Press Briefing

Press Briefing of Ms. Daphne Oseña-Paez with National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Eddie G. Guillen

Event PCO Press Briefing with NIA
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

MS. OSEÑA-PAEZ: Magandang umaga, Malacañang Press Corps, and welcome uli sa ating press briefing ngayong araw, March 26.

President Ferdinand R. Marcos Jr. just concluded the second part of the sectoral meeting on government interventions and preparations for El Niño and La Niña particularly in terms of irrigation and water management. One of the key interventions for stable food production is the application of the alternative alternate wetting and drying farming strategy which optimizes the use of water and has resulted in an increased yield of rice.

And here to discuss it is National Irrigation Administrator Eduardo Guillen. Good morning, Administrator.

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Good morning po, ma’am.

Well, may lumabas po na PSA report lately lamang na ang sinasabi po nitong production natin nitong El Niño time natin, nitong first quarter ay tumaas po iyong production natin ng palay despite na bumaba nga iyong ating nataniman ng palay, ano po. Hindi lang iyon, pati iyong corn production natin ang laki ng itinaas ano po – mga 5.9% kung hindi ako nagkakamali.

So, kahapon po ay nasa Guimba kami dito sa ating Harvest Festival at nakita nga natin ano, talagang iyong isang farmer natin ang pinakamababang naani po doon is nasa 12 tons eh per hectare at nagpapakita po talaga na tumaas ang yield ng ating mga farmers.

And of course, ito pong programa natin na ito ay… ang totoo po niyan, sa kabuuan ano po, kasi nagtanong ang ating Pangulo kung ilan iyong talagang naapektuhan ng ating El Niño sa irrigated area ng NIA ay nasa 1% ang ating hindi talaga napatubigan. Pero sinasabi po namin din noon pa na itong mga tail-end area ng ating mga irrigation facilities, iyong mga alam nga namin na hindi mapatubigan ay pinagtanim nga namin ng high-value crops katulad nga ng corn.

And, then, ang aming pronouncement noon pa ay itong ating ginagawang alternate wetting and drying technology ay malaking tulong po para mapababa ang… mas marami ang ating mapatubigan kasi nakakatipid tayo ng around 30% ng tubig dito. At sa ating experience, ito po ay tumataas din ang yield ng ating mga farmers by… ito pong AWD (Alternate Wetting and Drying) technology natin. So, itong report na nga ng PSA na ito ay nagpapatunay po doon sa ating direction at iyong tama po ang ating ginagawa at ipagpapatuloy po natin iyon, itong sistema na ito.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Are you ready to answer questions?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes, po.

MS. OSEÑA-PAEZ: Chona Yu, People’s Journal.

CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Sir, any update doon sa sinabi ni Presidente before na iyong solar irrigation, may mga natapos na po bang project ngayon?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Every month po marami na kaming tini-turnover nitong mga solar pump irrigation facilities natin. At ito pong 2024, actually, nakita natin iyong mga tail-end areas po natin na hindi kayang mapatubigan, ito rin po iyong ating tinututukan ngayon at magtatayo po kami ng mga solar pump irrigation diyan – iyong panel ilalagay namin sa taas ng irrigation canals and then itatapon namin iyong tubig doon sa canal ano para sa susunod ay iyong mga nasa tail-end ng mga irrigation facilities natin, hindi na masyadong maapektuhan kapag may El Niño, ma’am – itong sa dry season.

CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Ngayon, sir, may up and running na po ba?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes, marami po.

CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Ilan po?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, last month lamang, more than 100 iyong nai-turnover natin sa mga farmers ano po. Bibigyan po namin kayo ng data dito, ma’am!

MS. OSEÑA-PAEZ: Eden Santos, NET25.

EDEN SANTOS/NET25: Secretary, kanina po nabanggit ng DOST na sa latter part ng taon ay makakaranas na tayo ng mga bagyo although delayed iyong pagpasok nila dahil nga sa epekto ng El Niño. Papaano po natin pinaghahandaan ito on the part of NIA para naman po iyong tubig na dala nitong mga bagyo na ito eh mapakinabangan po ng ating mga magsasaka at hindi naman masayang lamang?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, ito nga po iyong regular process ng ating irrigation system kapag tag-araw, ginagamit natin iyong tubig kaya napapansin natin, you know minsan… I mean, napapansin natin bumababa talaga ang tubig sa ating mga dams at kapag tag-ulan na naman, itong paparating na tag-ulan – ito ang hinihintay natin para ma-fill up-an ulit natin iyong ating mga dams.

