Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with 4th District Representative Arnulfo Fuentebella

Event Press Briefing
Location Dr. Manuel T. Fuenteballa Memorial Hospital in Sagñay, Camarines sur

MODERATOR:  Good morning, Mr. Secretary. It’s an honor and privilege to have you here with us in the Bicol Region. Alam ko pong galing ka rin po sa Albay, nagkaroon po tayo ng event doon. So now, ako po si Liezel Macatangay ng Philippine Information Agency and here’s our beautiful friends from the Media. Para po marinig mo iyong boses nila, ibibigay ko po sa kanila ang microphone…

SEC. ROQUE:  [Ako muna, mag-preliminary muna…] So good morning, and welcome to the first Malacañang Palace Briefing here in Camarines Sur. I’d like to thank Speaker Arnulfo R. Fuentebella for hosting us this morning, and we are joined by many, many Mayors from Camarines Sur. Well perhaps, opening remarks from Speaker Fuentebella…

SPEAKER FUENTEBELLA:  It’s an honor and pleasure to receive our distinguished member of the Cabinet, the Honorable Harry Roque, a colleague of ours before, now and in the future. We hope that God willing, he will be given more blessings to serve this country in whatever capacity. Ako na mag-endorse ng iyong candidacy…

SEC. ROQUE:  [Laughs] Thank you Speaker, but we’re just focused on our job now as Spokesperson. It’s a daily survival. But anyway, let me begin with good news.

Because we are here in Camarines Sur, let me begin with the good news that we have – more livelihood trainings for Mayon evacuees. Farmers or workers displaced by Mayon Volcano’s restiveness were provided training program opportunities, prospects of productivity, market and income through the Alternative Income Opportunities Project of the Department of Trade and Industry-Albay Provincial Office. DTI-Albay conducted trainings on site at the evacuation centers, including skills training on coco-coir and abaca twining for evacuees from Irangay Village, now housed in Barangay Bariw in Camalig.

A total of 45 housewives and youth were trained and linked with Cocotech Industries Philippines Inc. based in Camalig, Albay. Also some 25 housewives evacuees from Barangay Comon, Tobacco City were trained on abaca craft, bags and baskets-making at Tabaco City Northwest Elementary School. DTI-Albay provided starter kits that included 10 wooden molds and 5 bundles of bankuan for initial production valued at P5,000. The trainees were linked with Forecast Arts & Crafts, an exporter in the area as buyer for training output and succeeding production.

I am pleased to announce that one of the bills that I authored in Congress has been signed into law – this is Republic Act 10969 also known as The Free Irrigation Service Act last February 2 – to ensure that irrigation services made available through the continued construction repair and maintenance of necessary irrigation facilities. RA 10969 would further relieve our farmers and their irrigation associations from the burden and consequences of unpaid irrigation service fees. Dito po napupunta ang buwis ng taumbayan, libreng patubig po para sa ating mga magsasaka.

Now also, there is an appeal of Foreign Chambers of Commerce to retain the tax perks of existing regional headquarters of multinational company. Now of course, President Duterte’s veto message strongly disagrees with the current system that offers reduced tax rates for qualified employees of regional headquarters and regional operating headquarters among others. To distinguish them from other similarly hardworking employees is in violation of the Equal Protection Clause of the Constitution.

To further qualify present employees from future employees of ROHQ, OBU, petroleum service contractor, subcontractor is even more a violation of the Equal Protection Clause. Those enjoying the preferential rate are mostly managerial employees and those above them including President and CEOs. Rank-and-file employees in the same company do not enjoy the same lower tax rates. President Duterte’s veto ensures the taxpayers are treated alike and high ranking and highly paid employees in the company are taxed appropriately as others.

Now Mayon update: A total of 54 volcanic earthquakes, most of which corresponded to lava fountaining events were recorded by Mayon Seismic Monitoring Network within the last 24 hours. Based on the last report of the Department of Agriculture, a total of P165,541,000 cost of damage has been caused to agricultural products. To date, a total of P290,043,000 worth of assistance has been provided by the Office of the President and other government and non-government agencies to the affected provinces in the Province of Albay.

