Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Audrey Gorriceta

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

GORRICETA: Magandang umaga, bansang Pilipinas. Pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon Power Grid na nagdulot ng brownout sa ilang lugar, trapiko, at seguridad ng mga pasahero, bakunahan, ilan lang iyan sa ating mga hihimayin at mga pag-uusapan ngayong araw ng Huwebes.

Sa ngalan po ni Usec. Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng ilang mga magulang sa face-to-face classes sa harap ng nakikitang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakadepende sa alert level system ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga eskuwelahan. Nangangahulugan aniya ito na ang mga lugar na nasa ilalim ng mababang alert level ay ligtas na magsagawa ng face-to-face classes.

Tiniyak din ni Vergeire na hindi hahayaan ng pamahalaan na magbukas kung may nakikitang panganib sa kanilang pagbabalik sa paaralan.

Hinikayat din niya ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para tumaas ang kanilang proteksyon laban sa COVID-19.

[VTR]

GORRICETA: At mga kababayan, kahapon po ay umarangkada na ang pagbibigay ng booster dose sa mga edad labindalawa hanggang labimpito. Para makibalita tayo kaugnay niyan, makakasama po natin si Dr. Benito Atienza, former president ng Philippine Medical Association. Dok, magandang umaga po sa inyo.

DR. BENITO ATIENZA: Magandang umaga po sa inyo at sa lahat po ng ating nakikinig at nanunood po sa inyong programang Laging Handa.

GORRICETA: Okay, Dok, una po nating nais malaman ay kung kumusta po ang pagbabakuna sa ilang mga piling ospital kahapon?

DR. BENITO ATIENZA: Actually po, may mga nagpapabakuna po. I-clarify po natin, ang puwede pa lang na bakunahan po ng booster doon po sa ating first booster sa mga bata ay iyong 12 to 17 na immunocompromised po. Pero iyong lahat po ng first dose at second dose, open po iyon sa 5 to 17 years old po. Ito po ay isa lang bakuna, ito po iyong Pfizer.

GORRICETA: Okay. Doctor, bagama’t ilang lugar pa lang ang nakahanda at nagsimulang magbakuna ng booster dose sa 12 to 17 years old, kumusta rin po ang paghahanda sa mga klinika naman at iba pang ospital? Ano po ang dahilan kung bakit hindi po muna sila makapagbibigay ng booster shot?

DR. BENITO ATIENZA: Kasi po ang may EUA pa lang po ngayon sa 12 to 17 ay ito pong immunocompromised. Iyon lang po ang pinayagan po ng ating FDA at saka DOH through HTAC. Iyon po ang recommendation nila. Baka susunod na po iyong iba pang mga walang comorbidities o hindi immunocompromised. Inuuna lang po natin iyong mga immunocompromised, sila po iyong puwedeng mahawaan or bumababa na ang immunity nila kasi matagal na silang nabakunahan. Iyon po ang una sa priority.

At saka po, limited pa rin po ang mga bakuna sa bata kasi iba po iyong ibinabakuna natin sa bata kaysa sa matanda kasi iba po iyong dose at saka Pfizer lang po iyan kaya ina-allot muna doon sa priority group.

GORRICETA: Sabi mo, Dok, limitado ano. Pero sapat naman po ba ang supply ng bakunang ito, ng Pfizer, para sa mga kabataan?

DR. BENITO ATIENZA: Yes po. Kaya nga po pina-prioritize muna, inuuna po natin iyon pong mga ano muna natin kasi iyong Pfizer po—kasi iba po iyong formulation ng para sa 12 to 17 rather po doon sa adult. Kasi ang inaano natin ay iyong edad, hindi po iyong timbang, iyong edad po ng bata.

GORRICETA: Okay, Dok, recently, tumataas po itong mga naitatalang kaso ng COVID-19. May reaction po ba kayo dito?

DR. BENITO ATIENZA: Kaya nga po, ang reaksiyon natin ay talaga pong … kasi humihina na ang ano kasi marami po sa atin ang nabigyan ng primary dose, iyong first at saka second dose, lampas na po ng six months. Kaya po ang rekomendasyon po ay iyon pong wala pang booster na 18 at pataas po ay dapat mabigyan na ng first dose. Kasi ang nabigyan pa lang po ng first dose, ng booster dose ay 14 plus million pa lang; wala pa nga po sa 15 million. At kailangan po natin kasi ang nabakunahan na po sa ating populasyon ay more than 69 million or 70% of the target population.

