Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Kahandaan ng Metro Manila at ilang rehiyon sa posibleng pagbaba sa Alert Level 1 sa gitna nang bumubuting sitwasyon ng bansa laban kontra COVID-19 at estado ng ating mga kababayang overseas pag-uusapan natin kasama po ang mga panauhin ngayong araw ng Huwebes, ikadalawampu’t apat ng Pebrero.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Narito po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas. Base po sa datos ng DOH, as of February 23, 2022, 4 P.M.:

Nasa 1,534 ang bagong cases kaya umakyat na sa 3,655,709 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.
Sumampa naman sa 201 ang nadagdag sa mga nasawi kaya umabot na sa 55,977 ang ating total number of deaths.
Samantala 2,729 ang mga gumaling para sa 3,544,283 total recoveries.
Ang active cases natin sa kasalukuyan ay 1.5% ng total case o katumbas ng 55,449 na katao.

Nagkasundo na ang Metro Manila Mayors na irekomenda sa IATF ang pagbaba ng NCR sa Alert Level 1 pagdating ng Marso. Pero bago iyan, ang DOH naglabas ng adjustments sa target vaccination rate para po sa A2 at A3 priority groups na required bago maibaba ang lugar sa Alert Level 1. Ang tanong: Naabot na nga ba iyan ng NCR at ilan pang mga rehiyon?

Pag-uusapan po natin iyan at iba pang issue kasama po natin si Department of Health Secretary Francisco Duque III. Good morning, Secretary. Welcome back po.

DOH SEC. DUQUE III: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky. Sa ngalan ng Department of Health at Inter-Agency Task Force, salamat sa pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kung pagbabasehan po iyong itinaas na target for vaccination ng A2 at A3 na ipinalabas po ng DOH para sa Alert Level 1, masasabi po ba natin na malaki talaga iyong tiyansa na puwede nang bumaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila by March?

Ano rin daw po ang reaksiyon ng DOH at IATF dito po sa unanimous decision ng Metro Manila Mayors na irekomenda na po sa Alert Level 1 ang NCR?

Ganito rin po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: Kung handa na po ba ang Metro Manila at ano daw po iyong mga indikasyon na handa na ang NCR?

DOH SEC. DUQUE III: Well maraming salamat, Usec. Rocky ‘no. Aking tatalakayin mamaya sa IATF meeting mamayang alas dos at titingnan namin itong Metro Manila Development Council Resolution na nagrirekomenda sila na payagan o i-deescalate na ang NCR to Alert Level 1. So pag-uusapan iyan mamaya, ngunit kung ako lang ang tatanungin ano, hindi naman nangangahulugan na iyong sasabihin ko ay iyan din ang posisyon ng collective IATF ‘no.

Sila naman, ang NCR pasado na sa kanilang mga metrics ‘no – hinog in other words. So iyong kanilang two-week growth rate nasa negative na ano tapos iyong average daily attack rate nila nasa moderate risk. Kapag ibinangga mo iyong dalawa, ang katumbas is a low risk classification; samantalang ang kanilang health care utilization rate naman ay below 30% so mababa din, low risk. So sa dalawa lamang aspetong ito ay hinog na sila pero mayroon nga tayong idinagdag na itong 80% ng senior citizens dapat ay maabot nila para maging kuwalipikado for a de-escalation to Alert Level 1. At ganoon din iyong 70% of their target population dapat na maabot din nila.

So tingin ko naman, mamaya aantayin lamang ng IATF ang pinakahuling ulat o datos patungkol dito para makapagpasya o makapagdesisyon na nang malinaw kung talagang puwede nang Alert Level 1.

In fact, hindi lang sila ang tatalakayin mamaya, marami ring mga iba pang mga piling lugar na kung sila ay nakapag-comply doon sa ating mga metrics ay pati iyong ibang mga lugar, ibang probinsya o ibang high urbanized cities and also independent component cities ang mapapasama under Alert Level 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, para malinaw lamang po ano. Nasaan na po ba ang Metro Manila pagdating daw po sa vaccination rate dito po sa nasabing priority groups?

DOH SEC. DUQUE III: Well itong—sa Metro Manila natin, ang A2 target population ay 1,222,154 ‘no. Ang number ng fully vaccinated nasa 1.025 million – NCR lang ang pinag-uusapan muna natin dito ha – na mayroon nang 83.90% coverage. So sa kanilang pangkalahatan naman, iyong target population lampas na sila sa 80%. In fact ang NCR 100% nga of its target population ano, fully vaccinated – ito ay 101.66% to be exact ‘no. Tapos ang—‘yan, so iyan ang kanilang estado which means they are truly and genuinely ripe for de-escalation.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, aside from Metro Manila, may mga rehiyon po ba na malapit na ring maabot itong metrics para po sa Alert Level 1?

DOH SEC. DUQUE III: Mayroon na, Usec. Rocky, kaya iyan din ay tatalakayin mamaya para lalahatin na natin kung sinu-sino ba ang mga hinog na para sa Alert Level 1. So hindi lang po NCR ang tatalakayin mamaya kung hindi lahat po ng nakaabot na doon sa ating mga tinaguriang metrics ‘no.

