Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ating alamin ang magiging epekto ng paglusob ng Russia sa Ukraine sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, makikibalita rin tayo sa jeepney modernization at pagbabahagi ng fuel subsidy sa mga drivers. Ating pag-uusapan ang update sa bakunahan sa bansa at ang mga paghahanda ng mga pangunahing ahensiya sa nalalapit na pagsasailalim ng bansa sa Alert Level 1.

Mula po sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Nasa Lviv sa Ukraine na ang first batch ng mga Pilipino galing sa Kiev. Sa Twitter post ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, 39 na adult at isang sanggol ang nasa pangangalaga ng DFA team sa Lviv. Kahapon ay nakatakda sanang umalis ng Ukraine ang apat na Pilipino pauwi ng Pilipinas ngunit nagsara na ang mga paliparan sa Ukraine kaya’t land travel na lamang ang kanilang paraan para lumikas. Sa unang tala ng DFA, nasa mahigit 300 ang mga Pilipino sa Ukraine.

Patuloy pa rin tayong nakatutok sa tensiyong nagaganap sa Russia at Ukraine. Ngayong araw ng Sabado, tatalakayin natin kung ano po ang magiging epekto ng kaganapang ito sa mga presyo ng bilihin, makakasama natin sa ating programa si Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo. Usec., good morning.

DTI USEC. CASTELO: Hi, Usec. Rocky, good morning. Good morning po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po kasing bansang Russia, ito iyong second biggest exporter ng crude oil sa buong mundo at dahil nga po sa nangyayaring invasion sa Ukraine, ano po iyong magiging epekto nito sa presyo ng krudo? Pero, Usec., alam natin ang Pilipinas ba sa Middle East nag-aangkat ng produktong petrolyo, pero ano po ang magiging epekto nito?

DTI USEC. CASTELO: Oo. Ang Middle East at saka Russia, one of the two places kung saan tayo kumukuha although hindi naman doon lahat. Pero ngayon if you remember recently tumaas ng 100 US Dollars per barrel iyong presyo ng fuel pero bumaba siya ulit to 92 to 94 US Dollars. Nagkaroon siya ng epekto sa atin at mararamdaman natin ang bahagyang epekto rin nito sa mga darating na araw that’s why we’re really hoping na matapos na iyong gulo at bumaba na dire-diretso ang presyo ng fuel.

Usec., noong hindi natuloy iyong kanilang—mayroong naging reason hindi ba bakit hindi natuloy iyong pagtaas ng presyo kaya bumaba siya ngayon, iyong planned sanctions ng Russia na hindi kasama iyong energy transactions at saka payment kaya medyo bumaba iyong—nag-stabilize nang konti ang presyo ng fuel.

USEC. IGNACIO: Usec., ito palagian itong tinatanong sa atin ano: Sa inyo pong palagay, kailan ho natin mararanasan talaga iyong pagtaas sa presyo ng langis at gaano po kaya kamahal ang posibleng itataas nito kung sakali lamang po na talagang humaba pa itong tensiyon sa Ukraine at Russia?

DTI USEC. CASTELO: Iyong sa presyo natin ngayon, iyong current presyo ng fuel reset siguro by a few pesos. Hopefully hindi na tumaas nang ganiyan. Pero under the TRAIN Law kasi, kapag tumaas nang above 80 US Dollars per barrel ang fuel natin, puwedeng… mayroong mechanism under the TRAIN Law na masu-suspend iyong excise tax. So ang government naman ready na harapin kung sakaling tataas pa para ma-cushion din iyong effect nito sa mga ordinaryong tao kagaya natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tayo dito sa Pilipinas kasi ‘pag tumataas talaga ang presyo ng produktong petrolyo may domino effect para sa atin. So iyon pong mga bilihin, ano pa po iyong mga bilihin iyong inaasahan din natin na magmamahal bilang epekto nito pong pagtaas ng crude oil?

DTI USEC. CASTELO: Sa manufacturing, Usec., talagang mayroong—kahit papaano magkakaroon ng impact iyan. Pero iyong mga pangunahing bilihin, basic necessities and prime commodities lalo na iyong mga binabantayan ng DTI na manufactured, so far kung maalala ninyo din nag-increase tayo ng suggested retail price noong January pero ngayon wala pa kaming nari-receive na additional request o mga panibagong request due to fuel.

