Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio with Presidential Spokesperson Harry Roque; Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III; Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac; Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon; Batangas Vice Governor Mark Leviste; and Sangguniang Kabataan Kagawad Ronin Leviste


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Isang makabuluhang diskusyon at mahahalagang impormasyon na naman ang aming ihahatid sa inyo ngayong Araw ng Manggagawa.

USEC. IGNACIO:  Kaya naman po sa lahat ng magigiting nating kababayan na patuloy na naglilingkod sa kabila po ng krisis pangkalusugan na ating kinakaharap, maraming salamat po sa pagseserbisyo para sa bayan. Mabuhay po kayo!

SEC. ANDANAR:  Samantala, kasama pa rin natin ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan, hindi tayo matitinag na ibahagi ang mga impormasyon na dapat malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:  Ngayong araw ay samahan ninyo kami muli alamin ang mga update tungkol po sa mga tugon ng pamahalaan sa COVID-19. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Ako po naman si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #Laging Handa Ph.

Upang sumagot sa tanong mga ng bayan, maya-maya lang ay makakausap natin sina DOLE Secretary Silvestre Bello III; OWWA Administrator Hans Leo Cacdac; Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon; Batangas City Vice Governor Mark Leviste; at SK Kagawad Ronin Leviste.

USEC. IGNACIO:  Dahil po sa banta ng COVID-19 sa kalusugan ng bawat isa malaki na po ang ipinagbago ang araw-araw na takbo ng pamumuhay hindi lamang po ng mga Pilipino ngunit maging po sa buong mundo. Nagkaroon na nga tayo ng tinatawag na ‘new normal.’

SEC. ANDANAR:  At dito sa new normal, Rocky, kinakailangan na patuloy at walang palya nating isasabuhay ang mga preventive measures tulad na lamang ng tamang paghuhugas ng kamay, palagiang pagsusuot ng maskara or face mask sa tuwing lalabas ng bahay at siyempre kung lalabas naman ay huwag po nating kakalimutan ang physical distancing.

USEC. IGNACIO:  Kaya naman po upang sama-sama nating masugpo ito, ipinapaalala natin sa lahat na isaisip, isapuso at isabuhay ang new normal. Ito na nga po ang #bagong buhay natin. Let’s beat COVID-19 for a healthy Pilipinas.

SEC. ANDANAR:  Ngayong araw ng mga manggagawang Pilipino, nagpaabot ng kaniyang pagbati si President Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng mga Pilipinong manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Pangulong Duterte, ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kasipagan ng mga Pilipinong Manggagawa na kilala sa buong mundo dahil sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at husay sa pagtatrabaho.

Dagdag pa niya, sinisiguro niya na poprotektahan ng pamahalaan ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa. Pinaalalahanan na rin ng ating Pangulo ang mga nasa business sector na maging bahagi ng pag-unlad ng kanilang empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay ng stable career opportunities at humane working conditions. Sinabi din ng Presidente na mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat manggagawa sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.

Samantala, nagpaabot ng kaniyang pagbati si Senador Bong Go sa ating mga kababayan. Ayon sa senador bilang mambabatas isusulong nito ang mga panukalang batas at susuportahan ang mga programa upang protektahan ang mga karapatan at mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawa.

Kaugnay diyan, panawagan ni Go na dadagdagan ng tulong sa mga apektadong manggagawa ng mga maliliit na negosyo o MSME dahil sa COVID-19; gayundin ang iba pang manggagawang naghihirap dahil sa krisis na ito. Patuloy naman ang kampanya ni Go sa balik-probinsya program at nangakong ipaglalaban ito para makalikha anya ang bansa ng marami pang trabaho at mapabuti ang buhay ng manggagawang Pilipino.

[VIDEO CLIPS]

USEC. IGNACIO:  Sa puntong ito alamin natin ang update tungkol naman sa naging epekto ng COVID-19 sa industriya ng turismo sa bansa. Makakausap natin si Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. Magandang araw, Usec.

USEC BENGZON:  Good morning, Usec; at sa lahat ng nakikinig po sa Laging Handa, good morning po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Nakita po natin talaga malaki ang epekto nitong COVID-19 sa turismo, ang Asia nga po ay isa sa pinaka-apektado ng COVID-19. Ano po ang naging impact nito pagdating sa turismo ng Pilipinas? Isa ito sa pinagkukunan o nagdye-generate ito ng trabaho at income sa Pilipinas. So, ano na po iyong latest dito, Usec?

USEC BENGZON:  Well, tama po kayo, ang tourism malaki ang contribution nito sa national economy. Last year ang estimate namin ay mga 9 1/2 billion US dollars ang pinasok ng inbound tourism dito sa ating bansa. Unfortunately, tinamaan tayo nitong pandemic at ang estimate namin for the first three months of 2020, siguro bumagsak na ng minus 35% iyong revenue natin from foreign arrivals. So, ang estimate namin, siguro January to March of this year, baka nasa 85 billion pesos lang ang na-generate natin compared to about 134 billion pesos for the first three months of last year.

So, malaki po talaga ang impact nito, but siyempre alam naman na hindi lang dito sa Pilipinas ang impact ng pandemic. Ang report nga ng United Nations World Tourism Organization, around globe ang magiging decrease nito in international arrivals would be about 30%.

USEC. IGNACIO:  Enhanced Community Quarantine, Usec, marami sa ating mga kababayan ang nasa travel at tourism sectors po iyong alam nating nahinto ang trabaho. Ano po iyong assistance na ipinapaabot ninyo sa kanila?

USEC BENGZON:  Well, inuna po namin iyong mga assistance na puwede naming mabigay based on our mandate. So lahat po ng mga accreditation fees, iyong mga participation fees na usually kinokoleta namin, winaive na po namin iyan hanggang end of 2021.

Nakipag-ugnayan din kami sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan particularly iyong PAGBIG, SSS, PhilHealth dahil isa doon sa mga daing ng ating mga tourism stakeholders or at least request eh kausapin iyong mga ahensiyang ito na kung puwede ma-defer iyong payment, noong mga contributions.

At the same time, we are talking to the government banks, iyong Development Banks of the Philippines, Landbank of the Philippines kasi kailangan nating mabigyan ng access to low interest loans itong ating mga tourism enterprises na tinamaan ng husto.

But siguro ang pinakamahalaga diyan, ang instruction ni Secretary Berna Romulo-Puyat ay gawin itong tinatawag naming tourism response and recovery program. This is basically our masterplan for tourism to help it rebound in the midst of a pandemic.

So, basically ang pina-pakay nitong tourism response and recovery program [ay] matulungan iyong mga business enterprises at saka iyong mga workers, iyong mga na-displace because of this pandemic.

SEC. ANDANAR: USec., nagkaroon ng sweeper flights ang DOT para sa mga na-stranded na turista sa iba’t-ibang parte ng bansa. Paano po ba ang naging proseso ninyo dito sa mga sweeper flights?

