Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo.

Ngayon pong Lunes, ikalabing-apat ng Marso, tatalakayin muli natin ang mga napapanahong usapin sa bansa patungkol po sa patuloy na pagtaas ng gasolina at trigo na siya pong dahilan ng pag-aray ng marami nating kababayan. Aalamin din natin ang updates sa inihain na minimum wage hike at ang posibleng pagsasailalim ng ilang lugar sa Alert Level Zero. Atin din pong kukumustahin ang lagay ng ating mga kababayan sa Ukraine.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang karagatang malapit sa Occidental Mindoro, ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol northeast ng northwest ng Bayan ng Lubang at may lalim na dalawampu’t siyam na kilometro. Naramdaman din ang naturang pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kabilang na ang lungsod sa Metro Manila, Batangas, Bulacan at Zambales.

Maaari nang magamit ang CoronaVac vaccine ng Sinovac sa pagbabakuna sa pediatric population ng bansa, iyan po ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization ng CoronaVac para sa mga nasa edad anim pataas. Kinumpirma rin ito mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, ayon kay Secretary Duque, hinihintay na lang nilang matapos ang operational details bago mag-administer ng Sinovac vaccine sa mga bata.

Una nang inaprubahan ng FDA ang bakuna ng Pfizer para sa mga batang edad lima hanggang labing-isa sa bansa.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Isang magandang balita naman po para sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao, binuksan na sa Iloilo City at Davao City ang pinakabagong Philippine Genome Center. Kasabay nito, binigyang-pugay din ni Senator Bong Go ang sakripisyong inilalaan ng mga medical expert at scientists. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, umaaray na po ang ating mga kababayan at isa sa mga naisip na solusyon para dito ay ang pagtataas sa minimum wage. Iyan at iba pang usapin ang tatalakayin po natin kasama po si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Magandang umaga po, Sir Joey.

SEC. CONCEPCION: Magandang umaga rin, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, dahil nga po sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, naghain nga po ang labor group ng Partidong Manggagawa na dagdag po na isandaang piso para sa minimum wage sa bansa. Ano po ang masasabi ninyo rito?

SEC. CONCEPCION: Well, dapat hintayin muna iyong anong gagawin nila dito sa excise tax at sa VAT ‘no. Kung isa-subsidize nila, tanggalin or … iyong excise tax or iyong [unclear] tax, iyon baka makakatulong diyan sa pagtataas ng gasolina.

So, ang importante kasi ngayon ay iyong job employment. At wala pang isang buwan bukas ang economy natin na medyo gumaganda iyong mga benta ng mga maliliit na negosyante. So dapat—itong Ukraine conflict, eh siyempre nangyari, pero hintayin muna na natin lumakas. At si Secretary Bello ay will come up with the proposal ‘no, pero we should try to balance the situation. Baka masyadong maaga ‘no. May mga balak na ibawas [unclear] tax so tingnan natin ulit baka magbibigay sila ng ayuda.

So, may mga [unclear] government natin na [garbled] pero kailangan ibalanse muna natin, tingnan natin ang sitwasyon kasi masyadong fluid eh.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po, Sir Joey, iyong tanong ni Janice Ingente ng UNTV: Kakayanin po ba itong ibigay ng mga negosyante o employers sa mga manggagawa?

SEC. CONCEPCION: Well, siyempre iyong mas malaking korporasyon ay mas may kaya ‘no; pero iyong small to medium enterprises, iyon mahihirapan kasi sila talaga ang tinamaan. Dito naman sa mga negosyante galing sa tourism sector, kababangon lang iyan eh. Halos two years na walang negosyo so bumabangon pa lang sila, so we have to give them time ‘no. At this point, hindi pa bumabalik iyong tourism natin.

So, I think, hindi pa rin tayo sigurado dito sa mga presyo kasi biglaan ang pagtaas dahil sa conflict. Now, kung mawala iyong conflict, then bababa lahat itong mga commodities. So this might be a situation that might just be there temporary ‘no. And if we increase the wage [garbled] hindi naman po bawiin iyong mga binigay na wages ‘no. So, I think, the government and the private sector will have to [garbled] more discussions here.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Joey, kasi sinasabi nga po, posible raw pong matagalan itong isyu dito sa Russia at Ukraine. Pero sa palagay ninyo, sapat po itong isandaang pisong dagdag sa minimum wage sa bansa para raw po tugunan iyong patuloy na pagtaas sa mga bilihin? And sa palagay po ninyo, hanggang magkano raw po kaya iyong puwedeng itaas sa minimum wage sa bansa na kakayanin po ng ating mga employers?

SEC. CONCEPCION: Well, actually, honestly, hindi ko pa pinag-aaralan iyon. I mean, now that it’s brough forward, our HR [garbled] looking into it to determine anong percent increase iyan ‘no. So I have not talked to my team. And siguro iyan ang ginagawa ng mga chambers, business chambers natin, we will study it. We’re not saying this is not going to happen; I’m just saying, let us give it some time. It’s brought forward, so tingnan natin kung ano ang impact nito sa negosyante.

Siyempre iyong … those that are hardly doing good ‘no and just rebounding now, mas mahihirapan ‘no. Those who are doing well maybe can afford it. But then again, I think, let’s wait for Secretary Bello to come out and discuss that with the private sector.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ayon po sa Partidong Manggagawa, bukod daw po sa minimum wage hike ay nangangailangan din ng cash aid, price discount at emergency jobs creation program para raw po sa mga manggagawa sa bansa, ano po ang masasabi ninyo dito? Kasi may mga nagsasabi, kung pupuwede raw po, itong mga non-wage benefit na maibigay ng mga employer naman.

