Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong araw ng Huwebes, muli tayong sasamahan ng mga panauhin at eksperto upang magbigay-impormasyon sa usapin pa rin po ng mga bakuna; aalamin din natin ang iba pang alternatibong gamot laban sa sintomas ng COVID-19 at ating pag-uusapan ang COVID leave benefits at bakunahan para sa mga manggagawa.

Kaya mga kababayan, manatiling nakatutok sa mga impormasyong ihahatid namin sa inyo. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Umarangkada na po ngayong araw ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa ilang pharmacies sa Metro Manila o ang ‘Resbakuna sa Botika’ at isa sa mga kalahok na botika ay nasa Lungsod ng Maynila. Kung paano po makapagbakuna diyan, alamin natin mula kay Rod Lagusad. Rod…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.

Samantala, upang alamin ang impormasyon sa mga natural na alternatibong panlaban sa COVID-19, narito po si Undersecretary Rowena Guevara mula po sa Department of Science and Technology. Magandang umaga po, Usec.!

DOST USEC. GUEVARA: Magandang agham sa’yo Usec. Rocky at sa ating mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Usec., matapos nga pong magkaubusan noon ng mga gamot sa mga pharmacy dahil sa biglaang surge ng COVID positive sa bansa, ilan po sa ating mga kababayan ay talagang no choice kundi maghanap talaga ng alternatibong paraan para po malabanan iyong sakit ano po. Kumusta na po ba ‘yung inyong pag-aaral ukol sa paggamit naman nitong natural remedy partikular dito sa Lagundi?

DOST USEC. GUEVARA: Usec. Rocky, nag-conduct tayo ng clinical trials upang malaman kung iyong Lagundi ay maaaring gamitin bilang herbal medicine na makapagdudulot ng ginhawa sa mga sintomas ng COVID-19. Natapos iyong ating pag-aaral noong August at 278 ang ating mga naging participants; maganda ang naging resulta dahil naibsan ang mga sintomas ng mild COVID-19 cases lalo na iyong pagkawala ng pang-amoy at walang adverse event or incidents kapag ginamit ang Lagundi sa mga mild COVID-19 cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ba ‘yung prescribed dosage ng Lagundi; applicable po ba ito sa pareho, sa natural at sa pharmacy na nabibili na Lagundi syrup and capsules?

DOST USEC. GUEVARA: Base sa pag-aaral nila Dr. Cecilia Maramba-Lazarte ng UP Manila, ang suhestiyon na dosage ay 600 milligrams para sa adults, 3 times a day for 10 days; ito ‘yung Lagundi na capsule or syrup na available sa ating mga pharmacies.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may ibang epekto po ba sa katawan ng isang tao kung hindi po nasunod itong prescribed dosage?

DOST USEC. GUEVARA: Usec. Rocky, base sa research, walang ibang epekto sa katawan ang Lagundi kapag sinunod ang prescribed dosage. Hindi naman natin inaral iyong hindi sumusunod sa prescribed dosage.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano naman po ‘yung update dito daw po sa paggamit o tungkol sa paggamit ng virgin coconut oil laban sa COVID-19? Isa rin po ako diyan sa gumagamit niyan, Usec.

DOST USEC. GUEVARA: Ay very good, Usec. Rocky. Alam mo nai-report ko dati na base sa community trials ng DOST-Food and Nutrition Research Institute sa Sta. Rosa, kung saan nilalagay nila ang VCO sa pagkain ng mga participants na mild COVID cases bilang dagdag sa standard na pangangalaga. Nababawasan ang mga sintomas ng mild COVID cases at hindi nagiging severe case at mas maaga silang gumagaling.

Ang latest naman natin ay iyong natapos na study sa Valenzuela na diretsong iniinom ng mga mild COVID case participants iyong VCO. Kasama sa evaluation iyong C-reactive protein level, hematology test, pulmonary function, viral load, lipid profile saka resolution of signs and symptoms at number of days sa center ng mga participants. Pareho sa Sta. Rosa ang naging resulta at bukas ay may virtual presser ang DOST-FNRI para magbigay ng detalye.