USEC. IGNACIO: Dagdag pong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: Ano daw iyong paalala ng DOH sa publiko sa posibleng pagluluwag sa Alert Level 1?

Ganito rin po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po iyong posibleng safeguards natin para maiwasan iyong paglobo ng mga kaso dahil sa pagluwag sa Alert Level 1 ng NCR at ilang mga lugar sa ating bansa?

DOH SEC. DUQUE III: Well unang-una, Usec. Rocky, iyong ating minimum public health standards ay tuluy-tuloy pa rin iyan at pag-uusapan din iyan mamaya, didesisyunan kung ano iyong mga puwedeng gawin, ano iyong hindi puwedeng gawin ‘no. We will be more specific in terms kung ano ba iyong mga activities. So ri-review-hin na naman iyong omnibus guidelines ng IATF on the alert levelling system.

Pero ito masasabi ko, tuloy ang paggamit ng mask, no doubt, talagang tuloy iyan. Iyong hand hygiene ‘no, paggamit ng mga disinfectants tuloy na tuloy iyang mga panuntunan na iyan. So iyong vaccination trajectory natin, kinakailangan natin na tuluy-tuloy na pataasin, palawigin at of course iyong usapin naman sa safety seal, iyan ay ii-institutionalize na lang at the local government units at their level kapag nag-renew o nag-apply ng license ang mga establisyimento ay doon na isasama iyong safety seal. Pero sa ngayon iyong safety seal ay hindi na muna natin isasama iyan bilang requirement.

USEC. IGNACIO: Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: May mga nagsasabi daw po na hindi pa handa ang NCR sa Alert Level 1 dahil hindi pa daw po disiplinado ang mga Pilipino pagdating sa mga protocols, ano daw po ang masasabi ninyo dito?

DOH SEC. DUQUE III: Well, may mga ilan siguro pero malaking bahagi ng populasyon ng NCR ay okay naman ang kanilang masking rate ano, porsiyento ng sumusunod sa mga panuntunan ng Department of Health at ng IATF ‘no. At ito’y nasasalamin sa kanilang mababang risk classification, as a low risk as I have said. In fact pati iyong sa ospital binabantayan dito dapat natin, tutukan iyong health care utilization rate – iyan kasi lumalabas sa ngayong pinakamahalagang panukatan ano.

Sa lahat ng mga metrics, iyong health care utilization rate and in particular iyong ICU. Nakikita naman natin mababa lahat iyan so ibig sabihin maganda ang ating pagsunod sa minimum public health standards. At napatunayan na natin ito dahil ‘di ba bago nagkaroon ng vaccination program ano, iyong last year, even in 2020 nakita natin na napababa din ang kaso nang mabilisan doon sa mga variants of concern ano – iyong Alpha, Beta, iyong Delta and prior to that, that was 2021. Noong 2020, nagkaroon din tayo ng mga UK lineage, kung hindi ako nagkakamali. Iyong original Wuhan virus din, nagka-surge din tayo. Pero dahil ang Pilipinas ay magaling sumunod, ang mga kababayan natin ay magaling sumunod sa ating mask, hugas, iwas ay nakatulong ng malaki ito na mapabagsak ang mga kaso kahit na wala pang bakuna noong 2020.

And 2021, bandang huli nga, nakita naman natin ang naging epekto ng dalawa – mask, hugas, iwas at saka bakuna – at sumadsad talaga ito to 200 more or less cases a day noong kababaan ng kaso sometime in December of last year. So iyan ay tuluy-tuloy na ginagawa ng nakararaming kababayan natin dito sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, sakali raw po na talagang magluwag na sa Alert Level 1 at kung sakali naman po – huwag naman po sana – na talagang tumaas na naman po ang datos ng kaso ay gaano raw naman po magiging kahanda na naman ang ating pamahalaan para dito?

DOH SEC. DUQUE III: Alam ninyo, dalawang taon na natin tinutugunan itong problemang ito, at kahit na papaano ay marami na rin tayong mga kaalaman, mga policies na nahubog through the IATF. At sa operations’ aspect ng ating COVID-19 pandemic response, marami na tayong na-master dito. So mayroon na tayo, ‘ika nga, cadence of the execution or implementasyon ng mga hakbang para matugunan ang surge. Nagkakaproblema lang naman kapag nagkaka-surge tayo at iyan ay handa naman ang ating health systems capacity ‘no.

Handa po tayo for the worst-case scenario. Napatunayan na natin iyan noong nagkaroon ng Delta surge ‘no, at napagtagumpayan naman natin itong surge na ito sa mga ospital, in particular mayroon tayong accordion policy na sinusunod. Kung may surge, madaling palawigin ang bed capacities, ICU capacities; kung walang surge, magku-contract naman iyong capacity para maasikaso rin naman iyong mga non-COVID cases.

Tandaan ninyo sa laban na ito, hindi lang ito limitado sa COVID, kung hindi kinakailangan asikasuhin din ang iba pang mga sakit ng ating mga kababayan. So hindi puwedeng puro COVID lang ang mga kama natin. Ang Importanteng polisiya dito iyong kung may surge, you expand; kung walang surge, you contract, okay. Pero dagdagan mo naman doon sa non-COVID patients ‘no ang mga kama.

