Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat ng ating mga kababayan saanmang panig ng mundo. Ngayon po ay January 10, 2022, araw po ng Lunes. Mula sa testing capacity hanggang sa pagbabakuna natin dito sa Pilipinas, alamin natin ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para po paigtingin ang mga iyan ngayong bagong taon. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Para po sa unang balita: Patuloy po ang pagdami ng mga nagpupositibo sa COVID-19 sa bansa. Dahil dito, muling iminungkahi ni Senator Christopher “Bong” Go na mas lalong pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas sa healthcare system sa bansa. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dagsa po ngayon ang mga kababayan nating nagpupunta sa mga COVID-19 testing center para po magpa-swab. Kaya naman sa taas ng kaso, bukod po sa nagkakaroon ng backlog sa resulta, ang iba pa ay nananamantala. Iyan po ang ating pag-uusapan, kasama po natin si National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Government Response Secretary Vince Dizon. Good morning, Secretary.

SEC. DIZON: Good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa ngayon po, kumusta na iyong ating testing capacity dito sa Pilipinas at paano tayo nagki-keep up doon sa sinasabing backlog dahil po sa dami ng demand for testing?

SEC. DIZON: Usec. Rocky, tingnan ko lang iyong latest na numero, noong January 7, pinakamataas nating nagawang test ay umabot ng 1,200 noong January; tuluy-tuloy naman ang pagtaas nito. Pero kagaya ng sinabi mo kanina, kagaya ng nararanasan ng ating mga kababayan ngayon, talagang matagal po ang turnaround time natin ngayon sa pagti-test. Unang-unang rason po diyan is sa dami po talaga ‘no ng ating mga kababayan na nagpapa-test dahil po maraming nagpupositibo at marami pong nagiging close contact iyong ating mga kababayang nagpupositibo.

At ang pinakamabigat dito, Usec. Rocky, kaya humihingi po tayo ng pasensiya sa ating mga kababayan, marami po sa ating mga technician, mga medtech, mga laboratory technician ay nagpupositibo rin po at sila ay kinakailangang mag-isolate at hindi po sila nakakapag-report sa trabaho. Iyon po talaga ang pinakamabigat na hamon natin ngayon, iyong nagkakasakit ang ating mga technician sa ating mga lab dahil alam ninyo naman po ang PCR, iyan po ay hindi iyan automated test; iyan po ay kinakailangan po ng madaming mga technicians sa ating mga laboratoryo. Pero ang masama po ngayon ay marami sa kanila ay nagkakasakit tulad na rin po sa mga nurses at doktor natin na nagkakasakit ngayon sa iba’t ibang mga ospital natin.

Kaya nga po ang ginawa po ng IATF ngayon, ang pinakamabilis na aming pagresponde dito ay pinapaigsi po natin ang kanilang quarantine at isolation period. Dati po sampung araw, at pitong araw; ngayon po kung ikaw ay positibo at ikaw ay bakunado at wala namang sintomas, limang araw lang, pagkatapos ng limang araw ay ikaw ay makakabalik na sa trabaho. Malaking bagay po iyan para sa ating mga laboratoryo para maiikot po natin ang ating mga technician, mga medtech na nagkakasakit at iyon pong mga hindi pa, awa ng Diyos, tinatamaan ng COVID-19.

Ngayon, para naman po doon sa mga nagiging close contact, hindi na po kailangang mag-isolate kung walang sintomas na nararamdaman. So iyon po ‘no, ayun po talaga ang malaking hamon natin ngayon. Pinipilit po nating mag-activate pa ng ibang mga swabber, ibang mga laboratory technician para po mapabilis natin ang ating mga testing results. At ginagawa rin po natin ngayon sa mga areas tulad ng NCR na napakadami ng dagsa ng napapa-test ay iyon pong ibang mga samples ay ipinapadala natin sa ibang mga lugar na hindi naman ganoon pa kadami ang nagpapa-test para po mapabilis natin ang turnaround time.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, clarification lang, iyong sa sinabi mong nagpositibo after five days ay pupuwede na, kung wala namang sintomas ay pupuwede nang lumabas. Kailangan pa rin po ba after five days—

SEC. DIZON: At bakunado.

USEC. IGNACIO:—magpa-test pa rin po?

SEC. DIZON: Hindi na po. Basta wala na pong sintomas at bakunado, puwede na pong bumalik sa trabaho. Pero siyempre, kailangan talagang sundin nang istrikto ang minimum public health standards, iyong pagsusuot ng mask at lahat ng mga precaution natin para siguradong walang hawaan ‘no. So tuluy-tuloy lang iyan, ito ay base na rin sa ginagawa sa Amerika. Naglabas ang Centers for Disease Control ng ganitong protocol, at iyon ang sinusunod na rin natin ngayon.

Ano ito, kailangan flexible tayo, Usec. Rocky, at kailangan talagang maging mas responsive tayo dito sa nangyayari ngayon dahil, ika nga, nasa giyera pa rin tayo at nauubusan tayo ng sundalong mabilis ‘no kaya kailangan mabilis tayong nagriresponde.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, paano po raw kaya iyong resulta naman ng mga nagbabalik-bansa at naghihintay ngayon sa mga quarantine facilities?

SEC. DIZON: Iyon po, pinipilit po natin. Ngayon po nakikita natin ang turnaround time anywhere between 48 hours hanggang mga tatlong araw ‘no. Pero pinipilit nating ibaba iyon kagaya na nga ng sinabi ko, immediately nagdesisyon ang IATF na paikliin ang quarantine at isolation periods para makabalik kaagad sa trabaho iyong mga nagpupositibo at iyong mga naging close contact ng positibo ay hindi na kailangang mag-isolate.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano naman iyong masasabi ninyo kasi may mga grupo talagang nagtutulak ng mass testing daw po sa gitna ng exponential growth ng COVID-19 cases dito sa Pilipinas? Isa rin pong mambabatas din kasi iyong nagsabi o pumuna sa aniya’y kawalan ng pondo ng pamahalaan sa 2022 national budget para po sa libreng mass testing. Pero ang pagkakaalam ko, Secretary, ever since ang government ay nandoon tayo sa kapag may sintomas lang; hindi tayo nagma-mass testing.