So bukod sa paglalagay ng VCO sa pagkain ay puwede ring inumin ang VCO ng mga mild COVID cases upang maibsan ang mga sintomas.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ito po ba ay puwede ring inumin ng isang—kahit po walang sintomas ng COVID-19 at puwede rin po ba itong gamiting ipanghalo sa mga iniinom ng mga bata?

DOST USEC. GUEVARA: Oo, Usec. Rocky, kasi ang VCO ay may FDA approval bilang functional food; so kahit wala kang COVID-19 ay puwede kang uminom ng VCO mapa-bata o matanda.

USEC. IGNACIO: Opo. May kinakailangan bang ipresenta po ang mga VCO producers bago po aprubahan ng FDA itong kanilang produkto?

DOST USEC. GUEVARA: Oo, Usec. Rocky. May mga requirements ang FDA para magkaroon ka ng license to operate kapag gusto mong maging VCO producer kasi kailangan iyong VCO ay akma doon sa tinatawag na Philippine national standards para sa VCO. Tapos titingnan din ng FDA ‘yung iyong production line, kung akma ito doon sa mga good manufacturing processes, food safety at iba pa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman po ‘yung ginagawa ninyong hakbang para naman po matulungan ang mga VCO producers dito po sa pagproseso ng mga requirements?

DOST USEC. GUEVARA: Usec. Rocky, kasi dati puwede lang ang VCO as functional food. Ngayon dahil sa study na ginawa ng DOST-FNRI, puwedeng ibigay ng DOST sa mga VCO producers ang mga naging resulta ng pag-aaral para isama ng mga VCO producers ‘pag nag-apply sila ng additional indication for the use of VCO for symptomatic relief for mild COVID cases. Kapag naaprubahan ng FDA ay maaari nang ilagay sa product packaging na puwedeng gamitin ang VCO ng mga mild COVID cases para maibsan ang kanilang sintomas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa paanong paraan po ba gagamitin ang mga approved VCO para ito’y mas lalo pa daw pong maging epektibo? Kanina nga po nabanggit ninyo na iyong ginagawang dapat gawin na isasama po sa pagkain ano po.

Pero kumusta po ‘yung ginagawang pag-aaral naman ng DOST dito po sa mix-and-match ng bakuna laban po sa COVID-19 at nasaang state na daw po kayo ng pag-aaral, Usec.?

DOST USEC. GUEVARA: Itong pag-aaral nila Dr. Michelle de Vera ng Philippine Society for Allergy, Asthma and Immunology, as of January 14, mayroon na silang tatlong sites – Marikina, Manila at Muntinlupa – at nakapag-conduct sila ng recruitment at 347 na ang na-vaccinate nila doon sa first dose ng Sinovac at 184 sa mga ito ay nakatanggap na ng second dose.

Iyong second dose nila, puwedeng Sinovac; puwede ring Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Sputnik vaccines. At bukod dito sa tatlong trial sites, magkakaroon pa tayo ng dalawang sites na sa mga LGU naman natin kinu-coordinate. At bago magsimula iyong conduct ng trial, kailangan matapos muna iyong coordination dito sa dalawang LGU.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa ibang usaping naman po tayo, ano po. Mayroon pong programa ang inyong ahensiya which is iyon daw pong Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy (CRADLE) program. Ano raw po iyong updates tungkol sa programang ito, Usec.?

DOST USEC. GUEVARA: Ikinatutuwa kong ibalita na mayroon na tayong 75 CRADLE projects na partnership iyan ng academics at saka ng industriya. Iyong mga natapos na projects, iyong mga nag-umpisa noong 2017, natutuwa kami na iyong investment na five million pesos doon sa academic institution (RDI) ng DOST ay nagbunga. Iyong isa ngang project, ginagamit na ito sa isang banana plantation sa Mindanao at milyun-milyon ang nagiging savings nitong banana plantation dahil doon sa pag-aaral na ginawa nitong University of Southeastern Philippines.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ilang MSEs, MSMEs po and private companies na po ba iyong natulungan ng programang ito, Usec.?