USEC. IGNACIO: Secretary, tungkol naman sa booster: Ano raw po iyong strategy ng DOH para mahikayat itong 71% o 23 million individuals na hindi pa nakakapagpa-booster? Kinu-consider daw po ba ninyo na magkaroon ng dagdag na incentives para raw po lalo silang mahikayat na bumalik para po sa booster dose?

DOH SEC. DUQUE III: Tama ka ‘no. Actually, ang SWS may pinalabas na survey na 80% nga ng mga respondents ay gustong magpa-booster ‘no. So ang gagawin natin diyan, unang-una, paalala lang na iyong proteksiyong taglay ng booster dose ay mismong iyan na iyong pinaka-insentibo ‘no.

Pangalawa, doon naman sa mga nahihirapan na magpa-booster, lalo na mga senior citizens na sila talaga ang mabibenepisyuhan ng mga booster doses ay dapat siguro ay tinitingnan na natin ang National Vaccine Operation Center iyong house-to-house campaign na maidala. Kasi may mga matatanda naka-wheelchair, may mga matatanda hindi na makalakad at doon na lamang sila sa kanilang mga tahanan o iyong iba takot lumabas, so ipapaabot na natin sa kanila sa pamamagitan ng house-to-house immunization campaign [bilang] isa sa ating mga istratehiya para mapataas ang ating booster dose coverage.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano naman daw po ang ginagawang pakikipagtulungan ng Department of Health sa mga LGUs at agencies para raw po ma-achieve itong pag-shift sa vaccination drive at house-to-house vaccination para sa eligible population? At ilan po ang ini-expect natin na mabibigyan dito ang ating mga kababayan?

DOH SEC. DUQUE III: Well, unang-una talaga naman, ang ating pakikipag-ugnayan ay mahalagang aspeto ng ating vaccination program. Iyong pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal, sa DILG at iba pang mga ahensiya, iyong mga DND, ano, at mga enforcement agencies, lahat po iyan ay talagang nagtutulungan, nagkakaisa para mapalawig pa natin ang vaccination coverage natin, kasama ang booster dose strategy.

So iyong sinasabi mo, may mga 23 million pa tayo na dapat ma-booster, and iyon ang ating kagustuhan dahil sa ngayon ay nasa 28% pa lang of the total eligible population for booster doses ‘no ang nabakunahan na o na-booster dose na. So tuluy-tuloy ang ating ginagawa. Although, of course, ang mahirap nga dito, kagaya nang sinabi ni Secretary Galvez, medyo naabot natin iyong mga saturation points ‘no, medyo talagang bumagal, naging matumal iyong ating vaccination. Ito ngang National Vaccination Day 3 natin, imbes na makuha nga natin sana ay mataas na coverage ay parang tila 68 to 70 percent lang ang ating nakamit.

Kaya talagang tuluy-tuloy, pinapalakas natin ang ugnayan ng pamahalaan lokal at ng ating National Vaccine Operation Center at kasama rin ang pinaigting na social marketing campaign para ang mga tao ay mas maliwanagan sa benepisyong taglay at proteksiyong taglay ng ating mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Secretary, dito daw po sa pinakahuling vaccination drive hindi nga po natin naabot iyong target na five million jabs. Sa ngayon, pinag-aaralan na po ba daw ng DOH kung kailan magsasagawa ng susunod o ikaapat na national vaccination day?

DOH SEC. DUQUE III: Yes ‘no. Itong Marso sa susunod na buwan ay nakakasiguro po kayo na magpapaganap na naman po tayo ng National Vaccination Day 4, iyong ating mga senior citizens uunahin po natin sila. Ang atin pong mga pediatric age groups na five to 17, five to 11 and 12 to 17 booster sa pediatrics ‘no age group. Siyempre iyong ating primary dose series ay paiigtingin pa rin natin ito, iyong mga hindi pa rin nakakatanggap ni isa na bakuna kailangan isulong din ito ng mas malakas ‘no.

USEC. IGNACIO: Secretary, malaki-laki itong higit 15 million na mga batang five to 11 years old po na target mabakunahan by end of June. Kaya po ba ito dahil ang kinukonsidera po natin iyong vaccine supply na reformulated for specific age, iyan po ba ay magkakaroon tayo ng sapat na supply para diyan?

DOH SEC. DUQUE III: Yes, mayroon pong supply pero iyong dating iyong sa five to eleven ang dating ng bakuna [garbled] ano. Hindi siya madalian, hindi bultu-bulto. Mayroon din supply limitations mula sa ating supplier [garbled] Pfizer in particular. So iyan—

Linawin ko lang iyong sa kanina ‘no. So iyong pina-prioritize natin iyong ating mga senior citizens okay, tapos iyong primary dose natin for pediatric age group; ng booster is 18 years old and above, okay. Medyo nalito lang ako nang kaunti doon sa nasabi ko na ang booster kasama sa [garbled]. Wala pa tayong booster sa mga bata ‘no. Naalala ko lang na ang booster campaign covers only 18 years old and above.

