka at mangingisda at kung naipamahagi na raw po to?

Ganito po iyong tanong ni Aileen Cerrudo ng UNTV: Bakit daw po iyong corn farmers lang ang sakop ng subsidy at hindi kasama iyong mga palay farmers?

DA SEC. DAR: Okay. Hindi po kasama ang palay farmers kasi taun-taon naumpisahan na noong 2020, nabibigyan sila ng taun-taon na subsidiya – iyong Rice Farmers Financial Assistance. So minabuti ngayon na ang mga corn farmers ang bigyan ng priority at ang mga fishers.

Now itong mga rice farmers, Usec. Rocky, ay mabibigyan ulit ng ayuda ng P5,000 – those tilling two hectares and below itong taon na ito and that will be rolled out April this year at tuluy-tuloy after that.

So ganoon po, binabalanse natin lahat; again to highlight that the fuel subsidy will be rolled out tomorrow in Tacloban, giving P3,000 per corn farmer or fisher. At mabibigyan itong mga corn farmers at fishers ng fuel discount vouchers at ito iyong dadalhin nila sa mga accredited na mga fuel stations or gas stations ng bansa. At ang katuwang po natin diyan ay ang Development [Bank] of the Philippines, sila po ang nagbibigay ng fuel discount vouchers.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Kenneth Paciente ng PTV: Maliban po sa mataas na presyo ng gasolina, sumasabay din ang presyo ng abono, paano daw po ito matutugunan or tinutugunan ng Department of Agriculture?

DA SEC. DAR: Opo. Sa abono naman, mayroon tayong ibinigay na subsidiya. Dito sa budget natin for 2022, may 4 billion pesos doon sa rice program. At on top of that, under the Plant, Plant, Plant Program Part 2, nagpanukala po tayo noong nakaraang meeting sa Malacañang at inaprubahan na ng ating mahal na Pangulo ang additional budget for fertilizer subsidy para sa mga magsasaka natin sa buong bansa. So aasa po tayo na makapaghanap po ang gobyerno ng karagdagang pondo.

Ang suggestion po natin, ang proposal po natin para dito sa fertilizer subsidy na dagdag doon sa four billion ay 20 billion pesos po. At ang pinapairal natin din na programa in regard to fertilization ay ang tawag o natin na ‘balanced fertilization strategy’ – a combination of the use of inorganic fertilizer; pangalawa, iyong paggamit ng bio-stimulants or bio-fertilizers; pangatlo, iyong paggamit ng organic fertilizers. So ito ay ginagawan po natin ng paraan, mas lalo na kagaya doon sa bio[garbled] dini-develop ng UP-Los Baños at next week ay ilu-launch na natin sa Nueva Ecija iyong paggamit ng bio-stimulants. Ang produkto na ito ay ang tawag natin bio-end na we will target this time around 400,000 farmers. Ganoon din sa mais, 400,000 din farmers.

As we move forward, towards the next cropping season ay we will have to target everyone, every crop farmer of the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero paano raw po masisiguro ng pamahalaan na magiging sapat ang fuel subsidies para makaahon muli ang ating mga magsasaka at mangingisda?

DA SEC. DAR: Well, kung mayroong sapat na pondo. Alam ninyo naman ang ating mahal na Pangulo ay gustong-gustong tumulong sa ating mga magsasaka at mangingisda so we will do our best. This is a global development, hindi lang ang Pilipinas apektado – it’s the whole world that is in crisis. So dapat tulung-tulong po tayo lahat dito sa panahon na crisis at ang gobyerno po ay gagawin lahat na abot sa makakaya para sa ganoon ay may sapat na production natin, [garbled] iyong food production natin, fishery production dito sa ating bansa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kung magkakaroon ng mga excess crops, may balak bang bilhin ito ng gobyerno at ano po kaya iyong maitutulong natin para dito?