USEC. BENGZON: Good morning, Secretary! Iyong ano po… ang sweeper flights inumpisahan namin ito noong March at base sa aming total siguro as of yesterday, naka-24,000 na iyong foreign tourists na natulungan natin dito sa sweeper flights.

Ito iyong mga foreign tourists na hindi na nakalipad pabalik ng Maynila or pabalik sa kanilang bansa noong na-impose itong ECQ. So, ang ginawa po ng Department of Tourism, nag-arrange po kami ng tinatawag na sweeper flights para maibalik iyong mga stranded na foreigners doon sa iba-ibang lugar sa Pilipinas papunta ng Manila kung saan kumuha sila noong international connection nila pabalik sa kanilang bansa. In some cases, iyong ibang sweeper flights doon na nanggagaling mismo sa other international gateways katulad ng Cebu.

So, like I said, siguro mga 24,000 na po iyong natulungan namin na sweeper flights at ang pinagtutuunan namin ng pansin naman ngayon, iyong mga domestic tourists na stranded dahil inabutan nga sila ng ECQ.

SEC. ANDANAR: USec., ito po bang mga sweeper flights, halimbawa mayroon akong nakita sa isang post sa Facebook two days ago na galing Clark papuntang Siargao at nalaman ko na iyong nagbayad doon sa sweeper flights iyong mga bawat pasahero. Ganoon po ba iyong proseso, bawat sweeper flight ang magbabayad iyong turista mismo?

USEC. BENGZON: Well, ito iyong ina-arrange namin ngayon. Sa aming estimate, may mga 2,200 na domestic tourists na kailangang makabalik basically sa Manila. So, ang proseso po nito, iyong stranded passenger will have to coordinate with the DOT regional office, ibigay iyong personal details niya, iyong contact details at saka ang mahalaga dito, kailangang maipakita iyong confirmed na return ticket pabalik ng Maynila kasi ito ang magpapatunay na talagang naka-schedule naman siyang bumalik ng Manila hindi lang nakasakay ng eroplano dahil itinigil iyong mga ibang domestic flights, so ito po ang sasagutin ng Department of Tourism.

USEC. ROCKY: USec., ina-allow ba ng DOT iyong travel agency na mag-book para sa mga future trips like halimbawa sa August? Pinapayagan ninyo po iyon? And may report na po ba rin kayong natanggap kaugnay sa mga hotel at similar accommodation na permanente nang nagsara dahil sa COVID-19 at papaano ninyo po sila matutulungan?

USEC. BENGZON: Iyong desisyon po kung magbebenta na ng mga tour packages, nasa tour operators iyan or nasa travel agent; but we have to keep in mind na mayroon pa kasing may travel restrictions pa in and out, iyong Pilipino na palabas, tapos doon naman sa inbound tourists, iyong mga foreign governments may travel restrictions din sila dito papunta ng Pilipinas. At siyempre, hindi lang dito I think in many parts of the world.

So, pagdating doon sa punto na puwede ba silang magbenta ng mga pakete, nasa sa kanila iyon, in the same manner ganoon din po iyong mga hotels. Ang balita namin there are some hotels that are accepting forward bookings towards the end of the year in the hope that everything will normalize by the end of the 2020.

SEC. ANDANAR: Mayroon na po bang nakahanda na recovery plan ang DOT upang tulungang makabangon ang mga naaapektuhan nating kababayan sa tourism sector, sa negosyo? Ano-anu po ba ito at magkano po ang kabuuang budget na puwedeng ilaan ng DOT dito po sa ating tourism sector?

USEC. BENGZON: Mayroon pong Bill na isinusulong sa Kongreso, ito po iyong sa financial stimulus at nakipag-usap na po kami sa ating mga legislators. Doon po sa draft Bill, ang proposal is to set aside approximately P43 billion for tourism.

Doon sa initial consultation na ginawa namin with the stakeholders, nalaman namin ang talagang pinakamalaking concern nila is iyong survival at saka business continuity. So, specifically ang kailangan nilang tulong is in terms of iyong working capital, iyong wage subsidy and as I mentioned earlier, iyong mga deferment of taxes or iyong contributions.

So, doon sa initial computation na ginawa namin, siguro out of the 43 billion that will be allocated to us, siguro kulang-kulang mga 36 billion will go to iyong working capital kasi talagang iyon ang pinaka-importante. Kailangan makaahon, kailangang makatayo itong mga tour operators, travel agents natin, iyong ibang tourism enterprises dahil sila po ang katulong natin na magpo-promote, magma-market ng Pilipinas eventually. So, ang priority po natin – to help them by way of working capital at saka doon po sa wage subsidies.

USEC. ROCKY: USec., sa palagay ninyo gaano po katagal aabutin bago tuluyang maka-recover ang tourism industry mula sa COVID-19?

USEC. BENGZON: Iyong recovery period mahirap ma-predict because we are still under ECQ pero siguro pag-usapan lang natin iyong nakikita naming trends once the ECQ is lifted, once the GCQ is lifted, once the tourism enterprises start operating again.

Ang nakikita natin, ang mag-i-initiate ng movement dito domestic tourist. Mag-uumpisa iyan mga domestic travel, medyo mga short distances muna, siguro by land lang muna and then siguro iyong mga kasama mo, iyong mga pamilya mo or at least iyong mga kakilala mong—iyong kabisado iyong travel history.

So, we believe the rest of the year, what will really trigger the activities would be itong domestic tourism movement and siguro ito na rin ang isa nating kailangang i-appeal sa ating mga kababayan na once we’re given that green light, unahin natin ang domestic tourism para matulungan natin iyong mga… let’s say iyong mga restaurants, iyong mga nagsara at walang revenue for the last month [SIGNAL FADE].

Kung bumalik na tayo doon sa pagbibiyahe, kailangang huwag nating kalimutan itong basic protocols dahil ito na iyong magiging new normal – face mask, sanitizer, siguro babawasan natin iyong capacities noong mga transportation ng mga vehicles. So, ito po kailangan natin laging isaisip kapag bumiyahe na po tayo.

USEC. ROCKY: USec., ano naman po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan at ano iyong contact number po na maaaring tawagan ng iba pang mga na-stranded na turista?

USEC. BENGZON: Well, siguro ang pinakamensahe ko katulad na rin ng mensahe ng ibang mga ahensya: Safety before anything else. So kailangan talagang pagtulungan natin nang husto ito para ma-flatten natin iyong curve ‘ika nga. Pagdating po ng tamang panahon eh babalik naman tayo sa ating mga tourism activities.

Doon po sa mga stranded, mayroon po kaming directory, iyong mga regional offices namin handa pong tumulong doon po sa mga nangangailangang bumalik ng Maynila, doon po sa may mga ibang tanong pa sa Department of Tourism, mayroon po kaming iyong Facebook online response team, 24 hours po ito. They work in six hours shift, so four shifts a day, kapag may tanong po kayo puwede po ninyong ibato doon.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr.