USEC. IGNACIO: Opo.

DOH SEC. DUQUE III: Pero iyong sa pediatric age group pinaigting natin iyong primary dose series. [garbled]

USEC. IGNACIO: Thank you Secretary kasi iyan po dapat iyong follow up question na paglilinaw sana ni Tuesday Niu pero nasagot ninyo na nga po. Na-clarify ninyo po.

Secretary, sa pag-aaral po na ginawa sa Malaysia kaugnay sa Ivermectin drug bilang gamot sa COVID-19, lumabas na hindi daw ito epektibo sa pag-prevent ng severe COVID infection. Ano po ang masasabi ng DOH dito?

DOH SEC. DUQUE III: Well, iyan ay pinag-aaralan na rin iyan pero ganoon din naman halos din ang posisyon ng ating mga expert panel ‘no. Depende na rin kasi minsan ano ba iyong mga pananaliksik, iyong mga research, iyong mga clinical trial studies na isinagawa. Pero hindi naman nalalayo iyan doon sa posisyon ng ating technical advisory group of experts na hindi siya effective laban sa COVID. It remains to be effective for mga parasitic infection ‘no pero sa COVID wala, mahina o halos wala talagang makitang basis for approving this for COVID infection.

USEC. IGNACIO: Secretary, kukunin ko na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan lalo’t maraming option na po ang binubuksan para talaga sila ay mabakunahan. Go ahead, Secretary.

DOH SEC. DUQUE III: Ako po ay nananawagan na samantalahin po natin ang ating vaccination program. Wala po tayong dapat maging agam-agam o kaduda-duda sa pagiging ligtas, epektibo, de-kalidad na mga bakuna at ito naman po ay libre. So kahit na ano pa mang bakuna doon sa inangkat ng inyo pong gobyerno, lahat po ito ay may taglay na proteksyon.

Kaya sana po huwag nating sayangin ang pagkakataong ito. Magkaroon na po tayo ng sapat na proteksyon para manumbalik na ang normal sa buhay ng bawat Pilipino at maiahon din natin ang ating malaking bahagi ng ekonomiya na sumadsad ‘no dahil sa dagok dulot ng COVID-19. Kailangan manumbalik na rin ang ating mga kapasidad ano, pre-pandemic capacity para ang mga nawalan ng trabaho ay maibalik ano at ang kagutuman ay matutugunan na rin, kahirapan at siyempre iyong iba pang mga sakit kinakailangan din bantayan natin itong mga ito dahil sa dalawang taon na iyan maraming non-COVID cases ‘no, iyong mga non-communicable diseases na naantala ang kanilang paggamot, konsultasyon, operasyon na ngayon lang magbabalikan iyan mga iyan.

Kaniya talagang mahalaga pa rin na sa ibabaw ng lahat ng ito ang bawat mamamayan nasa balikat niya ang laban matagumpayan ang COVID-19, ano po. Kaya magpabakuna sa lalong madaling panahon at sumunod, disiplinadong pagsunod sa mask, hugas, iwas at hangin o iyong airflow at ito po ang susi para po sa muling pag-ahon ng atin pong bansa.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Department of Health Secretary Francisco Duque III. Salamat, Secretary.

DOH SEC. DUQUE III: Salamat Usec. Rocky sa iyong magaling na pangangasiwa ng programa na umaabot sa kadulu-duluhan ng atin pong bansa, maraming salamat. Sa ngalan ng DOH at ng IATF.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Salamat po, Secretary!

Samantala, muling umapela si Senator Go sa publiko kasabay ng kanilang pagsuporta sa mga kandidato ngayong panahon ng kampanya. Isaalang-alang pa rin ang kanilang kaligtasan, maging responsable sa pagsunod sa ipinatutupad na health protocols. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, pinapayagan na muli ang pagpasok overseas Filipino workers sa Taiwan matapos na muling magbukas ang bansa sa kanilang border para sa migrant workers. Para makibalita sa sitwasyon ng ating kababayan natin doon alamin ang paalaala sa mga nagbabalak tumulak pa-Taiwan, makakausap po natin si Labor Attaché Cesar Chavez Jr. ng Philippine Overseas Labor Office sa Taipei, Taiwan, good morning po, sir.

LABOR ATTACHÉ CHAVEZ: Good morning po Usec. Rocky at sa lahat ng tagasubaybay ng programang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ngayong nagbukas na itong ekonomiya mula sa epekto ng pandemya, kumusta po ang sitwasyon ninyo diyan sa Taiwan siyempre kasama po ang ating mga OFWs?

LABOR ATTACHÉ CHAVEZ: Maganda naman po dahil simula pa nung nagsimula iyong pandemya ay hindi nagkaroon ng lockdown or community quarantine dito sa Taiwan. At ang infection po sa loob ng mahigit dalawang taon ay nasa 20,000 lang po ‘no. So hindi po masyadong apektado ang ating mga kababayan kaya wala pong nangyaring massive displacement kaya lang ito pong kasing taong ito nagkaroon ng temporary ban simula po nung Mayo hindi na nakakabalik iyong mga manggagawang Pilipino dito kasama na rin iyong ibang sending countries. At ngayon lang pong February 15 na pinahintulutang bumalik uli iyong mga migrant workers.

