SEC. ROQUE: Magandang tanghali po sa inyong lahat. Ako po ay nagbo-broadcast galing po sa aking tahanan ngayon dahil alam ninyo naman po, si Secretary Año ay nag-positive at minabuti na po naming mag-self quarantine ngayon. Ito naman po ay limang araw tapos kami po ay magpapa-PCR test para naman makabalik na sa trabaho.
So simulan na po natin ngayon ang ating press briefing.
Unang-una po ay matutuloy po ang ating address o pag-uusap ng ating Pangulo mamayang gabi sa taumbayan at malalaman po natin kung anong magiging classification ng Metro Manila at ng mga karatig na probinsiya na Cavite, Laguna at saka Rizal kasama na ang Bulacan.
Alam ko po nakapadaming fake news ngayon, ang dami ko nang nakitang mga fake social cards kung ano daw ang magiging klasipikasyon. Huwag ninyo pong paniwalaan iyan, hintayin na lang po natin mamayang gabi po ang sasabihin ng ating Presidente.
Anyway, ang klasipikasyon naman po natin ay talagang hinimay-himay po iyan ng IATF, nakabase po iyan doon sa tinatawag na case doubling rate, iyong mga clusters ng kaso ng COVID sa iba’t ibang lugar at saka iyong critical care capacity.
Pero siguro po, without preempting the President, ngayon pong araw na ito ay nag-i-inaugurate po tayo ng 250 additional bed capacity dito po sa East Avenue Medical Center sa Quezon City na gagamitin po ito exclusively para sa mga pasyente ng COVID. So kung kulang man dati-rati iyong ating mga kama para sa mga COVID patients, naibsan na po iyan dahil ngayon po mayroon na tayong 250-bed capacity.
Now, pumunta naman po tayo sa COVID updates natin ‘no. Mayroon na po tayong 46,002 active cases ng COVID sa ating bansa, sa mga aktibong kaso na ito 90.7% naman po ay mild, 6.7% po ang asymptomatic, 1.1% po ang severe at 1.5 po ang kritikal.
Ang mabuting balita naman po ay napakarami pong mga gumagaling. Kahapon po nag-report nang mahigit na apatnapung libo ang naka-recover sang-ayon na rin po ito sa WHO Beijing Mission Report. Sumatotal po ay mayroon na tayong 112,586 recoveries samantalang mayroon naman pong 2,635 naman po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga biktima.
Now, nakagawian na po natin na bago po magtalumpati ang Presidente sa taumbayan ay magkakaroon po tayo ng pagpupulong ‘no. Magkakaroon po ng pagpupulong ang Presidente sa ilang mga miyembro ng Gabinete at ang IATF, tuloy pa rin po ito bagama’t this will be a virtual conference dahil minabuti nga po namin na dahil nga po nagpositibo ang isa sa amin na pag-ingatan po ang kalusugan ng Presidente. Virtual meeting po ang mangyayari mamaya, pero televised address po ang magiging mensahe ng ating Pangulo mamayang gabi.
So, okay. Ngayon naman po mayroon po tayong dalawang magkakasama ‘no, unang-una po ang ating Presidential Adviser for Entrepreneurship, wala pong iba si Joey Concepcion. Sila po ang mayroong proyekto na ang tawag ay Project ARK at ngayon naman po ang kanilang proyekto in coordination with the BDO Foundation po. BDO Foundation, kung hindi ako nagkakamali, sila po ay mayroong game-changer – ito po ang tinatawag na pooled testing.
Ang pooled testing po, ang isang test kit gagamitin sa anywhere between 5 to 10 individuals. Kung lahat po sila negatibo, lahat sila negatibo. Pero kung positibo, hahanapin kung sino doon sa lima hanggang sampu ang naging positibo. Ibig sabihin po nito, maski mayroon na tayong 2 million tests, halos 2 million tests ‘no na nako-conduct, mas marami pang test ang puwede nating gawin sa natitira nating 800,000 testing kits, pupuwedeng ma-times 5 iyon or times 10, depende nga po kung ilan iyong gagamitin nila sa pooled testing.
So, kasama rin po natin ngayon si Marikina Mayor Marcelino Teodoro para naman po bigyan tayo ng updates sa mga hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan dito sa Metro Manila. Ang nais nating malaman dito kay Marikina Mayor Teodoro, sabihin na natin na ang mangyayari sa Pilipinas—o sa Metro Manila at sa karatig na probinsiya ay magkakaroon ng localized lockdown, paano po ito ipatutupad at paano pa po ang mga hakbang na gagawin ng mga lokal na pamahalaan para nga po labanan ang COVID-19.
So unahin na po natin si Presidential Adviser on Entrepreneurship. Speaking on behalf of Project ARK, PA Joey the floor is yours. PA Joey? Naku, wala yatang koneksiyon si PA Joey ‘no. Hindi ko po alam kung ano nangyari kay PA Joey pero technical… Is there a way of inviting PA Joey in or Mayor Teodoro in?
MAYOR TEODORO: Magandang umaga, Secretary.
SEC. ROQUE: Oo, Mayor, pasensiya na po at medyo—this is the first time na nag-home broadcast po ang presidential press briefing. Pero Mayor, well bukas po magkakaroon tayo ng bagong classification. Pero kahit anong classification pa po iyan, tingin ko malinaw na magkakaroon po tayo ng localized or granular lockdown at mukhang malinaw din po na may mga bagong hakbang na gagawin tayo na ang lokal na pamahalaan ay magiging mas aktibo ‘no more than ever now. So ano pong mga hakbang na gagawin po natin sa Marikina regardless of kung ano po iyong classification po natin na iaanunsiyo mamayang gabi ng ating Presidente?
MAYOR TEODORO: Tama po iyon, Sec. Harry. Iyong paghahanda kailangan at kung anuman iyong desisyon should be based on the ground, information that we have from the ground. At kung sakali man na i-downgrade o kung sakali man hong ma-upgrade iyong quarantine level, we should always be prepared to implement community quarantine.
At ang isang ginagawa sa Marikina for example ho Sec. Harry, aktibo ho kami doon sa contact tracing at based on the contact tracing na-establish namin iyong tamang data at doon namin ibinabase kung kailangan i-lockdown o i-quarantine iyong isang area. Hindi tayo nagla-lockdown ngayon on a larger scale dahil nakikita natin iyong epekto nito sa ekonomiya natin. Kaya nga mahalaga iyong mga tamang datos na mayroon tayo.
SEC. ROQUE: Okay. Mayor, kasapi ba ho kayo kahapon sa meeting ng mga Metro Manila Mayors?
