Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo.

Ngayong unang Miyerkules ng 2022, muli natin kukumustahin ang Southern Leyte ilang linggo po matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette sa kanilang lalawigan. Makikibalita tayo mula mismo sa Department of Health tungkol sa patuloy pa ring paglobo ng bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Senator Bong Go muling hinikayat ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga heath at quarantine protocols ng gobyerno. Aniya, huwag isugal ang kalusugan ng kapuwa nila lalo pa’t nagbabadya ang panganib ng Omicron variant sa bansa.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, isa ang Southern Leyte sa mga matitinding binayo ng Bagyong Odette dahilan para lubhang mapinsala ang ilang bahagi ng lalawigan, kumustahin natin ang lagay ng lugar sa kasalukuyan, kasama po natin si Southern Leyte Governor Damian Mercado. Good morning po, Governor.

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Good morning, Usec. Rocky. Good morning.

USEC. IGNACIO: Naku, Governor, kumusta po iyong nagdaang Pasko at Bagong Taon sa inyong lalawigan matapos po iyong pananalasa ng Bagyong Odette? Unti-unti na po bang nakakabangon ang ating mga kababayan diyan, Governor?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: So far ngayon, of course, nakakabangon konti but sabihin natin sad ang Pasko at New Year, but wala naman tayong magawa, ganyan man iyon, we have moved na na talagang makaka-recover. At so far ngayon, iyong mga tao naman natin, naggawa ng mga paraan na makakabalik sa ano nila, sabihin natin buhay, magandang buhay.

USEC. IGNACIO: Governor, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. Tanong po sa inyo ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Now that relief goods are arriving daw po sa Southern Leyte, ano raw po ang status ng distribution to those in need? Are the relief goods getting to the people in the shortest possible time?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Actually, iyong mga relief goods na natanggap natin, pinaano namin kaagad, deliver kaagad doon sa mga municipalities. Ang instruction ko sa DSWD natin na if possible, walang ii-stock sa ano natin dito, mga relief goods kasi gusto ko na mabigay kaagad iyong mga relief goods doon sa mga kailangan. For example, sa mga municipalities, pinabigay ko kaagad.

Kaya kung mayroong relief goods ito, bagong dating at saka iyong iba ay i-repack na rin, but most of our relief goods na natanggap, pina-deliver namin kaagad diretso doon sa mga municipalities. Ayaw kong mag-stock nito kasi, of course, kailangan ngayon iyong mga tao sa ground na nagkaproblema. Kaya ang relief goods namin dito, walang problema dito – kapag mayroong magdating, padala ko kaagad doon sa ground, sa municipalities.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kumusta po iyong—mayroon na po bang kuryente sa malaking bahagi ng inyong lugar; at kumusta rin po iyong supply ng tubig at itong linya ng komunikasyon?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Iyong kuryente, siguro walang 20% pa ang, sabihin natin may electric power. Malaki pa ang trabaho siguro ito kasi talagang damaged talaga ang electric power dito. Ngayon, there are restorations of the powerlines, ginagawa ngayon. What I said is that, 20%, almost 20% pa iyong nag-energize.

Sa ano rin, sa restoration din sa communication, alam mo naman, kahapon nagkakaproblema tayo kasi ano—sandali ha. Nagkaproblema tayo because hindi talaga maganda pa iyong communication. Iyong restoration ng communication ginawa ngayon kaya hindi pa maganda talaga iyong communication natin [technical problem]

USEC. IGNACIO: Opo. Governor? Opo, babalikan po natin si Governor Damian ng Southern Leyte.

Samantala, nasa walonraang micro-entrepreneurs naman po mula sa Sudipen, La Union ang hinatiran ng ayuda kamakailan ng outreach team ni Senator Bong Go at ng ilang ahensiya ng pamahalaan. Muli pong nagpaalala ang Senador sa mga benepisyaryo na magpabakuna. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, umabot sa higit isandaang mga manggagawa ng Philippine National Railways at Metro Rail Transit ang nagpositibo sa COVID-19 matapos po ang isinagawang mass antigen test sa mga empleyado ng parehong rail lines. Iyan po at ang planong random antigen test din sa mga pasahero, alamin natin mula kay DOTr Undersecretary for Railways Jonathan Batan.

Good morning po, USec. Balikan po natin mamaya si USec. Batan.

Samantala po, sa pinakahuling report ng Department of Health kahapon, sumampa na sa 2,861,119 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas matapos pong madagdagan ito ng 5,434 kahapon. Higit isanlibo ang itinaas niyan kumpara sa naitala noong Lunes, January 3.

611 naman po ang nadagdag sa mga gumaling, kaya nasa 2,779,706 na ang total recoveries.

