Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saanmang panig ng mundo. Ngayon po ay January 17, 2022, araw ng Lunes, muli tayong makibalita sa lagay ng ating bansa partikular sa National Capital Region pagdating po sa nararanasan nating paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan. Ako po ang inyong lingkod, Usec. R0cky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Sa pakikipagtulungan ng Department of Health sa World Health Organization at Procter & Gamble Company, ilulunsad na ng Kagawaran ang “Basic Kalinga Kit” para sa mga COVID patients na nagpapagaling sa kani-kanilang tahanan. Ikinatuwa at pinapurihan naman ito ng Senate Committee Chair on Health and Demography na si Senator Bong Go. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO:  Para mas marami pa ang maabot ng bakunahan kontra COVID-19, muli pong nanawagan ang Malacañang sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng house to house vaccination na makakatulong lalo na sa mga senior citizen at may comorbidities na hindi na kayang bumiyahe at pumila sa vaccination sites. Narito ang report mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Muli pang bumaba sa dalawang porsiyento ang growth rate ng mga kasong araw-araw na naitatala dito sa Metro Manila, base po iyan sa pag-aaral na inilabas ng OCTA Research kahapon. Pero ayon kay Dr. Guido David, hindi pa malinaw kung senyales na nga ba iyan na bababa na ang daily infection sa mga susunod na araw o nasagad na ang testing capacity dito sa NCR. Kaugnay niyan, makakausap po natin si Dr. Guido David mula po sa OCTA Research. Good morning po, Professor.

DR. GUIDO DAVID: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, when and how can we definitely identify kung nag-peak na po talaga itong COVID-19 cases o dahil lang po sa testing capacity kaya bumaba sa two percent ito pong daily growth rate natin sa Metro Manila?

DR. GUIDO DAVID: Usec. Rocky, may mas maganda pa iyong balita ko nang konti diyan sa two percent, base doon sa datos kahapon na nakita nating may 15,969 cases ay bumaba iyong daily growth rate to negative one percent (-1%) from two percent. So ibig sabihin, naging negative, mukhang pababa nang konti.

Pero again, hindi pa tayo puwedeng mag-celebrate kumbaga, iyong sa tanong ninyo, gaano katagal natin bago makita ito. Kasi kapag nangyayari pa iyong peak, hindi pa natin masasabi. Parang andoon pa tayo sa tungtong. So hihintayin natin siguro within the next few days or the next week, kapag talagang mas mababa na iyong bilang ng kaso next week, masasabi natin na talagang bumababa na. So kumbaga, hihintayin natin talagang bumaba pa iyong bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO: [Technical problem] …talaga pong bababa sa negative number itong growth rate, tama po ba ito? Pero ano po iyong ating reproduction number at positivity rate ngayon dito sa Metro Manila?

DR. GUIDO DAVID: Yes, Usec., ideally nga negative iyong growth rate na hinahabol natin. Ang sinasabi natin noon na bumababa, iyong nasabi mong two percent na growth rate, ibig sabihin noon ay tumataas pa siya pero konti na lang. Kasi bago noon, noong nakalipas na linggo, mga nasa 15% iyong growth rate. So bumababa siya, 15%, 11%, ganoon; tapos ngayon nga, negative one percent.

Iyong reproduction number natin, nasa 2.67% na lang sa Metro Manila. Nanggaling iyan sa six or mahigit sa six – so isang infected, anim iyong nahahawaan. Ngayon, less than three na lang, mga kumbaga parang dalawa na lang or dalawa’t kalahati; at iyong positivity rate, bumababa rin. Although, mabagal iyong pagbaba ng positivity rate, nasa 50% na siya, dati nasa 54% siya. So bumababa na rin siya nang konti.

So may ano, may optimism tayo na baka nga pababa na iyong bilang ng kaso sa Metro Manila at ito ay ayon din sa nakita nating trend sa South Africa na mga dalawang linggo iyong pataas at nagsimula nang bumaba. Pero again, ayaw nating maging complacent tayo, maging kampante; ayaw natin mag-celebrate tayo na masyadong … nang premature. Gusto natin tingnan, masdan nating mabuti ang trends a siguro next week, Usec., makikita talaga natin kung talagang pababa na iyong bilang dito sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Prof, kung talagang bumababa ‘no ito pong reproduction number, is this a good sign? Malapit na nga [garbled] ang COVID cases sa bansa at susundan na ito ng pag-decline nga ng mga kaso, although sinabi ninyo hintayin pa rin [garbled]