SEC. CONCEPCION: Well, actually, Usec. Rocky, the challenging situation is that wala pa tayong isang buwan. We just opened the economy ‘no, so people are now really trying to come back. Talagang halos sarado pa rin sila kasi kulang sa [garbled] ‘no. At ngayon ang bangko, mas malaki ang kumpiyansa na magpapautang ulit dahil bukas ang economy.

Pero ngayon itong conflict nangyayari, it’s pushing inflation. So, what’s important is also job generation ‘no. So, kung wala namang kita and expansion iyong mga maliit na negosyante, mahihirapan sila. But yes, I understand siyempre with prices of goods and fuel going up, we will have to look into [garbled]. I think the business organizations will have to discuss this ‘no. So, we have to compute what is the effective increase on the average worker.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa ibang usapin naman po. Ano daw po iyong masasabi ninyo sa posibilidad naman na pagsasailalim sa bansa sa Alert Level Zero? Isunod ko na po iyong tanong ni Jayson Rubrico ng SMNI News: Suportado po ba ito ng mga negosyante at gaano po sila kahanda [kung] sakali daw po ibaba sa Alert Level Zero ang NCR?

SEC. CONCEPCION: Well, Usec. Rocky, sometime in February, I was suggesting Secretary Duque on the possibility of really moving towards na walang alert level and he was saying that the President will have to declare that the State of Emergency is over ‘no. So, that is what Alert Level Zero is.

Of course, we support it ‘no at nakikita natin naman iyong mga kaso [ay bumababa]. Maski [binuksan na natin] ang economy, may mga rallies diyan, hindi naman tumataas iyong level of infection natin ‘no. So, mukhang [gumagana] ang bakuna program natin and of course iyong mga Filipinos that got Omicron are [having] natural immunity ‘no.

So, I think we are supporting it. I think that eventually, we really have to move to that new normal ‘no, at nakikita ko we should allow the business establishments, kung mapunta tayo diyan sa Alert Level Zero, we should allow the business owners, business establishments to set their own [health protocols].

With 24 months already, sa palagay ko alam na namin kung anong mga protocols na dapat gawin especially with call centers, with BPOs, with restaurants and all of that kasi the difference between Alert Level 1 and Alert Level Zero is face mask and vaccine cards. Halos lahat ng ibang parameters [ay pareho], bukas na lahat ng mga negosyo at 100% capacity. So, we’re really talking here about vaccination cards and mask requirements.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ano po ba iyong magiging epekto sa ekonomiya sa bansa kapag daw po isinailalim na po sa Alert Level Zero? Ganito rin po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: Ano daw pong restriction ang nakikita po ninyong puwede nang alisin kapag nagkaroon daw po ng Alert Level Zero?

SEC. CONCEPCION: Well, for example dito sa vaccination cards ‘no, at a certain point in time, Usec. Rocky, these vaccination cards will not be meaningful kasi itong mga vaccines eventually in time wane ‘no. So, dapat ang importante ngayon iyong mga nabakunahan will have to take the booster shots ‘no, iyon ang importante. So, itong mga booster cards will be more relevant down the road ‘no. So, it has to transition from the vaccination card to a booster card ‘no.

Now, if the vaccination cards will still be in place even in Alert Level Zero, my proposal is let the business owners decide on it ‘no, kasi customer-centric naman sila. Kung sa tingin nila gusto ng mga customers nila that the area will be safe, then they will still require vaccination cards or booster cards and eventually mask in indoor dining. I’m sure most of these [business sectors] will still want to have face mask.

Now, outdoor dining and outdoor use of face mask may be an optional thing already under Alert Level Zero.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: May proposal po kayong isantabi ang alert level system kung patuloy daw pong mababa ang kaso? Nakikita ninyo po bang maaari na itong gawin sa National Capital Region at ilan pang bahagi ng bansa?

SEC. CONCEPCION: Well, definitely NCR is barely at Level Zero, hindi ko alam iyong position ng mga mayors natin. Pero ang tingin ko, as the cases are going down even with the opening up fully at 100% capacity now, yes! Hopefully we move towards the direction ‘no.

I think it is time that under this administration, if cases are going down and our healthcare capacities are well-intact, then we can move to that level. Whether Alert Level Zero pushes aside the alert level system, the alert level system will still be there. It’ is just going to be used when there is an impending threat katulad ng bagyo. Kung may bagyo, naglalagay tayo ng Signal Number 1 up to Signal Number 3, pero kung walang bagyo, wala namang signal number ‘no.

So, I was just happy to know that Secretary Duque is going to take it up with IATF. And of course, the private sector will definitely support this move ‘no, if he can push for a [garbled] health advisers are also concerned. But we leave it up to their decision.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Jayson Rubrico ng SMNI News: Ano po iyong inyong assessment sa dalawang linggong pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 1? Mas bumuti po ba ang naging takbo ng mga negosyo?

SEC. CONCEPCION: Definitely, just by allowing all businesses to open up, malaking bagay iyon sa mga bangk0, sa mga micro-financing institutions – thrift/rural banks ‘no. Kapag nakita nila talagang lumuluwag na – dumadami ang tao, lumalabas, may mobility, papasok na sila sa eskuwela, back to office – siyempre, more mobility is more economic activity which gives them the confidence to start lending money to our micro and small entrepreneurs.

And that is what they need at this point in time to resume iyong mga negosyo nila kaya tumataas na rin ang benta nila. At palagay ko itong conflict lang ng Russia medyo na istorbo iyong momentum natin ‘no at medyo worrisome kasi that can also affect the momentum of growth. Kaya ang importante palakasin talaga natin iyong mga maliit na negosyante, so that in case may mangyari dito o mas lumala iyong conflict sa Ukraine at Russia at mas lalong grumabe itong pagtaas ng [presyo] ng mga commodities natin, we can weather the storm ‘no. So, that is why [opening up of] the economy is important ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Joey, pahabol lang pong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: How will economy benefit under Alert Level Zero?