Dahil ang effect nito, ang impact on the cost of production is only around 3 to 5 percent, average of 3.5% na sa sobrang liit niya shinu-shoulder na lang ng manufacturers, hindi na nila pinapatong sa presyo ng produkto on retail dahil mas malaki pa iyong kanilang magiging cost kung babaguhin nila ng kunyari five centavos or ten centavos lang iyong magiging impact.

So hindi natin pa agad mararamdaman iyan and kung tumaas naman, can rest assured na lahat po ng manufactured food products dumadaan sa pag-aaral ng DTI. We validate tapos nini-negotiate rin natin sa kanila kung masyadong mataas para sa consumers so nati-temper natin kahit papaano.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., mayroon po ba kayong inilalatag na kahandaan o plano ng ating pamahalaan para po maibsan kahit papaano ito pong inaasahang pagtataas sa presyo ng bilihin?

DTI USEC. CASTELO: Ang kailangan natin talaga, Usec., ma-assure ang supply dahil siyempre kapag masyadong mataas iyong demand at konti ang supply, talagang bubulusok ang presyo.

Si Secretary Lopez, ang instruction niya is to make sure na ang manufacturers natin ay naaasistihan para tuluy-tuloy iyong kanilang production na kahit bahagyang tumaas ang presyo kung mataas naman ang demand, hindi na rin lalabas iyong addition ng cost na iyon sa retail.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano naman iyong masasabi ninyo dito sa nalalapit na posible nang pagbaba sa Alert Level 1 ng NCR?

DTI USEC. CASTELO: Pinaghahandaan natin, Usec., although hindi pa po siya final dahil of course pinag-uusapan pa sa IATF. Kung saka-sakali naman, Usec., magkakaroon tayo nang medyo mas maluwag – iyong with 100% capacity na ang mga negosyo natin – pero hindi pa rin natin talaga puwedeng ikompromiso ang kalusugan so all the health protocols kailangan pa rin natin talagang sundin sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano po iyong aasahan natin na ‘pag tayo po ay sumailalim na sa Alert Level 1? Ano pa rin po daw iyong mga protocols and guidelines na ipatutupad dito po sa mga business establishments?

DTI USEC. CASTELO: Pareho pa rin, Usec. – face mask, pagsuot ng face mask, pag-sanitize ng mga kamay natin and then the establishments also will need to follow also iyong safety seal protocols natin. Hindi ba nag-i-issue tayo ng safety seal na certification, makikita ng mga consumers na iyong mga safety seal na iyon, iyong mga establishments na mayroong certification, sigurado sila na sumusunod iyong establishment na iyon at magiging kumpiyansa sila na safe sila kahit na i-patronize iyong mga businesses na ganito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media.

Tanong sa inyo ni Michael Delizo ng ABS-CBN News: Mukhang hindi na daw po nasusunod ang panuntunan sa Alert Level 2 sa mga establisyimento. May nagtsi-check pa po ba sa DTI at may nasisita at ano po iyong magiging pagkakaiba ng sitwasyon ngayon kung Alert Level 1?

DTI USEC. CASTELO: Tuluy-tuloy po ang pag-monitor natin, baka lang sa dami rin kasi ng establishments hindi na rin—hindi naman natin kasi mapapansin talaga iyong mga limang ahensiya, ano iyon Usec. – DOT, DOLE, DILG, the local government units at ang DTI. Kaniya-kaniya tayong mga assignments although we can cross inspect rin naman lahat ng establishments dahil tulung-tulong. Baka lang po sa dami nang ini-inspect hindi natin nakikita iyong mga nagmu-monitor. Kailangan po nilang sumunod especially those with safety seal certification, kung hindi po ay masu-suspend or mari-revoke iyong kanilang safety seal.

Ang protocols po natin tuluy-tuloy lang; ang maiiba lang, Usec., sa Alert Level 1 iyong physical distancing – medyo liliit na siya nang konti, hindi na iyong kamukha dati na one meter physical distancing o iyong mga lamesa na hiwa-hiwalay, iyon ang mababago but all other protocols kailangan pa rin nating sundin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., baka may nais pa kayong ibahagi sa ating mga kababayan. Kunin ko ‘yung inyong mensahe. Go ahead po, Usec.

DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec. Number one paalala natin, sa Alert Level 1 hindi po dahil nagbababa tayo ng alert level ay magiging kumpiyansa na tayo. Hindi pa po nawawala ang COVID, nandito pa rin siya so kahit po mag-zero alert level tayo, sundin na lang natin for our own protection – magsuot po ng face mask, mag-sanitize at kung medyo crowded areas, Usec., kahit na 100% na, tayo na mismo iyong lumayo.