Kaya nga hinihikayat natin ang ating mga mamamayan, lalo na iyong mga bata na 5 to 17 na wala pang first dose at saka second dose, ay magpabakuna na habang nasa Level 1 pa lang po tayo. At saka sinasabi po natin na napakahalaga po ng bakuna para po malabanan natin ang COVID. Ang nilalabanan po natin dito ay hindi tayo magkaroon ng severe COVID. At nakikita po natin sa datos ng DOH noong nakaraang linggo, nag-increase po ng 82% iyong mga nagkaka[garbled]. Sa buong bansa, nag-a-average na po tayo ng 500 plus. Iyong last week po, bago ilabas po iyong … kasi weekly na po ang paglalabas ngayon ng datos ng DOH, at sinabi po doon na more than 500 na ang nagkakaroon ng COVID, nagpa-positive sa buong Pilipinas. At sinasabi rin noon na na ito ay umaabot ng 82%. Pero iyong mga na-admit o severe o critical noong nakaraang linggo is 554 or ito ay ten percent ng mga nag-positive sa COVID.

Kaya pinapaalalahanan natin ang ating mga mamamayan na kung kayo ay may sintomas o na-expose, dapat ay magpa-test po tayo. Kasi ang marami lang nati-test lang po ngayon ay iyong mga ina-admit sa mga ospital kasi requirement po sa ospital na magpa-antigen test or RT-PCR po iyong mga ia-admit para mai-segregate po. At nakita po natin na may mangilan-ngilan na po tayong mga nagpa-positive pero hindi naman po serious.

GORRICETA: Okay, Dok, isunod ko na po ang katanungan mula kay Vic Tahod ng Sonshine Radio: Ano raw po ang mairirekomenda ninyo, itaas na po ba sa Alert Level 2 ang NCR at ipatutupad muna ang granular lockdown?

DR. BENITO ATIENZA: Sa akin pong palagay, ang nagdi-decide po niyan ay IATF through DOH po at saka mga advisers, ating mga experts, at isa po sa mga batayan nga ay iyong sinabi ko kanina, iyong number of mga patients na naa-ICU. Kapag nadami po [garbled] doon po nila bini-base.

At sa ngayon naman po ay nakikita natin, dapat po tayong mag-ingat para hindi na tayo … huwag na po nating hintayin na magkaroon tayo ulit ng lockdown. Ang laging pinapaalala natin sa ating mga kababayan ay mag-ingat; magsuot pa rin ng mask; magpabakuna; huwag tumigil sa mga closed areas, dapat iyong free flowing iyong hangin; at saka po social distancing pa rin. Iyon po ang dapat na sundin natin, at higit sa lahat ay engganyuhin po natin na magpa-booster iyong ating mga kababayan kasi mayroon pa tayong 15 million plus na hindi pa nabibigyan ng booster na nabigyan na ng first at saka second dose. Kasi po malaki pong bagay ito para malabanan po natin ang pagkalat ng COVID. Sinasabi pa rin natin sa ating mga bata na bago mag-umpisa ang ating klase lalo iyong sa 5 to 17 years old ay magpabakuna na, hikayatin po natin kasi ibinibigay naman po ang ating mga vaccines, iyon pong mga pambata ay usually sa ospital at saka sa health centers. Pero iyon pong mga boosters, puwede na po kayo, mayroon po tayong mga pharmacies, mga drugstores na accredited po ng DOH, at sa ating mga … especially po doon sa mga ospital po, mga nagbibigay na rin po iyong mga clinics na dapat lang po ay coordinated sa ating mga LGUs at saka DOH, local DOH. Iyon lang po ang kailangan natin para sa [unclear]. Marami po tayong mga bakuna para sa boosters ng ating mga mamamayang Pilipino.

GORRICETA: Okay, Dok, sa ngayon, ilang porsiyento na sa inyong hanay ang nabigyan na ng booster dose?

