Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Magandang umaga po sa lahat ng ating mga kababayan saanmang panig ng mundo.

Ngayong araw ng Lunes, January 24, muli tayong makikibalita sa pinakahuling impormasyon tungkol po sa COVID-19 dito sa Pilipinas, gayundin ang iba pang mahahalagang usapin sa bansa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Para bigyan po tayo ng pinakahuling impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para tugunan ito, atin pong makakausap si Department of Health Secretary Francisco Duque III. Magandang umaga po, Secretary.

DOH SEC. DUQUE:  Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky, at sa lahat ng iyong mga tagasubaybay. Sa ngalan ng Department of Health at saka ng IATF, ako ay nagpapasalamat sa pagkakataon na ibinibigay ninyo sa amin.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilan na po iyong latest na detected Omicron sa Pilipinas at ilan dito iyong active cases pa? Hindi naman po raw ito nadagdagan, itong mga naitalang Omicron deaths?

DOH SEC. DUQUE: Iyong Omicron natin, ang total natin, out of the 714 na na-whole genome sequence, ang Omicron ay lumalabas 492, mga almost 70% ng mga na-sequence ‘no. Tapos ang susunod, 16%, ito iyong Delta; may one percent na Alpha. So iyan pa rin ang pinakahuling datos natin patungkol sa ating Omicron variant.

So patuloy naman ang ginagawa ng Philippine Genome Center tukuyin kung darating ba ang araw na talagang baka almost 100% maging Omicron na kasi lumiliit na nga iyong Delta variant. So antayin natin ang huling datos mula sa Philippine Genome Center.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, although bumababa na nga raw po itong COVID-19 infection dito sa Metro Manila, nao-offset naman iyong pagtaas ng mga kaso outside NCR at ang total cases na naitatala kada araw. Ano raw po ang ginagawang aksyon ng DOH para tutukan itong mga lalawigang ito na nakitaan po ng pagtaas ng kaso?

DOH SEC. DUQUE: Maraming ginagawa ang inyong Department of Health ‘no. Unang-una, ating ginagabayan ang mga local chief executives sa mga lugar na mataas ang kanilang mga kaso na ang mga hospital and other healthcare facilities dapat palawigin ang kanilang kapasidad. Kung mga government hospitals, dapat 50% of their authorized bed capacity ilaan for COVID patients; at sa pribadong mga ospital na kinakailangan din nilang kausapin at gabayan, 30% ng kanilang bed capacity dapat nakalaan for COVID at ito naman ay sasagutin ang malaking bahagi ng gastusin ng Philippine Health Insurance Corporation.

Pangalawa, sinasabihan din natin sila na ang mga mild and asymptomatic cases ay dapat hindi na sa ospital ang puntahan. Kaya kinakailangan din palakasin at palawigin ang kanilang mga intermediate healthcare facilities o Temporary Treatment and Monitoring Facilities katulad na lamang ng mga community isolation units.

At hangga’t sa maaari, iyong kanilang …hanggang sa baba, iyong homecare, home isolation at saka home quarantine ay palawigin din ito lalo na kung mayroong sariling kuwarto, may sariling banyo, walang kasamang mga matatanda, walang kasamang mga indibidwal na may kaakibat na mga sakit at siyempre, nakasuporta ang telemedicine and teleconsultation sa pagsasakatuparan ng ating home isolation and home quarantine services.

So tapos, pang-apat din, siyempre iyong triaging ng ating mga healthcare facilities, kinakailangan ang mga local government units – alam naman na nila ito – paigtingin lang na iyong patient navigation and referral system dapat malinaw para magabayan ang mga pasyente depende sa kanilang mga karamdaman. Kung mild at kung asymptomatic, dapat samahan sila, turuan sila kung saang pasilidad dapat pumunta.

So iyan ang ating mga ilan sa maraming ginagawa. At siyempre iyong bakuna, kinakailangan talaga kanilang paigtingin ang vaccination at saka booster doses, so lagi natin silang pinapaalalahanan.

Pupunta nga ako sa CAR bukas para makipag-ugnayan kay Mayor Magalong, at tingnan, intindihin kung bakit sumisipa ang kaso sa kaniyang lugar. At ang CAR, katulad ng Kalinga, Ifugao, Mt. Province; at diyan sa Kabisayaan naman, ang Northern Samar. At titingnan din natin, pupuntahan din namin ni Secretary Vince Dizon and Secretary Berna ang Cebu and Iloilo na kung saan ay sumisipa din ang mga kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kung magpapatuloy daw po ba iyong pagbaba ng cases sa NCR, most likely ay puwede na itong ibalik sa Alert Level 2 by February o hindi po muna? Ganito pa rin po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media: Kung nag-peak na raw po ba iyong cases sa NCR?

DOH SEC. DUQUE: Eh lumalabas nag-peak na, at nakikita natin ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso ng NCR at lumiliit ang porsiyentong iniaambag nito sa atin total case load. So depende pa rin iyan kung ang ating pamantayan o ang ating batayan ay ang two-week growth rate natin, dapat sa moderate risk level which means zero to 200 percent ang kaniyang growth rate two weeks … current two weeks compared to the previous two weeks.

Pangalawa, iyong ating ADAR or Average Daily Attack Rate, dapat ito ay between one to seven cases, average cases per hundred thousand population, okay.

And of course, pangatlo, iyong ating healthcare utilization rate na dapat ay mapanatili na nasa low risk classification, meaning, less than 50% or 49% and below ang kaniyang total bed utilization and ICU utilization rates.

Iyan, automatic iyan, kapag naabot iyan ay bababa tayo to Alert Level 2. Pero pag-uusapan pa rin iyan mamaya sa IATF, rather on Thursday, baka kailangan na kailangan ay tingnan na rin kung talaga namang malinaw na ang healthcare utilization rate ay nagkaroon na ng pagbabaklas ‘no, iyong decoupling. Kumbaga tumaas ang kaso, pero iyong mga severe at critical nasa baba, okay, so may decoupling kung tawagin. Baka pag-usapan iyan na puwede na, na magbaba to Alert Level 2.

Pero that is not yet cast in stone kasi pag-uusapan pa, we will need to review the metric. Eh ganoon naman ang IATF, maya’t maya niri-review ang ating mga panuntunan o ang ating mga metrics.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, ano raw po iyong current healthcare utilization rate dito sa NCR at doon sa mga lugar na may surge po ng cases?