USEC. BENGZON: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling update patungkol sa COVID-19 sa ating bansa. Umabot na po 8,488 ang kabuuang kaso ng COVID-19; 568 ang bilang ng mga nasawi; ngunit patuloy po ang pagtaas ng mga gumagaling na pumalo na sa 1,043.

USEC. ROCKY: Nasa ika-39 na puwesto naman po ang Pilipinas sa mga bansa [na may COVID19], sinundan ito ng Norway na may 7,710. Kaya naman po hindi kami mapapagod at magsasawang ipaalala sa lahat; sabi nga ng ating mga frontliners, we stay at work for you so please stay at home for us. Bahay muna, buhay muna.

SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay makakausap natin sina Batangas City Vice Governor Mark Leviste at kaniyang anak na si Ronin Leviste, SK Kagawad ng Barangay Bel-Air sa Makati City. Magandang umaga sa inyong dalawang, Vice Governor at Kagawad.

VICE GOV. LEVISTE: Magandang umaga, Martin; at ganundin kay Usec. Rocky at sa lahat ng ating mga tagapanuod.

SEC. ANDANAR:  Sa ngayon, ilan na po ba ang bilang ng mga nag-positibo at naka-recover sa COVID-19 diyan sa probinsiya ng Batangas at kumusta rin po ang mga pasilidad natin para sa COVID-19 patients?

VICE GOV. LEVISTE:  Yes. Sa kasalukuyan, mayroon po tayong 92 confirmed cases sa Lalawigan ng Batangas, 15 of which are probable at 1,418 ang suspected cases sa ating probinsya. Unfortunately, mayroon na po tayong 17 expired cases or who died dulot ng COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Governor, mayroon kayong ipinasang ordinansa na anti-COVID-19 discrimination sa Batangas, kumusta na po iyong implementasyon nito, mayroon na po ba talaga kayong nahuli at lumabag nito at ano po iyong ginagawa ninyo sa mga violators na makukulit po dito sa ilalim pa rin ng ECQ?

VICE GOV. LEVISTE:  Nagpasa nga po kami ng isang ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan para tugunan iyong mga diskriminasyon sa ating mga frontliners lalo higit iyong mga katulong natin na health workers sa iba’t ibang checkpoints, sa ating mga health facilities tulad ng mga ospital.

At ang kaibahan ng aming ordinansa, kung ikukumpara po sa iba, wala naman po kaming penal provisions, manapay ang pinaka-consequence lamang po ay community service. Sa ganitong paraan ay mas lalo nating nahihikayat ang ating mga ka-barangay to police their community, ganundin sa ating mga mamamayan na medyo nag-aalala o may sense of anxiety and fear sa pagtanggap sa ating mga frontliners sa kanilang lugar.

SEC. ANDANAR:  Ang sunod naman na tanong VG Mark ay para kay Kagawad Ronin. Kagawad Ronin, ang SK Barangay Bel-Air ay may proyekto na mobile market mula sa 7 AM hanggang 11 A.M. Very interesting itong programang ito, itong mobile market, mobile palengke, dahil ito rin ay ginagawa ng isa sa mga SK na nakausap ko sa Bacolod City. Paano ninyo napapanatili ang physical distancing ng mga mamimili?

SK LEVISTE:  Yes po so, Sec, our market, we have proper physical distancing. So, every costumer will be given a chair with a space properly distanced from one another. So, iyong mga stalls po na nasa market namin ay properly distanced din po sa isa’ -isa to avoid congestion in the different areas around our facility.

SEC. ANDANAR:  Okay. Kay Vice Gov. Mark naman. Kumusta po ang naging pamamahagi naman natin ng SAP at food packs diyan po sa Batangas? I am just curious kung ano ang pinagkaiba nito doon sa Barangay Bel-air doon sa Makati kung saan iyong anak mo ay kagawad at diyan po naman sa inyo sa Batangas.

VICE GOV. LEVISTE:  Thank you very much, Sec. Martin. Sa aking pag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng ating lalawigan, marami na po sa ating mga Sangguniang Barangay at LGUs ay nakapag-comply na sa pag-liquidate ng distribution ng mga ayuda kasama po ang SAP. Subalit may mga ibang lugar pa rin po or barangay na mapahanggang ngayon, tinatapos pa rin o kinukumpleto nila nang liquidation.

Nauunawaan po namin iyong direktiba ng DILG na maaring hindi mabigyan o matuloy ang ikalawang bahagi or second tranche kung hindi fully liquidated ang distribution ng mga aid to barangays mula sa ating national government sa pamamagitan ng DSWD. Kung kaya’t pinapaalala po namin sa ating mga ka-barangay na tapusin na at effectively distribute all the aid that we are receiving from our national government.

Kami mismo sa provincial government of Batangas at nakapag-realign ng mahigit 490 million pesos na po mula sa pamahalaang panlalawigan bilang ayuda sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan ng tulong lalo na higit iyong mga daily wage earners natin na ngayon walang kita kung kaya’t nahihirapan po na maibsan ang COVID-19.

Ang Sangguniang Panlalawigan din po ay nagpasa ng isang resolution na humihiling sa ating butihing Pangulo Rodrigo Roa Duterte, ganundin po sa ating National Inter-Agency Task Force, ganundin sa ating DSWD at sa ating Kongreso na isama or i-include ang ating mga barangay officials and duly recognized barangay functionaries sa ating Special Amelioration Program or SAP. Ito po ay ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan kahapon sa aming regular session at umaasa po kami, na kasama ang iba’t ibang probinsya ng Pilipinas, ay mapagbigyan ang aming kahilingan sa ating national government.

USEC. IGNACIO:  Ronin, sa paanong paraan kayo tumutulong o iyong Sangguniang Kabataan ng Bel-Air doon sa mga nangangailangan talaga ng tulong at may programa ba kayo para naman doon sa tinatawag nating mga homeless o wala talagang tirahan?

SK LEVISTE: Yes, po. So dito po sa Barangay Bel-Air nag-roll out po ang aming barangay council ng financial assistance program para sa ating mga kasambahay or household help pati na rin po sa lahat ng construction workers na na-stuck po dito sa barangay namin. So, right now, there are around 385 constructions workers, some of which do not receive sufficient compensation from their contractors po. So, naglahad po ang ating council ng isang financial assistance program para sa mga construction workers na ito. At tulung-tulong po ang buong barangay, ang aming barangay council at pati na rin ang iba’t ibang residente sa pagbigay ng iba’t ibang food packs at pagkain sa ating mga construction workers or iyong mga daily wage earners dito sa ating barangay.

USEC. IGNACIO:  Para naman po kay Governor Mark Leviste. Ang Batangas po ay nagbalangkas na ng contingency plan once na ma-lift o iyong ECQ. Puwede po ba ninyo kaming bigyan ng detalye tungkol dito? Kasi siyempre nami-miss din naming pumunta sa Batangas.