DA SEC. DAR: So mayroon tayong Kadiwa Ni Ani at Kita at mayroon tayong hiningi na one billion pesos para mag-mobilize tayo ng mga food products. [Garbled] na ito, we will tap our farmers cooperatives and associations na sila iyong magbenta na dito sa mga metro areas at they will be bringing iyong mga produce nila dito sa Metro Manila or other metropolitan areas in the country. At—kasi marami na rin kami naibigay na mga trucks at ito nga ay gagamitin para maibsan iyong problema natin sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin – vegetables and fruits and other commodities.

So, [garbled] food mobilization, we are using our budget that has been approved plus the additional [garbled] that will be given by national government. So lahat po iyon – food mobilization, iyong [unclear] urban production ng [garbled] and fruits, iyong repopulation of the hog industry may four billion naman, at of course pa ring binabantayan natin na African Swine Fever. So lahat po na-mobilize natin ang ating [garbled] within the DA family and tuluy-tuloy po ang ugnayan natin sa mga farmers natin sa [garbled].

Kanina nga pinag-usapan po namin with the Prime Group itong nagbibenta or nagti-trading sa palay and rice at of course naintindihan natin ang mga daing nila at kami tutulong at nandito, open po lahat ang opisina ng Kagawaran ng Pagsasaka para matugunan natin kung ano pong makakaya natin na maitulong.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Cleizl Pardilla ng PTV: Nagtaas na raw po ng 50 to 70 pesos ang kada sako ng bigas sa ilang tindahan sa Quezon City. Nagsabi na rin daw ang kanilang supplier na tataas uli sa susunod na linggo dahil sa mahal na petrolyo, ano raw po iyong intervention for fuel ng DA for rice farmers? As high as three pesos per kilo raw po ang mararamdaman next coming weeks sabi po ng SINAG.

DA SEC. DAR: Iyan nga nasabi ko kanina, Usec. Rocky, iyong Rice Farmer Financial Assistance will be given starting April, first week. At ito iyong ayuda na tutulong sa mga pangangailangan nila, kasama na iyon, iyong fuel doon – malaking tulong iyon. Number two, magbibigay rin tayo ng fertilizer subsidy—ang traders nga kanina humihingi rin ng tulong ng fuel subsidy kasi iyong trucking, iyong logistics ng transporting their rice to, say metropolitan areas, ay talagang tumataas na. So we will submit one recommendation if we can help itong mga—itong logistics cost so that hindi po tataas ang presyuhan ng mga bilihin sa merkado.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: You recently stressed the need for a more efficient and resilient food production and delivery system. How exactly will the Philippines go about it?

DA SEC. DAR: [Garbled] exactly we now have Plant, Plant, Plant Program Part 2 and we have to tap all the technologies na na[garbled] dito sa Pilipinas. Kagaya doon sa mga fertilizers, mayroong mga bio-fertilizers at example of this is bio-end. So we will mass produce now these bio-fertilizers in a big way. Marami ring mga kumpanya na nagpu-promote ng kani-kanilang produkto.

So this is again, building our sources from the technologies that have been developed earlier. So iyon po ang ibig sabihin na tapping all the technologies and innovations, kasi it’s still a knowledge-based platform to build up and boost productivity to have more efficiency in the systems and building more towards resiliency.

So iyon po, dapat itaas natin iyong level ng food production natin in the best we can, using all the best of technologies around para mas resilient ang Pilipino, hindi lang magdepende lahat sa mga importasyon. So, the more that we build-up our local food production, the lesser we will be dependent on the supplementation from other countries. So, resiliency is becoming a major objective of our Plant, Plant, Plant Program II.

USEC. IGNACIO: Okay. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan, Secretary. Go ahead po.

DA SEC. DAR: Maraming salamat ulit sa iyo, Usec. Rocky.