MAYOR TEODORO: Opo. Nag-meeting ho kami kagabi at halos inabot na nga kami ng maghahating-gabi, at nakikiisa naman ang mga Metro Manila mayors na kailangang maging handa ang lahat. At nakikita nga namin na iyong new normal ay mahalagang mapaghandaan lalo na doon sa minimum health standard na niri-require natin sa ating mga mamamayan, iyong mga social distancing measures natin, quarantine measures natin at even iyong—or we could build a robust and resilient type health system. Napakahalaga iyan, iyong paghahanda para sa—in case na may increase sa cases natin.
SEC. ROQUE: Last question na, Mayor. Napapatupad ba ho natin iyong mungkahi ni Mayor Magalong pagdating sa tracing?
MAYOR TEODORO: Sa Marikina po ina-adopt natin iyong strategy na prinopose ni Mayor Magalong. In fact, sa Marikina noong bago kami magkausap ni Mayor Magalong eh tatlo lamang ang aming contact tracing team. Ngayon po based on the computation na binigay nila sa akin eh nag-increase po tayo, may sampu na po tayong contact tracing team. At iyong 1:35 ratio po ng isang positive para makapag-contact trace ho tayo ng tatlumpu, hanggang tatlumpung individual ay nagagawa na po natin dito ngayon sa Marikina.
Ang pinakamahalaga po na nakikita po namin is isa iyong time of essence. Eh tulad ng sinasabi nga ni Mayor Magalong, within 24 hours once na may detection ay mati-trace mo agad. Sa Marikina nga, ang kaibahan nga lang namin sa ibang mga LGU ay mayroon kaming testing capacity kaya nalalaman din namin agad doon sa nati-trace namin kung sino iyong positive or negative. At kung positive naman ay maa-isolate natin agad siya at maibibigay iyong supportive medical treatment na kailangan.
Kaya nakukuha namin iyong tamang ratio pati kung paano i-expand iyong health facilities natin at pati iyong treatment and monitoring facilities. At nagkakaroon din po kami dito – dahil nag-o-open up nga ho tayo ng mga businesses – ng enhanced targeted testing doon sa mga inu-open nating business. This is in coordination with Project ARK po, may mga test kits ho kaming nakukuha sa kanila. At kapag naubos na po iyong test kits na nakukuha namin sa kanila, from the local government po we use our budget to build our capacity in testing. Capacity in testing is very important, Sec. Harry.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Mayor. If you can join us po, kung mayroong tanong po ang Malacañang Press Corps sa inyo, we would appreciate that po ‘no.
MAYOR TEODORO: Opo, salamat po.
SEC. ROQUE: Minensyon [mentioned] po ni Mayor ang Project ARK. Ang Project ARK po ay isang pribadong sector initiative na nakikipagbayanihan po sa gobyerno lalong-lalo na po sa larangan ng testing.
Kasama na po natin ngayon, nasa waiting room, papasukin na po natin sa ating screen si Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion. PA Joey?
PRESIDENTIAL ADVISER CONCEPCION: Good afternoon, Harry.
SEC. ROQUE: Sinabi ko po kanina na itong project ninyo on pooled testing is a game changer. Pakisabi po sa ating mga nanunood ngayon ano itong pooled testing at why is a game changer. The floor is yours, PA Concepcion.
PRESIDENTIAL ADVISER CONCEPCION: Katatapos lang iyong presscon namin na halos almost 700 people attended the presscon. So, you can see iyong interest ng mga LGUs and pribadong sector talagang very high ‘no. And sumali dito sa Dr. Raymond Lo ng PSPI, si Dr. Lociones PCMC, of course, Dr. Robert Padua and RITM Dr. Amado Tandoc and DOH.
So number one, the most important thing is, yes, pooled testing will work and we will start with pools of five. Anong ibig sabihin ng pools of five? The research was done with pools of five, ten and twenty. So five people to one test kit, basically – five people or ten people, or 20 people. So nakikita natin sa Amerika, ang ginamit nila, four people to a test kit. Dito sa Pilipinas, gagamitin namin ay five people or five samples to a test kit.
Now, if a test kit tests positive, then you have to test everybody in that kit. But they will not have to swab because iyong samples nandiyan, so kukunin nila—what do you call this? They will keep the samples. So kung ma-test positive iyong kit, then they would be able to test everybody in that using the samples ‘no that they have, so hindi nila itatapon.
So that’s a good development. And—kasi iyong private sector right now, Harry, as we know, the President may announce whether to move to GCQ or stay where we are ‘no, at nakikita namin dalawang strategy lang ito eh. The first and most important strategy is massive targeted testing using antibody test kits, iyong dating ginamit natin noong March, noong lockdown natin kasi wala tayong capacity sa PCR. Ngayon, we’ve donated more equipment to the government hospitals, and now on top of individual PCR testing, we are moving towards pooled PCR testing.
And today, the results were pretty good. And they want to be conservative, they will start with pools of five first. Down the road, kung iyong prevalence natin, iyong infection level ay babagsak, then they can be more aggressive and increase that down the road to pools of 10. So that will bring down the cost to about 750 pesos in pools of five ‘no.
And then number two, the most important is the speed of testing will be faster because you will have now five people to a test kit rather than one person to one test kit. So mas mabilis and the capacity will increase.
So, many were asking questions ‘no and you can see the interest level. So ang priority namin, Makati muna ang mauuna with Mayor Binay, and then iyong remaining cities sa NCR at one municipality ay isusuporta ng private sector. We have about 18 companies from the private sector who are going to support this program on what we call research tool ‘no. So now implementation ngayon ito, pools of five within the cities of NCR because that’s where the prevalence is the highest ‘no.
And of course, the private sector is waiting on the wings because the return to work order na sinabi ni Secretary Bello is they prefer PCR testing. So this is another form, instead of a one is to one PCR testing into pools of five to one kit ang gagawin namin ‘no. And that’s strategy number one because without testing, you cannot trace and you cannot isolate and you cannot treat. So testing is critical here.
Second strategy is that we have to be consistent, is you need testing to be able to determine the data of the infection level in the different barangays. Iyon ang kailangan localized, granular lockdown sa mga barangay, mga sitio.
So dalawa lang ang pag-isipan natin sa buong strategy on how to coexist with the virus – new ways of testing and database localized lockdown or granular lockdown. If we are able to do that perfectly—siyempre sa testing sunud-sunod lahat iyan – tracing, isolating, etc. – then I think we will be able to coexist with the virus and eventually beat the virus habang wala pang cure sa virus na ito.
So I was very happy with the presscon today and the engagement of over close to 700 people who really attended from all sectors.
SEC. ROQUE: Siyempre po ‘no, itong pooled testing ibig sabihin, times five na ang actual testing natin, divided by five na ang cost at mas mabilis.
