Press Briefing

Press Briefing of Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles

Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacañang

CABSEC NOGRALES: Magandang tanghali sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.

Ngayon araw, February 18, ang huling araw ng Bayanihan, Bakunahan Part III. Walong araw po ang ating isinagawang National Vaccination Drive 3 upang lalo pang pataasin ang vaccination rate sa bansa para makamit natin ang population protection bilang hakbang sa pagpapanumbalik ng komersiyo, pagpapabilis ng paglago ng ekonomiya, at pagbabalik-eskuwela o face-to-face classes sa ating mga paaralan.

Sa ikatlong bahagi ng Bayanihan, Bakunahan, ang target natin ay makapagbakuna ng limang milyong Pilipino sa loob ng walong araw. One third dito ay para sa primary series habang ang natitirang two-thirds ay para sa pagtuturok ng booster.

Tama po ang narinig ninyo, kasama ang booster shots na binibigay sa National Vaccination Days. Kasama sa prayoridad natin na bigyan ng booster doses ang mga nasa economic zones, mga lolo at mga lola, at mga nasa indigent population.

Paalala lamang po: Hindi pa po kasama sa binigyan at mabibigyan ng booster dose sa ngayon ang pediatric population aged 12 to 17 years old.

Nagpapasalamat po tayo sa kooperasyon ng lahat. Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan at boluntarismo. In-enlist natin ang buong medical community kabilang ang private doctors, nurses, midwives, dentists, sa pamamagitan ng kanilang respective organizations at medical societies. Isinagawa ito sa mahigit 12,000 sites sa buong Pilipinas. Sa mga tumulong at nakibahagi, lalong-lalo na sa mga nagpabakuna, maraming, maraming salamat po.

Meanwhile, the Inter-Agency Task Force (IATF) met yesterday, kung saan binigyan ng paborableng tugon at kapasyahan ang acceptance sa national/state COVID-19 vaccination certificates ng mga bansang Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau SAR, at Syria bilang proof of vaccination for purposes of arrival quarantine protocols, as well as interzonal/intrazonal movement. Ang mga lugar na ito ay dagdag sa nauna nang mga bansa/teritoryo/jurisdictions kung saan ang proof of vaccination ay aprubado na ng IATF. Inatasan ng IATF ang Bureau of Quarantine, ang Department of Transportation-One Stop Shop, at ang Bureau of Immigration na kilalanin ang lahat ng proofs of vaccination ng aking nabanggit.

Sa usaping bakuna: Dumating kagabi, February 17, 2022, ang 455,130 doses ng Pfizer vaccine na binili ng national government na inalaan para sa adult population. Habang noong Miyerkules, February 16, 2022, mayroon 780,000 reformulated Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng financial assistance ng World Bank na gagamitin sa mga batang may edad lima hanggang labing-isang taon gulang.

Samantala, mayroon na tayong 133,234,116 na total doses administered as of February 17, 2022. Nasa mahigit 61.5 million na ang naka-first dose habang nasa mahigit 62.1 million ang naka-complete dose o fully vaccinated, kasama na rito ang nabakunahan ng Janssen, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa mahigit 9.4 million naman ang nakatanggap ng booster/additional doses.

Pagdating naman sa ongoing pediatric vaccination ng 5 to 11 years old, nasa 329,285 na sa kanila ang nakatanggap ng at least one dose, as of February 17, 2022.

Pumunta naman tayo sa COVID-19 update. Patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso. Ayon sa February 17, 2022 COVID-19 Case Bulletin ng DOH, nasa 2,196 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa. Ito na ang fourth straight day kung saan mas mababa sa tatlong libo (<3,000) ang bilang ng mga bagong infection. Sa bilang na ito, 93% ang mild at asymptomatic. Samantala, ang positivity rate ay patuloy na bumababa. Nasa single digit na po ito – 9.7% na lamang – habang nasa 96.7% naman ang porsiyento ng mga gumaling. Mahigit 3.5 million naman po ang naka-recover at gumaling mula sa karamdamang ito. Amin naman pong malungkot na ibinabalita na kahapon ay mayroong 107 na pumanaw dahil sa virus na ito. Our fatality rate is currently at 1.52%. This is lower than the 2% global average.

Sa estado naman ng ating mga ospital: Nasa below 32% na ang ating hospital care utilization rate. Nasa 31% ang utilized ICU beds sa Metro Manila, habang 31% naman sa buong bansa; 25% ang utilized isolation beds sa Metro Manila habang nasa 27% sa buong bansa; 26% ang utilized ward beds sa Metro Manila habang 23% sa buong bansa; at 20% ang utilized ventilators sa Metro Manila, 17% sa buong bansa.

Sa ibang mga bagay, magandang balita para sa ating healthcare workers. Bilang pagtalima sa atas ni Pangulong Duterte, ini-release na ng Department of Budget and Management ang appropriated amount of P7.92 billion sa Department of Health para sa One COVID-19 Allowance (OCA) ng 526,727 eligible public and private healthcare workers and non-healthcare workers na involved sa COVID-19 response. Ang mga healthcare workers na high risk ay makakatanggap ng siyam na libong piso, nasa anim na libo at tatlong libo naman ang matatanggap ng nasa moderate at low risk, respectively. Ibibigay ng buo ang benepisyo provided na ang health professional ay kailangan mag-report physically for at least 96 hours per month. Otherwise, the benefit shall be pro-rated.

Still on other matters, good news from S&P Global Ratings, which expects the Philippines Gross Domestic Product to grow 7.4% this year, which is within the seven to nine percent target of our economic managers.

S&P added that they expect unemployment to gradually ease down from its peak during the COVID-19 pandemic.

Another piece of good news: Fitch Ratings affirmed our credit rating of “BBB”, triple B po. If you would recall, we have maintained the same rating from Fitch throughout the pandemic despite a wave of rating downgrades for many other countries during the same period.

And we expect economic reform momentum to continue as we thank Congress for the recent passage of the amendments to the Foreign Investments Act, the Retail Trade Liberalization Act, and the Public Service Act.

Meanwhile, Fitch sees the countries GDP growing by 7.0% next year, 2023.

Our fourth good news: The Philippine Statistics Authority announced that P133.47 billion worth of total foreign investments were approved in the fourth quarter of 2021. This is a 265.7% increase over the P36.49 billion approved in the same quarter of 2020. Inaasahan po natin na mahigit 34,000 na trabaho ang malilikha pagkatapos maaprubhan ang mga proyekto noong fourth quarter ng 2021.

On another matter, Malacañang expresses its sincerest congratulations to Ms. Rizalina Noval Justol on her appointment as Chairperson of the Commission on Audit (COA). Chairperson Justol’s appointment paper was signed by President Rodrigo Roa Duterte on February 17, 2022. We wish Chairperson Justol success in COA, and assure her that the government will always be supportive of COA’s efforts to ensure transparency and accountability in the use of government funds.

Bago tayo pumunta sa mga tanong ng MPC, kasama natin ngayong tanghali si Sec. Mon Lopez para pag-usapan ang matagumpay na Dubai Expo kung saan kasama sa mga nakilahok ang ating bansa. Ano pong benepisyo nito para sa bansang Pilipinas?

DTI SEC. LOPEZ: Thank you, CabSec Karlo. Good afternoon po sa inyo, kay Usec. Vergeire at sa atin pong tagasubaybay pati ho sa mga kasama natin sa media.

Unang-una po, iyong participation ng Pilipinas sa Dubai World Expo, ongoing po ito mula noong October last year up to March of this year at patuloy po, nandoon pa ang ating Philippine pavilion.

Ito po ay fully supported unang-una po ng ating Pangulong President Rodrigo Roa Duterte na siya po ay talagang nag-commit na sasali po ang Pilipinas dito. Ikinomit niya po ito sa leaders ng UAE dahil po in recognition of the 700,000 OFWs in UAE and they are being taken care of by the UAE government and the people there. So, alagang-alaga po sila doon.

It is the third largest foreign group in UAE next to India and Pakistan. So, ganoon karami ang Pilipino doon, kahit saan ka magpunta may makikita tayong mga kababayan natin. And also, iyong presence po ng Pilipino sa UAE, iyon po ang second largest OFW group in the Middle East and I think in the world next to Saudi na over 1.2 million, so, napakalaki po ng Pilipino contingent. Kaya po ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng ating presensiya, ng Philippine pavilion at participation nito sa Dubai World Expo.

Ngayon, ang atin pong participation doon, of course, inaasahan natin aside from showcasing the Filipinos, the Philippines, the past, the present and the future, showing/showcasing iyong mga innovation at mga iba-iba pang magagandang nangyayari sa Pilipinas.

