Press Briefing

Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing

SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas.

Narinig natin noong Martes ang estado ng telekomunikasyon sa bansa mula mismo sa bibig ng telco companies. Dumami ang construction permits na na-issue; dumami rin ang towers na naitayo – mayroong mga improvements.

Narinig din natin mula sa National Telecommunications Commission kung nasaan ang Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa sa Asya. Hindi po tayo masaya na tayo ay nasa gitna ng ranking. Ayon sa speed test global index internet speed for mobile broadband improved by 94.35%; from 7.44 Mbps in July 2016 to 14.46 Mbps in February 2019 – pang number 33 pa po tayo.

At noong nagalit ang Presidente, ayon sa speed test global index October 2020, pagdating sa mobile broadband speed ay pantatlumpu’t apat na puwesto or number 34 ang Pilipinas, halos wala pong pinagbago.

Samantalang ang Thailand ay nasa number 16, ang Vietnam ay nasa number 18, at ang Laos ay nasa number 22 – nalaos pa po tayo sa Laos.

Patuloy pa rin ang mga reklamo tungkol sa serbisyo [technical problem] o walang internet sa remote communities. Hindi natin mararating ang world class status kung may ganitong mga aberya sa mga serbisyong natuturing na basic sa sektor ng telekomunikasyon.

Patuloy ang ating pagmu-monitor sa ating mga telcos.

COVID update naman po tayo. Ito po ang global updates ayon sa Johns Hopkins: Higit 68 million or 68,822,212 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,567,700 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroon ng 15.3 million cases at 289,000 deaths. Pangalawa po ang India – 9,735,000 cases, 141,000 deaths; Brazil – 6,728,452 cases, 178,995 deaths; sumunod po ang Russia at panlima po ang France.

Mayroon po tayo ngayong 26,545 na mga aktibong kaso as of December 9 ayon sa DOH. Ito ay 5.98% ng total cases. Sa mga aktibong mga kaso, 91.8% ay mild at asymptomatic; 5.2% ay kritikal; 2.7% ay severe.

Ito naman po ang mga bilang ng mga gumaling ‘no: Magkakalahating milyon na po or 408,942 ang gumaling or 92.07% po ang recovery rate. Samantalang nasa 1.95% po ang case fatality rate or 8,667 ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 – nakikiramay po kami.

Makikita po natin naman ngayon dito sa infographics na ito ang patuloy ang pagbaba ng mga kaso sa confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset Philippines as of December 9, 2020. Nakikita po natin na malinaw na malinaw na pababa iyong mga kaso.

Sa susunod na infographics po ay makikita rin natin na iyong confirmed cases ng COVID-19 by adjusted date of onset as of December 9, 2020 ay patuloy din ang pagbaba bagama’t mayroon pong isang araw na kaunting bahagyang tumaas ‘no pero patuloy naman po iyong pagbaba.

Puno na ba ho ang ating mga ospital? Ang mabuting balita po ngayon, 57% available pa po ang ating  mga ICU beds; 60% available ang isolation beds; 74% available ang ating mga ward beds; at 80% available ang ating mga ventilators.

Uulitin ko po ‘no, hindi ibig sabihin na marami tayong bed capacity na tayo ay magpapabaya na ‘no. Ang hiling po ng ating Presidente:  Mask, hugas, iwas.

Okay, kasama po natin ngayon ang Director General ng Anti-Red Tape Authority or ARTA na si Attorney Jeremiah Belgica.

Sir, noong huling press briefing po natin ay kasama po natin ang lahat ng telcos. At sa pagnanais po ng Presidente na ma-improve nga po ang ating telecoms ay binalaan niya ang lahat ng lokal na pamahalaan na pabilisin iyong pag-issue ng permit dahil ang reklamo ng mga telcos, hindi raw bubuti ang kanilang serbisyo kung kaunti o kulang pa rin ang mga telecoms towers.

So nasa poder po ng inyong opisina ang pagsisigurado na ang mga telcos, ang mga lokal na pamahalaan ay hindi po tumatagal o nagtatagal sa pag-isyu ng mga permits na ito. Ano na po ang estado lalung-lalo na dito sa mga permits na hinihingi ng ating mga telcos? The floor is yours, Secretary Jeremiah Belgica.

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Marami pong salamat, Secretary Harry. I would be sharing my slide. Marami pong salamat sa pagkakataon na maipakita ho natin ang mga nangyayari at mas maintindihan po natin what has happened pagkatapos po na banggitin ng ating Pangulo ang priority po na ito.

So [garbled], we have to understand na tayo po ay nag-i-employ ng one-two punch, paspas permit system po natin. Ang one-two punch po na ito ay kombinasyon ng, number one, iyong automatic approval provision po ng ARTA Law or iyong Republic Act 11032 or Ease of Doing Business Law.

Ang automatic approval, ibig sabihin po, kung kumpleto ang requirements, kumpleto ang fees, lagpas ng pitong araw nakabinbin, automatically approved na po iyan.

Ang second pong punch po natin is iyong streamlining na ginawa po natin, pinangunahan ng ARTA, DICT, DILG at ng iba pa hong mga government agencies na atin hong kasama.

Now, after po ng atin pong … nabanggit po ng ating Pangulo iyan sa kaniya pong recent State of the Nation Address, ang joint memorandum circular oversight committee ay atin pong kinonvene [convene] at nagkakaroon ho tayo ng regular meetings every week po, every Thursday, kasama po ang mga telco companies at nagkakaroon ho tayo ng mga hearings.