DOH SEC. DUQUE: Well, ang bed utilization rate natin ay nasa 41.81%, low risk; ang ICU naman ay nasa 47%, low risk din. Samantalang sa ibang mga lugar, nasa high to critical risk ang kanilang healthcare utilization rate, iyon ngang nabanggit ko. In fact, nasa Alert Level 4 ang Kalinga, ang Ifugao, ang Mt. Province, Northern Samar at mga iba pang mga labinlimang mga probinsiya na naiangat rin to Alert Level 3 based on the classification, risk classification na tumaas na rin bunsod ng kanilang mga pagsipa ng mga kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang po si Trish Terada ng CNN Philippines: Kailan daw po inaasahan or when can Metro Manila revert back to Alert Level 2?

DOH SEC. DUQUE: Well, hindi natin masabi sa ngayon dahil gusto nating makita iyong patuloy na pagbagsak ng mga kaso at kung maaabot nga natin iyong mga threshold na nabanggit ko kanina; kung malagay sa moderate risk level ang [garbled] and low risk level ang hospital utilization rate, puwede na tayong magbaba to Alert Level 2.

Pero kung mangyayari man ito bukas, bukas kamakalawa, sa Miyerkules o sa Huwebes, Biyernes, hindi po masabi dahil hindi ko malaman kung gaano pa kabagsak ang mga kaso. But hopefully, lahat ng ginagawa natin ay nagiging epektibo at sana maging tagumpay para talagang maibaba natin to a really double digit – three or double digit ang cases sa Kamaynilaan or NCR para matibay ang batayan for deescalating to Alert Level 2. Dapat objective tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow-up lang po si Cresilyn Catarong ng SMNI: Palagay ninyo daw po ba handa ang Metro Manila in case daw po maibaba na sa Alert Level 2 pagsapit ng Pebrero?

DOH SEC. DUQUE: Oo, handa naman ang Metro Manila. Unang-una, maganda naman ang ating vaccination coverage. So, maganda ang tiwala o ang confidence na maaayos natin iyong pagsunod sa minimum public health standards, napakamahalaga.

Dalawa ang pangunahing tugon sa pandemyang ito: Una, ang mataas na vaccination coverage – iyan naman ay nakamit na ng Metro Manila; pangalawa, ang patuloy na disiplinadong pagtalima sa ating minimum public health standards – mask, hugas, iwas, airflow – sapat na sirkulasyopn, iyong pag-iwas sa mga crowded places or closed spaces/crowded areas at saka sa close contact settings.

In fact, kahit na sa Alert Level 3 hindi ba 30% ang ating indoor capacity na authorized, tapos outdoor is 50%. Pero kung iisipin mo, iyong 30% under Alert level 3 puwedeng maging 60% iyan eh.  Bakit ‘ka mo? Kung mayroon siyang Safety Seal, puwede siyang magdagdag ng 10% to the 30%. So, ilan iyon? 40%. Kung naabot na niya o nalampasan na niya ang 70% ng kaniyang vaccination coverage for A2 and A3, puwede na naman siyang magdagdag ng 20%. So, ilan na iyon? So, 60% na ang kaniyang madadagdag, lampas kalahati na ng kaniyang kapasidad.

Samantala sa outdoor, iyong 50% puwedeng maging 80% basta may Safety Seal, equivalent to 10% increase in capacity and 20% once vaccination coverage has been achieved. Both have already been achieved, hindi ba, itong vaccination.

Ngayon, iyong safety seal, alam ko naman na patuloy ang DTI at DOLE na talagang tinitingnan at sinusuri ang kanilang kahandaan para magabayan at mabigyan ng safety seal para lumawig ang kanilang mga kapasidad.

So, sa Alert Level 2 siyempre mas mataas tayo. Ang magiging capacity natin na allowed under Alert Level 2 is at 50% indoor and 70% outdoor ‘no. So, ganoon na naman iyon, mayroon namang additional iyan, plus-plus. Safety Seal and vaccination coverage, beyond 70%.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, what do we know naman daw po so far, about the Omicron sub-variant referred to as BA.2? May dapat po bang ikabahala ang publiko? Iyan din po ang tanong ni Paul Samarita ng TV5 at Maricel Halili ng TV5.

DOH SEC. DUQUE: Sa ngayon, alam ninyo, ang estado ng BA.2, itong bago na namang variant but under sa lineage ng Omicron, BA.1, ang kaniyang kategorya ay variant under investigation (VUI), hindi pa siya variant of concern ‘no.

So, VUI siya at ang ating ED ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng World Health Organization. Iyong country office natin ay binibigyan tayo ng pinakahuling datos patungkol sa mga katangian ng bagong variant na ito.

Pero so far, ang mga limitadong datos nagpapakita na hindi naman ito parang naiiba talaga sa Omicron variant. Kung mayroon man, tingnan nila baka mas matulin daw itong makahawa pero pagdating sa dalawang aspeto ng pagtugon, ang bakuna continues to be effective against severe and critical cases, therefore preventing hospitalizations and deaths.

And pangalawa naman, iyong patuloy na vaccine effectiveness ay iyon na nga, they can prevent severe/critical at saka iyong minimum public health standards, iyon pa rin ang dating istratehiya na napatunayang epektibo in the last four major surges.

So, iyon pa rin ang dapat gawin natin. Huwag tayong tutulad sa mga ibang bansa na nagdeklara nang wala ng mask mandate; puwede nang magbukas and niluwagan ang mga restrictions, eh baka sumipa ulit. Sayang naman iyong ating mga nakamit na mga tagumpay. Baka mabalewala eh huwag naman sanang magiging ganoon.

So, tuluy-tuloy ang ginagawa natin. Iyong International Health Regulation, tayo ay nakikipag-ugnayan sa kanila. Sila iyong sangay ng WHO na nagbibigay patungkol sa mga bagong variants, bagong mga viruses. So, ginagabayan nila tayo.

So anyway, iyan namang ating 4-Door Strategy ay iyon pa rin ang ginagampanan natin: Iyong pagka-classify ng mga bansa; iyong color coding natin – iyong Red, Green and Yellow listed countries, may kaakibat na mga quarantine/testing protocols iyan; tapos iyong local border controls natin, pinaiigting din natin; at pangatlo iyong ating PDITR Strategy to control or contain possible transmission in the communities; and of course, iyong ating Door 4 Strategy, iyong three na mga bagong antivirals. Mayroon tayong mga pag-aaral at mga ulat na tinatanggap kung ano ba iyong pinakabagong antivirals katulad ng Molnupiravir, katulad ng Paxlovid.