Now yesterday, we announced that the prosecutor has opened preliminary examination on the situation in the Philippines. Yesterday, the prosecutor announced this in a video message that the Office of the Prosecutor of the International Criminal Court has in fact opened preliminary examination of the situation in the Philippines and Venezuela. While the position of the President is that, he welcomes this as an opportunity to clear his name from the accusation that he’s guilty of extra-legal killings, the President will also insist on the basis of our consent to become a member of the International Criminal Court and that is the principle of complementarily.

Our domestic courts are able and willing to prosecute these crimes, the ICC is not a course of first instance, the ICC is only a court of last resort, moreover the alleged deaths attributed to the war on drugs is because of lawful police operations and cannot therefore constitute an attack against civilians which is required in the international crime of crimes against humanity.

Now what is new for today is that, the President when I consulted him on this matter said, that even the former UN Special Rapporteur on extra-legal killings Philip Alston in his report if you remember, cleared him of any possible criminal liability when the Special Rapporteur investigated the workings of the alleged Davao Death Squad. 

SEC. ROQUE:  The most that special Rapporteur Philip Alston recommended then was criminal charge for simple negligence against the police. So, the President said that if the conclusion of the UN special Rapporteur was that the police was only liable for simple negligence, he is very confident that the prosecutor therefore will not go beyond a preliminary examination and he is confident that at most, what could be the finding would be similar to the finding of Philip Alston. That sometimes – not all the time – police appear to be negligent in conducting the war against drugs.

Okay? So I open the question now, the floor to question. As is our practice already, I will first entertain question from the local media. Then we will entertain questions sent by text from members of the Malacañang Press Corps and I will ask our host to read the questions from the Malacañang Press Corps in between   questions ask by the local media.

DAWN/BOMBO RADYO:  Good morning, Secretary and Congressman. So dito po na-mention po kanina ni Congressman regarding po dito sa airport, domestic airport dito sa San Jose. So, dito po kasi sa Camarines Sur medyo nagkakaroon ng conflict regarding po doon sa Naga-Pili Airport. So any update po regarding sa budget dito?

SEC. ROQUE:  Ako naman po ay ipaparating po kay Secretary Tugade itong pangangailangan ng Camarines Sur para dito sa San Jose Airport at saka doon po sa Sea port na pinapangarap din ng mga taga-Camarines Sur.

DAWN/BOMBO RADYO:  Okay and follow up lang  po  regarding dito po sa – may mga lumalabas po na statement—may mga lumalabas  po ng baltia na naglabas  daw po ng statement  si President Rodrigo Duterte with regard po doon sa 5 NPAs everyday to be killed daw po regarding  kung hindi titigil itong insurgency, so any clarification po regarding dito?

SEC. ROQUE:  Ang ibig sabihin lang po ng Presidente, kung gusto nila ng digmaan, handa tayo sa digmaan, kung papatay sila ng isa, papatay tayo ng lima. Hindi naman pupuwedeng  takutin ng mga rebelde, mga terorista ang soberenyang bansa, gaya ng Republika ng Pilipinas.

JAYVEE/BRIGADA:  Sir, siguro po may idea na po kayo sa Sapanatilyo area ano po, sir, ano pa po iyong puwede nating maitulong na mga projects,  sir  doon sa mga pino-proposed ni Congressman kanina and  then siyempre po iyong budget na pinag-uusapan.

SEC. ROQUE:  Dalawa lang po ang na-propose ni Congressman kanina iyong airport at sea port. Tingin ko naman po dahil ngayong taon po ay ang number one prayoridad ng gobyerno ay build, build, build, tingnan po natin kung maipapasok natin sa mga budget na nakalaan  sa taong ito, itong airport at saka iyong sea port ninyo. Pero kung hindi naman ngayong taon, meron pa namang susunod na taon na 2019.

MODERATOR:  One national question for the meantime. From Maricel TV 5: “Good morning, what happened to the meeting yesterday about Dengvaxia. Ano ang marching orders ni Presidente?”