Pinatawag po natin ang mga telco companies at pinasumite po natin sila ng lahat ho ng mga naka-pending nila na mga application sa buong Pilipinas po.

And to give us an understanding kung ano po ang aming natuklasan sa mga hearing na ito at submission, of course, noong amin hong… sinabmit ho sa amin a total of 1,572 initial applications po ang binigay po sa amin sa lahat ng 335 cities, municipalities ang sinabmit sa amin ng Globe at Smart.

Pero iyong amin pong natuklasan dito ay mayroon hong kakulangan po pala kasi only 132 applications or eight percent lamang po ang na-identify na kumpleto ang documentary requirements and payments of fees. Isa ho iyan sa amin pong very glaring na nakita po diyan na kung saan after ho naming padalhan ng notice to explain ang mga LGUs ay sila naman  ay nagpaliwanag na kulang daw po ‘no, at nagkaroon po kami ng hearing diyan.

And on the other side, para balansehin naman po, ang nakita naman po ng mga telecoms ay hindi raw po sila nakakapagbayad dahil hindi ho sila nabibigyan ng order of payment.

So ito po iyong atin hong naabutan na situation po diyan kung saan ito po iyong niresolba po natin sa mga series of mga hearings ho natin. In other words, ang telco companies po ay kinumplay [complied] nila iyong kanilang mga requirements na kulang, at ang mga LGUs naman ay inilabas po iyong kanilang mga order of payments na sinasabi hong kinakailangan.

Now, ang isa pa hong—iyong second punch po natin na tinatawag is iyong streamlining po. Nabanggit ho natin sa iba hong mga briefings ay nagkaroon po ng Joint Memorandum Circular 2020-01 na kung saan iyong mga bagong applications naman po na pumasok o papasok ay hindi na ho ganoon kahaba at kahirap po ang proseso.

So dati ay 13 permits, ngayon ay eight; from 86 requirements, 35; from a time of 241 ay 16 days na lamang po ang inaabot, kaya ho ang resulta po na ito ay ang napakadami pong mga permits na lumabas po. Galing po itong datos na ito sa atin pong mga kasamahan sa private sectors. Sa pakikipagtulungan din po ng mga LGUs at mga national government agencies, there is almost 10,000 total permits na lumabas. Ito pong mga permits na ito ay combination na rin po ito ng mga application for towers at gayun din po iyong sa mga cable, iyong sa mga fiber optics. Dahil ho accordingly rin po ay tinutulungan na rin po natin ang mga companies na ito sa kanilang pong problema sa pagpuproseso ng kanilang mga permits po sa mga fiber optics.

Now, kung ano ho iyong ginawa natin, na-achieve po natin dito po sa telecommunication sector ay through the program NEHEMIA [National Effort on the Harmonization of Efficient Measures of Interrelated Agencies] ay kaalinsunod sa utos po ng ating Pangulo na paiiksiin, pabilisin ang proseso, ito rin ho ang atin hong ginagawa sa kasalukuyan sa logistics sector, socialize housing sector, sa food and pharma and sa power and energy, sa tulong na rin po ng Energy Virtual One-stop Shop. So, by January po we expect the logistics sector ay makita rin ho natin ang dramatic na streamlining diyan po sa mga sektor na atin hong nakasunod rin po.

Now, ways forward po. Ang atin pong mga napag-agree-han sa amin pong mga meetings noong ating joint oversight committee po ay mag-iisyu ho kami ng supplemental guidelines to harmonize the provisions po ng Bayanihan 2 at ang Joint Memorandum Circular para sa guidance po ng mga LGUs; ang pagpapatuloy na monitoring at compliance ng mga ahensiya sa mga prescribed processing times na nakikita ho natin na nagku-comply na po ang mga government agencies; ang patuloy na pag-a-assist po natin sa mga telcos sa kanilang mga pending applications hindi lamang po ng ARTA but ang DICT, DILG, DSHUD at ang iba pong mga government agencies.

Now, ang commitment rin ho natin, patuloy po natin na mayroon pa hong ibang mga areas for improvement na ginagawa po tayo. Ang DPWH ay mag-iisyu po sila ng amendment ng DO No. 73 s. 2014, ito po ay in relation doon ho sa right-of-way sa mga national roads para sa mga post, cables, at mobile service providers. Sa ngayon ho kasi ay ipinagbabawal iyan subalit magkakaroon ho ng paglilinaw para ho ito ay makatulong at magkaroon po ng mga proyekto gamit po ang mga right-of-ways.

Also, ang DOH, FDA, DICT, DSHUD ay magka-conduct rin po ng extensive targeted information dissemination sa mga forums regarding sa health implications, iyong mga radiation at mga cyber-security concerns respective naman po sa mga homeowners association.

Ngayon, nais ho naming ipaalala na ang reporma, ang reformed train against red tape is really on the move and it’s gaining momentum. On it are the hopes of the people and let us work together for a smarter initiative and better Philippines. Sa pamamagitan po ng pangunguna ng ating Pangulo at ng atin pong sambayanan ay we are seeing na ang pabilis na pabilis po na permit ay napipinto na po and by next year we hope na mas madami pong mga towers pa ang maitatayo. Nabanggit po sa briefing that there are an additional of five thousand towers na po ang naitayo simula po nang mga reporma po na ginawa natin.

So, marami pong salamat, Secretary.