So, dito iyong mga bagong antivirals sa ibabaw ng mga dati ng epektibong anti-viral katulad ng Tocilizumab, ang Remdesivir, ang Dexamethasone at mga iba pang mga gamot na naging tagumpay sa ating pag-iwas na tumaas ang kaso ng ating mga pumapanaw.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano naman daw po iyong reaksiyon ninyo dito sa pagbaba ng porsyento ng vaccine hesitancy sa bansa at paano daw po iti-take … [TECHNICAL PROBLEM]

Opo. Papaano daw po iti-take advantage ng ating pamahalaan ito pong pagbaba ng vaccine hesitancy?

DOH SEC. DUQUE: Ah, oo, malaking bagay iyan. Napunta na nga sa 8% from 18% last September. So, ang ating vaccine acceptance ay tumataas na nang tumataas at sasamantalahin natin ito kaya nga ating pinalalawig ang vaccination access.

Nitong nakaraang linggo, inilunsad natin ang bakunahan o Resbakuna sa Botika. So, ako mismo ay sumaksi, kasama ko ang mga ilang pamahalaang lokal officials para saksihan ang paglunsad ng ating Resbakuna sa Botika at kasama na iyan sa ating hangarin na mas mapatulin pa natin ang malaking porsiyento ng populasyon na mabigyang proteksyon ng ating mga bakuna.

So, iyong National Vaccination Day natin, ipagpapatuloy din natin iyan. Ako nga ay nakikiusap, samantalahin ko na itong pagkakataon na ito na habang libre ang bakuna, wala kayong babayaran ni isang kusing, eh samantalahin natin ito at napakamahalaga na ang mga senior citizens [ay mabakunahan].

Mayroon pa tayong 1.5 million, Usec. Rocky, na kailangang maabot ng ating bakunahan at dahil alam natin sila ang namamahay ng mga ICU, ng mga ospital, sila din ang talagang pinakakawawa.

So ako’y nakikiusap sa mga lolo, lola, auntie, uncle, kung may kilala pa kayong hindi bakunado sa inyong mga tahanan eh mangyaring samahan ninyo na po sila ha, at huwag na pong magkaroon ng pag-aagam-agam o pagdadalawang-isip. Ito pong mga bakunang inangkat ng inyong gobyerno ay tunay na epektibo, de-kalidad, ligtas at libre.

So iyon po ang dapat maliwanag sa atin pong isipan, hindi po ito kung para kanino kundi para po sa sambayanang Pilipino at para mapagtagumpayan na natin once and for all itong laban natin sa pandemyang COVID-19 at manumbalik ang normal sa buhay ng bawat Pilipino at ‘ika nga mapalakas muli ang dating sigla ng ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, ano daw po ang reaksiyon ninyo sa sinabi ng World Bank na mabagal ‘di umano ang bakunahan dito sa Pilipinas at most likely daw po ay dahil ito sa biglaang surge ng cases? Ilan na po ba ang latest number at percentage ng nabakunahan sa bansa?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una iyong analysis nila, hindi ko alam kung saan nila pinulot ‘yan [laughs] dahil unang-una iyong mga bansang mataas ang vaccine coverage, ang marami sa kanila sumipa din ang kaso. So doon pa lang makikita mo na we can refute this analysis being offered by the World Bank.

Pangalawa, iyong ating vaccine supply nag-stabilize lang ito, Usec. Rocky, noong October. Hindi katulad nila ay bago pa magtaong 2021, mayroon na silang mga bakuna. Sila nga mismo ang manufacturer ng mga bakunang ito at despite that, ang taas ng kanilang vaccine coverage – 70%/80%, iyong iba 90%, iyong iba nagpu-fourth booster dose na nga. Pero kita mo naman, sobra pa ring taas ng kanilang mga kaso, sumisipa pa rin so hindi naman iyon necessarily corrected.

Tapos tayo nagkaroon pa tayo ng Typhoon Odette, sila wala namang Typhoon Odette, tayo mayroon kung saan anim na rehiyon – madami ‘yan ano – hindi naituloy ang pagbabakuna dahil nga napinsala ang napakaraming imprastraktura, kuryente. So hindi yata tama, unfair naman iyong kanila na sasabihin dahil mabagal ang ating vaccination coverage kaya sumipa. Hindi ganoon iyon, maraming bansa ang daming taas ng coverage pero lalo pang sipa – limandaang libo, isang milyon iyong ibang mga bansa; o tayo so far ang pinakamataas naman natin iyong 7-day moving average, parang nasa mga 34,000 to 36,000 ‘no. Pero ngayon NCR bumababa na so tama iyong ating mga ginagawa.

So ngayon ang ating coverage, iyong first dose administered ay nasa 59.7 million na tayo thereabouts ‘no representing about 76% of the total target population of 78 million. Iyong ating full dose o iyong kumpletong bakunahan ay nasa 57.2 million thereabouts ‘no representing about 73% of the target population of 78 million.

So ang atin nang naipamigay na bakuna ay almost 160 million out of the 215.5 million na atin nang nasa imbentaryo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, puntahan ko lang iyong tanong pa ng ibang kasamahan natin sa media. Iyon pong tanong ni Jena Balaoro ng GMA News about CAR region ay nasagot ninyo na.

Ang sunod pong tanong ay mula kay Mark Fetalco ng PTV: A consumer group daw po has recently asked the PCC to temporarily suspend the procurement of pneumococcal vaccine. According to UFCC, national consultant and former Congressman Jonathan Dela Cruz, “The government has been overcharged billions of pesos by a single pharma[garbled] in the procurement of this vaccine.” What is the DOH comment on this? Have we received the formal copy daw po of the said complaint?

DOH SEC. DUQUE: Wala pa. We are awaiting the complaint which was filed with the Philippine Competition Commission so inaantay natin iyon. Pero ganoon pa man, inatasan ko na ang legal service group ng Department of Health to look into this with the sense of urgency. Kung ito bang mga sinasabi doon sa mga nailagay sa pahayag ano – itong complaint – tandaan natin iyong complaint was not filed with the DOH, this was filed with the PCC at we are awaiting the copy of the complaint para masagot siya point by point.