SEC. ROQUE:  Okay nagkaroon po ng pagpupulong si Secretary of justice Vitaliano Aguirre, si VACC chair  at ngayon Chairman ng Presidential anti-Graft Commission at saka si Public Attorney’s  Office Percida Acosta. Ang napagkasunduan:

Unang-una ang Presidente po ay nag-deklara na kinakailangan eh panagutin kung meron mang dapat panagutin dito sa Dengvaxia issue na hanggang ngayon ay nagiging dahilan kung bakit napakadaming mga

magulang ang naabala para sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Pangalawa po inutusan din ng Presidente na  lahat ng pampublikong ospital  ay dapat magbigay ng serbisyo doon sa mga kabataan na naturukan ng Dengvaxia, sasagutin na po  ng gobyerno iyong halaga  ng paggamot doon sa mga naging biktima ng Dengvaxia.

At pangatlo, dahil sa kakulangan ng clinical pathologist dito sa Pilipinas   eh nagsalita   na po ang Presidente na kung kinakailangan  kukuha  tayo ng mga dayuhang  clinical pathologist para  pag-aralan kung itong mga kabataang namamatay nga ay namatay  dahil sa Dengvaxia vaccine. Iyan po ang napagkasunduan doon sa pagpupulong kahapon.

MODERATOR:  Just a follow question for that. Kasi ito po iyong isang rising issue din sa CamSur. Karamihan po ng mga eskuwelahan na nagpapatupad  po ng mga vaccinations, hindi na po inaano ng mga  magulang, because of the fear of what happened  to Dengvaxia.  Ano po iyong ating advise sa kanila?

SEC. ROQUE:  Nananawagan po ang Palasyo sa mga nanay at tatay. Hindi po lahat ng vaccines ay masama, in fact on going pa po ang imbestigasyon sa Dengvaxia. Mas masama  po kapag itigil natin ang mga bakuna  laban sa mga sakit na alam natin na nakamamatay na rin.

Naintindihan po namin iyong paga-atubili ng mga magulang, pero dahil nga po dito sa pagkatakot sa bakuna nagkakaroon na ngayon ng mga measles outbreak eh dati po wala na dapat measles.

So ang pakiusap ko po, ang Presidente naman eh kilala n’yo naman iyan, pag nagsabi na darating ang panahon  para sa pananagutan, darating at darating po iyan. At ngayon naman po, meron ng naunang pag-aaral na nagpakita na sa 14 kaso  eh tatlo lamang ang baka may kinalaman sa Dengvaxia, pero sa tatlong iyon, eh hindi pa po sapat ang datos na  para magpakita na Dengvaxia talaga ang naging dahilan ng pagkamatay.

Mas malala pong sakit ang makukuha natin kung hindi po tayo magpapabakuna doon sa mga iba pang mga sakit na alam naman  natin ginagamit  nang napakatagal na panahon, iyang mga bakuna na iyan. So dapat po tayo po ay maging mahinahon, at tayo po  ay pabakunahan natin ang ating mga anak  laban doon sa mga  gamot, sa mga sakit  na alam naman natin na meron na talagang mga bakuna na  napakatagal nang available at ginagamit para po iyan sa kalusugan ng ating mga kabataan.

GRACE/RMN-NAGA:  Good morning, sir. Good morning po sa lahat.  Sir you made mentioned kanina sa report n’yo po na 165 million iyong parang damages ngayon sa agriculture sa Albay. So ano po ba ang maaring maitulong ng ating pamahalaan, kasi po maliban siguro doon sa mga livelihood trainings, siguro po kakailanganin ng mga magsasaka natin sa Albay iyong immediate na tulong from the  government?