Pero bago po tayo pumunta sa open forum – and I hope you can stay for our forum, PA Concepcion – Mayor Teodoro, ever since mayroon kayong sariling lab, magkakaroon pa ng pooled testing ngayon, ang tanong: Kumusta po ang kakayahan ng mga lokal ng pamahalaan gaya ng Marikina pagdating naman sa isolation? Habang mas maraming nati-test, mas maraming magpopositibo, dumadami rin ba ho ang ating isolation centers, Mayor Teodoro?
MAYOR TEODORO: Tama po iyan, Sec. Harry, dahil dumadami po iyong nati-test natin. For example, sa Marikina on the average daily, we could do PCR test to 800 individuals – ganoon karami. Ang pinakamarami naming na-test noong nakaraang linggo, on the average is 800 – mayroon kaming 1,000 na tests naisagawa sa isang araw – this is based on our aggressive contact tracing.
Doon sa isang batch namin in three days, 2,465 tests, mayroon kaming 68 positive doon so we needed for that 68 to be isolated immediately. What is good is that we’re able to put up some temporary quarantine facilities here in Marikina. Mayroon ho kaming Marikina hotel na kinonvert [converted] na namin na treatment and monitoring facility accredited by the DOH, as well as iyong aming Marikina Convention Center with capacity of 200 beds.
Tapos iyong sa interim namin na facility, mayroon kami sigurong capacity na around 145 beds. Marami, marami tayong—full capacity na po ito, Sec. Harry. And what is good is that the DPWH is building another treatment and monitoring facility for Marikina for another 145-bed capacity.
Ang challenge po talaga ay noong nagbukas po tayo ng ating trabaho, marami po sa amin ay pupunta sa ibang lugar, co-mingling ho iyong tao eh. I think, there should also be data sharing among the LGUs. Iyong residente ng Marikina ay nagtatrabaho sa Makati, sa Taguig. So iyong aming testing ay makikita namin, mati-trace namin as a source of infection is from another locality. So we forward those information to the concerned locality.
Similarly, we offer our testing center to adjacent municipalities and cities in Marikina, tulad ng Antipolo, San Mateo. Minsan mga taga-Quezon City ay tinatanggap po namin dito magpa-test because we believe in the idea kung safe po iyong neighboring area namin, we will also be safe po. There should be a network of communities working together in testing and tracing, then similarly, hopefully ho baka dumating na rin iyong panahon that we could also share mga quarantine facilities through initiative of the LGUs here in our area, in Marikina and in the eastern part of Rizal.
SEC. ROQUE: Mayor, iyong mga DepEd school buildings, kailan po ninyo magagamit iyan as isolation facilities?
MAYOR TEODORO: Mayroon po kaming ni-request na mga DepEd building, Sec. Harry, pero we are trying to maximize first the existing structures of the local government unit, before we use the facilities of our schools. Dahil iyong mga facilities natin na school dito sa Marikina, Sec. Harry, ay ginagamit for capacity building ngayon ng mga teachers in preparation for the opening of classes at saka iyong mga ganoong activities, Sec. Harry. Pero we are prepared to use the school building in case that there will be a need.
SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat. Pumunta na po tayo sa open forum. Wala akong cue card, so bahala na si Batman. Unahin natin si Joyce Balancio/DZMM, go ahead please. And they requested dahil apat lang daw sila na online na if they will ask four questions. I think that is reasonable. You can have four questions, but I think Usec. Rocky will still join us for questions sent to her. Go head, Joyce.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon po, Secretary Harry and to our guests. Sinabi po ng MMDA that the Metro Manila mayors are asking or recommending for a stricter GCQ after August 18. Pero ang gusto po nila, it’s a restricted type of GCQ pa rin, opening of the economy pero mas mahigpit kagaya daw po noong July 1 na in-implement natin. So, as of now, nasaan na po ang IATF in planning out of post-August 18 scenario? And ito po bang recommendation ng Metro Manila mayors, is it similar to what they will be recommending to the President in a meeting later?
SEC. ROQUE: Well, kung sasagutin ko po iyan, sinabi ko na kung ano ang magiging desisyon ni Presidente ano. So hayaan na po natin kaunting panahon na lang po iyan. Pero ang masasabi ko lang po, ang IATF naman po palagi pong kinukonsulta lalung-lalo ang mga Metro Manila Mayors. Kasi sa Metro Manila, hindi mo naman pupuwedeng i-isolate ang isang siyudad dahil magkakatabi po iyan and it constitutes one geographic unit. So, perhaps, I can confirm na ang recommendation din ng mga Mayor ay GCQ, pero iyong GCQ po noong buwan yata ng Hunyo na mas mahigpit kaysa doon sa eventual na GCQ na pinapatupad ngayon. At iyan naman po ay pinakinggan nang mabuti at nang masusi ng IATF at i-incorporate po iyan sa kanilang rekomendasyon kay Presidente.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary Roque, si former DICT Acting Secretary Eliseo Rio posted on his Facebook account this weekend a message conveying his disappointment over IATF’s recent decisions that he said have allegedly caused the rise of COVID-19 cases, permanent closure of businesses, health workers asking for a timeout, etc., etc. He emphasized po, Secretary Roque, the proposal he sent before sa IATF, but this was rejected by the gatekeepers of the IATF. And he said we are now suffering the consequences. Iyong proposal daw po niya it’s being implemented effectively in other countries. He mentioned the gatekeepers of the IATF are preventing, allegedly, contributions of talented groups and individuals, some proposals that are better than the systems we are using now. Any reaction po?
SEC. ROQUE: Ang alam ko, iyong rekomendasyon ni former Usec ay bumuo ng bagong software, pero ang kinakailangan natin ay iyong software na mayroon na at gumagana. At ang naging desisyon po ay kunin iyong offer po ng safety.ph, libre naman po ito, walang gastos sa gobyerno at ngayon po ginagamit ito o gagamitin ito in conjunction with iyong libreng apps din ng Google at ng Apple. Nagkaroon lang po tayo ng kinakailangang plantsahin pagdating doon sa ating data privacy law at naayos po iyan kasi dinonate [donated] na ng safety.ph ang lahat ng impormasyon o mga datos na makakalap niya sa ating gobyerno; ang may hawak na po niyan ay DOH. So, sa mga darating pong mga araw na lang, hindi po linggo magkakaroon po tayo ng demonstration dito sa ating press briefing kung paano po gumagana iyong safety.ph app in conjunction with the Google and Apple app na ginagamit po ngayon sa buong mundo.