And then doon sa presyo naman ng mga bilihin, hindi po sila dapat mag-alala dahil ang DTI po especially for the manufactured food products, nakabantay po tayo sa presyo whether may—alam mo naman, Usec., kahit na may COVID o wala, may giyera o wala, nakabantay naman ang DTI. So if they have any concern, kung mayroon po sa presyo, sa protocols, violation ng safety seal puwede po nilang itawag iyan sa atin anytime sa DTI 1384 or mag-email po sa [email protected].

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pasensiya na. May pahabol lang si Kenneth Paciente ng PTV News: Ang Ukraine ay malaking supplier po ng flour and wheat. Given na may kaguluhan doon, ano po ang epekto nito sa Pilipinas? Aasahan pa po ba natin ang pagtataas sa presyo ng tinapay?

DTI USEC. CASTELO: Mayroon tayong recent increase sa presyo ng bread, Usec., noong January – kasama iyan doon sa ni-release natin na bulletin. Ito po, sa ngayon wala pa kaming nari-receive na mga request from manufacturers especially sa [unclear]. Kasi like I said kung maliit lang iyong increases, a lot of time shinu-shoulder na ng manufacturers. But we’ll see, makakaasa naman ang mga tao na tini-temper iyon talaga ng DTI kahit po may ma-receive tayong request, ini-negotiate pa rin natin sa kanila para lang mapagbigyan lahat, both the manufacturer and the consumer.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po sa inyong impormasyon at oras, Undersecretary Ruth Castelo mula sa Department of Trade and Industry. Stay safe po, Usec.

DTI USEC. CASTELO: Maraming salamat, Usec. Rocky. Thank you.

USEC. IGNACIO: Makibalita naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa. Puntahan po natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

Update po sa fuel subsidy para sa mga jeepney driver at paghahanda sa jeepney modernization at Alert Level 1 atin pong pag-uusapan kasama po natin si Ms. Maria Kristina Cassion, Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Director, welcome po sa Laging Handa.

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Good morning po, Usec. Rocky at sa lahat po ng mga nakikinig at nanunood po sa atin today. Good morning po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano po ang ginagawa ng inyong ahensiya para po sa adjustment nitong jeepney modernization?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: On the jeepney modernization program naman po, alam naman po natin na this is the biggest na non-infrastructure program ni President Rodrigo Duterte ‘no. Patuloy po iyong ating mga modernization program at paglu-launch po ng ating mga modernized na mga PUVs po until now po. Pero hindi naman po [garbled]…

USEC. IGNACIO: Ms. Kristina, aayusin lamang po [natin]. Naririnig ninyo po ako, Ms. Kristina?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Kanina medyo naputul-putol po kayo, nag-choppy iyong bandang huli. Puwede po ba nating pakiulit iyong bandang huli ng inyong sinasabi?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Iyong patungkol po sa jeepney modernization program po natin, I mean hindi lang naman po siya jeepney. It’s a modernization program for all the public utility vehicles po ‘no. Patuloy po natin itong ini-implement being the largest na non-infrastructure na program of our President. Pero may mga agam-agam po kasi, lalo na sa mga PUJ ‘no, na after March 2022 ay phase-out na daw iyong mga jeep ‘no. Wala naman po itong katotohanan, ang deadline po na nasa MC po kasi natin [garbled] on the consolidation of the franchise [garbled]…

USEC. IGNACIO: Opo. Aayusin lamang po natin iyong linya ng komunikasyon namin sa inyo, Ma’am, kung naririnig ninyo po ako?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po, Ma’am. Naririnig po kita, loud and clear po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa fuel subsidy, ano po ang update dito para sa mga jeepney drivers? Ano po iyong prosesong gagawin para po sa distribution ng subsidy sa mga tsuper, Ma’am?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Iyong subsidy program po natin, expanded na iyong program natin ‘no kasi under the GAA na po. Itong pondo natin hindi na po sa TRAIN Law, so ibig sabihin hindi lang po PUJ ang makikinabang, pati na po ang mga bus, iyong mga taxi, TNVS and even the tricycles, iyong mga UV express, mga tourist transport natin, even the delivery ‘no, na services po natin.

So we have already submitted to the DBM the pertinent documents ‘no at nananawagan nga tayo to expedite the downloading of the funds kasi nga increasing na po iyong mga fuel prices and kaya kailangan na po natin ma-address itong public transport through the fuel subsidy program.

