PCO USEC. ATTY. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Muli, welcome sa ating press briefing ngayong March 10.
Ngayong Marso, ipinagdiriwang ng buong bansa ang National Women’s Month. At noong March 8 naman, ipinagdiwang ng buong mundo ang International Women’s Day. Magandang balita ang hatid ng Philippine Commission on Women nang itinalaga nito na pang-25th ang ranking ng Pilipinas globally sa Global Gender Gap Index out of 148 countries at ikatlo naman ito sa Asia-Pacific noong 2024. Sa pamamagitan ng mga patakaran at inisyatibo na ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tulong ng PCW, patuloy na nangunguna ang Pilipinas sa pag-close ng gender gap, sa pagtuligsa sa gender inequality at sa pag-empower sa mga kababaihan.
Good news din ang hatid ng Department of Tourism dahil base sa kanilang pinakahuling tala, nalampasan na natin ang pre-COVID tourism revenues. Ibig sabihin, umabot sa 65.3 billion pesos ang tourism revenues nitong Enero ng kasalukuyang taon.
Ayon sa DOT, bumisita ang mahigit-kumulang 1,167,908 na turista sa bansa ngayong nakaraang Enero at Pebrero. Inaasahang patuloy ang pagtaas ng ating revenues sa mga susunod na buwan lalo na sa pagpapatupad ng mas maayos na mga proseso patungkol sa immigration.
Sa ibang balita: Kahit na hindi pa idinideklara ang pagsisimula ng tag-init o dry season, naitala na ng PAGASA nitong nakaraang linggo ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon. Inaasahan ang pagpapatuloy na mataas na heat index na aabot sa 40 to 41 degree Celsius sa Metro Manila at ibang probinsiya. Matinding pag-iingat ang payo ng PAGASA sa panahong ito para maiwasan ang heat stroke.
Para bigyan po tayo ng karagdagang detalye tungkol sa heat index, kasama natin ngayon si PAGASA Assistant Weather Services Chief at Spokesperson Ms. Analiza Solis. Good morning, Ms. Analiza.
PAGASA SPOKESPERSON SOLIS: Good morning po sa ating lahat. At magandang umaga po sa lahat ng nanunood at nakikinig.
So, hindi pa po officially na dineklara ng PAGASA o DOST-PAGASA iyong panahon ng tag-init bagama’t ngayon ay nakakaranas tayo ng medyo mga maiinit na temperatura o alinsangan pero nandiyan pa rin po iyong epekto ng shear line at northeast monsoon at easterlies. So, kung sakali po na unti-unti na po na mawala itong northeast monsoon natin or amihan, doon po tayo makakapag-monitor kung magkakaroon na po tayo ng imminent termination ng northeast monsoon at papunta na po tayo or patungo na tayo doon sa warm and dry season months natin.
IVAN MAYRINA/GMA7: What kind of summer are we expecting this year? Last year, nagka-El Niño raw tayo. And this year, what kind of extreme temperatures are we expecting?
PAGASA SPOKESPERSON SOLIS: Although, makakaranas pa rin tayo ng mas mainit na temperatura, pero kung ihahambing natin last year, mas mainit last year. So, mas mainit ang tag-init natin last year kumpara ngayon dahil mayroon tayong strong El Niño at maraming record-breaking na mga temperature at matataas na heat index. Despite niyan, possible din na magkakaroon tayo ng mga matataas na heat index, mga puwedeng pumalo ng 48, 50 and iyong ating temperature na maximum daytime ay pini-predict natin na posibleng mas mataas pagdating po ng katapusan ng April or iyong first week ng May. So, doon tayo nakakaranas ng medyo mas maiinit ang temperature natin, mga around 39.6 or 39.8.
So, hopefully, sa ngayon, hindi pa naman tayo nakakapag-predict ng possible na pumalo ng 40 iyong ating maximum daytime temperature. But iyong 52 last year na mataas na heat index, may posibilidad pero in an instant lang; hindi po widespread na mga lugar.