SEC. DIZON: Opo. Kagaya na po ng sinasabi ng ating mga eksperto, katulad nina Dr. Edsel Salvaña at sinabi na rin ng ating Department of Health, never po naging polisiya ng gobyerno ang free mass testing, ibig sabihin, magti-test tayo nang malawakan. Kailangan po talaga risk-based ang ating testing lalo na po ngayon dito sa Omicron variant na napakabilis at napakalawak ng paghahawa.

Unang-una pong rason diyan ay ang resources ‘no. Iko-compute na lang natin, halimbawa Usec. Rocky, assuming na ngayon nagti-test tayo mga 80 – 85,000 a day, assuming itaas natin to 100,000 a day, hundred thousand a day times 2,000 na lang iyong ating current cap at average ng test ng PCR, two hundred million po iyon kada araw. Kada araw po two hundred million; sa loob lamang po ng sampung araw, two billion na po iyon.

So, talaga pong unsustainable at talagang hindi po nararapat dahil kagaya po ng sinabi ni Usec. Vergeire at ni Dr. Salvaña, mag-test ka ngayon, ma-expose ka bukas, puwedeng magka-COVID ka na. Kaya kailangan po talaga risk-based ang ating testing. Unang-una, para magamit natin nang tama ang resources at dahil nga sa nature ng test na kapag tinest ka ngayon, puwede kang magkaroon bukas kung hindi ka mag-iingat at hindi naman talaga 100% ‘no – walang test, kahit ang PCR – 100% nadi-detect at that point in time ang COVID-19.

Talaga pong impractical at hindi po nararapat na sundin iyong mga recommendation na iyon. With all due respect po sa ating mga mambabatas who I know mean well, ang puso po nila gusto lang naman po nilang makatulong, pero kailangan po nating sundin ang advice ng ating mga eksperto at ang advice po nila kailangan po risk-based ang ating iti-test. Iyong uunahin nating i-prioritize iyong mga seniors, iyong mga may sakit at iyong mga may sintomas.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, itong targeted at sinasabi nating risk-based testing kaysa po sa mass testing, ito po ba ay sapat para matukoy natin iyong sinasabi natin kung gaano talaga kalaganap itong COVID-19 cases dito sa Pilipinas?

SEC. DIZON: Alam ninyo po, napakaganda po ng sinabi ng ating mga eksperto, nila Doc Edsel Salvaña na kung tayo po ay may sintomas, huwag na natin pong hintayin na tayo ay magpa-test o lumabas ang resulta ng ating test. Kapag tayo po ay may sintomas, may sipon, may ubo, may pangangati ng ating lalamunan, tayo po ay manatili na lamang po sa bahay, mag-isolate po tayo, i-minimize po natin ang ating contact, huwag na po tayong lalabas ng bahay, kung puwede po may sarili tayong kuwarto, magkulong na lang po muna tayo sa kuwarto at tayo po ay magpagaling. Kapag tayo po ay wala ng sintomas, puwede na po tayo after a few days, ten days, seven to ten days, puwede na po tayong lumabas basta wala na po tayong sintomas.

Sa dami po ng nagkakasakit ngayon, sa dami po ng nagkakasintomas, iyon po ang pinaka-epektibo nating lahat na puwedeng gawin. Sa dami po ng ating mga nagpapa-test at nagkasakit ngayon, iyon po ang biggest contribution po natin ngayon bilang Pilipino. Kapag tayo po ay may sintomas huwag na po tayong lumabas ng bahay. Kung pupuwede po huwag na po tayong lumabas ng ating kuwarto muna at magpahinga na po tayo muna at magpagaling.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyong ibang bansa daw po, partikular itong Estados Unidos at Australia ay nakaranas din ng kaunting backlog sa COVID-19 testing.

SEC. DIZON: Ganoon din po ang nangyari sa kanila.

USEC. IGNACIO:  Sa ngayon po, kumusta iyong supply natin ng mga testing kits? Hindi po ba magkakaroon ng shortage nito sa mga susunod na araw?

SEC. DIZON: Sa aking pagkakaalam po, ayon sa DOH, mayroon pa po tayong supply, awa ng Diyos. Awa ng Diyos mayroon pa po tayong supply at tuluy-tuloy po ang ating pag-order.

Pero nasabi ninyo po ang Estados Unidos at Europa, kung ano po ang nararanasan natin, iyon din po ang nararanasan nila kahit na sila po ay mas maraming laboratoryo, mas maraming testing facilities, ‘di hamak na mas maraming mga personnel para sa testing, ganoon din po ang nararanasan nila dahil nga po sa grabe ng pagkalat at bilis ng pagkalat ng Omicron variant.

Kaya po talaga, hinihiling na lang po natin sa ating mga kababayan na kung mayroon po tayong sintomas, sana po sundin po natin ang advice ng ating mga doktor, ang advice ng ating mga eksperto. Huwag na po nating hintayin na magpa-test o mag-test tayo. Kapag may sintomas po tayo, sa bahay na lang po tayo, mag-isolate na lang po tayo at magpagaling po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon lang pahabol na tanong si Tricia Terada para hindi na po tayo lumayo doon sa topic ninyo kanina, doon sa isolation. Ang sabi po niya: Iyong no isolation required for fully vaxxed close contact na walang symptoms, for health workers lang po ba or does it apply to all?

SEC. DIZON: Sa ngayon po, for health care workers lang po. Pero pinag-aaralan na rin po ng ating mga eksperto ang ginagawa sa ibang bansa tulad ng Amerika at Europa na nagpapaiksi ng isolation lalo na para sa mga bakunado na. Pinag-aaralan po natin iyan at hopefully po magkakaroon tayo ng mga pagbabago sa ating mga polisiya sa mga susunod na linggo. Pero sa ngayon po health care workers lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano daw po iyong reaksiyon ninyo sa ulat na overpricing naman ng RT-PCR test ng ilang laboratoryo sa gitna po ng mataas na demand nito?