So nakalagay po kasi doon sa batas po mismo ‘no, sa General Appropriations Act, there is a special provision na kailangan muna na iyong average Dubai crude oil price for three months po consecutive ay mag-exceed ng 80 dollars per barrel. And this triggered the release of the fuel subsidy pero pinapakiusapan po natin in the last meeting po with DBM po kasama po si Chairman na maging liberal sana si DBM on the interpretation because the spirit of the law is to cushion effect of the fuel price hike.

Eh ngayon po lalo nating nararamdaman po ito, baka naman eh we can be liberal in the three months rule na sinasabi ng ating Kongreso na kailangan nating sundin po. But right now we have already submitted the list of beneficiaries, ready pong mag-implement ang LTFRB at DOTr anytime po na mai-download sa atin iyong pondo po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Kristina, pero ang tanong po dito ng ilan ay kung may programa po bang nakalaan para sa ating mga drivers? At sa tingin ninyo po ba ay dapat na ituloy itong total phase-out ng mga lumang jeepney gayong nalalapit na po ang pagdideklara ng Alert Level 1?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: It doesn’t have any connection ‘no, iyong sinasabing phase-out sa Alert Level 1. Kasi hindi naman natin sinasabi na by March ipi-phase-out na kaagad sila, it’s part of the modernization process po natin, isa-substitute lang naman nila ng mga modern vehicles iyong mga lumang vehicles nila. But we all know that it will take time naman para sa ganito at wala namang nagsasabi, at hindi naman sinasabi na by March 2022 ay phase-out na kaagad iyong modern na mga vehicles po.

In fact after that, kahit hindi sila mag-consolidate, iyong mga individuals, pinapayagan pa rin silang tumakbo through a provisional authority pa rin po.

USEC. IGNACIO: Miss Cristina, sa provincial buses naman po, nadagdagan po ba nang mga provincial bus na papayagang bumiyahe sa ilalim ng Alert Level 1?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Sa mga provincial buses po, even last year bukas na po tayo, bukas na lahat ng mga ruta. It is up to the LGUs na payagan nila. Kasi, one of our requirements is the certification from the LGU na pinapayagan ang mga rutang ito na binuksan ng LTFRB.

So far, sa pakikipagpulong natin sa mga regional directors po natin, wala naman na problema sa mga LGUs at pinapayagan na po. So, considered na po na bukas ang lahat ng mga ruta po natin sa lahat ng mga number of authorized units under those particular [signal cut] na tumakbo na din sila.

Ang sinasabi lang ng ating mga regional directors na as of now iyong ibang operators ay nagpi-prepare pa lang ng kanilang mga fleet. So, inaasahan po natin mas madadagdagan po ang ating mga units na tumatakbo lalo na pag mag-Alert Level 1 na po na alam natin na lahat na ay pinapayagan na halos lumabas po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Miss Kristina, ano po ang paghahanda ng inyong ahensiya para sa transportasyon sa Alert Level 1 at ano pa po iyong aasahan ng mga drivers and commuters kapag po suma-ilalim na po tayo sa pinakamababang antas ng Alert Level?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: We are recommending po na iyong LTFRB at DOTR na magiging 100% na po iyong capacity ng ating mga pampublikong sasakyan. Iyan po iyong aasahang ire-recommend po natin iyon sa IATF but it still up to the IATF po kung papayagan po ito. But on the part of LTFRB and DOTr, ito po ang ating isinusulong at inirirekomenda na dahil sa Alert Level 1 ay itaas na from 70% to 100 % po iyong capacity po natin.

USEC. IGNACIO: Miss Cristina, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media.

Mula po kay Michael Delizo ng ABS-CBN News: Nasusunod pa po ba ang mga panuntunan sa Alert Level 2 sa mga pampublikong transportasyon, may mga nahuhuli pa rin po ba? Kung mayroon ilan na po ang nasita ng LTFRB at mula kailan daw po ito?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Actually, noong nag-Alert Level 2 tayo at nirekomenda natin iyong 70%, may mga nakikita po tayong nagba-violate, nagsisiksikan parang 100% na din po, kaya po nag-isyu iyong ating enforcement team ng mga citation tickets.