VICE GOV. LEVISTE:  For the record, Vice Governor lamang po. Ang aming Governor ay si Governor Dodo Mandanas, ng lalawigan ng Batangas.

Maliban po sa ating pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan pangkalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan, nagpo-focus na rin po ang ating pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas sa ating economic rehabilitation plan, hindi lamang pagkatapos ng COVID-19, kung hindi natatandaan po natin halos hindi pa po kami tapos o nagsisimula pa lang po kami bumangon mula sa krisis dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Kanina po nakikinig ako kay Usec. Bengzon ng Department of Tourism. At isa po ang turismo ang pinakanaapektuhang industriya sa lalawigan ng Batangas. Ito po sana ang panahon, iyong summer season kung saan kami ay dinadagsa ng maraming turista hindi lamang sa buong Pilipinas, kung hindi kahit mula sa ibayong dagat. Unfortunately, ang aming mga tourism establishments, resorts and hotels, restaurants are closed and not operational at this juncture during this ECQ period.

Subalit kapag na-modify o gumaan ang ating kalagayan or status, kami ay umasa na manumbalik ang sigla ng turismo sa aming lalawigan sa tulong ng ating DOT at kami ay umaasa na tatangkilikin po tayo ng ating mga kababayan kapag pinag-usapan ang domestic tourism.

SEC. ANDANAR: Vice Gov. Mark at kay Kagawad Ronin, ito it’s a question for the two of you. Alam ko na ang public service talaga ay nananalaytay sa inyong dugo mula po doon kay Governor Leviste hanggang kay Mark, at ngayon naman ay sa anak. Ako’y curious lang, Vice Gov. Mark, ikaw ay nasa Batangas tapos si Ronin naman ay nasa Bel-Air, Makati. I was expecting na si Ronin ay tumakbo din diyan sa Batangas. Ano naman ang naging rason ng inyong paghiwalay ng public service?

GOVERNOR LEVISTE: Una sa lahat, tama iyong sinabi ninyo, Sec. Martin, hindi lang nasa dugo ng bata iyong public service and good governance. At ang ikinatutuwa ko po ay very passionate and motivated po siya sa paglingkod at pagtulong sa ating mga kababayan.

Hindi mo na naitatanong, Sec. Martin, na nagsimula ang aking karera sa pulitika sa Sangguniang Kabataan level dito rin po sa Barangay Bel-Air in Makati City from 1996 to 2002. Ako ay naging kagawad din po tulad ni Ronin. Sa katunayan, during may previous elections, hindi nga po ako nakakuha ng boto mula sa aking sariling anak dahil ako’y botante ng Lungsod ng Lipa sa Lalawigan ng Batangas, samantala ang aking mga anak ay botante dito po sa Barangay Bel-Air in Makati City.

Kaya po namin napag-isipan na siya ay magrehistro sa Lungsod ng Makati dahil siya po ay hanggang ngayon ay nag-aaral sa Lungsod ng Maynila, sa De La Salle University. At para hindi po maabala ang kaniyang pag-aaral, minarapat po namin na maging accessible ang kaniyang pag-aaral at ang kaniyang paglilingkod sa bayan.

SEC. ANDANAR: At bilang ama, Vice Gov. Mark, hindi ba kayo nababahala sa kaligtasan ng inyong anak sa panahong ito?

GOVERNOR LEVISTE: Hindi po maaalis ang aking pagkakaba at pag-alala tuwing siya ay lumalabas, pero ako ay hanga sa aking mga anak. You know, I have three children – Ronin, Ariel and C2. At ang dalawa sa aking malalaking mga anak, si Ronin at si Ariel, ay tila volunteer frontliners sa panahong ito sa kalagitnaan ng COVID-19. Lagi ko pong pinapaalala sa kanila na sa kanilang kagustuhan na tumulong, huwag nilang kalilimutan ang sarili nilang kalusugan at kaligtasan.

Si Ronin ay tumutulong din po sa iba’t ibang NGOs maliban sa kaniyang trabaho sa Sangguniang Kabataan dito po sa Lungsod ng Makati. Siya rin po ay Pangalawang Pangulo ng University Student Government ng De La Salle University, at siya po ay nagbo-volunteer sa mga iba’t ibang tanggapan ng ating pamahalaan tulad po ng Office of the Vice President, ganoon din po sa grupo ni Senator Grace Poe.

USEC. IGNACIO: Sabi nga natin, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ano naman po ang mensahe ninyo sa inyong kabataan na may kakayahan naman pong tumulong ngayong panahong ng krisis?

KAGAWAD RONIN LEVISTE: Para sa akin po, gawin po natin ang ating makakaya or ang ating lahat upang makatulong sa ating lipunan. Pero siyempre po, the best that we can do is for us to practice all the safety precautions in relation po to COVID-19. At siyempre po, the best that we can do sometimes is to stay at home.

Pero sa may mga gustong gumawa ng iba’t ibang proyekto, magtulung-tulong po tayo at alam po natin na… especially po sa pagtugon sa isang pandemic, kailangan po ay sama-sama po tayo na gawin ang lahat upang makatulong sa ating kapwa.

SEC. ANDANAR: At papaano ninyo, Vice at Kagawad, i-encourage ang ibang pamilyang Pilipino na may kakayahang tumulong?

VICE GOVERNOR LEVISTE: Well, Sec. Martin, Usec. Rocky, alam mo hindi porke’t tayo ay nananatili sa bahay or stay at home ay ibig sabihin kinakailangan nating maging inutil or naiinip. Sa katunayan, we can continue to contribute to our society and be productive even in the comforts of our own home. Isang paraan dito ay bilang magulang, kinakailangang i-involve natin hindi lamang ang ating mga anak at pamilya kung hindi pati na rin ang ating mga kasambahay.

There was one instance iyong namigay po ng facemasks si Ronin at ang kaniyang Sangguniang Kabataan dito sa aming barangay na nagtulung-tulong po kami na iempake po ito sa aming tahanan kasama po ang aming mga kasambahay.

Ang isang praktikal na paraan para sa ating mga kapamilya at ganoon din sa ating mga kababayan na gustong magtulung-tulong tulad nang sinabi ni Ronin, first, let us replicate the best practices of our society. Hindi natin kailangan i-re-invent ang wheel. Kung ano ang magandang ginagawa sa isang lugar o ng isang pamilya, puwede po nating tularan ito para sa sarili nating community.

Pangalawa, let’s involve our families, our relatives and loved ones, even our household because this is an opportune time to actually inculcate compassion, humanity and nationalism most especially to our children or the youth of our society.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong oras, Vice Governor Mark Leviste at SK Kagawad Ronin Leviste. At, Usec. Rocky, ako’y pansamantalang magpapaalam muna dahil kailangan ko munang tumakbo sa kabilang meeting. Mayroon akong… dito sa IATF. So magkita tayong muli bukas ng alas onse ng umaga, Usec. Rocky Ignacio, partner.