SEC. DIZON: Naku, hindi po pupuwede iyan. Mayroon po tayong price cap by virtue of an Executive Order at hindi tayo puwedeng lumampas po diyan ‘no. Hindi po tayo puwedeng lumampas sa kasalukuyang price cap na sa aking pagkakaalam ay 2,500.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, pabor kayo na i-reassess ng government iyong presyo nito at magtakda uli ng bagong cap kung kinakailangan? May ganito na po bang pag-uusap ngayon?

SEC. DIZON: Pinag-aaralan po iyan ngayon, pero kailangan intindihin din po natin mayroon din pong cost ang ating mga laboratoryo na kailangan nating balansehin ‘no. Hindi po madali ang PCR test. Mayroon po iyang kailangan na personnel requirement, mga MedTech, mga swabber, mayroon pong kailangan iyang mga supplies, may mga kailangang makina iyan.

So, kailangan pong balansehin natin iyan kasi hindi naman po pupuwedeng malugi naman po ang mga laboratory. Pero definitely po hindi pupuwedeng mag-charge nang mas mataas sa nakatakdang price cap. Puwera na lang po iyong mga humihingi ng siguradong lalabas ang resulta sa loob ng pitong oras o 12 oras, iyon po. So, siyempre mas mataas po iyon sa nakatakdang price cap.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta naman daw po iyong mga mega-swabbing facilities natin dito sa Pilipinas? Kailan po inaasahang bubuksan? Nabanggit na ninyo dati sa akin pa itong Amoranto testing Facility, Secretary?

SEC. DIZON: Opo. Nakabukas naman po iyan, tuluy-tuloy naman iyang mga iyan ‘no. Magdadagdag pa po tayo dahil nga po ano talaga, napakabigat po nitong hamon natin pero kailangan balansehin po ng gobyerno iyong kaniyang limitadong mga pondo at resources ‘no, at sa ngayon po iyon ang ginagawa natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon tanong lang po si Cresilyn Catarong ng SMNI News: Pabor po ba kayo sa mungkahing itaas sa Alert Level 4 ang COVID high risk areas? Sa tingin ninyo po malaki ang tsansa na ipatupad ito after January 15 partikular po sa NCR at sa mga karatig lalawigan? If yes daw po, anu-ano iyong mga nakikita ninyong basehan para ipatupad ito?

SEC. DIZON: Alam ninyo, napakaklaro naman po ng guidelines ng IATF sa mga alert level. Mayroon po tayong mga sukatan na sinusunod at ang pinaka-importante pong sukatan diyan ay ang healthcare capacity.

Sa ngayon po, sa aking pagkakaalam, nasa roughly 50% pa po ang ating ICU at healthcare capacity sa NCR. Kaya po babantayan po natin iyan, tuloy-tuloy po ang pagmanman natin pero tingin ko po kailangan babalansehin natin lagi,

Napakabigat po nito ‘no, hindi po madali ang pagbabalanse ng mga alert levels natin, kaya po dapat titingnan na lang po natin lagi ang ating mga batayan kasama po diyan ang pinaka-importante, iyong ating healthcare capacity. At sa ngayon po sa aking pagkakaalam, eh wala pa po tayo doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Nakipag-meeting po daw sina Secretary Galvez noong December 31 sa mga opisyal sa Pampanga at Bulacan para paghandaan ang pagtaas ng kaso at kasama raw po sa pag-uusapan iyong pagko-convert ng resorts at hotel doon bilang quarantine facility. May update na po ba daw dito?

SEC. DIZON: Totoo po iyan. Kasama po ako sa meeting na iyon noong December 31 at nakipag-meeting na rin kami sa Region IV-A noong nakaraang Lunes noong January 3.

Pareho po ang sinabi namin, lahat po ay ina-activate na. In fact, nagdagdag na po ng hotels through Oplan Kalinga. Sa aking pagkakaalam, may idinagdag na 12 hotels nitong nakaraang weekend para po madagdagan ang ating mga isolation facilities pati sa NCR, sa Region III at sa Region IV-A.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Joseph Morong ng GMA News: Are we worse off this round compared to the first surge in 2020?

SEC. DIZON: Tingin ko po sa dami ng kaso, mukhang—siyempre nakakagulat ‘no, 26,000/ 28,000. Pero ang ating pinakaimportanteng mayroon tayo ngayon na wala tayo noong 2020 at kahit noong first part ng 2021 ay ang bakuna. Ang bakuna po ang sumasalba sa atin ngayon. Kaya kung mapapansin po natin kahit na marami pong mga kaso, hindi pa po napupuno ang mga ospital, ang mga ICU dahil po marami sa ating mga nagkakasakit ay mild lamang at marami din ay asymptomatic – at iyan po ay dala ng bakuna.

And it is proof that vaccines work, iyon po ang pinakaimportante kaya po hindi po dapat mawala ang ating focus – kailangan po tuluy-tuloy tayo sa ating pagbabakuna lalung-lalo na doon sa mga area na marami pang—ni isang dose wala pa at ipa-prioritize din po natin iyong mga 3 months and above na nangangailangan na ng booster lalo na sa NCR, sa Region III, sa Region IV-A at sa iba’t iba pang mga malalaking siyudad tulad ng Cebu, Davao, Baguio, Iloilo, Bacolod at iba’t iba pang mga lugar na mataas ang risk para kumalat nang mabilis ang Omicron dahil nga ito’y mga area na napakadikit-dikit ng ating mga kababayan, densely populated pero awa ng Diyos marami sa kanila ay above 70% na ay bakunado.

Kailangan po tuluy-tuloy tayo dito kaya para sa akin, Joseph, ang sagot ko – we are better off now because of the vaccines.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Joseph Morong ng GMA News: If we know how many health care workers daw po are infected and what is the effect of it on hospital operations? How do we protect daw po our health care workers?