I do not have the number right now, pero madami po talagang mga nahuli po at that time na 70% po na nag-implement sila ng siksikan na po at 100%, may mga tayuan pa nga po kaya o nai-isyuhan ng mga tickets po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Kenneth Pasyente, ng PTV News: Ano po ang tugon ng LTFRB sa hirit na taas singil sa pasahe ng mga driver lalo’t inaasahan pa iyong pagtataas pa sa presyo ng petrolyo dahil sa Russia and Ukraine crisis?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Magandang katanungan po iyan at sinasabi nga natin sa mga proponent, iyong mga petitioners po natin na patuloy naman nating inaaral. In fact, mayroon kasing petition na natanggap natin from Pasang Masda at saka One-Utak at saka ALTODAP at ito naka-set for hearing ngayong March 8 po.

USEC. IGNACIO: Dito naman po sa vaccination. Kumusta daw po iyong isinasagawang vaccination drive sa ilang istasyon sa LRT, gaano po kadami ang nabakunahan na at magpapatuloy po ba ito?

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: So far, nagpapatuloy pa naman ito. I really don’t have the numbers right now because we are in the land transportation sector. Siguro mas mabuti po na sa pamunuan ng LRT po natin diretsang itanong PO ito, they have the numbers po. Pero so far sa mga nakikita po natin sa mga report sa ating Viber groups, tuloy-tuloy naman po ang vaccination drive po ng ating mga trains station.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kunin ko na lamang iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan lalo kung sakali po ay mapunta na tayo sa Alert Level 1. Tuloy-tuloy po ba iyong—ano po iyong mga safety protocols na ipatutupad natin? Go ahead po Miss Cristina.

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Sa atin mga mananakay, alam natin na ina-anticipate natin at pinaghahandaan din po ng ating ahensiya sakaling magbaba sa Alert Level 1. Pero, pakiusap pa rin natin, huwag pa rin tayong maging kampante na porke ibinaba na iyong alert status ay magiging kampante na rin tayo sa mga health protocols.

Patuloy pa rin po iyong pagsunod sa ating mga health and safety protocols lalo na iyong wearing ng face mask at saka iyong lagi po nating ipinapaalala sa mga drivers and operators, iyong constant disinfection naman po doon sa kanilang mga sasakyan.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po muli sa inyong panahon at impormasyon Executive Director Maria Cristina Cassion ng LTFRB. Salamat po Director.

LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Thank you po, good morning sa lahat.

USEC. IGNACIO: Ngayong unti-unting magbubukas ang ekonomiya ng bansa. Senator Go, nanawagan sa pamahalaan na palawakin ang vaccination sites at mas paigtingin ang information drive kaugnay sa proteksiyong hatid ng booster shot. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base sa report ng DOH kahapon February 25, 2022:

  • Nadagdagan ng 1,671 ang mga bilang ng mga bagong kaso kaya naman umabot na sa 3,658,892 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
  • 1,586 naman ang new recoveries, dahil diyan umabot na sa 3,547,528 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
  • 59 ang naitalang nasawi kaya umakyat na 56,224 ang ating total death tally.
  • Samantalang, 55,140 o 1.5% ang nananatiling active cases.

Magbabalik pa ang Public Briefing Laging Handa PH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa puntong ito makakasama po natin si Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje para talakayin po ang pinakahuling balita tungkol sa vaccination roll-out sa bansa. Magandang umaga po Usec.

Usec. Myrna, can you hear me? Okay, babalikan po natin si Usec. Cabotaje.

Samantala, ilang magsasaka sa Floridablanca Pampanga ang hinatiran ng ayuda ng tanggapan ni Sen. Go at DSWD kamakailan. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Undersecretary Myrna Cabotaje. Usec, good morning po.

DOH USEC. CABOTAJE: Good morning Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood at nakikinig sa programa natin ngayon na Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Usec, ano na po iyong latest sa vaccination roll out sa bansa? Ilang porsiyento na po ng ating populasyon ang nabakunahan sa nakaraang linggo?

DOH USEC. CABOTAJE: As of February 25, mayroon na tayong total na 63 million na fully vaccinated. So that is 70% of our target na 90 million, which is I think 80% of our total projected population. Pero, in terms naman iyong ating weekly performance medyo mababa, nasa 300 to 500 thousand per day na tayo. So, kailangan talagang pag-ibayuhin at ibang istratehiya para mapataas iyong ating mga jabs per day.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, saang mga probinsiya o lugar itong naitalang may pinakamarami nang nabakunahan ngayong buwan at aling probinsiya naman po o area iyong kinakailangan pong tutukan?