Pero makakaasa kayo na ang ating bids awards committee, sumusunod ‘yan, nirirespeto ang lahat ng proseso ayon sa Republic Act 9184 or the Procurement Act of 1998 I think kung hindi ako nagkakamali. So kung mayroong problema, titingnan natin ‘yan. We will cooperate ha, we will give all the information needed by the Philippine Competition Commission, lahat ng dokumento we will give them what they need and we will fully cooperate with the PCC.

USEC. IGNACIO: Opo. [Technical problem] CNN Philippines: Sumulat daw po ang mga dialysis patients sa DOH last week para daw po mag-request na madagdagan ang ospital na magkiki-cater sa COVID positive dialysis patients. Hirap daw po kasing makahanap ng dialysis center ang nagpupositibo sa COVID dahil hindi daw po lahat [garbled] cater kung may COVID. Ano po ang tulong daw ng DOH sa kanila?

DOH SEC. DUQUE: Nakipag-ugnayan na ako over the weekend sa ating One Hospital Command na pinangungunahan ni Dr. Bernadette [garbled] at nakikipag-ugnayan na rin siya sa NKTI na kung saan nga ay nau-overwhelm sila sa mga request for COVID patients requiring dialysis ‘no. So iyan ang ginagawa, makakakuha ako ng feedback mamaya na nakikipag-meeting din with the Philippine Nephrology Society, iyong mga asosasyong mga nephrologists para magtulungan at magabayan ang mga pasyenteng may mga pangangailangang dialysis pero COVID positive.

Eh ang nagiging reklamo, iyon daw mga freestanding dialysis centers ay niri-reject or ayaw bigyan ng serbisyo itong mga pasyenteng. Eh kawawa naman itong mga pasyente, hindi naman pupuwede po iyan na tatalikuran nila just because may COVID. Eh mayroon naman tayong infection prevention control measures, mayroon naman tayong PPEs na alam naman gumamit noong mga nangangasiwa ng mga dialysis centers ‘no.

So dapat ay huwag nilang talikuran ang mga pasyente, kawawa naman sila at batay po sa kanilang warranties of accreditation with PhilHealth, they cannot reject these patients. It’s well within the rights of the patients in their exercise of their benefit availments ‘no, dapat ay asikasuhin sila. So kukunin ko iyong report mamaya as soon as the meeting is concluded.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Ano po ang comment ninyo sa pahayag kamakailan ng Health Alliance for Democracy head na dahil sa inyong umano’y negligence and failure of leadership as DOH Secretary ay dapat kayong alisin agad sa puwesto?

DOH SEC. DUQUE: Matagal naman nilang sinasabi ‘yan, ilang taon na nilang sinasabi ‘yan. Eh sa totoo lang, ako’y nagbigay na ilang beses ng aking letter of resignation kay Pangulong Duterte, inaantay lang naman iyan na kung aaksiyunan ba. Pero ako, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya at iyan ay hindi naman ako lang ang nagdidesisyon. Mayroon tayong collective decision-making process at mayroon din tayong mga limitations sa budgetary support or funding.

So kung ako lang masusunod eh bibigay ko lahat ‘yan eh, pero hindi naman ako ang nagdidesisyon kung magkanong pondo ang dapat ibigay. In fact, pinaglaban namin sa GAA na maaprubahan iyong 51 billion pesos for 1 year provision of the Special Risk Allowance ‘no. So iyan po, ilagay natin sa lugar ano itong mga iniisip ng ibang mga tao at salamat naman at ako’y nakakapagbigay ng paliwanag.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Rose Novenario ng Hataw: Ano ang reaksiyon ninyo sa sinabi ng Alliance of Health workers na ang inilabas ninyong COVID-19 risk exposure classification ay divisive, unjust and insult to health workers?

DOH SEC. DUQUE: Well, iyan ay pinag-aralan iyan at in fact, tinalakay pa iyan sa Kongreso – sa Senado at saka sa Mababang Kapulungan. At iyan naman ay nakita nila na reasonable. Kaya tama lang na mas malaki iyong kanilang matatanggap. So, depende rin iyan sa haba o iyong kanilang mga araw na magbibigay [sila ng] serbisyo. Mayroon pong formula din iyan. So lahat ito ay naaayon sa ating mga formula na pinag-usapan, pinag-aralan, para maibigay ang  COVID risk allowance.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Mela Lemosras ng PTV: Viral din po ngayon sa social media, iyong isang pahayag ni Pangulong Duterte na nagsasabing, masama umano ang ang magpa-booster shot, pero nilinaw na ng Malacañang na last year pa ang video na iyon at hindi na po applicable sa sitwasyon ngayon. Sa panig ng DOH, ano po ang masasabi ninyo dito at dahil may naniniwala pa rin sa fake news iyan, ibig sabihin ba, kulang pa rin po ang info drive ng gobyerno tungkol sa pagbabakuna at paaano daw po ito mapapalakas pa o mapapaigting?

DOH SEC. DUQUE: Siyempre tuluy-tuloy naman ang pagpapalaks, pagpapaigting ng ating Resbakuna program. At tuwing Lunes, nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa IATF at nagsasalita sa Talk to the People Program at laging binibigyang paalala ang halaga ng bakunahan, at ang booster dose policy ay matagal na natin iyang in-approve.

At pinaiksi na nga natin, katunayan, iyong pagitan. Dati anim na buwan mula noong natanggap mo iyong second dose at saka iyong booster dose, ngayon ginawa nating tatlong buwan. Iyan ay isa sa patunay na napakamahalaga ng booster dose para mas mapalakas ang proteksiyon laban sa mga nagsusulputang variants [kagaya ng] Delta, ngayon mayroon tayong Omicron na kung saan ay primary series at saka ang booster dose ay may mataas na level na proteksiyon, mga 81%. So, against Delta, it is 85%.

So, malinaw ang ebidensiya na ang booster dose ay mahalaga para mapanatiling mataas ang protection against severe and critical COVID cases ang therefore avoiding hospitalization and death. So, sana huwag naman po tayong magpakasangkapan sa mga fake news o sa mga balitang walang batayan. So, magpabakuna na po iyong hindi pa nakakatanggap at iyong mga natapos na magpa-booster naman po kayo.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Athena Imperial ng GMA News: Israel Health Minister said that fourth COVID vaccine shot raises serious illness, resistance for those over 60. Nagsimula na po [ba] tayo dito sa Pilipinas na aralin ang effect ng second booster? Magkakaroon po ba tayo ng second booster sa bansa?    