OCTA DR. DAVID: Yes, Usec, I would say it’s a good sign dahil bumababa lahat ng indicators natin. Pero again, iyon nga sinabi ninyo nga, mas magandang hintayin natin. In the meantime, patuloy pa rin ang ginagawa natin, ang pagsunod sa minimum public health standards ng mga kababayan natin kasi ito iyong mga nakatutulong sa pagpagpababa ng trend: Iyong pagsusuot ng face mask, iyong social distancing, bawasan muna na natin iyong unnecessary travel, at iyong pagpapabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor David, sang-ayon po ba kayo sa sinabi ng Department of Health na posible nga pong mag-peak ang COVID cases by end of January or mid-February pa?

OCTA DR. DAVID: Well, iba-iba iyong modelo na tinitingnan namin, Usec, at depende sa mga assumptions. Possible naman na baka end of January pa mag-peak, at saka ang tinitingnan natin ay ang trend sa buong bansa, posible pa kasing magkaroon ng pagtaas eh. Although bumababa na NCR, nagkakaroon naman ng pagtaas ng bilang ng kaso sa mga iba-ibang regions outside NCR+.

I mean, iyong sinabi ko, although may possibility na baka bumababa sa NCR, may nakikita tayong pagtaas ng bilang ng kaso sa mga iba-ibang regions tulad ng Tacloban, Cebu. Actually, all over the country now is starting to see an increase in cases kaya makaka-affect ito doon sa sinasabi nating peak kung ang pinag-uusapan ay iyong peak ng buong bansa. Pero possible na sa NCR at saka sa Cavite, Rizal, Bulacan, ay baka malapit na iyong peak or nagpi-peak na tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor David, ulitin lang po natin ano, iyong saang rehiyon po na may nakikita kayo na may mataas ngayon na growth rate?

OCTA DR. DAVID: Actually, Usec., medyo marami na eh. Mayroon sa Region II; mayroon din sa Region I, sa Pangasinan at saka sa La Union; sa Benguet Region; sa Bicol Region; other parts of Central Luzon ay medyo bumibilis pa lang; sa Western Visayas; Central Visayas; even iyong sinabi ko nga kanina, sa Tacloban.

So actually, medyo all over the country na siya. Even sa Mindanao may nakikita na tayong simula ng pagtaas ng bilang ng kaso, kasama diyan ang Zamboanga City at saka Davao del Sur.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, ngayong binago ng Department of Health ito pong protocol sa COVID-19 testing sa bansa, pati po iyong isolation o quarantine at iyong contact tracing, paano po ito makakaapekto sa mga pag-aaral na ginagawa po ng OCTA Research?

OCTA DR. DAVID: Well, Usec, iyong isang magandang ginawa na sana ay maipagpatuloy pa, iyong ginawa ng DOTr na nag-random testing doon sa MRT passengers kasi mas magandang makakuha tayo ng random sampling kung ano iyong incidence sa mga bumibiyahe araw-araw.

Iyong sa Department of Health, naintindihan ko kung kulang ang testing natin, maganda i-prioritize talaga natin iyong vulnerable sector kasi totoo naman, Usec, na kahit mataas iyong bilang ng kaso ay kaunti pa rin iyong mga napupunta sa ICUs at pati hospitalization natin mababa and we’re expecting na mababa iyong mga death dahil karamihan ng mga nagka-COVID so far, ang mga nahawaan ay mga bakunado.

So, siguro, naiintindihan natin na siyempre because of limited resources kailangan nating i-allocate optimally itong resources natin. iyong contact tracing medyo ano na talag siya eh, mahihirapan na talaga siya kapag sobrang dami na ng bilang ng kaso dahil pami-pamilya na ang mga nahawaan, so ano na lang, adjustment na lang tayo sa ating management strategies.

USEC. IGNACIO: Opo. [TECHINCAL PROBLEM]

[AD]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Balikan po natin si Dr. Guido David ng OCTA Research.

Professor, ito po iyong tanong ko bago tayo naputol ano. Kumusta po iyong hospital bed at ICU occupancy dito sa Metro Manila at sa ibang rehiyon? May pag-decline ba o tumataas rin po hanggang ngayon?