Ang kagandahan ho ng mga reservoir-type dam is that controlled po namin iyong tubig, meaning, kapag nakita po namin na sumusobra na iyong tubig at may mga forecast pang paparating na mga bagyo, nagri-release na kami – malayo pa nagri-release na kami kaya naiiwasan po iyong flashflood.

EDEN SANTOS/NET25: Mayroon pa akong isang tanong. Kanina po nabanggit ninyo, Secretary, na tumaas po iyong ating mga ani, iyong yield ano po. Ano po ang inaasahan ng ating mga kababayan sa pagtaas ng ani sa palay pagdating naman po sa presyo ng bigas?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, actually noong kausap ko iyong mga farmers po natin kahapon, sabi nila nag-a-average daw ng 26 pesos ngayon sa palay. Pero, ang ginagawa po kasi ng NIA ngayon sa utos din ng ating pangulo, President Ferdinand Marcos Jr., ang dream sana natin is ma-capture naman ng ating mga farmers iyong whole value chain ng agriculture so hindi lang dapat sa kita ng palay tayo masaya, ano po, kaya ang National Irrigation Administration po ngayon ay binubuo namin iyong ating mga IAs per town para gawing cooperatives. And then mayroon po kaming partnership, convergence effort with the PHilMech na mabigyan po sila ng farm machineries at lalung-lalo na po iyong Rice Processing System o iyong RPS para po iyong ating mga magsasaka ay hindi na lamang magtinda ng palay kung hindi bigas ano po. Again, ang gusto ho ng ating Pangulo is ma-capture naman iyong whole value chain ng agriculture.

Bibigyan ko kayo ng pag-iisipang figures ano po. Ang talagang production cost ng ating mga farmers, iyong regular na production cost nila ng palay sa input is 30,000 pesos to 50,000 pesos – mataas na iyong 50,000. Ang yield nila ay nag-a-average kami, you know, mababa na iyong six tons. Sabihin na nating five tons na lang, eh kung iyong 30,000 pesos divided by five tons, ang production cost talaga natin ng palay is six pesos lang eh. Sabihin na nating ten pesos pa, eh i-convert mo na ito papunta sa bigas – iyong recovery, iyong loss – na 63% iyong recovery plus iyong labor sa paggiling, etc., doblehin mo na ito, nasa 20 pesos lang po talaga ang production cost natin ng bigas pero ang average, tinitingnan namin, ang average po noong benta ng palay sa market, eh between 37 to 70 po eh, so average mga 50. So may value added po na ₱30 plus.

Eh kung ma-capture po ito ng mga farmers natin, ‘di hindi lamang po nahihinto sa kita nila sa palay, kung hindi kikita rin sila dito sa production ng bigas. So ito, gawin nating entrepreneurs ang ating mga farmers. Well, napakaganda po nito at sinisimulan na po natin and may mga bayan na po kaming nabuong cooperatives at may mga cooperatives na po tayo na may sariling kiskisan.

MS. OSEÑA-PAEZ: Thank you. Mariz Umali-Tima, GMA-7.

MARIZ UMALI/GMA7: Magandang tanghali, sir. Linawin ko lang po kung gaano kataas iyong itinaas ng production ng palay? You mentioned sa corn, it’s 5.9%. Sa palay, gaano po kataas?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Mahigit pong 1.1% po, ayon doon sa report po ng PSA.