Q: Good morning po, ma’am. Ma’am, may mga gagawin po ba tayo or i-improve na weather monitoring infrastructure for 2025? And how will this enhance accuracy and disaster preparedness? Thank you po.
PAGASA SPOKESPERSON SOLIS: Sa ngayon patuloy po iyong PAGASA modernization program, so patuloy pa rin po iyong pagkuha natin ng mga infrastructure at iyong mga latest natin na technology, at isa na dito, dito sa may heat index natin kasi nakikita natin medyo subjective kasi din iyong ating heat index kasi ito iyong ano iyong damang init na nararamdaman. So, ibig sabihin, maraming assumption ang pinagbabasehan natin dito.
So dahil diyan, mayroon po tayong locally funded project po na kung saan mapa-improve natin itong heat index forecast natin. So, kukuha tayo ng instrument, iyong tinatawag na wet bulb temperature meter. So, ito iyong parang magsasabi siya kung ano iyong possible na posibleng maramdaman ng isang human discomfort kapag ganito iyong mainit na temperature or mataas iyong relative humidity. So, mag-a-acquire po ng instrument ang PAGASA this year.
PCO USEC. VILLARAMA: [OFF MIC] related to PAGASA, I believe Ma’am Analiza has a presentation po.
PAGASA SPOKESPERSON SOLIS: So, ito po iyong latest public weather forecast natin. So, sabi nga po natin ay medyo hindi pa ganoon kainit so marami pa rin po ang nakakaapekto ng mga rain-bearing weather systems tulad ng shear line, easterlies at iyong northeast monsoon. Bagama’t iyong northeast monsoon natin, nandito na lang sa may extreme Northern Luzon so nakakaapekto pa rin po at posible pa rin pong makaranas tayo ng surge ng northeast monsoon at least next week, and itong shear line po this week ay possible naman po na mawawala na. So, nakakaranas pa rin po ng maraming mga pag-uulan dulot ng shear line, easterlies at northeast monsoon iyong mga ibang bahagi ng ating bansa.
So, ito po iyong ating forecast heat index; ito po ay pinapalabas ng PAGASA every 5 P.M. daily. So, iyong first two days po ng forecast natin at iyon pong recorded or iyong computed heat index during the past five days. So, nakikita po natin diyan, hindi masyadong matataas ang ating heat index na forecast for the next two days, except diyan sa may parte ng San Jose, Occidental Mindoro na makakaranas ng mga around 42 iyong heat index. At kung titingnan natin during the past five days so mangilan-ngilan lamang iyong mga lugar na medyo mataas iyong heat index na pumapalo from 41 up to 43 iyong nandoon sa orange shades natin. So, unti-unti po kapag nag-terminate na tayo ng northeast monsoon, madadagdagan na itong mga lugar na ito na makakaranas ng mataas na heat index.
Ito po iyong forecast ranges ng ating extreme temperatures. So, ito iyong maximum daytime temperature; hindi po ito iyong tinatawag nating heat index or damang init, so ito iyong natatala o naisusukat ng mga instrumento. We could get as high as more than 39.6. At sabi nga po natin, diyan sa may parte ng Northern Luzon area particularly diyan sa Cagayan Valley area, nakakapagtala tayo ng mas matataas or maximum daytime temperature, at iyan nga po ay sa pagdating ng Mayo.
So, ito naman po iyong mean temperature, iyong average ng maximum at minimum temperature, iyong nighttime at daytime temperature, iyong mga kulay pink at red shades po, iyan po iyong mga lugar na posibleng makaranas ng mas mainit kaysa karaniwang iyong kanilang temperaturang mararanasan. At kung titingnan natin sa tatlong map from March, April, May, iyong Mayo iyong maraming pink at kulay pula. Ibig sabihin, nandiyan po iyong kasagsagan ng mas maiinit ang ating temperature at posible din po na nandiyan din po iyong kasagsagan ng mataas na alinsangan or heat index.