USEC. IGNACIO: Opo, sige, Secretary, at para malaman natin kung ano pa rin iyong guidelines na ipalalabas ng IATF. Maraming salamat, Secretary.

Kaugnay naman po sa lagay ng ating mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang panig ng mundo, makakausap natin si Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration. Magandang araw, Administrator.

ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang araw sa inyo, USec. Rocky; sa inyong mga tagapakinig, tagapanood. Happy Labor Day po.

USEC. IGNACIO: Opo, maraming salamat. Happy Labor Day. Puwede ninyo po ba kaming bigyan ng update sa lagay ng ating mga OFWs, ito po iyong tinuturing nating modern heroes?

ADMINISTRATOR CACDAC: Sa ngayon po …medyo hindi ko po nadinig iyong tanong. But ang update na maibibigay ko po sa ngayon ay mayroon na tayong mga 20,000 na mga OFWs na nangangailangan ng tulong na binigyan po natin ng either transportation or food or accommodation assistance.

With regards to accommodation assistance, gawa po ng ating mandatory quarantine, umaabot na po sa halos 8,000 ang mga OFWs na naka-billet po sa mga hotels sa greater Manila area kung saan po OWWA ang nakapag-identify ng hotel quarantine facility nila. At patuloy po na dumadating ang mga OFWs na binibigyan natin ng hotel quarantine facility; until May 15 po ito, itong second extended ECQ period.

USEC. IGNACIO: Sir Leo, patuloy po iyong pagdating ng ating mga repatriated na OFWs. So far, ilan po iyong mga naaasikaso ninyo at mayroon pa po ba tayong inaasahang darating pa sa mga susunod na araw?

ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, so far po ay mga… ang kabuuang bilang ay around 20,000 na po. At ito nga po, iyong mga naka-billet sa hotels ay around mga approaching 8,000 na po sila kung saan minamanmanan natin ang 14-day quarantine ng ating mga OFWs in OWWA-identified hotel facilities.

Bukod po dito, mayroon din tayong food program sa mga stranded seafarers and other OFWs around the metropolis dahil nga po sa hindi sila nakaalis pa-abroad kaya’t sila ay naninirahan sa mga boarding houses, dormitories, etc., at kailangan nila ay pagkain. So nagbibigay po tayo ng pagkain sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman doon sa hotel accommodation, mayroon kasing mga nakarating sa atin iyong mga ginagamit pong bilang quarantine facility para sa mga dumarating na OFWs. May ilan po kasing mga kababayan na naglabas ng hinaing tungkol daw po sa poor sanitation ng ilang hotel na kanilang tinutuluyan. Paano po ba iyong ginagawa ninyong coordination sa mga may-ari ng hotel at ano po iyong protocol once na pumasok na po sila o dumating na sila sa mga hotel?

ADMINISTRATOR CACDAC:  Opo. Lahat naman ho ng facilities natin are DOT accredited facilities, at ako po mismo ay nagra-rounds din po kasama ng mga kasama kong opisyales at empleyado sa OWWA; mayroon tayong mga house parents at roving nurses. Noong isang araw, nagsimula tayong mag-implement ng mental health sa mga naninirahan po sa mga hotels natin undertaking 14-day quarantine para magabayan po sa aspeto ng kanilang mental health, iyong mga nandoon.

At nagpapasalamat din tayo sa Ugat Foundation, sa Philippine Red Cross kay Senator Dick Gordon kasi inalok po ni Senator Gordon iyong 1158 hotline, Mental Helpline ng Philippine Red Cross.

So minamanmanan po natin ang sitwasyon, mayroong mga manaka-nakang complaints siyempre. Halimbawa may isang hotel na sabi noong isa, nag-text sa akin, kulang daw iyong tubig na binibigay, dagdagan daw ng isang botelya. So ito po ay ina-address naman po natin, mga day-to-day operational concerns po ito. But by and large, tayo po ay nakakapagmentina ng mga disente po na mga hotel accommodations.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir, mayroon tayong tanong galing lang kay Joseph Morong ng GMA7. Regarding daw po ito doon sa PhilHealth premium ng mga OFWs, sabi nila may bago daw pong memo na 3% of monthly required na. Marami daw po ang medyo hindi ito gusto at may umalma. Itutuloy ba daw ito or puwede pong hindi na ipatupad?

ADMINISTRATOR CACDAC:  In fairness to the PhilHealth ‘no, I’m sure they have their own reasons kung ba’t nila ipinatupad iyan. I think ang mahalagang punto dito is whether or not ito ay linked sa kanilang pagpapaalis bilang OFW, iyong mga tinatawag na Overseas Exit Clearance Requirement sa POEA. So siguro mahalaga din na magkausap sa tingin ko si POEA Administrator Olalia at ang PhilHealth para magabayan ang mga OFWs sa sitwasyon na ito.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sa ngayon ba Administrator, ilang OFWs na po iyong nabahagian natin ng cash assistance at mayroon pa po bang mga nakalinya or naka-pending na dapat ay mabigyan na?

ADMINISTRATOR CACDAC:  Yes, salamat sa tanong Usec. Rocky. Kasi isang bahagi po iyan ng aming trabaho din dito sa OWWA, iyong pagpapasinaya ng iniutos sa amin, iniatas sa amin ni Secretary Bello, iyong pag-evaluate ng mga applications doon sa DOLE AKAP na tinatawag, P10,000 financial assistance.

Sa ngayon po ay approaching mga 35,000 na iyong applications na approved natin at mga 50/50 po dito, 50% land-based na-approve and 50% sea-based. Pino-point out ko po ito kasi maraming mga seafarers na nagsasabing dehado sila sa programa na ‘to. So huwag kayong mag-alala, 50/50 po ang distribution.

So, so far 35,000, ang target po natin na benepisyaryo dito sa Pilipinas ay 50,000 beneficiaries kasi po iyong karamihan ng mga allocation ay doon sa overseas posts. Doon po namamahagi talaga ng mga 70% of the DOLE AKAP. The remaining 30 to 35 percent dito sa Pilipinas, at sabi ko nga we are already finished with 35,000 approved applications and we are approaching the target of 50,000.

USEC. IGNACIO:  Administrator, may nagpadala rin po ng mensahe ang ating kababayan. “Iyong asawa po ng teacher ko na nasa Qatar ngayon,” na nag-positive daw po sa COVID-19. Wala ba raw po ng aksiyon ang embahada doon or iyong OWWA to at least, na tingnan naman po daw iyong kanilang sitwasyon.

ADMINISTRATOR CACDAC:  Yes, of course. Ang POLO, OWWA kasama ng embahada ay minamanmanan ang sitwasyon na nag-COVID positive na mga kababayan natin. May kaunting sensitivity sa ilang kasi nga may confidentiality rule ang ilang mga host countries. But kung makikilala naman po natin ay agad naman ho natin minamanmanan at kinakamusta iyong sitwasyon ng kababayan natin.