SEC. ROQUE:    Pañero, two questions: Hindi naman kaya ang dahil kaya hindi nakukumpleto iyong mga documentary requirements ay napakadaming documentary requirements? Naalala ko pinababaan na rin natin iyong mga number of requirements para sa mga telecoms. At ang pangalawang tanong po, kasama ba ho sa inyong hurisdiksyon ang BIR?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Tama po iyan, Secretary. Sa una ninyo hong katanungan, kaya ho mayroon na ho tayong JMC na nagawa at nabawasan na ho nang malaki ang mga requirements at nadagdagan pa ho ang tulong ng tinatawag po na – sa Bayanihan 2 – na sinuspinde rin po iyong karamihan po ng mga permits po diyan, so hindi na rin ho problema iyong napakarami at sangkatutak na mga rekisitos po ngayon.

Doon po sa pangalawang katanungan po ninyo, ang BIR po ay kasama po sa atin pong hurisdiksiyon – ang kanila pong mga processes at ang kanila pong mga sistema po diyan.

SEC. ROQUE:    Okay. Maraming salamat! So, buksan na po natin ang ating open forum, simulan natin kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Good morning po, Attorney Belgica.

From Gillian Cortez po ng Business World: The 2021 national budget has been ratified by lawmakers on Wednesday. When do we expect the President to sign it? Will he sign it immediately this week or do we expect a later timeline in case he needs to review it?

SEC. ROQUE: As of 12 noon po, hindi pa po natatanggap ng Palasyo ang supposedly copy ng 2021 budget ‘no. Patuloy po kaming nag-aantay at ang bibigyan po natin ng kasiguraduhan eh bibilisan naman po ng Palasyo ang pagsusuri sa budget para malaman kung mayroong mga specific line item na ibi-veto ang Presidente. Pero siyempre po lahat iyan mangyari ngayon na dahil kinakailangan magkaroon tayo ng budget pagdating ng a-uno ng Enero.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Gillian Cortez: Dangerous Drugs Board Chairman Catalino Cuy said that making the Philippines drug free by the time the President’s term ends in 2022 is no longer a realistic goal. What can the Palace say about this since this was the campaign promise of the President who promised to eradicate drugs in 6 months? What can he still promise now that 4 years have gone by?

SEC. ROQUE: Sa korte po ang sasabihin ko ‘objection, misleading’ Usec., kasi hindi po iyon ang sinabi ni USec. Cuy. Ang sinabi po niya, ‘iyan pa rin po ang ating goal na maging drug free ang Pilipinas by 2022 pero mangyayari lang po ito kung paiigtingin ng mga lokal na pamahalaan iyong kanilang mga ginagawang hakbang para maging drug free ang ating mga barangay.’

Sa ngayon po ang mabuting balita, eh out of 42,045 barangays eh 20,538 na po ang drug free at kampante pa rin po tayo kung makikipagtulungan po talaga ang lokal na pamahalaan, na iyong natitirang 14,308 barangays ay magiging drug free pa rin pagdating po ng pagtapos ng termino ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Melo Acuña, please. Thank you, Usec.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon Secretary and nice seeing you. It’s International Human Rights Day today. Ano po kaya nagawa ng pamahalaan para malutas o maayos ang crime solution efficiency ng law enforcement agencies?

SEC. ROQUE: Well, patuloy po ang pagtutulungan natin sa iba’t ibang ahensiya hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa abroad po, sa mga UN bodies para po mapaigting pa po iyong efficiency ng ating kapulisan at ngayon po ay nagdadaos nga po ng human rights meeting ang DOJ kung saan nag-keynote po ang ating Presidente at importante po talaga na paigtingin pa natin iyong kakayahan ng ating kapulisan na bigyan ng katugunan ang mga kriminal at the same time respetuhin po ang karapatang pantao ng lahat.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yes. Secretary, on another thing although may relasyon pa rin ito. May mga unsolved crimes pa rin, let me cite the killing of Father Tito Paez some four years ago. Ano po kaya ang gagawin ng pamahalaan para malutas itong mga unsolved crimes na ito?

SEC. ROQUE: Marami na po tayong ginawa diyan. Unang-una po, iyong mas malapit na koordinasyon sa panig po ng piskalya at ng ating kapulisan. Kinakailangan po talaga mag-coordinate sila dahil importante na gabayan kaagad ng mga piskal ‘no iyong mga tinatawag na inquest fiscals lalung-lalo na kung ano iyong ebidensiya na kinakailangan nila para maisampa ang kaso lalung-lalo na ‘pag ang nalabag ay karapatang mabuhay ‘no. Bukod pa po diyan ay patuloy po naman iyong technical training ng ating mga kapulisan para mas—pagpa-process po ng physical evidence dahil alam po natin na ang mga testigo puwedeng takutin, puwedeng bayaran pero ang physical evidence po ay hindi nagsisinungaling.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Para po sa ating panauhin mula sa ARTA, kay Director General. Matanong ko lamang po, ano po iyong naging impact ng COVID-19 sa delivery ng basic services ng pamahalaan? Sapagka’t ayon po sa tugon sa akin ng Civil Service Commission, bagaman mayroong work-from-home strategy at mayroong alternative work arrangements, mayroon pa ring impact ito sa serbisyo. Kayo po ba ay may nakikitang negative impact sa efficiency ng ating government employees? Thank you.

ARTA DIRECTOR GENERAL BELGICA: Salamat po sa katanungan na iyan, Sir Melo. Initially po talaga nakita ho natin na mayroon ho talagang slowing down kasi wala ho talagang … kumbaga wala hong playbook ang COVID-19. Subalit as we went on and I think it goes for all of the agencies and even the IATF and how we conduct things, then nakita ho natin nag-speed up ho iyan.