DOH USEC. CABOTAJE: Siyempre alam natin maganda ang ating NCR, tapos lahat ng probinsiya ng Region I, Region II. Many of the provinces of Cordillera, Region III at Region IV-A at saka sa Western Visayas ay maganda-ganda iyong kaniyang performance no.

Ang kailangan nating tutukan, nandiyan iyong ating BARMM, kasi mababa pa rin iyong ating BARMM, nasa 25% ang fully vaccinated. Region XII nasa 54, tapos sa Central Visayas, Region VII nasa 58%. So, iyon ang mga kailangang tutukan.

And then habang mataas-taas na ang general vaccination coverage ng Region III, kasi sila ang pinakamalaking population. Marami-rami pa rin ang hindi nabakunahan, so kailangan pa rin tutukan ang III and IV-A para maparami pa iyong mababakunahan sa kanila.

USEC. IGNACIO: Pero Usec, itong BARMM at saka itong Region III and IV na binabanggit ninyo na dapat tutukan, ano po iyong nagiging problema o mga dahilan kung bakit po mababa iyong ating datos ng pagbabakuna doon?

DOH USEC. CABOTAJE: Iyong III and IV-A maganda iyong kanilang coverage kaya lang sa laki ng population dapat pag-ibayuhin pa. Actually, nasa 73 at saka 70% ang kanilang vaccination coverage, fully vaccinated. Pero, iyong 30% kasi ng 70% ay malaki-laking numero.

So, iyon kailangan pa ang paspasan nila.

Dito naman sa BARMM maraming mga dahilan, nandiyan na iyong sinasabi nilang vaccine hesitancy tapos iyong access. So, kailangan sigurong pag-ibayuhin pa iyong pagsusuyod, iyong ipalapit iyong ating mga vaccination centers doon sa mga population na medyo malayo, ang GIDA areas, iyong tinatawag nating malayo-layo sa mga key cities o kaya sa mga center ng ating economic activities.

USEC. IGNACIO: Para naman po sa planong pagsasagawa ng ika-apat na Bayanihan Bakunahan, kailan po ito gagawin? Ganito rin po ang tanong ni Athena Imperial ng GMA news: Ilan daw po ang target na mabakunahan dito po sa gagawing ika-apat na vaccination date?

DOH USEC. CABOTAJE: Nag-announce na si Sec. Dizon, about the week of March 7 ang ating NVD IV, we are still finalizing concept. Pero, gusto ng ating mga principals, sina Sec. Duque, Sec. Galvez at saka si Sec. Año mas maaga. Kaya week na March 7 ipu-focus natin sa mga A2, iyong ating mga Senior Citizens sa mga areas na mabababa pa, sa mga probinsiya na mabababa.

Tapos pag-iibayuhin din natin iyong ating twelve to seventeen (12-17) immunization kasi nga magpi-face-to-face classes na iyong mga twelve to seventeen (12-17). Tapos, siyempre iyong hindi pa nagpabakuna ng first dose at second dose, kailangan pa rin natin i-improve iyong ating first dose at second dose and later on iyong ating booster.

USEC. IGNACIO: Isunod ko na iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Ano po ang update sa planong house-to-house vaccination ng pamahalaan? Gaano po karami iyong inaasahang mababakunahan using this strategy?

DOH USEC. CABOTAJE: Actually, iyong ibang mga LGUs ay nagha-house-to-house na. Pero, iyong ating target ay ikukonsulta natin sa ating local na pamahalaan this coming week. Ano ba iyong kailangang taasan pa, lalung-lalo na po iyong mabababa iyong vaccination coverage at saka iyong mababa pa ang [kanilang vaccination sa] A2.

So, we don’t have the target yet but titingnan natin kung ano iyong kayang i-commit ng ating mga lokal na pamahalaan based doon sa kung ano iyong gusto sana natin na target.

USEC. IGNACIO: Dagdag pong tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Sinabi daw po ni Health Undersecretary Vergeire na maximize na natin ang strategy of having vaccination site. Ano pa po iyong tinitingnan nating strategist to increase vaccination rates para po sa preparasyon o paghahanda sa Alert Level 1 shift?

DOH USEC. CABOTAJE: Naumpisahan na pero kailangan pag-ibayuhin pa. Tayo na ang pupunta sa mga areas. So, iyong ating mga economic zones, nakipagtalastasan na tayo para doon na sa mga clinic nila o kaya sa malapit sa area nila babakunahan.