So ang alam ko po, ang ipapatupad natin ngayon is in state with what many countries in the world are using, dahil libre naman po iyong programa na dinevelop [developed] jointly ng Google at ng Apple.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Follow up ko lang doon, Secretary, sa first question ko. He mentioned po kasi that the gatekeepers of the IATF are allegedly rejecting or preventing contributions of talented groups and individuals. Any reaction to this, sir?
SEC. ROQUE: Hindi naman po, kaya lang kinakailangan linawin lang dahil mayroon din tayong mga requirements pagdating sa procurement. Even if we have a Bayanihan 1 Act, one thing I discovered, kasi nga po, tayo rin ang in charge sa strategic communication na hindi pala ibig sabihin na may Bayanihan Act puwede ka na kumuha kahit kanino. I had also to incur delay doon sa ad campaign na ilo-launch natin dahil ang ginawa namin, eh ang akala namin dahil may Bayanihan Act ay pupuwede na kaming magsabi, ‘Uy, gawa mo ako ng ganitong ad,’ at kapag nandiyan na puwede ng gamitin – hindi pala ganoon. Mayroon talagang proseso na dapat sundin maski it is considered as an emergency procurement and that cause delay of almost a month din dito sa ating proyekto na kaya na nating i-unveil.
So, iyon lang po iyong akong nadiskubre na even with Bayanihan Act authorizes emergency purchases at hindi na po dapat dumaan sa lahat ng proseso ng 9184, mayroon pa rin pong proseso na nasusunod. Ang nangyari lang po siguro, iyong app na gusto ni Secretary Rio ay hindi po pupuwedeng pumasok even for purposes of emergency procurement. Mayroon pa rin po tayong mga rules that we need to comply with. Iyon lang po.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary Roque, si Atty. Larry Gadon nag-trend po siya sa social media for not properly wearing his face mask. Iyong lumabas po na picture naka-tape po kasi iyong face mask niya sa face shield. At ang explanation po niya, he does not believe that wearing face mask can prevent spread of COVID-19 and the government over reacted and paranoia lang daw po itong utos natin na gumamit tayo ng face mask. At sabi po niya kung effective daw po ang face mask, bakit daw po umaabot sa more than 100,000 ang COVID-19 cases. Curable daw po ang COVID, one should only take traditional Chinese medicine. Any reaction to these kinds of statements?
SEC. ROQUE: Hindi naman po doktor kasi si Larry Gadon, iyan po ay pañero ko. So, let that be his personal opinion. Pero ang mga doktor po, ang mga dalubhasa ay nagsasabi na ang pagsusuot po ng maskara can reduce the risk of acquiring the disease by as much as 85%. Kung sasamahan pa iyan ng face shield, almost 90 plus percent po ang probability na mapoprotektahan tayo laban sa COVID. Sana po huwag na tayong maghintay na tayo pa ang maging susunod na biktima. Alam na po natin iyan sa buong mundo na epektibo po ang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagso-social distancing.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na lang po from me, Secretary, talaga. Reaksiyon po natin sinabi po ng PhilHealth Spokesperson in an interview this morning, iyong EXECOM o iyong Executive Committee ng PhilHealth, they will also be filing their leave of absence bukod pa po dito sa six vice presidents. And also 14 PhilHealth officials including their president, General Ricardo Morales, has also signed iyong bank secrecy waivers. Reaction to this, sir, and how will this affect the ongoing investigation over last week?
SEC. ROQUE: Hallelujah is all I have to say. That’s good for them, good for the country. Pupunta tayo kay Usec. Rocky if it is possible. Usec. Rocky is in the house.
USEC. IGNACIO: Yes, good morning, Secretary.
SEC. ROQUE: Siguro i-text na lang sa akin iyong ilang miyembro ng Malacañang Press Corps. Let me see kung nasa akin nga. Sandali lang po ha, itsi-check ko bago natin tawagan itong susunod na magtatanong.
Okay, kung wala si Usec. Rocky, ako na po ang magbabasa ng first question, pinadala naman po nila. From Francis Wakefield of Tribune: Can we have latest update on the condition, health status of the President following reports that he went to Singapore daw for medical treatment? Is there a need for concern po ba on the part of the people?
Wala po. Nilinaw ko po sa isang statement kahapon na fake news po iyong pag-alis ng Pilipinas ng ating Presidente. Nananatili po siya sa Davao, hindi po siya umaalis ng Pilipinas and his health is fine. Kami po ay hindi nagtuloy ng Davao dahil because nag-positive nga po si Secretary Año. It’s just a concern also for the health of the President and in compliance with health protocols. Kasi ang sabi naman po ng health protocols natin, mag-isolate iyong mga nagkaroon ng closed contact with COVID positive. So kaya nga po nandito tayo, home broadcast po tayo ngayon.
Next question, also from Francis Wakefield: Halos two weeks na since MECQ was enforced sa NCR and four other provinces and yet COVID cases on a daily basis have not gone down. Will this be a factor in PRRD’s decision to extend MECQ or balik GCQ, given na apektado na talaga ang ekonomiya?
SEC. ROQUE: Well, alam n’yo po, ang tinitingnan natin ay iyong case doubling rate at saka iyong clusters of COVID cases sa Metro Manila at saka tinitingnan din natin iyong critical care capacity.
Now, so far po, hindi naman po lumalala ang ating case doubling rate at dahil nga po today, August 17, nag-inaugurate tayo ng 250-bed capacity diyan sa East Avenue Medical Center na that will cater exclusively to COVID patients, naibsan po iyong ating critical care capacity pero ang mga nakalipas na araw hindi naman po siya nasa danger level.
So, wala po sa danger level ang critical care capacity natin in the past few days at lalo pang bumuti ang healthcare capacity with the 250-beds additional COVID beds at East Avenue Medical Center.
So, ang sagot: Of course, the cases will always have an impact on the decision pero sa tingin ko po, alam na natin na magtatagal ang COVID sa buong mundo at hindi lang sa Pilipinas at alam na natin kung paano mabuhay with, despite, and in spite of COVID.
Is it true that PRRD had a meeting with Nur Misuari Sunday afternoon? If yes, napag-usapan ba iyong tungkol sa ASG leader na si Idang Susukan? Other issues?
Wala pong katotohanan na nagkaroon ng meeting si Presidente kay Nur Misuari.
Now, we have—I call on Joseph Morong now, GMA.
Joseph?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon. Hi!
SEC. ROQUE: Go ahead.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyon po munang kay Sec. Año. Sino po sa inyo ang mga naka-self isolate because he had a meeting with President August 10, that’s the reference point? And if you are on self-isolation, is the President also on self-isolation because he was in the meeting on August 10?