SEC. DIZON: Wala po akong numero. Pasensiya na, Joseph, wala akong numero. Aalamin natin sa DOH ang numero at sa ating mga private sector partners. Pero kagaya ng sinabi ko, dahil nga ang ating mga health care workers ay bakunado na at boosted na, marami sa kanila ay mild at asymptomatic – iyon po ang sinasabi ng ating mga hospital chiefs. Kaya po ngayon nag-a-adjust tayo ‘no, nasa giyera po tayo ngayon… kailangan natin ng sundalo at ang unang-unang sundalo natin sa giyerang ‘to – ang ating mga mahal na health care workers. Kaya po mabilis umaksiyon ang IATF at ang DOH doon sa mungkahi ng ating mga ospital na iksian ang quarantine at isolation para sa nagpupositibo at para sa close contact na hindi na kailangan mag-isolate kung wala namang sintomas.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilang doses daw po ng Pfizer COVID-19 vaccines para po sa 5 to 11 years old age group ang bibilhin ng government? Magkano po kaya ang nasabing doses at kailan po kaya ito expected ma-deliver?

SEC. DIZON: Hinihintay po natin ang detalye noong final na darating. Pero sa aking pagkakaalam sinabi ni Sec.  Galvez, ang unang batch po ayon sa pag-uusap nila ng Pfizer ay darating sa end of January/early February. Hintayin na lang po natin ang announcement ni Secretary Galvez tungkol sa detalye.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Red Mendoza ng Manila Times: Is the Philippine losing track of the pandemic dahil sa taas ng mga kaso right now?

SEC. DIZON: Alam mo, nakikita natin tumataas ang kaso. Pero gaya ng sinabi ko kanina, ang silver lining talaga natin dito ay marami nang nabakunahan. At dahil marami nang nabakunahan, marami po—higit na nakararami sa mga nagkakasakit ng COVID-19, nitong bagong variant na ito ay mild at asymptomatic. At ang pruweba po niyan ay hindi po ganoon kabilis ang pagpuno ng ating mga ospital. Kung maaalala natin, Usec. Rocky at sa ating mga tagapakinig, noong ating Delta variant… noong ganito at nilampasan na natin ang number of cases noong ating Delta surge noong August at September last year, halos 100% o talagang sumasabog na ating health care system – ngayon po hindi pa gaano at iyon po ay pruweba na ang ating mga bakuna ay epektibo laban sa COVID-19.

Kaya po hinihikayat po natin ang ating mga kababayan lalo na iyong mga hindi pa nababakunahan, sana po mabakunahan na po kayo. Kayo po talaga ang tatamaan nang malubha nitong Omicron variant at nitong COVID-19 kaya sana po makita ninyo po na napakaimportante po, makita ninyo po ‘yung effectiveness ng mga bakuna lalung-lalo na ‘yung mga nagkakasakit sa ating mga kababayan ngayon ng COVID, kapag sila’y bakunado, mild at asymptomatic lang po ang kanilang nararamdaman.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po, Secretary. May datos po ba tayo ng mga unvaccinated pa at ano po ‘yung masasabi ninyo na bigyan sila ng incentive, hikayatin ng government ang mga ito para po makapagbakuna na?

SEC. DIZON: Marami na po tayong binibigay na incentive sa kanila ‘no kagaya noong mga binibigay na incentive ng mga LGUs natin, iyong mga binibigay ng national government – nagpa-raffle pa nga tayo noong Kapaskuhan.

Pero alam ninyo, Usec. Rocky ‘no, kailangan talaga personal na desisyon po ito eh ng ating mga kababayan ‘no. Kailangan po—nandito na ang bakuna, nandiyan po ang mga vaccination centers, nandiyan po ang ginagawa ng ating DOH, ng ating mga LGUs… sana po magdesisyon na po tayo. Kailangan po nating magpabakuna hindi lamang para sa ating sarili at para sa ating mga pamilya kundi para sa buong komunidad natin ‘no.

Nakikita natin na kapag ang hindi bakunado ay nagkaroon ng COVID, siya ay malamang malubha ang magiging kalagayan, siya ay mabilis na makakahawa sa kaniyang kapwa at dahil po malubha ang kaniyang magiging karamdaman, malamang po siya ay mauospital at siya po maa-ICU at madadala sa talagang malubhang kalagayan. Kaya po sana po ‘no i-exercise po natin ang personal responsibility natin bilang Pilipino at magpabakuna na po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyong dagdag paalala na lang po ulit sa ating mga kababayan sa gitna pa rin ng sitwasyon natin ngayon sa COVID-19. Ang government po ba ay may plano pa ring magpatupad ng national vaccination sa ikatlong pagkakataon?

SEC. DIZON: Tuluy-tuloy po. Pinaplano lang po natin ngayon, hindi lang po natin masyado pang magawa ngayon dahil nga po marami sa ating mga vaccinators ay nagkakasakit pero po pinaplano po ‘yan at tuluy-tuloy po ang pagbabakuna ng ating mga LGUs. At sa mga susunod na araw po mayroon po kaming mga ia-announce na mga bagong mga puwede nating gawin para lalo pa nating ma-expand ang ating mga pagbabakuna sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon at mag-ingat po kayo, National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon. Secretary, salamat po.

SEC. DIZON: Maraming salamat po at mag-ingat po ang ating mga kababayan. At huwag po nating kakalimutan, magpabakuna na po tayo. Kung tayo po ay may sintomas, huwag tayong lumabas ng bahay at magpagaling tayo at kapag tayo’y lalabas, lagi tayong susunod sa minimum public health protocols. Magsuot lagi ng mask maghugas ng kamay at iiwas na lang po muna tayo sa mga matataong lugar.

Maraming salamat po, Usec. Rocky. God bless po.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, muling tumaas ang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas. Base sa report ng Department of Health kahapon, 28,707 new cases ang nadagdag sa mga ‘yan – all-time high ngayong taon. Sa kabuuan mayroon na tayong 2,965,447 total cases; 2,785,183 naman ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit na kahapon po ay nadagdagan din ng 2,579, Habang 52,150 naman po ang lahat ng mga nasawi na kahapon ay nadagdagan po ng labinlima. Sa kasalukuyan, umabot na sa 128,114 ang active cases sa Pilipinas o katumbas ng 4.3% ng total cases.

Samantala, hanggang ngayon po ay hirap pa rin umano ang ilan sa ating mga kababayan na makabili ng ilang over-the-counter medicines sa mga botika. Iyan po ang iba pang usapin na ating tatalakayin kasama po ang Chief ng Consumer Protection Group mula po sa Department of Trade and Industry, Assistant Secretary Ann Claire Cabochan. Good morning, Asec.