Sa ating mga national agencies, pupunta na rin tayo diyan sa kanilang mga offices para mas malapit. And of course we will continue our other strategist iyong pakikipag-tulungan natin sa Catholic Churches. They have agreed to use the churches as vaccination sites.

So, baka puwedeng Sabado at Linggo when there are more people. Iyon ang mga ilang gagawin natin. Of course, nandiyan iyong mga drive-thru na baka puwedeng gawin sa ibang area. Aside from iyong house-to-house na kung puwedeng gawin ng ating mga local health care workers.

USEC. IGNACIO: Usec, ano naman daw po ang paghahandang ginagawa ng DOH para sa nalalapit na pagsasailalim sa Alert Level 1? Ano pa po iyong mga impormasyon na kailangang malaman ng ating mga kababayan?

DOH USEC. CABOTAJE: Of course, nandiyan po iyong ating minimum public health standards na ituluy-tuloy pa rin natin, tapos iyong mga healthcare utilization rate. Pero, ang isang hina-highlight natin, na tinitingnan ng IATF ay iyong pagdagdag ng requirement ng vaccination – 70% ang dapat vaccination rate ng area at saka 80% of the 85% total A2 ay nabakunahan na. Kasi, alam naman natin sila ang most at risk, most vulnerable itong ating mga A2 sila ang magkakasakit, sila ang mag-o-occupy ng ating mga hospital beds. So, if they are vaccinated, kung sakaling magkasakit less serious, hindi mamamatay. Less ang paggamit ng ating ICU beds, iyong mga hospital beds. So, mas maluwag sa ating health system.

Pero huwag ho nating kalilimutan nandiyan pa rin iyong mask, iyong ating iwas, hugas tapos iyong ventilation in addition to bakuna.

USEC. IGNACIO: Tanong pa po ng ating kasamahan sa media mula pa kay Michael Delizo ng ABS-CBN News: Ano po ang vaccination rate sa Metro Manila, sapat po ba ang bilang na ito para sabihing handa na ang rehiyon sa Alert Level 1?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes! Mataas na ang ating fully vaccinated coverage. 100% ang ating fully vaccinated coverage ng NCR compared sa kanilang targets kahit na alam natin na karamihan nito ay—hindi karamihan, some of them are from nearby areas, mataas rin iyong kaniyang kanilang A2 population, so 91%.

Tapos nakita naman sa last Omicron surge ‘no while dumami iyong mga pasyente hindi po na-overload iyong ating system at we have enough beds.

So handa na po ang ating NCR mag-Alert Level 1 na kasama din ang Region CAR, Region I, Region II at saka Region III and IV-A.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ngayong nasa inflection point na ng bakunahan sa bansa, ano daw po ang hakbang na ginagawa ng NVOC para mas lalong maparami ang mga naabot ng mga bakuna? Ano daw po iyong nakikitang mga challenges ng NVOC para maabot ang mga lugar kung saan daw po konti ang nababakunahan?

DOH USEC. CABOTAJE: Nandiyan po ang ating problema na walang urgency ‘di ba? Kasi nga bumababa na iyong cases akala nila okay na okay na iyon. So kailangan lakasan natin iyong ating advocacy information, iyong mga hindi pa nabakunahan. Iyong mga nabakunahan, mag-booster kasi added layer of protection. Tapos nga iyong anong tawag diyan, medyo pagod na rin iyong ating mga healthcare workers, so kailangan ng reinforcement ng iba ibang sektor na puwedeng tumulong din hindi lang sa pagbabakuna pati sa adbokasiya ‘no.

And then we will try to see how else we can do the hard to reach areas. Ginawa na natin iyan sa tulong ng ating military uniformed personnel ‘no. Nagbababa sila at nagta-transport through the choppers or through their vessels ng mga bakuna, tapos sumasama na rin iyong ating uniformed personnel magbakuna. So we will see what else we can do.

Ang gagawin na natin ngayon ay by area, kung saan mababa, ano ba ang puwedeng gawin. So hindi na buong Pilipinas iyan, iyong medyo maayos-ayos na pabayaan na lang natin na ituloy nila sa sarili nila, ang bibigyan pansin natin ay iyong mga low performing areas.

USEC. IGNACIO: Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Confirmed daw po ba na hindi na o-order ang Pilipinas ng bakunang Sputnik mula sa Russia?

May assurance din po ba na hindi maaapektuhan ang iba pang mga bakuna na maaaring dumating sa bansa dahil sa sigalot sa Ukraine.