Isa pa pong siyempre, goodwill na ginawa natin doon ay sunud-sunod po iyong ating investment forum na ginawa with the business sector. Unang-una po sa pangkalahatan, nagkaroon po tayo ng country business briefing, nagkaroon din tayo ng briefing sa mga construction sector, nag-business matching. Mayroon po tayong private sector delegations especially from the construction sector together with the UAE construction group. At the same time may architect group din na ginawang mga forum. Tuluy-tuloy po, in fact, as of now, mayroon pang isang ongoing expo na about food kung saan iprinisent ang mga food products from the Philippines ‘no at kasama rin po tayo doon.

So, ito po ay will definitely lead to more investment activities promoting trade, promoting investment. Magandang balita po dito ay while we were there, we were able to sign also iyong beginning noong negotiation para po sa isang FTA but we call it Comprehensive Economic Partnership Agreement. It’s like an FTA or Free Trade Agreement but since they are part of the GCC, iyong mga Gulf countries, they would prefer it to call it Comprehensive Economic Partnership similar to an RCEP, iyong Regional Comprehensive Economic Partnership.

Secondly, we concluded the discussion, the negotiation on the investment promotion and protection agreement. Again, this is very much needed kung gusto nating ma-tap ang investments from doon sa mga tinatawag na sovereign wealth fund na nagkakahalaga ng more than $1.2 trillion sovereign wealth fund from UAE na mag-invest din sa Pilipinas.

And while we were there also, nagkaroon po ng pagkakataon na mag-submit ng mga letters of intent, mga investment intent, sa maraming sector unang-una na po on healthcare, on agribusiness, pati ho sa tourism, pati po sa renewable energy. In fact, iyong isang pinakamalaki diyan iyong sa agribusiness.

The investor talaga pong desidido sila na mag-operate dito dahil naging matagumpay ang kanilang operation in a hot country, a humid country like Qatar, like UAE, pagdating sa dairy industry. In other words, kahit mainit ay puwedeng magkaroon ng dairy industry at alam po natin dito sa Pilipinas ay almost 97%/98% imported po ang ating mga milk and milk raw materials, skimmed milk powder, buttermilk, at [unclear] milk fat, etc.

So, ito po ay isang paraan na parang import substitution. Kapag dito na ginawa iyan ay magkakaroon tayo ng vibrant milk industry. So, isa po iyan sa isang most likely na magma-materialize na mas maaga na investment.

And of course, ang isa pang interesting ay iyong sa tourism na nabanggit natin. It might create some kind of a Disney World or a fantasy island dito po sa Pilipinas and they’re planning it south of Metro Manila. Aside from that, mayroon pang mga ibang mg investment, mga letters of intent on healthcare pati rin sa renewable energy.

Maybe ang isang maganda rin po during the Philippine National Day, of course na showcase natin ang Philippines, ang Philippine culture, mayroon po tayong cultural performance but it’s a unique, masasabi nating modern at kakaiba, hindi iyong usual cultural performance po ng Pilipinas.

And frankly po, ang feedback sa amin ng mga organizers, it’s one of the best National Days na nakita po nila dahil po talagang – alam ninyo naman ang Pilipino, mga Pilipino bigay-todo doon sa performance po. So it was really recognized to be a good Philippine National Day celebration kung saan ang atin pong National Day ay in attendant ang kanilang Minister of State of Foreign Affairs, si Minister Ahmed Ali Al Sayegh, pati po ang kanilang Minister of Trade, si Minister Thani bin Ahmed Al Zeyoudi at iba pang mga opisyales.

So, napakaganda po ng treatment sa atin doon and I’m very sure that this will all lead to a very good investment trajectory at saka trade trajectory para sa Pilipinas and it will only strengthen the Philippine-UAE economic relationship aside from iyong people-to-people kind of relationship.

Thank you, CabSec.

CABSEC. NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Sec. Mon at lahat ng mga kasamahan natin sa Gabinete at iyong buong team na pumunta at tumungo po doon and for all of the investment and trade relations that you have strengthened because of that trip. Please stay onboard, Sec. Mon, maaaring may mga tanong po ang mga kaibigan natin sa MPC.

Makakasama rin po natin si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec. Rosette, ano po ang ating inaasahan ngayong huling araw ng Bayanihan Bakunahan Part 3? Ano naman po ang latest vaccination milestones lalung-lalo na sa pediatric vaccination pati na rin sa Bayanihan Bakunahan 3? May paalala po ba kayo pagdating sa pagpapaturok ng vaccine boosters?

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, CabSec and good afternoon po sa inyo, kay Secretary Mon, kay Usec. Rocky, at sa lahat po ng nanunood and to our media partners.

Patuloy po ang pagpasok sa atin ng magagandang balita dahil sa pagbaba ng ating mga bagong kaso ganoon din po ang pagtaas naman ng ating vaccination rate sa tulong ng ating dalawang programa: Ang ResBakuna Kids at ang Bayanihan Bakunahan 3.

With that, the ODH will provide you with the latest updates on these vaccination programs and the latest information on COVID-19. [Next slide, please.]

Magsisimula po tayong talakayin ang sitwasyon ng COVID sa ating bansa. Magandang balita po ang bungad namin sa inyo, atin na pong nalampasan ang hamon buhat ng Omicron at kasalukuyan na po tayong nasa low risk case classification. Batay po sa graph na nakikita sa ating mga screen, patuloy pong bumababa ang ating average daily reported cases.

Sa kasalukuyan ang average daily reported cases natin para sa linggong ito, February 11 hanggang February 17 ay bumaba na po ng 52% kung ikukumpara noong nakaraang linggo.

Lahat din po ng ating island groups – Luzon, Visayas and Mindanao – ay nagpapakita na nang unti-unting pagbaba ng kaso. Sa lahat ng mga rehiyon, mas mababa na po ng isanlibo ang mga naitatalang kaso kada araw para sa linggong ito.

Maliban po sa CAR at saka sa Region XI, ang lahat ng regions ay nasa low risk case classification. Gayun pa man lahat po ng rehiyon ay nagpapakita rin ng negative two-week growth rates na nakikita natin sa pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ang atin naman pong health care utilization ay nasa low risk maliban lamang po sa Region XI na nasa moderate risk ang ICU utilization na kasalukuyan po ay nasa 58%.

Nitong nakaraang Enero, nakaranas po tayo nang malubhang pagtaas ng bilang ng mga kaso dahil sa Omicron variant. Ngunit bagama’t ito ang pinakamabilis na kumalat, ito rin po ang variant na pinakamabilis naman nating napuksa. Bagama’t lubhang dumadami ang ating mga kaso, hindi po ito sinabayan nang pagtaas ng mga hospitalized cases at dahil diyan ay masusing pag-monitor at pag-manage natin sa virus, gayun din po sa ating masigasig na pagsunod sa minimum public health standards at mabilisang pagbabakuna. Gayun pa man maski talaga namang napabuti ang ating sitwasyon, nananatili po ang ating average na 2,876 na mga kaso kada araw ngayong linggo.

Batid po ng Kagawaran ng Kalusugan ang paalala na hindi ngayon ang panahon upang tayo ay maging kampante dahil maaari po itong maging dahilan nang muling pagtaas ng mga kaso lalo’t higit pa na nag-umpisa na ang electoral campaign season. In line with this, we would like to invite our candidates to provide creative avenues to engage their future constituents as to play their part in bringing to an end this pandemic.

Nananawagan po kami sa ating mga nangangandidato na kung maaari po ay maiwasan natin ang malawakang campaign sorties na maaaring magdulot ng overcrowding at maaaring maging COVID-19 super spreader events. Sa kahit na anumang pagtitipon, paalala po ng ating Kagawaran na atin pong sundin ang ating minimum public health standards upang maiwasan po natin ang muling pagkalat ng virus.

Paalala po sa lahat ng mga nangangampanya at sa ating public na dumadalo po sa mga ganitong event, atin pong palagiang sundin ang mask, hugas, iwas, airflow. Gayun ding isaisip po natin na kung maaari ay umiwas po tayo sa ating mga 3Cs – closed spaces, crowded places at close contact settings. Muli po pinapaalalahanan po natin ang lahat na sundin ang ating minimum public health standards para maiwasan po natin ang further transmission ng virus.

Ngayon naman po magtungo po tayo sa updates ukol sa ating bakunahan. Isa pa hong magandang balita ang hatid namin sa inyo dahil tuluy-tuloy na po ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang aged 5 to 11 years old na bakunado na laban sa COVID-19. Sa kasalukuyan 329,285 na kabataan na ang nabigyan na po ng bakuna laban sa virus. Sa mga susunod na linggo, patuloy pong dadami ang ating mga Resbakuna Kids vaccination sites na kasalukuyan po ay mayroon tayong 482 vaccination sites.

