Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Epekto nang patuloy na pagsipa sa presyo ng produktong petrolyo sa harap ng tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang pinakahuling update sa vaccination rollout – ilan lang po iyan sa mga usaping ating hihimayin ngayong araw ng Sabado.

Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Mga kababayan, simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH!

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na sana’y hindi na lumala pa ang krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia dahil kung iigting pa ito, damay aniya ang buong mundo. Sa kaniyang talumpati kahapon sa Ilocos Sur, iginiit ng Pangulo na sa ngayon nananatili pa ring neutral ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa issue. Bagama’t aminado rin siya sa takdang panahon kailangan ding mamili ng bansa kung saan papanig. Kasabay nito nagbabala rin si Pangulong Duterte ukol kay Russian President Vladimir Putin na ilang beses na niyang nakaharap noon.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Paano nga ba pinaghahandaan ng pamahalaan ang epekto nang tuluy-tuloy na pagsipa ng produktong petrolyo kasabay ng nagaganap na sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia, makakausap natin sa puntong ito si National Economic and Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon. Good morning po, Usec.

NEDA USEC. EDILLON: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa kabila po nang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, napanatili naman po ng bansa itong inflation rate sa 3% sa buwan ng Pebrero; pero ano po iyong nakikita dito ng NEDA?

NEDA USEC. EDILLON: Yeah. Totoo nga po ‘no na maganda ang naging takbo ng ating presyuhan noong February. Ang tingin po din namin is going forward, ang binabantayan talaga namin dito iyong magiging sipa sa presyo ng mga pagkain kasi iyon ang talagang, you know, basic need.

So ang una sa lahat po, binabantayan namin nang mabuti talaga iyong kalakaran sa presyuhan ng langis, of course iyong nangyayari sa Ukraine and Russia and then kung paano ang magiging epekto nito at ano iyong puwedeng magawa ng pamahalaan para dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po ang tanong ng ating kasamahan sa media, Usec. Magkapareho po ng tanong sina Faith del Mundo ng TV-5 at Nico Waje ng GMA News: Ano daw po iyong epekto ng oil price hike at pagtaas ng presyo ng iba pang commodities sa inflation for February and March?

NEDA USEC. EDILLON: Noong February po, although mayroong pagtaas sa ano ‘no, nakita na rin natin iyong pagtaas sa fuel – iyong electricity, gas ang other fuels – ang naging inflation po nito ay 12.8%, iyong private transport 29.8%. Pero nakita po natin—kasi ang pinakamalaking basket po talaga sa inflation iyong ating food ‘no. Ang food po kasi is mababa po iyong food inflation natin, 1.1% nang dahil sa maganda po iyong naging mababa ang inflation para sa meat, para sa fish. So ito po iyong nakatulong po para sa pagbaba.

Ganito nga po iyong gusto naming mangyari, na una sa lahat, kailangan talaga magbukas ang ating ekonomiya para dumami po iyong produksiyon, masolusyunan din iyong ating mga supply chain bottlenecks. Kasi kung lahat po bukas, iyong mga sektor po ay lahat ‘to, so maiibsan po natin iyong supply chain bottlenecks na iyon, mababawas po iyon sa magiging karagdagan ng presyo. So iyon po ang isa sa talagang nakikita naming agarang solusyon dito ‘no, kailangang magbukas ang ating ekonomiya para mapababa natin ang presyo especially po iyong sa food, iyong food prices po.

Tulad ng nasabi ko, with respect with iyon pong electricity, gas and water, malaki nga po ang naging inflation dito. Pero sa ngayon po—well noong February hindi po natin masyadong naramdaman nga sa—on the overall prices of commodities but that’s not to say po na itong dadating na March ay hindi na po ito makakaapekto. Kaya talagang importante rin po na padamihin pa natin iyong supply, iyong ating produksiyon tapos kasama na rin po diyan siyempre iyong demand management po para sa gasoline, sa fuels – iyong mga oil-based po na commodities.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Usec., hindi ninyo nakikitang ito pong posibleng 3% ay tumaas ngayong buwan at hanggang ilan po iyong—in case lang po, inaasahan naman na itataas nito?

NEDA USEC. EDILLON: Ito pong sa—iyong sa February po iyong nakita natin ‘no na hindi pa masyadong nakaapekto iyong oil price increase noon. Pero siyempre iba na naman po ang magiging kalakaran pagdating nitong March ‘no, kasi siyempre mag-uumpisa na naman siya sa mataas, then pataas nang pataas. Pag-uusapan pa lang po namin sa Lunes actually ‘no, magpapalitan kami ng analysis with the Bangko Sentral and with the DOF.

May ginagawa na rin pong analysis ang NEDA and then titingnan po namin kung ano iyong lumalabas sa aming mga estimates para dito at kasama na rin po iyon pag-uusap ng… ano na iyong dapat nating gawin dito. ‘Pag once nakuha namin iyong estimate saka—kasi ganoon din po sa dati—tulad ng dati naming mga ginagawa, ano iyong immediate na kailangang ibigay natin na solusyon, ano iyong short term and then of course iyong medium and the long term solution.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN News: How are ordinary people daw po and businesses bracing for the effects of oil prices and impact on power rates, prices of commodities and transport fare?

Follow up po ni Nico Waje ng GMA News: May epekto ba ang oil price hike sa presyo po ng kuryente?

