Press Briefing

Press Briefing with PCOO Undersecretary and Acting Deputy Presidential Spokesperson Michel Kristian Ablan

Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang

USEC. ABLAN: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.

April 1 po ngayon, sa mga kasama po sa gobyerno, simula po ng quarter two of fiscal year 2022. At April Fools’ Day po. Pero dito sa ating Malacañang Press Briefing ay pawang tamang impormasyon lang po, tungkol sa pamahalaan ang inyong maririnig kaya manood lamang po. Hindi po kayo ma-pe-fake news dito.

Umpisahan po natin ang Press Briefing ngayong Biyernes sa bagong alert level classification na epektibo ngayon araw, a-uno ng Abril 2022 hanggang a-kinse ng Abril 2022, na makikita po ninyo sa inyong mga screen.

Alamin po natin isa-isa ang mga lugar.

Alert level 1 mula April 1 to 15: National Capital Region, Sa Cordillera Autonomous Region po, Abra, Apayao, Kalinga and Baguio City.

Sa Region I, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Dagupan City.

Sa Region II, Batanes, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Quirino.

Sa Region III, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City, Tarlac, Zambales at Olongapo City.

Sa Region IV-A, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Lucena City.

Sa Region IV-B, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Puerto Princesa City.

Sa Region V, Albay, Catanduanes at Naga City.

Sa Region VI, Aklan, Guimaras, Capiz, Bacolod City at Iloilo City.

Sa Region VII, Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City at Mandaue City,

Sa Region VII, Biliran, Ormoc City at Tacloban City.

Sa Region IX, Zamboanga City.

Sa Region X, Camiguin, Bukidnon, Iligan City, Cagayan De Oro City.

Sa Region XI, Davao City, at sa CARAGA, Surigao Del Sur, Surigao City at Butuan City.

Sa loob po ng CAR, kasama po ang Ifugao, Lagawe, Lamut. Sa Mountain Province po, Besao. Bontoc at Sagada.

Sa Region II, sa ilalim po ng Nueva Vizcaya, Bambang, Bayombong, Dupax Del Norte, Quezon, Solano at Villaverde.

Sa Region IV-A po, sa ilalim po ng Quezon, City of Tayabas, Lucban, Mauban, Pagbilao, Plaridel, Polillo, Quezon at Sampaloc.

Sa Region IV-B, sa ilalim po ng Occidental Mindoro, Lubang at sa ilalim po ng Palawan, Culion.

Sa Region V, sa ilalim po ng Camarines Norte, sakop po ang Daet at San Vicente. Sa ilalim po ng Camarines Sur, Bombon, Cabusao, Camaligan, Iriga City, Presentacion (Parubcan) at San Fernando. Sa ilalim po ng Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Casiguran, Sorsogon City, Gubat, Juban, Magallanes at Prieto Diaz.

Sa Region VI naman sa ilalim po ng Antique, San Jose at Sebaste. Sa ilalim po ng probinsya ng Iloilo, Anilao, Balasan, Banate, Barotac Nievo, Barotac Viejo. Sa Bingawan po, Concepcion, Dueñas, Guimbal, Janiuay, Lemery, Mina, Pototan, San Dioniso at Sta. Barbara. At sa ilalim po ng Negros Occidental, Enrique B. Magalona (Saravia), La Carlota City po, Pulupandan, Sagay City at San Enrique.

Dumako po tayo sa Region VII sa ilalim po ng Bohol sakop po ang Batuan, Corella, Dimiao, Jagna, Lila, Loay, Loboc, Sikatura at Tagbilaran City. Sa ilalim po ng probinsya ng Negros Oriental, sakop po ng alert level 1 ang Dumaguete City.

Sa Region VIII po, sakop po ng Eastern Samar ang mga LGUs ng Arteche, Balangkayan, Can-Avid. Borongan City, Jipapad, Maydolong, Salcedo, San Policaprio, Sulat at Taft. Sakop po sa probinsya ng Leyte ng Albuera, Vity of Baybay, Dulag, Matag-ob, Palo, at Tunga. Sa Northern Samar naman, Capol, Lapinig, Lavezares, San Antonio, San Jose at Victoria. Sa Samar o Western Samar sakop po ang Marabut at Pagsanjan. At sa Southern Leyte, Anahawan, City of Maasin, Hinundayan, Libagon, Limasawa, Macrohon, Padre Burgos at Pintuyan.