DOST USEC. GUEVARA: Ay ano na, lagpas 70 na ang natulungan na mga Micro, Small and Medium Enterprises dito sa CRADLE, tapos more than 30 mga universities na nagsagawa ng mga pag-aaral.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nagpapasalamat po kami sa inyong oras na ibinigay sa amin, Undersecretary Rowena Guevara ng Department of Science and Technology.

Samantala, nakapagtala ng negative growth rate ng COVID-19 cases ang Metro Manila sa loob ng isang linggo batay po ito sa pag-aaral ng OCTA Research. Pero hindi pa rin maaaring maging kampante ang publiko lalo na may dalawa pong namatay dahil sa Omicron variant na pawang mga hindi bakunado. Ang detalye mula kay Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ipinarating ni Senator Christopher Go ang kaniyang suporta sa pagkakaroon ng media hub sa Visayas. Ang pagtatayo sa nasabing media hub ay balak umpisahan ngayong taon sa inisyatibo ng Presidential Communications Operations Office at ng People’s Television Network. Ang ibang detalye, tunghayan natin sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, atin pong makakausap si Undersecretary for Labor Relations’ Social Protection and Policy Support Cluster ng DOLE, Atty. Benjo Santos M. Benavidez, para naman po sa mga concerns ng ating mga manggagawa. Magandang araw po, Attorney. Welcome po sa Laging Handa.

DOLE USEC BENAVIDEZ: Magandang umaga rin po, Usec. Rocky, at sa ating mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa paglaganap po nang mas nakakahawang Omicron variant, dumarami rin po iyong mga manggagawang tinatamaan po ng COVID-19 at kinakailangang mag-isolate at mag-quarantine. So ano po ba iyong kasalukuyang benepisyo, iyon pong maaaring asahan ng ating mga manggagawa sa pribadong sektor na magpupositibo sa nasabing sakit?

DOLE USEC BENAVIDEZ: Alam ninyo po, Usec. Rocky, sa ating mga tagapanood, marami po tayong benepisyong nakalaan para sa manggagawang tinamaan ng COVID-19 sa pribadong sektor. Ito po ay mga benepisyong, una, kusang-loob na ibinibigay ng mga kumpaniya, at iyong minamandato po ng batas. Katulad po sa PhilHealth, mayroon po tayong COVID-19 benefit package para po doon sa testing, para po doon sa in-patient care at para rin po sa isolation.

Sa SSS po, mayroon po tayong tinatawag na sickness benefit. At sa Department of Labor and Employment naman po sa pamamagitan po ng Employees Compensation Commission, nagbibigay-tulong po tayo sa pamamagitan ng cash assistance – isa po itong grant in the amount of 10,ooo pesos, although may proposal po ito, subject to final approval na gawing 30,000.

Bukod po sa cash assistance, mayroon po tayong medical reimbursement at mayroon din po tayong sickness benefit para po sa mga manggagawa na nagka-COVID dahil sa kanilang trabaho habang sila ay nagtatrabaho, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: USec., kaugnay po naman ng usaping benepisyo, naglabas po ang DOLE nito lamang Lunes ng isang advisory hinggil sa isolation at quarantine leaves. Pakibahagi naman po iyong mahalagang probisyon nitong advisory na inaasahan pong makakatulong sa ating mga manggagawa.

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Opo. Ang amin pong Kalihim, si Sec. Bello III ay nagpalabas po ng isang Labor Advisory. Ang Labor Advisory po ay may tatlong bahagi pero ang una na pinaka-importante at ito po iyong buod ng Labor Advisory, iyong paghihikayat po sa mga kumpanya na magbigay ng paid isolation at quarantine leave sa kanilang mga manggagawa.