DOH USEC. CABOTAJE: As of now, alam ko walang balak na bumili ng Sputnik V vaccine. We have enough ngayon. Ngayon kung ma-affect iyong ibang vaccine, we are ordering iyong mRNA [garbled] US and then mga, siguro iyon na lang muna. Iyong siguro sa bata it might… may kaunting problema sa supply depende sa manufacturer, we will see how it’s going to affect the general… iyong whole population kung ano.

But as of now, we do not see any problem in terms of the other vaccines except that siguro baka tumaas in terms of the transport kung ano iyong mga collateral na ano iyon, collateral damage ika nga, baka tumaas iyong presyo kasi nga iyong pag-transport, etc, etc. But I’m sure we will be able to manage basta naayos na iyong ating mga contract agreements.

USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin nito Usec. so far pagdating po sa mga pagbili ng pamahalaan ng mga bakuna, wala naman pong nagiging problema, on track pa rin po ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes. On track iyan except medyo kaunting delay iyong pag-deliver natin nung five to eleven na vaccine natin na may kaunting aberya but naayos na iyan in terms of the payments. So imbes na may dadating na 1.6 million noong February 23 ay first week of March na dadating.

We hope na on track pa rin iyong pagbigay ng ibang ano iyon, shipment ng ating five to eleven years old na bakuna. But iyong ating mga ibang bakuna, iyong ating adult na Pfizer ay on track naman po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. hingi na lang din kami ng update sa bilang naman ng nabakunahan dito sa pediatric, itong five to eleven years old age group. Ilan na po ang nabakunahan dito at ito pong sinasabing ninyong delay para sa pediatric vaccination ay hindi naman po makakaapekto doon sa mga kukuha ng second dose?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang latest data natin 663,384 ang nabakunahan nating five to eleven. Hindi naman maaapektuhan iyong kanilang second dose kasi sinabi natin sa ating mga nagbabakuna na mag-reserve sila ng second dose nila para siguradong may isi-second dose ‘no. So iyong mga medyo gumamit ng kanilang second dose kasi nga maraming demands, so aayusin nila para iyong pagdating ng bakuna next month first week of March ay mapalitan kaagad. But our general direction is reserve the second doses for the first dose para hindi tayo magkaroon ng problema.

USEC. IGNACIO: Tungkol naman dito sa vaccine wastage. May bago po bang naitala na nasirang bakuna or may malapit na po bang mag-expire?

DOH USEC. CABOTAJE: We are validating the data kasi the shelf life sa mga short shelf life nag-request tayo bago sila mag-expire ng shelf life ay extension ‘no. So hinihintay pa natin iyong mga updates. We do not have the figures but we are closely monitoring them.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Usec. Pero kailan daw po inaasahang bababa pa ang 1,000 na naitatalang cases kada araw dito sa ating bansa?

DOH USEC. CABOTAJE: Kung magtulung-tulong tayo di kailangan bababa iyan. But I think we are now going to shift kasi sa buong mundo we need to learn to live with COVID. Ang titingnan na lang siguro natin, ilan ba ang mga kaso na serious at iyong mga namamatay. Baka eventually, iyon na ang gawing parang parameter kasi whether we like it or not tuluy-tuloy pa rin ang nandiyan pa rin ang virus. May kaunting proteksyon, some will become asymptomatic, some will be mild. So baka later ang ating parameter na ay ilan ang magka-serious na magkakasakit.

Pero kung tulung-tulong lang naman lahat naman sa bakuna at saka sa minimum public health standards baka bumaba pa rin itong ating mga kaso.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., Hingin ko na lang ang inyong mensahe at paalala sa ating mga kababayan partikular po sa mga hindi pa nagpapabakuna. Go ahead Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: So importanteng-importante po na lalung-lalo na po sa ating mga senior citizen na kailangan po tayong magpabakuna para hindi lang po sa para ating proteksyon pero para sa proteksyon din ng ating mga pamilya at saka ating mga community. Kahit hindi ho tayo lumalabas puwede naman tayong makakuha ng sakit pagdating nung ating mga kasambahay na galing sa labas.

So importante pong magpabakuna, kung nagbabakuna na lalung-lalo na sa mga senior kailangan na rin pong magpa-booster kasi po alam natin medyo mahina iyong ang resistensiya, medyo mahina iyong paggawa natin ng antibodies, mahina iyong ating immunity. Kailangan ng added protection through boosters lalung-lalo na po sa ating mga seniors.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at ibinahaging impormasyon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health.

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center