Sa Region IX po, sa ilalim po ng Zamboanga Del Norte, Dapitan City, Dipolog City, Piñan, (New Piñan) Polanco at Rizal. Sa probinsiya po ng Zamboanga Sibugay, sakop po ang Ipil (Capital) at Tungawan.

Sa Region X, sa probinsya po ng Lanao Del Norte sakop po ang Bacolod at sa Misamis Occidental, sakop po ang Clarin, Jimenez, Ozamis City. Panaon. Sa Misamis Oriental, sakop po ang Alubijid, Binuangan, City of El Salvador, Initao, Laguindingan. Libertad, Lugait, Naawan, Sugbongcogon at Tagoloan.

Sa Region XI po, Davao De Oro, sakop po ang Montevista at sa Davao Occidental, sakop po ang Cateel at City of Mati.

Sa Region XII po, sa Cotabato o North Cotabato, sakop po ang alert level 1 is City of Kidapawan at President Roxas. Sa South Cotabato sakop po ang Polomolok at Sto. Niño at sa Sultan Kudarat, sakop po ang City of Tacurong.

Sa Caraga naman po, sa ilalim po ng Agusan Del Norte sakop po ang Carmen, Jabonga, Magallanes at Nasipit. Sa probinsya po ng Agusan Del Sur, Bunawan, Loreto at Prosperidad. Sa probinsya po ng Dinagat Island sakop po ang Loreto at sa Surigao Del Norte, sakop po ang Tagana-an.

Sa ilalim po ng alert level 2. Ang mga lugar na hindi ko nabanggit ay nasa alert level 2.

Sa usaping bakuna. Dumating kagabi, March 31, 2022, ang 936,000 doses ng reformulated Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan sa tulong ng World Bank. As of March 31, 2022, nasa mahigit 71.2 million na ang naka-first dose habang nasa 66 million na ang naka-complete dose, o fully vaccinated, ayon po iyan sa National COVID-19 Vaccination dashboard.

Nasa mahigit 12 million ang naka-booster shots. Over-all, nasa mahigit 142.4 million na ang total doses administered.

Sa mga tsikiting na edad lima hanggang labing-isang taong gulang, malapit na sa isang milyon, or 933,404 ang fully vaccinated, samantalang ang mga batang dose (12) hanggang disisiete (17) anyos nasa halos siyam na milyon, or 8,972, 409 ang fully vaccinated, as of March 31, 2022.

Pumunta naman tayo sa ating mga lolo at lola, nasa mahigit 6.6 million na ang fully vaccinated seniors, as of March 30, 2022.

On other matters. Good news. the Philippines is the first country in Southeast Asia to host Elon Musk’s Space X Internet Service. Napakagandang balita po nito dahil mas bibilis ang broadband speed, at magkakaroon ng mas malaking kapasidad ang ating telecom services, at higit sa lahat, magiging mas mura ang mga rates. According to Secretary Ramon Lopez of the DTI, preparations are now being made to register Space X as an internet provider in the Philippines.

Bago po tayo pumunta sa tanong ng Malacañang Press Corps, kasama natin ngayon ang ating suki dito sa Thursday, Friday press briefing, walang iba kung hindi si Department of Health, Undersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire. Magandang hapon po ulit. Happy Friday. Happy April 1, USec. Rosette.

DOH USEC. VERGEIRE: Good afternoon po, Usec. Kris. At good afternoon po, Usec. Rocky. Magandang hapon po sa inyong lahat na nakikinig at sumusubaybay dito po sa press briefing na ito.

Magbibigay lang po ako ng kaunting updates mula po sa Kagawaran ng Kalusugan, if we can have my slides, please.

PCOO USEC. ABLAN: Sure. Go ahead po, ma’am.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

So, we are going to present the current situation of COVID-19 here in our country:

Nationally po, nakapagtala tayo ng 2,553 new cases mula March 24 hanggang March 30. Let me just reiterate na ito pong ating mga kaso o bilang na binibigay sa inyo is a weekly report. Hindi po ito daily para wala po tayong confusion.

Nagtu-total na po ngayon sa 3,677,924 ang ating mga kaso kung saan 1.1% ang aktibo or active cases, 97.29% naka-recover, habang 1.61% naman ang sumakabilang buhay.