Ako po ay nakikiusap sa mamamayan: Tayo po ay dapat involve na ulit. Alam ko marami na ang plantito, plantitas, dagdagan pa po natin kasi nasa krisis tayo ngayon dulot po ng Ukraine crisis. So, every opportunity ay magtanim po tayo. Hindi lang magtanim, mag-alaga rin tayo ng mga hayop, mga poultry at iba’t ibang livestock at kung may pagkakataon na mayroon tayong aquaculture, mariculture ay gawin rin po natin.  We have to really soil our hands, so to speak. We are in crisis situation. We would like to also tell the public that meanwhile, we have enough supply of food but we can sustain the supply, by you engaging yourself so that there will always be Food Always In The Home – FAITH – that’s the acronym. Let’s have FAITH during this crisis and beyond so that we can survive and recover.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng impormasyon ngayong umaga, Secretary William Dar ng Department of Agriculture. Salamat po, Secretary.

DA SEC. DAR: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Inaprubahan na ng House Committee ang amendment ng Oil Deregulation Law kasunod ng patuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo. Ang mga pagbabago sa batas tatalakayin po natin, kasama ang isa sa may akda nito, si Marikina second district Representative Stella Quimbo. Good morning po, Ma’am.

REP. STELLA QUIMBO: Good morning, Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood o nakikinig, good morning din po.

USEC. IGNACIO: Ma’am, anu-ano po iyong inaasahan nating maaaring mga pagbabago dito sa Oil Deregulation Law na ito at paano po ito makakatulong dito sa nagtataas na presyo ng petrolyo?

REP. STELLA QUIMBO: Well, una sa lahat nagkaroon tayo ng unbundled price of oil. Ibig sabihin, magkakaroon na ng transparency, makikita na natin ang basehan ng mga oil companies, tuwing humihingi sila ng price adjustment. At sa current na batas, ang nangyayari po kasi, every week po lahat ang price adjustment ng mga oil companies, pero ang ginagamit po nila, isang formula na galing din po mismo sa DOE. So iyong formula na iyan ay hindi naman base sa totoong actual cost na hinaharap ng mga oil companies.  So, sa ganitong amendment on unbundling, ang mangyayari po diyan mababawasan natin ang overpricing ng oil companies.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong tanong natin na susunod: Gaano daw po kababa itong maaaring mabawas sa presyo ng petrolyo dito sa magiging amendment ng Oil Deregulation Law? Magiging sapat po kaya ito para daw po matulungan pa itong mga umaaray nating mga kababayan, Ma’am?

REP. STELLA QUIMBO: Well, hindi natin alam eksakto kung ano ba iyong magiging effect niyan. Kasi ang mangyayari po diyan is at the very least, hindi nagiging automatic ang price increase na kapag tumaas ang presyo ng langis sa world market ay nagiging automatic na magbabago din ang presyo dito. Kasi, Usec. Rocky, ano naman po eh, ang mga oil companies naman natin may mga imbentaryo. So ibig sabihin, ang binibenta talaga nila sa araw na ito ay malamang two to three months ago pa din na nabili iyan sa mas mababang presyo.

Sa ngayon kasi wala tayong kasiguraduhan na hindi ganoon ang sitwasyon. Hindi tayo sure na baka naman unreasonably high ang presyong tsina-charge sa atin. So, iyong unbundling precisely seeks to prevent that na ibig sabihin, kung mayroong minimum inventory na 30 days ang bawat oil company noon, dapat more or less, nasa 30 days din ang delay ng pagtaas ng presyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, isunod ko na lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: How exactly can a bill seeking to amend the downstream Oil Industry Deregulation Act help the country in the midst of the current situation?

REP. STELLA QUIMBO: Iyon nga po, at the very least, malalaman natin kung iyong pagtaas po ng presyo ay makatarungan. Kasi maaaring may possibility na baka mamaya ay taking advantage ang ating oil companies dito sa nangyayaring giyera sa Russia at Ukraine. Kasi, muli, sa ngayon transparency, kapag nakikita natin na tumataas ang presyo sa world market ay bigla na lang nagbabago na ang presyo ngayon din. Pero hindi naman yata dapat ganoon all the time. Kasi ibig sabihin, iyon na nga, maaaring inangkat nila ang langis na binibenta nila, wala pang giyera and therefore mas mababa ang presyo ng na-procure nila.