Kahapon, February 17, naglunsad po ang Kagawaran ng Kalusugan ng vaccination sites sa Shoe Mart, San Lazaro para sa Chikiting DOH Ligtas Laban sa COVID-19 kung saan dinaluhan po ito ng mga kawani ng DOH at ng kani-kanilang mga anak, pamangkin at kanilang mga apo.

Isa po sa mga nabakunahang bata kahapon ay ang pamangkin ng ating Undersecretary for Health for Field Implementation and Coordination Team and the National Vaccine Operations Center Chair na si Usec. Myrna Cabotaje. Buong tapang po na hinarap ni Francis, ang kaniyang pamangkin, ang karayom dahil naniniwala siya na ang pagbabakuna ay hindi lamang paraan upang mailigtas ang kaniyang buhay ngunit ang buhay din ng kaniyang mga nasa kaniyang paligid.

Para naman po sa ating mga magulang na mayroon pa ring pangamba hinggil sa pagbabakuna sa ating mga kabataan, naniniguro po ang Kagawaran na ang bawat bakunang ituturok ay garantisadong ligtas at epektibo. Sa humigit-kumulang na 329,000 nating nabakunahan, walo pa lamang po ang naitatala nating non-serious adverse event. Mangyaring normal pong bahagyang tumaas ang kanilang blood pressure, iyong iba nagkalagnat, iyong iba nag-chills ngunit sinisiguro po ng Kagawaran na ang ating mga health care workers na nasa vaccination sites ay handa para sa anumang adverse event na maaaring maramdaman ng inyong anak.

Muling pinapaalala na huwag basta magpapaniwala sa mga impormasyong kumakalat sa social media at mangyaring mag-verify muna po tayo o magtiwala lamang tayo sa mga trusted at legitimate sources. Kaya naman po muli, aming hinihikayat ang ating mga nanay, ang ating mga tatay, ang mga legal guardians – iparehistro na po natin ang ating mga kabataan para po sa karagdagang proteksiyon buhat or galing sa atin bakuna laban sa COVID-19.

Kapanabay ng ating Resbakuna Kids ang isang programa ng Kagawaran – ang Bayanihan, Bakunahan 3. Layunin po ng Bayanihan, Bakunahan 3 na makapagbakuna ng limang milyong Pilipino sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan po may humigit-kumulang tatlong milyong Pilipino na ang ating nabakunahan sa programang ito. Sa halos tatlong milyon na nabakunahan, 664,000 plus ang nabigyan ng kanilang primary dose, one million 200 plus thousand ang nakatanggap ng kanilang second dose at 187,000 plus naman ang nakatanggap ng single shot doses, nasa 968,000 plus naman po ang nakatanggap ng kanilang booster shots.

Ano pa ba naman ang hinihintay natin? Hinihikayat po natin lahat ng eligible citizens na magpaturok na ho ng booster shot sa lalong madaling panahon para sa karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19.

Para naman po sa ating mga nanay na nagdadalang-tao, hinihikayat po natin na magpabakuna na upang maiwasan natin ang risk ng stillbirths. Maaaring makaapekto po sa placenta ng nagdadalang-tao ang pagkakaroon ng COVID-19 habang nagbubuntis na maaaring magresulta sa fetal injury or maski na sa pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan. Mula po sa isang British Medical Journal, sa mga naitalang 5,000 pregnant women na tinamaan ng malubhang COVID-19, nagkaroon po ng kumplikasyon sa kanilang pagbubuntis na nagdulot po ng critical care admission, stillbirth at early neonatal deaths. Ang mga ito ay hindi bakunado. Kaya naman po hinihikayat natin ang ating mga kababayang nagbubuntis o maski nagpapasuso na magpabakuna na po tayo Dahil ang antibodies po ng mga bakunang naiturok sa inyo ay maaari po nating maipasa sa ating mga sanggol o mga babies.

Muli ang lahat po ng mga bakuna sa ating bansa na may Emergency Use Authority mula sa Food and Drug Administration at ang mga ito ay ginagamit din sa mahigit pitumpung (70) bansa na. Patotoo po ito na ang mga bakuna ay ligtas para sa lahat, mapabata, matanda, buntis, may karamdaman at sa lahat ng vulnerable sa COVID-19. Tayo po ay agaran nang magpabakuna, para maiwasan natin ang pagkakaospital o ang mga maaaring dulot nito sa mga sanggol na nasa sinapupunan pa lamang natin.

Tuluy-tuloy na ang pagtaas ng ating vaccination rate at dahil diyan, tuluy-tuloy na rin po ang martsa tungkol sa new normal. At para mas maging handa sa new normal, muli pong hinihikayat ang lahat na magpa-booster shots na. Kaya naman narito po ang ilang mga paalala tungkol sa booster shots.

Utang natin sa ating mga bakuna ang proteksiyong mayroon tayo laban sa COVID-19 na nagriresulta sa pagbaba ng ating mga mababang bagong kaso nitong mga nakaraang linggo. Batay po sa graph na nasa ating screen, makikita po natin ang pagtaas ng karagdagang proteksiyon dulot ng mga bakuna, kada dose na naiturok sa ating katawan.

Kung mataas na po ang proteksiyon buhat ng ating primary doses, higit pong nakakapagbigay ng mas mataas na antibody response ang pagtuturok ng booster shot at ganoon din, mas mananatiling mas mataas sa protective immune threshold ang antibodies na dulot nito. Kaya naman, everyone is advised to get the job done and get boosted as soon you are already eligible, dahil sa oras na tayo ay magpabakuna ng booster shot, pinapanatili po nitong mataas ang ating antibodies na nagriresulta ng stronger immunity laban sa COVID-19.

Bagama’t malaking bagay na ang makakumpleto ng primary dose series ng ating mga bakuna, di hamak na mas malaking proteksiyon ang hatid ng booster shots sa ating mga katawan. Tinatayang nagiging 25 times na mas protektado ang isang indibidwal laban sa Omicron kung ito ay nakatanggap na ng booster shot kaysa nakakatapos pa lamang ng kanilang primary series.

Batay rin sa ating graph na naririto ngayon, higit na tumataas ang ating vaccine efficacy ng booster shots kung ikukumpara natin sa primary dose series. Lubhang mataas ang naiambag ng booster shots sa proteksiyong buhat nito laban sa virus dahil mas maiiwasan ang pagkakaroon ng mas malala at kritikal na kondisyon na magdudulot sa pagkaka-ospital kung ang isang indibidwal ay hindi bakunado ng kaniyang booster shot.

Kaya muli para po sa ating mga eligible citizens, hinihikayat na po kayo ng ating gobyerno na nagpaturok na ng inyong mga booster doses. Wala po kayong dapat ipangamba, dahil ang ating mga bakuna ay garantisadong de kalidad, ligtas at higit sa lahat epektibo. Hatid po ito ng pamahalaan sa bawat Pilipino at ito po ay libre at walang kapalit.

Narito lamang po ang ilang paalala natin para sa ating mamamayang nagpapaturok ng kanilang booster shots:

Ang atin pong mga kababayang nabakunahan ng AstraZeneca, Gamaleya Sputnik Light or Sputnik V, Moderna, Pfizer, Sinopharm at Sinovac ay maaari na pong tumanggap ng kanilang booster doses makalipas ang tatlong buwan ng kanilang second dose.

Para naman po sa nakatanggap ng single dose na Janssen, maaari na po kayong magpabakuna ng inyong booster matapos lamang ang dalawang buwan. Paalala lamang po na maaari pa lamang nating maturukan ng booster ay ang mga eighteen (18) years old and above.

Para naman po sa mga nagtatanong kung anong bakuna ang maaaring iturok sa inyo bilang booster, makikita po sa inyong mga screen ang corresponding vaccines na maaari ninyong maipaturok.

Muli para po sa mga kababayan nating hindi pa po nakaka-receive ng boosters, makipag-ugnayan lamang po kayo sa inyong local government units o doon po sa pinakamalapit na vaccination site upang makakuha na po kayo ng inyong booster shot. Huwag po ninyong kakalimutang dalhin ang inyong vaccination card at isang valid ID. Sama-sama po nating baybayin ang new normal ng bakunado at protektado laban sa COVID-19.

At bilang dapat na nating isapuso ang ating minimum public health standards na mask, hugas, iwas, air flow, narito po ang ilang paalala ukol sa paghuhugas natin ng kamay. Kailan ba tayo dapat maghugas ng ating mga kamay. Tandaan natin ang mga sumusunod:

Kinakailangan pong maghugas ng kamay pagkatapos umubo o kaya ay bumahing. Kung kayo po ay nag-aalaga ng may sakit palagiang dapat maghugas ng kamay; ganoon din po maghugas ng kamay, bago at makatapos kumain; kinakailangan ding maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng banyo; kung marumi ang inyong kamay pagkatapos humawak din ng inyong mga alagang hayop pati na rin ang kanilang mga dumi.