Sa gana po ng OWWA, mayroon tayong 200 US Dollar benefit sa mga COVID positive OFWs at dumulog lang po sa ating 1348, sa POLO, Philippine Overseas Labor Office, OWWA Welfare Officer para po makamit itong 200 US Dollar benefit. At doon naman po sa mga kinasamaang-palad na nasawi dahil sa COVID-19, mayroon din po tayong death and burial assistance.

USEC. IGNACIO:  Ano po Administrator, iyong mensahe ninyo na lang po sa ating milyong OFWs na talagang nasa iba’t ibang panig ng mundo?

ADMINISTRATOR CACDAC:  Opo. Happy Labor Day po muli sa inyo at pinagdarasal po namin ang inyong kaligtasan. Patuloy po tayong maninilbihan, mayroon po tayong food assistance, shelter, transport assistance dito sa Pilipinas at iyong ating financial assistance distribution. On-site po iyong ating food assistance distribution, iyong food program po natin ay patuloy po.

So dumulog lang po sa POLO at sa embahada patungkol dito, at dito naman sa Pilipinas iyong ating 1348 hotline. Manalig po kayo, ang pangako po namin ay maninilbihan kami sa inyo. Happy Labor Day po.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa ating OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Samantala, supplemental budget ng Davao City para sa COVID-19 naaprubahan na. Mula ito sa PTV Davao, maghahatid ng ulat si Julius Pacot.

[NEWS REPORTING BY JULIUS PACOT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa’yo, Julius Pacot ng PTV Davao. Sa bahaging ito ay pupuntahan naman natin ang ating kasamahan na si John Aroa, live mula sa PTV Cebu.

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

USEC. ROCKY: Maraming salamat, John Aroa ng PTV Cebu. Samantala, para alamin ang balita kaugnay sa patuloy na pamamahagi ng Social Amelioration Program sa Cordillera, puntahan natin ang ating kasamahan na si Jorton Campana live mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING BY JORTON CAMPANA]

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat, Jorton Campana ng PTV Cordillera. Samantala, kaugnay pa rin po sa Balik-Probinsiya Program, ayon kay Senator Bong Go malaki po ang maitutulong ng Balik-Probinsiya Program (BPP) sa pag-unlad ng ating agrikultura. Dahil dito hindi na rin aniya kakailanganin ng mga anak ng mga magsasaka at mangingisda na lumuwas ng Maynila para doon makipagsapalaran.

Dagdag pa niya, habang patuloy ang paglaban ng bansa sa COVID-19, kailangang simulan na ang mga paghahanda para sa ating new normal dahil mas mainam kung sigurado at handa ang Pilipinas.

Kaugnay pa rin diyan, iminungkahi ni Senator Go na magsimula na po ang national at lokal na pamahalaan na magsagawa ng trade and industry roadmap, konkreto at kaaya-ayang polisiya ng kapaligiran para marami pong mahikayat na investors.

Ayon pa sa Senador, ang CITIRA [Corporate Income Tax and Incentives Reform Act] Bill na kasalukuyang pending po ngayon sa Senado ay makakatulong para makapag-provide ng patas na tax collection at incentives sa urban at rural areas at magbe-benefit din po aniya rito ang mga rural at lokal na komunidad.

Dagdag pa nito, ang isa rin sa layunin ng BPP ay ang makabalik ang mga Pilipino sa kanilang pamilya at hindi na po kakailanganing mawalay pa para magtrabaho sa Maynila.

Samantala, ngayon po ay makakausap natin si Ronnel del Rio, ng Batangas Information Officer and ang UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific Promoter. Magandang araw po!

BATANGAS PIO DEL RIO: Magandang umaga po, USec. Rocky! Magandang umaga po sa inyong lahat!

USEC. ROCKY: Sir, kumusta na po ang kalagayan ng ating mga kapatid natin na persons with disability? At sa ngayon po, ano-ano po iyong mga kinakailangan nilang assistance?

BATANGAS PIO DEL RIO: Una po, USec. Rocky, maraming salamat po kahit kaunting panahon ay napagbigyan ninyo po kami. Nais ko lang pong sabihin sa inyo na bago po ang COVID, ang mga bulag po humigit-kumulang na 5,000 ay maayos at malayang nagtatrabaho at tumutulong po sa pamahalaan. Sila po ay nagbabayad ng buwis at sila po ay bumubuhay sa kani-kanilang mga pamilya. Pero dahil nga po dito sa COVID na ito, itong pong 5,000 at higit na masahistang ito at ganoon din po ang mga ibang empleyadong may kapansanan ay nahihirapan po sa kanilang kalagayan.

Siguro po sasabihin ninyo lahat naman ng sektor ay nahihirapan. Gusto ko lang po ilambing, USec. Rocky, na ang mga may kapansanan po ay triple ang hirap po na dinadanas ngayon. Una, may nahihirapan pong bumili ng gamot iyong aming mga severely disabled; iyon pong Social Amelioration, kami po ang hinuhuli ng mga barangay captains. Karamihan po iyon ang nagiging eksperiyensya, at least 95% of our sector ay nakaranas po ng ganoon.

Pangatlo po, USec. Rocky, pagkatapos po ng lockdown na ito, dobleng hirap po ang amin pong mga masahistang bulag na kahit po sila ay hindi nakapag-aral at hindi nabigyan ng trabaho ng gobyerno, mismong ang mga kapwa bulag po nila ang humanap ng paraan para magkaroon po sila ng hanap-buhay, USec.

At sana naman po ang lambing po namin kay Secretary Bello sa pamamagitan po ng PCOO, ni USec. Rocky, ni Secretary Andanar, na huwag po kaming pabayaan. Kailangan po naming makipag-usap sa mga malls at sa ibang tumatanggap sa mga masahistang bulag para magkaroon po ng pagkakataon na—kasi siguro po mga hindi lalampas ng anim na buwan bago po kami muling makabawi.

Sa kabila po nito ay humihiling kami ng tulong, ng pang-unawa, ng kalinga sa atin pong pamahalaan na tangkilikin po ninyo ang mga empleyadong may kapansanan lalo na po ang mga masahistang bulag sapagkat kami po ay nagbabayad ng buwis, kami po ay tumutulong sa pamahalaan. At gusto po naming humanap ng solusyon katuwang ang pamahalaan sapagkat naniniwala po kami na ang mga may kapansanan at ang bayan ay dapat magkatuwang para po sa isang magandang lipunan, ma’am.

Kami rin po ay nagpapasalamat sa PTV 4, sa PCOO, dahil po sa inyong tulong ay ginawa po ninyong maintindihan ng mga deaf, na mga Filipinos who are deaf iyon pong mga balita ngayon. Sapagkat bago po kayo dumating, napakahirap mo ng kalagayan po ng ating mga Pilipinong deaf at dahil po sa PTV 4, sa PCOO ay naiintindihan na po nila kahit papaano ang mga balitang nangyayari. At ito po ay ipinapanawagan natin sa lahat ng KBP stations na nakikinig po ngayon na kung puwede po gawin ninyo ng standards sa inyong mga news programs ang FSL sign language interpretation.