Maganda naman po ang kalagayan at tuluy-tuloy ang trabaho nila at sana makabalik na iyong mga inaasahang OFWs dito sa Taiwan at hinihintay na ng kanilang mga employers lalo na sa manufacturing sector.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero para po sa kaalaman ng ating publiko, ilan po ba ang tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office o POLO diyan sa Taiwan? At ano rin daw po iyong karaniwang programa o serbisyo na inihahatid natin sa ating mga OFW lalung-lalo na ngayon na sinasabi ninyo na magbalik ang ating mga kababayan diyan sa Taiwan.

LABOR ATTACHÉ CHAVEZ: Dito po Taiwan mayroon po tayong tatlong Philippine Overseas Labor Office ‘no. Mayroon po sa Northern Taiwan nasa Taipei City po iyan, ito po iyong sa aking jurisdiction. Mayroon din tayo sa Central Taiwan ‘no sa Taichung City. May POLO din po tayo sa Southern Taiwan sa Kaohsiung City ‘no.

Mga programa po natin maliban sa mga regular services sa panahon po ng pandemya ay nagbibigay po tayo ng mga necessities o ayuda doon sa mga apektadong manggagawa natin ‘no. Kasi kapag nagkaroon po ng isang infection sa isang factory, buong factory po ay kinu-quarantine at ina-isolate iyong mga workers.

So maliban po doon sa financial assistance na pinagkakaloob sa mga infected OFWs na $200 nagbibigay din po tayo ng mga hygiene kit at iba pang mga pangangailangan ‘no lalo na sa mga naka-isolate na Filipino workers at lahat po ng mga problema nila tuluy-tuloy pa rin po iyong ating conciliation and mediation sa mga disputes kung mayroon pong napag-alaman tayo at iyong ating welfare services naman ay tuluy-tuloy rin po.

USEC. IGNACIO: Sir sa inyo pong datos gaano ba karami iyong OFWs natin diyan ngayon sa Taiwan at ano po iyong mga industriya na ang kanilang kinabibilangan?

LABOR ATTACHÉ CHAVEZ: Marami po ma’am, as of December 20, 2021, mayroon po tayong 142,000 OFWs. OFWs lang po iyan hindi po kasama iyong mga married to Taiwanese, iyong mga ibang may mga permanent residency dito sa Taiwan. Umaabot lahat ng Filipinos dito sa ngayon 160,000.

Ngayon dito po sa 142,000, 85% po diyan or around 115,000 ay nasa manufacturing sector at ang karamihan ng ating mga OFWs ay nasa factories ng semiconductor, chips, computers, electronics ‘no. Dominated po natin itong sector na iyan, tayo po ang marami diyan. Iyong atin naman pong ibang OFW, iyong 15% po or around 26,000 ay mga caretakers at domestic workers sa loob ng Taiwan. So iyan po iyong ating mga manggagawa dito.

USEC. IGNACIO: Noong nakaraang linggo nga po muling nagbukas ang Taiwan para sa mga banyagang manggagawa. So gaano po ba karaming OFW ang nakapasok diyan magsimula nang muling pagbubukas at ilan pa po iyong inaasahan nating madi-deploy sa mga susunod na buwan?

LABOR ATTACHE CHAVEZ: Kakaunti pa lang iyong nakakapasok, pailan-ilan pa lang dahil iyong atin pong deployable na around 5,000 na sabi nga ay na-stranded diyan sa Taiwan mula pa noong May ay nagri-renew pa po ng kanilang mga visa at saka iyong mga other requirements katulad ng medical at kailangan pa rin pong i-comply iyong additional pre-deployment health protocol na pinapairal ng Taiwan ano, bago pumunta dito sa Taiwan. So inaasahan po natin na marami na pong papasok, siguro sa susunod na linggo ‘no, siguro ang dami ng papasok, sa ngayon paisa-isa pa lang. Tapos ito pong pagpasok nila ay kailangan pong sumunod sa additional o strengthened health protocol po na pinapairal din po ng Taiwan pagdating po dito sa bansa nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil nga sa muli ngang pagbubukas ng Taiwan, saan din po daw iyong mga industriyang may malaking demand para sa ating mga OFW, para po sa mga interesadong magpunta diyan?

LABOR ATTACHE CHAVEZ: Ang demand po ay nasa manufacturing, dahil mas gusto po ng mga Taiwanese employers iyong ating mga OFWs sa semiconductors, computer and electronics, manufacturing. So iyan po ang malaking demand ngayon at marami pong mga kumpanya na nanggagaling sa mainland China o sa ibang bansa na nag-resettle, bumalik dito sa Taiwan at kung hindi man nagtayo ng kanilang factory ay nag-i-expand po dito. So, inaasahan po natin na libu-libong factory workers po ang kailangan sa Taiwan sa mga susunod na buwan at taon. Sa ngayon po ay talagang inaamin po ng Taiwan na ang laki shortage ng labor nila lalo na sa manufacturing. Kaya po sila nagbukas na ng mga migrant workers para makapasok na dito sa Taiwan.