51,604 naman po ang lahat ng mga nasawi dahil sa sakit na kahapon ay muling umakyat matapos maitala ang 80 new deaths.

Sa kabuuan, 29,809 o katumbas ng 1% sa total cases ang nagpapagaling pa rin mula sa COVID-19 hanggang ngayon.

Okay, balikan po natin si USec. Batan. Good morning po, USec.

DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, good morning ulit sa inyo po at sa lahat ng ating mga listeners at viewers this morning.

USEC. IGNACIO: USec., sa ngayon, kumusta na itong mga confirmed positive cases sa PNR, MRT at iba pang attached agencies ng DOTr? Dito po sa buong railways, ilang staff ang nagpositibo sa COVID-19 matapos pong sumailalim sa antigen test po ito ‘no? Iyan din po ang tanong ni Jason Rubrico ng SMNI News.

DOTR USEC. BATAN: Tama po, USec. Rocky. Magsimula po nang mag-umpisa po itong linggo na ito ay nag-utos po si Secretary Tugade na para po masigurado iyong kaligtasan po at safety noong ating mga passengers at maging iyong ating mga railway personnel ay nag-umpisa po tayo noong tinatawag natin na mga antigen testing para po ma-detect iyong COVID-19 dito nga po sa ating PNR, LRT1, LRT2 at MRT3.

Ongoing po ang ating antigen testing ngayon na sa kasalukuyan po ay nakakapag-test na tayo ng 1,709 na mga katao as of yesterday sa kabuuan po ng LRT 1,2,3 at PNR at out of the 1,709 po na iyan, nakakapagtala na po tayo ng 345 po na mga positive cases base po sa antigen.

Iyan pong mga positive cases na iyan ay sumasailalim po sa tinatawag nating confirmatory na RT-PCR test at so far po, 56 po ang confirmed po natin na positive according po to RT-PCR. Magpapatuloy po itong testing na ito sa kabuuan po ng linggo hanggang po ma-test natin ang lahat ng ating mga rail personnel at nang ma-quarantine po natin at mabigyan po nang lunas iyon pong mga made-detect po nating positive cases, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ulitin ko lang, kailan po isinagawa o isasagawa itong confirmatory RT-PCR test sa kanila?

DOTR USEC. BATAN: Iyong confirmatory RT-PCR po ay isinasagawa po as soon as ma-detect po na positive base po sa antigen testing. So, bale po iyong antigen testing natin nag-umpisa po noong Lunes at iyan po ay ongoing, by batches po, dahil po sa dami po ng ating mga tao sa sektor ng riles. At kapag po na-detect na positive po sila doon sa antigen testing, sila po ay dadaan doon po sa confirmatory na RT-PCR testing naman po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano po iyong magiging operasyon ngayon ng mga pampublikong transportasyon na ito?

DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, hindi naman po apektado iyong ating operations. Sa kasalukuyan po ay 70% — pinanatili po natin sa 70% ang maximum capacity po ng ating mga tren at kasabay po niyan ay ang pagpapatupad natin ng mga minimum public health standards.

Mas istrikto po ang pagpapatupad tulad na nga po ng ating pag-deploy ng mga train marshals kung saan tayo po ay tinutulungan na, ayon na nga po sa direktiba ni Secretary Tugade, ng atin pong mga kasama galing po sa Philippine Coast Guard para po iyong mga panuntunan tulad po ng pagsusuot ng face mask, iyong bawal po magsalita, bawal kumain, bawal sumagot ng telepono ay mas istrikto pa pong maipatupad sa ating mga tren.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman daw po iyong magiging proseso nitong random antigen testing sa mga pasahero naman ng rail lines? Ipatutupad ba ito sa buong duration po ng alert Level3 at kailan po ang simula nito?

DOTR USEC. BATAN: Opo, USec. Rocky. Isa po doon sa mga hakbangin po na inuutos po ni Secretary Tugade ay ito pong pagpapatupad ng ating random antigen testing dito po sa ating mga passengers sa ating mga railway lines.

Ang objective po natin para po sa pagsasagawa po niyan ay para po makita natin iyong presence po kung gaano po kalaganap iyong COVID-19 dito sa ating mga linya ng riles at tayo po ay magabayan sa pagpapatupad po ng sapat na mga measures para po ma-address iyan.

Iyan po ay uumpisahan na gawin po. Kasalukuyan po naghahanda tayo, ang LRT1, LRT2, MRT3 at PNR, kasalukuyan po nating inihahanda ang ating mga istasyon na ito po ay isasagawa magmula po, within the week po mag-uumpisa tayo at patuloy po sa Alert Level 3.

