PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw.
Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas. Panoorin po natin ito:
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Good news din po mula sa PhilHealth. Alinsunod sa bilin ni Pangulong Marcos Jr., inalis na ng PhilHealth ang 45-day benefit limit para matiyak na ang mga serbisyo ng ahensiya ay mananatiling walang hadlang. Ayon sa pamunuan ng PhilHealth, maraming mga serbisyo ang kinakailangan ng higit 45 days na coverage gaya nga lamang ng hemodialysis.
Isa pa pong good news: Kanina’y nagkaroon na ng signing ang PCO kasama ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center’s Scam Watch para labanan ang fake news. Kasama sa mga napagkasunduan ang recognition and communication of Hotline 1326 as the national anti-scam hotline promotion of the eGov app’s eReport function for scam reporting. Collaboration with CICC’s Scam Watch Pilipinas for anti-scam and deepfake education campaigns and supplying news and encouraging agency contributions to the eGov app. Sa ganitong paraan ay matutulungan ang mga Pilipino na maiwasang ma-scam at malabanan ang paglipana ng fake news.
At para sagutin ang inyong mga katanungan tungkol sa partnership ng PCO at CICC, kasama natin si CICC Undersecretary Alex Ramos. Sir, good morning.
CICC USEC. RAMOS: Good morning. Nitong umaga ay nagkaroon ng kasunduan ang PCO at CICC upang magkaroon ng mas malakas na kampanya para labanan ang mga deepfake, mga disinformation na na-experience natin ngayon.
So, part ng aming effort, ito ay isang pag-establish ng multisectoral campaign to empower the public and various schools, institutions, stakeholders to decisively combat proliferation of deepfakes and disinformation.
There are certain pillars that you have to understand ‘no. Mayroon tayong pag-create ng National Deepfake Task Force sa pangunguna ng Presidential Communications Office, ito ho ay susuportahan ng CICC, DICT, NBI and other government offices na tutulong sa pagsugpo nitong mga disinformation drive not only against the government but against the individuals here in the country.
So, we’re supposed to have a… promote industry standards, encourage and develop and deduction of industry standards for content creation and distribution including establishment of guidelines for transparency and labeling of manipulated media. Masyadong bastardized na ang ating social media and we have to address it – and this is one of the concrete actions we’re taking.
We would also want to have the support of the civil society initiatives by empowering civil society organizations working on media literacy, fact-checking and combating disinformation. Last month, we tested our tool that will be distributed to the stakeholders. Ito ho ay isang tool na within 30 seconds puwede ninyo na ma-identify ang deepfake content. So, ito ho ay idi-distribute natin ‘no through an accreditation process. Hindi na ho natin isi-centralize ang pag-decide whether it’s deepfake or not, we would like to have a community standard for this, independent fact-checking na ibibigay natin sa civil society, okay.
Lahat ho ito ay ginagawa natin para proteksiyunan ang integridad, ang kalidad ng ating nalalapit na eleksiyon. Let the true will of the people prevail. Iyan po ang ating gustong ma-establish for this memorandum of agreement. Thank you.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, sir. Sir, when do we plan to provide this tool po at libre po ba ito? Thank you.
CICC USEC. RAMOS: Unang-una, ito po ay libre, okay. Right now, we are in the accreditation process. Nakipagkasundo na kami sa Comelec kasi ang unang tatamaan nito ay iyong eleksiyon natin. So, we have established certain dates for training on how to use it so all regions will have the capability.
On top of this, mayroon kaming accreditation process for institutions like iyong mga stakeholders dito sa eleksiyon ‘no – PPCRV, NAMFREL, universities para magkaroon din sila ng capacity.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Sir, follow up po. Sir, can you paint us a picture kung paano po siya magagamit? Ipi-picture po ba? Ika-copy iyong text tapos ilalagay doon?
CICC USEC. RAMOS: Well, it is a tool that is—naka-install siya sa laptops, sa computer ‘no. So, when there is a community gathering at may nai-report na mukhang kaduda-duda ang content, ito ho ay kanilang isasalang sa tool na ito ‘no – within 30 seconds, it will be determined if it’s a deepfake.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, sir. Ano naman po iyong safeguard nito kasi baka po maging argument ng publiko paano sasalain kung talagang fake news or disinformation iyong pinu-post kasi baka makuwestiyon naman po iyong freedom of expression?