Noong una pong siguro mga first 2 months nakita po namin pati ho kami sa ARTA, ang amin pong mga hearings na naka-schedule ay hindi ho namin ma-proceed until we were able to do it everything online.

So, there are two major impacts Sir Melo. Iyong una po doon po sa mga government agencies siyempre noong lumabas na ho iyong guidelines sa Civil Service, alternative work arrangements, then we have to—of course we have to choose which is the most applicable sa inyo, so kasama ho iyan.

Second, doon naman ho sa mga siniserbisyuhan natin Sir Melo, hindi ho iyong sila… katulad na lamang ng dati na pumupunta sa opisina, we have to observe iyong mga health protocols. Ang ginawa ho ng ARTA para makatulong din po ay nag-issue ho kami ng guidelines, MC or Memorandum Circular 2020-06 na kung saan po ay nagbigay ho ng guidelines para sa government agencies on the reissuance of permits and licenses doon sa mga permitting and licenses po, certifications… nilatag ho natin iba’t ibang mga techniques at mga pamamaraan na puwede hong i-apply ng government agency katulad ho ‘pag going online, data-sharing between government agencies, iyong tinatawag ho natin na automatic extension noong mga mapapaso na mga permits and licenses, iyan ho iyong mga low-lying fruits at pati ho iyong siyempre iyong automatic approval ng mga pending applications.

Ang isa ho ‘no bilang huli is nakita ho natin doon ho sa parte ng ARTA, marami din pong mga dumating na mga, of course na mga reklamo na social services related sa amin ‘no na humihingi ho ng tulong na tinulungan ho nating i-facilitate like sa SAP, iyong mga LGUs naman po na nagbibigay din ho ng tulong. So iyon ho, nakita ho namin ang influx ng mga paghingi ho ng tulong sa amin hong ahensiya.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Pero ayon din sa Civil Service Commission, 94% noong kanilang respondents eh nakapag-adopt naman doon sa alternative working arrangements.

ARTA DIRECTOR GENERAL BELGICA: Yeah.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much. Have a nice day.

ARTA DIRECTOR GENERAL BELGICA: Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary. Question from Rose Novenario of Hataw: Gaano po katotoo na papalitan sa puwesto ni DOJ Assistant Secretary Yap si Immigration Commissioner Morente?

SEC. ROQUE: Naku, no information po. I cannot comment.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Umaapela po si Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordañez kay Pangulong Duterte na atasan na ang DSWD para sa agarang pagpapalabas daw po ng social pension para sa mga indigent senior citizen. Ang hirit po ng Kongresista ay ngayon sanang Kapaskuhan ay matatanggap na ng mga senior citizen ang kanilang social pension mula July hanggang December 2020.

SEC. ROQUE: Well, sinangguni po natin itong puntong ito sa DSWD at sa datos na binigay nila sa atin, 78.8% naman po ay naibigay na ng DSWD, iyong mga pensiyon ng ating mga lolo at lola. Nakabigay na po sila ng pensiyon sa 2,973,736 senior citizens as of second semester of 2020 at ang halagang na-disburse po ay mahigit pa po sa 8.9 billion. So talaga pong mayroon lang pong konting delay kasi hindi naman pupuwedeng magtipun-tipon po ang mga seniors sa pagtanggap ng kanilang mga pensiyon galing po sa DSWD. So hayaan ninyo po, tataasan pa natin iyang porsiyentong iyan habang patapos po ang taon.

USEC. IGNACIO: Question from Pia Gutierrez of ABS-CBN: So far daw po the DOT has been flagging social mass gathering in tourist spots after the [unclear]. How can government better implement health protocols now that the tourism industry is slowly opening up?

SEC. ROQUE: Well unang-una po, umaapela po tayo sa ating mga kababayan. Talaga pong ang tanging paraan para mapatupad itong lahat ng mga minimum health protocols ay ang pagsunod ng lahat ng mga Pilipino.

Kaya po natin binubuksan ang turismo, napakadami na pong nagugutom sa sektor na iyan pero hindi po ibig sabihin babalewalain na natin iyong mga napatunayan nang pamamaraan para mapabagal po ang pagkalat ng COVID-19 – mask, hugas, iwas.

Doon po sa nakita ko rin sa Baguio, nagbukas po sila ng isang parang  open market diyan po sa Session Road na mukha naman pong epektibo ang pagso-social distancing. Ito po ay nakamit siguro ng Baguio dahil na rin sa disiplina ng mga taga-Baguio at  saka mas maraming pulis po ang nagpapatupad ng social distancing. Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Good afternoon, Secretary.  Sir, nakita na po ba ng Pangulo iyong report ng Telcos at ng NTC, at least iyong naging briefing last time? And may we know his reaction? And at the same time, moving forward, is he still keen on shutting down any network?

SEC. ROQUE:  Well, the next scheduled opportunity I will see the President is this afternoon. So, I have no idea po kung talagang nakita niya iyong report, but I am confident that the President actually monitors our press briefings regularly.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, NTC noted that other countries are faring well in terms of internet speed ranking, because the government themselves spends for infrastructure. Iyong ibang government, sila iyong nagko-control talaga sa kanilang networks. So looking back, sir, do you think December was a fair deadline in considering sir, iyong naging assessment and nabanggit po ng NTC about iyong participation ng government in other countries, is Malacañang keen or the President keen on adding a budget with DICT para masuportahan po iyong pagtatayo ng infrastructures on improving the signal po?