OCTA DR. DAVID: Usually, may lag kasi, Usec, iyong hospital utilization [data] na iyan, so kapag nagkaroon ng pagdami ng kaso, hindi agad sumasabay iyong hospital utilization, so may lag time siya.

So, sa ngayon, nakikita natin eh medyo mataas pa iyong hospital utilization. Sa mga ibang regions outside NCR, siyempre mababa pa iyong hospital utilization. Sa ngayon, baka nagsisimula pa lang tumaas in case na magkakaroon ng pagtaas ng hospital utilization, ito ay mino-monitor pa rin natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon lang pong clarification iyong ating kasamahan sa media na si Tuesday Niu ng DZBB: Clarification lang po, iyong negative 1% na pagbaba ng daily growth rate, sa buong bansa po ba iyon or sa NCR lang?

OCTA DR. DAVID: Sa NCR lang iyon, Usec. Wala pa tayong masasabing pagbaba talaga. Possible na baka may pagbaba sa buong bansa pero iyong tinitingnan natin ay iyong sa NCR pa lang.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po tayo mula sa ating kasamahan din sa media. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ng DOH na maaaring magdoble ang mga active cases sa NCR by around 300,000 ayon sa kanilang mga projections. Nakikita rin po ba daw ito ng OCTA na maaaring mangyari o may iba pa ring model na magsa-suggest na maaaring ma-reverse na ito sa mga susunod na araw?

OCTA DR. DAVID: Well, Usec, makikita pa natin ito sa mga susunod na araw kung talagang baba iyong bilang ng kaso sa NCR or kung nagpa-plateau siya. Kung pababa na siya, hindi na siguro tataas pa iyong active cases kasi marami nang nagkakaroon ng recovery. Pero kung nagpa-plateau siya or pataas pa siya, posibleng dumami pa iyong active cases.

We’re hoping na pababa na iyong bilang ng kaso which means na baka bumaba na rin iyong bilang ng active cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag po na tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Dumadami na rin po ang mga gumagaling base sa mga pinakahuling bilang ng case bulletin. Sa tingin po ba ninyo magtutuloy-tuloy na ang dating ng mga recoveries sa mga susunod na araw lalo na’t halos lahat daw po ay mild infections lang ang nare-report? At may ratio po ba tayo sa mga bagong kaso kada araw kung ilan ang mild o asymptomatic o moderate at ilan ang severe or critical na kailangan pong i-ospital?

OCTA DR. DAVID: Well, Usec, definitely ini-expect natin na tuluy-tuloy na iyong pagdating ng recoveries lalo na mas maiksi iyong duration ng Omicron yata ang nakikita natin, iyong incubation period niya mas maiksi at iyong total duration niya mas maiksi. Kaya nga pinaiksi na rin ng Department of Health iyong quarantine period, naka-base iyan sa mga nakikita ng mga ibang experto sa ibang bansa na mas maiksi iyong duration niya. Sorry USec., iyong pangalawang tanong ay…?

USEC. IGNACIO: Iyong pangalawa pong tanong ni Red Mendoza: Kung may ratio po ba tayo sa mga bagong kaso, kada araw. Ilan daw po iyong mild or asymptomatic o moderate at ilan ang severe or critical na kailangan pong i-ospital?

DR. DAVID: Yes, USec, iyong huling tingin namin doon sa mga datos ay nasa mga 98% iyong mga mild cases at iyong mga asymptomatic iyong mga 2%. Siyempre iyong asymptomatic usually under reported iyan, pero kahit dagdagan natin, karamihan talaga ay asymptomatic at mild; kakaunti lang iyong mga severe and critical cases base doon sa huling tingin namin sa datos.

USEC. IGNACIO: Professor David, kunin ko na lang po iyong inyong paalala at mensahe po ulit sa ating mga kababayan. Go ahead po, Professor.

DR. DAVID: Maraming salamat ulit sa pag-imbita, USec. Alam ko marami tayong dinaanan over the past two years, malapit ng magpangalawang taon, pero we are hoping na magsisimula ng bumaba ang bilang ng kaso sa NCR at sana naman ay tuluy-tuloy na ito na kapag bumaba ay ito na iyong huli nating makikitang surge hanggang sa katapusan ng taon or patuloy na hanggang sa mga susunod na taon.