SEC. ROQUE: Well, ako kasi, the reason why I went on self-isolation, it’s a personal decision kasi kasabay ko rin sa eroplano si Sec. Año. Pero ang Presidente naman po technically, wala siyang close contact. And kung we will go by the book, hindi siya nag-close contact dahil malayo po kami lahat kay Presidente at naka-face shield at saka naka-face mask.
Pero, I believe the others po are also on self-isolation now even if it is not required. Ako po kasi bilang tagapagsalita, I need to serve by way of example to others since I had—close contact na rin po iyon kasi nasa eroplano kami, magkasabay kami sa eroplano, mabuti pang mag-isolate. Pero mag-a-isolate po ako five days tapos magpapa-PCR po ako para malaman kasi ang sabi nila effective naman daw at accurate ang PCR test five days upon contact.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, pero I think the definition of DOH kapag close contact is that if you are in the same room for more than fifteen minutes and then you are at some kind of distance. I’m sure the President and Sec. Año interacted, so … that’s the first point—
SEC. ROQUE: The President is in perpetual isolation because no one can come close to him. I think sinabi ko na sa inyo na whenever we meet with him, there is a velvet rope that keeps him at least six feet away from everyone else. So, no one can really come close to the President.
So, I guess my answer is he’s in perpetual isolation in the sense that PSG has done a very good job in making sure that no one really comes close to the President.
JOSEPH MORONG/GMA 7: And we don’t need to PCR test the President?
SEC. ROQUE: He does undergo regular PCR tests. Nagrereklamo nga siya dahil paulit-ulit na iyong pagsundot sa ilong niya. The last time I heard him, “Naku! Sundot na naman ako ng ilong.” And I think it’s also because it’s a requirement of Davao City Mayor Sara whenever he goes back to Davao and he complies with the requirements of the local government.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir—okay. Question ko po sa MECQ. Iyon pong mga researchers from UP-OCTA Research – I’m sure you’re familiar with them – if you go by the two data analytics that you’ve mentioned, critical care capacity at saka iyong case doubling, medyo okay pa siya. But iyong positivity rate, it was 17, critical care utilization is in danger iyong at least eight LGUs in Metro Manila. So, it doesn’t look good as far as our decision to extend or whether to extend the MECQ or not based on the data of the research.
SEC. ROQUE: Well, I defer po doon sa sinasabi nila na dangerous on the eight LGUs kasi mayroon na po tayong One Hospital Command Center. Sa akin po, because of the One Hospital Command Center, we’re utilizing all our bed capacities as if we have one giant hospital in the entirety of Metro Manila and including even the bed capacity of the adjoining provinces.
So, mayroon po tayong effective referral system na kung puno na sa isang ospital, alam nila iyong susunod na pinakamalapit na ospital na pupuntahan. Kinakailangan lang gamitin ng ating mamamayan iyong hotline para alam nila kung saan sila pupunta. Iyan lang po ang paraan para maiwasan iyong pila sa ER ‘no at kung tatawagan ninyo naman po iyong hotline, hindi na kayo pipila pa dahil alam ninyo na kung saan pupunta.
And of course, I have to add na today, we’re inaugurating 250-beds exclusively for COVID in East Avenue. So, that will debunk the claim that we are at the dangerous level as far as critical care capacity is concerned. Hindi po! Ang solusyon lang po diyan sa critical care capacity, dagdagan ang mga kama. Ang una pong inaugurate today, 250-bed capacity kasama rin po diyan iyong mga ICU units. Ang susunod po, additional ICU beds diyan po sa Quirino, diyan po sa PGH. At ang susunod pa po diyan, 500-bed capacity isolation rooms na idinonate po ng Razon Group diyan po sa Nayong Pilipino. Lahat po iyan mai-inaugurate in the coming weeks. Iyong isolation facility po for 500, I understand it would take them two weeks to set-up the tent and to install all the equipment needed.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So, mukhang GCQ tayo, sir. And a related question, sir, clarification—
SEC. ROQUE: Hindi ako sumagot na GCQ tayo ha. I’d like to clarify, wala akong sinabing ganiyan.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Of course. Sir, ganito, clarification: The meeting is tonight and the announcement is tonight or tomorrow?
SEC. ROQUE: Well, let’s hope that the meeting does not take long because there will still be a meeting that takes long. The message of the President at the end of the meeting is normally short but siguro I will prompt everyone tapusin na natin nang maaga. Kasi naman kasi kapag Viber ang—kapag Zoom, we generally tend to be straight to the point, wala ng meandering so baka naman mas maagang mabigay ang anunsiyo.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So tonight, the meeting; tonight, the announcement, yeah?
SEC. ROQUE: Well, I can’t assure you that tonight will be the announcement but the meeting is tonight.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir. Thank you.
SEC. ROQUE: Thank you.
Okay, we go back to the questions. Let me see… I miss USec. Rocky reading the questions. Wait lang po.
Okay, ito po. From Mylene Alfonso of Bulgar: Sen. Francis “Kiko” Pangilinan questioned the designation of Cabinet officials as “Big Brothers” in charge of their respective LGUs saying they instead need competent and upright national government leaders in dealing with COVID-19 pandemic. Micromanagement daw ang ginawa ng national government sa pagtatalaga ng mga Cabinet members sa mga LGUs. Reaction, please.
SEC. ROQUE: Alam ninyo naman malapit na eleksyon, re-electionist itong si Sen. Pangilinan. Hindi ako nagtataka sa mga maaanghang na salita niya pero if you go by the track record of the party in similar disasters, his own party had dismal performance. So, ang sagot ko lang diyan: Everyone is doing their best dahil kapag tayo po ay pumalya, baka sariling pamilya rin namin ang mag-suffer sa COVID. Wala pong such a thing as natutulog sa pansitan dahil lahat po tayo under threat from COVID. We all have families; we all have to take care of them. So, all members of the IATF are giving their best shot because they know eventually it may enter their homes.
So, ganiyan pong ka-dedicated ang mga miyembro ng IATF knowing na ang susunod na biktima ay pupuwedeng kapamilya nila.
Nagbabala si Sen. Richard Gordon na mapipilitan silang ipatigil ang COVID-19 testing Philippine Red Cross kapag hindi nagbayad ngayong araw ang PhilHealth ng kanilang balanse na aabot sa halos P1 bilyon. Paano ito mababayaran? Paano na rin ang free swab testing para sa returning overseas Filipino workers who have been displaced by the pandemic?
Well, in answer to the threat, there are now in excess of 101 laboratories doing PCR testing at in fact, while the PNRC is still the biggest testing center accounting for around 12% of the market, iyong susunod po is around 11% of the market at ang susunod na 11% sa market caters almost exclusively to seamen dahil sila po iyong mga umaakyat ng mga barko.