DOH SEC. DUQUE: Wala pa tayo sa ganoon. Tayo – ang mga experts natin na pinangungunahan ni Dr. Nina Gloriani, iyong Vaccine Expert Panel – patuloy na nakikipag-ugnayan sila sa kanilang mga counterparts sa scientific community on vaccinology, on immunology. So lahat po itong mga ito pinag-aaralan iyan. So ngayon, wala pa pong malinaw na patunay [kung] ano ba ang halaga ng second booster or fourth jabs. So, bukas ang ating vaccine expert panel, patuloy ang kanilang pagsusuri.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang inyong reaksiyon sa isang nag-viral daw po na video na kung saan ay isang ginang ang nagpahayag ng saloobin laban sa pagbabakuna, dahil sa pagsupil nito diumano sa karapatan ng tao na mag-travel dahil sa ‘no vax, no ride’ policy. Hindi po ba makaka-apekto sa pagbabakuna ang namumuong impluwensiya ng video na ito at mga grupo na nagpu-push laban sa pagbabakuna na sumusuway daw po sa programa ng gobyerno?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una iyong ating ‘no vax, no ride’ policy, may mga exemptions iyan ano. So, hindi naman iyan absolute na komo hindi ka na nabakunahan ay bawal ka nang sumakay, kahit na mayroon kang malinaw na dahilan na dapat kang umalis, iyong essential goods, so food, water, drugs and medicines, iyong mga sa kuryente, iyong sa trabaho.  Lahat naman po iyan ay kabilang sa exemptions.

So, sana po ayaw natin o huwag na po nating gawing hadlang ang kung anu-ano, para lang huwag maging tagumpay ang ating National Vaccination Program. Alam naman natin para sa kapakanan ito ng ating mga kababayan, lalo na po iyong mga matatanda, iyong mga individual na may sakit. Sila po ay talagang dapat na bigyan ng sapat na proteksiyon na taglay ng mga bakuna natin.

So, lahat ang maganda dito, dahil inangkat na ito ng gobyerno at binayaran ng inyong gobyerno sa mga buwis na tinanggap nito, nakolekta ay suportahan naman natin para magkaroon ng sapat na proteksiyon ang bawat mamamayan at makabalik na sa normal ang buhay ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Aiko Miguel ng UNTV, pareho po sila ng tanong ni Red Mendoza ng Manila Times and Madz Recio ng GMA News: Ano po ang inyong side sa resolution ng Vape Bill? Medical societies are calling for the President to veto the bill.  Ano daw po ang posisyon ng DOH dito?

DOH SEC. DUQUE: Siyempre, malinaw naman ang posisyon natin diyan dahil ito ay banta sa kalusugan ng ating mga kababayan lalo na iyong mga kabataan ay talagang kami ay sumasang-ayon at sumusporta sa posisyon ng mga iba’t ibang associations ng nagpakita ng kanilang disgust for the Vape Bill. So, sinusuportahan po natin iyan at ipinaglalaban ang kalusugan ng mamamayang Pilipino, lalung-lalo na ang mga kabataan na ayaw po natin mag-umpisa sa ganitong klaseng bisyo na wala pong idudulot na kabutihan kung hindi kapahamakan lamang sa kanilang kalusugan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol pong tanong ni Naomi Tiburcio ng PTV: May update po ba kayo kung ilang pamilya o indibidwal iyong apektado ng maduming tubig sa typhoon affected areas?

DOH SEC. DUQUE: Titingnan ko iyan, Usec. Rocky, hindi ko pa natangap iyong pinakahuling ulat patungkol sa mga water borne diseases at iyong kasapatan ng supply ng malinis na tubig. Although bilang Department of Health, ang ating mga regional offices sa mga naapektuhang lugar ng Typhoon Odette, iyan ay nagmamatyag sila, nagmo-monitor sila at binibigyan ng lunas o gamot ang sinuman na natukoy na mayroong diarrhea, acute gastro- enteritis o AGE at mga iba pang sakit dahil sa maduming tubig.

So, patuloy ang ating pagbibigay ng abiso, like boiling of water for three minutes ano, iyong pag-apply ng choline, mga disinfectant chemicals for water. So, tuluy-tuloy po ang ginagawa ng inyong DOH regional offices.

USEC. IGNACIO: Secretary, panghuli na lamang pong tanong mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Next month daw po ay mag-i-start na ang campaign period for 2022 polls, may new recommendation po ba ang DOH or IATF sa Comelec pagdating po sa policies for onsite campaigning while mataas pa rin po ang COVID-19 cases?

DOH SEC. DUQUE: Mayroon ng guidelines na binuo ang Comelec at DOH ‘no, at dapat iyon ang sundin para masigurong ligtas ang pagkakampaniya ng ating mga pulitiko at mga kandidato at hindi malalagay din sa panganib o peligro ang mga mamamayan.

So maraming panuntunan doon sa ating mga guidelines na dapat sundin at madali naman itong i-download doon sa website ng Comelec, at makikita doon ang mga hakbang kung papaano masisigurong ligtas at hindi delikado ang pagkampaniya pati ang proseso ng eleksyon ay manatiling ligtas at sumusunod sa lahat ng ating health and safety protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, panghuli na lang: Kayo po ba ay—mayroon po ba tayong Talk to the People mamaya, Secretary?

DOH SEC. DUQUE: [OFF MIC] … mamayang gabi. Dito na sa Malacañang gagawin, hindi na sa Davao.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Health Secretary Francisco Duque III. Mabuhay po kayo, Secretary.

DOH SEC. DUQUE: Maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky, at lahat ng mga kasamahan mo at higit sa lahat, ang tagasubaybayan ng inyong napakamahusay na himpilan. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary Duque.

Samantala, nagpaalala ang Malacañang sa publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta maniwala sa mga maling impormasyon sa bakunahan kontra COVID-19. Ipinahayag ito ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles laban sa isang kumalat na video na layung sirain ang booster shot campaign ng pamahalaan. Si Mela Lesmoras sa detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, ikinatuwa naman ni Senate Committee on Health Chair Senator Bong Go ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 base sa December 2021 survey ng Social Weather Stations. Kaya naman muling nagpaalala ang Senador na magpabakuna na ang bawat isa para makausad na ang Pilipinas patungong new normal. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Decreasing o bumababa na ang naitatalang growth rate ng COVID-19 [garbled] na ipinalabas ng OCTA Research kamakailan. Pero sa kabila niyan, pitong highly urbanized cities naman ang kinakitaan ng mabilis na pagdami ng hawahaan, alamin po natin ang detalyeng iyan, kasama po natin si OCTA Research fellow Dr. Guido David. Good morning po, Professor.