NEDA USEC. EDILLON: Iyon pong sa presyo ng kuryente, mayroon po tayong nakikitang two possible reasons ‘no para sa makakaapekto sa kaniya – siyempre iyong oil price as an input price, pangalawa rin po dito iyong foreign exchange, kasi marami po sa inputs sa paggawa ng kuryente ay ini-import natin so malaki pong bagay iyong sa foreign exchange na ‘to. Nakita na rin po natin iyong isa sa naging epekto rin nitong Ukraine crisis on the peso na nag-depreciate po iyong ating peso pero not to worry naman po kasi malaki po ang ating reserve. So ang tingin naman namin diyan, hindi rin naman siguro magkakaroon ng, you know, ng speculative tax dito, wala pong gusto dito sa nangyayari na ito.

Tulad po ng sinabi ko, magkakaroon nga po ng pag-uusap ang economic managers. Nito pong nakaraang linggo, iyon po ‘yung masusi naming monitoring and then analysis and then estimation at saka iyong pagbubuo-buo nga po ng mga programa na puwede nating isaalang at Lunes po, mag-uusap-usap po iyong economic managers.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pagdating naman sa bilis o iyong momentum ng economic recovery ngayong taon, ano po iyong inaasahan natin na considering nga po na naibaba na tayo sa alert level ang NCR at iba pang lugar, pero patuloy naman po iyong pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo at ito nga pong nangyayaring tensiyon sa Russia at Ukraine?

NEDA USEC. EDILLON: Opo. Malaking bagay po iyong napunta na sa Alert Level 1 especially ang NCR at saka iyong mga karatig na lugar. Ang gusto nga po naming mangyari is lahat na talaga ‘no, na buong Pilipinas na, malagay na sa Alert Level 1 kasi isa rin po talaga ito sa makakatulong para ma-cushion natin iyong impact nitong Ukraine crisis. Kasi mayroon pong mga nagsasabi kasi na marami rin sa oil price increase na ‘to is still, you know, because of speculation.

Pero ang isa pong pangsangga dito is iyong real na supply ng mga commodities especially po iyong food commodities – food commodities na ang tingin namin ang makakatulong talaga ng husto dito is kung lahat po ng sektor ng ating ekonomiya ay papayagan na pong makapag-produce ng goods and services. So sana nga po ay magtuluy-tuloy na itong pagluluwag ng ating economic activity, mawala na itong mga economic restrictions natin. Kaya kailangan po natin ng cooperation nang lahat-lahat. Nag-set naman po talaga ng parameters na ang IATF kung ano ang kailangan makamit ng mga bawat lugar-lugar especially po iyong vaccination rate para nga po makapag-Alert Level 1 na tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Opo. Usec, tanong po ni Paul Samarita ng TV 5: Late last week daw po, a jeepney group filed a petition sa LTFRB demanding to increase the minimum fare of jeepneys to P15 from P9.00. Feasible po ba ito para sa NEDA?

NEDA USEC. EDILLON: Mayroon pong proseso dito ‘no. So ang part po ng NEDA lang is iyong sa recommendatory, iyong analysis and of course the recommendation. Patuloy pa rin po, ongoing pa iyong pag-aaral na ito at sa March, ang alam ko po ay March 8 ang magiging hearing. So hintayin po natin iyong magiging resulta po ng hearing na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa ring tanong ni Paul Samarita, although may nabanggit rin po kayo: Update lang po sa nilulutong P2.5-B fuel subsidies para daw po sa PUV drivers. If so, kailan po nakikitang maipapatupad ito at paano po nakukuha ng mga drivers ito?

NEDA USEC EDILLON: Ang competent authority po talaga dito is the DBM and the DOTr at ang alam ko po ay naaprubahan na ni Presidente ‘no. Ang pagkakaalam ko rin iyong sa mga PUV drivers kagaya po ng Pantawid Pasada. Kaya maganda nga po na mayroon na tayo noong dating programa. So doon din po iyon sa kanilang ATM cards makukuha.

USEC. IGNACIO: Opo.

NEDA USEC. EDILLON: Pero kung mayroon pa pong mga karagdagan na guidelines, ang mas maganda pong tanungin dito ay ang DOTr.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumustahin ko na rin po iyong binabalangkas ng NEDA na Phase 5 ng National Action Plan. Ano na po ang update dito, Usec?

NEDA USEC. EDILLON: Opo. Actually nga po magpi-present po kami sa IATF this week. Ang gagawin po namin ay in phases kasi medyo marami po ang kalalamanan ng National Action Plan Phase 5. So nandito na nga po ang kung ano na iyong magiging revisions ng ating PDITRV Protocols – iyong prevent, detect, isolate, treat, reintegrate and vaccinate protocols. Ano iyong magiging revisions niya during the time na wala na tayong alert levels, iyon!

Tapos ang tinitingnan din po natin dito ay sa pag-imbentaryo po ng mga facilities na constructed for the COVID. Iyong iba po dito mga temporary treatment and management facilities, iyong TTMF nga po. Iyong iba mga modular hospitals, iyong iba ni-refurbish natin na facilities. So iimbentaryo po ito and then magkakaroon na kaagad ng determination or ano iyong recommended na use dito, alternative use. So isa rin po iyon sa gagawin.

And then nagbabalangkas na rin po kami ng tinatawag naming pandemic response playbook. Simulan muna sa pag-codify po ng lahat ng mga ginawa, especially iyong mga naging IATF resolutions. Ano iyong context bakit iyon ang naging response. Ito ba ay patungkol sa prevent, detect, isolate – mga ganoon po. Iyon po ang kalalamanan ng National Action Plan Phase 5 na hopefully nga po makakatulong ito sa susunod na administration at sa susunod na susunod pa po na generation. Kung halimbawa they will be faced with the same situation, medyo malalaman nila kung paano ang ginawa natin at magkakaroon na rin kami doon siyempre ng recommendation.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa ibang usapin naman po. Tungkol naman po doon sa P12-T, ito pong outstanding loan ng bansa, may binubuo po ba ang Department of Finance na fiscal consolidation plan? Ano po iyong mga inaasahang lalamanin at pinaka-focus nito?