Good morning, Asec. Can you hear me?

DTI ASEC. CABOCHAN: [Garbled] Usec. Rocky. [garbled] at nakikinig sa atin.

USEC. IGNACIO: Babalikan muna natin si ASec, kung naririnig tayo, ASec? Balikan po natin si ASec. Cabochan maya-maya lamang. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

(COMMERCIAL BREAK)

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Babalikan na po natin si ASec. Ann Claire Cabochan, ang chief ng Consumer Protection Group mula po sa Department of Trade and Industry. Good morning, ASec.

DTI ASEC. CABOCHAN: Good morning, Usec. Rocky at good morning sa lahat ng nakikinig at nanunood.

USEC. IGNACIO: Ano ang reaksiyon ninyo dito sa umano ay RT-PCR testing ng mga laboratoryo na nag-overpricing diumano? Ano po ang magiging aksiyon ng DTI ukol dito?

DTI ASEC. CABOCHAN: Usec. Rocky, actually doon sa mga nakukuha nating report na overpricing, pareho kami ng posisyon ng Department of Health, iyong mga may overpricing iyong mga text kits na iyan ay covered na siya ng earlier issuance, noong August 2021 na may price cap iyong mga antigen test ay dapat at talagang puwede silang hulihin. Doon sa mga self-test kits na alam ko ding naging very in-demand as of this time, of course that has not even been given the proper certification from the Food and Drug Administration to be sold here in the Philippines, kaya hindi siya dapat talaga binibenta at puwede nating habulin iyong mga nagbebenta niyan online for as long that it has not been certified as legitimate to be sold in the Philippines.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec, paano naman daw po iyong mga self-test antigen kits na nabibili online, pero as per Department of Health, hindi pa rehistrado sa FDA. Ito po ba ay iniimbestigahan na rin ng DTI?

DTI ASEC. CABOCHAN: Kasama namin iyong DOH po dito, tinitingnan namin. Actually, mayroon kaming lupon diyan that is working closely talaga iyong DOH and DTI at tinitingnan namin pati iyong mga online seller, kasi bawal po iyan. For as long as it had not been authorized to be sold in the Philippines, it should not be sold whether in physical stores or in online store.

USEC. IGNACIO: ASec, isunod ko lang po iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Has DTI received any reports about stores selling overpriced testing kits? Ano daw po iyong reasons for overpricing? How much is the added price and where are these stores located? What has DTI done in response? Are you eyeing to establish an SRP?

DTI ASEC. CABOCHAN: First, we have to make a distinction, USec. Rocky.  Iyong self-test kits, because they are not yet registered, they are not yet certified by the FDA as a product that can be sold in our market, wala po iyang SRP. Pinag-aaralan po iyan and I know that the FDA fast tracking any applications for certificate of product registration to be issued. So, wala   po iyang SRP, iyong mga self-test kits at this time, kasi wala pa naman talaga silang registration from FDA. Doon po sa dati, iyong mga dating RT-PCR, whether it’s gene-based or the antigen test that were conducted by laboratories and hospitals noong August 2021 ay mayroon na po talagang SRP iyan. So kapag lumabag sila sa SRP under a DOH issuance, pupuwede po silang ipi-penalized.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec, hanggang ngayon daw po ay may mga pharmacy pa rin na wala pang supply ng paracetamol at iba pang over-the-counter medicine. Ano na daw po iyong update dito?

DTI ASEC. CABOCHAN: Ang update po namin diyan, at katulad na rin po ng sinasabi ni DTI Secretary Ramon Lopez noong briefing na iyong Talk to the People ni Pangulong Duterte, it is actually a problem of stockout; hindi po siya supply problem. Nagkaroon lang talaga po ng overwhelming demand. But last week, we have already received reports because we were working very closely with the manufacturers of these products, as well the drugstore, iyong association of drugstore. And noong January 5 ay nagsimula na na mag-replenish ng inventory iyong ating mga major drugstores. So we are anticipating na over the weekend ay magno-normalize na iyong situation kasi makakarating na ng distribution channels, iyong mga major drugstores po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ulitin ko lang, dahil nga sa overwhelming demand sa mga ito, maganda naman po ba iyong koordinasyon ninyo sa manufacturing companies? At sila po ba ay magdadagdag na ng production?

DTI ASEC. CABOCHAN: Maganda po iyong koordinasyon ng DTI with the manufacturers and, of course, maganda iyong koordinasyon ng DTI with DOH. We’re working very closely with them on this issue.

On the part of the manufacturers, because we maintain that it is not a supply issue, in fact, one of our local manufacturers has the capacity to produce almost 60 million tablets a month. Kaya po alam natin na nagkakaroon lang ng po iyon ng temporary stockout dahil naman po iyong demand ay medyo mataas talaga towards the end of December.

So now that the replenishment has been made and there is more than enough supply, we can say that the manufacturers will continue to produce as they have in the past.

USEC. IGNACIO: Opo. May mga nahuli raw po ba kayo na gumagawa o nagbibenta naman ng pekeng gamot, Asec.?

DTI ASEC. CABOCHAN: On pekeng gamot, of course, ang DOH po iyong regulator po natin ng pekeng gamot. But kami, even during the pandemic, we have been working also with them together with law enforcement agencies. Dati po nakakahuli kami ng mga nagbibenta ng mga medical supplies and essential products including iyong mga alcohol, iyong mga mask, iyong mga ganoon; pero on the medicines, DTI, as of this time, wala po kaming nahuhuli.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano raw po iyong parusa na posibleng harapin naman ng mahuhuling gumagawa o nagbibenta po ng mga ganito?

DTI ASEC. CABOCHAN: Alam mo, mayroon po tayong batas na law against counterfeit drugs. Actually, iyong batas na iyon kapag nagma-manufacture ka ng pekeng gamot kasi counterfeit nga po ay may kaparusahan po iyan. If you’re found guilty ay talaga pong life imprisonment iyan and I think there’s a fine of five million. Although, of course, dadaan po iyan sa proseso, it is supposed to go through court and if you are found guilty, iyan na po ang mangyayari if a death was attributed to the counterfeit drug.