So, hindi dapat biglaan talaga sila magtaas. Kumbaga ay sumasabay na lang sila sa alon ng pagtaas na hindi naman nararapat. So, iyon ang ginagawa ng batas, pini-prevent iyong ganoong klaseng posibilidad na nagti-take advantage ang ating oil companies sa situation.

USEC. IGNACIO: Opo. Hindi daw po, Ma’am, naging epektibo ang Oil Deregulation Law sa pagpapababa o pagkontrol ng presyo ng petrolyo sa nakalipas na 24 years? At mga oil companies lang din po daw iyong nagbenepisyo dito, ‘di umano. Ano po ang puwedeng gawin ng gobyerno para po makasigurong magiging mas patas nga po ito ngayon?

REP. STELLA QUIMBO: Para sa akin, iyong tinatawag na price monitoring ang pinakanaging weakness ng batas na iyan. Kasi, maganda iyong batas, kasi ang ibig sabihin ng batas is, hahayaan natin na ang market forces o iyong supply and demand ang magdetermina ng presyo ng gasolina sa ating merkado.

Compared to the old situation na ang nagdidikta ng presyo is gobyerno, which is mahirap. Kasi doon sa lumang sistema, una malaking pondo para mapatupad iyan. Number, two, hindi naman tayo sure kung iyong presyo na sinundan ang siyang tama, kasi maaaring baka masyadong mababa naman ang ginamit na presyo ng gobyerno. Ang mangyayari noon, magkakaroon tayo ng excess usage o masyadong magiging wasteful o maaksaya ang tao sa paggamit ng, halimbawa, kuryente.

So, hindi masyadong maganda iyong dating sistema, iyong tinatawag na deregulated. Pero under a deregulated set-up, dapat aktibo ang gobyerno sa pag-monitor ng presyo ng langis. Ang problema nga, ang ginamit nila kasi is hindi unbundled, walang transparency. Imbes na mismo ang oil company ang magpapakita ng ebidensiya na just o sapat ang pagtaas ng presyo, sinasabi ng gobyerno is gamitin mo ang formula na ito, tuwing tumataas ang presyo sa world market, iyong tinatawag na MOPS (Mean of Platts Singapore), tuwing tumataas iyan ay puwede ka ring mag-adjust ng presyo pataas. So ang nangyayari, maaaring nagkakaroon ng pagsasamantala sa ganiyang sistema.

So, iyon ang sinolve [solve] ng pag-amyenda ng unbundling, somehow will address iyong ganoong weakness sa pag-monitor ng presyo ng gobyerno sa mga oil companies.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon din sa bagong proposal, ma’am, kinakailangan ng magsumite ng indicative retail prices ang mga oil companies sa Department of Energy. So, gaano kadalas daw pong itong pagsusumite?

REP. STELLA QUIMBO: So, ang pag-submit nila is as needed. So, tuwing magtaas sila ng presyo eh doon lang sila magsa-submit ng tinatawag na price adjustment base sa kanilang actual na cost, which is different from the system to be taken.

Every Tuesday, weekly ay nagsa-submit sila ng price adjustment based on the formula of DOE. So, iyon iyong difference, so at least ngayon under bundled price base sa actual na pag-procure ng langis sa world market ay iyon na ang magiging basehan ng pag-adjust ng companies.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon nga rin po sa – ito daw pong proposed unnumbered bill ngayon ay magri-require ‘di umano ng pag-maintain ng minimum inventory requirement per company.

Kailangan panatilihin daw po ng mga importers at distributor ang 30 days’ worth ng supplies. Bakit po 30 days? Kasya po ba ito at kung lumampas po ito ng 30 days, may penalties po ba at anu-ano po ba ang mga ito?