Ito po ay gagawin sa ilang mga istasyon lamang. Sampling lang po, so hindi po lahat ng pasahero, sampling lang po ang ating gagawan ng antigen test at ito po ay voluntary, ito po ay consensual at hindi po natin pipigilan ang ating mga pasahero na magpatuloy po ng kanilang biyahe at maging po ang mga resulta ay iti-text na lamang po sa kanila, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: So, ang ibig ninyong sabihin, USec., puwede silang magpatuloy ng biyahe pagkatapos ng antigen test? Papaano po kapag nagpositibo?

DOTR USEC. BATAN: Kapag nagpositibo po sila ay sila po ii-inform via SMS, via text message po at kasama po niyan iyong paalala kung ano po ang kailangang gawin kapag kayo po ay na-detect na positive po sa antigen test.

USEC. IGNACIO: USec., napaglaanan ba ito ng budget? At kung may budget po magkano po ang inabot, USec.?

DOTR USEC. BATAN: USec. Rocky, ito po ay kukunin natin mula po sa operating budget ng ating mga riles, ng atin pong mga linya. At ito po, iyong total budget po ay depende doon po sa kung gaano natin katagal ito gagawin dahil nga po sa nasabi na ito po ay gusto nating magpatuloy during Alert Level 3 po at nang tayo po ay mabigyan ng gabay ng mga resulta ng random antigen testing na po iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Mag-iingat po tayo, USec. Jonathan Batan. Mabuhay po kayo, USec.!

DOTR USEC. BATAN: Salamat po, USec. Rocky. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa Cordillera, 53 million TUPAD payout, naipamahagi na sa halos 5,000 beneficiaries sa Paracelis, Mt. Province. May report si Alah Sungduan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Huwag po kayong bibitiw at magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[ADS]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases, partikular dito sa Metro Maynila nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin muna ang lahat ng physical activity sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Samantala, isang press conference ang isinagawa ng Lungsod ng Maynila para sa paghahanda sa naturang kapistahan na gaganapin sa January 9, ang detalye niyan mula kay PATRICK DE JESUS:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Patrick, magtatanong lang ako. Nagkaroon ba ng koordinasyon ang pamahalaan ng Maynila dito sa Simbahan ng Quiapo? Kasi, marami sa ating mga deboto ang hindi mo mapipigil na magtungo diyan katulad ng nabanggit mo. Papaano iyong koordinasyon at paglalatag ng protocol para sa mga sisilip sa Simbahan?

PATRICK DE JESUS: Yes USec. Rocky, ito ngang naging anunsiyo ni Mayor Isko ay mayroong koordinasyon sa pamunuan ng Quiapo Church kaya nga dahil wala ng physical mass at sa halip ang gagawin na nga lamang ng Quiapo Church, USec. Rocky, ay magkakaroon ng online mass. Iyon na lang iyong dapat antabayanan ng mga deboto para hindi na sila magpunta sa Quiapo Church.

At iyong nga kung mayroon pa rin magbabakasakali mula sa iba’t-ibang lugar ay mayroong magbabantay na mga tauhan ng Manila Police District, mayroong naka-deploy na mga pulis at ang gagawin ay maaring pauwiin na lamang iyong mga magpupunta pa rin na deboto, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Oo. So ang sinasabi mo Patrick, dini-discourage ng pamahalaan ng Manila itong mga deboto na magtutungo sa Simbahan at sa halip talagang dito na lamang mag-online mass?

PATRICK DE JESUS: Yes USec. Rocky, iyon nga sabi ni Mayor Isko, huwag ng magpunta dito sa Quiapo Church sa mismong pista ng Poong Itim na Nazareno dahil hindi magkakaroon ng physical mass at sa halip ay online mass na lamang.

At USec. Rocky, madagdagan ko na lang din, nakasara ngayon pa lamang iyong Quiapo Church dahil nga sa tumataas ng kaso ng COVID-19 at bilang paghahanda dito sa inaasahang pagdating ng mga deboto ay nag-anunsiyo ngayon pa lamang ang Manila LGU na hindi magkakaroon ng physical mass sa Quiapo Church para nga hindi nga … para ma-discourage na rin iyong mga deboto na huwag nang magpunta dito sa Simbahan, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong ulat Patrick De Jesus.

Samantala, alamin naman natin ang mga balitang nakalap ng ating kasamahan sa Philippine Broadcasting Service, kasama natin si John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Alamin naman po natin ang pinakahuling balita tungkol sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa bansa at ang patuloy na pagmo-monitor ng pamahalaan sa banta ng Omicron variant. Makakausap po natin si Health Secretary Francisco Duque III. Secretary, kumusta po kayo? Kayo po ba ay nagpa-test na rin?