OCTA RESEARCH DR. GUIDO DAVID: Good morning, Usec., and sa mga viewers and listeners natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor David, from [garbled] ay very high risk na lang ang Metro Manila at, tama po ba na from negative [garbled] percent last week ay bumaba pa sa negative 42% ang growth rate dito sa National Capital Region?

OCTA RESEARCH DR. GUIDO DAVID: Yes, Usec. Actually, negative [garbled] bumaba pa talaga ang growth [garbled] na lang sa Metro Manila. Magandang balita iyan, at hindi lang sa Metro Manila pati sa Cavite, Bulacan at Rizal nagsisimula na ring bumaba iyong bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO:  Opo. Professor, kumusta naman daw po iyong average daily attack rate natin sa ngayon at itong positivity rate?

OCTA RESEARCH DR. GUIDO DAVID: Yes, Usec., iyong daily attack rate natin ay nasa 61 na lang per 100,000 so mukhang mataas pa rin iyan kaya sinasabi naman natin na high-risk pa rin. Pero nagsimula iyan, umabot iyan ng mga 100 plus sa Metro Manila. So ibig sabihin, talagang malaki na iyong binababa nito at nag-i-improve.

Iyong positivity rate natin, wala akong datos nito sa ngayon pero sa pagkaintindi ko or extrapolation namin, baka nasa 40% na lang sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, kailan po iyong projected na makakabalik sa moderate to low-risk ang Metro Manila kung magpapatuloy po iyong trend na ito? At sa palagay ninyo po ba raw ay mas makabuti kung manatili pa rin sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang February?

OCTA RESEARCH DR. GUIDO DAVID: Well, Usec., maganda iyong sinabi mo, kung mapapanatili natin itong trend. So based dito sa trend na ito, maaaring by Valentines — at sana maging masaya iyong Valentines natin – ay baka nasa less than 1,000 cases na lang tayo per day sa Metro Manila. Kapag less than 1,000 baka nasa moderate risk na lang tayo at, you know, may possibility na puwedeng iluwag ng IATF at ng Department of Health iyong alert level, ibaba nila sa mas maluwag na alert level.

So pero, iyon nga, siyempre kailangan para mapanatili natin ito, kailangan patuloy ang pagsunod natin sa minimum public health standards.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero nagkaroon din ng pataas pang movement o bahagya nang bumababa nitong weekend itong growth rate sa highly urbanized cities na sinabi ninyo nga o pinangalanan ninyo nitong nakaraang gaya po ng Baguio, Iloilo, Cebu at iba pa?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Ah tama iyan, Usec., kasi sa ngayon kumalat na sa mga iba-ibang regions sa bansa natin at kaya nagbibigay tayo ng advisories sa mga kababayan natin na nasa mga provinces, iyong mga highly urbanized cities na kailangan iyong patuloy na pag-iingat. At ang nakita naman natin dito sa NCR, mabilis dumami iyong bilang ng kaso pero mabilis din nag-peak, nag-plateau at bumaba.

So, sana ganoon rin ang maging karanasan ng mga kababayan natin sa mga provinces. Kaya siguro sa mga darating na mga araw kung may pagtaas na ng bilang na kaso sa isang HUC or sa isang probinsiya ay kailangan mag-observe na talaga ng minimum public health standards ang mga kababayan natin diyan sa mga affected areas.

USEC. IGNACIO: Opo. Kanina rin po natanong namin kay Secretary Duque kung kailan po nag-peak ang NCR COVID cases. Kailan po ito nag-peak? Iyan din po ang tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec., iyong peak na pinakamataas na bilang ay 18,700 cases isang araw sa Metro Manila noong January 10. Pero hanggang January 15 medyo mataas pa ang bilang ng kaso, hindi pa masyadong bumaba kasi noong January 15, 5 days later nasa 18,000 pa rin eh so medyo unstable pa. Pero simula January 15 masasabi natin na patuloy nang bumababa iyong bilang ng kaso hanggang sa ngayon. Kahapon nga 5,000 na lang so malaki na iyong ibinaba – from 18,000 down to 5,400. Ang laking improvement at iyon nga, iyong projection natin hopefully patuloy na iyan hanggang Valentines, baka less than 1,000. Baka end of February baka less than 500 na lang at mababalik na natin iyong kalagayan natin tulad ng nakita natin noong November and December sa buong bansa, pero sa Metro Manila pa lang iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: On track pa rin po ba tayo sa projection ng pagbaba ng kaso sa Valentine’s Day tulad ng inyong naging prediction noong Friday? Ito bang pagbaba na ito ay reflective ba ng pagbaba din po katulad sa South Africa?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec., on track pa rin doon sa projections na binigay namin noong Friday. In fact, iyan ang minu-monitor namin araw-araw. In fact, mas mabilis pa siyang bumaba kaysa sa projections namin which is good, pero hindi na namin ina-update iyong projections kasi para ma-compare natin iyong original projections noong Friday kung ano iyong magiging outcome. And yes, medyo in line siya doon sa naging experience sa South Africa na mga two weeks plus na pagtaas tapos biglang bumagsak iyong kaso – iyan ang more or less nakikita natin sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza: Sa tingin ninyo po ba ay babalik pa ang bansa sa dating record low nitong Nobyembre at Disyembre o mananatiling 4 figures po ang mga kaso dahil sa presensiya ng Omicron?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec., medyo matatagalan iyong Omicron wave kasi kahit na medyo bumababa na sa NCR at saka sa Cavite, Rizal eh pataas pa lang sa mga ibang lugar at may mga ibang lugar na hindi pa nagkakaroon nang pagtaas eh. So medyo matatagalan ito kaya kung makikita natin iyong 1,000 cases or less per day sa buong bansa ay medyo matatagalan din. We’re hoping na by around March to April ay tapos na iyong Omicron wave sa buong bansa natin which means na baka makikita natin iyong less than 1,000 cases per day. Pero hindi pa guaranteed iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Ivan Mayrina ng GMA News: Father Nic Austriaco said that the cases have [clearly] peaked in NCR as early as a week ago and easing to Alert Level 2 next month is already a possibility. Do the current numbers and trend support easing of NCR to Alert Level 2? And if so, kailan daw po?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec., maraming indicators iyan. I think na-mention na rin iyan ni Secretary Duque na iyong basis ay hindi lang naman iyong cases, pati iyong hospital utilization, iyong positivity rate, iyong ADAR, iyong growth rate. So based dito sa mga indicators nila, titingnan natin kung ano ang magiging recommendation for alert level. I think its possible naman mababa to Alert Level 2 by February sa NCR, pero we’ll just have to wait and see kung ano iyong magiging actual numbers.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol pong tanong ni Athena Imperial ng GMA News: For scientific discussion, Dr. Rabajante daw po is clarifying, bakit hindi daw less than 1 and reproduction number kung pababa na ang cases sa NCR? Ano po ang paliwanag ninyo dito at para daw po maintindihan po ng publiko?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. Actually, iyong reproduction number na na-calculate namin, 1.03 na sa NCR so almost less than 1 na siya. Kasi iyong reproduction ang tinitingnan natin for a period of time, hindi lang siya isang araw. Kasi kung bumaba siya ng isang araw, less than 1 iyong reproduction number mo sa araw na iyon pero over a longer period of time kasi minsan may pataas, may pababa so nag-a-averaged out iyon.