MARIZ UMALI/GMA7: Where specifically are these areas? You mentioned Guimba, Nueva Ecija. Kasi just recently, we also visited San Miguel, Bulacan and some other areas na talagang pinakita nila sa amin kung gaano katuyong-tuyo iyong kanilang mga lupa. So, baka naka-concentrate lang to certain areas and not a lot of farmers are really experiencing the help from the government, sir?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, kagaya po ng nasabi ko, ma’am ano po, iyong sa aming data – sa kabuuan po, buong Pilipinas na, ang hindi natin na-irrigate talaga ay iyong nasa 1%. So, hindi naman sa ano pero ang iniisip ko lang po minsan, lagi pong nairi-report iyong 1% na ito pero hindi naman nairi-report iyong 99% na aming napapatubigan ano po. So, you know, minsan ito nga iyong cause ng pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado kasi nga ang totoo, tumaas nga iyong output natin pero of course, kapag iyong takot kasi ng ating mga … akala nila bumaba iyong ating talagang output ano po.

Eh ang worry ng ating mga farmers, nakausap ko kahapon, kapag ganito nang ganito, baka lalong may rason tayo ngayon na mag-import ng mas maraming bigas at ito talaga ang magpababa sa kita nila.

MARIZ UMALI/GMA7: Do you see the need now to import?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, hindi ko po alam iyong data po ng ano. But sa amin po, ang sinasabi ko lang, tumaas po iyong production natin ng palay.

MARIZ UMALI/GMA7: Sir, binanggit din po kasi ng National Water Resources Board sa amin when we interviewed them that since the start of this year, there has already been a report to decrease of 17 meters in the water level of Angat Dam. At ang concern nila ay baka umabot ito sa 180 meters which is the pasimula na ng critical level iyan or much less. If this happens, it could lead to water deficit and further affect the allocation in the households and the irrigation. Apart from solar irrigation pumps and what you mentioned a while ago, ano pa po iyong mga specific actions that have been taken by the government, by National Irrigation Administration specifically to counter the impact of this deficit?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Uulitin ko po, ma’am: Ang natural process po ng dams natin is that kapag tag-araw, ginagamit natin talaga ito. Like Angat, ginagamit kasi natin ito sa ating inumin, ano po. Itong Angat naman, area namin, lahat naman ng area ng NIA na kumukuha ng irigasyon sa Angat ay napatubigan po namin lahat this season.

Ang bilin po ng ating pangulo sa atin, at ito naman po ang ating ginagawa ngayon, ang future solution po natin diyan is, of course, magtayo tayo ng additional na dams. Like in the case of Pampanga, mayroon na po tayong sinisimulan po diyan, ano po; Bulacan ha, iyong ating Bayabas Dam – nai-bid na po natin ito; nagsisimula na po tayo ng construction. Doon naman po sa parteng Nueva Ecija, itong Maringalo Dam natin, ready na rin po tayo dito; sa parte naman po ng Magat; ready na rin po kami dito sa Alimit Dam natin; Tumauini Dam.

So, again, ang solution po natin dito na lang is, at ito rin po ang gusto ng ating pangulo is iyong mag-shift tayo from flood control to water management – iyon po iyong ating ginagawa ngayon, ano po. So isipin po natin, uulitin ko po, kasi ito iyong pinoint out ko sa meeting namin kanina eh: Kaya tayo nagkakaproblema dahil ang malalaking dam na inaasahan po natin ngayon, itong Magat at itong Pantabangan ay itinayo pa po ito ng Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 50 years—sa September nga, magpi-fifty years na po itong Pantabangan Dam eh. Unfortunately, hindi po natin iyan sinundan ng mga ganoon pang mga proyekto.

So ang gusto po ng ating pangulo ngayon ay magtayo po tayo ng mga talagang high dam para may pang-long term solution tayo. Kasi sabi nga niya, kapag may high dam ka, mayroon ka ng irigasyon, mayroon kang flood control, mayroon kang power generation, ngayon domestic water pa, may aquaculture – so saan ka pa? May bawi po tayo kapag high dam! So ito po ang focus ng ating pangulo ngayon.