Mula po sa ating active cases, 39,989 ay asymptomatic, mild or moderate. Habang bumaba naman po sa 1,423 ang ating mga severe at critical cases.

Ang limang nangungunang contributing regions sa new cases para sa linggong ito ay ang National Capital Region, Region IV-A, Region VI, Region III and Region VII. And the top five areas contributing to the new cases are City of Manila, Cavite, Iloilo, Quezon City, and Parañaque City.

Batay po sa graph na ito nakikita po natin ang mabagal na pagbaba ng bilang ng mga kaso na nasa 24% noong nakaraang linggo at tinatayang nasa 364 cases per day ngayong linggo.

Mabagal na po ang pagbaba dahil po una sa lahat, mababa na po ang ating mga kaso sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.

Mas mababa po ang ating mga kaso ngayon ng humigit-kumulang 100 cases kung ikukumpara natin noong nag-uumpisa po tayo noong December last year. Ang pagbaba po ng kaso ay nakikita rin po natin sa lahat ng [3] Island groups sa ating bansa.

Isang magandang balita po, lalung-lalo na po sa may mga kamag-anak o kapamilyang gustong-gusto nang makauwi sa ating bansa. Ibinaba na po ng United States Center for Disease Control and Prevention ang risk level ng pagbiyahe dito sa Pilipinas. Ito ay dahil sa patuloy na pagbuti ng COVID-19 situation sa ating bansa.

Sa ngayon, kabilang na po ang Pilipinas sa labing-apat na bansa na isinailalim ng US CDC sa Level 2 or COVID-19 moderate. Ibig sabihin na ang mga bansang ito ay mayroon lamang 50 to 99 new COVID-19 cases in every 100,000 population sa loob po ng 28 days.

Ngunit paalala pa rin po ng US CDC at ng Department of Health na kung hindi pa po tayo bakunado, iwasan muna po natin ang pagbiyahe patungo o pabalik sa Pilipinas dahil mataas pa rin po ang tiyansang kayo ay magkaroon ng COVID-19.

Kaya muli, ang lahat po ay hinihikayat na magpabakuna at magpa-booster na sa lalong madaling panahon para naman po muli nating ma-enjoy ang ating paglalakbay.

Magtungo naman po tayo sa updates natin sa ating bakunahan:

As of March 31, 2022, humigit-kumulang 65.9 million na ang ating mga kababayan na fully vaccinated laban sa virus; 73% po dito ang ating target. Samantala nasa 79% or 71.2 million na ang kababayan nating nakapagpaturok na ng kanilang first dose.

Mayroon na rin po tayong humigit-kumulang 12 million na kababayang boosted na. Para sa 44 million na eligible at hindi pa nakakapag-booster, magtungo na po tayo sa pinakamalapit na bakunahan at magpabakuna na po dahil kapag boosted ay extra protected.

Para naman po sa ating pediatric population, mayroon na po tayong 933,000 children aged five to eleven (5-11) na fully vaccinated na, habang nasa 8.9 million naman po ang bakunadong adolescent population.

Isa pong magandang balita: Dahil sa ating special vaccination days, mas marami na po tayong kababayan na nagkaroon ng proteksiyon laban sa COVID-19. Naabot na po natin ang 60% of the targeted population para sa ating special vaccination days.

Sa katatapos lamang na special vaccination days sa Cebu Province ay karagdagang 32,826 na mga kababayan natin ang nabigyan ng bakuna, habang humigit-kumulang 42,986 naman ang nabakunahan sa Region XI, 1,621 sa Region XII at 12,606 naman po ang nabakunahan sa BARMM.

Muli, hindi po titigil ang Kagawaran ng Kalusugan at ang buong gobyerno hanggang hindi po nababakunahan ang bawat Pilipino na nangangailangan po ng proteksiyon laban sa virus. Magpabakuna na po tayo para ang pagbabagtas natin sa ating new normal ay magtuluy-tuloy na.

Ngayon po magtungo po tayo sa ilang updates at paalala mula sa Kagawaran:

Nagdeklara po ang Kagawaran ng Agrikultura ng Avian Flu outbreak kahapon. Ganoon pa man, hindi kinakailangang mag-alala ang publiko dahil ang chance po ng transmission ng Avian Flu sa mga tao ay mababa.