SEC. CONCEPCION: Well, under Alert Level Zero, basically what happens is it will boost confidence that the Philippines has been able to achieved, moving away from a pandemic. And under the administration of President Duterte of course, iyong mga government officials, sila Sec. Galvez and Duque, I mean, for all their efforts in really trying to drive the vaccination effort ‘no, is a testament of what we have arrived and kasama dito iyong private sectors, sa tulong ng private sector sa mga bakuna.

But it doesn’t mean that we have to be complacent. We should use iyong, actually ensure that hospital capacity is further strengthened, our health care workers are ready in the event that there will be another variant that may come in. So, we should not look at it as complete victory, I mean business victory at this point in time but we’ll never know what will happen in six months, one year, two years, three years down the road.

The bakuna program should not stop, especially the boosters. We are still very far from our targets on booster. Importante iyong booster program natin para sa mga tao, continue the wall of immunity ‘no. Iyon ang importanteng sinabi ni Secretary Galvez. Itong bakuna, the primary doses will start waning for those who got it earlier, so importante ngayon itong mga boosters natin.

So, pakiusap ko talaga sa mga citizens natin ‘no, we can keep the economy open if we do our part in taking the boosters.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po, pahabol na tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Reaksiyon ninyo lang daw po sa P470[sic] na wage petition na na-file ng TUCP sa Regional Wage Board ng NCR po?

SEC. CONCEPCION: Yes. I was saying na hintayin muna natin anong impact nito sa dami na increases natin, pag-aralan ng mga business chain, of course iyong PCCI, iyong Filipino-Chinese Chamber, pag-aaralan namin iyan.

Iyong Go Negosyo ang [garbled] namin iyong mga maliliit na negosyante siyempre mas sensitive sila diyan, mas maliit iyong puhunan nila. So, I think we had to see on how high are oil prices going up, will they find a solution on the excise and—kasi baka mamaya they will be able to reduce the excise tax because anyway the percentage is on a higher price is [garbled]

There will be an [garbled], ang sinasabi Joey Salceda. So, baka they can return that back, I am not sure [garbled] the consumer for that so then the increases can be reduced ‘no, it can be taken out from whatever reduction that there will be in the excise tax.

Pero si Secretary Dominguez, iyon ang area niya and I am sure that he will find—siya ang CFO ng bansa natin, so he will know what we can do and what we cannot do so we don’t exacerbate the Inflation that is brought about by the conflict in Ukraine and Russia.

Of course, sa wage increases will increase the inflation but we have to see first kung talagang the prices of fuel will remain as to where it is because if there’s a reduction in excise and [garbled] it will go down, prices will go down. So we will have to wait.

USEC. ROCKY IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion.

SEC. JOEY CONCEPCION: Salamat, USec. Rocky.

USEC. ROCKY IGNACIO: Siyam na pamilya o tatlumpu’t pitong individual po ang tutulungan ng pamahalaan na makauwi sa kanilang probinsiya sa Masbate, ito ay sa ilalim ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program.

Bago ang kanilang biyahe bukas, sumailalim muna sa mga kinakailangan proseso ang mga naturang mga benepisyaryo, kabilang na dito ang identification, pagsusuri ng mga dokumento at tagging ng kanilang mga biyahe at family picture.

Makakatanggap ang bawat pamilya ng tulong financial mula sa gobyerno para pagdating sa kani-kanilang lugar ay makakapagsimula silang muli ng kanilang buhay.

Ilan nga po sa mga bilihin na patuloy na tumataas sa ngayon ay ang mga presyo ng gasolina at trigo, kaugnay niyan naglabas ang Department of Science and Technology o DOST ng mga alternatibong pamamaraan, kaugnay niyan makakausap po natin si DOST Undersecretary Rowena Guevarra. Magandang umaga po, USec.

DOST USEC. ROWENA GUEVARRA: Magandang umaga, USec. Rocky.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. USec., kumusta po iyong inaasahan natin magiging presyo ng gasoline sa mga darating pang panahon? Mas lalo po bang aaray ang ating mga motorista?

Opo. USec. Guevarra, nawala po ang audio ninyo. Can you hear me? Iyan okay? Wala pa rin po kayong audio, babalikan po namin kayo aayusin lamang po naming ang linya ng komunikasyon sa bahagi ninyo.

Para naman po talakayin naman ang posibleng pagtaas pa ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa, makakausap naman po natin si Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero. Magandang umaga po sa inyo Director.

DOE ASST. DIR. RODELA ROMERO: Magandang umaga, USec. Rocky. Am I loud and clear? Dinig po ba ako?

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo, Director. Yes, I can hear you po loud and clear. Director ikalabing isang linggo na nga po natin nararanasan itong fuel price hike. Inaasahan po ba natin na patuloy itong tataas sa mga susunod na linggo? May sinasabing bukas daw po inaasahan na naman po iyong pagtaas.

DOE ASST. DIR. RODELA ROMERO: Tama po kayo, USec. Rocky, base sa monitoring natin sa world oil market magkakaroon ulit ng pagtaas bukas. Kasi kada Tuesday naman po iyong adjustment natin dahil lang po sa balita na binan (banned) na po iyong mga oil import and export ng Russia.

Ibig sabihin dahil po sa pangyayaring iyon nag-react na po iyong merkado, tumaas na po kaagad sumipa po iyong presyo. Kaya, whatever iyong pangyayari doon sa international market magri-reflect lang po dito sa ating pump price.

Doon naman po sa tinatanong ninyo po kung magtutuluy-tuloy, wala naman pong makakapagsabi kasi napaka-volatile po ng presyuhan sa international market kamukha po noong March 8, noong sumipa po siya dahil nga po sa pagbaba ng mga imports ni Russia.