Bagyo, so inaasahan po natin, six to thirteen na bagyo mula March hanggang August. At kung titingnan po natin kung buong taon, mga around 16 to 19 po iyong pini-predict nating bilang ng bagyo ngayong taon which is below average po kung titingnan natin.
So, I think, iyon lang po. At ito po iyong ibig sabihin ng heat index natin, kung gaano ba kainit ang panahon, iyong feels like natin or apparent temperature. So, tandaan lang po natin na iyong heat index ay human discomfort level. Hind po siya maaaring i-apply sa hayop, sa halaman, sa ibon or sa anong building or bagay po dahil iba-iba po iyong sensitivity ng iba’t ibang bagay kaya iyong heat index ay base lang po or applicable sa human discomfort level.
So, kung ibon po kasi, halimbawa, mga halaman, mas sensitive sila sa humidity. So, may mga ibon na mas sensitive naman sila doon sa solar radiation or iyong talagang ambient temperature. At kapag building naman po, nakasalalay din naman hindi lang iyong temperature kung hindi iyong hangin. So, ibig sabihin po, hindi masusukat ng sinasabing heat index kapag sinabi ng PAGASA na mataas ang heat index ng 42, 50 – hindi po siya applicable sa hayop, sa halaman or doon sa building. Sa discomfort level lang po natin na kung saan iba-iba iyong assumption natin na ginagamit. So, iyon po—iyon lang at thank you po.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Ma’am, follow up ko lang po iyong question ni Kuya Ivan, tama po ba na hindi dahil hindi less na mainit ngayon ay hindi pa rin mapanganib?
PAGASA SPOKESPERSON SOLIS: Depende rin. Iyong temperature kasi, iyong dry bulb temperature, iyong tinatawag na temperatura ng hangin at saka po iyong tinatawag na relative humidity. So, bagama’t mababa ang temperatura minsan pero napakataas po naman ng relative humidity so mataas din po iyong alinsangan natin kasi itong relative humidity, ito iyong nagbibigay sa atin ng mas dagdag na ramdam na init natin or damang init. So, lalung-lalo na po kapag warm and humid, mas mataas po ang ating heat index kaysa warm and dry.
Anong ibig sabihin ng warm and dry? When we think of warm and dry [humid], mas maraming kaulapan, mas cloudy mas maraming moisture ang hawak ng ating atmosphere, ibig sabihin kapag nagpawis po tayo ay mahihirapan tayong mag-release ng ating pawis. Whereas, kapag warm and dry so iyong clear sky po kakaunti lang iyong moisture na hawak ng ating atmosphere mas mabilis po tayong mas-release ng ating pawis, so therefore mas bumababa iyong alinsangan natin. Pero depende rin po sa time of the day kung kailan nagkakaroon ng mas maraming kaulapan at nagkakaroon ng clear sky. So, kung maghapon clear sky and then sa hapon naman ay makapal na iyong ulap and then pagdating sa gabi nandiyan na po iyong alinsangan natin – so, hindi na makakalabas iyong tinatawag na singaw ng ating kalupaan.
PCO USEC. VILLARAMA: Sam Medenilla, BusinessMirror.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Good morning, ma’am. Tanong lang po namin kung ano iyong possible reason kung bakit below average iyong expected nating typhoons this year compared doon sa previous years?
PAGASA SPOKESPERSON SOLIS: Opo. Ang tinitingnan po natin is iyong based on climatological normal o average dahil sa ngayon po ay mayroong La Niña alert pero patungo po tayo sa ENSO-neutral condition. So, usually po kapag ENSO-neutral condition ang average po na bilang ng bagyo natin is around 19 to 20. So, kung iko-consider din naman po natin iyong trend noong bilang ng mga bagyo during the past 65 years based doon sa historical data natin, decreasing po iyong trend kaya that is why 16 to 19 po iyong ating forecast na bagyo based doon sa historical trend at based din po doon sa average na bilang ng bagyo kapag walang El Niño or walang La Niña.
PCO USEC. VILLARAMA: No more questions? Thank you very much, Ma’am Analiza Solis from PAGASA.
PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Ma’am Analiza. Okay, tayo po ngayon ay ready na po tumugon sa inyong mga katanungan.
MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po, Usec. Ma’am, mayroong lumabas na news article saying na nag-issue na raw ng red notice ang Interpol in connection doon sa ICC arrest warrant kay PRRD. Mayroon po ba tayong natanggap na confirmation or detalye tungkol po doon?
PCO USEC. CASTRO: Wala pa po tayong natatanggap na anumang communication patungkol sa red notice at nakausap po natin si Asec. Mico from the DOJ at as of now ay tinitingnan din po nila ang kanilang mga records. As of now, wala pa pong natatanggap na anumang komunikasyon patungkol diyan.
MARICEL HALILI/TV5: But any new guidance po from President Marcos or ES Bersamin about the case of PRRD in ICC?
PCO USEC. CASTRO: Okay. May lumabas na mga balita na mayroon nang na-issue na warrant of arrest pero as of now sabi nga natin hindi po namin maiko-confirm agad-agad kung wala pa po kaming physical copy noong warrant of arrest. Ang sabi po kasi ng DOJ, since hindi po tayo miyembro ngayon ng ICC, may mga options po kasi ang ICC kung papaano nila ito ipapa-serve. Kung nagkataon po kasi na tayo ay miyembro puwede po itong ipadaan sa opisina po ng Pangulo o kaya po sa DOJ o kaya sa DFA. Pero maaari pa rin po tayong ituring ng ICC bilang miyembro at maaaring gawin po iyong binanggit ko pong mga procedure pero nasa kanila po ito kung ito po ay ipapadaan na lang mismo doon sa bansa kung nasaan iyong taong kanilang gustong i-serve ng warrant of arrest.
MARICEL HALILI/TV5: But as of now, Usec., there is no change when it comes to the policy of the government na hindi pa rin tayo makikipag-cooperate sa ICC unless it’s requested by Interpol?
PCO USEC. CASTRO: Yes, sa Interpol po tayo makikipag-ugnayan kung hihingin po ng Interpol ang tulong ng gobyerno po/ng pamahalaan.
MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, additional point lang, may I have your reaction on the statement of former President Duterte, sabi niya kasi, “What was my sin? I did everything in my time so Filipinos can have a little peace and tranquility,” and, well probably he was joking he also asked OFWs from Hong Kong na mag-contribute daw ng something para itayo na lang siya ng monumento.
PCO USEC. CASTRO: Siguro po ang pagdideklara ng isang tao na hero ay dapat hindi po siya ang nagsasabi noon – taumbayan ang magsasabi kung siya ay naging hero at pagawan siya ng monumento.
Ngayon, patungkol naman po doon sa sinasabi niya na wala siyang kasalanan, marami na po tayong nadinig, siya mismo po ang umamin sa hearing sa Quad Comm at saka sa Senado – marami siyang inamin – unang-una, sinabi niya na he encouraged ‘di ba, he ordered the police officers to encourage the suspect to fight – for what, anong purpose noon? Ang sabi niya, inamin niya para magamit din iyong depensa because kapag lumaban ang isang suspect maaari itong masabing self-defense on the part of the police officers; pero hindi dapat ganoon ang gawi. There should be a due process. We have to give the suspect/any accused the right for this due process – hindi tayo dapat laging cut the process. At ang sabi niya, bakit daw ginawa iyon? Para mabilis maresolba ang problema. [Inaudible] mabawasan agad ang problema, hindi ganoong pamamaraan – hindi pa ba iyon kasalanan?
Maybe sa mga taong hindi nabiktima ng EJK at bloody ‘tokhang’ maaaring nagpupunyagi at pumapalakpak pero paano naman po iyong mga namatayan at iyong pamilya na nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil lang sa walang due process na ibinigay sa kanila.
MARICEL HALILI/TV5: Salamat po.
ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Good morning po, Usec. Ma’am, may we get information na po kaya kung ano po iyong naging reason ni DICT Secretary Uy bakit siya nag-resign and kung mayroon na po tayong OIC? Sino po iyong OIC ng DICT sa ngayon?