Ayon po sa World Health Organization, ang transmission from birds to humans at humans-to-humans ng Avian Flu ay napaka-rare, ibig sabihin, hindi po madalas nangyayari. Ngunit kahit na ganoon, inaabisuhan pa rin po natin ang publiko na umiwas muna po tayo sa paglapit sa mga wild birds, sa mga ibong may sakit o doon po sa mga taong naging close contact ng mga ibon o mga fowls na mga may sakit.

Ganoon din po, ipa-practice pa rin po ang minimum public health standards. Tandaan po natin, ang Avian Flu po is respiratory infection. Ibig sabihin, iyon pong ginagawa nating minimum public health standards ngayon katulad ng pagsusuot ng mask, paghuhugas lagi ng kamay, pag-iwas sa taong may sakit ay magiging epektibo rin po ito kung saka-sakali na magkakaroon tayo ng infection ng Avian Flu dito sa ating bansa.

Para naman po sa another good news: Noong nakaraang linggo, ipinatupad na po ang Executive Order Number 155 na nagdulot po ng pagbaba ng presyo ng ilang mga gamot at ito po ay ang Maximum Drug Retail Price.

Kabilang po sa mga gamot na kasama dito ay mga gamot sa hypertension or high blood, diabetes, mataas ang cholesterol, asthma at chronic obstructive pulmonary disease, at colorectal, lung and breast cancers. Binabaan po ang lahat ng presyo ng mga gamot na kasama dito.

Magandang balita po ito para sa ating mga kababayang may karamdaman doon sa mga nabanggit ko. Ganoon pa man, ang Kagawaran ng Kalusugan, sa pamamagitan po ng Universal Healthcare, ang gamot para sa lahat ay sisiguraduhing sasapat.

Narito po ang ilang mensahe bago po tayo magtapos: Dahan-dahan na pong bumababa ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Nagpapasalamat po ang Kagawaran ng Kalusugan sa ating mga kababayan dahil sa patuloy na pagsunod sa minimum public health standards at sa pagpapaturok ninyo po ng bakuna. Ipagpatuloy lamang po natin ito nang sa ganoon, mas mabilis po tayong makarating doon sa tinatawag nating new normal.

At dahil nga po maganda ang naidudulot ng ating pagsunod sa minimum public health standards at mataas ang bakunahan sa ating bansa, ibinaba na po ng US Center for Disease Control and Prevention ang risk level ng Pilipinas sa Level 2 or COVID-19 moderate.

Para po doon sa mga travelers natin na patungo dito sa ating bansa, mas ligtas na pong magbiyahe ngayon papunta sa Pilipinas. Ang ating mga kapamilya ay maaari nang makauwi nang mas panatag ang kanilang kalooban.

Panghuli, naabot na po natin ang 73% na target population na mabakunahan dito sa ating bansa laban sa COVID-19. Hindi po titigil ang buong gobyerno at ang Kagawaran ng Kalusugan na gawing mas available at accessible ang ating mga bakuna upang ang bawat Pilipino ay mas protektado at manatiling protektado laban sa virus na ito.

Dito po nagtatapos ang aking presentasyon. Thank you very much. And the floor is now open for questions.

Over to you, Usec. Rocky.

USEC. ABLAN: Maraming salamat po, USec. Rosette, for the updates. Sana po huwag kayong magsawa na magbigay ng updates dito po sa press briefing. Pumunta po tayo kay Undersecretary Rocky, USec. Rocky, for our questions and answers.

USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Ablan and USec. Vergeire. Unang tanong mula po kay Celerina Monte ng NHK. USec. Ablan, is the April 8 talk between President Duterte and President Xi Jinping, sa China ba o teleconference? Similar question with Jo Montemayor, ng Malaya.

USEC. ABLAN: All right, kagabi po si Presidente Duterte mismo ang nag-announce na mayroon siyang meeting with China officials, at ang alam po natin ay online po ang meeting na ito sa darating po na April 8.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up question ni Jo Montemayor: Sino raw po ang nag-initiate ng meeting?

USEC. ABLAN: All right, ang nag-initiate po nito ay ang gobyerno po ng China.