SEC. ROQUE:  Gaya ng sinabi ko po, ang total na tulong na naibigay na ay umaabot na ng halos 300 million na tulong galing po sa pang-national na gobyerno. Bukod  pa po diyan iyong sa  20 million na binigay ni Presidente kay Governor Bichara at bukod pa po diyan doon sa karagdagang  5 milyon  at 30 milyon na ibinigay ng PCSO  kay Governor Bichara, para mabilis na iyong paggastos at nangako pa ang Presidente  ng  additional na  50 million kay governor Bichara. So ang suma tutal   iyong cash na dinisbers (disbursed) ng Gobernador mismo  ng probinsiya ay 50 plus 20, plus 5, plus 30. So, iyan po ang suma-tutal  para mabilis ang  paglabas ng pondo. Subject naman kasi iyan for liquidation, in  addition  to  the almost 300 million  that has already been  extended by way of financial assistance to the residents of Albay.

SEC. ROQUE: Alam ninyo sa Cabinet meeting may isang programa, ang tawag nila two for one. Kasi ngayon po dahil lumikas nga iyong mga magsasaka diyan sa paligid ng Mayon, iniwan nila iyong mga livestock. So ang plano po, kinuha ng DA iyong mga livestock, ang plano ipakain na lang sa mga evacuees tapos babayaran po iyong mga may-ari ng mga hayop ng dalawang baka, kalahati ng presyo noong livestock at saka dalawang baka para mapalaki nila matapos ang pag-aalburuto ng Mayon. Sa ganitong pamamaraan may makakain ang mga evacuees, may kompensasyon iyong mga magsasakang may alagang hayop at mayroong patatabaing muli at palalakihing muli matapos ng alburuto ng Mayon.

Q: Sir isang local question na lang. Kasi po isa sa mga reports ninyo dito po sa Camsur iyong isyu ng STL. Kasi po nasa 23 arrest na po iyong ginawa ng Philippine National Police the collectors dito po sa Camsur. Puwede po bang malaman namin, ano po ba talaga status ng STL?

SEC. ROQUE: Ang STL po ay isang programa ng PCSO, hindi naman po iyan pinatitigil, pero pinagsasamantalahan po iyan ng mga jueteng lord. Iyong bola ng STL ginagamit ding bola ng mga jueteng Lord. Pero ang Presidente po ay seryoso sa kaniyang kampanya laban sa korapsiyon at isang form po ng korapsiyon ang nangyayari dito na ang mga Jueteng Lord ay ginagamit iyong STL. So alam ninyo naman po maraming usap-usapan ngayon diyan sa STL at talaga po ang mga—ang Presidente natin—na mga pinagkakatiwalaan niya para masiguro na iyong STL ay kumita ng mas malakas para sa gobyerno at maging pamamaraan para mawala ang illegal numbers game at hindi para ma-facilitate ang illegal numbers game.

ALEX/EAGLE BROADCASTING: Mr. Secretary mga dalawa lang po. Update po sa PNR at saka Quezon-Bicol Expressway?

SEC. ROQUE: Well iyan po ay ilan sa mga proyekto na diniscuss din ng DOTr noong huling pagpupulong po ng miyembro ng Gabinete. Ang lahat naman po ng target diyan ay by 2022 matatapos po iyang mga proyektong iyan.

MODERATOR: Okay, sisingit po tayo ng isang question from the national. I’ve also seen this on TV, these are the luxury vehicles. From Henry: “Sabi ni SP Koko Pimentel dapat daw ipa-auction na lamang at huwag sirain ang mga natitirang mga smuggled vehicles para maging source ng calamity fund. Ano po ang reaksiyon ng Palasyo?”

SEC. ROQUE: Ang mensahe po ng Presidente: “the thing speaks for itself!” Kapag kasi ikaw ay nagpa-auction, diyan pumapasok ang korapsiyon, diyan pumapasok ang areglo! So ang mensahe ni Presidente noong pinasira niya ang mga luxury cars na iyan, tapos na ang ayusan, tapos na ang aregluhan. Kapag ikaw nag-smuggle sisirain ang iyong sasakyan. Ang mensahe, huwag na kayong mag-smuggle ng sasakyan.