SEC. ROQUE:  Alam ko po na nagkaroon na rin po tayo ng budget para sa national broadband. Pero mayroon po tayong polisiya na pinasa ng kongreso na nagsasabi na talagang ang pag-unlad ng telecoms industry ay inilagay natin sa kamay ng mga pribadong  kumpanya dahil tayo nga po ay nag-liberalized hindi lang po sa kuryente, kung hindi pati na  rin sa telecoms. So, well, bagama’t ang sabi ko nga po is nasa pipeline na po iyang NBN na bubuhayin muli, naging kontrobersiyal po iyan dahil doon sa tinatawag na tongpats noong nakalipas.

Pero ngayon naman po siguro sisiguraduhin ni Presidenteng walang tongpats iyan, makakatulong po iyan, bagama’t I personally have serious questions kung iyan ang solusyon, dahil noong mga panahon ng NBN-ZTE isa sa mga sinasabi nga natin is, dahil nga po sa bilis ng pagbago ng teknolohiya, mas mabuting nasa kamay nga po ng mga pribadong sector itong broadband network, dahil sila ay makaka-adjust. Samantalang kapag gobyerno ang naglagay niyan static ‘no. So pababayaan ko na po muna iyan sa ating mga mambabatas because they are the policy makers of the country.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  What is the ideal ranking for Malacañang, for the Philippines in terms of [indistinct].

SEC. ROQUE:  Well, sa akin po, talagang tinitingnan ko iyong mga bansa na kapareho natin ang ekonomiya, kapareho ng ating pag-unlad ng ekonomiya at iyan po ay Vietnam at saka ang Thailand. So, ang Vietnam ay nasa 18, ang Thailand ay nasa 16. Pero parang mahirap pong tanggapin na nauna pa sa atin ang Laos! Nauna pa sa atin ang Myanmar! Huwag naman po!  Kaya nga po tama rin na bastunin pa rin ng Presidente ang mga telecoms, dahil hindi naman po pupuwede na—hindi na nga namin sinulat diyan na pati ang Myanmar nauna pa sa atin. Ang katotohanan, nauna lang tayo sa Indonesia at saka sa Timor Leste, and that is not something that we should be proud of.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, on another issue, ano po ang posisyon ng Malacañang dito sa NLEX issue? Do you support the move of Valenzuela City to suspend the business permit of NLEX because of unresolved troubles that in caused to the city. But aside from Valenzuela din po kasi, sir, iyong similar problems were encountered in different parts of NCR? How does Malacañang intend to help resolve this problem? Any marching order po sa DOTr?

SEC. ROQUE:  Well, siyempre po, ang TRB ay isang ahensiya na nasa ilalim po ng ehekutibo at nagsabi na po ang TRB na itong bagay na ito ay dapat maresolba ng mga operators ng ating expressway at ng mga lokal na pamahalaan. Hindi naman po natin pupuwedeng ipagkait sa mga lokal na pamahalaan iyong kanilang hurisdiksiyon na mag-isyu ng business permits, dahil iyan po ay nasa batas din, nasa Local Government Code at kasama po sa konsepto ng local autonomy na kabahagi rin po ng ating Saligang Batas. But at the same time, kinakailangan din nilang isipin na babalansehin natin ito dahil iyong mga proyekto na kagaya ng expressways na dinibelop [developed] po ng mga pribadong sector ay baka mamaya eh ma-turn off ang mga future investors kung palaging mangyayari ito.

Pero ang TRB po ang posisyon nila, kinakailangan talagang magkaroon ng pagbabago.  Pagdating sa ating mga operators, kinakailangan mag-replace ng kanilang mga luma at mga depektibong censors para mapabilis iyong daloy ng mga sasakyan. Kinakailangan mag-relocate, mag-reposition ng RFID installation and reloading lanes. Kinakailangan magkaroon ng maintenance, improvement, upgrade ng kanilang mga system software. Kinakailangan ng enhanced public traffic management at improved customer service assistance among others.   So we adopt of course, the recommendations of the TRB en toto.

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Virgil Lopez of GMA News online: Congress has appropriated 72.5 billion pesos for COVID-19, vaccine procurement, storage and distribution in 2021 which is lower than the 83 billion proposed under the senate version. Would this be enough?

SEC. ROQUE:  Tingin ko po sapat po iyan. Kasi nga doon sa scheme na ipapatupad ng DoF, hindi pa nga po galing sa National Appropriations iyong 72 billion na initially kinakailangan natin para sa 60 million katao na mababakunahan. Kung maalala po ninyo napakaliit lang nang initial amount na kukunin natin sa budget kasi hindi nga natin alam kung kailan lalabas iyong bakuna. Pero ngayong malinaw na lalabas siya pagkatapos po maipasa ang budget, nandiyan na rin po iyan, so tama rin po iyan. Pero bukod pa po diyan sa na-appropriate na ng kongreso ay nandiyan pa rin po iyong mga pupuwede nating utangin, na napakaliit naman ng interest rates, sa mga multilateral lending agency kagaya ng ADB at ng World Bank at saka doon sa mga bansa mismo na nagma-manufacture ng bakuna. I would say na since inilagay po iyang halagang 7.2 billion na enough na para sa 60 million at mayroon pa tayong leeway para umutang ay ang tingin ko, sapat-sapat po ang ating magiging pondo para mag-angkat ng mas mahigit pa sa 60 million dosage, dahil ito po ay para pasigurado lang na iyong pinakamahihirap ay magkakaroon ng bakuna. So iyong excess po ay para sa lahat na po iyan.