REP. STELLA QUIMBO: So, iyon po iyong kagandahan ng amendment nagri-require ng minimum ng 30 days na inventory. So, ito na iyong sinasabi ko kanina na at any point in time talagang 30 day inventory sa iyong kumpanya.

Ibig sabihin noon kung magtaas ang presyo ng langis sa world market sa araw na ito ay hindi agad-agad ipasa mo sa consumer today. Kasi iyong laman naman ng pumps mo ay nabili mo pa at least 30 days ago kung kailan mas mababa ang presyo sa world market.

So, iyon ang sino-solve nitong minimum inventory requirement and at the same time may transparency, magkakaroon ng regular reporting on the inventories, so malalaman ngayon ng DOE kung ano pa ang laman sa mga pumps. So, again ina-address niya iyong tamang timing ng pag-adjust ng presyo ng ating oil companies.

So, Usec, Rocky, don’t me wrong ‘no?  Ayaw naman natin na malugi ang mga oil companies by having these amendment on unbundling doesn’t mean that we frown upon oil companies staying afloat, hindi iyon we just really want them na every time magtataas ng presyo ay iyon ay warranted. Ibig sabihin mayroon talagang tamang basehan which is iyong kanilang actions sa operations.

So iyon po, mayroon penalties kapag hindi sinunod ang iba’t ibang reporting requirements, ito po ay inamyendahan din natin and mayroon administrative fines ranging from P50,000 to P300,000 or puwede ring mag-result iyong ng revocation of license by the DOE.

USEC. IGNACIO: Pero ito daw pong problema sa langis, ma’am, ay matindi ngayon hindi lamang siya pangayon lang pong problema. Ano daw po iyong kasiguraduhan na iyong mga pagbabagong ito ay makakatulong daw po dito sa pangmatagalan or permanente ng pagsasaayos o kinabukasan pa ng ating mga kababayan?

REP. STELLA QUIMBO: USec. Rocky, sa bigat ng problema hindi lang dapat isa ang gagawin natin kung hindi kumbaga mayroon dapat tayong tool box, maraming tools ang kailangan na gamitin para maibsan itong talagang economic burden na dinadala nga ng crisis sa Russia at sa Ukraine.

So itong unbundled oil prices, ito actually iyong long term solution. Ito iyong pangmatagalan, ito iyong kahit may giyera or wala ito talaga ang pi-prevent ng over pricing or di makatarungang pagpresyo ng mga oil companies.

Kasi, kasama nga dito iyong Philippine Competition Commission na tutulong sa DOE para mag-enforce against oil companies na abusive or mag-o-over price ng kanilang gasoline products.

Pero, having said that, kailangan nating dagdagan ng iba pang relief measures para sa ating mga kababayang hirap na hirap na talaga, after the pandemic ito naman iyong oil price hike. 

Of course kami po sa House ang aming proposal is to suspends the collection on excise taxes on selected products kasama na dito  ang diesel, LPG, kerosene, sabi namin huwag munang kolektahin ang buwis para diyan. Pagdating sa gasoline products naman ay bawasan ang buwis from P10.00 to P4.25 or P7.00 depende sa octane content.

Iyon ang aming proposal, of course hindi sang-ayon sa amin ang DOF; ang pinu-push ng DOF is pamimigay naman ng ayuda P6,500 kada jeepney or bus driver for a total of P2.5 billion. Sa akin po USec. Rocky, with all due respect parang medyo bitin ito kasi P6,500 is only good for about 13 days’ worth of assistance for drivers. 

So, alam naman natin na baka magtagal pa itong crisis situation and at the same time iyong isa pang pinu-propose na bagung-bago lang is I believe P200 per month per family na, USec., again with all due respect sa aking pagtingin masyadong maliit po iyan because lalabas po iyon kada tao kada araw is only P1 and 33 centavos eh ang candy po ngayon P1 and 75 centavos na po.