DOH SEC. DUQUE: Ang testing ko two o’clock mamayang hapon. Unang-una, Manigong Bagong Taon at nawa’y maging malusog at punung-puno ng pag-asa ang taong 2022 sa atin pong mga kababayan, at magandang araw sa ngalan ng DOH at ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nitong December maganda iyong ating mga datos sa COVID. So ngayon kumusta po iyong pagmo-monitor natin dito sa detected Omicron cases sa bansa? Hindi ba naman po ba nadagdagan at ano po iyong latest status update dito? Iyan din po iyong tanong ni Mark Fetalco ng PTV.

DOH SEC. DUQUE: Maghintay-hintay lang tayo at siguro within the day ay malamang lalabas na iyong panibagong run ng Philippine Genome Center. Kasi maya’t-maya mayroon silang mga batch na sini-sequence, ano. Ito ngang huli ay natukoy nila ang tatlong local cases ng Omicron at iyong iba naman ay mga returning overseas Filipinos at may isang foreigner. So, iyong pinakahuling genome sequence results, lalabas mamaya.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Secretary papaano po tayo naghahanda kung sakali po talagang mauwi na nga sa local transmission at community transmission, na sana huwag naman po, itong Omicron variant dito sa Pilipinas?

DOH SEC. DUQUE: Pinaghahandaan na natin iyan. On fact, naka-limang meetings na kami with the National Capital Region, Region III and Region IV-A para gabayan sila kung ano ang kanilang mga gagawin patungkol sa kanilang paghahanda o pagtugon sa COVID-19. Kasi alam mo ngayon, Rocky, iyong Delta nandiyan pa rin, hindi naman as in Omicron iyan na nangyayari lang, kung hindi mayroon tayong Delta rin na kinakailangang patuloy nating tinutugunan.

So, ang ating mga pagtaas ng mga kaso, binabantayaan iyan ng Department of Health at saka ating Epidemiology Bureau kasama ang ating mga FASSSTER group, sila iyong nagsasagawa ng mga projections. Pero hindi pa sila makapaglabas ng pinakabagong projection dahil naghihintay pa rin sila ng mga datos mula sa mga iba’t ibang bansa na nakakaranans din ng Omicron surge na may kasama pa ring Delta. So, hindi lang Omicron iyan na nakikita natin sa ibang bansa at dito rin sa atin. Mayroon na ngang local cases, eh malamang ang assumption mayroon nang transmission. Okay?

So iyong PDITR plus vaccination, iyon ang ating pinaiigting. Iyong response pareho pa din eh. Pero iyong intensity, ‘ika nga, iyon ang pinaghahandaan natin na ang assumptions, unang-una mas mabilis makahawa ang Omicron, although mas mild siya kaysa Delta variant. Pero ganoon pa man, kinakailangan talaga mapaghandaan iyong ating ‘Prevent’.

Sa hanay ng ‘Prevent’ kinakailangan mapaigting iyong ating information, education campaign (IEC) on how to adhere effectively and strictly to minimum public healt standard. So kasama kayo diyan, mayroon tayong BIDA Solusyon, BIDA May Disiplina, Ingat Angat, etcetera. Ang dami na nating ginagawa.

Doon naman sa Detection ay pinaigting din natin iyong ating actual case finding, iyan ang ating paulit-ulit na pinapaalalahanan ang mga LGUs. Iyong pagitan mula detection at saka isolation, dapat iksihan iyon ‘no, iklian iyong pagitan na iyon to four days or less, para nang sa ganoon hindi makapanghawa ang mga tao. Dahil kung masyadong mahaba iyong detection to isolation, ibig sabihin iyong mga tao makalalabas at makakahawa at mahahawaan din. So, iyan ang mga bagay-bagay pagdating sa detection strategy natin.

Iyong ‘Contact Tracing’ natin ay patuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa DILG, kay Secretary Año at naghahanap ng karagdagang pondo para sa ating contact tracing renewal of contracts at kinakailangan mapag-ibayo iyong ating standards to one case to ten contacts at one contact tracer per 800 poppulation. So, iyan ang mga standards na alam nila, dapat sundin at hinahanapan ng sapat na kaperahan para diyan.

Doon naman sa ‘Isolate’ natin ganoon din, mayroon tayong 110,000 temporary treatment and monitoring facility, mayroon tayong mga 8,000 plus na facilities, quarantine and isolation sa buong kapuluan at iyan ay sa kasalukuyan tinitingnan kung ano ngayon ang utilization rate. Mukhang mababa pa naman ang utilization rate sa labas ng NCR. Pero NCR nasa 35% na ang gamit na mga kama for our isolation and quarantine facilities sa NCR.