NEDA USEC EDILLON: Opo. Medyo nagtsa-choppy po ano, Usec. Rocky, pero I think you are [asking] pertaining to the debt stock and the fiscal consolidation plan? Tama po?

USEC. IGNACIO: Opo.

NEDA USEC EDILLON: So iyon pong sa fiscal consolidation plan, ang pinaka-numero uno po talaga na dapat gawin natin is to grow the economy. Kasi kung mas magiging mas malaki naman po iyong magiging growth natin kaysa sa paglaki ng interest payments na kakailanganin, makakaabante po tayo ‘no. So iyon po ang isa talaga, we need to grow the economy. So primarily po dito is to make sure that we reopen the economy and then we become resilient.

So mayroon po kaming, mayroon din po kaming binabalangkas actually under the NAP Phase 5 di ‘no na ano iyong mga nakikita namin na dapat steps natin para maging resilient tayo against future pandemics, ibabalangkas din namin iyon sa NAP Phase 5. So iyon nga po iyon, grow the economy. Pagkatapos, in terms of the expenditure, siyempre mag-focus tayo doon sa mga expenditure that will improve our productivity.

Tapos siyempre, by the way, iyon pong pag-grow ng economy kasama po iyong pag-attract ng investments. Mayroon na rin pong binalangkas na SIPP, Strategic Investment Priority Plan kasi tingin namin ito iyong mga investments that will really propel us to a higher growth rate, so iyon po talaga. And then susunod nga po iyong expenditure, you know, tanggalin iyong mga fats. Iyon po ang nasa mga sa expenditure consolidation.

Tapos iyon pong mga revenue generation, so naggagawa rin po ang Department of Finance nang anu-ano pa iyong mga tingin pa nila para i-simplify natin iyong taxation natin kasi kapag halimbawa komplikado po iyong taxation dito po iyong parang nawawalan ka nang ganang magbayad kasi napakakomplikado ng proseso. So we simplify the taxation, we plug iyong mga leaks ba, kasama po iyon sa magiging package on the revenue side po.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Balikan po natin si Usec. Edillon. Usec., may pahabol pa pong tanong ang ating kasamahan sa media. Mula po kay Jena Balaoro ng GMA News: Sa tingin ninyo [garbled] magandang ekonomiya ang iiwan ng Duterte administration sa gitna ng mga problema kaugnay ng [garbled] at iba pa? [Garbled] problema ba ang iiwan tulad ng malaking utang ng gobyerno?

NEDA USEC. EDILLON: Opo ‘no. To be fair po ‘no, itong mga kinaharap natin ngayon ay kinaharap din po ng ibang bansa ‘no – hinaharap ng ibang bansa like the COVID-19 and then itong Ukraine crisis. Actually nga po maganda nga po na—well hindi naman maganda ‘no pero ang silver lining nga po nito ay noong time po na hinarap natin itong COVID-19, mayroon na po tayong mga repormang nagawa ang pinakaimportante po talaga doon sa—we think ‘no, doon sa reporma na iyon is actually iyong TRAIN Law and then the Rice Tariffication Law na binigyan po tayo ng ano, naiayos po iyong kalakaran para sa ating—iyong pagsasaka ng bigas, iyon pong RCEF nakatulong po nang malaki para maitaas ang productivity po ng ating rice farmers; so nandoon po iyong mga foundation ‘no, foundation po ng mga reforms.

In fact ang iiwan nga po ni Pangulong Duterte going forward po ay marami po sa mga, iyong tinatawag namin na parang matagal na nating hinihintay na reporma ‘no para makausad talaga ang ating ekonomiya – iyon nga pong sinulong namin na amendments sa Foreign Investments Act, sa Retail Trade Liberalization Act and then iyon pong Public Service Act. Ang isa pa nga po palang nakatulong din sa atin ‘no during this pandemic, iyon pong ARTA Law – iyong Anti-Red Tape Authority. So kung iisipin ninyo po, again nang dahil po dito sa ARTA Law na ito, napabilis po natin iyong proseso ng pagtayo ng mga cell sites, iyong towers ng mga telcos kaya bumilis po iyong ating internet connectivity. Mayroon pa rin pong mga glitches, yes, iyon naman po ang sana po ay matugunan naman noong Public Service Act.

So marami pong mga naging reporma na ang tingin namin ay, number one, nakatulong nga po noong pandemic and going forward talaga pong mas magiging ano tayo, mas magiging kumbaga resilient tayo ‘no, mas magiging handa po tayo sa susunod. Iyon na nga pong PhilSys ID, kunwari iyong national ID, 57 million na iyong registered although nagkakaroon ng glitches ngayon sa pag-print noong ID ‘no kasi napabilis iyong registration. Pero again going forward, kung lahat po tayo may national ID na mayroon pong kakambal na savings account, mas madali nga rin po ang mangyayari doon sa mga ano, pagbigay ng mga cash assistance natin kung kakailanganin later on.