Paalala rin na kinakailangang patagalin ng 20 hanggang 30 segundo ang paghuhugas ng kamay, mapa-gumamit ng sanitizer o tubig or sabon. Paalala po na mas mainam pa rin ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon at mag-sanitize lamang kung talagang walang malapit na lababo.

Muli, huwag po nating kakalimutang isa lamang po ang hugas sa ating mga minimum public health standards. Kinakailangan po gawin po natin lahat at second nature ang pagsunod sa mask, hugas, iwas, airflow and more importantly bakuna para sa maximum protection laban sa COVID-19.

And finally, bago po tayo tuluyang magwakas, ipapaalala lang po natin sa ating mga kababayan, lubhang nakakatulong po ang ating mga programang Resbakuna Kids at Bayanihan Bakunahan III sa ating pag-shift sa low-risk case classification dahil sa patuloy na pataas ng ating vaccination rates. Habang mas dumadami na po ang protektadong Pilipino, tayo po ay palagiang naninigurado na ligtas ang pagbubukas ng ating ekonomiya.

Nasa humigit-kumulang 329,000 na ang mga kabataang nababakunahan laban sa COVID-19. Inaasahan po ng kagawaran na patuloy pa iyong dadami sa mga susunod na araw. Hinihikayat po natin ang ating mga magulang, dahil na po natin ang ating mga anak para mabakunahan.

Ngayon po ang huling araw ng Bayanihan Bakunahan III at kasalukuyang humigit-kumulang tatlong milyon na ang nabakunahan. Bagama’t ngayong araw nagtatapos ang ating programa, hindi po titigil ang ating gobyerno sa paghahatid ng bakuna sa ating mga kababayan, dahil hindi po tayo titigil hangga’t hindi protektado ang bawat Pilipino laban sa COVID-19 virus.

Panghuli, binibigyan-din po ng DOH na ang booster shots ay mahalagang panlaban lalo kung higit magkakaroon pa ng bagong variants na atin pong haharapin. Ang vaccine efficiency na buhat ng booster shots ay nagdudulot ng mahigit twenty-five (25) times protection laban sa Omicron variant. Higit sa lahat ang pagiging bakunado ay mabisang panangga laban sa malubha at malalang sakit na maaaring maging dahilan ng pagkakaospital o pagkakamatay.

Kaya muli para po sa ating mga eligible citizens, tayo po ay magpabakuna at kung kayo po ay eligible na for boosters, magpa-booster shots na po tayo. Maraming salamat po and over to you, CabSec.

CABSEC NOGRALES: Maraming salamat, Usec. Rosette. At tumungo naman po tayo kay Usec. Rocky para sa mga katanungan mula sa MPC.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Karlo. Good afternoon, Usec. Vergeire, Secretary Mon.

Una pong tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: The DILG said it will hold a dialogue daw po with Cebu Governor Garcia about her decision to allow entry of unvaccinated foreigners. What is Malacañang’s own position on the issue?

CABSEC NOGRALES: We will await the results of that dialogue between DILG and the Governor.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: What does Malacañang think of the call on Senator Grace Poe for the government to immediately distribute cash subsidies to public transport drivers after the seventh oil price increase this year? You mentioned earlier that certain conditions have to be met before the fuel subsidy can be released. What kind of assistance can the government provide for them in the meantime?

CABSEC NOGRALES: Tama po iyon, Usec. Rocky. Actually, immediately after the General Appropriations Law was signed by the President, nag-convene naman po agad ‘no ang DOTr at ang LTFRB para pag-usapan ‘no kung paano mag-trigger ng response using itong specific provision ng budget law ‘no, iyong General Appropriations Act.

So noong January iyong LTFRB at DOTr ay agarang nag-convene, agarang nag-prepare ng initial masterlist ng mga dapat maging beneficiaries nitong fuel subsidy program po na nakalaan dito sa ating budget for 2022.

And they submitted the necessary papers and documents and the budget requirements to DBM. So now it is up to DBM now to interpret on how ma-trigger iyong response based on the wordings noong budget law natin for 2022 dahil if you look at the special provision ng fuel subsidy program na nakalagay doon sa ating budget law is it states that the funds will only be released when the average Dubai crude oil price based on Mean of Platts Singapore or MOPS for three months reaches or exceeds 80 US Dollars per barrel.

So we have to await kung anong interpretation ng DBM doon sa sinasabing three months. So iyon po, but as far as DOTr is concerned, iyong initial masterlist na-submit na, ready na sila for implementation. Naka-submit na rin sila ng documents to DBM, and now DBM will have to interpret what the three months mean ‘no para maka-trigger na po nitong paggamit ng fuel subsidy program, pag-implement ng fuel subsidy program based on the 2022 GAA.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong mula kay Ace Romero ng Philippine Star: Totoo ba iyong quota of health care workers for deployment? Doubled daw po to 7,500?

CABSEC NOGRALES: Let’s refer to the previous IATF resolution ‘no, specifically IATF Resolution No. 153 dated ito December 9, 2021. And based on Resolution 153 ng IATF, nakalagay po dito that the deployment ceiling of new hire health care workers shall be increased to 7,000 – so 7,000 po based on IATF Resolution No. 153.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Secretary Lopez: Secretary Lopez, do you foresee the country shifting to Alert Level 1 sometime this year?

DTI SEC LOPEZ: Thank you, Usec. Rocky. Sometime this year posible po ano. Ang position naman po ng DTI so far even in the IATF, we are really for a more gradual at saka safer journey to natural immunity para palakasin muna natin natural immunity bago tayo talagang mag-announce ng new normal – and maybe that is equivalent to Alert Level 1.

And I believe that we are getting there. I may not say na ito po ay very soon, maybe ito ba ay within the next two weeks or sa March or April. Ang importante po—kasi we are getting there already so ang anuhin na lang natin iyong gradual and safer journey. Importante tuluy-tuloy ang vaccination para added protection.

And you know po, even right now status quo, marami na tayong safely reopened – high operating capacity, 50% ang indoor pero may plus 30% kasi 20% kapag mataas, 70% plus ang vaccination rate at 10% ‘pag may safety seal so 80% na iyong indoor at iyong outdoor parang 100% na under dito sa mga three Cs activity natin. And for all other activities, actually 100% operating capacity na tayo so parang Alert Level 1 na rin tayo in many cases, in many offices or businesses.

Ang kailangan lang po talaga hindi mawala iyong mind-set natin na talagang todo pag-iingat, iyong paulit-ulit kong sinasabi – mask, hugas, iwas, vaccine at saka ngayon iyong dinagdag iyong ventilation or airflow o kaya eh may filtration, iyong air-conditioning doon ‘no. Kasi ho ang virus nandito pa and we are—but definitely we are living with the virus, we are living with it, pero we cannot expect iyong zero cases.

But at the same time, all lives matter – ayaw nating magkaroon ng big surge at saka iyong hospitalization. Kaya po to save more lives, ang importante po we save more lives and until we reach the endemic stage. Ngayon palapit na rin po naman tayo doon.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Lopez.

CABSEC NOGRALES: Thank you, Usec. Rocky. Let’s go to Mela Lesmoras ng PTV for her questions.

MELA LESMORAS/PTV4: Yes. good afternoon po Secretary Nograles, Secretary Lopez, Usec. Vergeire at Usec. Rocky.

Secretary Nograles, unahin ko lang po, update mula sa naging IATF meeting kahapon. Natalakay po ba itong dalawang usapin nga related doon sa kanina? Ano po iyong update kaya sa new normal roadmap? At natalakay din po ba sa IATF meeting iyong hiling ng ilang kandidato na medyo luwagan iyong health protocol sa pangangampanya?

CABSEC NOGRALES: Iyong sa roadmap, patuloy pa rin ‘no iyong pagsasapinal noong dokumento na iyon ‘no, kabahagi na rin iyong mas detalyadong nilalaman ng ating National Action Plan Phase 5. So as of the meeting ng IATF yesterday, hindi pa fully completed ‘no iyong roadmap na iyan pati iyong specific details ng NAP Phase 5 dahil pina-finalize pa nga ang lahat ng mga components.