So, medyo bitin ng konti po ang subsidy; so, sana po ang hiling namin sa Kongreso sana magkaroon tayo ng special session at the request of the President para mapag-usapan natin ang iba’t-ibang mga panukala para tulungan ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po ang panghuli natin: Ma’am, magkakaroon po kaya ng sapat ng panahon para talagang ma-review itong oil deregulation law?

REP. STELLA QUIMBO: Alam ninyo po USec., last year pa namin sa Ways and Means Committee naaprubahan itong proposal on the suspension of excise tax collection on selected products kasi nga at that point in time last year tumataas na ang presyo ng petroleum product.

So, tamang-tama naging timely po iyong proposal na iyan. So sa Ways and Means po tapos na po ang debate and in fact na-approve na siya on second reading. Iyong isa naman po itong amendments on the oil deregulation law kahapon din po naaprubahan na rin po sa Committee on Energy.

So, sa totoo lang po tingin ko it well just take a matter of hours kasi nagawa na po namin ang aming work. Committee on Energy I believe had 4 hearing already on the issue, ganoon din po ang Ways and Means.

Narinig na po namin actually lahat ng debate, may mga nag-o-oppose doon sa approved proposal ng Ways and Means kasi po, USec., may mga ilang kongresista ang gusto nila suspension  of all excise taxes on petroleum products. Ang sabi naman namin hindi po papayag ang DOF niyan.

So, ang naging compromise is piliin na lang natin ang mga produkto na kung saan babawasan natin ang buwis and in fact progressive itong proposal ng Ways and Means because all income classes will be given relief.

Pero, mas malaking relief ang makukuha ng ating lower income classes, mas maliit ang relief ng higher income classes and as we know iyan ang mga gustong layunin ng ating Department of Finance na maging progressive ang ating subsidy scheme.

USEC. ROCKY IGNACIO: Okay. Ma’am kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga. Representative Stella Quimbo, mabuhay po kayo salamat po.

REP. STELLA QUIMBO: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, bukas na ang napakagandang Davao Occidental General Hospital sa kapitolyo nito sa bayan ng Malita sa pangunguna ni Senator Bong Go. Nagpaabot naman ng tulong ang Senador sa mga kapus-palad nating kababayan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Pumunta naman tayo ngayon sa mga balita ngayong umaga hatid sa atin ni Ched Oliva ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ched Oliva ng Radyo Pilipinas.

Ngayong araw po ipinagdiriwang ang ikalawang taon ng Public Briefing #LagingHandaPH. Marami po tayong naging katuwang sa paglalakbay na ito. Atin pong tunghayan:

[FEATURE PRESENTATION]

Sa ngalan po ng lahat ng bumubuo ng programang Laging Handa, ang amin pong taos-pusong pasasalamat sa inyong pagsubaybay at pagtangkilik sa aming programa.

Ang Laging Handa po ay ang programang nagsilbing tagapaghatid ng gobyerno ng tamang impormasyon noon pong kasagsagan ng pandemyang hatid ng Coronavirus 2019 o iyong COVID-19. Panahon kung saan may alinlangan, agam-agam, takot at pangamba. At lahat ng ito po ay sinubukang pahupain at ibsan ng programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahon at tamang impormasyon. Ito po ang umakay at dumamay sa karaniwang mamamayan noong panahong kailangan nila ng karamay.

Kami po ang kasama ninyo noong tayo ay sinubok ng pandemya at kami din po ang kaagapay ninyo sa bukang liwayway patungo sa ating mithiin na maging laging handa sa pagtatapos ng pandemya at sa kahit anong pagsubok o krisis na darating.

Muli ang aming taos-pusong pasasalamat sa hindi ninyo pagbitiw sa programa at patuloy na pagsubaybay kasama ang ating mga partner agency maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Nagpapasalamat rin po ako sa ngalan ni Secretary Martin Andanar. Muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo ulit bukas para sa Public Briefing #LagingHandaPH

 

###

 

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)