MARIZ UMALI/GMA7: And just a follow-up. When are we expecting all these dams that you mentioned to be completed?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Magandang tanong po iyan. Kaya nga po ako noong naging administrator sa NIA, nagpagawa po kami kaagad ng design and build manual. Itong design and build manual po namin na ito, masyo-shorten niyan ang implementation ng dam from conception to actual construction by three years. Kasi matagal po kasi iyon; ang sistema po kasi natin dati is gumawa ng feasibility study, tapos gagawa ka ng design, ng detailed engineering. Eh ngayon po ay iba. Kapag mayroon nang feasibility study si NIA, design and build na kami. So sasabihin namin sa mga contractors, “Ito iyong gusto naming dam, kailangan namin ng 500 million cubic meters na capacity, dito ninyo ilalagay.” So si contractors na ngayon ang magdi-design at sila ang magko-construct. So ma-lessen po ito by three years; mapapabilis po, iyon po ang sinasabi natin.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon, sir. Sir, there have been concerns about the water level in the Magat Dam, particularly because it also supplies electricity to most parts of Northern Luzon. Ano na po iyong status ng water level ng Magat Dam as of this moment?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, kami po kasi ay sa irigasyon. Ang sa amin naman ay when it comes to irrigation, okay naman po iyong level ng ating Magat Dam. At kung kinakailangan, sabi ko nga kanina, kung kinakailangang mag-release—kasi ngayon, dapat nasa storage mode na ang Magat Dam, ano po. Pero kung kinakailangan ang Magat Dam ay mag-release tayo ng tubig para matulungan iyong ating electric supply, ang pakiusap ko lang ay iyong mari-release na tubig ay magamit din ng ating mga farmers, hindi matatapon sa ilog.

So ang gagawin lang namin, magko-contract farming lamang po kami. Say for example, 25 cms yata iyong request nila that would amount to around 10,000 hectares po iyon eh. So kakausapin lang namin iyong mga farmers namin na itong tubig, good for 10,000 hectares, sino ang may gustong mag-contract farming, at ito po ang aming gagawin para hindi po masayang iyong ating tubig.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, ano po iyong water level?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Hindi ko lang ma—wala po akong data ngayon, ma’am. Pero ang report sa akin mula sa field namin is kung itong level ng dams natin ngayon ay ma-maintain ay nasa 70,000 hectares ang aming mapatubigan kapag nagsimula tayo…

But again mayroon kaming AWD technology, at kapag umulan naman ay padadagdagan naman po natin ang ating tubig!

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, in December 2023, the NIA requested for 250 million pesos for the feasibility study to maintain the upkeep and improve the Magat Dam. What is the status of the fund request?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Unfortunately po, nabawasan po iyong ating feasibility study budget. In fact, dito po sa version ng Kongreso, ng Lower House, ay nadagdagan sana ng budget ng NIA by around 40 billion actually. Pero of course doon sa Senate version, naalis naman iyong additional. Pero noong nag-bicam, may na-additional naman through, of course, iyong intervention nila Speaker Romualdez and Appropriations Chair Zaldy Co, nadagdagan kami ng around 20 billion na budget.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: So, sir, magkano na po for Magat Dam only?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Again, iyong feasibility study po kasi talagang binawasan po nila eh.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: So magkano na lang po?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Mayroon namang—actually, ma’am, ganito po iyan. Iyong Magat Dam natin, ang ginawa po natin dito sa ating sistema, ang binuhusan natin ng feasibility study ay itong Alimit Dam. Kasi na-determine namin na ang pinakamagandang tulong natin sa Magat Dam ay itong Alimit Dam; ito po kasi ay upstream ng Magat Dam. So ito po iyong aming binuhusan ng pansin at ready for construction naman na po ito.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: So, sir, magkano na lang po iyong budget ng Magat Dam?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Ang Magat Dam, kasi, ma’am, naka-lump sum iyong aming budget eh. Nasa 250 million po iyong aming budget for the whole country. Hindi ko lang masabi kung ilan exactly ang napunta sa Magat Dam.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, last na from my end, ano po iyong epekto ng pagbabawas ng budget for the upkeep of these dams?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, ang magiging ano kasi natin diyan, iyong ating readiness na mag-implement ng mga bagong project. Of course, hindi ka puwedeng mag-implement ng project nang wala kang feasibility study, hindi po ba. Anyway, sa amin naman sa NIA, para naman ito ay—mayroon namang mga old feasibility studies tayo, so ito iyong aming ina-update at mas mabilis naman po itong gawin. And then, of course, kapag pina-design and build natin ito ay itong private sector na ang magpupuno doon sa kailangan nila na mga data for the design and build.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. We have Alvin Baltazar, Radyo Pilipinas.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Administrator, magandang umaga po. Administrator, doon sa nabanggit ninyo na one percent na hindi pa rin natutubigan, anong solusyon iyong ginagawa natin dito? And kasi nabanggit ninyo kanina na design and build na pagko-construct ng mga dams, kasama ba sila, iyong one percent na pinatutubigan?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, ang ginagawa naman po natin is immediate, ano po. Iyong immediate na solusyon natin dito is, of course—ang maganda kasi sa NIA may cropping calendar planning kami, madi-determine namin kung ilan iyong kaya namin patubigan; iyong tail-end ng ating irrigation canals, ang immediate na solution natin dito ay pinagtatanim namin sila ng high-value crops.