DR. BENITO ATIENZA: [Garbled] … community po, ang nabakunahan is almost 99%. Iyong first [garbled] ay nabigyan na rin ng first dose at ngayon po ay nag[garbled] two to three weeks, nag-umpisa na po kami ng booster dose, hindi lang sa doktor, para sa ating mga healthcare workers; lahat ng mga frontliners po ay halos nabigyan na po. Kaya nga ang priority ngayon natin ay magbigay naman tayo ng first booster sa ating mga mamamayan kasi palagi pong inuuna ng ang immunocompromised, itong mga elderly, kaya ine-encourage po natin na magpabakuna kasi sila iyong [garbled]. Hindi po natin nakikita iyong [garbled]. Kung tayo ay may mga bakuna maprotektahan natin ang mga bata na wala pang bakuna sa populasyon natin is iyong zero to five. Kaya hinihikayat po natin na habang may mga bakuna po tayo, magpabigay na po ang mga kabataan natin lalo na iyong 5 to 17 (years old), kasi mag-uumpisa na po iyong klase ng face to face. At nakakatuwa nga po sa lugar namin, may mga naka-schedule na sa mga eskuwelahan na gagawin ang bakunahan ng mga bata na in presence ng mga doktor, nurses, mga health care workers natin, para kilala nila iyong babakunahan, kilala ng teachers, kaya nag-i-schedule na rin sa mga schools and Department of Education.

GORRICETA: Okay, Doc, sa usapin po ng health workers. Kumustahin po namin ang pagproseso ng COVID-19 benefits ng ating mga frontliners. May mga aberya pa po bang nararanasan?

DR. BENITO ATIENZA: As of now naman po, ang na-gather ko po, most of government (hospital) halos naibigay na. Ang ipina-process na po ngayon sa mga private hospitals. Dapat po makipag-coordinate sila, iyong mga doktor sa hospital administrator, kasi sila po iyong nagpa-process, naibibigay naman po unti-unti. Kaya lang po kailangan lang ay iyong proseso.

GORRICETA: Okay, Doc, ilang linggo na lamang po at magpapalit na ng administrasyon. Ano po ang panawagan ng mga medical health care workers para sa bagong administrasyon?

DR. BENITO ATIENZA: Bago ko po sagutin iyan, nagpapasalamat po kami sa ating Pangulo at ni-recognize po niya, binigyan po niya ng presidential awards iyong ating mga individual at saka mga grupo na tumulong sa ating pag-ano po ng COVID-19, iyong sa pagbabakuna, sa pagti-treat ng mga may COVID, at pinasalamatan niya ang whole medical community at mga health care workers.

At sa susunod na administrasyon, umaasa po ang pamunuan ng ating mga healthcare workers lalo na po sa medical, ang Philippine Medical Association na sana po makipag-ugnayan pa rin po ang pamunuan ng DOH sa Philippine Medical Association at sa samahan ng ating mga health care workers, itong mga nurse, mga midwives at sana nga po, sabi nga po natin, sana taasan ang mga suweldo ng ating mga doctors lalo na ang ating mga nurses, para hindi sila pumunta sa abroad at doon na humanap ng greener pasture.

Kasi po, talagang during this pandemic nahirapan ang ating mga nurses at saka sa rinig po natin, magiging devolve na iyong mga nurses, maraming mga nurses ang mawawalan ng trabaho doon sa local government, kasi ang pondo niyan, hindi na manggagaling daw po sa national, sa lokal na. Kaya po napakahalaga po ng health care workers, doctor, nurses, medtech, lahat po, pharmacist, para po sa pag-improve at pag-umpisa po ng ating Universal Health Care at lahat po tayo ay dapat magsama-sama at lalo po nating ipaalam sa ating sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng Universal Health Care. Kung wala po iyong mga doktor ay wala pong gagamot sa kanila. Kaya dapat po ay pigilan natin na magkaroon tayo ng (unclear)

GORRICETA: Doc, kumpleto po tayo ng bakuna at maluwag na doon sa mga vaccination center. Ang inyo pong panawagan at mensahe sa ating mga kababayan na hindi pa rin nagpapa-booster o hindi pa rin nagpapabakuna?

DR. BENITO ATIENZA: Hinihikayat po natin ang atin pong mga mamamayan. Iyon pong ating 45 million na mahigit po na hindi nagpapabigay ng booster, lalo na itong mga seniors at saka itong 18 hanggang seniors po natin ay magpabakuna na po, libre po iyan, kahit po saan puwede na tayong magpabakuna, puwede po sa mga paborito nating drugstores, sa ating mga doktor, mga piling hospital po, health center ay mabibigyan na po kayo, tapos iyong ating mga kabataan iyong 5 to 17 (years old) na first dose na wala pang first dose at second dose, magpabakuna na po kayo, libre po iyan.