So, ang sa akin po, hindi naman po tayo magkakaroon ng highest actual testing na PCR test being conducted kung umaasa lang tayo sa isang laboratory. Hindi na po, [unclear] although malaking kawalan po iyan kapag tumigil ang PNRC at ang masasabi ko lang po, now that the focus is on PhilHealth, maaasahan naman siguro natin na maiiwasan iyong delay sa pag-reimburse ng PhilHealth.
Pero sana, paalalahanan ko rin po ang PNRC, dati-rati naman po nagkaroon na rin naman ng advance ang gobyerno sa kanila, so kung medyo naaantala po, kaunting pasensya lang po and I’m sure that because PNRC is led by Sen. Richard Gordon, it will be a priority po. Let’s just wait until they thresh out kung ano man iyong nagiging problema ngayon sa PhilHealth at sana po tuloy-tuloy pa rin iyong pagti-testing because we consider PNRC as a very important partner of government in the testing capacity.
Now, I call on Triciah Terada now of CNN, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary. Magandang tanghali po ulit. Sir, follow up lang po doon sa PhilHealth. Now that General Morales is on leave, sino po iyong magiging OIC or caretaker ng PhilHealth? And at the same time, sir, paano po planong solusyunan ng government iyong problem nga po doon sa pagbabayad sa mga hospitals ng mga … iyong mga delayed payments po?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po ay mayroon naman pong OIC dahil nag-medical leave na po ang PhilHealth [president], hindi ko lang po alam kung sino talaga iyong itinalagang OIC. But that’s not something that the President has to appoint. Mayroon na pong internal system ang lahat ng mga GOCCs kung sino ang mag-o-OIC, kung ang presidente po goes on leave. So that’s in place po. If I’m not mistaken, it will be one of the vice-presidents but not any of the controversial vice-presidents.
Now, iyong pagbabayad po ng PNRC, well, iyan po ngayon ay tinitingnan ng lahat hindi lang po ng Senado pati po ng DOJ, iyong task force na binuo ng Presidente. Nais kong iulat sa inyo na araw-araw po ay dumidinig ng mga testimoniya itong task force na ito. At from what little I know of their proceedings, very encouraging po ang mga impormasyon na nakakalap ng task force natin.
So pagdating po doon sa pagbabayad ng PhilHealth, siguro po it’s a step towards the right direction na tinigil na nila iyong advances nila lalung-lalo na doon sa mga lugar na wala namang COVID para magamit po iyong natitirang salapi pa ng PhilHealth para doon sa mga gastos na talagang COVID-related dito sa mga hospitals and regions that are actually catering to COVID patients.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, doon naman po sa SWS survey. There’s this SWS survey saying that adult joblessness is now up to 45.5% in July, and half of that or half of these adults lost their jobs due to pandemic. Secretary, ano pong plano ng government tungkol dito? And how are we going to make sure na iyong magiging mga plano po ng labor department, in particular, ay hindi po magiging maganda lang in theory or in paper po?
SEC. ROQUE: Well, Trish, magugulat ka ba na nawalan ng trabaho sila ay samantalang buwan-buwan nang inaabot na naka-lockdown ang ating ekonomiya. Ako po ay nagagalak na hindi tayo 100% nawalan ng trabaho kasi sa tagal po na naka-lockdown tayo, talagang I’m still surprised at our resilience at 45% pa lang po ang nawawalan ng trabaho. It could have been worse kasi nga po complete lockdown ang nangyayari sa atin.
Ano pong hakbang na gagawin? Intense po ang debate sa IATF at sa Gabinete, those who want to open the economy and those who want to continue closing it because of the threat. Ako, I personally belong to the school of thought na we can live with COVID; we need to learn how to live our lives with COVID. At ilulunsad na nga po natin iyong ating kampaniya na “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”.
Ang solusyon po: Kinakailangang buksan ang ekonomiya dahil talaga naman pong wala pa ring trabaho ang karamihan kung mananatili ang mga lockdowns. At tingin ko po bagaman at mainit po ang debate sa IATF at nandiyan po iyong UP-OCTA group na nagsasabing kinakailangan manatili pa ring sarado ang ekonomiya, well, sabihin po natin iyan doon sa mga walang trabaho dahil sarado ang ekonomiya. At kung wala po tayong ayuda, ano pa ang solusyon natin kung hindi buksan ang ekonomiya. Pero aadresin [address] po iyan ni Presidente mamaya. In his infinite wisdom, we are confident that the President will make the right decision.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, in case po na mag-move tayo to GCQ, can we expect a stricter GCQ? Kumbaga, iyong mga Category 4 po noon na na-decategorized to Category 3, puwede po ba silang magbukas? I’m asking this, sir, kasi I understand, kung anuman po ang maging desisyon ni Pangulo tonight or tomorrow man po i-release, magti-take effect siya August 18, tomorrow din po?
SEC. ROQUE: Well, puwede bang bukas na natin pag-usapan iyan. Magkikita-kita naman tayong muli bukas uli ‘no, online, ang we will have the proper announcements naman. I’m sure, whatever the decision of the President will be, mayroon iyang mga kumbaga, package na kasama dahil we still need to address the rising numbers of COVID-19.
So can I ask you to defer that question for tomorrow?
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you, Secretary. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Salamat, Trish. Now, question now from Kris Jose of Remate: Strike 2 na po si DILG Sec. Año sa pagpositibo sa COVID-19. Sa public address ng Pangulo noong nakaraang linggo ay kasama si Sec. Año, sa tingin ninyo ay kailangan bang magpa-swab test muli ang Pangulo at ibang Cabinet officials para masiguro kung positibo o negatibo po sa virus? Kumusta na p ang Pangulo ngayon?
Okay po ang Pangulo. Ang sabi ko nga, regular ang kaniyang swab test. Wala pong may gusto ng swab test kasi parang habang mas marami kang swab test ay parang sumasakit iyong pagtusok sa ating mga ilong. Pero kinakailangan po iyan dahil alam naman ni Presidente na kinakailangang pangalagaan ang kaniyang buhay.
Kaming lahat pong Gabinete na dapat pupunta sa kaniya sa Davao, nagpa-swab po kami kaya nga po nalaman na positive si Secretary Año, kasi niri-require po ni Mayor Sara na lahat ng papasok sa Davao withing 72 hours ay mag-PCR, at doon nga po nadiskubre na positibo si Sec. Año.
Okay? So the President is fine. Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA: Magandang araw po, Secretary Roque. I’m just as curious as anybody else. Kayo ay naka-self isolation at ganoon din iyong ibang members ng Gabinete, papaano po ninyo dinadaluhan iyong mga local government units in Metro Manila and nearby provinces na may mga problema pa rin tungkol sa COVID-19? For example, kayo ay nasa Pasay.