CICC USEC. RAMOS: That is why right now, iyong trend kasi ang tao nagri-report. Ito ba ay deepfake o hindi, aantayin ninyo ang government to respond. Let’s shortcut the process, ibigay natin ang kapasidad mag-discern ang publiko through their communities. Tandaan ninyo maraming channels iyan where we post the content, hindi ho iyan kaya i-monitor ng government. I-decentralize natin – so bago lumaki ang apoy, bago ma-absorb ng ibang tao, maaga pa puwede nang makita kung deepfake o hindi.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Sir, itong tool na dini-describe ninyo is it a form of app, website na puwedeng puntahan ng public to—?
CICC USEC. RAMOS: It’s an application that we are giving out to accredited partners. Ano ho ito, wala ho tayong pinipili that’s why our target are independent fact-checkers; hindi ho gobyerno ang magsasabi, iyong community mismo magsasabi, “This is a deepfake.”
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, will there also be assistance to individuals who have been victimized by these scams like iyong mga deepfake?
CICC USEC. RAMOS: Oh, yes. For two years, we’ve been studying certain solutions ‘no how to address this. Very common ito sa mga influencers, sa mga people with status already wherein their videos, pictures, even their voice are being used for commercial purposes. That’s why we finally found a solution that would assist us in determining this.
Of course, the question is: What do you do after detecting it? Sa election, wala tayong problema because Comelec en banc passed a resolution on how to remove these things. Doon sa commercial, of course, that’s a criminal act already, I think we can go directly to the Department of Trade or the NTC for its immediate removal.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, ano iyong hotline number natin?
CICC USEC. RAMOS: We have 1326. You can also use the eGovApp, mayroon tayong eReport where you can send the link. Don’t send the content; send the link and then a short narrative that would allow us to look at it.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sir, mayroon po ba kayong data kung ilan na po iyong mga scams or cases ng Deepfake na dumulog po sa CICC?
CICC USEC. RAMOS: Well, as far as the last few weeks ‘no, we received at least a hundred, two hundred reports na mga links na dini-decipher pa namin kung live pa ba iyong links na iyon o hindi because sometimes tinatanggal nila agad ‘no ng platform if they detect it. But those that dumadating sa amin, we have around 200 reports.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sa 200 reports, sir, mayroon na po ba tayong resolution rate or kung may mga napapanagot na po kaya tayo doon?
CICC USEC. RAMOS: We are not the ones regulating it. It is passed on to the regulators – DTI, Comelec – but we provide the science to this campaign.
TUESDAY NIU/DZBB: Hi, sir. Clarification lang po: Sabi ninyo po kanina, ito ay isang tool in a form of application na ibibigay sa accredited partners, tama po?
CICC USEC. RAMOS: Tama po iyon.
TUESDAY NIU/DZBB: Hindi po ba ito open for everybody, for public, para ma-access nila?
CICC USEC. RAMOS: Well, right now, pinag-aaralan namin iyong—kasi it’s a form of AI ‘no. So, it was developed by a foreign supplier. We have to study this carefully, mayroon kaming R&D to see if we can duplicate it if we have the capability of developing our own local tool. So far ngayon, bibilhin natin muna!
TUESDAY NIU/DZBB: Okay. Iyong sa mga stakeholders and accredited partners, kailangan muna nila pong magpa-accredit kanino o saang agency?
CICC USEC. RAMOS: We have our accrediting system ‘no sa CICC. We also have an accrediting system with Comelec to allow us to really filter out na gagamitin nila for the good of the public.
TUESDAY NIU/DZBB: Iyon nga po, kasi iyon iyong delikado doon. Baka magamit din sa iba, ano po, kaya hindi pa siya puwedeng ibigay.
CICC USEC. RAMOS: Actually, wala tayong problema kasi it’s supposed to be to determine kung Deepfake o hindi eh. So, there’s no misuse ‘di ba. Kasi the results you can use to determine, na magkaroon ng discernment kung paniniwalaan ba or hindi ang content.
TUESDAY NIU/DZBB: All right. Thank you, sir.
PCO ASEC. DE VERA: Last question for Usec. Ramos – Ace Romero, Philippine Star.
ACE ROMERO/PHILSTAR: Usec., you mentioned the need to ensure the integrity of the upcoming elections. So, is there an assurance that the efforts to combat disinformation, fraud, etc., will be non-partisan?
CICC USEC. RAMOS: Definitely, it’s non-partisan kaya nga independent iyong word natin ‘no. We give it out to the community and let them have an independent fact checking on this. This is not the government dictating to them what will be the results ‘di ba.
ACE ROMERO/PHILSTAR: So, there is an assurance that we will not … those efforts to fight disinformation, fake news will not side with any candidate, with any ideology, with any party?