Pero iyong sa FDA naman na law nila, mayroon din naman silang provisions doon to run after those who sell drugs that are not certified.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., may tanong lang po si Jayson Rubico ng SMNI News: Kung isasailalim po ang Metro Manila sa Alert Level 4, makakaapekto po ba ito sa mga negosyo at ekonomiya at ilang individual po ang mawawalan ng trabaho sakaling ipatupad ang Alert Level 4 sa National Capital Region?

DTI ASEC. CABOCHAN: Actually, kung—siyempre iyong DTI talagang sinisikap namin iyong opening of the economy although on a very calibrated scale kasi alam naman natin iyong stress ng virus na ito. So kapag magla-lockdown po tayo uli, kung magkakaroon na naman tayo ng mga further restrictions, alam naman po natin na iyong capacity, iyong operational capacity ng ating mga negosyo pati naman iyong ating mga opisina ay bababa. So magkakaroon po talaga iyan ng epekto especially doon sa mga daily wage na kung hindi sila papasok ay hindi nanaman po sila masusuwelduhan. But I’m sorry, but I cannot give you a figure of how many as of this time and how much it is going to be worth.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., may tanong ulit sa Sam Medenilla ng Business Mirror: DTI raw po recently issued a show-cause orders and letters of inquiry to 69 retailers in typhoon-affected region found to be selling overpriced goods despite the price freeze. Ano raw po ang update dito?

DTI ASEC. CABOCHAN: Well, because they have show-cause orders, then they are, of course, required to respond to all those show-cause orders. So the regional operations group is taking charge of this, and they have to explain why they sold these products above SRPs. If they are found to be guilty, siyempre kapag naka-ano ka ng above the price freeze ay mayroon po iyang kaparusahan under the Price Act po.  So kapag [unclear] it’s between one year to ten years of imprisonment or five thousand to one million fine or both.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Assistant Secretary Ann Claire Cabochan ng DTI. Mabuhay po kayo, Asec!

DTI ASEC. CABOCHAN: Thank you very much, Usec. Rocky. Marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Pangkalahatan pong naging mapayapa ang pagdaraos ng Kapistahan ng Itim na Nazareno kahapon. Ayon sa tagapagsalita ng Manila Police District na si Police Major Philipp Ines, naging matagumpay ang inilatag na seguridad sa tulong na rin po ng ipinatupad na road closure sa paligid ng Quiapo Church. Dagdag pa ng opisyal, may ilang deboto pa rin ang nagtungo sa lugar pero naharang din at napakiusapan. Malaking tulong din aniya ang paggamit ng mga CCTV para mabilis na makita kung may mga taong nagkukumpulan sa isang lugar.

Matatandaang kinansela ang Traslacion o ang prosesyon ng Imahe ng Itim na Nazareno at online mass na lamang ang isinasagawa ng Quiapo Church bilang pag-iingat lalo’t patuloy po ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Bukod po sa COVID-19 testing, naka-focus din po ang pamahalaan sa pagpapaigting pa ng bakunahan dito sa Pilipinas kaya naman po makibalita tayo tungkol diyan mula po kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa. Good morning po, Dok. Welcome back po sa Laging Handa.

DR. HERBOSA: Good morning, Usec. Rocky. At good morning sa lahat ng mga nanunood at sumusubaybay. Salamat for having me again at Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ilan po ba iyong mga bagong dating na bakuna sa bansa as of kahapon? At ilan po iyong aasahan na mga darating pa sa mga susunod na araw?

DR. HERBOSA: Well, kahapon ay may dumating na two million doses ng Pfizer, at a week ago ay mayroong another Moderna na dumating. So tuluy-tuloy ang pagdating ‘no. Over 212 million na ang bakunang dumating sa Pilipinas at over a hundred ten million na ang naibakuna natin. Ang numero natin ngayon ay mga 51 million Filipinos na ang fully vaccinated, 2.8 po ay mayroon nang booster. Pero mayroon tayong 57 million na one dose pa lang ang natatanggap, at kapag iyan ay sinubtract natin doon sa numero ng ating total na populasyon, iyong 110, fully vaccinated 51 so may 60 million pa tayong Pilipino na hindi vaccinated.

Ngayon, ang mabuting panlaban natin sa Omicron ay mabakunahan lahat iyong mga hindi pa nababakunahan na puwedeng bakunahan.

Nakita namin dito sa ospital, sa PGH, iyong mga healthcare workers na 95% vaccinated ano, mild lang po ang nagiging symptoms nila at hindi na sila naku-confine lalo’t hindi na rin sila naa-ICU. In fact, ginawan ng pag-aaral ng DOH iyan, at na-report ni Usec. Bong Vega na last year, 85% ng mga unvaccinated ang na-confine; napakataas ang numerong ng naku-confine.

So tuluy-tuloy, iyan pa rin po iyong numero na nakikita namin ngayon dito sa ating ospital. At inaanyayahan namin lahat ng mga lokal na pamahalaan sa labas ng NCR na pabilisin talaga iyong pagbigay ng booster, ng second dose at ng first dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ngayong kumpleto na po iyong mga binili nating bakuna since last year, magkakaroon ba ulit ng bagong procurement sa taong ito?

DR. HERBOSA: Napakaganda niyang tanong na iyan ano. Mayroon pa rin tayong in-allot na budget sa 2022, is really for the booster, for about another batch of doses. So parang dati 140 million doses ang binili natin so mga 70 million allotted. In fact, mayroon na tayong in-order na pediatric, iyong para sa 5 to 11 years old, na-order na natin iyon at ang alam ko ay dadating iyon ng middle of January. At kapag iyon ay dumating, makakapag-umpisa tayong magbakuna ng ating mga bata edad singko/lima hanggang 11. So tuluy-tuloy ang pagbabakuna ng teenagers at hopefully magkaroon na rin tayo ng bakuna available sa ating mga maliliit na bata. Ito ay hinihintay ng maraming mga magulang para maprotektahan din iyong ating mga kabataan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sa palagay ninyo ay dapat na ring buksan para sa private sector itong direct vaccine procurement na hindi na daw po dadaan sa tripartite agreement as suggested by House Speaker Velasco?