So, we are hoping this will be the last, siyempre hindi natin masasabi talaga iyan. Pero we can hope and we can pray at kailangan lang ngayon, titiisin lang natin ng kaunti, patuloy na pag-iingat at iyong mga kababayan natin sa mga probinsya na hindi pa bakunado, sana magpabakuna tayo, kasi malaking tulong itong bakuna. Kaya mababa lang iyong nakikita nating severe at critical cases dito sa NCR dahil karamihan ay mga bakunado na. So, in the meantime, I hope everyone stay safe and follow the minimum public health standards. Maraming salamat ulit, USec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Okay. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong laging pagbibigay ng panahon at impormasyon sa amin, Dr. Guido David, mula po sa OCTA Research. Keep safe po.

Samantala, ‘no vax, no ride’ policy sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila, simula na ngayong araw. Sa operation ng I-ACT sa Commonwealth Avenue kaninang umaga, kasama ang Task Force Displina ang mga pasaherong unvaccinated dinadala na sa vaccination site. Si Rod Lagusad sa detalye:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Samantala, bahagya naman pong bumaba mula sa all time high na higit 39,000 noong Sabado ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon, 37,154 new cases po iyan kaya sa kabuaan pumalo sa 3,205,396 ang mga nagka-COVID sa buong bansa. Mataas din sa bilang na 30,037 ang mga bagong gumaling, kaya naman nasa 2,864,632 na ang total recoveries; 50 naman po ang nadagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 52,907 deaths; 9% ng total cases ang nagpapagaling pa rin hanggang ngayon o katumbas ng 287,856 active cases.

Maging ang mga opisina po ng pamahalaan ay ramdam din ang epekto ng mabilis na pagdami ng COVID-19 sa Pilipinas. Paano nga bang masisigurong hindi maapektuhan ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan para sa taumbayan. Kaugnay niyan makakausap po natin si Commissioner Atty. Aileen Lizada mula po sa Civil Service Commission. Good morning po, Attorney.

CSC COMMISSIONER LIZADA: Good morning, Usec., at sa lahat po ng nakikinig at nanunood. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Atty., may datos po ba kayo kung ilang government workers at government workers at government agencies ang kasalukuyan pong naapektuhan dahil sa COVID?

CSC COMMISSIONER LIZADA: USec., sa ngayon po, we are on the process of gathering po nationwide iyong datos po na tinatanong ninyo, para po we will be able to give DOH po their information and appropriate action. Gathering pa po ngayon ang mga regional offices namin, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa inyo po mismo sa Civil Service Commission, may mga active cases din po ba kayong binabantayan sa ngayon, Attorney?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Based sa data po na binigay sa akin ng Central Office and the Regional Offices po, more or less we have 161 positive po and awaiting po kami doon sa mga ibang sa close contact pa iyong naghihintay po ng results ng swabbing. So, iyon po ang aming mino-monitor, USec, right now, we have 161 po positive.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano naman daw po nasisiguro, Attorney, na hindi daw po naapektuhan ang operations at public service ng mga government agencies na tinamaan po ng COVID surge ngayon?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Mayroon pong mga issuances na binigay po tayo, iyong sa CSC Joint Memorandum Circular. Mayroon po tayong CSC, DOLE and DOH, this is the joint Memorandum Circular Number 1 Series of 2020, Occupations Safety and Health Standards for the Public Sector, this is intended po to protect government employees from dangers, of injury or sickness or death with (signal cut)

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Ipagpatuloy po natin ang ating panayam kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission.

Atty., ano pong assistance ang dapat daw pong asahan ng ating mga manggagawa mula sa respective government agencies sa oras po na mahawahan sila ng COVID from their workplace?

CSC ATTY. LIZADA: Okay. Nag-usap po kami ni Usec. Kim de Leon ng DBM at na-mention po niya sa amin iyong DBM Circular # 2020-14. This is a reiteration of applicable guidelines relative to utilization of agency budgets for purposes of implementing health protocols. Nalaman ko po NA puwede ho nating gamitin iyong ating MOOE, subject to availability of funds, budgetary and otherwise but at no cost to the employees. The public sector may also consider implementing COVID-19 related programs prescribed for the private sector under DTI – DOLE JMC # 20-04.