CICC USEC. RAMOS: Definitely, it will be localized. It will not be a national issue. It’s a local discernment tool to help the public to really have a proper discernment.
ACE ROMERO/PHILSTAR: Thank you po.
PCO ASEC. DE VERA: One more question from Sam Medenilla, BusinessMirror.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Sir, magkano po iyong ginastos ng government to procure iyong program at saka sino po ang supplier nitong app?
CICC USEC. RAMOS: We acquired this during a recent exhibition in Singapore. There were four tools that were evaluated, and there’s a company called Ensign [Info Security] in Singapore which has a proactive development of this tool. Mataas ang rating niya, iyong ang in-adopt namin. We currently have 500 licenses, and we want to increase it so that there will be more communities that can avail of this.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Magkano po iyong budget?
CICC USEC. RAMOS: Right now, we have a budget of two million pesos for this, and we wish to increase this further. Million pesos, million lang. Ano siya, affordable pa, that’s another thing ‘no, affordable in a sense that regionalized software ito.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Tapos, sir, na-mention ninyo na rin iyong parang this is a form of artificial intelligence. Noong last month, may nabanggit si Pangulo during his meeting with PSAC (Private Sector Advisory Council) regarding development of government policy when it comes to use of artificial intelligence. Mayroon na po bang ganoong policy ngayon or proposed na policy iyong DICT for that or iyong CICC?
CICC USEC. RAMOS: As far as CICC is concerned, we use artificial intelligence heavily because when we deal with cybercrimes, it’s so advance ‘no, mabilis, because the use of artificial intelligence, talagang lumalakas sila. So, the acquisition of such tools, we are in practice of that.
As far as DICT is concerned, yes, there’s research; marami nang talks and studies that are being undertaken by DICT. DOST is in the forefront of this. I think they have established a unit for this purpose.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Pero wala pa pong target date kung kailan expected lumabas iyong parang encompassing na government policy for AI?
CICC USEC. RAMOS: Wala pa eh. But I think in February, we had a conference on AI; may technical working group working fast on this.
PCO ASEC. DE VERA: Thank you very much, Usec. Ramos. Usec. Claire?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Thank you very much, Usec. Ramos. Maaari na po akong tumanggap ng mga katanungan mula sa inyo.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Sabi po ni Senator Bato dela Rosa, kinukonsidera niya na magtago imbes na sumuko sakaling maglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban sa kaniya, ano po ang masasabi ng Malakanyang dito?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Nakakapagtaka lamang po na siya ay dati pang PNP Chief, iyan po ba ang gusto niya ring ipahiwatig sa taumbayan na kapag may warrant of arrest ay dapat magtago. Hindi po talaga tayo magtataka kung bakit natagalang sumuko or nahuli ang dating si Pastor Quiboloy.
Well, anyway, sabi po natin, hindi po natin sana—hindi po natin sinasang-ayunan ang ganoong klase pong paniniwala at kaniyang nais gawin. Hindi po ito makakabuti sa mga kababayan natin na mismong lider natin ay hindi haharapin ang anumang kaso o complaint na naisampa o maisasampa laban sa kaniya. At hindi po ba sabi natin, parang siya nga yata ang medyo umiwan kay dating Pangulong Duterte considering na hindi siya pumunta sa Hong Kong kasama sana nila. Hindi po ba dapat ang kaibigan ay walang iwanan?
LETH NARCISO/DZRH: Ma’am, kung sakali pong gawin niya nga iyon na may warrant of arrest na at magpatulong ang Interpol, hahanapin po siya ng PNP?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kailangan po. Ganoon pa rin po ang ating gagawin – makikipag-coordinate pa rin po tayo sa Interpol at maaari pa rin po nating gamitin ang sinasabi sa batas, sa RA 9851.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Good morning po, Usec. Nag-start na po iyong hearing ni Senator Imee Marcos regarding the arrest of former President Duterte. And in her opening speech, she said, “Ganito na ba ang nangyayari ngayon, isinuko natin si Rodrigo Duterte sa dayuhan na parang wala siyang sariling bayan?” And she also said, “Since when the Philippines became a province of The Hague. Kung kayang gawin sa dating Pangulo, sino na lang ang susunod?” Does Malacañang want to respond?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay. Napanood po natin iyong umpisa, including po iyong video – iyong video na may sound effects pa na para talagang mala-drama ang dating. At nais lang po—sana iyong gumawa po sana ng video ay hindi po na-cut o na-splice, napakita rin po sana kung papaano na-harass ang kapulisan habang isinasagawa po ang pag-aaresto, iyong pagsi-serve ng warrant of arrest kay dating Pangulong Duterte. Sa ating palagay naging hindi kumpleto iyong paglalahad lalung-lalo na sa video.