AT siyempre nandiyan din iyong pinag-uusapan ngayon na home care for mild cases of COVID. Kasi lumalabas na sa Omicron, eh mild ito compared to Delta. So baka mas maganda para hindi na mabilaukan ang mga ospital, eh sa bahay na lang pero kinakailangan may monitoring system in place. Mayroong mga Barangay Health Emergency Response Teams na talagang magmo-monitor kung ano ba ang estado ng pasyente, kasi hindi mo alam baka iyong mild, eh maya-maya maging moderate or severe or critical. So dapat handa kaagad kung saan dadalhin na angkop na pasilidad itong mga taong ito. Pero wala pang policy patungkol diyan ano. So bubuuin pa iyan ng IATF batay sa rekomendasyon ng ating mga Technical Advisory Group of Experts na palalawigin natin ang ating quarantine isolation to include home care for mild COVID cases.

So, doon naman sa ‘Treatment’ natin, kanina lang ang team ng DOH nakipagpulong, nakipag-ugnayan kay Ambassador Babes Romuladez at kasama ang kinatawan ng Pfizer para naman doon sa ating pag-angkat ng Paxlovid. So iyan ay dadaan sa proseso at minamadali nga natin na makakuha na ang Pilipinas nitong mga epektibong mga gamot, pero siyempre padadaanin pa rin sa tamang proseso dahil mahirap na baka ma-COA tayo kapag hindi tayo sumusunod sa mga takdang mga guidelines on procurement. Pero mayroon nang pag-uusap diyan at positibo naman iyong kinalabasan ng kanilang mga pakikipag-ugnayan sa ambassador at saka sa Pfizer representatives kaninang umaga at ang DOH was represented ably by USec. Rosette Vergeire.

So isa ito, maliban doon sa mga remdesivir. Akin nang inataasan ang ating admin and finance team na pinangungunahan ni USec. Bong Vega at ang ating heightened alert ng One Hospital Command, ito iyong patient navigation and referral system at doon inaaalam din natin ang kakayahan ng mga ospital, pribado man o pampublikong mga ospital national or local, na dapat handa sila sa mga iba’t ibang mga gamot na napatunayan nang epektibo laban sa COVID-19 infection katulad ng mga Bariticinib, ang Remdesivir, of course, pati iyong Molnupiravir mayroon ng CSP at EUA ito mula sa FDA, at puwede na rin itong gamitin. Pero patuloy na ina-assess ng ating leading clinical practice guideline ang effectiveness nitong mga bagong treatment medicines and drugs ‘no.

So, tapos iyong bed capacity natin sa mga hospital ay akin nang inatasan ang One Hospital Command na bigyan paalala na dapat ang COVID bed allocation 30% for public hospital and 20% for private hospital at puwede pang itaas ito to 50% kung talagang hindi tumitigil ang pagtaas ng kaso at ang pagtaas ng admission sa mga hospitals ‘no.

So, sa kasalukuyan mayroon tayong mga 34,000 COVID beds at ang ICU natin lampas 3,000 national iyan. Sa NCR mayroon tayong mga total of 9,000 plus beds, ang ICU mga 1,200 sa NCR. So, binabantayan natin itong mga kapasidad natin at sa ngayon nasa low risk utilization rate pa rin pero lumalapit na iyan doon sa moderate risk ‘no ng 50 to 70% ng threshold of the utilization rate ng health care capacity.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong naman po mula kay Mark Fetalco ng PTV: May ibang bansa po na isinusulong itong paggamit ng self-administered test kits. Kino-consider po ba ito ng DOH na gamitin rin sa bansa at ano daw po iyong pass on risk sa paggamit nito?

Una po kasing sinabi ng DOH kailangan maabot ang 90 to 100,000 test a day para po masabing sapat ang testing sa bansa, ano daw po ang hakbang na gagawin ng pamahalaan para mapabilis ang testing?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Well, iyon na nga ang inaantay natin na rekomendasyon ng ating technical advisory group of experts kasi sa ngayon ang Antigen test kit ginagamit in a laboratory set-up, hindi pa siya home use. So, inaantay natin ang rekomendasyon kung ano ang dapat malagay sa guidelines para hindi magkamali ang pagbasa ng resulta o pag-interpret ng resulta kung gagamitin ang Antigen test kits self-administered.