So ano ang ibig sabihin? Puwede ho tayong gumawa ng homecare COVID kit para sa ating mga empleyado, kunin ho natin sa MOOE. Allowed na po naman ito, mayroon naman hong DBM circular. So I am reminding the heads of agencies, alagaan ho natin iyong ating mga kawani ng gobyerno na under your care, under your respective offices. We are allowed at ginagawa na pala ng DBM ito, so let us prepare for them a homecare COVID kit para ho this will also de-clog iyong mga ibang health centers na pinupuntahan ng mga public.

kasi ang hawahan ngayon ay hindi lang iyong ating empleyado pati na sa bahay nila. So if we take care of them as well, the stress and the worry that they have will somehow be lessened if we know, if they know, that they are also being cared for by their respective government agencies po.

USEC. IGNACIO: Opo. Atty., ngayong Alert Level 3 ang maraming lugar, ano po iyong guidelines ang dapat na ipinatutupad sa government workforce?

CSC ATTY. LIZADA: If you follow the guidance po na inisyu ng IATF, if it is Alert Level 3, it is supposed to be 60% onsite workforce. But – ‘but’, OP issued Memorandum Circular # 86, puwede hong i-reduce doon sa minimum po na sinet forth ng IATF but may proseso pong nilalagay, like you have to get the clearance or recommendation first and then you justify bakit ho binababa natin iyong number, iyong reduction of taong papasok and ang duration o ang period po for them to enter, for them to stay at home or kung saan ba po sila. So let us use the alternative work arrangements provided by CSC under MC # 18.

Gamitin po natin ito kasi po kailangan po na may buffer tayo parati sa ahensiya ng gobyerno. Huwag ho natin lahat ipapapunta o ipapa-report for work especially those who are immunocompromised or with comorbidities. Let us protect them po, work from home po muna sila especially NCR and other—I heard from Doctor kanina po. So alagaan po natin nang mabuti iyong ating mga kawani.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may mga lugar din po na nasa Alert Level 2 ano po, ano naman daw po iyong guidelines na pinatutupad sa kanila?

CSC ATTY. LIZADA: The same din po ‘no. We are relying on [technical problem] that you will use the alternative work arrangements properly and accordingly based on the respective circumstances present sa inyong area po.

So dapat ho tuluy-tuloy ang serbisyo ng gobyerno. We talked about reduction of workforce but it does not talk about stoppage of government workforce. We need to serve the public continuously but likewise hand in hand, we also have to protect our government employees, po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, paano raw po mapapanatili itong accountability ng mga government agency na sumunod po sa guidelines na ito?

CSC ATTY. LIZADA: To all the accredited employees’ organization o mga unyon, please monitor your respective agencies and let us know, puwede ninyo ho kaming i-contact sa Contact Center ng Bayan or CCB ng CSC. Puwede ho kayong tumawag sa PLDT, it is 16565; or you can text us po at 0908-8816565. Let us know po, at puwede ho kayong mag-e-mail. I believe it is being flashed, [email protected]. Let is know ano ho ang ginagawa na dapat hindi ginagawa para we can intervene right away and respond and protect your respective welfare as well as iyong health po ninyo.

So to the heads of agencies, please take good care of the employees. To the employees, kindly monitor po kung tama po iyong ginagawa ng heads of agencies in your respective offices po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, mayroon din po bang existing guidelines tungkol sa COVID-19 testing? Sa palagay ninyo po ba dapat magpatupad ng mandatory mass testing sa ating mga government agencies para daw po maagapan itong pagkalat ng virus at hindi maapektuhan ang operations?

CSC ATTY. LIZADA: Maganda hong suggestion at maganda pong idea iyan. Iyan ho iyong puwedeng i-cover doon sa DBM at no cost to the employee. Kukunin ninyo ho sa MOOE ho. So kung mayroon po kayong mga teams, Team A or Team B, so puwede ho kayong mag-testing, let’s say every two weeks, kung kailan ho iyong palitan ng next team natin.

So let us preventive and protective as well. At least assured kayo na ang lahat ng mga nandoon sa inyong bubble ay safe po and hindi tayo makakahawa sa ibang tao. And we know that when we report for work, ang kasama ho din natin sa opisina ay safe din po sila and that we will be able to serve better po when our frame of mind is in that way. Maganda pong idea po, but no cost to the employee po. Let us charge it to the MOOE.

USEC. IGNACIO: Opo. How about daw po iyong mandatory vaccination, sa palagay ninyo dapat o hindi dapat na gawing mandatory ito pong pagbabakuna sa mga civil servants?