Ngayon iyong isa pang factor diyan, ang tinitingnan natin na bumababa ay actually iyong active cases, hindi iyong bilang ng new cases – doon naka-base iyong reproduction number, sa active cases. And kung titingnan natin iyong active cases ay nagsisimula na siyang bumaba pero hindi pa ganoon katagal na bumababa siya dahil nakabase rin iyan sa recoveries. In fact, just 2 days ago mas mataas pa iyong new cases kaysa sa recoveries na na-report ng DOH, so hindi pa clear talaga na iyong reproduction number ay less than 1 na talaga. Pero sa ngayon, iyon nga, mukhang papunta na tayo doon. By today siguro, with today’s numbers, less than 1 na iyong reproduction number.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang pong tanong ni Cresilyn Catarong: Professor David, patuloy nga ang pagbagal ng bilis ng hawahan ng COVID-19 sa NCR. Sa palagay ninyo po, handa ang Metro Manila na ibaba na sa Alert Level 2 pagsapit ng Pebrero?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, tulad ng naitanong kanina, Usec., it will depend on a number of factors kasama diyan ang healthcare utilization, iyong positivity rate and iyong ADAR. So I think possible naman pero I think, ako personally sa nakikita ko ngayon, kung nasa 2,000 cases per day pa tayo by first week of February, baka masyado pang premature na ibaba agad to Alert Level 2. Siguro baka mid-February iyong earliest na puwede nating talagang ma-consider seriously na ibaba to Alert Level 2 lalo na dahil bumababa. Mabilis naman ang pagbaba ng bilang ng kaso pero ayaw nating bumalik rin tayo sa kalagayan na magkakaroon ng resurgence at dadami ulit iyong kaso at maa-affect na naman tayo. Mas mabuting siguraduhin na nating bumaba at bumagsak iyong bilang ng kaso tulad ng nakita natin noong October to November to December, siguro bago tayo magluwag.

USEC. IGNACIO: Okay. Professor David, kami po ay nagpapasalamat sa palagian ninyong pagpapaunlak sa amin. Dr. Guido David, mula po sa grupong OCTA Research. Keep safe po.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Maraming salamat, Usec. Keep safe.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa harap nang pagpapalakas pa ng bakunahan kontra COVID-19, patuloy na inilalapit ng pamahalaan ang COVID-19 vaccines sa publiko tulad na lang sa mga biyahero. Sa katunayan, may mobile vaccination sa Parañaque Integrated Terminal Exchange kung saan maaaring magpabakuna ang mga pasahero at mga driver. Ang sitwasyon doon alamin natin mula kay Rod Lagusad. Rod?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala kahapon po ay nakapagtala ang Department of Health ng 29,828 na kaso sa buong Pilipinas – iyan na po ang tinatayang pinakamababa bilang sa loob ng apat na araw dahil diyan ay pumalo na sa 3,417,216 ang total count ng mga nagka-COVID sa bansa. Mataas na po sa 36,763 ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit sa kabuuang bilang na 3,090,164 total recoveries. Samantalang 53,472 naman po ang kabuuang bilang ng mga nasawi, matapos itong madagdagan ng 67. Sa kasalukuyan 273,180 o 8% ng total COVID cases sa bansa ang nanatili pa ring aktibo hanggang ngayon.

Isang linggo mula po ipatupad, bumababa na ang bilang ang mga bilang ng mga naitalang lumabag sa ‘no vaccination, no ride’ policy ng pamahalaan. Ayon sa Philippine National Police, lumabas sa datos ng Inter-Agency Council for Traffic or I-ACT na may 160 violators noong January 17 o sa unang araw ng implementation nito. Bumaba naman po sa 102 noong Martes hanggang sa umabot na lamang sa walo nitong Biyernes. Ayon kay PNP Police General Leonardo Carlos, maganda itong senyales na unti-unti ng nakaka-adjust ang publiko sa naturang polisiya partikular na nag kooperasyon ng hindi pa bakunado. Sa harap po nito patuloy na paalala ni Carlos sa mga ideneploy na pulis na pairalin ang maximum tolerance sa pagpapatupad ng naturang polisiya.

Dahil din sa papataas na papataas na COVID-19 cases sa Eastern Visayas, itinaas din sa Alert Level 3 ang lalawigan ng Southern Leyte hanggang sa katapusan ng buwan. Kumustahin po natin ang mga paghihigpit na ipinatutupad sa probinsya at iba pang usapin doon, kasama po natin si Governor Damian Mercado o ang Health Officer po ng probinsya, Governor?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Magandang umaga po, USec. Rocky, Iyong ano namin dito, protocol namin dito, pagpasok ng Southern Leyte, number one is kailangan namin iyong vaccination card at saka of course mga ID o government ID and also result ng [garbled] test.        

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ilan po iyong active cases sa Southern Leyte, may detected Omicron cases din diyan?  

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Mayroon na, but more than 1o0 iyong cases ng COVID-19. Iyong Omicron, parang itsi-check pa nila iyon, kasi so far iyong na-check natin ngayon na more than 100 na positive is COVID-19.      