Alam ninyo po, ang polisiya po talaga ngayon ay no work no pay; so, kapag lumiban sa trabaho dahil kailangang mag-isolate o kaya mag-quarantine, walang sahod unless mayroon pong accrued leave. Eh, iyong accrued leave naman po kung minsan ay ubos o kaya hindi sapat kaya wala po talagang sasahurin iyong manggagawa. Kaya napag-isipan ng aming Kalihim [na] hikayatin iyong mga kompanya na magbigay pa ng karagdagang paid leave.

Pangalawa po, bukod sa paghihikayat sa mga kumpanya na magbigay po ng paid quarantine and isolation leave, pinaalalahanan po natin sila na sana po ay kapag mayroon pong mga kaso o may mga exposure ng COVID-19 sa mga pagawaan, tumalima sila sa mga protocols na ipinapatupad po ng DOH at ng Inter-Agency Task Force.

Mag-isolate po iyong mga manggagawang nagkaroon ng COVID at ang mga may exposure ay mag-quarantine. Binigyan-diin din po ng Labor Advisory na iyong additional paid isolation at quarantine leave ay bukod pa doon sa kasalukuyang tinatanggap na mga benepisyo ng mga manggagawa na naaayon po sa SSS Law at sa ECC Law po.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., simula po noong ilabas itong advisory, may mga kumpanya po ba na tumugon dito sa pakiusap ninyo na magbigay po ng isolation at quarantine leaves sa kanilang mga manggagawa?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Oo naman po, USec. Rocky. Actually, the day after we issued that, may mga tumawag na seeking for clarification. Pero katunayan, bago pa man po makapaglabas po ang Kagawaran ng Labor Advisory, may mga kumpanya ng nagpapatupad na o nagbibigay na ng additional leave para sa kanilang mga manggagawa para lang sa kanilang tuloy-tuloy na sahod habang sila ay nasa isolation o kaya naka-quarantine.

So, mayroon po. Marami na rin po. Actually, this coming Monday, mayroon po kaming isang forum with ECOP para mas lalong ipaliwanag ano ba ang Labor Advisory na ito, kasama na rin po dito iyong ibang ahensya ng gobyerno – ang SSS, PhilHealth at iyong ECC po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., maayos naman po ba iyong kooperasyon nila hinggil sa inyong inilabas na advisory?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Oo naman po, USec. Rocky. Wala naman po kaming narinig na objection sa mga employer maliit man o malaki.

Uulitin po namin: Ang pagbibigay ng paid isolation o quarantine leave ay hindi mandatory. Hinihikayat po natin ang mga negosyante kung sila po ay may kakayanan din naman eh magbigay na ng dagdag na leave benefit sa pamamagitan ng isang paid isolation o kaya naman ay quarantine leave.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may mga programa po ba ang DOLE para tulungan ang mga kumpanyang mahihirapan pong magbigay ng paid isolation at quarantine leaves lalung-lalo na po iyong mga MSMEs?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Mayroon po. Katulad po ng nabanggit natin kanina, ang ECC po, Employees Compensation Commission, isa po itong attached agency ng Department of Labor and Employment, nagbibigay po kami ng cash assistance pero ito po ay ibinibigay sa mga manggagawa – medical reimbursement at sickness benefit. Ito po ay para sa lahat ng manggagawa na nagka-COVID sa trabaho o dahil sa kanilang trabaho. Kung maaalala po natin noong nakaraang taon, kinonsider na po nating occupational disease ang COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ngayon po na mas hinihigpitan ang mobility ng mga hindi pa bakunado tulad po ng ipinatutupad na no vaccine, no ride policy sa mga pampublikong sasakyan, ikinukonsidera din po ba ng DOLE itong pag-amyenda sa inyong umiiral na panuntunan hinggil po sa pangangasiwa ng COVID-19 vaccine sa mga lugar-paggawa?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Opo. Tinitingnan din po natin ito. Higit pong gawin nating mas accessible iyong mga bakuna sa mga manggagawa. So, ang alam ko ngayon nga ay mayroong pilot implementation ang pagbabakuna ay nasa mga piling botika na. So, iyong pagbabakuna ay ituloy-tuloy na rin sa mga pagawaan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may tanong lang po iyong ating mga kasamahan sa media. Tanong po ni Naomi Tiburcio ng PTV: Ano daw po ang update sa one-time P5,000 cash aid ng DOLE sa private sector workers ngayong Alert Level 3? Ilan na po ang nag-apply at ilan po iyong nabigyan na at paano daw po makaka-avail ang mga apektadong manggagawa?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Ang proseso po nito ay kagaya ng mga prosesong ginawa po natin noong mga nakaraang implementation po ng CAMP. Pina-finalize na po iyong guidelines po dito, siguro po sa susunod pong linggo ay mailalabas na natin para po makapag-apply na iyong ating mga manggagawa.