Pfizer ang ibibigay sa inyo, magandang bakuna at ini-explain po at binabantayan po ng ating mga doktor at mga health care workers before and after kayo bakunahan. At safe po iyan, at ina-ano po natin na dapat po tayong lahat ay mabakunahan at nakita po natin na napakahalaga po ng bakuna at ikumpara po natin sa ibang country na tayo po ay bumaba na ang kaso ng COVID-19. Pero ngayon na may increase na naman, kasi po bumababa na ang ating resistensya at kailangan po natin ng more antibodies para labanan at iyon po ay makukuha natin sa pagpapabakuna.

At ang mga huling nabakunahan na diyan ay lampas na ng five to six months ay kailangan lang po four months bago kayo mabigyan ng booster. At saka eligible na po kayo, puwede na po kayong mabakunahan. At para po doon sa aming mga anak na immunocompromised na 12 to 17, nag-umpisa na po ang pagbibigay sa kanila.

GORRICETA: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Dr. Benito Atienza, former president ng Philippine Medical Association.

Nakitaan ng Department of Health ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang Pilipinas ng halos 40,000 na kaso ng dengue mula January hanggang June 4 ngayong taon, 31% itong mas mataas kumpara sa mga naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2021.

Sa nasabing bilang halos 10,000 ang naitala mula May 8 hanggang June 4. Ayon sa DOH, karamihan sa dengue cases sa bansa ay naitala sa Central Visayas, Central Luzon at Zamboanga Peninsula. Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na sundin ang 4S strategy kabilang na ang palagiang paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng dengue.

[VTR]

Samantala nagpaalala si Senator Christopher “Bong” Go sa mga benepisyaryo ng mga programa ng pamahalaan na palaguin at gamitin nang tama ang mga tulong na kanilang natatanggap. Ilang mga kababayan natin ang sinadya ng kaniyang team sa Davao Oriental. Narito ang detalye.

[NEWS REPORT]

GORRICETA: Para muling magbigay ng update sa pagbabantay sa kalsada at pagtiyak sa seguridad ng mga mananakay lalo ngayong panahon ng tag-ulan, makakasama po natin si Charlie Del Rosario, Chief ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT). Sir, magandang umaga po sa inyo.

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Good morning, Audrey. Good morning po sa lahat ng nakikinig at nanunood.

GORRICETA: Okay, sir. Ngayon pong panahon ng tag-ulan, anu-anong paghahanda po ang ginawa ng i-ACT upang maging tuluy-tuloy ang biyahe sa EDSA Busway?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Lagi naman tayong nandiyan, laging handa. Tinutulungan po natin iyong ating mga mananakay. Naglagay po tayo ng mga tent lalo na po dito sa mga ilang istasyon na kung saan ay wala pong shed ‘no. So, may mga tent na po diyan sa Pasay Taft Station para nang sa ganoon ay kahit paano kapag may mga pasahero tayo diyan ay hindi naman po sila mababasa, ganoon na rin po iyong ating mga operatives [para] maprotektahan sila.

At habang bumababa po sila sa mga istasyon natin, nandiyan po iyong ating [Philippine] Coast Guard, i-ACT team, ganoon na rin po ang LTO (Land Transportation Office), MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) at saka LTFRB (Land Transportation Franchising & Regulatory Board) group na umaalalay sa pagbaba sa bus at pagsakay sa bus, ganoon na rin po kung sila’y bababa sa mga hagdanan natin.

GORRICETA: Okay, sir. Sa nalalapit po na face-to-face classes, paano po masisiguro ng i-ACT ang kaligtasan ng mga estudyanteng commuters?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Well, tulad noong nasabi ko, sisiguraduhin natin iyong pagsakay nila sa mga bus ganoon na rin po iyong patuloy na pagpapatupad natin sa basic health protocols, tapos pag-check natin sa mga pampublikong sasakyan. Dapat full seating capacity pa rin po kung Level 1 po tayo, hindi pa rin po naman nagbabago iyan. At hindi po talaga natin pahihintulutan iyong pag-overload o iyong nakatayong mga pasahero. Tulad po ng nasabi ko dati, mayroon tayong mga operatiba na nandiyan sa lansangan upang ito ay ipatupad.