BOB/RADIO PERDIDO: Good afternoon po Congressman and Secretary Roque. For the record po and para po in fact doon ho sa aming mga na residents dito sa Partido area. Ano po iyong assurance ng Office of the President na matutuloy itong Partido Domestic Airport, kasi maraming mga iba’t ibang issues or concerns ang lumalabas. So parang naguguluhan iyong mga tao kung alin ba talaga iyong ipa-prioritize or ano iyong mauunang i-develop?

SEC. ROQUE: Ang aking pangako po ay talagang kokonsultahin natin si Secretary Tugade, ipararating natin iyang pangangailangan. Kasi siyempre ang prayoridad ay kung ano ang pangangailangan. At ngayon naman po talaga ang prayoridad ng gobyerno ay build, build, build. At mukhang pasok naman po sa criteria ng build, build, build, iyong kaparehong Airport at saka Seaport.

Q: Thank you po.

MODERATOR: Although na-mention mo na po ito kanina. Itanong pa rin po natin. From Philip Tubeza: “Matanong ko iyong ICC po Sec, is conducting a preliminary exam on info versus PRRD. Does it mean that ICC is also looking if there’s a basis to investigate our government officials? Named is Sabio [unclear], Speaker Alvarez, PNP Chief Bato, SFA Cayetano, SOJ Aguirre and [unclear].

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po, preliminary examination pa lang po ito. So wala po talagang nasasakdal dito. ‘Pag-aaralan lang ng prosecutor iyong sitwasyon at titingnan kung mayroong reasonable basis to begin in a preliminary investigation. Doon po sa level ng preliminary investigation, doon po siya mag-iimbestiga ng specific na katao. Sa ngayon po ang tawag diyan preliminary investigation on a situation country.

MARICEL/ABS-CBN RNG: Hi po. Good morning, Secretary, aside from the video that was shown in the front page, is there any communication or black and white call that was given to the Office of the President?

SEC. ROQUE: Wala po, wala kaming natatanggap at wala po kaming inaasahan dahil hindi pa po kaso ito, ito po ay preliminary examination lamang.

Q: Good morning po sir. Kasi po maraming kumakalat na isyu ng shortage ng NFA rice, then iyong pagtaas ng commercial rice ng presyo. Ano po ba ang masasabi ninyo tungkol sa isyung ito?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po. Wala pong shortage dahil unang-una napakadaming commercial rice po talaga. Ang hinahanap nila iyong murang rice, kaya nga po ang sabi ni Secretary of Agriculture Manny Piñol ay talagang naging mahal ang presyo ng bigas diyan sa Central Luzon, ang sinasabi niya bumili kayo sa Antique, bumili kayo sa ibang parte ng Pilipinas na mura ang bigas.

Ganoon pa man, pagdating po doon sa isyu ng ‘pag-iimport ng bigas, ang sabi po sa akin ni Secretary Evasco ay mayroon naman po talagang parating by the end of the month na 325,000 metric tons of rice doon sa minimum access volume under the WTO regime. So mayroon talagang parating so naniniwala siya na hindi na kinakailangan magkalap pa o mag-import pa.

Bagama’t ang explanation niya mayroon talagang standby authority na mag-import ng 250,000 metric tons of rice. Now ito lang po ang nililinaw ni Secretary Evasco, nililinaw po ni Secretary Evasco iyong diumano verbal order ni Presidente na ipagpatuloy na ang importation ng 250 metric tons of rice. Ipagpaumanhin ninyo po, pero as of quarter to 1, wala pa po akong bagong impormasyon na nakakalap kay Secretary Evasco kung mayroon ngang authority to actually import 250.

Ang sabi niya diumano it’s a verbal order pero kino-confirm pa niya kay Presidente kung talagang mayroong ganoong order na ituloy na iyong 250 metric tons. Nagkakaisa po kasi ata iyong Council ng NFA na hindi kinakailangang mag-import ng bigas. Iyan po ang pananaw din ng Secretary of Agriculture Manny Piñol at iyan din ang pananaw ni Senator Cynthia Villar.

Pero siyempre kapag may order ang Presidente susundin natin ang order ng Presidente, bine-verify lang po iyong verbal order.