Ang application naman po ay online pero may option naman po silang pumunta sa aming opisina pero mas maigi po na para mas ligtas, online po silang mag-file ng kanilang application under CAMP.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol din pong tanong si Ivan Mayrina ng GMA News: The Employees Compensation Commission (ECC) has approved higher sickness benefits and cash assistance for workers who will contract COVID-19 from P480-P600 per day and P30,000 in cash assistance. How can one avail of these benefits and when will this be effective?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Iyong increase po ay naghihintay pa po tayo ng final approval pero kahit wala pa naman pong increase, puwede na po silang mag-apply. Ang application po ay puwede na po nating i-submit sa mga opisina po ng ECC o kaya po sa mga branches po ng SSS.

Ang SSS po, isa po ito sa mga implementing agencies ng ECC patungkol po sa Employees Compensation Commission. Ang sickness benefit pong ibinibigay po ng ECC, ito po ay bukod pa sa sickness benefit na ibinibigay ng SSS. So, kung kayo po ay nagkaroon po ng COVID, maaari po kayong mag-apply ng sickness benefit sa SSS para sa dalawang benepisyo: Benepisyo under the Employees Compensation Program at benepisyo po under the SSS law.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Atty. Benjo Santos Benavidez, Undersecretary for Labor Relations, Social Protection and Policy Support Cluster ng DOLE. Ingat po kayo! Salamat po, Attorney!

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Salamat po at mag-ingat po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, mas maikling quarantine at isolation sa mga fully vaccinated COVID-19 positive cases at kanilang close contacts, maaari na pong ipatupad ayon sa IATF; bilang ng mga laboratoryo para sa COVID-19 RT-PCR test, target na madagdagan pa para mas mapabilis ang paglalabas ng mga resulta. Si Mela Lesmoras para sa detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas. Base po sa datos na inilabas ng Department of Health, alas kuwatro kahapon:

Pumalo nga po sa 22,958 ang mga bagong kaso ng COVID-19, kaya po umabot na ito sa kabuuang bilang na 3,293,625.
Mayroon naman pong 82 na katao ang naitalang pumanaw sa sakit, kaya umakyat na sa 53,044 ang total death tally.
Samantala, nasa 2,969,853 po ang lahat ng mga gumaling sa virus matapos madagdagan ng 36,611 na katao kahapon.
Ang active cases naman natin ay nasa 270,728 (8.2%) ng kabuuang bilang.

Tayo po ay makikibalita sa patuloy na vaccine rollout sa bansa kaugnay ng paglaganap pa rin po ng COVID-19 particular itong Omicron variant. Atin pong makakasama muli si Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Usec, good morning po. Welcome po sa Laging Handa.

DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky at sa lahat ng nakikinig sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Usec, kumusta po iyong vaccination sa ating mga kababayan? May updated data po ba kayo ng mga fully vaccinated individuals na?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky. As of January 19, mayroon na tayong 56.4 million na nabakunahan, fully vaccinated na ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po nitong sa pag-rollout ng booster shots sa mga pharmacies at pribadong clinic as vaccination sites, ano po ang ginagawang preparation ng DOH para dito?