So maaaring sa next IATF meeting, doon na po ipipresenta kabilang na rin po diyan iyong any additional provisions – if any needed or conditions needed para sa Alert Level 1. Tandaan po natin based on previous IATF resolutions iyong pagda-downgrade po natin to a lower alert level has to be done every first of the month or the sixteenth of the month ‘no. So right now iyong pag—if ever mag-Alert Level 1 po any territory in the country, that will have to wait until first of March or 16th of March ‘no kasi downgrading na po iyan to a lower alert level.

But again, it’s something that is still being discussed sa IATF dahil may panahon pa naman po tayo kung ano ba iyong karagdagang conditions if any for Alert Level 1 at isasabay na rin po natin iyong details also for National Action Plan Phase 5.

Iyong sa tanong mo about sa COMELEC, alam ninyo po iyong pag-conduct ng election-related activities is strictly speaking, legally speaking nasa jurisdiction po ng COMELEC iyan. And we know na based on the Constitution na ang COMELEC is an independent constitutional body. So, for election related activities, it’s really COMELEC’s rules and regulations ang mai-implement o i-implement ng COMELEC based on its constitutional mandate.

MELA LESMORAS: Thank you, Secretary Nograles. Can I go to Usec. Vergeire po? Usec. Vergeire, tungkol naman ito doon sa One COVID-19 Allowance. I understand nga na-release na ng DBM sa DOH ang pondo para rito. Pero iyong tanong ng ating mga health care workers, kailan kaya actual na maibibigay ito sa kanila at iba pa po ba ito sa mga naunang COVID-19 benefits? Paano iyong magiging difference nito or continuation lang po ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. So, good afternoon to you. Ito pong One COVID-19 Allowance, this is OCA as we call it. It’s the same allowances that our health care workers had been receiving in the past. This comprises of the special risk allowance, active hazard duty pay, iyong kanilang meals, accommodations and transportation allowance. But this time, we have streamlined it and made it into one. Kung dati po, kailangang naming i-validate at i-compute for specific allowance, ngayon po lump na po siya na ibibigay natin sa health care workers according to their risk classification. So, mayroon po tayong itinalaga na high-risk, moderate risk at saka low risk na mga health care workers based on the nature of their work for COVID-19 and the facility that they work on.

So, kapag tiningnan po natin, wala po tayong tinanggal na allowance, wala rin po tayong binago doon sa mga allowances. Ginawa lang po nating mas mabilis ang proseso, not just for the government, but also for the benefit of our health care workers. Ibig sabihin ngayon, mas lesser na po ang tiyansa para ma-delay ang pag-release natin ng kanilang mga allowances, kasi po naiayos na natin ang proseso. Hindi na po tayo magtatagal sa mga validation. Ito po ay maipapatupad, because the budget has been released already. Gagawin lang po ang proseso and as soon as matapos po ang lahat ng kailangan, maaari na po nating umpisahan at ma-release na sa ating health care workers.

MELA LESMORAS: Opo. Panghuli na lamang po, tanong lang po ng aking kasamahan sa PTV na si Karen Villanda: Ano lang po ang reaksiyon ng DOH regarding nga sa request ng FDA na higpitan pa ng DILG iyong ban sa mga sari-sari stores sa pagbebenta ng mga gamot, dahil sa mga pekeng gamot na kumakalat sa merkado? At ano po iyong masasabi ninyo na may mga remote areas kasi na sa mga sari-sari stores lang sila may tiyansang bumili ng gamot.

DOH USEC. VERGEIRE: Tama naman po ‘no. Kami po ay kaisa ng Food and Drug Administration at DILG and even DTI at lahat po ng mga opisina ng gobyerno para sugpuin po natin itong pagkalat ng fake news, sugpuin din po natin iyong mga stores o kaya iyong mga pamilihan na hindi naman po sila authorized ay nagbebenta po sila ng gamot. Ito pong mga binebenta sa sari-sari stores, kailangan nating klaruhin mayroon naman po talagang mga convenient stores at iba pa pong mga pamilihan na binibigyan [inaudible]

CABSEC NOGRALES: Na-mute yata si Usec. Rosette.

DOH USEC. VERGEIRE: Binibigyan po ng authorization ng Food and Drug para magbenta. Talaga pong hindi sila authorize to sell. Huwag maliitin na paracetamol lang po iyong binebenta o kaya ay para sa sipon lang, sinasabi nila puwede na iyan sa sari-sari store. Lahat po ng gamot ay maaaring mag-cause ng reaksiyon sa ating mga kababayan. Lahat po ng gamot, dapat directed po ng mga health care workers ang paggamit at hindi basta binibili. So, kaisa po kami ng FDA, kaisa po kami ng ating DILG para masugpo po natin ito, matanggal po natin ito pong mga sinasabi nating mga fake na mga gamot na nabebenta dito.

And as to access to drugs for those areas na malalayo, kaya sinasabi nila, kaya pinagbebenta na lang sa sari-sari stores. Mayroon po tayong mga outlets, mga Botika po ng Bayan, Barangay Botikas na subsidize pa po ng national government kung saan mayroon po tayong mga gamot para sa kanila. So, hindi po natin kailangan bigyan ng rason na ang sari-sari store ay maaaring magbenta, dahil walang ibang botika sa kanilang lugar.

MELA LESMORAS: Okay. Maraming, maraming salamat po, Usec. Vergeire, Secretary Nograles, Secretary Lopez at Usec. Rocky.

CABSEC NOGRALES: Thank you, Mela, let’s go back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, CabSec. Mula po kay Maricel Halili ng TV 5: For Usec. Vergeire: Reports say that Omicron sub-variant BA.2 may cause more severe disease and appears capable of thwarting some of the protections we have against COVID-19? Is this true? What do we know about this variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. So ito pong BA.2, ito po iyong ‘stealth’ Omicron na tinatawag na naibigay na po natin as information to our public since past weeks pa po na sinabi natin, na-detect na po natin itong BA.2 sa ating bansa. Sinabi rin natin na mas marami tayong nadi-detect na BA.2 dito sa komunidad compared doon sa mga pumapasok sa ating bansa katulad ng OFWs kung saan mas predominant sa kanilang nadi-detect ay BA.1.

So, ito pong mga artikulong lumalabas na mas severe, actually is just one article na sinasabi na pinag-aralan, BA.2 sa laboratory na baka mag-cause ng severe infections. Nasa pre-print pa lang po ito, ibig sabihin, hindi pa po kumpleto ang ebidensiya o ang pag-aaral, hihintayin po nating makumpleto ang pag-aaral. Pero gusto lang po nating ipaalala sa ating mga kababayan, kung ano man po ang magiging pag-aaral, further evaluation and studies regarding BA.2, balikan lang po natin iyong atin pong mga nakagawiang ginagawa for safety Tayo po ay laging magsuot ng mask, magpabakuna po tayo, umiwas po tayo sa matataong lugar. Dapat po iyong ventilation should always be adequate, maghugas lagi ng kamay. Lahat po ng safety protocols natin, pati ang pagbabakuna would protect us from having these severe infections or for being hospitalized or from dying from this Omicron variant or maybe BA.2.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec Vergeire.

From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Secretary Nograles: You were quoted daw po as saying, “That an increase vaccination rate would allow the Philippines to begin moving out of the pandemic this year”. Recent research has shown, ito na nga po iyong BA.2 virus, a sub-variant of the Omicron coronavirus variant is just spreading faster than its distant cousin. It may also cause more severe disease and appears capable to fight some of the key weapons we have against COVID-19. How would you reconcile your statement with the latter?

CABSEC NOGRALES: Opo. Kung makikita ninyo, kung napansin ninyo o iyong slide kanina ng DOH, ni Usec. Rosette Vergeire, makikita ninyo don na kapag fully vaccinated ka at lalung-lalo na kung boosted ka, nakapag-booster doses ka, mas mabisa iyon na proteksiyon against Omicron. Kaya nga po ang sinasabi natin is iyong full vaccination plus booster shots, mas mataas po iyong magiging effectiveness niyan against Omicron at mas mataas po iyong chances na hindi ka mapunta sa severe at critical, mas mataas po ang chances na hindi ka ma-hospitalized. And that’s the reason why dependent po iyan sa vaccination rate natin. And that is the reason why we are pushing for more people na na-fully vaccinate na mag-booster na. Kasi ito talaga ang pinakamabisang paraan para labanan iyong Omicron variant.

Kagaya din ng sinabi ni Usec. Rosette kanina, iyong naging predominant variant natin dito noong nag-surge tayo ng Omicron, was BA.2, which nakikita na po natin na bumababa na, bakit? Dahil nga po mas mataas na iyong vaccination natin, and the more people to vaccinate, the more we get more people to get booster shot, mas magiging kampante po tayo na buksan pa lalo ang ating ekonomiya at iyong alert level, makikita natin, will always obviously be based on the numbers that we see, iyong ADAR, iyong two-week growth rate pati iyong hospital care utilization rate.