Okay, sabi niya bakit natin isinuko ang dating pangulo sa isang dayuhan. Ito naman po ay nasa batas RA 9851, hindi po natin nilalabag ang anumang batas. Kung mayroon pong dapat na managot katulad noong sinabi natin hindi po dapat lamang na panagutin. Ang ginamit po na batas, ang RA 9851, nandoon po na sinasabi na maaari nating isuko – uulitin po natin ito ha – doon sa Section 70 sinasabi po na to extradite or to surrender to the International Court, if any, or to the state in relation with applicable extradition treaties something like that.
Maliwanag po kahit po si Justice Carpio ay ipinaliwanag po ito na maaari po nating i-surrender ang sinuman sa international court, ibig sabihin, hindi po tayo kailangan na mayroong treaty or extradition treaty na pag-uusapan, basta ang inilagay po lamang doon ay ‘to surrender to the international court,’ at iyon lamang po ang tinutupad natin.
Kasi iyong mga iba nagtatanong bakit daw binasa iyong pinakadulo, pero mapapansin ninyo po doon sa batas na iyon may nakalagay po “Or to the state in application or applying the extradition treaty,” ibig sabihin, kapag sa state lang natin isusuko ay saka natin gagamitin iyong extradition treaties; pero kapag to the international court, may comma, eh so walang kondisyon doon. So, we have to stick kung anong sinasabi ng batas.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: But what about po iyong sinabi naman ni Senator Imee rin na, “Since when did we become a province of The Hague?” Gusto po bang magbigay ng reaksiyon ng Malacañang dito?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po natin ninais na maging probinsiya ng kahit anuman dahil po tayo ay isang independent country. Hindi po natin ninais na maging probinsiya din po ng Fujian, China. Never nating inisip iyan na maging probinsiya tayo ng anumang bansa. Nagpapatupad lamang po tayo ng batas at kung iyon po ang sinasabi po ni Senator Imee, siguro iyon lamang po ang paniniwala natin dahil kahit po sa panahon ngayon ni Pangulong Marcos ay hindi natin sinusuko ang anumang karapatan natin sa West Philippine Sea. Siguro doon lamang po makikita natin na hindi po natin ibibigay ang anumang karapatan natin kahit kaninuman.
MARICEL HALILI/TV 5: Just a quick follow up. I wonder if you have talked to the President about the hearing. How does he feel that his sister leads the hearing about the legality of the arrest of former president?
PCO USEC. CASTRO: Napag-usapan po iyan at kung anuman daw po ang gagawing paghi-hearing sa Senado hindi naman po natin ito tututulan dahil para ipakita sa taumbayan na tayo po ay sumusunod lamang sa batas.
Kapag po kasi nagtatago, ayaw makipag-usap, lahat ng mga officers niya ay sasabihing walang alam ay mas lalo tayong magpapakita na may itinatago tayo. So, iyong mga dating nagagawa noong panahon na hindi pinapapunta ang mga Cabinet members kapag pinapatawag sa Senado – hindi po iyan gagawin ng Pangulo. Para lamang po tayo sa katotohanan at maipakita kung ano ba ang ginawa natin nang naaayon sa batas.
MARICEL HALILI/TV 5: But isn’t this in a way awkward or slap on the administration considering that, well, Senator Imee is also an admin candidate?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po ito sampal sa pamahalaan, baka po it’s the other way around.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning, Usec. Ma’am, latest data from COMELEC shows an improvement in the election security sa bansa – bumaba po iyong bilang ng mga areas sa Pilipinas na nahaharap sa election-related threats. What does this say about the government’s efforts po when it comes sa peace and security specially with the upcoming elections?
PCO USEC. CASTRO: Tayo po ay…iyan din po ang ninanais ng administrasyon, ang makipagtulungan tayo sa lahat ng ahensiya para po magkaroon po tayo especially sa eleksiyon at maging credible po ang mangyayaring eleksiyon sa susunod na May 2025.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: By next week, ma’am, magsisimula na rin po iyong campaign for the local posts, maybe you have a call to the local candidates?
PCO USEC. CASTRO: Ano po? Sorry, hindi ko po nadinig iyong dulo?
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: By next week po magsisimula na rin po iyong campaign for the local posts, maybe what’s the Malacañang call po for the local candidates?