But in the meantime, dahil po itong nabigay po na increase na budget natin, itong solar pump irrigation po ay magtatayo po kami ‘no – iyong iba naka-drill na eh – magtatayo po kami ng mga pumping stations along dito sa irrigation canals namin. Ilalagay lang namin iyong aming solar panel on top of the irrigation canals ano po, then iyong makukuha naming tubig ay ilalagay po namin, itatapon namin sa irrigation canal po namin. So, wala pong masayang na lupa at the same time ma-improve po natin iyong ating irrigation facilities.

So, tinitingnan po namin nasaan ba iyong weakness ng ating irrigation facilities, ano ba ang mga opportunities natin dito at doon ho sa kakaunting budget natin doon po natin siya ilalagay para ma-maximize po ang ating budget.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Admin, follow up lang doon sa bilang ng mga dams natin. Kanina, binanggit ninyo rin na 50 years old na iyong Pantabangan at saka Magat Dam and after that parang hindi na ganoon kadami iyong construction ng mga dams natin. Sa ilalim ng Marcos administration, ilan ba iyong target na maipatayong dam?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Hindi ko mabilang sa aking kamay ‘no pero mayroon kaming target po dito – iyong Tumauini Dam, isa po iyon; iyong Ilocos Norte-Ilocos Sur-Abra Irrigation Project (INISAIP) Dam; itong sa Ilocos Sur – Ilocos Sur Trans-basin; itong, I think tatlo pa sa may Isabela, iyong [unclear] Dam.

Visayas naman patapos na kami dito sa Jalaur Dam, susunod na namin iyong Panay River Basin; marami pang mga maliliit na mga dams doon, mga medium high.

And then marami po sa Mindanao actually, lalo rito sa may along Pulangi River – iyong Antung Dam; iyong Lower Malitubog – patapos na nga kami doon sa MALMAR II namin ano po, malaki rin po iyon nasa 12,000 hectares din po iyon and then itutuloy namin ang MALMAR – iyong Lower Malitubog na tinatawag.

Marami po kaming mga proposed projects po.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Rough estimate lang, Admin, ilan iyong pupuwedeng matapos before 2028? Rough estimate.

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: I would suggest iyong mga malalaking projects po natin o mga medium projects po natin mga nasa 20 po siguro ano po. Iyong mga long-term projects natin, makatapos po kami siguro, malalaking dams, mga siguro between three to five na malalaking dams.

MS. OSEÑA-PAEZ: The big dams or high dams?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: High dams po.

MS. OSEÑA-PAEZ: Again the benefit of the high dam is..?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Nasa 100 meters high po iyan, iyong mga high dams.

MS. OSEÑA-PAEZ: And it addresses many purposes.

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes, opo. Of course, number one flood control siya; pangalawa ay irrigation; mayroon po siyang hydropower din; mayroong aquaculture; mayroong bulk water; and iyong mabuong lake doon puwede ring floating solar, puwede ring tourism. Kaya hindi po tayo magkakamali. Sabi nga ng ating pangulo, hindi tayo magkakamali kapag nag-invest tayo ng mga high dams.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Harley Valbuena, DZME.