PCO USEC. CASTRO: Okay. Sa ngayon po, wala pa pong nabanggit kung anumang reason kung bakit umalis or bakit nag-resign si former Secretary Ivan Uy. Patungkol po sa OIC, ipapaalam ko na lang po sa inyo maya-maya lamang po kung sino po iyong OIC na na-assign.
ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: How about, ma’am, si BARMM Chief Ahod Ebrahim baka may reason po tayong mabigay kung bakit po siya napalitan?
PCO USEC. CASTRO: Ibibigay na lamang po natin ang kasagutan na iyan kay Secretary Carlito Galvez, siya po ang magbibigay ng briefing patungkol po diyan.
ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, lilihis lang ako nang kaunti. May we get Palace reaction sa latest statement po ni Vice President Sara Duterte na iyong OVP daw po ay iniiwan na raw po ng government?
PCO USEC. CASTRO: Napaka-general naman po yata nung pagkakabanggit niya. Wala po ba siyang nabanggit kung paano siya iniwan?
Q: Sa event po ito sa Hong Kong. She said, “Salamat sa suporta ninyo sa akin, sa aking mga kasamahan, sa aming trabaho, sa programa at proyekto ng Office of the Vice President. Maraming salamat po sa inyong lahat dahil kayo lang ang sumusuporta sa OVP, ang buong gobyerno ay iniwanan na po ang OVP”.
PCO USEC. CASTRO: Iyan naman po ang nais nilang iparating, maging kaawa-awa ang OVP, maging kaawa-awa ang Vice President. Kung tutuusin po natin, siya po naman ay binigyan ng pagkakataon para ipagtanggol, idipensa ang kaniyang proposed budget. Hindi naman po hinahadlangan na magbigay ng tamang budget sa OVP kung ito naman ay maipapaliwanag niya. Kumbaga sa thesis, kung ikaw ay nag-submit ng thesis, kailangan mong idepensa. Hindi mo puwedeng sabihin sa iyong panel of judges, kayo na po ang bahalang magbigay sa akin ng grade, basta iyan na po ang thesis ko. So, wala pong nang-iwan sa kaniya, baka po siya po ang nang-iwan sa gobyerno.
IVAN MAYRINA/GMA7: In that same gathering, Vice President Duterte said that she is not endorsing any candidate for senator, dahil na-scam na daw po kasi siya, nabudol na daw siya apparently referring to the 2022 elections, kung saan tumakbo sila ni Pangulong … then candidate Ferdinand Marcos Jr., under the platform of unity and transparency. Kaya ayaw na daw po niya, kasi nabudol daw po siya, baka sabihin ng mga tao, mabubudol na naman siya kapag nag-endorse siya.
PCO USEC. CASTRO: Kung hindi po siya nag-endorso, bakit mayroon po tayong napapanood na campaign ads na kasama po niya at ipinagmamalaki niya ang naging trabaho o performance kung maroon man ni Senator Bato? Ano po ba ang maitatawag doon, siya po ay nagsasabi ng katotohanan, dahil mayroon po siyang in-endorse na kandidato.
Pangalawa po, kung na-scam po siya ng UniTeam, is it not the other way around? Hindi naman po siguro inakala din ng miyembro o ng mga miyembro ng UniTeam na mabilis magagastos ni VP Sara iyong P125 million confidential funds in just 11 days, hindi naman po siguro inisip nila iyon at nagbigay ng tiwala sa kaniya.
Hindi rin po siguro inisip ng UniTeam noon na siya may mga kakilalang assassin at hindi rin po inisip ng UniTeam noon na ang gustong continuation, kasi parang mayroon pong sinabi na dapat may continuity, pero hindi rin po papayag ang Pangulo na ituloy po iyong sinasabing bloody ‘tokhang’ at EJK. Maaaring isa po iyon sa mga dahilan kung bakit inayawan din ni VP Sara, dahil hindi po lahat ng ginawa ng dating administrasyon ay susundin ng pikit-mata ng Pangulo.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Usec., balikan ko po iyong ICC. When PCO Secretary Jay Ruiz issued a statement Sunday, he said “We heard about the supposed arrest warrant against the former President” can we know exactly what was the basis of Secretary Ruiz’s, iyong basis ng kaniyang information for that?