PCO USEC. CASTRO: Ang nais lamang po natin ay maging mahinahon sa kanilang pangangampanya, maging maayos, maging makatotohanang sa kanilang mga sasabihin. Huwag po sana silang magsagawa ng anumang pananalita na magki-create pa ng kaguluhan.
MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Good morning po, ma’am. Can you state po the reason why the President vetoed the bill declaring Pampanga as culinary capital of the Philippines?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Maganda po kasi po iyong bill pero magki-create po kasi ito ng discrimination. Ang atin pong bawat rehiyon po ay may kaniya-kaniyang kultura, may kaniya-kaniyang kagalingan. Kung lalabas po na may pipiliin po na isa lamang na rehiyon na parang siya po iyong pinakamasarap, or pinakamagaling, pinakamaganda, baka po maisip ng ibang tao especially iyong mga dayuhan na nais pumunta sa Pilipinas isiping iisa lang na rehiyon ang maaari nilang puntahan at sasabihing pinakamaganda at pinakamasarap na pagkain na local foods.
So, ninais po natin na kasi lahat po ng rehiyon ay may kaniya-kaniya, may uniqueness na tinatawag. So, kaya po ito vinito [veto]. Hindi naman para po hindi paniwalaan na masarap o maganda ang kultura ng Pampanga pero para po kilalanin ang buong rehiyon, ang bawat rehiyon sa kanilang kagalingan.
MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: So, if ever, ma’am, na may ibang region na magpapasa po ng parehong bill ganoon din ho ang gagawin ng ating Presidente?
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo, kasi po lahat nga po iyan ay…lahat po tayo sa bawat rehiyon po ay may kaniya-kaniya pong kagalingan.
MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Thank you po.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, ma’am. May update na po kung nakausap na po ni Pangulo si SolGen Menardo Guevarra at ano po iyong kaniyang naging reaksiyon doon sa pag-recuse ni SolGen sa Supreme Court?
PCO USEC. CASTRO: Opo, nagkausap po sila at nakausap ko rin po ang Pangulo patungkol diyan at sinasabi niya po na hindi naman nawawala ang kaniyang tiwala kay SolGen Menardo Guevarra.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Thank you po.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Reaction lang po from the Palace regarding sa recent survey na nagsasabi po na 51 percent ng mga Pinoy pabor po na panagutin si ex-PRRD sa pagpatay po na may kaugnayan sa war on drugs.
PCO USEC. CASTRO: Masaya rin po tayo na majority po ng taumbayan ay naniniwala sa naging aksiyon po ng pamahalaan patungkol po isyu na iyan. May mga nakita po rin tayo na iyong iba ay undecided, iyong iba ay hindi well-informed of the situation. So, sa ngayon po ay lalo po nating paiigtingin ang ating pagtatrabaho para po masawata ang fake news dahil malamang po iyong po iba na hindi pa po naniniwala sa ginawa ng pamahalaan ay dahil naniniwala sila doon sa fake news na kumakalat.
So, masaya po tayo na suportado po ng taumbayan ang ginawa ng pamahalaan.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Ma’am, on the other topic, reaction lang din from the Palace kahapon kasi naglabas ng statement si House Secretary General Reginald Velasco na may mga seasoned private lawyers po, mga volunteer lawyers po ang tutulong sa House prosecution panel para sa impeachment trial ni Vice President Sara.
PCO USEC. CASTRO: Actually, sabi po natin wala po tayong responsibilidad kung ano po ang mangyayari sa hearing, sa impeachment trial. So, kung iyon po ang mga ninanais ng mga seasoned lawyer at sila po ay naniniwala na mayroon po talagang grounds para po ma-convict ang ating Bise Presidente nasa kanila na po iyon, sila na po ang kailangan na magpatunay niyan.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Usec., good morning. Please elaborate on your statement that the President still trusts the SolGen despite his decision to recuse from the habeas corpus cases in relation to the arrest of the former president. Why does the President still trust the SolGen?
PCO USEC. CASTRO: Noong tinanong ko po siya kung magri-resign po si SolGen, ang sabi niya, “Hindi ko hinihingi ang pagri-resign niya.” So, iyon lang po ang sinabi niya. So, nandoon pa rin po iyong trust niya kay SolGen Menardo Guevarra.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Do we have any idea what were the considerations of the President in saying that, given that some sectors are criticizing the top government lawyer for his decision?
PCO USEC. CASTRO: Iyon lang po kasi ang aking nadinig mula sa Pangulo kaya hindi ko po madadagdagan. Sinabi lamang po niya na hindi naman po niya pinagri-resign.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Salamat po.
DALE DE VERA: I think, we don’t have questions anymore, Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: Okay. At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. At magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
###