Hindi lang po i-ACT, ipaalala lang ho natin, ang i-ACT po ay isang council na kung saan kasama po natin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na mayroong enforcement power pagdating sa pagpapatupad ng batas-trapiko po.

GORRICETA: Okay. Sir, mayroon po ba na just to assist iyong mga estudyante sakaling magkaroon na ng face-to-face classes sa mga bus? Mayroon po bang mga PNP na naka-sibilyan at sumasama sa mga biyahe ng bus?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Ang Philippine National Police po ay mayroon naman po silang… sigurado ako may mga programa po iyan. Ang kasama po natin ay ang Highway Patrol Group sa pagpapatupad po ng batas-trapiko.

Sa amin po sa i-ACT, mayroon po tayo, katulad nang nasabi ko sa dating interview ko, may ‘mystery’ riders po tayo na puwede hong mag-assist din sa mga estudyante natin.

Ang pagkakaalam ko po, ang Land Transportation Office, ongoing na po ang iyong … kanilang information campaign, pagpapaalala sa mga estudyante kung paano tumawid sa ating lansangan.

Ang responsibilidad po natin sa i-ACT ay hindi lang po sa mga drivers ‘no [kung hindi] sa lahat po ng gumagamit ng lansangan lalung-lalo na po ang ating mga estudyante na alam naman po natin eh maaari na pong mag-face-to-face anytime within the year.

So, kung hindi po magbabago iyong ating lebel, magtutuluy-tuloy po iyan, nandiyan po ang buong puwersa ng i-ACT kasama po ang local government din po, ang enforcement team, kasama po natin iyan at ilalatag po iyong mga programa para masigurado na pati sa pagsakay sa mga bus natin o sa mga pampublikong sasakyan eh protektado po iyong ating mga estudyante.

GORRICETA: Okay. Sir, napabalita na isasailalim muna sa rehabilitasyon ang Kalayaan Flyover sa Ortigas. Paano po mapapanatiling bukas ang Busway at kaligtasan ng mga commuters?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Actually po, may usapan po ang MMDA, ang Quezon City DPOS, ganoon na rin po ang DPWH, at tinitingnan po iyong pinakamagandang pamamaraan.

Ang MMDA po ay nagpalabas na po ng alternate routes para sa mga ibang sasakyan na pang-pribado. Iyong pampubliko po lalo na po iyong dito sa ating Busway ay pinag-uusapan po dahil alalahanin po natin na iyong isang bus, ang laman po niyan ay 40 tao at iyan ay kailangang maprotektahan at mabigyan din po ng access. So, iyong specifics po niyan ay nasa MMDA po at tuluy-tuloy po ang pag-uusap.

Actually, kahapon ay kausap na naman po natin ang MMDA kasama ang DPOS at anytime tomorrow po ay mag-uusap po at ipa-finalize na po iyong sa pampubliko pero iyong sa pang-pribado, iyong alternate routes na iprinisent po ni Chairman natin sa MMDA the past days po ay tuloy na po iyon.

GORRICETA: Okay. Sir, sa iba pa pong usapin ano. Muling lumalaki o tumataas ang bilang ng mga nadidisgrasya at medical emergencies sa EDSA Busway, anu-ano pong paghahanda ang ginagawa ng mga kawani ng i-ACT?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Actually po, handa tayo diyan. Kaya nga po ang coordination natin sa MMDA eh napakalapit po. Kapag mayroon pong kailangang respondehan, nandiyan po kaagad ang i-ACT at [para] po sa inyong impormasyon at alam ko na alam n’yo na rin po, 24 oras po na mayroon pong mga team ng i-ACT kasama po ang Philippine Coast Guard na nagbabantay sa kahabaan po ng EDSA mula PITX hanggang Monumento dahil ang operation natin diyan ay 24 hours.

Pagkatapos po, iyong ating mga [Philippine] Coast Guard po at saka i-ACT team, ongoing po iyong basic safety awareness training nila. Ito ay dalawang oras na training at matatapos po ito by next week. Ito po, dito sa training na ito ay binibigyang sila ng kaalaman, kahit paano, sa pagresponde kapag may mga aksidente.