Marami po tayong nagawa in terms of mga digital transactions so marami pong iiwan na mga magagandang reporma na hindi naman po nasayang kahit na nitong—na nag-pandemic tayo and we will build on these gains para po mas makausad pa ho tayo nang mas mabilis after we go through this COVID-19 pandemic at hopefully nga po ma-resolve na nang mabilisan lang itong Russia-Ukraine crisis.

USEC. IGNACIO: Okay. [Garbled] sa inyong panahon at impormasyon, Undersecretary Rosemarie Edillon ng National Economic and Development Authority. Salamat, Usec.

NEDA USEC. EDILLON: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Patuloy po ang pagpapalawig ng Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Umaasa naman si Senator Go na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga nasimulang mga programa ng Pangulo. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Hindi na lang po mga motorista at mga magsasaka ang umaaray sa gitna nang patuloy na paglobo sa presyo ng produktong petrolyo epekto ng krisis sa Ukraine at Russia. Hindi pa nga bumababa ulit, may nakaamba na naman pong panibagong oil price hike sa susunod na linggo, aalamin po natin ang mga hakbang para maibsan ang pasanin ng ating mga kababayan. Kaugnay diyan, makakasama po natin si Attorney Rino Abad, Director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy. Good morning po, Attorney.

DOE DIRECTOR ABAD: Magandang umaga, Usec. Rocky. In behalf of the Department of Energy, magandang umaga sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa ngayon kumusta po iyong estado ng supply ng petrolyo sa bansa? Sapat po ba ito at paano rin nakikipag-ugnayan ang DOE sa mga oil companies kaugnay dito? Ganito rin po, Attorney, iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Nico Waje ng GMA News: Ano daw po ang napagkasunduan sa meeting kahapon nina Secretary Cusi kaugnay dito sa mga taas-presyo?

DOE DIRECTOR ABAD: Usec. Rocky ano, ang inuna po talaga ni Secretary Cusi kahapon sa meeting with the oil companies – number one, siniguro nga po, kinonfirm iyong report ng mga individual oil company doon sa compliance sa minimum inventory requirement. At dito po nakikita po natin sa monitoring na itong as of February 28, Usec. Rocky, weekly po iyong ating monitoring. So as of February 28, ang ating finished petroleum products ay umaabot ng average of more than 40 days supply. So iyan po ang inuna ni Secretary at iyan naman ay sinagot at kinonfirm ng ating mga oil companies.

Iyong pangalawa po ay iyong tinatanong po ni Secretary Cusi kung may reported na ba na supply disruption at ito ay kinonfirm naman ng mga oil companies na wala pong ganitong pangyayari to date na nai-experience nila, but definitely ang kanilang nai-experience ay iyong malakihang pagtaas ng import po sa petroleum products.

Napag-usapan din iyong usapin na magkaroon ng discussion with Philippine National Oil Company dito po sa usapin ng pagsisimula ng tinatawag na strategic petroleum reserve program sa Pilipinas at ang una pong diskusyon diyan ay ang alamin ang mga available spare capacity ng storage tanks ng mga oil company. At dito po, sinuportahan naman po ng ating industriya sa private sector at ang direktiba po ng ni Secretary Cusi ay mag-uusap na po nitong mga darating na araw. Mag-uusap po iyong sektor, private sector at direkta na po kay Philippine National Oil Company para po alamin at pag-usapan iyong spare capacity na iyan.

Iyon po Usec. Rocky, at mayroon pong dinagdag si Secretary Cusi na updates sa mga initiative ng gobyerno kaya doon po napag-usapan iyong Pantawid Pasada, iyong fuel discount program ng Department of Agriculture.

Iyong fuel discount, nagpasalamat din si Secretary Cusi sa fuel discount offer, ongoing offer nitong ating private oil sector na umaabot from P1.00 to as high as P4.00 per liter. So doon po nagkaroon po ng pag-uusap na kung anumang any report na adverse doon sa sitwasyon natin ngayon in terms of supply disruption at kung ano pang mga usapin sa government side na puwedeng makatulong para mas mabilis na makapasok ang supply sa Pilipinas ay sinasabi kaagad ni Secretary na ipaalam kaagad sa amin at agaran po naming aaksiyunan. Iyon po Usec. Rocky, in a nutshell iyong kabuuan ng napag-usapan kahapon.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, follow up lang po ‘no, paano po ang mangyayari dito sa nabanggit ninyo nga kaninang planong strategic petroleum reserve? Ano po iyong magiging sistema dito, Attorney?

DOE DIRECTOR ABAD: Well, una pong challenge kasi Usec. Rocky ay magkaroon po ng tinatawag na feasibility study. Ang PNOC po ay maghahanda nang study na iyon, aaralin kung ilan ba ang puwedeng marentahan na space ng storage tank at kung pupuwede ba for the meantime na wala pang facility ang Philippine National Oil Company ay puwede bang mag-rent out tayo even down to the discharge ng petroleum product.

Kasi ginagamit natin ito, Usec. Rocky, hindi sa ordinary circumstances. Itong petroleum reserve ay gagamitin po natin ito kung mayroong mga supply disruption. Internally kung mayroong for example disaster na nangyari at nagsasara iyong commercial establishment diyan po papasok iyong government para magkaroon ng stock gap measure muna habang wala pa iyong commercial establishment. Ngayon, kapag talaga ang supply disruption ay external at ito ay magku-cause ng supply shortage sa ating bansa ay iyan po ang gagamitin para isuporta doon sa sinabi ko na kaninang private sector na minimum inventory requirement.