USEC. IGNACIO: From MJ Blancaflor ng Daily Tribune. What will President Duterte tell Chinese President Xi Jinping during their meeting? Will they tackle the West Philippine Sea and the Ukraine-Russia crisis? Similar question with Jo Montemayor ng Malaya and Lei Alvis ng GMA news.

USEC. ABLAN: All right, in so far as we’re concerned ‘no, this meeting is still in the preparatory stage. So, kung ano iyong magiging issue at saka matters na pagdi-discuss ng world leaders na ito ay malalaman natin in the coming days.

USEC. IGNACIO: Opo. From MJ Blancaflor ng Daily Tribune. President Duterte said last night that he won’t endorse a presidential candidate. Will this affect PDP Laban support for Bongbong Marcos o tuluy-tuloy pa rin ba ang kampanya ng party members for BBM and Mayor Sara?

USEC. ABLAN: All right, as mentioned by the President himself yesterday, he remains to be neutral and he’s not endorsing any candidate kasi wala pa siyang nakikitang any compelling reason to make any endorsement.

Iyon iyong sinabi niya noon na in-interview [interviewed] siya ni Secretary Martin Andanar, at ganoon din po ang position hanggang ngayon po. No endorsement, the President remains neutral until he sees a compelling reason to make an endorsement.

USEC. IGNACIO: Okay, iyong follow-up question po ni Lei Alvis, nasagot ninyo na pero basahin ko lang baka may maidagdag ka pa USec. Kris. Ano ang dahilan ng Pangulo sa hindi niya pag-endorso ng kandidato sa pagka-pangulo?

USEC. ABLAN: All right. So, ulitin ko lang iyong sagot, USec. Rocky, gaya ng sinabi ko kanina based on the President’s statement a few weeks ago when Secretary Andanar interviewed him, he will endorse if there is a compelling reason. Sa ngayon po, wala pa ring compelling reason para mag-endorse si President Duterte.

USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Kris. Susunod na magtatanong si Mela Lesmoras ng PTV.

USEC. ABLAN: Salamat po, USec. Rocky.

MELA LESMORAS: Good afternoon, USec. Kris, and USec. Vergeire, at USec. Rocky. Unahin ko lang po iyong question about alert levels. For Malacañang and DOH, ano po kaya iyong dahilan kung bakit hindi pa rin naipatutupad iyong Alert Level 1 sa buong Pilipinas? Ano po kaya iyong mga kulang pa at hindi nakakamit ng ibang lugar iyong criteria for Alert Level 1?

DOH USEC. VERGEIRE: Sige po. Usec Kris, shall I answer first?

USEC. ABLAN: Yes po.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Mela ‘no. So, unang-una, kailangan maintindihan ng ating mga kababayan iyong pag-de-escalate natin to Alert Level 1, mayroon ho tayong mga metrics na sinusunod para ma-determine natin if an area is already eligible to be de-escalated to a lower alert level like Alert 1.

Sa ngayon po kapag tiningnan natin ang case classification ng lahat ng areas natin, low to minimal risk na lahat. So, ibig sabihin they are already qualified ‘no in terms of number of cases.

Kapag tiningnan natin ang health care utilization, low risk na din po lahat ng ating regional areas with regard to the hospital bed capacity o iyong hospital bed utilization. So, kapag doon qualified lahat ng areas. Pero, iyong isa nating metrics na vaccination doon po natin tinitignan at pinagtatrabahuhan natin lahat.

So, always remember in order for us to be able to ensure that the population will be adequately protected in spite of us easing restrictions vaccination should be high para po protektado ang mga tao. And in terms of those 57 areas na hindi pa ho nade-de-escalate, hindi pa po nararating o na-achieve iyong target for vaccination that’s why we still cannot de-escalate to Alert Level 1.

MELA LESMORAS: Opo. And just a follow up question for USec. Ablan. Sir, for Malacañang side bahagi po ba ng target na legacy ng Duterte administration na makamtan sana iyong new normal sa buong Pilipinas bago bumaba sa puwesto at paano po ang panawagan niya sa ating mga kababayan ukol dito?

USEC. ABLAN: Thanks Mela. Yes of course kung ano iyong in-announce ni USec. Vergeire, kanina ay iyon din po ang stance ng ating Palasyo. We are going to use everything under our power to achieve 100% vaccination and get back to our new normal before the President steps down on June 30.