But the following day bumaba rin po siya dahil nagkaroon po sort na parang negotiation din naman po iyong UAE Ambassador sa United States na i-temper magpo-produce sila ulit ng manufacturing production ng oil para ma-offset man lang iyong kawalan ng Russia.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Pero, Director magkano daw po iyong inaasahang magiging taas ng presyo ng fuel sa bansa?

DOE ASST. DIR. RODELA ROMERO: Hindi po kami makapagsabi ng sakto dahil iyong nga baka mamaya maging benchmark ng oil companies but tama po iyong nabalita noon na medyo may kalakihan po siya kumpara sa mga nakaraang linggo kaya po patuloy po iyong pag-apila natin sa ating stakeholders, ang oil companies na hangga’t maaari patuloy po iyong ibigay nilang part ng corporate social responsibility nila, iyong mga discount po.

At noong nakaraang linggo po may oil companies na nag-implement ng staggered implementation at mayroon din pong oil companies na hindi nag-implement ng kaniyang adjustment. So, hopefully makinig po iyong ating mga kasama sa industriya para maibsan kahit paano iyong bigat na nadarama natin.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo, iyan nga po iyong sunod kong tanong: Anu-ano daw po iyong mga ginagawa ng DOE para daw po kahit paano mahinto ang patuloy na pagtaas ng fuel sa bansa? Puwede po ba ito mayroon po bang paraan para gawin ito?

DOE ASST. DIR. RODELA ROMERO: USec., siguro po iyong pangyayaring iyon parang wala tayong control, hindi po ba? Talaga po tumaas ang premium dahil po sa presyo ng imported products at alam naman po nating lahat na price taker. Ibig sabihin lahat ng ginagamit nating produkto dito sa Pilipinas ay imported po.

So, malaking component po sa pump price iyong presyo mismo noong imported products. Kung sakali man po na ano ang ginagawa ng gobyerno o ng Department ng Energy, iyon nga po nababanggit na po natin na mayroon po tayong mga temporary relief.

So, noong nakaraan po ng economic cluster meeting nalaman po natin na ni-request po ni Secretary Cusi na taasan po iyong P2.5 bilyon na ayuda para sa ating transport sector naging P5 bilyon na po siya. Tapos ganundin po doon sa tulong natin sa ating mga fisher folks and farmers na dati po P500 milyon ngayon 1.1 bilyon na po.

So, pina-fast track na po talaga ang implementation noon and then mayroon din naman tayong action na kung talagang napag-uusapan po iyong suspension ng excise tax, tama po may mga appropriate government agency na nakakaalam kung ano po iyong dapat na dapat balansehin dahil alam naman po natin na anuman pong kabawasan sa ating income o taxes ay may mga social development program na magsa-suffer.

But still komo ito po iyong priority ngayon dahil malaki na po iyong impact sa vulnerable sectors or lahat na po tayo dahil consumer po tayo so ginagawan po ng paraan talaga kung paano makakapagbigay ng immediate relief or temporary relief sa ating different sectors.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Director, isunod ko na po iyong tanong ng ating kasamahan sa media mula po kay Bernadette Reyes ng GMA News: Ano daw po iyong reaction ng DOE na nag-transport rally daw po ang ibang transport group pati na daw po itong fisher folks dahil sa mataas na presyo ng petrolyo? Tanong po ng transport group: Bakit kailangan daw po every week ang increase kung may buffer dapat na 30 to 40 days?

DOE ASST. DIR. RODELA ROMERO: Yes. Hindi naman po kasi tayo inventory pricing USec., ang tinatawag natin market pricing. Ibig sabihin kung ano po iyong pagkaka-presyuhan sa international iyon po ang ini-implement natin dito sa ating domestic pump price.

Gayundin naman po kung sakali mang inventory pricing, kung sakali po na nabili nila ng mahal ipapasa din po nila ng mahal. Kung pababa naman halimbawa iyong presyo sa international. So, bale nababawi lang po.

So, mabuti na po iyong market pricing nakaka-adjust po tayo at ngayon po patuloy ang ginagawa nating mga ayuda para maibsan talaga. Pero mahirap po kasi talaga kung inventory then dire-diretso iyong pagtaas ang kuha nila and then pababa na sa merkado may stock pa rin di pataas pa rin po iyong pagbibenta nila noon.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo, sa kabila po nito inaasahan po ba natin na bago po daw magtapos ang Marso ay makakaranas naman daw po tayo ng oil price roll back?

DOE ASST. DIR. RODELA ROMERO: USec., iyon po ang dasal ng bawat isa hindi po ba? Kasi nga po hindi natin control iyon, geo political conflicts. Ibig sabihin, kaguluhan doon sa mga bansang pinagkukunan at hindi lamang po Pilipinas ang nakakaranas nito, buong mundo po iyong sitwasyon kaya po ganoon ang apela natin sa bawat isa hindi lamang stakeholders ng Department of Energy, the oil companies kung hindi iyong mga common na tao po o iyong ating mga consumer – ipagpatuloy po nila iyong pagtitipid hangga’t maigsi ang kumot o mahal ang produkto.

Huwag po kayong mag-alala na walang mabibiling supply. May supply po tayo ng petroleum product, iyon po ang assurance na kinuha natin sa oil companies kasi mahirap naman po talaga na mawalan tayo ng supply, karamihan po ng economic activities natin gumagamit po ng petroleum products.

So, sinigurado po natin na may supply tayo, iyong sa presyo po iyon nga po gumagawa hindi lamang ang Department of Energy, it is a whole government approach na maibsan ang bigat ng dinadanas lalo naman ng mga vulnerable sectors. Na-mention na po natin iyong mga programa natin sa transport, iyong programa po natin sa farmers and fisheries. So, huwag na po siguro.