So itong dalawang ito iku-combine sana natin para lalong tumaas iyong ating reserve sa bansa – private and government. At itong government na ito, when finally ima-manage na niya iyong supply disruption ay unti-unti itong ibibigay sa mga priority sector na uunahin na mabigyan ng supply. Iyon po ang idea po nitong strategic petroleum reserve.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may tanong po mula kay Paul Samarita ng TV 5: Do we have buffer supply of fuel in the country for both consumer purposes like sa kotse at through industrial use and for energy purposes daw po as well if things turn worst?

DOE DIRECTOR ABAD: Well Ma’am Rocky, ilagay lang natin sa perspective ano iyong crisis na iyan na supply na pinag-uusapan. Ang ating supply po na worst case scenario ay umaabot lang ng Russian oil export of around five million barrels per day out of 100 million supply globally. So that’s around 5%. So we would like to emphasize that, that with that magnitude hindi po tayo nag-e-expect ng global crisis. But definitely there will be a tightening of supply ‘ika nga at iyan po ay iisipin natin na challenge but the same time we will also be expecting that the OPEC Plus including the non-OPEC member countries who are our suppliers outside of Russia will actually slowly meet that demand kasi definitely mawawala po iyong market share na iyan ni Russia kung sakaling ma-sanction iyan at pupunan po iyan kasi market share po iyan at may kukuha po talaga diyan.

So the second part is our domestic supply, Usec. Rocky. As I’ve said ang ating minimum inventory requirement per regulation natin ay 30 days supply sa refinery at iyong mga direct importer po ng liquid fuel ay mini-maintain lang po iyong 15 days’ supply availability at iyong LPG importer ay nagmi-maintain ng seven days. But as I’ve said earlier, ang monitoring po natin as of February 28, sumusobra pa po ng average of 40 days.

So iyan po ang sitwasyon natin at kinonfirm din po sa meeting kahapon na most of our oil companies have a global trading arm. We can only think of Caltex for example, Shell, Petron, Phoenix who are capable of trading in Singapore for example that are engaged doon sa merkado na global po ang trading. So definitely they will access as much as possible na kailangan po natin iyong supply in the coming days beyond the 40 average available day supply. But then iyon nga lang, inuulit lang nila na nagiging subject tayo sa price taping ano, kung anong nangyayaring price sa international market ay naipa-pass on po dito sa domestic market natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Itanong ko na lang po muna itong tanong ni Jena Balaoro ng GMA News: Dapat ba maramdaman na ang pagtaas ng petroleum products gayong old supply pa naman po ang binibenta ng mga gas companies at kailan ito dapat maramdaman?

DOE DIRECTOR ABAD: Usec. Rocky, salamat sa tanong na iyan at finally siguro maa-address na natin ang sagot diyan. When we deregulated ano, we moved away from matching prices to the inventory. One basic logic diyan is number one, iyong import cost po natin when we deregulated ay nadidetermina na po iyan when we talk about competitive price. Ganoon po ang ginawa sa deregulation, that consuming public should receive competitive price.

Unfortunately, itong competitive price is only market based price na nakukuha natin in terms of the import cost na around 60 to 70%. So ano ba ang pinaka-neutral at pinaka-logical na basis ng competitive price kundi iyong international price determined doon sa international market kaya kinukuha po natin iyan at hindi po pupuwede na maging discretionary iyan sa oil company. Maganda sana discretionary sa kanila, ibaba nila. Pero definitely ang idea diyan is wala na po iyong government na nag-regulate then reflect what is happening in the international market because that component is around 60 to 70%.

Now may discretion naman tayong ina-allow ano sa lohiko ng competitive price, iyong 30% kasi iyan ay operating cost at profit margin ng oil company. Kaya lamang iyang 30% na iyan, ang nakakaalam po niyan at dumidiskarte diyan ay ang mga oil company. So kung makikita natin, mayroon silang mga marketing strategy from giving one peso to four pesos discount.

So diyan nangyayari iyong discretion at naintindihan natin iyon kasi those are the cost part na ginagastos at dinidiskartehan ng oil company. But definitely itong 60 to 70 percent na market-based should be reflected as it happens internationally. Otherwise ‘pag discretionary na naman po iyong the rest of 70% eh parang hindi na competitive price iyan, nagiging discretionary na po ang price. Iyon po, Usec. Rocky, ang kailangan nating i-maintain para ma-preserve po natin iyong sinasabi sa Deregulation Law na ang consuming public must receive competitive price.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, pero sa susunod na linggo napipinto na naman po ang pagsipa ng presyo sa produktong petrolyo. Nasa magkano po ang inaasahan daw itataas nito? Ganito rin po iyong tanong ni Faith del Mundo ng TV-5 at ni Nico Waje ng GMA News: Ito daw po ba ang highest ever na oil price hike kung sakali at ano daw po iyong magiging epekto nito sa LPG?

DOE DIRECTOR ABAD: Usec. Rocky ano, para lang makita ang perspective. Noong average na Dubai crude price noong January 2022 is around 83.46-US Dollar per barrel. Ang naging average ng February 2022 is umakyat na po ng 92-US Dollar per barrel at itong last natin na monitoring, March 3, ng Dubai crude is around 116.19. So dati iyong nasa end ng month of February, ang average po natin for example sa gasoline, ang common price po is umaabot na ng 68 to 70 iyong pump price. So you could just imagine, 92 pa lang po iyon sa Dubai crude oil at aakyat na po tayo sa around 116 this week.

So definitely, Usec. Rocky, makikita mo na mayroon talagang malakihang pagtaas next week. Iyon nga lang, Usec. Rocky, I really cannot give the public in advance the exact amount. Sa estimate namin, kasi inaalagaan po natin iyong non-influence ng department sa private sector alinsunod na rin po sa ating batas sa Philippine Competition Act. Ayaw po nating maimpluwensiyahan ang magiging desisyon ng mga oil companies next week.