USEC. IGNACIO:  Ang second question po niya: Senator Panfilo Lacson has questioned the move of the bicameral conference committee to increase the 2021 budget of the DPWH to 694.8 billion pesos despite its low disbursement rate in past years. How will the government address such low utilization record?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam kung totoo na mababa ang absorptive capacity ng DPWH. Noong kongresista po ako, I noted that,  at least in the first two budgets na nag-participate ako, pero ang alam ko po noong lumipat na ako sa Malacañang, substantial po talaga iyong pagtaas ng absorptive capacity na tinatawag ng DPWH. At ang DBM po, iyan din ang dahilan kung bakit binabawasan nila iyong pondo ng mga ahensiya pagdating po doon sa budget na pino-propose ng Malacañang, dahil bakit nga naman sila magpo-propose ng mas mataas na budget kung hindi naman nagagastos iyong budget sa mga nakalipas na taon. So ang aking sagot po diyan, I’m not sure if the DPWH absorptive capacity is very low, I have not had the opportunity to verify, but I will check. But I can assure you po na iyan po ang dahilan kung bakit iyong mga ahensiya na kinukuwestiyon ng mga senador at kongresista kung bakit maliit ang budget na binigay ng DBM, iyan nga po ay dahil sa tinatawag na absorptive capacity. Kung hindi nagagastos ang pondo ng mga nakalipas na taon, bakit nga naman sila bibigyan ng mas mataas pang pondo?

USEC. IGNACIO:  Ang third question po niya: Given President Duterte’s constant tirades against the Makabayan bloc and the CPP-NPA-NDF, is the President leftist tendencies before and even after he assumed office, just for show?

SEC. ROQUE:  Well, alam mo ang Presidente naman po prangka eh, pumayag nga siya na maging kabahagi ng kanilang legal front, iyong naunang organisasyon ng Karapatan. Noong siya ay kumampanya bilang presidente, siya ang sinuportahan ng Makabayan bloc, binigyan niya ng representative sa gabinete ang Makabayan bloc, ito po ay nagpakita na handang makipag-ugnayan at makipagbayanihan ang Presidente sa lahat ng mga Pilipino kasama na itong Makabayan bloc. Pero ang punto nga po ni Presidente, kailan ba titigil itong labanan? Bakit hindi pa kasi itigil na, ibaba na iyong kanilang mga armas at gawin na lang ang pakikibaka doon po sa kongreso at sa mga legal na pamamaraan?

So matapos po ang apat na taon bumitaw nga sa suporta nila kay Presidente ang Makabayan bloc at sinasabi lang naman po ng Presidente ngayon ang katotohanan. Itigil na ang armed struggle at iyan po ay hindi katanggap-tanggap na ang Pilipino pumapatay sa kapuwa Pilipino.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Good afternoon, Secretary. Sir, first question: Has President Duterte sought a meeting with the telco representatives?

SEC. ROQUE: Hindi pa po ‘no. But I will make sure that he will have access to the reports of all the telcos, to the report of the NTC, as well as to the rankings ‘no before and after he gave warning to the telcos.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. And then, Secretary, iyong second question: It’s been almost a month since President Duterte allowed advance payments for vaccines. May we know when we expect to make our first advance payment?

SEC. ROQUE: Well, I will have to clarify that. Si Secretary Galvez was supposed to be our guest today ‘no dahil regular updates talaga ang kinakailangan natin from him ‘no as Vaccine Czar. Pero the target remains that Sinovac will be the first that we can use to vaccinate our people and it will be in the first quarter of next year.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, it’s a sure thing that Sinovac will be the first vaccine to be—

SEC. ROQUE: That’s in the timeline of the Vaccine Czar.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. And then, sir, isn’t EUA necessary for the advance payment to be made? Is that what we’re waiting for?

SEC. ROQUE: Hindi naman po ‘no. What we are waiting for is, number one, magkaroon ng supply iyan po talaga ang problema, iyong supply. Pagdating po sa financing, wala na pong problema iyan because both the ADB and the World Bank even have already lending window facilities for the vaccine. But you’re correct, EU will also have a lending facility, iyan nga po iyong tinatawag nating mga bilateral agreements with the lending institutions from the countries that manufacture the vaccines.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, I meant iyong EUA, iyong emergency use authorization, is that required, sir, for us to make the advance payment? Kasi, sir, when you talk about supply ‘di ba, we’re actually paying in advance so we can get a supply.

SEC. ROQUE: Hindi po—

PIA RAÑADA/RAPPLER:  So, sir, do we need to wait for the EUA, emergency use authority, just to make the payment?

SEC. ROQUE: I don’t think so ‘no kasi ngayon sa COVAX facility, at ito naman po ay isang programa na sinusulong ng WHO, talagang kabahagi po iyan na ikaw ay magbabayad maski walang kasiguraduhan na magagamit iyong bakuna ‘no. So hindi po kinakailangan iyong EUA.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, for the COVAX, when do we expect to pay the advance market commitment?

SEC. ROQUE: I’ll have to check ‘no. Pero ang sabi ko nga, pagdating sa AstraZeneca ‘no and nagkaroon na po ng tripartite agreement at in-advance na po ng private sector iyong order natin sa AstraZeneca.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Okay. Sir, last, pahabol lang, sir. Just to clarify: When was the last time the President held a Cabinet meeting? And when will be the next Cabinet meeting?

SEC. ROQUE: The last time was just recently – I forgot the date ‘no. But I think it was … just recently ‘no.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, December?

SEC. ROQUE: No, not December. It was—kailan ba iyon? Hindi ko alam kung November or October iyong last time ‘no, full Cabinet meeting. But I was given notice that there might be another Cabinet meeting this coming Monday.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  All right. Sir, how come hindi na po regular iyong Cabinet meeting? This used to be every month.