MODERATOR: Thank you so much, Mr. Secretary. From Tina Mendez: “National issue, any comment po from Spokesperson. Senator Grace Poe’s text statement in response to media queries on Roque’s statement that Philippines will thank China someday for occupying islands, “The West Philippine Sea will freeze over first before China will even begin toying with the idea of giving us back those islands. Thus, Secretary Roque’s wishful thinking is like saying that a homeowner may soon be thankful to a gang of fully armed men who unlawfully intruded his place for some time and made it their safe house, which in effect prevented other criminals from ransacking the same. And this comes with false hopes that the gang members will decide to give the house back, if they have not yet transferred the title under their name.”

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang kasagutan ko po diyan ay malinaw naman po. May decision kasi na ang karagatan kung saan ginawa po iyang mga artipisyal na islands na iyan ay kabahagi ng exclusive economic zone ng ating bayan. Dahil iyan po ay kabahagi ng exclusive economic zone, ibig sabihin, tanging Pilipinas lang ang mayroong kapangyarihan na gumawa ng mga artificial islands.

Now, ang katotohanan po ay nariyan na iyan, nagawa na ng Tsina ang mga artificial islands bago pa lumabas iyong desisyon ng tribunal. Ang sa akin lang naman po, libreng mangarap. Bakit naman po hindi tayo mangangarap? Ang sabi, nasa atin iyong … mayroon tayong sovereign rights doon sa EEZ kung saan ginawa ang mga islang iyan so ergo, kapag nagkaroon ng pagkakataon, mapapasaatin iyang mga islang iyan. Whether or not ang Tsina ay pupuwedeng makumpara sa mga magnanakaw, sa mga bandido, siguro naman po sa larangan ng foreign relations ay … dahil kapitbahay nila, huwag naman natin silang tawaging mga magnanakaw at bandido. Sabihin na lang natin na talagang mayroon hidwaan, mayroong hindi pagkakasunduan, may mga pinag-aawayan. Pero lahat po iyan ay nareresolba naman sa mapayapang pamamaraan.

So sa akin: Senator, pasensya na po, libreng mangarap.

MODERATOR: Thank you po. Last question from the national, from Virgil Lopez: “Pahingi rin po ng reactions or details of Spokesperson Roque. Reuters reported today the President Duterte has ordered a halt on the entry and creation of new casinos to prevent an oversupply. The report cited PAGCOR Chairperson Andrea Domingo who said Duterte ordered a moratorium on January 11, because he did not want the industry to be crowded. Can we get more details about this?

SEC. ROQUE:  Wala po akong additional na detalye other than nagdesisyon na ang Presidente na tama na muna ang mga casinos. Kasi hindi pa naman po fully realizing potentials ang entertainment city.  Magpapasok po tayo ng mga dambuhalang kumpaniya diyan po sa entertainment city. Siguro ang nais munang makita ng Presidente kung paano ang magiging operasyon niyan, kung kinakailangan bang magpatayo ng bago. Pero ngayon po, dahil dambuhala iyang mga casino na iyan, ay mag-moratorium na muna tayo sa mga bagong dambuhalang mga casinos.

MODERATOR: So that’s all for the national questions. Now for the local media—

SEC. ROQUE:  May isa pang pahabol. May isa pang pahabol dito, isang pahabol na national question.

MODERATOR: From Rosalie Coz, pahabol lang po: Ibabawal  lang daw po ang free tuition ng pamahalaan sa mga SUCs dahil sa katotohanan, may mga binabayaran pa rin daw po na fees ang mga estudyante at mas tumataas pa po ang payment, halimbawa, sa paggamit ng school facilities, among others..

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po iyan, kasi kaming dalawa ni Congressman ay nanggaling sa 17th Congress. Iyong 2017 free tuition, hindi po iyan dahil sa batas na tayo po ay isa sa co-authors. Iyan po ay dahil nag-realign ng pondo galing sa ARMM at binuhos sa libreng tuition.