But ang masasabi lang po namin dahil sa binibigay kong mga figure sa Dubai crude price, malakihan po talaga – from 92 to 116. So iyon po ang—8 plus 6, that will be 14 dollars per barrel na increase na we will be expecting na ipa-pass on po ng oil companies next week. So iyon lang po, Usec. Rocky, I hope you understand iyong limitation po ng Department of Energy in terms of stating the exact adjustment amount.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, tanong po ni Paul Samarita ng TV-5: May we know daw po what is the main reason behind this huge increase? Was it because tensions in Europe are escalating even further?

At ang follow up naman po ni Jena Balaoro ng GMA News: Itataas po ba ng four to five pesos per liter, ito po ba iyong projection daw po ng oil industry?

DOE DIRECTOR ABAD: Sa unang tanong, Usec., ilatag ko lang nang mabilis ano. Noong magsimula ang taon, naobserbahan nga kaagad natin na increase na tayo nang increase for—in fact to date, that is nine successive increases at may ini-expect nga tayo next week na pang-tenth. Iyan po ay kadahilanan noong magsimula ang taon, ang OPEC Plus po na oil production ang may kakulangan po na ang estimate po ng International Energy Agency ay umaabot ng one million barrels per day.

May spare capacity po ang OPEC Plus, umaabot pa po iyan ng 2.4 at around another 2.4 na galing kay Iran and Venezuela. So iyong existing ngayon na available spare capacity, ayaw pong magdagdag ni OPEC Plus – ang gusto lang po niya staggered lang po siya ng 400,000 increase per month even up to April. Ang masakit pa doon, Usec. Rocky, noong January ang reported po na increase out of sa target nila na 400,000 barrels ay 10,000 barrels lang ang actual na na-increase. At ang target po ng Platts report sa February naman ay hindi aabot din ng 400 – 185,000 lang. So in other words, even the target itself na kulang nga, iyong actual hindi pa nga umaabot – lalo pa ang kulang.

Ang pangatlo po na rason diyan ay itong non-OPEC supply. Unfortunately iyong Platts report na naman po natin nagsasabi na the first six months ay wala po tayong ini-expect na increases from the non-OPEC. But the increases will come in the second half of 2022 so that will be around July to December – so wala po from January to June.

Again iyong subject naman ng sanction ngayon na puwedeng bumura, puwedeng magwala doon sa one million na iyon na kakulangan – 700,000 barrels from Iran na puwedeng i-ramp up iyan and then 500,000 barrels to 1.5 million barrels per day from Venezuela – iyon nga lang, subject po ng sanction ng US so hindi nailalabas po iyan.

At tama po kayo, Usec. Rocky, itong Russia-Ukraine wala pa pong actual sanction sa Russian oil export. But yet, naobserbahan na natin sa market iyong pag-i-increase ng price and definitely klaro po ito na this is brought about by speculation in price; so iyon po in summary, iyong nangyayari noong magsimula pa ang taon hanggang ngayon.

Itong pangalawang tanong, Usec. Rocky ano, sa estimate ano. Again I really cannot state anything categorically doon sa amount. Puwede po after na po mag-actual adjustment next week, puwede na po kaming magsabi but we really have to abide with the Philippine Competition Act of non-intervention muna doon sa market. Otherwise ang statement namin puwede pong makaimpluwensiya at baka nga—sabi pa nga ay baka sundin na mismo ng mga oil company, baka naman mataas ang estimate namin at sundin na lang po nila – hindi po pupuwede iyon.

USEC. IGNACIO: Opo, Attorney. Tanong po mula kay Paul Samarita ng TV-5: Do we see pump prices to normalize at around the 40 pesos level in the coming months or is the inflation daw po beating us due to rising [garbled] commodities?

DOE DIRECTOR ABAD: Well under the circumstances, Usec. Rocky ano, when we started looking for the reports on the projection way back January 2022, nasa 83 pa nga and the report already showed us na puwedeng umabot ng 120. And sure enough nitong March 3, nakita na natin umabot na ang Dubai ng 116-US Dollar per barrel. So wala po talagang klaro ngayon na magbibigay ng indication na bababa pa. But there are theories naman, Usec. Rocky, hindi naman sa wala nang pag-asa ano, there are theories na ganito po ang mangyayari for the next weeks.

Dahil po sa epekto nitong conflict between Russia and Ukraine, dalawang malaking bansa iyan including iyong combined sanction ng US, UK at EU, ito po’y tiniteyorya po na dahil sa mahigpit na sanction na iyan, ang effect po niyan ay magkakaroon po nang paghina iyong global economy especially those that are transacting business with both Russia and Ukraine At dahil diyan, ini-expect din na susunod iyong paghina ng demand ng oil.

So kung hindi man tumataas ang supply gaano pero kung bumaba naman iyong demand, at least iyong equation po ng supply balance would be—mari-reverse po at baka magkaroon po naman tayo ng over supply and with that, baka po magkaroon ng rollback. But we need to monitor that development in the coming weeks o months. Iyon po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin ngayong umaga at pagbibigay ng mahalagang impormasyon, Attorney Rino Abad, Director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy. Attorney, salamat po

DOE DIRECTOR ABAD: Salamat po, Usec. Rocky, at magandang umaga sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, muli tayong makibalita sa vaccination rollout ng pamahalaan at ang assessment sa unang linggo ng Alert Level 1 sa ilang mga lugar. Makakasama po natin si Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Good morning, Usec. Welcome back po sa Laging Handa.

DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood at nakikinig sa Laging Handa ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta po ang assessment ng Department of Health dito sa unang linggo ng Alert Level 1 sa Metro Manila? Nasusunod pa rin po ba itong health protocols sa mga establishment at sa mga opisina.

DOH USEC. CABOTAJE: Usec. Rocky, sa kabuuan nasusunod naman ang ating minimum public health protocols. Wala namang naiulat sa aming tanggapan na mga paglabag. Mahigpit ang ating mga LGUs sa pagpapatupad nito sa kani-kanilang mga respective areas at may kaniya-kaniya na silang mga alituntunin dito. Pag-iibayuhin lang ng ating mga Centers of Health Development ang ating pagmu-monitor lalung-lalo na sa Alert Level 1.

Gusto lang nating paalalahanan iyong sa mga campaign sorties ‘no na physical distancing lalung-lalo na kung indoor iyan at kapag outdoor naman pag-ibayuhin pa rin iyong proper masking at use of ventilation.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isunod ko na iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Apat na araw mula noong ipatupad ang Alert Level 1, may mga balita po ba na mukhang may mga ibang tao na hindi sumunod sa health protocols dahil po sa tingin nila ay maluwag na ang sitwasyon? Ano po ang masasabi ninyo dito at payo na rin sa mga nasa Alert Level 1.

DOH USEC. CABOTAJE: Alam naman natin na ang ating isang basehan ng ating Alert Level 1 iyong ating 70% vaccination coverage at saka iyong 80% na coverage ng senior citizen kaya medyo nagluwag at ang akala ng ating mga mamamayan ay may extra protection. Pero bakuna po ay one armament lang, kailangan pa rin n ating sumunod sa ating minimum public health standard – proper masking, safe distancing kapag tayo ay nasa loob at kung maaari ipatupad iyong ating ventilation protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kahapon nakausap po namin si Secretary Concepcion at ini-encourage po niya na gawing mandatory ang booster dose sa mga lugar na nasa Alert Level 1. Ano po ang reaksiyon dito ng Department of Health?

DOH USEC. CABOTAJE: Naiintindihan natin kung saan ang perspektibo ng ating Presidential Assistant Joey Concepcion. Gusto niya ng full protection, pero sa ngayon ang ating gagawin ay magbigay tayo ng information at pakikiusapan sa mga booster. Alam natin na ang ating numero ng pagbabakuna sa mga nakalipas nang linggo, mahina lalung-lalo na ang booster sa iba’t ibang kadahilanan ‘no. Habang ang hesitancy ay bumaba, walang urgency iyong pagpapa-booster kasi sa karamihan sapat na iyong two dose at saka iyong ‘no vax, no entry’ hanggang two dose. Ang gagawin natin ay i-strengthen natin iyong advocacy, our health promotion bureau kasama na ang ating mga ahensiya ng pamahalaan at lalung-lalo na iyong DILG at iyong ating mga other partners on the private sectors ay pag-ibayuhin iyong communication and advocacy to increase the uptick of booster.

Ang kampanya nga natin sa buwan ng Marso is to march, to bring the information and the vaccines to the homes and the workplaces.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, hingi na rin kami ng update dito kaugnay sa pagbabakuna sa mga nakalipas na linggo partikular po sa seniors at pediatric population. Kumusta na po ito, Usec?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa ating kabuuan na as of March 3, maganda iyong response sa pediatric population vaccination. Naka 862,000 na tayo na jabs sa five (5) to eleven (11) sa first dose out of the 2.3 million na unang mga na-ship in different trenches, nag-iwan tayo ng second dose sa kanila. So patuloy pa rin ang ginagawa nila.

Iyong mga nag-umpisa po ng Feb. 7, may mga 41,000 na po na nabigyan ng kanilang second dose. Sa twelve (12) to seventeen (17) , maganda iyong ating bakunahan, 83% or 9.5 million out of the 11.4 ang first dose at 8.5 million or 74% ng 11 million targets ang nakuha na natin sa twelve (12) to seventeen (17).

Iyong sa 60 years old and above kailangan pa nating i-push, nasa 6.7 out of 8.7 million iyong ating first dose at 6.4 million out of 8.7 sa ating second dose. So gusto nating i-push iyan nang 80% or higher.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pero namu-monitor pa rin ba ng DOH ito naman pong bakunahan sa mga LGUs? Nakakapag-set pa rin po ba ng daily target itong mga LGUs at kung naaabot pa rin po ba nila ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Binabantayan nating mabuti. Sa iba’t ibang kadahilanan medyo bumagal iyong ating mga pagbabakuna sa past week ‘no. Hanggang mga 300 lang tayo 300,000 maximum. Dati-dati one million to 1.5. Kasi mahirap nang abutin at ma-reach iyong ating mga iba pang segments of our population. Kaya nagri-recalibration strategies tayo.

Ang unang pangunahing layunin para maibaba from Alert Level 2 to Alert Level 1 iyong ating mga LGUs ay kailangan 70% ang fully vaccinated. So ang gagawin niya, per LGU ngayon lalo na sa probinsiya at saka sa mga munisipyo, titingnan nila, ano pa ba iyong kailangan nilang habulin para tumaas iyong kanilang vaccination sa 70% at 80% of the 85% ng kanilang A2.