SEC. ROQUE: Oo, ako po kasi I’m assigned to Pasay. Ang plano ko sana ay makipagkita kay Mayor Emi dahil ako naman po ay taga-Pasay na taal ‘no. Pero hindi po mangyayari iyon dahil ako ay naka-self isolation, magsu-Zoom meeting na lang po kami ni Mayor Emi kasama sana iyong kaniyang epidemiological officer at saka iyong city health officer niya. So napakaganda naman po ng teknolohiya – kung hindi pupuwedeng face to face, nagsu-Zoom meeting.
MELO ACUÑA: Mayroon po kaya tayong specific programs para sa unemployment? Binanggit ninyo kanina, pahapyaw, mayroong diskusyon ang IATF at iba pang mga sangay ng pamahalaan. Pero would you happen to have an idea kung ano ang gagawin ng gobyerno para matugunan iyong unemployment?
SEC. ROQUE: Well, mayroon po tayong programa sa DOLE, dalawa po iyan, iyong AKAP para doon sa mga nawalan ng trabaho at saka iyong work for pay na TUPAD. At bukod pa po diyan, nakapaloob na po sa Bayanihan II iyong stimulus package na pinag-uusapan natin – magpapautang po tayo nang mas maraming pera sa mga magsasaka, sa mga maliliit na mga negosyante, small and medium enterprises; at magkakaroon po tayo ng mga credit guarantees.
Sa turismo po, ang isang proposal na nanggaling sa Senado, ten billion package na puwede nilang utangin at low interest rates. So in other words po, gagamitin po natin hindi lang iyong kaban ng bayan kung hindi iyong mga inutang natin para ma-stimulate po ang economy. And the best way of stimulating the economy is, number one, iyong work for pay program natin kagaya ng TUPAD; at number two, iyong financial assistance to small and medium enterprises. At hindi po natin inaalis iyong possibility of providing assistance doon sa mga strategic industries bagama’t hindi po sila small and medium scale.
MELO ACUÑA: Baka po puwedeng magtanong kay Mayor Marcy Teodoro ng Marikina kung nasa linya pa siya.
MAYOR TEODORO: Opo, Sir Melo.
MELO ACUÑA: Magandang araw po. Interesado po ako, mula po noong nagkaroon ng COVID-19, tumaas po ba iyong kriminalidad sa inyong lugar?
MAYOR TEODORO: Tinitingnan ko iyong index crime natin, Melo, at saka iyong mga daily report, actually bumaba at halos zero iyong criminality, iyong rate of criminality. Marahil siguro nasa bahay ang marami, lesser ang activities sa mga public areas na kung saan doon nangyayari ang krimen ay siguro bumaba accordingly.
MELO ACUÑA: Mayor Marcy, sinasabi, ang pinakamarami raw rugby boys ay nasa Marikina dahil gumagawa ng sapatos. Ano po ang naging impact ng COVID-19 sa inyong shoe industry?
MAYOR TEODORO: Una, natigil ang pagpapagawa ng marami, halos 80% ay natigil. Iyong 20%, kaya hindi siya natigil kasi ang kaniyang platform na ginagamit sa marketing at sa pagtitinda ay iyong digital or virtual. Kaya nga nagsyi-shift kami ngayon ng platform sa pagma-market at pagtitinda on a digital platform.
MELO ACUÑA: Okay po. Pero iyong mga nawalan ng trabaho, papaano ninyo inaalalayan?
MAYOR TEODORO: Una, mayroon kaming constant consultations sa mga … hindi lang sa mga magsasapatos, Melo, pati iyong mga primary manufacturing and industrial group dito sa Marikina.
Unang-una, kailangan masiguro natin na COVID-free ang kanilang work setting para hindi matigil iyong production o kaya iyong kanilang operation. So, inaalalayan natin sila sa ganoong paraan, Melo.
Mayroon tayong—maliban doon sa enhanced targeted testing noong mag-open ang economy natin ay mayroon tayong … para matiyak na COVID-free iyong mga manggagawa, maliban doon ay may surveillance testing tayong ginagawa upang sa ganoon malaman kung may resurgence ng COVID doon sa work setting. Titigil ang lahat eh kapag may COVID. Sa reconfiguration of their work areas tumutulong tayo. Hindi lang on a technical aspect na nagbibigay tayo sa kanila ng reconsideration plan, tulad halimbawa kung paano mao-observe iyong minimum health standard. Iyong paano imi-maintain iyong negative pressure sa isang work area para iyong malinis na hangin ang pumapasok at lalabas iyong ano. Paano magsagawa ng uni-directional protocol doon sa mga manggagawang papasok at lalabas, paano ang social distancing, nagtutulong tayo technically para ipakita iyong plano at paano i-observe ito, maliban pa doon sa mga local social amelioration natin.
And isa pa naming tinutulong, ang malaking problema ng mga manggagawang pumapasok ay iyong transportation eh. In the absence of public transportation, Melo, nagbibigay tayo dito sa Marikina ng libreng sakay, free shuttle in cooperation o in coordination with the different manufacturing and industrial plants dito.
Ano lang talaga, nagtutulung-tulong talaga ang kailangan. Of course, tax relief could help. But what we are doing here in Marikina to preserve jobs is to keep the business, economy afloat, iyon iyong mahalaga.
Melo, last point ko lang ano, hindi puwedeng iasa sa pamahalaan ang lahat eh. Ang pag-iingat sa COVID, para makaiwas, kailangan gawin lahat eh – iyong social distancing, tao naman talaga ang gagawa noon eh; pagsusuot ng mask ini-enforce natin. Noong nakaraang araw, ang nahuli namin, Melo … ang crime dito sa Marikina tumataas, iyong not wearing of mask. Mayroon kaming 200 kahapon nahuli, hindi nagsusuot ng mask sa mga public areas, palengke, grocery. Pero sinasabi namin, hindi pupuwedeng hinuhuli ka lang, dapat mag-ingat ka talaga para sa iyo iyon eh, para sa kaligtasan mo.
MELO ACUÑA: Maraming salamat po. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Our next question is from Aileen Taliping of Abante Tonite. May pananagutan ba si Chairman Nur Misuari sa pagkakanlong ng naarestong Abu Sayyaf leader na si Idang Susukan? Ayon po sa PNP, nasa poder ni Misuari ang ASG leader na ilang araw bago ito nalaman ng pulisya.