So, kinakausap ko rin ang FDA at sinisiguro natin na magkaroon ng revision doon sa kanilang ibinigay na CSP or EUA ‘no, CPR, iyong Certificate of Product Registration. Kung dapat ay—kung papaano gagamitin ito just in case pahintulutan nila ang self-administered Antigen Test Kits.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Zian Ambrocio ng ABS-CBN News: Ano daw po ang reaction ninyo dito sa long lines sa mga testing centers, hindi po ba tayo mauubusan ng testing kit? Bakit hindi po daw puwede ang mass testing at ang dagdag pong tanong niya: Mayroon ba ang lahat ng LGUs ng libreng COVID testing at ano raw po ang options ng mga walang pera para magpa-test?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Well, basta’t kayo naman po ay miyembro ng PhilHealth, Under the Universal Health Care coverage ay dapat bawat Pilipino ay miyembro ng PhilHealth at ang atin testing policy ay ganoon pa rin. Ito iyong targeted risk-based testing, iyon kasing mass testing medyo unang-una mahirap gawin dahil napaka-magastos din ito bilyon bilyon. Daang bilyon na piso ang kakailanganin mo para magsagawa ng mass testing.

Unang-una, we have to define kung ano ba iyong ibig sabihin nila sa mass testing. So, sa ngayon tayo ay risk base pa rin iyong mga na-expose, iyong mga may symptoms iyon pa rin ang atin pa ring tine-test at nakita naman natin itong mga nakaraang surges ay nakatulong naman ito sa ating pangangasiwa at napababa ang mga kaso katulad nitong huling Delta surge ng August, September ay naipababa natin ang mga kaso sa pinakamababang level.

Parang less than 200 cases per day sa NCR at mga—in fact, nationally nga mga ganoon kung hindi ako nagkakamali talagang nakatulong iyong ating vaccination, nakatulong iyong ating mga PDITR strategies.

So, hindi lang ito patungkol sa testing kasi tingnan mo ang America siya ang may pinaka-maraming testing output per million population pero tuloy-tuloy ang kanilang pagsipa ng kaso. Noong isang araw nga isang milyon isang araw iyong kanilang mga kaso pero hindi ito panay testing lang kung hindi dapat isipin natin isa lamang ito sa maraming pamamaraan. Iyong ating minimum public health standards, iyan ang pinaka-epektibo panlaban sa COVID kahit na anong variant. Ke variant Alpha, Beta, Gamma, Delta, Omicron ang pinakamahalaga diyan ang mask, hugas, iwas, ventilation at bakuna.

So, iyon pa rin mag-asawa ang minimum public health standards at saka ang vaccination. So, sa mga pagbabakuna, tuloy-tuloy naman magsasagawa tayo ng National Vaccination Day malawakan at malakihan na bilang ng mga mamamayan ay babakunahan, itong susunod ay pinagpa-planuhan na ng NTF at saka ng ating Vaccine Czar na sakupin na natin ang mga naiwan pang senior citizens na hindi pa nababakunahan.

Dahil mga senior citizens sila ay pinanggagalingan ng mga severe, critical cases or hospitalization at sila din iyon mga pumapanaw kapag ka tinamaan ng malubha at malalang COVID infections. So, iyong testing isa lang po iyan, hindi po mapababa ang kaso kahit sabihin mong 5% ang positivity rate mo, hindi po ang ibig sabihin niyan ay bababa ang kaso.

Ang importante po diyan iyong active case findings ng mga local government units no, iyon kanila pong immediate isolation, testing, contact tracing, iyan po ang mga mahahalagang bagay dagdag doon sa ating minimum public health standard, paghahanda ng ating mga hospital para tugunan ang mga mabibigat na kaso.

At kaya nga napaka-mahalaga na iyong mga mild cases, asymptomatic huwag ng pupunta sa hospital kinakailangan ay doon na lamang kayo sa mga angkop na mga pasilidad. Iyong mga temporary treatment and monitoring facilities natin at doon naman ay maayos kayong maaasikaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang pong tanong si Jena Balaoro ng GMA news: May resulta na daw po iyong genome sequencing kay poblacion girl?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Mamaya malalaman natin iyan antayin natin si USec. Vergeire, na siya ang magbibigay ng ulat sa pinakahuling resulta ng whole genome sequencing na isinasagawa ng Philippine Genome Center.

USEC. IGNACIO: Opo. Si Lei Alvis naman po ang magtatanong ng GMA news: Iyon daw pong nagkakaubusan daw po ng paracetamol sa botika, ano daw po ang gagawin ng DOH?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Nakikipag-ugnayan tayo sa DTI at ang DTI doon din ang Pharmaceutical Health Care Association of the Philippines at doon nga minamadali na rin nila iyong supply ng mga branded medicines no, katulad ng Decolgen, Biogesic. Pero, ang feedback sa akin iyong generic ay maayos naman at saka sapat ang supply ng ating mga generic symptomatic treatment katulad ng paracetamol.