PCO USEC. CASTRO: Okay, papansinin po ninyo po nagbigay po siya ng statement Sunday, lumabas na po iyong article sa Rappler, Saturday night, 10:20PM. So, hindi lang naman po ako, hindi lang din po kayo, hindi lang po si Secretary Jay ang nakarinig, pati po ang Pangulo, ang dating Pangulong Duterte, ang nagsabi mismo na siya ay nakadinig.
So, hindi naman pupuwedeng i-deny ni Secretary Jay na wala siyang nadinig patungkol sa issuance ng warrant of arrest. So in general po again iyong sinabi niya, dahil marami, marami sa atin ang nakabasa ng article na ito. Kaya sinabi lamang po niya na handa po ang gobyerno na in any eventuality ay aaksiyon po tayo. Iyan lang po ang nais niyang sabihin.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Okay. So, it’s based on the article, wala po tayong primary source or any other info from say, agencies or external sources like the ICC or Interpol?
PCO USEC. CASTRO: As of the moment po, wala pa po tayong nakukuhang communication, official communication. But kung mayroon na po tayong official copy, ipapakita po agad namin sa inyo.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Regarding his statement, Usec., that the government is prepared for any eventuality, can you elaborate on those eventualities including iyong napo-foresee ninyong worst case scenario in case this happens?
PCO USEC. CASTRO: Handa naman po ang law enforcement agencies natin kung ano po ang sinasabi ng batas. Kung kinakailangan po na i-serve iyong warrant of arrest because of the request of Interpol, ano’t ano pa man po ang mangyayari, basta po nasa legal ay gagawin po iyan ng pamahalaan.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, the eventualities would be including aarestuhin po iyong former President?
PCO USEC. CASTRO: Kung iyan po ang nasa batas, gagawin po iyan.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: How about unrest or baka iyong mga posibleng gulo na idulot nito, handa rin po?
PCO USEC. CASTRO: Opo.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Opo. Kasama po iyon sa scenario?
PCO USEC. CASTRO: Pipigilan po nating magkagulo. Ang gagawin lamang po talaga natin ay kung ano ang naaayon sa batas. So, kung tayo naman po, ito naman din po ang pakiusap natin kung mangyayari po ito: Iyong mga tao, ang taumbayan, kung sino man iyong mga supporters, makinig na lang po kayo kung ano iyong sinasabi ng batas. Huwag na po tayong makialam kung ang inyo pong gagawin ay hindi naman po naaayon o labag sa batas ang inyong gagawin.
Tingnan na lamang po ninyo kung ang pagsisilbi, halimbawa po ha, magsisilbi ng warrant of arrest at lahat naman po ay ayon sa guidelines at ayon sa rules of law, huwag na lang po sanang maging matigas ang ulo ng ibang taumbayan para pigilan ito katulad noong nangyari sa panahon po ng pag-aresto kay Pastor Quiboloy.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Ma’am, good morning. I just want to go back doon sa kay Ahod Ebrahim, may mga report kasi na there might be kaguluhan daw po na mangyayari dahil nga sa pag-replace kay Ahod Ebrahim as Chief Minister. Alam po ba ito ni Presidente kung ano iyong magiging impact kung sakali na natanggal sa puwesto si Ebrahim and then may instruction ba siya sa Armed Forces of the Philippines and other law enforcement agencies kung ano ang gagawin sa possible na magkaroon ng unrest po sa BARMM?