DR. HERBOSA: Complicated iyan ano, Usec. Rocky. Paliwanag ko na all the vaccines are still under EUA – Emergency Use Authorization. So ang puwede lang bumili ay ang pamahalaan na kaparte ng programa nito ng vaccination program – National Vaccine Deployment Program. Pinayagan ang private sector dati through a tripartite agreement. Mahirap ‘no, maraming issues doon sa ganiyang pamamaraan kasi ang isa sa mga agreement doon ay susunod sila sa mga polisiya ng government at priority ng babakunahan, at nakita naman natin na mahirap ma-monitor.

So ako, if you ask me, ang ginagawa naming public-private partnership na plano ngayon ay nakikipag-usap kami sa mga pharmacy at drug store na pribado para makapagbigay din sila ng bakuna. So ito ang plano ng National Task Force para dumami iyong vaccination sites at mabilis na mabakunahan iyong dapat bakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ngayong magsisimula na rin sa February – tama po ba ito – iyong pagbabakuna sa mga edad lima pataas? Ano daw po iyong target na jab rate natin by first quarter of 2022?

DR. HERBOSA: Alam mo ang gusto nating rate ay mga 1 million a day ‘no – 1 to 1.5 million a day. Unfortunately, dahil sa ating surge ng COVID cases, some of our doctors at nurses na nasa vaccination site ay nari-recall doon sa mga COVID care areas, COVID wards. Ganoon din, may mga vaccinators tayo – nurses and doctors – na nai-infect so nagku-quarantine sila ng ilang araw bago sila makabalik so bumabagal iyong ating vaccination rate.

Ang ibang LGU, kaninang umaga ka-meeting ko ang Batangas at sila ay nagplano na lang na gamitin iyong kanilang vaccination bus na umiikot kasi nga nagsasara iyong ibang vaccination center dahil walang pumapasok; kulang ng personnel to do the fast vaccinations.

Ganoon din kami dito sa PGH. In fact, sa PGH hininto muna namin iyong pagbabakuna ng booster doses sapagkat kulang na kami ng doktor at nurse na mag-a-admit lang doon sa COVID areas.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman daw po ‘yung hakbang na gagawin ng NTF sa naging recommendation ng IATF Sub-Technical Group on Data Analytic na kailangan na umanong magdagdag ng bed capacity sa NCR Plus area?

DR. HERBOSA: Napakaganda iyan ano, kasi iyong healthcare utilization rate, parang huli, huli ‘yung report na pumapasok sa atin Department of Health. Para maintindihan ninyo, 250 na ang pasyente namin dito sa PGH; 100% na iyong aming COVID ward. In fact, ang gagawin namin, mag-o-open kami ng dalawa pang ward na 35 beds each para matapatan namin iyong nangyari noong Delta.

Pangalawa iyong ER, 52 patients na positive COVID ang nandudoon. So hindi talaga nari-reflect noong healthcare utilization rate iyong totoong nangyayari sa ating mga ospital. May pila na ‘no, nagkakapila na rin sa ating mga emergency room sapagkat the hospitals need to expand. Tapos sabay din na tinatamaan iyong mga doctor at nurses.

At alam mo naman, Usec. Rocky, naglabas ang DOH ng amended policy on quarantine ‘no – kapag ikaw ay na-expose at negative naman ang PCR mo, puwede kang tumuloy sa work at wala kang symptom, puwede kang tumuloy sa work in the hospital para tuluy-tuloy ang services kasi kung hindi, nasasara iyong ibang services namin. So very important iyong pag-modify noong quarantine sa ating health care workers.

Sa ating ordinaryong tao, tuloy pa rin iyong 10 days at 14 days sa fully vaccinated at sa unvaccinated. Pero sa health care workers, kapag wala kang symptom pinapapasok pero naka-N95 mask at binabantayan din.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Cresilyn Catarong ng SMNI News: Ano po ang napag-usapan ng NTF kaugnay sa alert level status ng bansa? Kung malaki daw po iyong posibilidad na itaas sa Alert Level 4 ang high risk areas? Dagdag po niyang tanong: Bukod daw po kasi sa NCR at mga karatig lalawigan nito, may possibility rin daw po ba na taasan din iyong alert level sa iba pang major cities sa bahagi ng Visayas at Mindanao?

DR. HERBOSA: Possible iyan. Ang maganda naman noong dineklara dito sa NCR, ang alert level, nakita ko na sumunod iyong ating mga kababayan – kumaunti talaga ang tao sa labas ‘no. Number two, mayroong mga LGU na nag-implementa ng localized lockdown. In fact, may mga nag-iimplementa ngayon ng mga household lockdown, may mga bahay-bahay kasi mga tatlo, apat, lima sa kanilang household positive na. So ang ginagawa na lang nila, kaysa maghanap ng isolation facility ay nila-lockdown na iyong buong bahay. Ito ang isang pamamaraan para hindi masyadong mahirapan ang pamahalaan, iyong tinatawag na home quarantine or lockdown.

In fact, ang DOH naglabas na rin ng mga manual home quarantine para sa mga bata para hindi na rin ilalabas ng bahay at masusunod ng ating mga mamamayan iyong correct way to quarantine at home kung ikaw ay nag-positive, kung anak mo ay nag-positive or marami sa miyembro ng pamilya ninyo nag-positive. So isang paraan ito para hindi masyadong mahirapan ang ating mga LGU na mag-setup nang mas marami pa. Iyong talagang hindi makakapag-home quarantine, iyon ngayon ang dadalhin natin sa isolation facility; at iyon namang moderate to severe, iyon ang dadalhin natin sa ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Joseph Morong ng GMA News: Would we know how many health care workers daw po sa bansa are infected at ano po ‘yung effect sa hospital operation amidst the surge?