At ipinapaalam din po natin na mayroon ho tayong team, na grupo, sa loob po ng Land Transportation Office na undergoing po ng training din sa pagresponde sa mga aksidente kasi ho, under doon po sa ating tinatawag na Anti-Drunk and Drugged Driving Act, kapag may aksidente pong ganiyan, mandatory po na nati-test po iyong mga involved na driver. Tini-test sila kung under the influence of liquor at kung under influence po iyan eh masasama po sa asunto o sa kaso na puwedeng i-file laban po doon sa nakainom na driver.

In the meantime, kapag may aksidente po, riresponde po iyong ating mga tauhan diyan at tatawag kaagad sa MMDA Metrobase para makapagpadala po ng kanilang ambulansya at first aid team kasama na rin po iyong wrecker truck ng MMDA kung kinakailangan po at isasaayos kaagad iyong mga barriers para naman sa ganoon ay hindi na po madamay iyong mga ibang sasakyan na dumadaan po sa EDSA natin.

GORRICETA: Okay. Sir, sa usapin po ng ‘colorum’. Dahil nga sa naiulat na kakulangan sa public transportation dahil may ilang hindi na bumibiyahe dahil po sa taas ng presyo ng mga produktong petrolyo, kumusta po ang inyong monitoring sa mga ‘colorum’?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Tuluy-tuloy po iyong ating panghuhuli ng colorum, kasama po natin ang LTFRB diyan at kung minsan tayo rin po ay nag-o-operate po diyan, tsinitsek po natin iyong mga sasakyan na iyan na nari-report. Karamihan po diyan, kapag kasama kami ng LTFRB, ang pamamaraan po natin is iyong intelligence procedure. Hindi lang ho tayo tatayo kasi kung tatayo lang ho tayo sa kalsada, makikita ho tayo na naka-uniporme.

Diyan din po namin ginagamit iyong aming tinatawag na mga ‘mystery’ riders. Iyong mga operatives natin ay nandiyan ho sa lansangan, So, tuluy-tuloy po iyan, hindi ho tumigil iyan. Lalo na po noong pandemya, may mga nahuhuli po diyan. Kasama po natin ang LTFRB at LTO kapag tayo ay nagpapatupad sa anti-colorum activities na iyan.

GORRICETA: Okay, sir, tanong po mula sa ating kasamahan sa media. Basahin ko lang din po baka may maidagdag po kayo. Tanong po ni Cresilyn Catarong ng SMNI News: Magtutuluy-tuloy po ba ang operasyon ng I-ACT until next administration?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Iyan po ay nakaangkla po doon sa susunod na administrasyon o kung sinuman po ang uupong kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon. Dahil po kung nakita nila na tayo po ay kailangan pa at ang serbisyo po ng I-ACT ay kailangan pa sa mga gawain tulad ng pag-maintain po ng ating EDSA Busway, sa colorum activities at pagpapatupad na rin po sa mga batas trapiko, kasama na ang ibang enforcement agency natin at mapag-isa po iyong aming mga pamamaraan kasama ang local government unit, sana po ay magtutuluy-tuloy po iyan.

Pero kung ang sa palagay po ay kailangan pong buwagin ito at magbuo ng bagong grupo o task force na tinatawag, iyon po ay nakaangkla po sa susunod na administrasyon.

GORRICETA: Okay, sir. Ang kasunod na katanungan po ay mula pa rin kay Cresilyn Catarong ng SMNI News: Ano raw po ang major achievements ng I-ACT sa ilalim po ng Duterte administration?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Ang major achievement po ng I-ACT ay ito pong pagtulong at pagbuo ng isang grupo po na kung saan ay nakakapag-usap-usap po ang mga enforcement agencies. Alam po natin na sa pagpapatupad po ng batas trapiko, hindi lang po iisang ahensiya iyan; kasama po natin ang MMDA, ang LTFRB, ganoon na rin po ang LTO, ang local government unit. Dahil po sa I-ACT, mayroon pong isang platform ngayon na kung saan kapag nagpatawag po tayo ng meeting kasama po ang grupo ng mga ahensiyang iyan ay mas madali hong nagkakausap-usap at naaayos po iyong ating pagpapatupad ng batas trapiko.