PCO USEC. CASTRO: Sa kasalukuyan po, wala po tayong nakikitang anumang maaaring maging dahilan para magkagulo kung magkakaroon man ng transfer of power sa BARMM. At ang katauhan po nitong si Chief Ahod Ebrahim, isa po siya sa proponent of peace process. So, hindi po natin nakikita sa katauhan po ni Chief Ebrahim na ganoon po ang mangyayari. At sabi ko nga po, ang lahat ng detalye pong ito ay sasagutin po ni Secretary Carlito Galvez.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Ma’am, on other issues, Ma’am. Reaksiyon lang from the Palace. Representative Robert Ace Barbers urged Malacañang to also conduct an investigation on alleged granting lease to at least 85 Chinese-owned firms by certain LGUs at mag-o-operate sila at ini-exploit ang coastal waters and agri lands sa Bataan, Zambales and Pangasinan. So, accordingly, nakakaapekto po ito, ang kanilang operasyon, sa kabuhayan po ng mga local fisherfolks. Alam po ba ito ng Malacañang, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, hindi pa po natin nakakausap ang Pangulo patungkol po diyan at aalamin po natin ang pinakahuli na report o reaksiyon ng Pangulo patungkol po diyan, aalamin po natin the soonest possible.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, ma’am. Ma’am, regarding iyong recent na tanim-bala incident in NAIA, alam na po ba ito ng Presidente? Ano po ang reaksiyon niya and kung may directive na po siya to prevent this from happening again?
PCO USEC. CASTRO: Yes, hindi po maganda kung ito man po ay mauulit. So, ito po talaga ay paiimbestigahan ng Pangulo at sa tulong na rin po ni DOTr Secretary Vince Dizon. Paiimbestigahan po ito at kung ito ay may katotohanan, maaari po na ang nagsagawa nito ay maaaring matanggal sa kaniyang trabaho. So, dapat po, lahat ng—lalung-lalo na po kung mga turista po o mga kapwa Filipino natin ang magiging biktima ng ganito, hindi po ito papayagan ng Pangulo. So may kailangan pong managot, kung mayroong dapat managot after thorough investigation.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: May we know po kung ano po iyong naging pagtanggap ng Pangulo dito sa balita na ito? Nagalit ba siya, nadismaya sa nangyari?
PCO USEC. CASTRO: Ang Pangulo naman po kasi ay laging sasabihin na dapat munang imbestigahan. Hindi po kasi siya agad nagbibigay ng kaniyang konklusyon hangga’t hindi po kumpleto ang pag-iimbestiga na dapat gawin.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good afternoon po, Usec. Iyong tungkol naman po doon sa kaso sa Immigration na pinatakas diumano iyong isang Korean fugitive, alam na din po ba ito ng Presidente at saka no po iyong reaksiyon niya especially at the top po na hindi pa resolved iyong case noon na pagtakas din nila dating Mayor Alice Go?
PCO USEC. CASTRO: Opo, nagkaroon na po ng Press Briefing ang Bureau of Immigration sa pamamagitan po ni Commissioner Viado at ito po ay nahuli agad. Agad-agad pong nahuli ito. At ayon po sa kanilang imbestigasyon ay mayroon pong sangkot na mula taga-Bureau of Immigration. Kaya po itong dalawang ito na sangkot – at malamang po ay mayroon pang iba at iniimbestigahan pa po – ay tinanggal agad-agad sa kanilang posisyon at ngayon po ay sinampahan na nga rin po ng kaso sa DOJ; ang kaso pong sinampa nila ay iyong violation Article 223 ng Revised Penal Code conniving with or consenting to evasion. Mayroon pa pong—so, iyon po ang mga ibang mga kinaso niya po at aalamin pa rin po natin kung ano pa ang …maliban pa po sa criminal case, nagpi-prepare na rin po sila ng administrative case para dito sa mga sangkot sa nasabing pagtakas ng Koreano.