CSC ATTY. LIZADA: Magkakaroon po kami ng commission meeting two times po, twice ngayong week. If I am not mistaken, naka-agenda na po iyan so we are finalizing our policy on this one. So hintayin lang ho natin, Usec. Rocky, na lumabas po iyong policy ng CSC dito po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, mayroon lang pong tanong sa inyo si Vanz Fernandez ng Malacañang Press Corps: May mga guidelines ba ang inyong ahensiya sa mga government employees ng resources during election period?

CSC ATTY. LIZADA: We are covered by Comelec po ‘no. [Technical problem] …already in the resolution on the prohibited activities, and everyone is covered under that Comelec resolution po. Lahat po, even hiring, assigning, promotion, covered po. So doon sa tanong po na we are all under the Comelec guidelines. We follow the Comelec guidelines.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kunin ko na lamang po ang inyong paalala o mensahe sa ating mga kababayan sa gitna po na patuloy na surge ng COVID-19 sa ngayon, partikular po sa ating mga kasamahan sa gobyerno?

CSC ATTY. LIZADA: Alam ko marami na ring apektado, nawalan na rin ho tayo ng maraming kasama sa opisina but public service, we are in this mission. Tuluy-tuloy pa rin ho tayo. Rest assured CSC and the other government agencies will be issuing; we have issued and we will be monitoring all our issuances to protect all of you.

So, to the heads of agencies: Please avail of the work arrangements; please avail of the DBM circular allowing us to prepare home care COVID kits for our employees.

To the rest of the 1.7 million government strong work force, rest assured CSC will be here. Let us know how we can help you, kung mayroon pa po kayong kailangan, let us know. Nag-issue na po tayo po tayo para i-excuse absent ninyo sa quarantine. Nag-issue na rin po tayo ng excuse absent sa ating mga booster and jab sa mga vaccination po. Yes, please let us know through our contact center ng bayan. Ang taumbayan they are relying on us, wear relying on you and so kapit lang po, we will be able to see this through.

Maraming salamat po, USec. Rocky. Mabuhay po lahat ang mga kawani ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po, Attorney Aileen. Mag-iingat po kayo, Commissioner Aileen Lizada mula sa Civil Service Commission.

Samantala, higit sa 200 caddies at staff naman sa isang golf club sa Davao City ang hinatiran ng tulong ni Senator Bong Go kamakailan kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang report:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Makibalita muna tayo mula sa Davao, may report ang aming kasamang si Hanna Salcedo:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Hanna Salcedo ng PTV Davao.

Kumustahin natin ang sitwasyon sa Tala Hospital sa Caloocan City. Punuan na nga kaya ang mga hospital beds doon? Makakausap po natin ang Medical Director ng Dr. Jose N. Rodriquez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital, si Dr. Alfonso Victorino Famaran. Jr. Good morning po, Doc.

DR. FAMARAN: Good morning po, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumusta na po ang hospital bed capacity ninyo sa ngayon. Ilan po iyong naka-confine na COVID positive patients diyan sa ngayon?

DR. FAMARAN: Ma’am, iyong total number of patients confined 274 over 520 beds or 53% filled po iyong beds.

USEC. IGNACIO: Opo. So iyong bilang po ng porsiyento o porsiyento niyan, sa bilang na iyan ay may severe po ba to critical case o mas marami po iyong mild?      

DR. FAMARAN: Ma’am, bale po iyong Tala Hospital po, hindi po kami nag-a-admit ng mild cases at saka moderate cases, non-oxygen requiring.

Iyong mga naka-admit po dito: Severe cases, 8 patients over 274 or 3%; critical cases 7 over 274 or 2.6%; moderate cases 259 over 274 or 94% po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman po iyong kadalasang profile ng mga naa-admit diyan? May mga bakunado rin po bang naka-confine, Doc?

DR. FAMARAN: So, sa 274 po, 43% po ng mga naka-confine are fully vaccinated; 2% po is partially vaccinated; 55% po is not vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Alfonso napaghandaan po ba ng Tala Hospital itong expected surge ng cases after holidays, gayundin po iyong mga pasyenteng magpapa-ospital?      

Babalikan po natin si Doc. Alfonso ng Tala Hospital.

Aalamin naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, kasama po natin si Ria Arevalo ng PBS- Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Balikan po natin si Dr. Alfonso Victorino Pamaran Jr., ng Tala Hospital.

Doc, balikan ko lang iyong tanong kanina. Napaghandaan po ba ng Tala Hospital itong inaasahang surge ng cases after [the] holidays, ganoon din po ang mga pasyenteng magpapa-ospital?