So huwag na po siguro, pakiusap lang po na huwag nang makadagdag. Naiintindihan po namin iyong bigat, kaya nagagawa pa po natin na mag-rally, iyong ganoon. Iyon nga po magtulungan po tayo. Sa panahon po ngayon, kailangan po ang pagtutulungan ng bawat isa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ihabol ko na lang po itong tanong ni Bernadette Reyes ng GMA News, although may nabanggit na rin po kayo tungkol dito sa staggered o unti-unti, iyong sa presyo po. Basahin ko na lamang po: Magagawa po kaya ng mga oil companies ang panawagan sa kanila na gawing staggered o unti-unti iyong big time price hike? Puwede po ba iyon?

DOE ASST. DIR.ROMERO: Noong Friday pa lang po na nagkaroon kami ng meeting with the oil companies, kasi po may isang pangyayari, may isang balita na itong si China mukhang hindi po siya mag-i-export o mag-i-import ng kaniyang mga petroleum products sa mga nearby countries, ‘di po ba. Eh ang Pilipinas, isa po sa kumukuha sa China. So, nagpatawag po kami ng meeting sa mga oil companies. And then, doon nga po nagkaroon naman ng assurance na hindi lang naman China iyong mga sources nila ng petroleum products. At saka iyong mga traders nila talagang humahanap po, kasi committed na po sila, kumbaga may kontrata na. Ang problema lang po talaga ay may premium iyong presyo. Ibig sabihin, mas mahal ang pagkakakuha kung sakaling magkaroon ng tightness talaga ng supply sa China o sa iba pang sources natin ng petroleum products.

So, iyong apela po natin, kasama po doon. Friday pa lang po nag-apela at palagi naman po, niri-request namin na ang oil companies kung ano iyong maitutulong sa mga transport sector o sa iba pa nilang consumer. Nag-apela na rin po kami na magkaroon talaga ng staggered. Katulad ng nangyari noong nakaraang linggo, may isang oil company na ini-staggered niya, pero within the week. Hindi po ba na ang regular adjustment natin, nangyayari tuwing Tuesday, so iyong kalahati noong presyo, idinagdag na po niya ng Tuesday. Pero noong pagdating ng Huwebes o makalipas ang ilang araw, para hindi dumagdag sa susunod – dahil hindi naman po natin alam kung pababa, sana kung pababa maganda po ang mangyayari, pero paano po kung pataas, di mas makakadagdag lang ng bigat – so ang ginawa po niya, within doon sa implementation for the week, ini-staggered niya lang po. So ibig sabihin, may mga naka-avail pa po ng mga consumer na mas mura-mura and then, saka po niya dinugtong iyong isa. Sana po lahat ng oil companies, gumawa ng ganoong klaseng strategy, para makagaan man lang sa ating mga consumers.

USEC. IGNACIO: Director, pasensiya nap o, may pahabol lang po si Bernadette Reyes ng GMA News: Iyon daw pong reaksiyon ninyo sa planong transport strike at strike rin ng mga fishermen?

DOE ASST. DIR.ROMERO: Yes, iyon ang appeal namin na – naintindihan naman po natin lahat na dumaranas sa bigat na ito ng problema sa presyo ng petroleum products. Lalo na iyong mga kapatid natin sa transport sector – sana po magtulungan na lang po tayo and then, kung ano pa iyong malalapit pa ninyo na kailangan sa Department of Energy. Pero kung iyon pong para pigilan iyong pagtaas, hindi po natin basta mapipigilan, kasi it’s a world event. Kumbaga, lahat nakakaranas po ng tight ng supply dahil talagang maliit lang naman po ang deperensiya ng world supply sa world demand. So, any disruption would affect the price, fundamentals of supply and demand, di po ba.

So, doon sa transport po, iyon po, nagpa-fast track po, katulad ng sinabi ko kanina na si Secretary Cusi po ang nag-request para taasan pa po iyong ayuda na puwedeng ibigay sa transport sector. Nadoble po dahil doon sa apela ni Secretary Cusi during the economic cluster meeting. So, bukod pa din po doon, nag-iisip pa rin po kami ng paraan para maibsan, mabigyan man lang ng temporary relief, kahit po sa LPG o sa lahat ng klase ng produktong petrolyo para naman po kahit paano ay makagaan sa ating mabigat na dinaraanan.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang daw po: Ano iyong masasabi ninyo sa mungkahi ng DOST na paggamit daw po cloud-based monitors at e-censors at pagpaparami sa electric vehicles? Sa palagay ninyo, sapat po ito para tugunan po ang fuel price hike sa bansa?

DOE ASST. DIR.ROMERO: Iyong mga alternative sources of energy, open naman po ang Department of Energy. Iyang e-vehicle, okay po, kasi bihira naman po talaga ngayon – halimbawa nagtataas ng presyo ng kuryente dahil sa petroleum products, kasi bihira naman na po iyong power plant natin na gumagamit ng petroleum products, mga diesel-fired power plant – so, kung makakadagdag po ng tulong iyong mga e-vehicles, may programa din po kami sa alternative sources of energy, particularly sa use ng e-vehicle. Kaya po ini-encourage din po namin ang mga oil companies na magkaroon ng charging station. So, nagkakaroon na po ng massive promotions para mag-put up po ng charging station for those entities or companies na mai-engage sa e-vehicle development.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagtugon sa aming paanyaya, DOE -Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero. Salamat po.

DOE ASST. DIR.ROMERO: Thank you very much, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si DOST Undersecretary Rowena Guevara. Magandang umaga po ulit, Usec.