Q: Sa institution po, ma’am, ng BI, may directive po bang specific ang Pangulo kung kailangan bang linisin kasi this is not the first time na na-involve ang Immigration sa mga ganitong klase ng kaso po?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo. Kapag po ganiyang may nangyayaring anomalya, hindi po ito pinapalagpas ng Pangulo. Lagi po itong sinasabihan kung sinuman po iyong pinaka-head ng agency na dapat … kung dapat magkaroon ng imbestigasyong agaran, dapat gawin po at dapat bigyan ng solusyon ang anumang issues o problema.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., magandang umaga po. Usec., babalik lang ako doon sa onset ng tag-init. Any directive coming from the President doon sa mga concerned government agencies doon sa mga preparations na dapat gawin?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay po. Katulad po ng report ko po noong nakaraang linggo, noong nakausap ko po ang DA, sabi nga po natin, patungkol po ito sa stress sa animal lalo na iyong mga baboy at saka manok. Ang sabi po sa akin ng DA, hinahanda rin po natin ang mga may-ari po ng backyard farm at iyong mga big farms. Pero ayon nga din po sa kanila, since mga eksperto na rin po ang mga tao at sanay na rin sa epekto ng ganitong kundisyon, ang binibigay na lamang po ng DA ay kung ano po ang magiging additional problem, pero karamihan po ay mga information dissemination na lang po ang ating ibinibigay. Pero kung may iba pa po at mas titindi pa ang magiging problema, handa naman po ang ibang mga ahensiya ng gobyerno na tumulong.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., and doon sa data na iprinisent [presented] ninyo kanina doon sa tourism na na-surpass na natin iyong mas magandang performance ng pre-COVID, is this a reflection na maayos talaga ang peace and order natin sa bansa?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Maaari po. Maganda po iyang punto po, dahil kung hindi po maganda ang peace and order sa Pilipinas, mas malamang po matakot ang mga turistang pumunta sa atin. Pero dahil nga tumataas po ang bilang ng mga turistang pumupunta sa atin, naungusan na nga po iyong pre-COVID time natin, so ibig sabihin po hindi natatakot ang mga turista na pumunta sa ating bansa.
JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Good afternoon po. Former President Rodrigo Duterte flew to Hong Kong over the weekend, and some are making the connection that this could be in relation to the ICC arrest warrant. So, as seen on the case of Alice Guo and former Presidential Spokesperson Harry Roque, may history iyong government of high profile personalities traveling outside of the country kung may isyu. So, how is the government preparing for this if President Duterte should flee?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: If President Duterte would?
JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Would flee the country.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, as of now, we are not thinking nor contemplating about the President evading the law. So, maybe I could not answer as of the moment. It’s kind of hypothetical. We cannot conclude that there is this propensity on the part of former President Duterte that he would escape considering he was the one who asked for this. Bakit? Sinabi niya sa Quad Comm hearing, handa siyang harapin ang ICC. Pinamamadali nga niya iyong ICC. ‘Di ba sabi niya, ‘Hurry up!’ At sinabi pa niya, ‘Tomorrow, bukas na bukas din kung gusto ninyong mag-imbestiga and if you will put me in prison, I would rather rot in jail.’ So, kaya po iyong mga kababayan natin, dapat mag-relax dahil hiling po ito mismo ng dating Pangulong Duterte.
JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Ma’am, follow up po. So, we also don’t know where Harry Roque is? He admitted that he evaded Congress and the BI said na he left the country illegally. Does the President have a directive on this?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Actually, according to the BI, they have this intelligence information on the location of Harry Roque. But as of the moment, I will not divulge on that. It may be too confidential for me to divulge any operation on that.
Q: Usec., talking about eventualities, in relation to the Hong Kong question. So, you mentioned, hindi naman natin ina-assume na he will evade the law, the former President. So, what happens if in case iyong red notice na naisyu habang nasa Hong Kong siya, ano po ang mangyayari doon? Paano ang gagawin ng gobyerno doon?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Since nasa Hong Kong po siya, kung doon man isi-serve iyong red notice, ang makikipag-ugnayan po sa Interpol ay ang gobyerno po ng Hong Kong. Ang pagkakataon lang po yata, ang Hong Kong ay hindi miyembro ng Interpol. So, let’s just cross the bridge when we get there. Hindi po natin masasabi dahil nasa ibang bansa po siya.
At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. At muli, magandang tanghali.
###