So mamaya kakausapin ko ulit si Secretary Mon Lopez, para alamin kung ano ba ang mga resulta ng pagpapataas ng supply kasi nga hindi nila inasahan na biglang sisipa iyong demand. So, iyong tugon sa supply sa demand pala by raising supply ay hindi naman siya immediate ano na tumaas ang demand ay magkakaroon kaagad ng production. So, humahabol na and within the week ay ang sabi ng UNILAB ay kanila ng sisiguraduhin magkaroon ng replenishment ng stock outs ng mga branded symptomatic treatment.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Aiko Miguel ng UNTV: Ano daw po ang plano ng DOH sa PAXLOVID™? Available na rin po ba—although nasagot ninyo na rin po ba itong sa PAXLOVID™? Iyong second question ni Aiko Miguel: Ay kung iyong availability po daw ng Molnupiravir, may sapat po ba tayong supply nito lalo na’t tumataas na naman ang COVID-19 cases sa mga hospital? At paalala po sa lahat dahil marami na naman daw po iyong posible na manamantala at magbenta nito ng illegal.

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Ay, oo! Huwag po sanang gagawin iyan at iyan po ay paglabag sa atin pong mga batas at mapapatawan po kayo ng mga kasong administratibo and civil. So, kinakailangan ay mino-monitor po ito.

Patungkol naman sa Molnupiravir, iyan ay nabigyan na ng FDA ng emergency use authorization at pinahintulutan na natin ang mga hospital na sila ang mag-angkat nitong mga gamot na ito at mayroon na yatang locally available nito at nakakapag-angkat na ang ilang mga hospital.

So, kasama po iyan sa ating plano para tugunan itong nagbabadyang Omicron variant at pagsipa ng mga kaso, hindi lang ng Omicron kung hindi pati na rin ang Delta. So, sa dalawang taon na natin na pinapangasiwaan at tinutugunan ito, ay ang mga hospital natin ay natuto na, may mga signal sila na siguraduhin ang mga gamot under the ‘Treat strategy’ – hindi ba mayroon tayong prevent, detect, isolate, treat. Under the treat strategy, iyan siguraduhin ang mga gamot, ang Remdesivir – ang Tocilizumab hanggang ngayon talagang masama, wala pa ring nakakapag-supply based on the last report to me. Nahihirapan talagang mag-supply sa atin.

Of course, iyong Molnupiravir mayroon na nga iyan at ang hospital ang nagpapasiya, ang nagde-decision kung ilan ang kanilang aangkatin o bibilhin. Locally yata mayroon nang distributor iyan dito at ganoon din iyong Paxlovid naman ng Pfizer, nakipag-ugnayan ang ating DOH team with Ambassador Romualdez at ang mga kinatawan ng Pfizer at pinag-usapan na kung ano ang pinakamabilis na pamamaraan na maka-secure tayo ng mga treatment course of Paxlovid.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po, Secretary, mula kay Gena Balaoro: Base daw po sa projection ng OCTA Research posibleng umabot sa 10,000 ang kaso by next week, 12 to 13,000 nationwide ang mga kaso. Ganito rin po ba daw ang projection ng DOH?

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Baka hindi naman lumayo na diyan. Pero siyempre hinihintay din natin ang FASSSTER group, sila kasi ang tinaguriang eksperto na ginagabayan ang DOH at ang IATF. So, mamaya titignan ko kung ano na ang kinalabasan ng kanilang projection doon sa meeting nila kahapon.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon sa amin. I hope na maging maganda iyong resulta, hindi kayo magkaroon ng COVID. Salamat po sa inyong panahon sa amin, Health Secretary Francisco Duque III.

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Maraming salamat sa iyo, Rocky, at sa lahat po ng inyong tagasubaybay. Happy New Year! Punung-puno ng pag-asa po ang taong 2022. Maging malusog po tayo higit sa lahat at iyan po, ang malakas at malusog na katawan ang pinakamagandang panangga sa anumang sakit. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, mismong ang Department of Health na ang nagdeklara sa buong Pilipinas bilang high risk sa COVID-19. Iyan po ay kasunod ng mabilis na paglobo ng COVID-19 cases na naitatala kada araw. Alamin natin ang projection ng OCTA Research sa mga susunod na linggo. Makakausap po natin si Dr. Guido David. Magandang umaga po, Doc.

DR. GUIDO DAVID: Hi! Magandang umaga, USec. Rocky at belated Happy New Year.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano po ang sitwasyon ng Metro Manila sa ngayon pagdating po sa ADAR, sa positivity rate at sa production rate natin sa COVID-19?