SEC. ROQUE: Well, COVID. I think that’s a very good reason ‘no.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, hindi kaya iyong virtual Cabinet meeting? Hindi kakayanin?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, mas gusto ni Presidente na kapag Cabinet meeting ay napupulong niya lahat talaga eh ‘no. But anyway, regular naman po ang address ng Presidente sa taumbayan.

Thank you, Pia. We go to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary, nag-follow up lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror about doon sa budget kasi na-ratify na nga daw po. Kung na-submit na raw po ito sa Office of the President? If no, may commitment kaya ang Congress kung kailan nila ito isa-submit?

SEC. ROQUE: I will have to repeat what I already said ‘no: As of 12 noon, bago magsimula ang press briefing tsinek ko po, wala pa pong natatanggap ang Office of the President.

USEC. IGNACIO: Opo. Question pa rin po ni Sam Medenilla: Dahil sa nasabing development, is Malacañang daw po already sure that 2021 national budget will be passed on time?

SEC. ROQUE: We will take all steps necessary para maging batas po ito on time pero hindi po isasakripisyo o isu-surrender ng Palasyo, ng Presidente ang kaniyang kapangyarihan na pag-aralan ang budget at siguraduhin na walang dapat na item ng appropriation na dapat na-veto. So the President will still exercise his power of review and his power of line veto.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Ace Romero: How will the bribery allegations against Sinovac affect the government’s plan to buy vaccine doses from the Chinese firm? Is the government concerned given the accusations involved alleged bribery of regulators?

SEC. ROQUE: Well, consistent po tayo na papayagan lang nating magamit ang mga bakuna na napatunayan nang ligtas at mabisa laban sa COVID-19. Buong-buo po ang tiwala ni Presidente kay Dr. Domingo, so pagdating po diyan sa mga allegations, allegations on bribery, tingin ko po ay hindi mangyayari iyan sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, sa vaccine ‘no, status check tayo. And I asked this question in the context of news na iyong Canada will also have Pfizer and they will start distributing this, tapos iyong Indonesia is ready to receive iyong deliveries. Status check tayo, sir: What vaccines ang mayroon na tayong signed commitment for delivery? And how many doses are those? And kailan iyong pagdi-deliver? So far ang alam natin iyong AstraZeneca has committed, ano ba iyon, 2.6 billion doses ‘no.

SEC. ROQUE: Two point five yata or more.

JOSEPH MORONG/GMA7: And Sinovac, you said.

SEC. ROQUE: Oo. Well, so far, ang alam ko po is Sinovac—hindi ko po dala iyong ating timeline pero sa susunod ay dadalhin ko po. Pero ang punto lang is pagdating po ng first quarter, magsismula na rin po tayo ng pagbabakuna.

JOSEPH MORONG/GMA7: And that is possible because we’ve signed a document with Sinovac or these are just verbal negotiations?

SEC. ROQUE: Napakahirap sagutin po iyan kasi mayroong mga Non-Disclosure Agreements ‘no. Ang sabi ko nga kay Sec. Galvez, bagama’t hindi ko naman siya panghihimasukan, gusto kong makita iyong mga NDAs na napirmahan na natin para alam ko rin kung ano ang pupuwede kong sagutin at hindi pupuwedeng sagutin.

So let me first review the NDAs and then I will answer ‘no as a lawyer. [Laughs] Ayaw ko naman na mawalan pa tayo ng bakuna dahil kung anu-ano ang mga sinasabi natin dito sa press briefing ‘no. So let me review first the individual Non-Disclosure Agreements that we have signed.

JOSEPH MORONG/GMA7:  All right. So, so far, sir, it is safe to say that ang sure natin na may bakuna tayo will come from Sinovac and AstraZeneca. Sinovac, no amount yet ‘no so—

SEC. ROQUE:  We are also sure because the agreement with Pfizer was brokered by the DFA, no less than Secretary Locsin and Secretary Pompeo. But Pfizer will come in the second and the third quarter.

JOSEPH MORONG/GMA7: So tatlo, sir, at least na-sign, sealed, delivered … will be delivered?

SEC. ROQUE: Yes.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay. Sir, be honest: Nahihirapan ba tayo, sir, to procure?

SEC. ROQUE: Hindi naman ako nagsisinungaling ever. Hindi naman tayo nahihirapan. Kaya lang, katotohanan, siyempre iyong mas mayayamang bansa, kinorner nila iyong supply. Pero mayroon naman tayong mga pamamaraan. At hindi naman po katanggap-tanggap kay Presidente na hindi tayo magkakabakuna dahil siya nga iyong parang kauna-unahang lider sa buong daigdig na sinasabing nandiyan na ang bakuna ‘no at matatapos na itong pandemyang ito.

And I think Secretary Galvez will take the cue from the President to do anything and everything that is necessary para magkaroon ng bakuna ang mga Pilipino.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, ito po ay question ni Tina Mendez. This is charged against her allowed number of questions. Sir, nagpabakuna ka na raw sa Sinopharm?

SEC. ROQUE: Ha?

JOSEPH MORONG/GMA7:  Nagpabakuna ka na raw, Sinopharm?

SEC. ROQUE: Naku, hindi ko po alam kung ano iyang tanong na iyan.

JOSEPH MORONG/GMA7:  That’s from Tina, sir. So that’s not true?