USec. Rocky, at akin lang pong muling inilalambing sa pamamagitan po ng PCOO, pangarap po namin, USec. Rocky na sana po sa susunod na taon kasama na natin si Secretary Bello at sa pamamagitan po ng binhing ipinunla ni Secretary Andanar at ni USec. Ignacio ay maririnig po ninyo ang pagsisikap na ginawa ng DOLE upang hindi mawalan ng trabaho ang mga bulag at ang iba pong may kapansanan at ayaw po naming bumalik sa lansangan para mamalimos.

Gusto po naming katulong kami ng bayan, katulong kami ng lipunan para maging pare-pareho tayong magpa-unlad sa bayang Pilipinas, USec. Rocky.

USEC. ROCKY: Maraming salamat po sa inyo, Mr. Ronnel del Rio at kami po dito sa pamahalaan ay bukas po sa inyo at kung mayroon pa po kayong mga gustong iparating sa gobyerno ay bukas po ang Laging Handa program para po sa inyo.

BATANGAS PIO DEL RIO: Maraming pong salamat, USec. Rocky. At sa panghuli po, nais ko pong sabihin na kami po na mga Pilipinong may kapansanan ay naniniwala na lahat po tayo ay magkatuwang sa laban na ito ng COVID. Tandaan lang po natin na tayo dapat ay may common vision, common values but shared responsibilities.

At muli po, marami pong salamat, USec. Rocky at sana po sa pamamagitan nga po ng programang ito at ng PCOO makatulong po kayo na maiugnay kami sa DOLE at sa mga kaugnay na ahensya para po hindi mawalan ng hanap-buhay at hindi bumalik sa lansangan ang atin pong bulag na mga masahista at iba pa pong mga may kapansanan sa Pilipinas.

Mabuhay po ang Laging Handa!

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Mr. Del Rio, sa inyo pong oras at panahon. Kami po ay nagpapasalamat pa rin sa mga sumusubaybay po sa Laging Handa program. Iyon pong mga nakasama namin simula pa March 16 nang magsimula po itong programa, salamat po sa inyo. Antabayanan ninyo po at makakasama po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque maya-maya lamang.

Nais ko lang din pong pasalamatan iyong mga tumutulong din sa atin. Kasama po diyan ang DZRH, DZMM, DZBB, ang RMN ang Bombo Radyo, and DZEC, DZEM, INC Radio, Manila Bulletin Online, ang One News TV5, Radyo Inquirer, Abante Online, CNN Philippines at ang Star FM Bombo Radyo.

Samantala, ngayong unang araw po ng Mayo ipinagdiriwang ang ating Labor Day, kanina po ay narinig ninyo ng pahayag ng Pangulo. Sa kabila nga po ng mga nakakalungkot na kinakaharap ng marami nating manggagawa dulot po ng COVID-19, marami pa rin sa ating mga kababayan ang buong puso pa rin pong nagseserbisyo para sa bayan at bilang pagpupugay narito po si May Olaco.

[TRIBUTE]  

Ngayon po ay makakausap na natin is Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang araw, Secretary?

SEC. ROQUE:  Yes, Usec. Rocky, magandang araw, magandang araw po buong Pilipinas. Aanunsiyo ko lang po na galing po ako sa IATF meeting ngayon na kasalukuyan po ay nagpapatuloy pa rin.

At alinsunod po sa mga reklamo na natanggap na nanggaling po sa mga lokal na opisyal na imposible daw pong ma-implement iyong social distancing sa religious meeting at saka sa mga work gatherings ay nabago na po ang guidelines, bumalik po tayo doon sa rules under ECQ. Bawal pa rin po ang work gatherings, bawal pa rin po ang pagtitipon for religious activities, maski po sa ilalim tayo ng GCQ.

Uulitin ko po: pinakinggan po ng IATF ang tawag ng mga lokal na opisyales at ipinagbabawal po muli ang mga work gatherings at mga religious activities sa mga areas covered by GCQ.

At nagkaroon naman po ng impormasyon, na nakonsulta na po natin mula kahapon hanggang ngayon ang halos lahat po ng mga relihiyon – ang mga Muslim, ang mga Kristiyano, Protestante, Iglesia Ni Cristo – lahat halos po nakonsulta na at sang-ayon naman sila na kinakailangan pangangalagaan muna ang kalusugan ng mga nanampalataya. So, sang-ayon po sila na huwag munang ituloy ang mga religious meetings habang tayo po ay mayroong GCQ.

So alam ko po marami sa atin gusto nang sumamba sa simbahan, pero sa ngayon po, ipinagbabawal pa po natin muli iyan.

At sabi naman po doon sa IATF meeting, marami naman pong mga alternatibo ngayon halos lahat po ng pananampalataya ay nasa internet at di naman kaya ay sa radyo o di naman kaya sa telebisyon o di naman kaya sa personal na relasyon sa ating Panginoon.

So iyon lang po ang aking anunsiyo para po iyong mga nagpaplano na magpulong ngayon lalo na iyong mga nag-o-observe po ng Hajj, ang sabi po ng isang Mayor… ng Governor po pala ho ng Lanao, talagang imposible daw po ang social distancing kapag samba sa Muslim lalo na po ngayong Hajj dahil shoulder to shoulder po talaga ang pagsasamba.

So, para po maiwasan nga ang pagkalat ng COVID-19, ipinagbabawal po muna sa ngayon ang mga religious gatherings; sana po malinaw iyan.

Kung mayroon pong katanungan sa Malacañang Press Corps puwede ko pong sagutin.

USEC. IGNACIO: Secretary, malinaw po iyong naging mensahe tungkol pa rin sa guidelines pagdating pa rin sa pag-iral ng ECQ at ng GCQ. Iyong tanong po ng iba nating kasamahan, ano naman daw po—kasi Labor Day daw po ngayon, ano daw po iyong… kung mayroon daw pong magandang regalo ang ating mga manggagawa mula po sa pamahalaan?

SEC. ROQUE: Nasa telepono ko po iyong listahan, pero nag-anunsiyo po o mag-aanunsiyo si Secretary Bello noong recovery plan. Iyong mga naubusan na pong pondo ng ayuda sa TUPAD at saka doon sa CAMP, iyan po ang magpapatuloy at marami pa pong ayudang maibibigay sa ating mga manggagawa ngayong panahon po ng mayroong COVID-19. Hindi ko lang po mabasa isa-isa dahil iyong aking notes po nasa cellphone ginamit ko ngayon.

USEC. IGNACIO: Secretary, mula kay Joseph Morong ng GMA7. Iyon daw po bang POGO ay ina-allow na?