DR. HERBOSA: Malaki ang effect sa health care workers. Ang masasabi ko, hindi ko pa nabibilang iyong health care workers sa buong bansa. Pero sa PGH na mayroon kaming almost 2,000 health care workers – lampas limang daan iyong positive at naka-quarantine ngayon. Magkakahalo na itong doctor, nurses, medtech etcetera. Napakalaki po ‘yun, iyong 500 ng out of 2,000 so nangyari diyan sinara na namin ang outpatient department namin; ang emergency department namin life and limb-threatening cases na lang ang tinatanggap at nag-o-open kami ng iba-iba pang mga ward para sa mga positive cases na dumadating.

So dumadami ang COVID, lumiliit ang pagkakataon na magamot iyong mga non-COVID dahil nga sa pandemya at pagdami ng mga cases. So although mild ang karamihan ng symptoms sa talaan – let’s say 28,000 iyong kahapon – eh kung 90% mild, may 10% na mangangailangan ng ospital. So sa 28,000 – 2,800 na katao iyong nadagdag.

So noong isang araw, 26… so 2,600 noong isang araw. So isipin na lang ninyo kung araw-araw ganitong numero pa rin ang matatanggap natin, mapupuno ang ating mga emergency room at magkakahirapan tayo sa paggamot sa kanilang mga cases na nangangailangan ng oxygen, nangangailangan ng ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, in case lang po, in case lang ilagay tayo sa Alert Level 4, mga tatagal po ba ito ng dalawang linggo rin na kailangan?

DR. HERBOSA:  Well, ang nakikita kong basehan na malagay tayo sa Alert Level 4 ay kapag iyong health system ay nag-capacity na. Right now, iyong COVID wards ng NCR nasa 65% occupied. Ang thinking ko, kapag mga 75 actually puno na iyan. So, malapit na tayo doon ano, malamang umabot tayo sa punto na maraming ospital punung-puno na at hindi na talaga magamot iyong new cases.  Doon, panahon para mag-implementa ng Alert Level 4 and mababa mo lang iyan kapag bumaba na iyong mga- kaso and hopefully within two after mag-Alert Level 4 ka at kumonti talaga iyong hawahan, may pagbaba ng kaso.

Ang nakita sa ibang bansa, lalo sa South Africa, mabilis na tumaas, November, December, pero by middle of December bumagsak na muli iyong mga kaso nila. So, December, January, pababa na iyong mga cases nila; sana ganoon din ang mangyari dito ‘no. But mahirap mag-predict, USec. Rocky, puwede kasi iyan mag-continue, magkaroon ng infections sa other places at puwedeng mas mahaba iyong ating infection rate. So very important talaga sumunod sa public health standards, magsuot pa rin tayo ng mask, maghugas ng kamay, umiwas sa matataong lugar at ngayon magpabakuna at magpa-booster.

USEC. IGNACIO: Opo, may follow up question po si Joseph Morong: How do we explain the infection of healthcare workers even if they are vaccinated against COVID? Did we shorten number of days of quarantine for healthcare workers? Why so? Although nabanggit na po ninyo iyong iba doon.

DR. HERBOSA: Magandang tanong iyan, USec. Rocky. Tama si Joseph Morong ‘no, mataas ang infection rate, pero iyan ay characteristic noong Omicron variant. Ang report last week ng Philippine Genome Center, 60% na ng samples ay Omicron at alam naming mga doctor na ang Omicron is five times more transmissible than Delta. So, mas nakakahawa siya, ang bilis talaga ng hawaan, pamilya-pamilya, at sa amin kahit naka-mask, naka-wards ay nagkaka-infection. Noong sinuri namin, nag-contact tracing kami sa ating mga healthcare workers, nakita na karamihan dito sa mga na-infect ay sa community na infect. Di ba marami tayong Christmas party, New Year’s party prior noong bumaba iyong cases at karamihan ng nag-positive ngayon ay doon pa rin ang sanhi ng kanilang infection at sa hospital iyong totoong galing sa pasyente na inalagaan nila, mababa pa rin. So, community acquired pa rin ang karamihan ng infections namin among healthcare workers.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, panghuli na lang at mabilis na lang po. Tanong lang po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po iyong coordination na ginagawa ng national government at local government units para makontrol ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na siyang dahilan kung bakit nagdesisyon ang Philippine College of Physicians na hindi muna sila magdidesisyon na itaas ang NCR sa Alert Level 4?

DR. HERBOSA: Hindi ko naintindihan iyong tanong. Ang nagdidesisyon kasi ng pagtaas ng Alert Level 4 ay hindi ang Philippine College of Physician, ang nagdi-decide noon ay ang IATF at ang Pangulo. So recommendation ng— iyon ba ay recommendation nila na huwag itaas sa Alert Level 4, puwede naman iyon na huwag itaas sa Alert Level 4, pero paiigtingin mo ang testing, contact tracing at nag localized lockdown, paggamit ng mga localized lockdown to prevent continued transmission.

Very important mag-ingat iyong mga kababayan natin, sapagkat nakakahawa talaga iyong Omicron at iyong polisiya na iyong unvaccinated maglagi sa bahay, may scientific basis po iyon, sapagkat iyong unvaccinated, mas mataas nag kanilang viral load at mas nakakahawa sila. Although nahahawa din ang ating mga vaccinated, ang sintomas nila mild lang, dahil mayroon na silang mga antibody dala ng bakuna.

So very important pa rin magma-mask, kasi iyong bakuna, ang ginagawa noon, ginagawang mild iyong sakit mo; converts it to a mild illness. Pero iyong mask iyong ang nagpi-prevent ng transmission. So, very important, sumunod tayo doon sa dalawang main pamantayan na iyon, magsuot ng magandang kalidad na mask at magpabakuna, magpa-booster.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Ted Herbosa. Mabuhay po kayo!

DR. HERBOSA: Mabuhay kayo, USec. Rocky. At salamat sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa kabila ng patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-COVID-19 sa bansa, hindi pa rin po nakalimot ang pamahalaan na maabutan ng tulong ang mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng pandemya. Ayon nga kay Senator Go pagkakataon rin ito para mahikayat silang magpabakuna kontra COVID-19. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala alamin naman po natin ang iba pang kaganapan sa Davao Region. Mag-uulat si Jay Lagang ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. At diyan na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)