SEC. ROQUE: Ay naku, hindi pa po.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, sige, sir. Iyon na lang, last na lang, iyong sa testing. Remember in March, we had a little situation with Trish when we were asking you about the mass testing, and now it has dawned on the President na, ‘Wow, mukhang one of the pillars against the spread of COVID is testing.’

First question: Bakit parang belated realization on the President? And number two, is that even possible to provide free? This is according to the President’s wishes and guidance na free testing for all na no qualifiers, it’s just free. If you want to get tested for COVID, you’ll get it.

SEC. ROQUE: Again, regardless of when the President actually realized the importance of testing, it has always been our priority in the IATF and by the Vaccine Czar which explains why isa tayo sa pinakamataas na testing rate ngayon ‘no – hindi lang capacity, kung hindi rate. So actually, that question is moot and academic kasi nangunguna na tayo ngayon sa daigdig pagdating sa actual testing conducted.

At iyong pangalawang question mo ay? Ano iyong pangalawang question mo?

JOSEPH MORONG/GMA7:  Possible ba iyan, sir? Kasi ang lagi po naming naririnig sa inyo is PhilHeath ‘no—

SEC. ROQUE: Sa ngayon naman PhilHealth talaga eh. Sa ngayon ay PhilHealth ang nagbabayad ‘no. At iyan naman po ay kabahagi kasi ng ating batas na sinulong, iyong Universal Health Care na kasama po sa Universal Health Care iyong diagnostic; at pati nga iyong immunization dapat kasama din diyan.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  And since iyong Universal Healthcare makes everybody a member of PhilHealth, sir, ito also from my education, talk to the regular individual na worried na baka mayroon siyang COVID but doesn’t know how to go about testing, kanino siya pupunta and talaga bang libre, ano ba? Red Cross, pagpunta ko doon talagang zero cost at all? Walk us through the process.

SEC. ROQUE:    Well, pupunta po kayo sa isang testing facility, ito po ay ginagawa rin namin, magfi-fill-up kayo ng form, isusulat ninyo po iyong PhilHealth number ninyo diyan at kukuhanan kayo ng swab.

At pagdating po sa Red Cross, depende po kasi iyan, sisingilin nila kung donated o hindi donated ang machines at saka ang kanilang testing kit, pero sa tingin ko po dapat wala ng bayad dahil iyong ibinabayad naman po ng PhilHealth ay pasok po doon sa costing ng Red Cross except kung hihingi kayo ng certification. Baka iyong certification dapat po bayaran.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   And everybody is a member of PhilHealth, correct? Under the UHC?

SEC. ROQUE:    Yes. Under the UHC, lahat ng Filipino member ng PhilHealth.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay, sir. Thank you for your time sir.

SEC. ROQUE:    Okay. The last Cabinet meeting was October 12 and as I said, I was given notice that there could be a Cabinet meeting on Monday before the address of the President to the people.

Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary. Question from Jam Punzalan of ABS-CBN Online: Human Rights Watch says PRRD’s or President Duterte’s move to disown the narco list is the height of hypocrisy. What can you say about this and how will the government prevent killings of politicians on the list?

SEC. ROQUE:    On the contrary, the President is being candid. The list is from intelligence sources – not from one, but many intelligence sources and the President was addressing the concern noong pamilya ng Mayor ng Los Baños na baka napatay iyong tatay niya dahil sa listahan na iyan pero ang sinabi nga ni Presidente eh iniimbestigahan naman po iyang kasong iyan. Hanggang ngayon hindi pa natin alam kung ano ang dahilan kung bakit pinatay itong si Mayor po ng Los Baños.

USEC. IGNACIO:   Second question po ni Jam Punzalan: On International Human Rights Day, former CHR Chair Etta Rosales said President Duterte is the single biggest enemy of human rights in the country. How is the government addressing this in boosting the human rights efforts?

SEC. ROQUE:    Alam mo, matagal ko ng nakasama si Chair Etta. Lahat naman ng Presidente sinasabihan iyan ng mga human rights advocates and the reason is they want to prompt government to still improve their level of compliance with human rights law. The moment human rights organizations cease to castigate governments for their alleged violations of human rights is the time when we have less effective human rights organizations. So, talagang trabaho po iyan ng mga human rights defenders to call the attention of government.

USEC. IGNACIO:   Secretary, may pahabol na tanong si Virgil Lopez ng GMA: Ano po ang magiging agenda ng Cabinet meeting sa Lunes?

SEC. ROQUE:    Kakasabi nga lang po sa akin na mayroon eh, kaya hindi ko pa po nakikita ang agenda. Hayaan ninyo po, bago naman mag-Cabinet meeting sa Monday eh mauuna po iyong ating press briefing, so sasabihin ko po kung ano iyong agenda.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:    Thank you po.

Okay! So, wala na po tayong mga katanungan? Dahil wala na po tayong katanungan and because mayroon po akong isang affair where I will be representing the President, kinakailangan na po nating tapusin nang mas maaga ang ating press briefing.

Nagpapasalamat po kami sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps, kay Usec. Rocky. And I’d like to recognize our guest today from the Philippine Alliance of Educators, my fellow professors and educators – Dr. Abigail Ignacio, my most beautiful aunt; Dr. Romeo Fernandez, Dr. Virginia Gabanes, Dr. Nerissa David, Dr. Don Bravante, and Dr. Liza Bravante. Maraming salamat kay Atty. Belgica of the Anti-Red Tape Commission and maraming salamat po sa inyong lahat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa ating press briefing.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabing: Matatapos din po ang lahat ng ating problema lalung-lalo na dito sa pandemya.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)