USEC. IGNACIO: Hinggil naman sa quarantine requirements, ano na po iyong pinatutupad na quarantine protocols ng Taiwan para po sa mga pumapasok sa kanilang borders, Sir?

LABOR ATTACHE CHAVEZ: Medyo mahigpit po ang Taiwan ‘no sa health protocol pagdating dito. Mayroon pong 14-days na government facility quarantine at mayroon pa pong additional na seven days na tinatawag na self-health management. So, bale 21 days po ang quarantine ng lahat ng manggagawa na papasok ng Taiwan. Ngunit ang Taiwan government naman po at iyong kanilang mga employers ay obligated po under the law na magpasahod during the quarantine period at lahat ng gagastusin related to the quarantine, foods and accommodation sa loob ng 21-days ay sagot din po ng employer at Taiwan government.

USEC. IGNACIO: Pero pagdating naman po sa bakuna, Sir mayroon bang preferred COVID-vaccine ang Taiwan para po sa mga papasok o pumapasok sa kanilang borders at ano po iyong polisiya kung sakaling hindi kinikilala ng Taiwan – kung mayroon man po ha – na primary COVID vaccine ng isang papasok na migrant worker?

LABOR ATTACHE CHAVEZ: Sa kasunduan po natin between the Department of Labor and Employment at ng Ministry of Labor ng Taiwan sa resumption ng deployment dito sa Taiwan ay kailangan po ang workers ay WHO accredited vaccine iyong itinurok sa kanila at dapat fully vaccinated. Kapag mayroon pong mga workers tayo na hindi po nabakunahan ng WHO accredited vaccine – may naririnig po tayo iyong Sputnik, hindi po accredited ng WHO iyan sa ngayon – hindi po muna makakapasok dito sa Taiwan ang mga iyon.

Ang ginagawa po natin ngayon ay nakikipag-ugnayan po tayo sa Taiwan side para magkaroon po ng consideration or ang nilalakad po ngayon ay iyong mutual recognition of vaccines. Mayroon din po kasing bakuna dito sa Taiwan na hindi po WHO accredited ‘no, iyong Medigen, iyong kanilang homegrown vaccine. So kapag nagkaroon po ng mutual recognition ng vaccine ay mapapayagan na po iyong Sputnik at iyong other vaccines na hindi po WHO accredited. Pero sa ngayon po kailangan po WHO accredited iyong vaccine ng ating mga OFWs at dapat sila ay fully vaccinated. Iyan po ang napagkasunduan.

USEC. IGNACIO: Labor Attaché Chavez, nasa inyo po ang pagkakataon na magbigay ng mensahe sa ating mga OFWs diyan, ganoon din po iyong mga pupunta sa Taiwan at kanilang pamilya na nandito sa Pilipinas.

LABOR ATTACHE CHAVEZ: Iyong mga kababayan natin na narito ngayon sa Taiwan at tuluy-tuloy na nagtatrabaho, pag-igihin po natin iyong ating trabaho ‘no, huwag masyadong magagastos, ipon-ipon po para mayroon pong magagamit sa panahon ng pandemya, ng kalamidad at ng iba pang pangangailangan.

Doon naman po sa mga kababayan natin na papasok ng Taiwan para magtrabaho lalo na iyong mga new hires. Mayroon po tayong expected na 15,000 new hires at balik-manggagawa at rehires na 25,000. So ini-expect po natin iyong naimbyerna po dahil sa ban ng entry ay mga 40,000. So, i-comply po natin ‘no, usually iyong additional pre-deployment health protocol na pinapairal ng Taiwan, i-comply po natin lahat iyan. Iyong mga quarantine na before deployment, iyong pandemic prevention plan na dapat maipakita sa Taiwan Economic and Cultural Office bago mag-renew ng visa o mag-apply ng panibagong visa or bagong visa at para maging maayos po.

Kasi nakakarating po sa amin dito na iyong mga pumipila sa TECO para kumuha ng visa o mag-renew ng kanilang expired visa ay hindi po compliant iyong mga dokumento. Iyong iba, iyong iilan, hindi po compliant iyong dokumento na isina-submit. So, makipag-ugnayan po kayo sa inyong mga ahensiya, iyong mga workers natin para maayos iyong mga dokumento na isa-submit po para makakuha na kayo ng entry visa.

Doon naman po sa ating mga direct hires, eh makipag-ugnayan po sa government placement branch ng POEA, sila po ang mag-aasikaso sa inyo sa lahat ng pangangailangan ninyo hanggang sa makarating kayo dito sa Taiwan.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at impormasyon, Cesar Chavez Jr., Labor Attaché ng Philippine Overseas Labor Office Taipei, Taiwan. Salamat po, Sir.