Ang libre lang po ng 2017, tuition! Hindi po kasama iyong mga miscellaneous fees kaya may konting binayaran po ang mga estudyante ng SUCs noong 2017. Ang problema naman po kasi, iyong bagong batas, ang effectivity niyan ay 2018 kasi iyan po ay nasa ilalim din ng 20128 budget. Ang libreng tuition po ay sa Hunyo kapag sila ay nag-enrol. Ewan ko po kung may enrolment ng January. Pero karamihan po ng eskuwela, bukod sa UP, ay June nagsisimula. Pero sa UP po, nagsimula na iyon absolutely wala na silang babayaran. Kasi sang-ayon po sa batas, hindi lang tuition pati miscellaneous fees ay kasama na. Okay po?

Now, hindi naman po lahat ng public state and universities ay magiging libre kasi hindi full implementation iyan on the first year. Ang pagkakaintindi ko po, iyong mga pinapatakbo ng mga lokal na pamahalaan, hindi pa yata kasama sa 2018. So ang makakasama lang po diyan muna ay iyong mga state universities and colleges. Wala pa rin pong pondo, if I’m not mistaken, doon sa mas malawakang kinakailangang pondo para sa mga student loans, para doon sa mga nasa pribadong mga eskuwelahan naman.

So unti-unti, unat-unat. Pero pinapaalala ko lang po, kamuntik na hindi magkaroon ng katuparan itong free tuition na ito dahil hindi nga sumang-ayon iyong economic team na gawing batas iyan, na pirmahan na into law iyan ng ating Presidente. Pero ang sabi ni Presidente, humanap kayo ng pamamaraan; at nakahanap naman po kaya mayroong free tuition ang state universities itong 2018 para sa lahat.

MODERATOR: Thank you, Secretary. Last question from PTV, all the way from Metro Manila.

Q: Balik lang po ako sa Mayon topic po. So paano po ba closely minu-monitor ng Office of the President iyong situation sa Albay? At saka gaano po ka-satisfy si President doon sa nagiging aksiyon ng mga agencies doon sa mga inilatag nilang programa?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, iyong ating … si Usec. Solidum na ating foremost volcanologist, doon na ata nakatira. Pangalawa, lahat po ng line agencies ay activated on the ground, nandoon po silang lahat: nandoon po ang ating National Disaster Coordinating Council; at nandoon din po ang DOH; nandoon ang DA; nandoon ang DPWH. So nagsasama-sama naman po ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para bigyan ng  katugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng apektado ng Bulkang Mayon.

Ang aming pakiusap: Mga residente, huwag na po kayong magpilit, lumabas na po kayo sa 8-kilometer danger zone.

Q: Secretary, nabanggit po noong nakaraan ni Francis Tolentino po noong bumisita siya sa Albay na may plano po si President na magtayo ng mga temporary houses. Kasi ‘di ba iyong mga … kapag may calamities, iyong mga schools ang nagsisilbing evacuation centers so iyong mag estudyante ay nahihirapang mag-aral or [unclear], so may problems po doon.

SEC. ROQUE: Ganyan po ang naging kasunduan ng DepEd at saka ng DSWD. Sa lalong mabilis na panahon, gagawa po sila ng temporary shelters na ang mga estudyante naman ay hindi magambala ang pag-aaral. Kasi ang concern natin, kung magtatagal itong alburuto ng Bulkan, baka maapektuhan iyong mga graduating students.

So ang plano po nila ngayon, tent cities ata muna para doon sa mga residente na makabalik sa mga eskuwelahan iyong ating mga kabataan.

MODERATOR: That formally ends our press briefing for today. May we ask concluding statement from our Secretary, please!

SEC. ROQUE: Well, again, maraming salamat po sa mga taga-Camarines Sur, kay Congressman Speaker Arnulfo Fuentebella. And sa lahat po ng mga Bikolano lalo na iyong apektado ng Bulkang Mayon, huwag po kayong mag-alala, sagot po kayo ng ating Presidente. Magandang umaga po.

#END#

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau) #NIB

Resource