HARLEY VALBUENA/DZME: Hello. Good afternoon po. Sir, can you identify the tail-end areas na hindi po kayang mapatubigan iyong nabanggit ninyo po na one percent – saan pong mga lugar or regions ito?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Lahat po ng irrigation facilities ng NIA ay may mga tail-end po ‘no, at saka ang isa kasing problema natin ngayon ay of course bukod sa El Niño, kapag nag-El Niño po, iyong mga ilog natin ay silted po ito kaya nga kapag nagmi-meeting po kami kasama ang DPWH ay sinasabihan din po ng ating pangulo ang DPWH na paradigm shift sila from flood control to water management – meaning mag-construct sila nang mas maraming mga Sabo dams kasi itong Sabo dams ay sedimentation control ito eh. But of course, iyong Sabo dam ay puwede naming gamiting diversion dam.

Although mas maliit ang budget ng NIA kung kami ay itong convergence effort na gusto ng ating pangulo eh malaking bagay…kahit 10 percent lang ng budget ng DPWH sa flood control ang mapunta doon sa ating water management ay katumbas na iyan nang halos buong budget ng NIA. So, malaking bagay po iyon.

HARLEY VALBUENA/DZME: Sir, mayroon po ba kayong identified provinces kung saan malawak pa iyong lupa na hindi napatubigan?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Marami pa po. kahit dito sa may Isabela lang kahit mayroon na tayong Magat Dam diyan marami pa rin ang hindi mapatubigan; Cagayan; dito ho sa Mindanao area – Mindanao ang talagang napakaganda; Palawan; marami pa po. In fact, ganito po iyan, iyong National Irrigation Master Plan na gawa po ng NIA ay based on a three percent slope – ito po iyong three million hectares na sinasabi natin at ang napatubigan pa lang natin dito ay nasa two million – so, nasa 60 percent pa lang.

Pero isipin natin, sabi ko nga hindi naman ang NIA ay hindi naman tayo national rice irrigation sabi ko, so anong mangyayari doon sa three percent slope pataas, ano iyong mga upland communities natin, paano iyong mga nagtatanim ng high-value crops? Again, game changer po iyong ibinigay na budget ng Kongreso dahil ito pong mga solar pump irrigation with drip irrigation and fertigation ay nakatuon po ito ngayon sa construction ng mga solar pump irrigation sa mga upland communities.

So, you know isipin po natin kung iyong ating three million ay nasa three percent slope lang, eh ‘di napakarami pa ho nating hindi napapatubigan.

OSMEÑA-PAEZ: Sam Medenilla, Business Mirror.

SAM MEDENILLA / BUSINESS MIRROR: Good afternoon, sir. Itatanong ko lang, sir, mayroon na po tayong timeline kung kailan expected matapos iyong feasibility study ng Magat Dam at saka Pantabangan Dam rehabilitation or retrofitting po?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Dahil malaki po ang kailangang budget ng whole study ng Magat Dam ay pin-propose po natin ito sa JICA na tulungan po tayo. So again hindi ko po kasi kabisado iyong timetable kung paano sila mag-approve ng ating mga request, but you know parallel to that, sabi ko naman po sa inyo alam naman namin ‘eh na ang makakatulong sa ating Magat Dam ay pagtatayo rin ng mga high dams upstream of the dam, so marami na po kaming na-identify at marami na pong tapos diyan na mga feasibility study para dito sa mga project na ito.

Hindi ko lang matandaan iyong mga pangalan ano po. Pero, kung hindi ako nagkakamali mayroon kaming five projects upstream of the dam ng Magat Dam na puwede nating i-implement na mayroon nang feasibility study. And using our design and build manual po ngayon, talaga pong mapapabilis. Isipin po ninyo, ang experience ko ha bilang engineer, kapag kami ang gumawa noong detail engineering, eh siyempre limited po ang tauhan natin.

At kapag kami naman, nagawa man namin iyong detail engineering and design, kapag sila ang nag-implement ang dami pang reklamo, ang daming corrections, ang daming suspension dahil papabago nila iyong mga design. Eh ito hindi na eh, sila na ho ang mag-design, so anong reason nila na i-delay pa iyong project.