LABOR ATTACHE CHAVEZ: Maraming salamat din po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa harap ng bumubuting COVID-19 situation ng bansa, ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagbabalik ng provincial public utility buses at pagbubukas ng lahat ng lahat ng inter-regional routes na may operasyon noong pre-pandemic.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2022-023 ng ahensiya, ito ay para Public Utility buses Operators na may certificate of public convenience provisional authority at special permit. Kabilang na dito ang provincial commuter routes mula sa Region IV-A na maaari na ring bumalik sa kanilang dating end point sa Araneta Bus Terminal sa Cubao na ang daan ay sa C-5 at mga inter-regional routes na hindi papasok sa Metro Manila.

Papayagan din ang mga bus operator na magsakay at magbaba sa kani-kanilang terminal o bus stop basta nasusunod ang tamang kapasidad. Kasunod nito, tiniyak naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na pinaghahandaan nila ang paglipat sa mas maluwag na alert level ng Metro Manila.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ikinakasa na ng Department of Health ang pagbibigay ng ayuda sa mga magpapabakuna kontra COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Isa iyan sa mga nakikitang hakbang ng Kagawaran bilang tugon sa mababang vaccination coverage sa rehiyon.

Bukod sa pagbibigay ng ayuda, plano rin ng DOH na magsagawa ng house to house vaccination information caravan, dialogue sa refusal clients at radio plugging. Target din ng DOH na magkaroon ng random police checkpoints at vaxcert booth sa BARMM para mapigilan ang mga namimeke ng mga vaccination cards.

Magbibigay din ng prepaid WIFI at load allowance ang DOH sa IT technicians sa BARMM para mas mapabilis ang pagsusumite ng vaccination report mula sa BARMM. Nananawagan din ng suporta ang DOH sa Municipal Mayors, Head of Offices, at Barangay Officials sa pagpapaigting ng bakunahan sa rehiyon.

Kung patuloy na bumababa ang naitatalang COVID cases kada araw, ano naman kaya ang epekto nito sa operasyon ng ating mga hospital? Handa na nga ba sila sa posibleng mas maluwag na Alert Level 1.

Iyan po ang ating aalamin makakasama po natin ang Presidente ng Private Hospital Association of the Philippines na si Dr. Jose Rene Grano, good morning po Doc., welcome back po sa Laging Handa.

DR. DE GRANO: Good morning po, good morning sa ating mga nakikinig po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., kumusta iyong COVID admission nitong mga nakaraang linggo, ramdam na po ba ng mga hospital maging ng ating mga frontliners itong pagbaba ng mga cases?

DR. DE GRANO: Yes po. Medyo bumaba talaga ang ating mga kaso at halos ang ating utilization rate po ay 30% na at bumababa pong patuloy ang mga active cases natin daily. So, ang mga hospital naman po ay nakahanda pa rin kung sakali mang tumaas pa ulit iyan handa pa rin po ang mga private hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo, isunod ko na po iyong tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer para sa inyo ano po: May concern ba ang private hospital about possible increase in patients kapag nagluwag sa Alert Level 1 kahit na ang sinasabi mas konti naman po ang nao-hospital sa Omicron?

DR. DE GRANO: Yes po, siyempre hindi natin alam kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso. Siguro naman kung talaga ang decision nila gawin Level 1 po iyan, ang ano lang po natin ay iyong strict implementation po noong minimum health protocols ng sa ganoon po ay ma-prevent pa rin natin at saka iyon pong physical distancing, iyong social distancing kasi doon po ay hindi kakalat ang ating infections po, opo.

USEC. IGNACIO: How about po iyong naitatalang reinfections sa mga medical frontliners. Doc., bumababa na rin po ba ito at nakabalik na rin po ba sila sa normal duty tulad noong pre-Omicron surges?

DR. DE GRANO: Opo, karamihan po ng ating mga nahawa na ating mga health care workers ay nakabalik na ano po? Iyon naman po kasing pagkakahawa nila ay community acquired ano po, sa labas din nila nakuha at iyon lang po noong pumasok nga sila ay nagkaroon ng mga sintomas. So, they have to be quarantined, opo.

USEC. IGNACIO: Doc., kung kayo po ba ang tatanungin pabor po ba kayo sa rekomendasyon ng Metro Manila Mayors na ibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at tingin ninyo po handa na ang NCR para dito? Ganiyan din po ang tanong ni Red Mendoza ng Manila Times para sa inyo: Handa na po ba ang mga hospital para dito?

DR. DE GRANO: Sa amin po ang rekomendasyon namin kung maaari maghintay tayo ng another two weeks ano po? Pero kung iyon po ang decision ng ating mga IATF ay siguro susunod naman po kami.

Ang ano lang po diyan ay iyong implementasyon po ng ating minimum health protocols. Iyon po ang kailangan talaga natin gawin at baka kasi kapag naging Alert Level 1 ay balewalain na nila itong pagwi-wear ng mask, iyong social distancing. Delikado po iyan lalo po sa mga sorties ng ating mga nagka-kampanya, opo.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc., hindi naman po ba kayo nangangamba dito sa pagluluwag lalo’t kaliwa’t kanan po itong mga kampanya dahil sa election period?