DOST USEC. GUEVARRA: Magandang umaga, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin po kanina. Usec, kumusta po iyong inaasahan nating maging presyo ng gasolina sa mga darating pang panahon? Mas lalo po ba raw aaray ang ating mga motorista?

DOST USEC. GUEVARRA: Ang krudo sa Pilipinas na ginagawang gasoline, diesel at LPG ay imported kaya kapag tumaas ang presyo ng krudo sa mundo, tataas din ang presyo ng gasoline, diesel at LPG sa Pilipinas. Sa katunayan sa America, 65.8 per liter na sila at sa Australia ay 70.25. Ito ay mga bansa na may sariling oil reserves. Pero tumaas din ang presyo ng gasolina sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, apektado rin po ba raw itong presyo ng trigo sa bansa dahil sa alitan sa pagitan ng Ukraine at Russia? Saan po puwedeng maglaro iyong presyo ng trigo sa kasalukuyan?

DOST USEC. GUEVARRA: Usec. Rocky, ang klima ng Pilipinas ay hindi angkop sa wheat o trigo na ginagamit nating harina sa maraming pagkain, tulad ng pandesal, cake, noodles, crackers, pasta at iba pa. Dahil imported ang trigo, kapag tumaas ang presyo ng trigo sa mundo, tataas din ang presyo ng mga nabanggit kong pagkain. Noong January, ang presyo ng ating wheat flour ay P19.38 per kilogram at ang importasyon natin ng wheat flour tumataas kada taon ng 11.12%.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ang inyong kagawaran nga po ay nagbigay ng mga alternatibong pamamaraan dahil nga po dito sa pagtaas ng gasoline, ito nga po iyong paggamit ng cloud-based monitors at e-censors at pagpaparami ng electric vehicles. Maaari po ba ninyo kaming bigyan ng mga detalye tungkol dito?

DOST USEC. GUEVARRA: Oo. Usec. Rocky, itong cloud-based monitors at saka e-censors ay isang madaling paraan para malaman ng mga [buildings], lalo na iyong mga government at saka mga malalaking buildings kung kumusta ang kanilang pangkonsumo at saan sila nagwi-waste ng energy. Kasi ang first line of defense natin dito sa pagtaas ng krudo sa buong mundo ay dapat babaan natin ang ating consumption. Kung hindi natin naiintindihan kung paano tayo mag-consume ay hindi natin maibababa o hindi tayo makakapag-conserve ng energy. Kaya itong mga e-censors at saka iyong paggamit ng cloud-based monitors ay aming nirerekomenda sa mga malalaking buildings.

Ito namang mga electric vehicles, at nasabi na rin kanina ng DOE, kailangan po nating magkaroon ng mga charging stations. Sa kasalukuyan po, mayroon na po tayong mga charging stations na pinapalaganap sa mga probinsiya na nag-adopt nitong technology na na-develop ng DOST, iyong tinatawag na Charging in Minutes (CHARM). Dati, walong oras para mag-charge ng baterya ng e-vehicle, pero napababa natin iyan sa 30 minutes.

USEC. IGNACIO: So, gaano katagal ang inaasahang matutugunan ng cloud-based monitors, e-censors at electric vehicles ito pong problemang kinakaharap natin sa presyo ng gasoline? Sa tingin po ninyo ay magiging sapat po ito na kahit papaano po ay maiibsan iyong pag-aray ng ating mga kababayan dito sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo?

DOST USEC. GUEVARRA: Oo, Usec. Rocky. Kasi kapag nag-conserve tayo ng energy, iyong babayaran natin na kuryente, siyempre bababa. At kapag bumaba iyong overall consumption natin ng energy sa bansa ay hindi ganoon kalaki iyong impact ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa ating lahat.

Iyon namang electric vehicle, napansin namin na bukod sa nakakatulong siya, dahil masyadong mataas na ang presyo ng krudo at saka ng gasolina ay makakatulong din ito sa environment natin, kasi ang electric vehicles ay wala silang pino-produce na masamang emission.

USEC. IGNACIO: Pero, Usec, hindi naman po kasi lahat sa ating motorista may kakayahang magkaroon kaagad ng mga nabanggit ano, dahil nga po sa antas ng pamumuhay ng ilan. So, ano po iyong suportang maibibigay natin sa kanila?

DOST USEC. GUEVARA: Usec. Rocky, alam mo may partnership kami with the Department of Energy. Ang una sana natin gustong banatan ay iyong mga e-trike kasi mas marami tayong mga tricycle na mga pinapampasada ng ating mga kababayan. Hindi ko alam kung matutuloy iyong target ng DOE na magkaroon ng vehicle replacement para maging e-trike iyong mga dating mga motorcycles na ginagamit ng ating mga tricycle. Iyon iyong alam ko na maitutulong natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong alternatibo naman pong pamamaraan na inyong mungkahi pagdating sa pagtaas naman po ng presyo ng trigo ay itong “Sagip-Nutri Flour.” Ano po iyong magiging proseso nito, Usec.?

DOST USEC. GUEVARA: Iyong Sagip-Nutri Flour, blends iyan ng powders gawa sa cassava, sweet potato, moringa, squash at saka monggo; lahat iyan ay available locally. Kaya ka kapag gumawa tayo ng flour na iyan, iyan iyong puwede nating pamalit sa paggawa ng mga cookies, power bars, polvoron at noodles, cakes, pastries and so on.

Sa pagkakaalam namin, puwede mong palitan ng mga hanggang 20% iyong mga wheat flour na ginagamit natin. Pero may mga dinivelop na mga recipe itong DOST, ITDI at saka FNRI para magamit itong mga alternative flours na gamit itong mga sinabi kong mga locally available materials at puwede po naming palaganapin itong mga recipe na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa palagay ninyo, Usec., makakatulong talaga ito para kahit papaano ay mabigyan-solusyon itong pagtaas ng presyo ng trigo, ano po?