Isa rin po diyan ay iyong programa na hanggang ngayon ay pinapatupad po, itong EDSA Busway. Alam ninyo po iyong EDSA Busway, hindi lang po naayos iyong takbo ng mga pampublikong sasakyan sa EDSA, lalo na po iyong mga bus. Dati po iyan kung saan-saan po pumapasok iyan, kung saan-saan ho dumadaan sa EDSA iyan; kalat-kalat po kaya kung minsan po ang sabi ay bumibigat daw ang trapiko dahil sa mga bus. Ito po ay iniayos natin. Nilagay natin sa iisang lugar na doon lang po puwedeng dumaan iyong mga provincial buses natin, ito nga po iyong EDSA Busway.

More than that, nasigurado po natin iyong ating health protocols. Nakita rin po natin iyong unti-unting pagbabago ng kaisipan ng mga mananakay dahil sa EDSA Busway po ay hindi ka puwedeng bumaba kung saan-saan lang dahil nakalagay po diyan kung saan ang puwedeng sakayan at babaan ng tao. So unti-unti iyong paniniwalang puwede akong pumara kahit saan. Dito po sa EDSA Busway, ito po ay nababago na.

GORRICETA: Okay, sir, hingiin ko na lamang po ang inyong mensahe sa publiko lalo na sa mga commuters lalo’t magtatapos na po ang libreng sakay sa Hunyo?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Sa mga commuters po ‘no, marami po tayong mga pampublikong sasakyan – nandiyan po ang ating bus; nandiyan po ang ating MRT/LRT. Lagi po nating alalahanin na sa ating pagsakay at paggamit po ng pampublikong sasakyan, ito po ay nandiyan upang masigurado po na kayo ay dalhin sa isang … mula sa inyong point of destination to your other point of destination, para masigurado po iyon. Tangkilikin po natin ang pampublikong sasakyan, nandiyan po sila.

Nandiyan po kami para rin ho tulungan at masigurado na iyong seguridad natin ay napuprotektahan.

Maidagdag ko lang, Sir Audrey, originally ang tinitingnan natin sa EDSA Busway dati is iyon lang maayos na pagsakay at pagbaba. Pero sa katotohanan po, makikita po natin doon sa ating Facebook account, sa I-ACT Facebook, makikita po natin na iyong ating mga operatiba ay rumiresponde na rin po sila sa emergencies. Kung minsan po ay tayo na rin po iyong takbuhan ng mga mananakay kapag sila ay naaagrabiyado o nasasaktan o ‘di kaya ay may nangyayari sa loob ng bus, nirirespondehan po natin iyan.

I-share ko lang po ha: Kahapon lang po ay may report na iyong isang pasahero ay nawalan po ng—nakaiwan, hindi siya nawalan. Naiwan niya iyong kaniyang cellphone at saka pera doon sa isang bus, na hindi niya po alam kung anong bus iyong kaniyang nasakyan. Eh sa awa po ng Diyos, sa tulong po ng operatiba natin, naibalik po iyong cellphone at saka iyong pera na naiwan sa bus.

So that is also an achievement, and we will be there. We will continue to help and ensure that the health protocols po na ipinapatupad natin sa area ng Metro Manila ay masunod po lalung-lalo na ngayon at naririnig po natin na mayroon na naman pong increase sa mga kaso ng COVID.

GORRICETA: Okay. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng impormasyon na ibinahagi ninyo sa amin ngayong umaga. Nakapanayam po natin si Sir Charlie del Rosario, Chief ng Inter-Agency Council for Traffic or I-ACT.

Huwag po muna kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

GORRICETA: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kasabay ng pamamahagi ng ayuda para sa mga residente ng Lupon, sa Davao Oriental, hinikayat din si Senator Christopher “Bong” Go ang mga kababayan natin na pinakanangangailangan ng medical assistance na lumapit anumang oras sa Malasakit Center sa kanilang lugar. Narito po ang report.

[NEWS REPORT]

GORRICETA: Upang mas lalo pang mapalawak ang serbisyo sa taumbayan, pinagtutuunan ng pansin na maging world-class ang Baguio General Hospital sa summer capital ng bansa. Karagdagang ulat mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

GORRICETA: Samantala, centennial celebration ng Davao National High School ipinagdiriwang. Alamin natin ang iba pang detalye sa report ni Hannah Salcedo.

[NEWS REPORT]

GORRICETA: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni USec. Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta. Magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center