USEC. IGNACIO: Opo, pero Governor kumusta po iyong hospital utilization rate, hindi naman po ba umabot sa alarming level ang bilang ng mga may severe at critical COVID cases sa inyong lalawigan?  

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, iyong hospital namin ngayon nasira sa Typhoon Odette, nasira na, ngayon naglipat kami ng old hospitals temporary, but so far, hindi naman, walang kaming problema, sabihin natin sa nag-positive ng COVID. Hindi kami nagkaproblema dito, because mga two weeks ago or one month ago, wala na, parang almost zero na ang positive namin sa COVID-19.

But with this December, New Year at saka right after sa typhoon, medyo nag-increase kasi alam mo na, galing sa typhoon hindi tayo masyado strict sa protocol natin kasi nagkaka-typhoon, kaya medyo ngayon nag-increase. But hindi naman masyado, 100 plus lang ang positive namin ngayon sa COVID-19.    

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Governor, kumusta po ngayon iyong pagpapatupad ng Alert Level 3 diyan sa inyong lalawigan? Mayroon din po ba kayong ipinatutupad na mobility restrictions ng mga unvaccinated?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO:  Actually, last year mayroon na kaming executive order na no vaccine card hindi puwedeng makapasok sa municipal hall, provincial, government office, pati iyong sa mga ayuda-ayuda hindi makatanggap, kasi pina-ano namin, kaya iyon. But ngayon, mayroon kaming provincial checkpoint na ginawa para to control the entry of the people coming from other provinces.       

USEC. IGNACIO: Opo Governor, ano naman po iyong mga adjustment o paghihigpit na ibinalik at ipinatupad under Alert Level 3 sa Southern Leyte, lalo pagdating po dito sa travel requirements?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Iyong vaccine card ang hihingin namin sa checkpoint, vaccine card, ID, QR code, iyon ang hinihingi namin ngayon sa provincial checkpoint namin, kung wala iyon, hindi puwede makapasok. Kasi kami dito, kapag fully vaccinated, parang libre na sila maski… kahit saan magpunta dito sa probinsya at Southern Leyte.      

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po kukumustahin ko iyong bakunahan diyan, ilan na po ba iyong nabakunahan sa kasalukuyan at ilan pa po iyong hindi? Sa palagay ninyo ay natutugunan pa rin po ba iyong vaccine hesitancy diyan o iyong ibang may agam-agam pa ring magpabakuna?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, USec, one week right after sa Typhoon Odette, resume kami sa vaccination, kaya mataas na ang vaccinated. As I said 83%, fully vaccinated 65%, ongoing ang booster namin ngayon. Medyo maganda, kasi with our executive order na kailangan talaga magpa-vaccine, hindi puwedeng maka-avail ng mga ayuda kapag walang vaccine, kaya they are forced talaga na magpa-vaccine. But dito naman sa Southern Leyte, iyong mga Southern Leyteño mabait naman, kung anong mga instruction natin, anong protocol, tinupad naman nila, nagpapa-vaccine talaga. Kaya hindi kami nagkaproblema dito about sa pag-ano natin sa vaccination.

USEC. IGNACIO: Governor mapunta tayo dito sa after effects pa rin Bagyong Odette dahil nakita po natin ang malaking pinsala maging sa Southern Leyte ano po. Higit isang buwan po, matapos iyong bagyo, ngayon eh naibalik na po ba iyong supply ng kuryente sa ilang mga lugar sa inyo at bakit daw po tumagal ng ganito?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, Southern Leyte is really badly hit by Typhoon Odette. Badly hit talaga. At saka sabi ko sa mga tao, hindi ito [maliit na] problema, malaking problem ito.

Ngayon, iyong electrification natin ngayon, electric power, hindi pa siguro abot ng mga 30% ang nabalik kasi iyong ibinalik nila iyong mga – for example dito sa Maasin City, iyong poblacion lang dito, may mga towns na poblacion ba, iyong mga sa barangays, ganoon, hindi pa. Kaya iyong sabi ng SOLECO (Southern Leyte Electric Cooperative) na mga almost o wala pang 30% daw naibalik nila. At saka medyo mayoon namang maraming electric cooperative na nagpunta dito, nagtulong sa pag-rehab ng electric power.

USEC. IGNACIO: So, Governor, kailangan po inaasahan talagang maibabalik na iyong supply ng kuryente sa mga natitira pang mga lugar diyan sa Southern Leyte?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Estimate ng SOLECO, late March or early April. 

USEC. IGNACIO: Opo. Medyo matagal-tagal pa rin iyon. Governor.

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Matagal pa. 

USEC. IGNACIO: Governor, makikibalita na rin po kami dito naman sa nangyaring E. coli contamination sa water system daw po ng 12 bayan diyan sa Southern Leyte. Naaksyunan na po ba ito ng LGU? Ano daw po ang update dito?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, pinapa-check na namin iyon sa Provincial Health Officer namin, si Dr. Anjo Matibag. Pinapapuntahan na namin, pinapa-check kung gaano kalaki o ano iyong problema ng E. coli. But until now, kasi last week nalaman namin, until now wala pa akong na-receive na report but sabi nila, report sa akin doktor ko, mga ten lang, ten municipalities ang sabing may [contamination].

Hindi masyadong ano, kasi nandoon lang sa mga mountain barangays iyong mga ano na iyon. But mayroon kami before, mayroon talaga kaming order na ibinigay sa mga Municipal Health Officer na in case, of course, may shortage o kailangan talaga ng water, nadaanan ng typhoon, ang instruction namin na ipa-boil talaga ang water before of course inumin o gamitin, whatever. Kaya tiningnan namin kung ano, sabihin natin, gaano kalaki ang problem sa E. coli kasi pinapa-check pa namin ngayon sa Provincial Health Officer namin, si Dr. Anjo Matibag.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay impormasyon. Mag-iingat po kayo. Ang ating governor ng Southern Leyte, Governor Damian Mercado. Salamat po, Governor.

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Thank you, Usec. Thank you. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, sinabi naman po ni Senator Bong Go na suportado niya ang pagpapalakas sa sektor ng edukasyon ngayong nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19 sa Pilipinas. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Alamin naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Kasama natin si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din po sa inyong pagtutok sa ating programa ngayong araw. Hanggang bukas pong muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)