MELA LESMORAS: And isang question na lang po para pa rin kay USec. Vergeire. USec. Vergeire, patanong lang po ng kasamahan kong si Mark Fetalco. I understand na nababanggit na rin po ito noong mga nakaraang press briefing. Pero, dumarami po kasi iyong mga nananawagan para i-reconsider iyong definition ng fully vaccinated sa bansa at isama na nga iyong booster shots.

Given na dito nga sa alert level 1 kaya marami pa ring lugar na hindi pa maisama sa new normal ay dahil hindi pa sapat iyong vaccination rate nila. Kino-consider na po ba ito ng DOH or may bagong pananaw na po ba kayo tungkol sa issue?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Mela and Mark. Ito pong usapin ukol sa re-defining ay iyong fully vaccinated individuals. Ito po ay masusi nang pinag-usapan ng ating mga eksperto with our technical advisory of experts at bukod diyan tayo po ay nag-research na. Tiningnan po natin ang mga iba’t-ibang experiences across the different countries in the world.

Nakita po natin that for example sa US CDC sa United States. They did not redefine ang fully vaccinated individual. Instead ang ginawa po nila naglagay po sila ng another terminology which is up to date.

Ibig sabihin fully vaccinated still iyong dalawang bakuna na natanggap mo for your primary series. Kapag naka-receive ka ng booster nakalagay iyon up to date ka doon sa iyong pagbabakuna.

Ang main reason kung bakit ayaw pa rin hong mairekomenda ng ating mga eksperto na baguhin natin ang definition ng fully vaccinated because it’s going to cause confusion since marami pa rin ho tayong mga kababayan na hindi pa rin po bakunado.

Pangalawa, ito pong ating primary series, hanggang sa ngayon naman po, kahit kaunti ay may proteksiyon pang ibinibigay sa atin. So ang sabi po ng atin pong mga eksperto, it would be better if we go to that direction where we can use another term like up-to-date vaccination so that we can encourage more of our citizen para po sila ay magpabakuna.

Pangatlo, kapag kasi ni-redefine natin at nilagay natin iyong booster dose as part of the fully vaccinated individual, baka magkaroon po muli ng confusion doon sa mga sinasabi nilang mandatory versus voluntary na pagbabakuna.

Kaya gusto lang ho nating ipatupad kung ano iyong mas pina-practice po sa ibang bansa, mas may ebidensiya tayo at sa tingin natin ay mas makakabuti para sa ating mga kababayan. So in the coming days, we will be issuing out an advisory para po dito para informed lahat ng ating mga kababayan.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Maraming salamat po, Usec. Vergeire, Usec. Ablan at Usec. Rocky.

USEC. ABLAN: All right. Maraming salamat po, Mela at Usec. Rosette. We go back to Usec. Rocky po.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Usec. Kris.

Ang susunod na tanong ay mula kay Raphael Busano ng ABS-CBN News: For Usec. Vergeire, ngayon pong araw na muling ibinalik ang pahalik sa Nazareno sa Quiapo Church, ano raw po iyong dapat tandaan at gawin ng publiko kung nais humalik sa poon lalo’t maraming kamay at posibleng pati bibig ang dumapo rito? May dapat bang ikabahala [dahil] sa ganito din posibleng tumaas ang risk ng hawahan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So, unang-una, kung anuman po iyong mga pinapatupad natin na mga safety protocols dati, iyon pa rin po ang ating ipatutupad. Kung anuman po iyong mga advisories natin dati, iyon pa rin po ang advice ng Kagawaran ng Kalusugan. Alam po natin kung paano nata-transmit ang impeksiyon. At dito po sa ganitong practice, katulad ng paghalik sa mga poon, maaari pong magkaroon ng pagkakahawa-hawaan.

So nag-a-advise po tayo sa ating mga kababayan na kung maiiwasan naman po na humalik sa mga poon o kaya ay gumamit na lang po tayo siguro ng kamay at ilagay sa ating noo. Pero huwag nang hawakan ang ating ilong at bibig kapag ginawa natin iyan dahil alam po natin na maaari po tayong mahawa ng impeksiyon kung gagawin natin iyan.