DR. DE GRANO: Iyon nga po ang pinangangambahan namin. Sa amin, worried kami na baka after this na niluwagan nating masyado at ang mga tao ay hindi na sumunod sa minimum health protocols ay baka bigla tayong magkaroon ulit ng surge.

Alam po ninyo. Kasi, ganoon ang nangyari before Christmas po talagang ang baba na ng ating mga kaso pero noong after Christmas ay nagkaroon tayo ng surge. Kaya iyon sana ang iniiwasan natin.

USEC. IGNACIO: Iyan din po ang naging tanong ni Lei Alviz ng GMA news para sa inyo: Iyon ano pa po iyong aside from dito sa campaign period, ano pa po iyong concern ng PHAPI sa posibleng pagluwag sa Alert Level 1 ang NCR?

DR. DE GRANO: Opo, iyon nga po iyon lang kapag nag-increase ulit. Kami naman po ang mga hospital ay mayroong paghahanda diyan ano? Dahil karamihan naman po sa mga Omicron cases hanggang moderate lang.

Ngayon ang ikinatatakot namin papaano iyong hindi bakunado, iyong mga with comorbidities – may mga hika, hypertension, diabetes – sila po ang kahit hindi po ito COVID ay madali silang tamaan din ng COVID at positive na po sila doon. Pero, hindi naman po usually nagiging COVID pneumonia, opo.

USEC. IGNACIO: Doc., sa ngayon mabababa itong turn-out ng mga nagpapa-booster shots. Ano naman daw po iyong efforts ng private hospitals para matulungan na mas mahikayat po ang publiko na magpabakuna ng booster dose?

DR. DE GRANO: Well, talaga po kami ay nagku-coordinate with the local government units, sa Department of Health para lang po talaga maikalat namin na talagang importante na ang ating mga kababayan ay magpabakuna lalo po itong booster dose.

Kasi ang dami po talagang sobrang mga booster doses na hindi nagagamit, eh sana naman po bago ito mawalan ng bisa ay maipagkaloob natin kasi ito naman po ay mga libre, opo.

USEC. IGNACIO: May follow-up question lang po si Leila Salaverria para sa inyo ng Inquirer: Naiparating na po ba ng PHAPI sa IATF ang recommendation nito na maghintay ng two weeks bago mag-Alert Level 1?

DR. DE GRANO: Siguro naman po narinig nila ang aming panawagan at iyon po naman bilang kami pati po iyong mga ibang sectors. Lahat ng medical sectors mga doctors ay iyon po ang gusto nila, huwag tayo masyado bigla kasi mataas pa rin po ang kaso natin although ang mga sintomas po ay hindi kasing grabe noong Delta ay mataas pa rin po right now iyong ating number of cases, opo.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta na po iyong staffing ng mga hospital natin? Marami pa rin po ba iyong nati-threaten na mag-resign at ano rin po iyong masasabi ninyo dito sa one COVID allowance ng DOH?

DR. DE GRANO: Tuloy-tuloy po kasi ang opening sa abroad. So, talaga pong marami pa rin nagbabalak mag-resign at mag-apply sa abroad. Ngayon iyong sinasabi ninyong one COVID na ano, okay lang po kami kung iyon po ay para sa kapakanan ng ating mga nurses ng ating mga health care workers.

USEC. IGNACIO: Nasa mahigit dalawang taon na po tayong nakikibaka sa pandemya. Masasabi po ba natin na ang ating mga hospital at health care system ay handa sakali pero huwag naman po sana muling magkaroon ng surge o panibagong COVID variant?

DR. DE GRANO: Opo, lagi naman po kaming handa kahit po… actually kung naging grabe man iyong ano na iyan at nagpapasalamat tayo hindi naman talaga tumuloy sa pagiging serious iyong mga cases ano?

Iyong mga hospitals naman po lalo iyong mga private hospitals we are always prepared. Ang nagiging limitasyon lang po namin siyempre ay iyong number of our nurses at saka health care workers. Pero, we are prepared to admit all of them po.

USEC. IGNACIO: Doc., kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe o paalala sa publiko. Go ahead Doc.

DR. DE GRANO: Iyon po sana po kung sakali mang ibaba natin sa Level 1 iyan, sana ay ipagpatuloy po natin iyong ating minimum health protocols ng pagwi-wear ng mask, hand washing at saka iyong physical distancing ng sa gayun po ay hindi tayo magkalat ng infection.

At as much as possible po kung available po itong mga booster doses at sa mga vaccination natin ay tayo lahat po ay magpabakuna at ng sa gayun po ay maging handa tayo at maprotektahan ang ating mga kababayan sa infection na ito.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Jose Rene De Grano, President ng Private Hospital Association of the Philippines. Stay safe po.

DR. DE GRANO: Thank you po.

USEC. IGNACIO: Mga pamilyang biktima ng sunog sa ilang bayan sa Cebu City agad na hinatiran ng tulong ng outreach team ni Senator Go, namahagi rin ng tulong financial at housing assistance ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Makibalita naman tayo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

Sa Cordillera Region, naghahanda na ang Division of City Schools para sa pagkakaroon ng SPED learners sa lahat ng paaralan sa Lungsod ng Baguio. Ang karagdagang ulat mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center