DOH USEC. CABOTAJE: Nakipagkonsulta tayo sa ating mga partners sa private sector, iyong mga may-ari ng klinika at botika, iyong ating lokal na pamahalaan, tapos kasama ang DOH at saka sa NTF para ready na kanina iyong nagsimula, iyong apat na botikang mag-rollout ng kanilang bakunahan sa mga boosters for 18 years old and above.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, paano daw po tayo makakasiguro na maayos po iyong distribution ng vaccines sa mga sites? Gaano po karami na vaccines na available per site?

DOH USEC. CABOTAJE: Ah, kinuha natin iyong readiness nila, kaya ito iyong rollout ngayon. Ang commitment nila initially ay 50 to 100 patients per day. So sa limang araw, maximum lang ng 500. Iyong ating phase 1 rollout, titingnan natin kung ano iyong mga gap, ano pa iyong mga puwedeng i-improve para sa pagproseso at pagbabakuna dito sa ating mga botika at klinika.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong po dito ay lahat po ba ng uri ng bakuna ay ilalagay diyan sa mga pharmacies na iyan at pupuwede po ba na pumili ng klase ng bakuna ito pong magpapa-booster shot?

DOH USEC. CABOTAJE: Initially, ang ibibigay natin ay Sinovac at saka AstraZeneca. Kasi dapat maging gamay ng ating mga pharmacies, iyong magbabakuna iyong mga bakuna. And then, after the phase 1 or the phase 2, tingnan natin kung puwede nang bigyan ng ibang bakuna, kasi iyong Pfizer at saka iyong Moderna, kaunting sensitive handling. So, ini-start muna natin para maging gamay sila ay Sinovac at AstraZeneca muna sa ating mga botika.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, kailan po inaasahan naman iyong pagsasagawa ng ‘Resbakuna sa Botika’ sa ibang rehiyon?

DOH USEC. CABOTAJE: After the first rollout, after one week and evaluation, NCR-wide muna tayo and then after NCR-wide, siguro by second week or third week of February, puwede nating umpisahan sa iba’t ibang panig ng ating bansa, based on the readiness assessment of our regional offices. Kung sino ang willing at ready.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may mga nagtatanong. Paano daw po kung may mga sobra o hindi naiturok na mga bakuna, may kaukulang storage po bang mga botikang ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we checked it, it’s part of the readiness assessment, kaya inumpisahan muna natin ng Sinovac at saka AstraZeneca, kasi puwede sa regular refrigerator iyong tinatawag nating domestic. Titingnan lang na hindi bukas-sara, bukas-sara. If they can have a dedicated, kahit small refrigerator lang for this vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, habang ginagawa po natin itong pilot ng programa ano po, ito pong mga LGU na nagsasagawa naman po ng pagbabakuna lalo itong booster eh kailangan tuluy-tuloy pa rin po ba?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, tuluy-tuloy, tulong lang itong mga botika, kasi alam naman natin na nagkakasakit na iyong ating mga health care workers. But in the long run, kung maganda ang kinahinatnan, malaking tulong sa ating mga local government units ang extra vaccination site, mga extra hands. I-emphasize lang natin, Usec. Rocky, na hindi po independent na ginagawa ng ating botika iyan. Naka-coordinate pa rin po sa local government units, importante po sa kanilang reporting. So, maganda po ang coordination ng ating local government units kung nasaan itong mga botikang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano naman daw po iyong kasalukuyang estado ukol dito sa booster shot na maaaring ibigay sa mga nabakunahan ng Sinopharm vaccine? Mayroon na po bang ibang brand na aprubado?

DOH USEC. CABOTAJE: The experts have not come out with a recommended booster shots, because kulang ng data ang nai-submit sa FDA kung ano iyong puwedeng ibakuna. So maghintaty-hintay lang muna, although palagi nating tinatanong sa ating mga experts at saka sa FDA kung ano na ang puwedeng ibakuna. We are also looking at the release of the World Health Organization, kasi mayroon na silang binigay na by platform kung paano iyong mga boosters, so pati iyon titingnan natin kung ano ang puwede na pang-booster sa Sinopharm.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, ano daw po ba iyong inyong maipapayo sa mga naturukan po ng Sinopharm vaccine na gusto pong magpa-booster at ano po ang dapat nilang gawin?