Patuloy po nating ipatupad ang minimum public health standards. Maghugas kayo lagi ng kamay, magsuot po kayo ng facemask, huwag po kayong pumunta sa matataong lugar. At doon po sa paghahalik o paghahawak sa mga poon, siguraduhin po ninyo na hindi po tayo humalik doon sa poon kapag marami na pong tao ang gumawa nito. Maghugas lagi po kayo ng kamay kung kayo ay humawak nito. Huwag ninyong ihawak ang inyong kamay sa inyong bibig at ilong para makaiwas po tayo sa pagkahawa-hawaan.

Nakikiusap din po tayo sa ating mga churches, kung sakali po, baka puwede po tayong makipagtulungan sa kanila na iwasan muna po natin iyong mga activities that can have increased risk of transmitting infection to our citizens.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire. Ang susunod na tanong ay mula po kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Usec. Vergeire, the US FDA has approved the administration of a fourth dose or second booster to elderly and immunocompromised individuals. How will this development affect the ongoing AEG (All Experts Group) review on this? May update na po ba raw?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Carolyn. This will affect positively, actually. And actually, ginagamit na po namin iyong mga ebidensiyang nakalap natin even coming from the US Food and Drug Administration. Kasama naman po lagi, because ang FDA of the United States ay isa po iyan sa mga stringent regulatory authorities.

Tayo po ay nagsumite na ng request to amend the EUA of our vaccines. So hinihintay lang po natin ang FDA, together with their experts, to issue out ‘no kung makakapag-amend tayo nitong EUA at saka po tayo makakapagpatupad dahil may initial recommendation na rin naman ang ating Vaccine Expert Panel regarding this.

So nakikiusap po tayo dahil marami po ang nagtatanong kung mag-uumpisa na raw po ang fourth dose, maghintay lang po tayo ng abiso galing sa Kagawaran ng Kalusugan kung kailan po natin uumpisahan iyan. Hinihintay lang po natin na ma-amend ang Emergency Use Authority coming from FDA para sa mga bakunang gagamitin dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire. Iyong susunod pong tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines, Usec. Vergeire, nasagot ninyo na about doon po sa classification ng fully vaccinated na tinanong po ni Mela Lesmoras.

Usec. Kris, tanong ni Rose Novenario ng Hataw: Ano ang korapsyon na kinasangkutan ng DENR officials na sinibak ni Pangulong Duterte, batay sa pag-amin niya kagabi sa speech sa Lapu-Lapu City? Kung sangkot sa korapsyon, hindi ba dapat kasuhan at hindi lang sibakin sa puwesto?

USEC. ABLAN: All right. Maraming salamat po, Usec. Rocky at Ms. Rose. I don’t know if you’re insinuating regarding former DENR Secretary Cimatu ‘no. Pero si Secretary Cimatu, nagbitiw po siya sa puwesto noong Pebrero due to health reasons po.

In fact, the Office of the Presidential Spokesperson sent out a message of thanks for the many years of service of ex-Secretary Cimatu. The President himself naman commended Secretary Cimatu for his achievement as DENR Secretary in so far as the Boracay and Manila Bay clean-ups are concerned.

So iyong mga ganoon, Rose, iyong mga tsismis ng mga Marites tungkol diyan, wala pong katotohanan po diyan. So back to you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang sinabi po ni Rose dito “DENR officials”. Officials po, hindi lang po iyong isa ang binanggit dito Rose.

USEC. ABLAN: All right. So if kabuuan po iyan ng DENR officials, mayroon naman tayong mga proseso na pina-follow dito po sa Executive branch. Mayroon po tayong Ombudsman, mayroon din tayong mga abogado sa OSG at mayroon tayong Sandiganbayan. So dadaan naman po tayo sa tamang proseso kung mayroon po talagang proof na may korapsyon na nangyari. So we have to trust our institutions and we have to trust our processes.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Usec. Kris. Thank you, Usec. Vergeire and sa Malacañang Press Corps.

USEC. ABLAN: Maraming-maraming salamat po, Usec. Rocky at sa members ng Malacañang Press Corps.

Dito na po nagtatapos ang ating press briefing ngayong araw. Natapos na naman po ang isang linggo; ang isang quarter. See you again on our next briefing. Stay safe and healthy everyone.

Lagi po nating tandaan: Sa totoong impormasyon, tama ang ating desisyon. Happy weekend everyone!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center