So, kung makikita ninyo iyong pinakita na slides natin, iyong ating two-week growth rate for the Philippines, bumababa na, negative na ang growth rate. Iyong ADAR natin, nationally, is already seven, reported ni Secretary Duque kahapon and some other areas also is less than seven. Ang healthcare utilization rate natin ng buong Pilipinas mababa na rin. So, this means na ano na lang ang kulang na dapat nating tingnan – iyong vaccination rate. Kapag iyong vaccination rate ng isang lugar ay mataas at lalung-lalo na po sa A2 at A3 which is iyong senior citizens natin at persons with comorbidities, mas magiging kampante pa po tayo na ma-downgrade pa iyong alert levels. So that’s the reason why we’re saying na posible po ang Alert Level 1 basta lahat ng indicators natin including and especially vaccination ay marating po natin.

So I would like to emphasize iyong sinasabi ni Usec. Rosette din ‘no na hindi porke’t tapos na iyong National Vaccination Days Part 3, Bayanihan, Bakunahan Part 3 natin today, hindi ibig sabihin na hindi tuluy-tuloy iyong vaccination natin. Dapat tuluy-tuloy pa rin especially sa mga areas na mababa pa rin po iyong vaccination rate.

Hopefully, if we get areas na mababa iyong alert level especially if perhaps kung maka-Alert Level 1 na tayo, mas mai-inspire pa iyong ibang mga areas na hindi pa ganoon kataas ang vaccination rate na mag-catch up din para marating din po nila iyong Alert Level 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, CabSec. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times for Usec. Vergeire: May posibilidad ba na magkaroon daw po ng pang-apat na Bayanihan, Bakunahan given na doon sa sinabi ni Usec. Cabotaje na mabagal ang take up at malayo pa sa target ang naging pangatlong Bayanihan, Bakunahan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no and Red. Possibility is there, yes. Ito pong mga Bayanihan, Bakunahan na programa [garbled] that we used para ma-boost pa lalo o mag-improve pa lalo. And there are specific focuses kapag gumagawa tayo ng Bayanihan, Bakunahan.

So for the succeeding Bayanihan, Bakunahan, mas palalawigin po natin ang pagpunta o pagsuyod doon sa mga areas po na hindi pa masyado pa natin napupuntahan para mabigyan ng bakuna ang ating mga kababayan.

So, yes, this is a strategy of the government for us to be able to mop out all of those who are still not vaccinated or all of those who are still yet to receive their booster doses.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire. From Red Mendoza pa rin po ng Manila Times: Usec. Vergeire, sinabi po ng pangulo ng Philippine Medical Association na si Doc Benny Atienza at ni Doc Lulu Bravo na magkaroon ng dagdag na bakuna para mas marami pang mga bata ang mabakunahan laban sa COVID-19, ano raw po ang reaksiyon ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, agree naman po tayo ‘no na, unang-una, kailangan nating klaruhin iyong question ‘no – dagdag ba na bakuna as to the type of vaccine aside from Pfizer we have additional brands ‘no o dagdag ba na bakuna as to quantities.

So kung dadagdagan as to brands, tayo naman po ay bukas diyan at gusto rin natin iyan para mas may pinagpipilian po tayo sa pagbabakuna sa ating mga kabataan. Pero kailangan lang po natin alalahanin na kahit ano pang brand ang mayroon tayo basta po dumaan sa proseso ng pag-i-evaluate ng ating mga eksperto at ng Food and Drug Administration, we will guarantee our citizens and our parents na ito ay magiging ligtas at epektibo.

Ngayon, if it’s about quantity, naka-commit na po at nakapag-negotiate na ang ating gobyerno na mayroon na po tayong sufficient number of doses for our children five to eleven years old na darating po lahat ng supplies na ito ngayong taon na ito at maku-cover natin ang 15 million plus na five to eleven years old na mga bata sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire.

From MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Secretary Nograles, how is the President now? Does he plan to physically join the senatorial bets he has endorsed in the campaign?

CABSEC NOGRALES: Okay naman si Pangulo, busy with work. But with regard to physically joining mga senatorial candidates ay wala pong official entries in his official calendar to that effect.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: May napupusuan na bang suportahan ang Pangulo sa mga kandidato for president? Similar question po ni Tuesday Niu ng DZBB.

CABSEC NOGRALES: Well, balikan natin ‘no iyong sinabi ni Pangulo in his previous Talk to the People address and I quote, “At this time, I am saying that I am not supporting anybody unless there is a compelling reason really for me to change my mind and decide to support a candidate.” So, so far, ganoon pa rin po ang stand ni Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong: What’s the Palace’s stand on Comelec’s Operation Baklas? Critics have said that the move is unconstitutional since it violates the people’s right to free speech. Will the Palace appeal to the Comelec to halt its operations?

CABSEC NOGRALES: Gaya nang sinabi ko kanina ‘no, Comelec, we have to understand, is an independent constitutional body ‘no and we have to respect the independence of Comelec especially so dahil election period ngayon. So we respect the independence of Comelec as an independent constitutional body. Iyong mayroon pong mga grievances, mayroon po silang mga legal recourse that they can also explore but as far as we are concerned, we must respect the independence of Comelec.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod na tanong po—itanong ko po muna itong tinanong ni Marichu Villanueva ng Philippine Star: What’s keeping President Duterte from appointing and filing(?) the three Comelec commissioner vacancies?

Similar question po iyan ni Tuesday Nui. Ang sabi po ni Tuesday Niu: Wala pa po bang napipili o natatalaga si PRRD na bagong Comelec chairman at punuan ang binakanteng puwesto ng dalawa pang commissioners? Kailan po ito gagawin ng Pangulo dahil papalapit na ang eleksyon, maraming dapat habuling trabaho ang Comelec?

CABSEC NOGRALES: Yes, the President is still selecting from the list of candidates. May vetting process po iyan. But, of course, the President knows the importance and urgency also of appointing these very important officials.

Ganoon pa man, lalabas na rin iyan ‘no tulad nang paglabas ng appointment sa bagong chair ng COA. Ganoon din, hintayin natin iyong doon sa Comelec. Pero lalabas na rin iyan. May listahan na bini-vet, may vetting process na dinadaanan po iyan, and soon the President will make the appointment.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong pangalawa pong tanong ni Marichu Villanueva: What is the Palace’s guidance to IATF on mascots of May 9 presidential, vice-presidential candidate of UNITEAM taking center of one Resbakuna program?

CABSEC NOGRALES: Sa Resbakuna program, we’ll refer to that Usec. Vergeire for her reply. But again, when it comes to election-related activities po, it’s really Comelec that has jurisdiction over that. Iyong sa mascots, Usec. Rosette, are you aware of that occurrence?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec and Usec. Rocky ‘no, wala pa hong nakakarating sa aming report patungkol dito. Ang sa amin pong pagkakaalam, lahat naman po ng ating mga local government units ay tumutulong sa atin para mabigyan po ng ganitong klaseng kampaniya ang pagbabakuna para sa five to eleven years old.

I want to reiterate, everything is apolitical, ibig sabihin po, wala po tayong kinikilingan. Kung anuman po ang mayroon po tayo ngayong mga kampaniya o sorties na ginagawa during our vaccination days for our children, this is for us to encourage our children and for them to feel that they are comfortable and have a safe environment when they get vaccinated.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire.

Dagdag pa pong tanong ni Marichu: Secretary Nograles, Justol is the third appointee from the Office of the Executive Secretary Medialdea who was recently promoted to higher government post one after the other. Is this a reward or a case of dearth appointees?

Follow up po ni Pia Gutierrez: In 2010, President Duterte who was then Davao Mayor and other Davao executives including then Davao City Accountant Rizalina Justol faced plunder and malversation raps for allegedly misusing some 2.93 billion in public funds from 2003 to 2006. How does the Palace justify the appointment of Justol as COA Chair?

CABSEC NOGRALES: All appointed officials are appointed based on experience, credentials, achievements, accomplishments ‘no. And secondly, for positions like sa COA chair and for many high positions, apart from the appointment, ay dadaan pa rin naman ng proseso ng confirmation.

USEC. IGNACIO: Opo. From Cherry Light of SMNI News: May report po ang Society of Hong Kong Accredited Recruiters of the Philippine o SHARP na hindi bababa sa 4,000 Overseas Filipino Workers na patungo sa Hong Kong ang hindi nakaalis ng bansa dahil po sa Omicron surge. Ang iba daw po sa kanila ay dapat lilipad na pero inabutan na ng expiration ng kanilang mga visa. Ano po ang puwedeng maitulong ng pamahalaan para sa mga kababayan natin na stranded na lalo na at malaki rin ang nagastos nila para sa proseso ng mga dokumento papuntang Hong Kong?