SEC. ROQUE:  Ang BPOs po ay ina-allow at ang POGO po talaga ay isang BPO. Pero lilinawin ko po, hindi lahat maa-allow, unang-una ang BIR po talaga ang magde-determine kung sino lang puwedeng mag-operate dahil kung mayroon pong pagkakautang by way of buwis sa gobyerno, hindi po puwedeng mag-operate.

Pangalawa po, kinakailangang wala ring utang sa PAGCOR, so kinakailangan ng clearance ng PAGCOR, kinakailangan ng clearance ng BIR at saka 30% work capacity lang po ang ina-allow natin at lahat po ng manggagawa kinakailangan covered po ng COVID-19 testing. Siyempre po iyong mga positive, hindi po papayagan pero as a prerequisite para makapasok po iyong mga tao, kinakailangan magkaroon ng COVID-19 testing, PCR or rapid test po. At ang lahat po ng proceeds na kikitain naman po ng BPOs na galing sa POGO, eh lahat po iyan ilalaan po natin iyan 100% dito po sa mga gastusin related sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo, may tanong si Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Did the IATF considered the appeal of other provinces to include them in ECQ areas?

SEC. ROQUE:  Kung kinonsider iyong ano po ng mga probinsya?

USEC. IGNACIO: Kung iko-consider po iyong mga apila ng ibang mga probinsya… na siguro po ang ibig niyang sabihin dito iyong mga appeal nila doon sa… nasa ECQ na provinces?

SEC. ROQUE:  Well, ang alam ko po at ako ay nagulat marami pa lang gustong mag-ECQ pa ‘no. Pero ang panuntunan po ang mga gobernador ay pupuwedeng mag-ECQ ng component cities at saka ng mga municipalities, pero kinakailangan po may concurrence po ang local IATF. Ang mga Mayor ng highly urbanized cities pupuwedeng magpasailalim ng ECQ ng mga barangay pero kinakailangan din po ng pagsang-ayon ng local IATF. Pero wala pong probinsya na pupuwedeng mag ECQ or GCQ para sa buong probinsya ng wala pong abiso ang IATF.

Pero may mga apila po ‘no. In fact, ang unang nag-apila po siyang Bacolod City, sinang-ayunan naman at napasailalim sa ECQ ang Bacolod, ang alam ko po mayroon pang apila ang Zamboanga City, ang Legazpi City. Iyon lang po ang naiisip ko ngayon na mga nag-aapila na manatili po sa ECQ.  Hindi pa naaksiyunan ng IATF dahil mahaba rin po iyong pag-uusapan ng IATF kasama na rin po iyong second tranche ng SAP disbursement.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ito tanong ni Julie Aurelio: “Will DOTr allow resumption of TNVS services in GCQ areas?” Tapos sabi niya, “What health protocols to be observed?”

SEC. ROQUE:  Ano po iyong TNVS?

USEC. IGNACIO:  TNVS services po, parang ito iyong mga… Grab ba ‘to sir, iyong sa mga sasakyan, sa GCQ areas.

SEC. ROQUE:  Sa ECQ po ‘di ba, hindi naman sila allowed. Sa GCQ puwede po ang taxi pero iyon nga po ‘no, limitado po ang pasahero. So kung ang TNVS po, iyong mga Grab eh limitado po ang pasahero pero GCQ lang po, hindi sa ECQ.

USEC. IGNACIO:  So papaano daw po iyong mga motorcycle taxis, kung papayagan daw po silang mag-operate?

SEC. ROQUE:  Iyong mga Angkas? Eh imposible po ang social distancing sa Angkas eh. Imposible po ang social distancing sa Angkas dahil magkatabi kayo. Ang pupuwede lang po, iyong pupuwedeng social distancing at ang requirement po ay one-meter social distancing sa mga pampublikong sasakyan. Iyong mga hindi pupuwedeng mag-one-meter, ang mga jeepney dahil harapan po iyan, hindi pa rin po pupuwede sa GCQ.

USEC. IGNACIO:  From Joseph Morong. Iyon daw pong domestic tourism bawal pa rin daw po ba, iyong mga flights?

SEC. ROQUE:  Bawal pa rin po. Bawal pa rin po ang local tourism—

USEC. IGNACIO:  Or ina-allow daw po ito under—

SEC. ROQUE:  Ay sorry, akala ko tapos na iyong tanong. Ano po iyon?

USEC. IGNACIO:  Kung ia-allow daw po iyon under GCQ?

SEC. ROQUE:  Hindi po. Wala pa rin pong turismo. Ang mga hotels, bahagya lang po silang puwedeng magbukas at mayroon pong mga requirements ‘no, kung iyan po ay tinitirhan noong mga OFWs natin na nagku-quarantine; iyong para doon sa mga foreign guests po na mayroong booking effective May 1; iyong mga long staying guests ‘no. Pero hindi pa po talaga allowed magbukas ang mga hotel for purposes of tourism.

USEC. IGNACIO:  Opo. Mula naman kay Sam ng Business Mirror. Gusto lang niya ma-clarify kung GCQ areas lang po ba allowed ang POGOs? Para po ba ito sa ECQ or GCQ areas?

SEC. ROQUE:  Well kung titingnan ninyo po kasi ‘no, maski sa ECQ allowed po ang BPOs. Ang requirement naman nga po diyan ay kinakailangang mayroong accommodations in site o ‘di naman kaya ay mayroong shuttle service. At saka kung pupuwede 50/50 nga, 50% in work site at saka 50% work-from-home.

Pero pagdating po sa POGOs, may special requirement, hanggang 30% at saka iyong—in the end po, BIR po ang mag-o-authorize niyan. Dahil kung walang go signal po ng BIR at ng PAGCOR ay hindi po pupuwede. Ibig sabihin, lahat ng iligal na POGOs, hindi po pupuwede.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary Roque, kung mamarapatin ninyo po, marami lang pong nakiusap sa atin. Kung puwede ninyo daw pong ulitin muli iyong anunsiyo kanina lamang, Secretary.

SEC. ROQUE:  Ah, inaanunsiyo ko po na sa nagaganap na pagpupulong ng IATF ngayon at alinsunod sa mga protesta ng mga lokal na opisyales sa mga areas na nasa ilalim pa rin ng GCQ, pinagbabawal po muli ang mass gathering even for religious activities or iyong mga work-related gatherings ‘no. So balik po tayo doon sa rule na bawal pa rin ang mass gatherings po.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat, Presidential Spokesperson Harry Roque.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO:  Kani-kanina lang po ay nakasama natin si Presidential Spokesperson Harry Roque para sa isang mahalagang anunsiyo; maraming salamat po.

At isang oras na naman po na puno ng balita’t impormasyon ang muli nating natunghayan ngayong umaga. Kaya naman po sa mga nagpaunlak ng kanilang panahon sa programa, maraming salamat po.

Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Tandaan sa ating pagbabayanihan, malalagpasan natin ang pagsubok na ito. Together, we heal as one. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)