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Yes po, ma’am, napaghandaan ng Tala Hospital po ito. Bale, mukhang drill na po sa amin ito. Since 2020 pa po, mandated na po kami ng Department of Health as an end-referral hospital for COVID confirmed cases, moderate to critical.

So, after the holidays, nag-stockpiling na ho kami ng kailangan po ng mga pasyente tulad po ng mga PPEs, gamot para sa COVID, gamot para sa mga comorbidities ng mga pasyente and so forth and so on po, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media ano po. Isunod ko na po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta po ang inyong health personnel and mayroon po bang tinamaan ng COVID? If yes, ilan po ang currently under isolation or quarantine?

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Currently po, ma’am, iyong health care workers under home quarantine, 510 po silang lahat, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilan po ba iyong bilang ng ating mga health care workers diyan, Doc?

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Ma’am, around 1,300 po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, halos parang nasa kalahati po kayo, Doc, ano po? Karamihan po ba sa mga health care workers na ito, ay kumusta po, naturukan po ba sila ng booster shot na?

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Ma’am, 99.2% po sa mga health care workers dito naturukan na po ng first dose at saka second dose po, and booster iyong karamihan po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Doc., parang halos kalahati po ng workforce ninyo talagang naka-isolate ano po? So, kumusta po iyong manpower ninyo sa ngayon, iyong operasyon ninyo po?

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Iyong hospital operations po, tuloy pa rin po tapos tumanggap po kami ng manpower augmentation from the Department of Health Central Office, nasa 214 personnel; sa CHD-NCR po, 10 personnel; at saka sa PNP General Hospital, 5 po. So, a total of 229 manpower complement po sa hospital po na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Doc., ano po iyong reaksiyon ninyo dito naman sa bagong quarantine protocol na ipinatutupad po ng Department of Health ngayon sa ating mga healthcare workers?

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Ma’am, agree po ako doon sa ipinatupad na shortened quarantine protocols sa mga health care workers po. And sa experience po namin, usually po malaking tulong po ito sa amin since maaga po naming malalaman iyong mga health care workers naman na puwede na pong bumablik sa trabaho ‘no, after five days na naka-quarantine po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may dagdag na tanong po si Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang masasabi ninyo that NCR will remain under Alert Level 3 until the end of the month? In your opinion daw po, do we need stricter restrictions or the status quo amid the surge in cases?

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Ma’am, sa opinion ko po, agree po ako sa Alert Level 3 ng NCR until the end of January. Ang nakikita lang ho naming problem when it comes to contact tracing at saka history taking sa mga patients namin, violation po ng minimum health protocols.

Usually po ang naba-violate po dito is social distancing – iyon ang number one; number two po, iyong wearing of face masks na nakakalimutan po lagi. So, siguro po stricter implementation po ng minimum health protocols po, ma’am. Iyon ho iyong magiging the best defense natin against this virus po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Alfonso, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin. Salamat po. Dr. Alfonso Victorino Famaran Jr., mula po sa Tala Hospital. Mabuhay po kayo! Kayo po ay itinuturing naming modern day hero. Salamat po.

TALA HOSPITAL MEDICAL DIRECTOR DR. FAMARAN: Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Samantala, nakatakda nang i-turnover sa pamahalaan ang itinatayong OFW Hospital sa Pampanga. Layunin nitong matulungan ang mga overseas Filipino workers at kanilang pamilya na mabigyan ng medical services sa oras ng pangangailangan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mahigpit na ipatutupad ng Quezon City local government ang pagbabawal sa mga hindi bakunado na lumabas ng kanilang bahay maliban lamang sa essential activities. Ito po ay alinsunod sa ordinansa ng lungsod.

Babala ng Quezon City LGU, P500 – P3,000 multa ang ipapataw sa mga lalabag na residente. Hindi rin lulusot ang mga establisyemento na magpapapasok ng unvaccinated residents ng walang essential activities. P3,000 – P5,00o ang kakaharapin ng naturang establisyemento. Maaari ring kanselahin ang kanilang business permit at tuluyang ipasara ang establisyemento.

Layon ng naturang hakbang na ipatupad ang limitadong paggalaw ng mga hindi bakunado at maprotektahan sila laban sa COVID-19.

Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pagtutok sa ating programa. Hanggang bukas pong muli.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)