CABSEC. NOGRALES: Yes. The situation was caused by the increase, in increased restrictions, sa paghihigpit ng Hong Kong sa mga arrivals ‘no at sa mga protocols po nila kaya nagkaroon ng ganitong sitwasyon. Ganoon pa man, ang Department of Labor and Employment, ang POEA at ang OWWA po ay nag-uusap at makipag-dialogue na rin po doon sa association of recruitment agencies o iyong SHARP (Association of Hong Kong-Accredited Recruiters of the Philippines) para pag-usapan kung ano iyong puwedeng gawin doon sa sitwasyon natin na kinakaharap ngayon patungkol doon sa ating mga naapektuhan na mga OFWs. Many of those OFWs, I believed, are newly hired ‘no. So, that’s something that is being closely looked at now by DOLE, OWWA and POEA.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong kaugnay daw po niyan: May travel restriction pa rin ba ang Pilipinas sa mga galing Hong Kong?

CABSEC. NOGRALES: Well, based on IATF Resolution 159, that was already previously issued and resolutions after that, basta fully vaccinated nationals coming from visa-free countries as found under Executive Order number 408 series of 1960, ay papayagang pumasok ng bansang Pilipinas subject to the conditions set forth. At kasama sa EO 408 iyong holders of Hong Kong Special Administrative Passports or Hong Kong SAR passports.

USEC. IGNACIO: Opo. From Lei Alviz ng GMA News, for Usec. Vergeire: Ano ang argumento daw po na iprinisinta ng DOH kung bakit dapat i-dismiss ang petition laban sa pagbabakuna ng mga five to eleven (5-11) years old?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Unang-una, I cannot discuss the details of the case here dahil ito po ay nasa proseso and we are not allowed to do that.

Ang gusto ko lang ibahagi sa ating mga kababayan, unang-una, tayo po ay nagbibigay ng mga bakunang dumaan sa masusing proseso ng ating mga eksperto and we will guarantee that this is safe at epektibo.

Base po sa datos not just here in the country but all over the world, ito pong mga adverse reactions sa ating mga bakuna ay napakaliit or very rare po ang mga insidente na ito. Sa kasalukuyan po, among five to eleven (5-11) na nabakunahan, walo lang po ang nagkakaroon ng reaksiyon and all of these are non-serious.

Pangatlo po, gusto lang ho namin ipaalala sa ating mga kababayan at sa ating mga magulang, lahat po ng mga pagbabakuna ay voluntary. Boluntaryo po ito, hihingan po kayo ng informed consent, wala po tayong sapilitan, although of course we encouraged our mothers to give our children the vaccines dahil alam po natin that during this latest situation with Omicron, mataas na po ang bilang ng mga kabataang nagkakasakit at naa-admit sa ospital.

Ito po ay bilang maproteksiyunan din po natin ang ating mga kabataan na maaaring magkasakit ng COVID-19 at maaari ring makapanghawa ng mga vulnerable po nating kasama sa bahay.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire.

For Secretary Karlo, from Llanesca Panti ng GMA News Online: Pa-confirm po kung iyong DOH through OSG (Office of the Solicitor General) indeed asked a Quezon City court to junk petition versus COVID vaccination on children?

CABSEC. NOGRALES: Yes. As I know it, OSG naman po ang abogado ng mga ahensiya ng gobyerno. So, iyong OSG po in this case represented the Department of Health in cases filed by some petitioners against iyong pediatric vaccination. I believed iyong hinihingi na action is certiorari, prohibition and injunction, tapos nag-apply pa ng TRO.

Ngayon, iyong isa sa mga kinu-question nila iyong guideline diumano ng DOH regarding parental authority na iyong estado daw as parens patriae can override the decisions of parents who refused to have their kids vaccinated, pero iyan po ay na-amend, amended na po kagaya ng sinabi ni Usec. Rosette at sinabi na rin ng DOH at sinabi rin ni Sec. Duque that it has been already amended and isa ito sa mga manifested during the hearings.

As we know it, hindi po na-grant iyong TRO, the TRO was denied. So, iyon po iyong latest update doon sa kaso na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Lei Alviz: Usec. Vergeire, ano po ang mga hakbang para umabot ang Pfizer pediatric vaccines sa malalayong lugar na walang resources para sa angkop na storage.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Lei ‘no. Nagagawa naman natin iyan even with the adult vaccines. Kung matatandaan ninyo, iyon pong mga Pfizer na adult vaccines nakarating na po sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa kahit wala talaga silang enough capacity to store dahil po nagkaroon na po ng bagong amendment o nagkaroon ng amendment ang Pfizer in the past sa kanilang EUA kung saan puwede na nating i-store sa two to eight degree centigrade iyong kanila pong bakuna ‘no.

So, mayroon lang adequate preparations na ginagawa, nag-training po ang ating mga logistics managers natin pati po iyong mga bakunador natin, nag-train tayo, kaya po nakakarating na po sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. So, ganoon din po ang gagawin natin for these reformulated vaccines.

So, for now, wala po tayong nakikitang magiging challenge for us to be able to send or to distribute these reformulated vaccines for our children to the different areas of the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire. Tanong pa rin po ni Lei Alviz: Ilan daw po iyong nagpa-booster na? Mababa pa rin po ba ang uptake sa booster shots? Ano po ang mga challenges dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes ‘no. So, sa ngayon, Lei, ang ating nagpa-booster shot na is almost about ten million, mga 9.4 million ang naka-receive na ng kanilang booster doses. Marami tayong nakikitang mga challenges regarding the uptake of our booster shots ‘no.

So, unang-una, marami sa ating mga kababayan, I think this is already misinformation ano dahil nagkasakit sila during that time of Omicron. Akala nila iyong natural immunity nila plus iyong primary series nila is already enough. So, gusto nating ho paalalahanan ang ating mga kababayan, hindi po tayo certain as to when our natural immunity will last. Iyong iba po, iyong natural immunity will only last for one month, iyong iba, it will take months.

So, para po tayo ay mas sigurado at ipinapakita naman talaga ng atin pong mga ebidensiya that we will be protected more if we have booster shots katulad po ng naiprisinta natin kanina, magpa-booster na po tayo para po tayo ay tuluy-tuloy na maproteksiyunan laban sa severe form of the disease of COVID-19 and dying from this disease.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. From Ivan Mayrina ng GMA News: Secretary Karlo, reaksiyon daw po ng Palace to presidential candidate Jose Montemayor who filed before the Supreme Court a petition for certiorari, a mandamus and prohibition and the issuance of a TRO against the IATF, with you as one of the respondents in implementing IATF Resolution 148-B requiring onsite workers to be fully vaccinated?

CABSEC NOGRALES: Wala pong nakalagay doon sa 148-B na requiring full vaccination. In fact, the wording is eligible employees who remain to be unvaccinated may not be terminated solely by reason thereof. Napakaliwanag po niyan.

Kaniya nga po kamakailan lamang mayroon pong Manila RTC, Regional Trial Court sa Manila po ang nag-dismiss ng similar petition dahil nga po walang basis iyong petition. So hopefully ganoon din ang mangyayari doon sa mga pinayl [filed] na kaso against the IATF. Again, wala pong nakalagay doon sa resolution na mandatory na mag-fully vaccinated ang isang empleyado. In fact, very clear sa wording na you cannot be terminated by basis thereof.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Ivan Mayrina: Palace reaction, there are calls daw po to suspend excise tax and reduce of VAT on oil products amid skyrocketing prices. What does the Palace say to this and are there plans in short-term to provide daw po immediate relief to those affected by very high fuel prices?

CABSEC NOGRALES: Yes. Balikan natin iyong General Appropriations Law ‘no ng 2022, iyong GAA or iyong Budget Law ng 2022, may nakalagay po diyan na fuel subsidy program under the DOTr, again P2.5-B po to qualified public utility vehicle, taxi, tricycle and fulltime ride- hailing, delivery service drivers nationwide as validated and identified by the LTFRB. Kapag ‘yung Dubai crude oil price based on MOPS for three months reaches or exceeds US$80 per barrel.

Ganoon din, mayroon ding nakalaan na P500-M na fuel discount to farmers and fisherfolk. These are the farmer or fisherfolk beneficiary who owns or operates agricultural and fishery machinery individually or through an organization cooperative or association. Kapag fisherfolk po, dapat iyong fishing vessels duly registered in the Integrated Boat Registry System ng BFAR-BOATR at kung farm machinery naman po ay may proof of ownership.