So again, ito po ay hindi naman ito original na idea ng NIA, kinopya po, sabi ko hindi naman masamang mangopya kung sa gobyerno, iyong good practice ng gobyerno ‘no. So, kinopya po namin ito sa design and build ng highways, DPWH.

OSMEÑA-PAEZ: Tuesday Niu,

TUESDAY NIU/ DZBB: Hi, sir. Sabi ninyo po kanina one percent lang iyong hindi napatubigan, so 99% napatubigan, natamnan at lumaki ang produksyon ng ating farmers. So, how would this translate, sir, doon sa presyo ng bigas sa market? Kung marami silang naani, marami silang naibenta sa market, so would this lower the price?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Iyan, ma’am, magandang tanong po iyan. Kaya nga po dito namin kailangan ang media, dahil ang lagi lang pong nairi-report iyong one percent na hindi namin napatubigan. Kaya ang perception po—law of supply and demand naman po ang presyo eh. Kapag ang perception ho ng mga tao ay mababa ang ating supply, you know, tataas talaga ang presyo niyan. Pero kung alam po nila na mataas naman ang ating supply, of course medyo…ang akin po naman ay ibalita naman natin iyong tumaas nga. Hindi ho ba may PSA report naman, talagang tumaas naman iyong ating production.

And of course, baka sakaling maibsan ng kaunti iyong pag-alala ng mga tao! Kasi magpa-panic buying iyan eh, kapag sabihin natin ‘O may El Niño talagang ano!’ Pero kung sabihin po natin iyong totoo na tumaas naman iyong production natin, eh di maibsan iyong demand sa market, at least iyon po ang isang alam ko na paraan para po bumaba ang presyo po ng ating bilihin lalo na iyong bigas.

TUESDAY NIU/ DZBB: Sir, ito po bang sinasabi nating high yield ng ating farmers, naramdaman na po ba natin iyong pagbaba ng presyo base sa monitoring po sa mga palengke?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Again, ma’am, iyong aking request baka sakaling kung ibalita natin na maganda naman iyong ating ani, maibsan iyong demand sa—kasi iyon ang hindi mo maiwasan, ako man kung magpa-panic buying ako, mag-i-stock ako nang mag-i-stock ng bigas, so you know…

Pero ang totoo niyan, kung mayroon lang sana tayong sapat na patubig, mayroon tayong sapat na irigasyon—mas gusto nga naming mag-El Niño eh, kasi kapag El Niño kapag maaraw po mataas talaga ang yield ng palay natin magta-times two iyan, magta-times three pa iyan comparing sa wet season, mababa ang production natin ng wet season.

Kaya nga po, ang gusto ng National Irrigation [Administration] ngayon ay baguhin namin iyong aming cropping calendar kasi ang NIA, ang isang cropping calendar niya is iyong dry season tapos wet. Tinatanong ko iyong aking mga regional managers, bakit kayo nasabay sa wet, eh ang wet hindi naman natin ini-irrigate na iyan, sahod ulan na?

So ang gagawin namin ay may mga pilot project na po kami, ilalagay namin iyong dalawang production natin sa dry. Siyempre kasi pag-dry una mataas ang yield, pangalawa walang bagyo, hindi ho ba. Ang challenge lang naman diyan, eh sapat ba iyong patubig, Eh iyon namang hindi namin mapatubigan, again, puwede naman nating pataniman ng mais/corn.

Nakita ninyo naman iyong data ng PSA, tama po iyong sinasabi namin eh, iyong mga hindi namin mapatubigan tataniman namin talaga ng corn. So, iyong data ng PSA ngayon, kino-confirm niya na tama po iyong diskarte ng ating pangulo. Ito ang gusto ng ating pangulo eh, mapataas iyong yield natin, iyong production natin. So, sabi niya pag-aralan ninyo nga, of course, tingnan natin kung puwede ba na dalawang cropping tayo sa dry season para iyong pang tag-ulan eh bonus na lamang natin, hindi ho ba. Iyan po ang plano ng NIA ngayon.

OSMEÑA-PAEZ: Okay, thank you very much Administrator Guillen, from the National Irrigation Administration. Thank you, Malacañang Press Corp. Magandang tanghali sa inyong lahat.

##