DOH USEC. CABOTAJE: Maghintay-hintay lang muna. We hope that in a couple of weeks, kasi matagal na, alam ko matagal na silang naghihintay kailangan pinu-push, kasi ang dami na talagang nagtatanong. So, we will ask not only our experts here, but also WHO kung ano ang puwede nilang mairekomenda na booster ng Sinopharm.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong po ang ating kasamahan sa media. Tanong po ni Leila Salaverria ng Inquirer: May specific schedule na po ba ng vaccination ng 5 to 11 years old? Ayon daw po kay Secretary Galvez, may vaccines na darating sa January 31st. Agad-agad po bang magsisimula ang bakunahan ng younger age group at may studies na rin po bang ginagawa ang DOH sa pagbabakuna ng zero to 4 years old?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa 5 to 11, Usec. Rocky, ginagawa na iyong polisiya, nagsisimula na rin at tinutuloy ang pag-aaral ng ating Health Technology Assessment Council kung ano iyong mga recommendations nila.

Nakipagtalastasan na rin tayo sa ating mga experts. Actually may inilabas na position paper iyong ating Philippine Pediatric Society at saka iyong Philippine Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines endorsing the 5 to 11. Titingnan lang natin iyong operational guidelines sa… pina-finalize po natin baka ang gagawin po natin ay specific site lang for the 5 to 11.

Iyong zero to 4 years old naman, USec. Rocky, titingnan natin baka by second quarter mga April or May kung mayroon na pong bakuna na puwede sa zero to 4 at mayroon ng pag-aaral na at may recommendation na, importante kasi iyong Health Technology Assessment Council tapos iyong go signal ng ating mga policy at saka experts. Para umpisahan na rin iyong zero to 4 years old.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Leila Salaverria: Ano po ang tingin ng DOH sa mga opisyal o worker ng gobyerno na ayaw pong magpabakuna at may balak nga bang gawin ang Department of Health para kumbinsihin sila na magpabakuna?

DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una ang bakuna ay hindi mandatory, kailangan nga magpirma ng consent but kagaya na rin ng direktiba ng ating Presidente, sana sumunod lahat ang ating government officials sa pagbabakuna, because they do not only put themselves at risk pati iyong mga bakunado they are also put into risk kasi baka mahawa din sila at maging dahilan ng paglaganap ng COVID-19 sa work place.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., maraming salamat po sa inyong oras, Undersecretary Myrna Cabotaje, ng Department of Health, stay safe po USec.

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you good morning.

USEC. IGNACIO: Resbakuna sa Botika inilunsad din ngayon sa lungsod ng Marikina sa pangunguna po ni DTI Secretary Ramon Lopez, at ng lokal na pamahalaan ng Marikina City. Masaya naman po ang mga pharmacists doon at bukod sa gamot makakatulong na rin sila sa pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan kontra COVID-19. Ang update niyan mula kay Cleizl Pardilla, Cleizl:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyong report Cleizl Pardilla, ingat Cleizl!

Problema at lungkot ang hatid ng bagong taon para sa mga residente na apektado sa magkasunod na sunog sa isang compound sa Caloocan at Payatas. Kaya naman tiniyak ni Sen. Bong Go, ang pagsusulong sa panukalang batas na magbibigay ng housing subsidy para sa mga residenteng biktima ng ganitong trahedya at kalamidad. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Merry Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

Samantala, kasalukuyang nasa quarantine ngayon ang ilang health workers sa Davao matapos mahawaan ng COVID sa mga vaccination hubs. Alamin naman natin ang iba pang impormasyon hatid ni Hannah Salcedo mula sa PTV Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa po ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #Laging Handa PH.

 

###


SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)