So these are all in the General Appropriations Law or GAA of 2022 ang Budget Law po natin for 2022.

With regard to mga iyong tax ‘no that is something that can be discussed also by Congress. Primarily kasi pagdating sa taxes, Congress plays a big part doon sa any amendments especially to the tax laws natin na umiiral dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. From Rafael Busano ng ABS CBN News: Usec. Vergeire, kumusta daw po ang contact tracing efforts natin? Should the country move to Alert Level 1? Maipagpapatuloy pa rin po ba ang contact tracing ganoong wala nang restrictions on capacity or will the DOH adopt the updated contact tracing and quarantine guidelines released by the WHO where specific populations will be prioritized for tracing and quarantine?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes ‘no so Usec. Rocky and Raffy definitely, unang-una contact tracing is still part of our interventions and strategies. Noong huli po tayong nagkaroon nitong Omicron situation, the very reason why we said contact tracing is not a priority because we were having widespread community transmission already in all of our areas. So we said na ito pong contact tracing hindi po siya masyadong ganoon kaimportante for us to focus on during that time. But definitely when we deescalate to Alert Level 1 contact tracing will be very important so that we can do surveillance, we can still see kung anong clusters po or mga population or sectors ang nagkakaroon pa rin ng impeksiyon para agad-agad po nating mapuputol ang transmission ng impeksiyon sa komunidad at hindi na patuloy pang tumaas.

As with the WHOs recommendations on focusing on specific vulnerable groups in terms of contact tracing and also isolation and quarantine, we agreed to that and definitely that is our direction. Pero sa ngayong magta-transition tayo sa tingin natin we will still do the contact tracing and isolation and quarantine among the general population and eventually shift to focusing just on the vulnerable population.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong: Ano po ang posibleng maging challenges sa pagpapatupad ng PDITR strategies kapag nag-shift na sa Alert Level 1 lalo’t nabanggit ng DOH na sa ganitong alert level ay more on self-regulation na ang iiral?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, Raffy, ang unang-una natin talagang titingnan sa PDITR na ipapatupad natin kapag nag-Alert Level 1 tayo dahil wala nang restrictions, siyempre nandiyan iyong physical distancing ‘no. Napakalaking pag-uusap niyan dahil alam natin sa iba’t ibang sektor maaaring imposible na nating maipatupad iyan. Katulad sa public transportation, mahirap ipatupad ang physical distancing sa Alert Level 1 sa mga uri ng sektor na ganito.

So ang pinakaimportante sa atin would be self-regulation hindi lang sa po sa komunidad at indibidwal kung hindi pati na rin sa establishments, doon po sa iba’t ibang sektor dapat magtulung-tulong at makapag-self-regulate, ma-offset dapat noong hindi dapat ipatupad dun po sa ibang safety protocols na maaari namang ipatupad katulad ng hindi puwedeng mag-physical distance, so dapat mataas ang bakunahan, dapat lahat naka-mask, dapat lahat naghuhugas ng kamay at dapat maayos ang surveillance system para agad-agad nakakatukoy tayo kung sino ang may sakit at dapat ihiwalay sa komunidad.

So ito po ang sa tingin natin na would be the challenges but what would be the most important thing would be enforcement and monitoring. Kailangan namo-monitor natin nang maayos, naipapatupad natin nang maayos at nai-enforce ang mga safety protocols and there should be adequate surveillance.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong susunod pong tan0ng mula kay Jeck Batallones para kay Usec. Vergeire pero nasagot na po ni Usec. Vergeire at saka ni Secretary Nograles about DBM, about One COVID allowance.

Usec. Vergeire may pahabol lang po si Catherine Gonzales ng Inquirer: Is it true that the DOH health facilities and services regulatory bureau ask a hospital in NCR to explain why it allegedly detain a 10-month-old baby after his parents failed to pay P1-B balance in hospital bills? Saang hospital daw po ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, that is part of the mandate of the Department of Health as part of our regulatory mandates. Mayroon ho tayong batas iyong Anti-Hospital Detention Law kung saan wala pong ospital ang may karapatan na mag-detain ng kahit na sinumang individual na hindi makakabayad nang buo sa kanilang hospital bill. So kailangan po ang atin pong mga ospital magkaroon po ng pakikipag-usap sa mga pasyente kung paano mababayaran maybe through promissory notes and the other mechanisms. Pero bawal po na dini-detain natin ang ating mga pasyente.

So ito po talaga ay nangyari, sumulat po ang ating DOH, nakipag-usap at nakipagtulungan with the family para lang po mai-discharge ang pasyente but the family now has to commit na babayaran po nila eventually through tranches o kung paano ang pag-uusap with the hospital ang kanila pong naiwan naman na hospital bill at hindi po totoo na isang bilyon ang bill po ng ating pamilya na atin pong tinulungan ay P1.1-M.

USEC. IGNACIO: Opo. For CabSec may pahabol lang tanong si Llanesca Panti ng GMA News: Update po sana if there is planned repatriation of Filipinos in Ukraine given that US gave warning that there could be escalation of conflict and kung bukas din daw po ang Palasyo na i-review ang TRAIN Law dahil sa sunud-sunod na oil price hike?

CABSEC NOGRALES: Iyong sa first question, we will refer that to DFA for DFA to make its official statement on that regard. Iyong sa TRAIN Law, again any tax laws, any amendments will have to pass through Congress.

USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na, Secretary Karlo, may pahabol lang si Marichu Villanueva ng Philippine Star. Dalawa na lang po itong tanong.

CABSEC NOGRALES: Sige po.

USEC. IGNACIO: At ang una niyang tanong: Please ask Secretary Nograles to give details of Manila RTC that dismisses petition vs Vaxx.

CABSEC NOGRALES: Yes. It came out in the newspapers, ano. So iyong detalye po niyan is there was a petitioner who went to the RTC questioning the same provision sa IATF Resolution at iyon po iyong detalye diyan.

USEC. IGNACIO: Iyong susunod pong tanong ni Marichu Villanueva ng Philippine Star: WHO daw po expert says falling COVID cases due to low COVID testing. Is this the case in the Philippines?

CABSEC NOGRALES: Hindi po. Makikita naman sa positivity rate natin na bumababa iyong positivity rate. Totoo nga po na bumababa rin po iyong tests natin ‘no, as we see the numbers dropping in terms of active cases, new cases bumababa rin po iyong nagpapa-test but ang isang indicator na titingnan mo diyan ay iyong positivity rate. But because the positivity rate is also going down, ibig sabihin din po na talagang iyong trajectory for all cases is going down.

So that really means that we are on a downward trend because again of iyong vaccination efforts natin nara-ramp up natin and then of course iyong minimum public health standards na nandiyan pa rin, iyong disiplina ng ating mga kababayan still following the minimum public health standards. So iyon dapat hindi mawawala, iyong pag-comply sa minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Karlo, Secretary Lopez, Usec Vergeire. Thank you MPC.

CABSEC NOGRALES: Maraming-maraming salamat, Usec. Rocky at of course maraming-maraming salamat congratulations din po kay Sec. Mon Lopez at sa buong puwersa ng Department of Trade and Industry. And thank you rin po sa DOH, thank you to Usec. Rosette Vergeire at sa ating mga kababayan.

Madalas natin marinig na magbubukas na ang Pilipinas. Marami sa ating mga eksperto at opisyal ang optimistic sa kanilang mga pananaw hinggil dito. Ganoon pa man, mangyari man ang mga inaasahan, ang inyong pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay hindi magsasawa sa pagbibigay sa inyo ng paalala hinggil sa ibayong pag-iingat, lalo na sa 3Cs, ito yung closed areas, crowded settings at close contact. Hindi pa po nawawala ang COVID-19 virus, mahigit dalawanlibo pa rin ang nahahawa araw-araw base sa huling tala ng DOH. Tuloy pa rin po ang ating pagtugon.

Sa gitna ng mga numero at impormasyon, nais po naming mangibabaw ang malinaw na sinasabi ng datos at siyensya: Isa sa pinakamabisa nating naging panangga sa impeksiyon ay ang pagbabakuna. Ito ang susi kaya napigilan natin ang pinakahuling pananalasa ng virus na ito. Ligtas, epektibo, libre sa bawat Pilipino!

Sa mga nabakunahan na, kailangan po ninyo ng booster shots para sa karagdagang proteksiyon. Huwag sana nating palampasin ang pagkakataong ito dahil iisa ang ating gustong mangyari: Ang magbalik normal ang buhay nating lahat.

Ang bakuna ay panlaban, hindi kalaban. Sa pagbabakuna, hindi lang po kayo ang makikinabang, kung hindi ang buong bayan. Maraming salamat po and God bless.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center

 

Resource