DOST USEC. GUEVARA: Oo, Usec., kasi kapag gumamit tayo ng mga local na available like cassava, banana at sweet potato, dahil hindi sila imported, murang-mura po ang kalalabasan nung alternative natin sa wheat flour.

USEC. IGNACIO: Ginagawa na po dati itong Sagip-Nutri Flour. Kumusta naman po iyong inyong naging assessment sa mga nagsasagawa o gumagamit nito?

DOST USEC. GUEVARA: Masaya naman tayo sa mga naging resulta nito dahil tini-test natin ang mga produkto, at iyong iba pa namin—bukod sa Sagip-Nutri Flour, mayroon din kasi tayong banana flour at iba pa. Naipakita naman natin sa pamamagitan ng E-Nutribun [Enhanced Nutribun] – kung narinig mo na ito – na produkto ng DOST-FNRI, natanggap po ito ng mga batang kumakain nito pati mga adults na kumakain nito. Sa katunayan po, tinanggap na po ng Department of Education at saka ng National Nutrition Council itong mga produktong na nasabi ko sa kanilang tinatawag na supplementary feeding programs.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin at pagbabahagi ng impormasyon, DOST Undersecretary Rowena Guevara. Salamat po, Usec.

DOST USEC. GUEVARA: Salamat po, Usec.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, atin naman pong kumustahin ang pagdi-deploy ng mga empleyado sa Ukraine ngayong nasa kasagsagan pa rin po ng alitan sa Russia. Patungkol diyan, makakausap po natin si Manila Philippine Overseas Employment Administration Administrator Attorney Bernard Olalia. Magandang umaga po, Attorney.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: [Garbled] Magandang umaga po sa mga nanunood po sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, naglabas nga po ng deployment ban ang pamahalaan, tama po ba ito, sa mga Pilipino nagpaplanong magtrabaho sa Ukraine? Maaari ninyo po bang ibahagi sa ating manunood ang detalye nito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Tama po, Usec. Dahil po tinaas na ng DFA ang alert level doon sa Ukraine, ito po ay Alert Level 4 na [garbled] evacuation. At dahil po Alert Level 4 ang Ukraine, ang POEA governing board ay naglabas naman po noong Miyerkules [garbled] na nagsasabing mayroon pong [garbled] na ngayon sa Ukraine at wala pang papayagang umalis at magtatrabaho pupunta ng bansang Ukraine.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa ngayon ay ilan sa ating mga kababayan iyon pong nagbabalik na pumunta sa Ukraine pero naabutan po ng deployment ban, mayroon po ba tayong datos nito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Sa totoo lang, Usec., alam ninyo po [garbled] ma-deploy ang ating mga kababayang OFWs papuntang Ukraine dahil po noong [garbled] ay nagkaroon na po ng kaguluhan diyan. At noong itinaas ang alert level diyan, wala na po tayong hindi pumayag [garbled] deployment [garbled] at sa katunayan po [garbled] nakakaalis noong 2014 hanggang [garbled]

USEC. IGNACIO: Attorney, babalikan po namin kayo ‘no. Aayusin lang po namin ang linya ng komunikasyon sa inyong bahagi.

Samantala, isang kawang-gawa ang muli pong ipinamalas ng tanggapan ni Senator Go para tulungan ang ating mga kababayan na makabangon ngayon pandemya; mga kabataan naman sa San Juan City ang binigyan ng tulong ni Senator Go. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin ngayon si POEA Administrator Attorney Bernard Olalia. Attorney, magandang umaga po ulit. Balikan ko lang po iyong tanong kanina, ano po: Sa ngayon po ba ay ilan sa ating mga kababayan ito pong nagbalik pumunta sa Ukraine pero naabutan po ng deployment ban?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Sa katunayan po, Usec, alam po ninyo noong 2014 pa hindi na tayo nagpapa-deploy ng ating mga OFWs papunta ng Ukraine, kasi po Alert Level 2 na rin ano. Ang tanging OFWs lamang na nakakaalis doon ay iyong mga tinatawag po nating returning workers o iyong balik-manggagawa. Ito pong 2021, wala po tayong returning workers doon, pero noong last year 2020 may apat po; noong nakaraang taon, noong 2019 may 12 po. Ganoon lamang po kaliit iyong mga bumabalik doon as returning workers ‘no. Sila po iyong mga domestic workers po natin at saka mga skilled and professional workers po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, gaano po katagal iyong inaasahan na deployment ban sa Ukraine?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Hangga’t may kaguluhan, Usec, mananatili po ang Alert Level 4 diyan. Kaya kung magtatagal po iyong kaguluhan diyan, magtatagal din po iyong ating alert at ganoon din po iyong deployment ban sa Ukraine.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa mga OFW nating nasa Ukraine, kumusta po iyong kanilang lagay ngayon doon, Attorney?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Iyon pong land-based natin, halos lahat po sila ay na-evacuate na ng ating ahensiya ng DFA kasi po, naabisuhan na sila. Ang tanging naiwan na lang doon ay iyong ayaw pong umalis na may mga kani-kanila nang pamilya, nakapag-asawa na po ng Ukrainian.