DR. GUIDO DAVID: Yes USec., nasa high risk na rin lahat. Nasa high risk na rin talaga ang Metro Manila sa ngayon. Iyong ADAR nasa 16, tapos iyong reproduction number nasa 5, ibig sabihin isang tao mga lima iyong nahahawaan, and iyong positivity rate ay 25%, ito ay critical level na about 20%, ito iyong 7-day positivity rate. Pero, kahapon naka-40% tayo na positivity rate sa Metro Manila.

So far, ang pinakabinabantayan natin ay maganda pa namang numero, iyong health care utilization, nasa 34% mababa pa naman iyan at malayo pa sa 70% na critical level threshold pero tumataas naman siya.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc. Guido, kasi nakita natin nga dahil dito nagkaroon po ng holiday season, ano po. Pero, ngayon ay medyo nabawasan po ang mobility ng tao. Hindi po ba mababago ang datos natin pagpasok naman po ng Pebrero o sa tingin ninyo ganoon pa rin po?

DR. GUIDO DAVID: Well, USec., totoo iyong sinasabi mo nagpatupad na tayo ng Alert Level 3, nagsimula siya ng January 3. So, dahil may mga 2 to 3 days at least na interval bago natin makita iyong magiging epekto nito, hindi pa natin nakikita iyong epekto noong Alert Level 3. So, tama iyong sinasabi ninyo na maaaring bumagal na iyong pagdami ng kaso, we’re hoping for this, siyempre may mga additional restrictions pa tayo sa mga unvaccinated at sa mga bata.

So, sa tingin natin makakatulong ito, magbabago siguro iyong projections natin at iyong mga trends na nakikita natin. Hopefully, I mean, kung mangyari iyong nangyari sa South Africa isang buwan lang tapos na iyong surge eh, iyan iyong inaasahan natin best case scenario pero hindi pa natin mapapangako na ganiyan ang mangyayari sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. At kung magpapatuloy po ang trend na ito, gaano po karaming cases iyong nakikita ninyong madadagdag sa daily sa buong bansa by end of the month at malaki pa po ba iyong chance na bumalik tayo sa 5 digits ito ngayong first quarter?

DR. GUIDO DAVID: Naku, USec., mamayang paglabas ng datus baka nasa 5 digits na tayo kasi were expecting mga 11,000 cases today mga 10 to 11,000 cases today sa buong Pilipinas, mga 8,000 din sa Metro Manila. So by next week, most likely madadagdagan pa iyan, posibleng domoble pa iyan aabot pa iyan ng mga 20,000 plus.

Pero ayon nga, kung susundan natin iyong South Africa experience at marami na tayong bakunado may chance na pagdating ng kalagitnaan ng January doon na natin makikita iyong peak at magsisimula nang bumaba. Pero again, marami pang uncertainties dahil hindi natin masasabi o masisigurado na ganoon iyong magiging karanasan natin, tinitingnan pa natin ang datos, especially dito sa bagong Alert Level 3.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc. Guido, sa tingin ninyo sapat itong Alert Level 3 para po talagang mapigilan pa rin itong pagtaas ng kaso?

DR. GUIDO DAVID: Well, USec., ang masasabi ko, actually, nakita namin na iyong experience ng UK vs Scotland. Iyong UK nagdagdag siya ng restrictions pero iyong Scotland nag-implement siya ng strict lockdown. Pero, halos walang pinagbago iyong pagdami ng kaso nila eh. So, ang masasabi ko kung iyon ang pagbabasehan natin sapat na iyong Alert Level 3, iyon nga, dagdagan natin ang restrictions, bawasan natin ng kaunti ang mobility.

Pero the rest is up to us, tayong mga kababayan. Ako, nanawagan ako sa mga kababayan natin: Kailangan natin magtulungan, gawin natin ang parte natin sumunod tayo sa minimum public health standards, face mask at kung puwede nga ako nagdo-double face mask na ako ngayon, minsan nga triple nga, triple face mask. Kung may gustong magsuot ng face shield for added protection, nasa option nila iyon kasi hindi pa naman implemented.

Pero, talagang ang pagsunod natin at kung may mga may nararamdamang sintomas – ubo, sipon, sore throat, kahit iyong mga mild symptoms – sana mag-isolate na tayo kasi medyo strained na iyong testing natin. Maraming nagpapa-test, mahaba iyong pilahan kaya kung mahirapan tayong magpa-test mas mabuti nang mag-isolate natayo ng maaga para iyan na iyong ambag natin sa bansa natin. Kailangan nating magtulungan at this time baka mabilis lang itong surge na ito, pero sa ngayon may pinagdadaanan tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Guido David, mula po sa OCTA Research. Kami po ay palagiang makikipag-panayam sa inyo. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin.

DR. GUIDO DAVID: Maraming salamat, USec.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At diyan na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po si USec. Rocky Ignacio, at magkita-kita tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center