Well, hindi ko po alam dahil hindi ko po alam ang actual circumstance kung bakit naroroon si Susukan. Pero ang pagkakaintindi ko po, it was Chairman Nur Misuari who arranged the surrender, okay, surrender po iyong nangyari ‘no. So hindi naman po siya nankanlong talaga. So, iyon po. But I do not know for sure kasi wala po akong access to information talaga.
Mayroon pa pong tanong dito from Gillian Cortes of Business World: What is the Palace statement on the latest SWS Adult joblessness business rate? What is the government doing at the moment to help produce jobs for people despite the pandemic?
Nasagot ko na po iyan. We are, of course, saddened but that’s to be expected with the lockdowns that we’ve had because of COVID-19. I think government is looking at opening the economy and providing financial assistance to small and medium scale enterprises and also assistance to strategic businesses even if it is not small and medium scale.
Now, tingnan po natin kung mayroon pang questions. Tingnan ko lang po, Julie Aurelio—Ayun! Rocky, you are here. Please read that question from Julie Aurelio, please.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary. Okay ito po iyong tanong Julie Aurelio: Does the Palace believe that MNLF Chair Nur Misuari should be liable for keeping or harboring Abu Sayyaf Leader Abdul Jihad Idang Susukan?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po, he arranged for the surrender. So, in terms of criminal liability, medyo highly unlikely po kasi parang he really arranged for Susukan to surrender. Hindi po nahuli si Susukan dahil tinatago ni Nur Misuari, parang hindi po ganoon, parang he really arranged that authorities will apprehend Susukan in his residence on that given day.
USEC. IGNACIO: Opo iyong second question niya. I understand Secretary medyo binanggit na rin ninyo kanina. Pero babasahin ko na rin iyong question niya: What are the IATF’s recommendation to be presented to PRRD or President Duterte tonight for the community quarantine classification for Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite and Rizal? How did the LGUs daw po respond to the recommendations and were there any appeals?
SEC. ROQUE: Okay, well iyong initial appeals po, mayroon—well, na-announce ko na iyan iyong appeals, kasi everywhere else naman na-announce natin before iyong classification. Iyong mga in-announce natin, mayroon pong tatlong lugar ang nag-apela roon. Pero for Metro Manila and the four provinces, let’s just say po, unanimous naman po ang rekomendasyon ng IATF at saka ng mga Metro Manila mayors kay Presidente.
USEC. IGNACIO: Okay, susunod pong tanong ay—hindi ko rin po alam kung nabanggit na rin po ninyo ito. Pero ang susunod pong tanong ay kay Aileen Taliping, ang sabi po daw—
SEC. ROQUE: Tapos na si Aileen Taliping.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya about Senator Richard Gordon, PhilHealth?
SEC. ROQUE: Tapos na po, tapos na. Mayroon pang additional question yata si Julie Aurelio.
SEC. IGNACIO: Opo, from Julie Aurelio: What does the Palace daw po think of the dinner held in Baguio City for PNP Chief General Archie Gamboa? The DILG denied that there was a party, but it was a dinner for Gamboa held at the Navy base in Baguio City despite community quarantine restrictions. It is the second time that a PNP official disregarded, allegedly, disregarded these restrictions. Will the Palace ask Gamboa to explain his actions or hold him accountable?
SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung talagang nagkaroon ng ganiyang party. But, ang masasabi ko lang po, number one, we will check with General Gamboa if there was such a party; and then number two, kung nagkaroon ng party, then we will ask for explanation – although ang Baguio City po is under MGCQ ha. Ang Baguio City is under MGCQ, hindi po siya MECQ. So, ang MGCQ allowed po up to 50% capacity kung hindi ako nagkakamali ‘no, ang MGCQ like Baguio City. Pero titingnan po natin. But in the first place, I cannot comment because hindi ko po alam kung talagang nagkaroon ng ganiyang party sa Baguio.
USEC. IGNACIO: Opo, follow up naman po ni Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: September 2 daw po ang retirement ni PNP Chief Gamboa. Sino daw po ang napipisil ni Presidenteng papalit? Ilan po ang nasa list ni Pangulong Duterte na kandidato para sa next PNP Chief?
SEC. ROQUE: Ia-announce ko na lang po siguro kung sino ang magiging next PNP Chief. Hindi naman po inaantay iyong birthday ng retiring PNP Chief bago mag-anunsiyo ng kapalit. Mayroon po iyan mga one-week interval, so malapit na po nating i-announce iyan.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman po ni Vanz Fernandez: When there are anomalies daw po in government agencies and departments, President Duterte is known for revamping daw po those departments and agencies and with new appointments. Will President Duterte do the same with PhilHealth, with… parang exposing corruption within the institution?
SEC. ROQUE: Well, pinaubaya pa muna ni Presidente iyong imbestigasyon sa kanyang task force. And gaya ng sinabi ko kanina, araw-araw po dumidinig ng testimoniya ang task force para ma-uncover kung ano ang katotohan na nangyari diyan sa PhilHealth.
USEC. IGNACIO: Secretary, hindi ko lang po alam kung natanong na rin po ito. Kasi may tanong po ni Cedric Castillo ng GMA-7 para po sana kay Presidential Assistant Joey Concepcion po sana.
SEC. ROQUE: Ay naku, paalis na si Joey—naku, umalis na po si Joey, nagpaalam. Pero ano po iyong tanong niya?
USEC. IGNACIO: Ang tanong po ni Cedric Castillo: Paano daw po iyong funding ng procurement ng pooled testing, also sustainability—test today, pero puwedeng ma-expose ulit bukas.
SEC. ROQUE: Well, anyway, ito po ay private sector initiative, iyong pilot study at saka clinical studies for the testing and it is paid exclusively by the private sector, Go Negosyo and BDO Foundation.
USEC. IGNACIO: May tanong din po para kay PA Concepcion, pero baka rin po puwede na rin sa inyo. From Kris Crismundo of Philippine News Agency: Can you explain how are you going to identify those people na magkakasama sa isang pool? Can you expound on that?
SEC. ROQUE: Well, ang gagawin po iyan sa isang area limang tao po ang kukunin nila. I think it can be at random, but it has to be the same area. Pero tatanungin po natin uli si PA Concepcion. Kakapaalam lang po ni PA Concepcion without hearing these questions.
Pero alam ko po, at random iyan. Alam lang nila kung nasaan para kapag nag-negative, lahat sila negative; at ‘pag positive, then itsi-check po sila ulit.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary Roque. Iyon lang po iyong mga nakuha na nating tanong sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat Usec. Rocky. Maraming salamat sa lahat ng ating naging panauhin – Mayor Teodoro, P.A. Concepcion. At maraming salamat din po sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps. Hanggang bukas po muli, sa ngalan ng ating Presidente, Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi – Keep safe, Philippines. And good afternoon to all of you.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)