So hindi na parang shotgun na ito kailangan mabakunahan, by area na po ang ating recalibration at ang magmu-monitor po nito ay ang DOH kasama po ng ating Department of Interior and Local Government.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, paano naman daw po ang inaasahang makakaapekto sa vaccination rollout ito pong pagsisimula ng local campaign period? Ano po ang panawagan ng DOH sa mga lokal na pamahalaan?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Usec. Rocky, alam natin mag-uumpisa na iyong ating local campaign period ng March 25 at ina-accept natin na mahahati na ang focus ng ating mga local government units ano, sa health, COVID, non-COVID, sa non-health, tapos iyong mga pagkakampanya.

So alam ko karamihan sa mga local government units magpapatuloy pa ng bakunahan. Nag-request nga si Governor Dax Cua ng ULAP na kung puwedeng tulungan ng DOH at DILG ng pag-exempt ng COMELEC ban for disbursement of funds for use of vaccination. Importante na lang iyong ating other partners na ma-tap natin.

Importante iyong Marso bago mag-campaign period marampa natin, mas mapataas pa natin iyong mga bakunahan then after that kung divided nang attention let us tap our other partners ‘no – our private sector, our civil society organizations, even the other government agencies – para tumulong sa pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano po iyong dapat asahan ng mga senior citizens sa darating na fourth round ng National Vaccination Day?

Isunod ko na po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: May plano na po ba ang DOH para magbigay ng pangalawang booster dose sa senior citizens at taong may immune diseases pagkatapos itong ipasa sa Vaccine Experts Panel tulad ng nasabi po ni Dr. Ted Herbosa kahapon?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating Bayanihan, Bakunahan Part 4 ng March 10, 11 and 12 ay may tag tayong “March to Vaccinate” ‘no.

So mas granular, kung ang lockdown may granular lockdown depende sa number of cases sa area, gagawin natin ang pagta-target ng sino ang babakunahan, i-prioritize natin per area:

  • So kagaya ng sabi natin, sino na ba ang hindi naka-reach ng 70% ng kanilang vaccination? So paano natin mari-reach iyong 70%, titingnan natin, sino na ba iyong due ng second doses o iyong hindi pa nakakuha ng second dose para tumaas kanila, fully vaccinated.
  • Pangalawa, gusto natin na pataas pa iyong ating vaccination ng senior so sino sa kanila ang hindi pa nakaka-80%? Sino pa ba ang may mga remaining na senior citizen?
  • Tapos ang pangatlong priority natin ay iyong mga 12 to 17 na in the light of the face-to-face, titingnan natin as part of the primary series.
  • At pang-apat na priority natin, sa mga magaganda na iyong kanilang bakunahan, naka-70% at 80% na, nasa Alert Level 1… kung pag-iibayuhin nila iyong ating mga booster dose sa ating health care workers tapos iyong ating economic frontliners.

So mas granular at naka-contextualize iyong ating Bayanihan, Bakunahan Part 4.

In terms of the second booster, there is a recommendation that give a second booster pero pinag-aaralan pa – wala pang polisiya. In the next few days then we will come—DOH and the experts will come up with the final recommendation, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Job Manahan ng ABS-CBN News: Nabanggit ninyo po noong nakaraan na may mga bakuna na malapit nang mag-expire o nag-expire na, ano daw po ang mga brand nito? Ilan po at kailan ito nag-expire o mag-i-expire?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating tinitingnan ay iyong short shelf life. We cannot give the exact numbers as of now kasi may mga na-extend. So tinitingnan natin iyong mga lot numbers ng na-extend. Alam naman natin ang shelf life ay base sa experience na bago pa lang iyong bakuna. After some studies and further proofs na may stability, iyong regulatory department ng ating mga manufacturers ay nagri-request ng extension, nakita nila na puwede at hinihintay natin iyong approval ng FDA.

Sa ngayon may mga—a few batches na naaprubahan na so nagri-recalibrate tayo ng ating mga numbers. So when we have the final numbers and kung may finality na iyong mga extension o walang extension sa ating mga ni-request na extension ng shelf life, we will come up with the final numbers.

As of now, maguguluhan lang tayo kung magdi-declare kami ngayon tapos iyon pala ay na-extend, mahihilo tayo. So at the proper time we will give the exact numbers, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., maraming salamat po sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon. Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health, stay safe po, Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.

USEC. IGNACIO: Ilang mga magsasaka at market vendors sa Ilocos Sur ang nakatanggap ng ayuda mula sa outreach team ni Senator Go. Ang DSWD present din para mamahagi ng cash assistance sa mga piling benepisyaryo. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa harap po ng nararanasang COVID surge sa Hong Kong, matatandaang ilang OFWs ang umapela kasunod ang umano’y panggigipit sa kanila ng mga employers matapos nilang magpositibo sa COVID-19.

Subalit hindi po lahat sa kanila ay ganito ang naranasan, may ilan ding employers na tila pamilya na po ang trato sa mga OFWs tulad ng naging karanasan ni Wahini Tatiana Baldugo, isa pong Pinay domestic helper sa Hong Kong. Nang magpositibo kasi sa COVID-19, ang kaniyang employer pa raw po mismo ang nag-alaga at umagapay sa kaniya sa panahon ng pagkakasakit lalo pa’t malayo sa kaniyang pamilya. At kahit pa raw po naging close contact niya ang buong pamilya ng employer, hindi raw siya iniwan nito, sa halip po inasikaso at ibinigay ang suporta at kaniyang pangangailangan habang nagpapagaling sa COVID-19. Lubos naman po ang pasasalamat ni Wahini sa ipinakitang malasakit ng kaniyang mga employer.

[VTR]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center