Ang challenge po natin ngayon ay iyong ating mga seafarers, kasi mahigit 473 ho iyong affected seafarers na iyong kanilang vessels ay nakadaong pero hindi sa lugar ng Ukraine ibinaba ‘no. Mabuti na lang po iyong Philippine Consulate, ang POLO at lahat ng ahensiya ng Philippine government napauwi na po natin iyong mahigit 100 na seafarers po natin at arriving na rin po iyong halos 140 natin na seafarers. Ang naiiwan na lang po doon ay mga mahigit 200 na kasalukuyan pa pong onboard at inaasikaso natin kung papaano natin sila mairi-repatriate, using humanitarian corridor kung tawagin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pero ano pong pag-aalala iyong binibigay natin sa mga kababayan nating OFWs sa Ukraine, iyon pong natigil iyong pagtatrabaho dahil sa krisis doon?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Ang atin pong Department of Labor and Employment, sa pangunguna po ng OWWA ay may mga maibibigay sa mga OFWs na nanggaling sa Ukraine at na-disrupt iyong kanilang trabaho. Mayroon po silang cash assistance at napakarami pong programa na puwede nilang i-avail, nandiyan po ang livelihood, nandidiyan po ang iba’t ibang mga training, katulad din po ng nanggagaling sa ating TESDA, iyong up-skilling po kung tawagin. At habang naghahanap po sila ng trabaho, puwede rin naming i-refer ng POEA, sa atin pong mga registered employers natin na kung saan may mga approved job orders naman kung gusto po nilang magtrabaho sa ibang bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ito nga pong POEA ang mag-a-assist sa mga returning OFWs mula sa Ukraine para po makahanap ng bagong trabaho sa ibang mga bansa. Ano daw po iyong magiging proseso nito?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Opo. Dalawang klase po kasi iyan. Mayroon po tayong tinatawag na agency hires. Iyong agency hires po natin, pupunta lamang po sila dito sa POEA at tayo po mismo ang maghahanap ng mga job order, ima-match po natin iyong kanilang skills, iyong kanilang experience doon po sa mga available job orders at tayo po ay makikipag-coordinate naman sa mga licensed recruitment agencies dito na kung saan puwede po ang job orders na iyon.

Iyon naman pong tinatawag na direct hire, kapag mayroon po silang mga kamag-anak o mayroon po silang kakilalang employers abroad at available po na bigyan sila ng trabaho, tutulong po tayo doon sa pagpoproseso ng kanilang direct hire application [inaudible].

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa ngayon ba, Attorney, ilang mga OFW na iyong natulungan na magkatrabaho sa ibang bansa? Mayroon na po ba kayong datos na nabigyan na po ng trabaho?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Sa ngayon po, Usec, pinakaimportante po sa kanila muna, iyong makapiling iyong kanilang mahal sa buhay ngayon ano, kasi kararating lang po nila. Hayaan po muna natin silang ma-reintegrate dito sa ating bansa at makapiling ang [kanila pamilya] dahil sa sandaling panahon na inilagi nila sa Ukraine, alam din natin iyong stress nila doon, lalung-lalo na noong panahong ni-repatriate po sila. Kapag ready na po sila at nais na po nilang magtrabaho muli, tutulong po ang ating ahensiya para po hanapan sila ng trabaho.

USEC. IGNACIO: Bukod po diyan ay my cash aid at college scholarship din po kayong ipapamahagi sa ating mga kababayang OFW mula sa Ukraine? Maaari po ba ninyo kaming bigyan ng detalye dito?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Tama po iyon, Usec. Ang DOLE at lalung-lalo na ang OWWA po ay may mga cash aid na 200 dollars para po doon sa ating mga OFWs na galing ng Ukraine at napakadami pa pong assistance – nandiyan po iyong educational assistance na puwede pong ibigay doon sa mga anak ng mga OFWs na galing ng Ukraine, nandiyan din po iyong livelihood assistance na kung saan puwede po silang magkaroon ng pagsasanay at sila po ay tuturuan ng ating mga OWWA at ng mga ahensiya po para po kung nais nilang mag-business ay bibigyan po natin sila ng entrepreneurial skills. Ilan lang po iyan sa assistance na puwede nilang i-avail.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may pahabol lang pong tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano daw po ang update sa process sa pag-create ng Department of Migrant Workers? May timeline po kaya kung kailan po mailalabas ang proposed budget for the new department? Kung this year daw po ba ito?

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Naku, napakaimportante po ng katanungan na iyan, Usec. Alam po ninyo sa kasalukuyan po ang Transition Committee ay nagbabalangkas ng IRR, kung tawagin ay Implementing Rules and Regulation. At dahil transition period po tayo ngayon, hanggang sa siyasatin po ng TransCom iyong ating IRR, iyong ating [unclear] at lalung-lalo na iyon budget na dapat po ma-include sa 2023 GAA budget iyong budget po ng DMW, napakaimportante po ito para pormal na pong ma-constitute at [maintindihan] iyong Department of Migrant Workers natin na siya pong mag-i-integrate ng pitong ahensiya, kasama na po ang POEA as the core department na siya pong tutulong para po sa proteksiyon ng ating mga minamahal pong OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kunin ko lamang iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan na nais pa ring magtungo sa Ukraine o magkatrabaho sa ibang lugar sa kasalukuyan at lalo na po sa ating mga OFWs.

POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Salamat po, Usec., sa opportunity. Para sa mga kababayan po nating OFWs, tandaan po ninyo marami po ngayong mga online offers, mag-ingat lamang po, iwasan pong maging biktima ng illegal recruitment at human trafficking. I-verify po natin sa POEA website, iyong validity ng JOs po na iyan, www.poea.gov.ph.

Sama-sama po nating puproteksiyunan ang inyo pong mga karapatan para makaiwas po kayo sa illegal recruitment ngayong panahon po ng pandemya. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong panahon, POEA Administrator, Atty. Bernard Olalia.

Dumako muna tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Kasama po si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, paumanhin, Al Corpuz ng Radyo Pilipinas.

Ang pinakahuling kaganapan sa Davao Region, hatid sa atin ni Clodet Loreto.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Maraming salamat din sa inyong pagsama sa amin ngayong araw. Magkita-kita muli tayo bukas.

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center