PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, March 14.
Good news ang hatid ng Department of Transportation lalo na sa ating mga commuters. Kahapon nga ay binuksan sa publiko ang SM North EDSA Concourse at busway station. Bukod sa bagong disenyo ng istasyon, sinigurado ng DOTr na may mga elevator at ramps ito para maging accessible para sa mga PWD, senior citizens at mga buntis. Hatid ng bagong istasyon na mapabuti at mapaginhawa ang biyahe ng bawat commuter para makapaglaan sila ng maraming oras kasama ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.
At ngayon, ready na po tayong sumagot ng inyong mga katanungan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., magandang umaga po. Usec., mayroon pa po ba tayong ibang mga proyekto, government projects kasama ang private sector para maging tuluy-tuloy ang magandang pagbiyahe ng ating mga kababayan lalo na iyong mga sumasakay sa train?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Katunayan nga po ay nagkaroon po kami ng meeting with DOTr Secretary Vince Dizon, ito po ang kaniyang mga proposed programs: Kabilang po dito sa kaniyang mga nabanggit ay ang pagkakaroon po—magkakaroon po tayo ng Metro Manila Subway, ongoing na po itong project na ito – iyong Metro Manila Subway Project; North-South Commuter Railway Project at EDSA Busway Project; magkakaroon din po tayo… as of now, mayroon po tayong Cebu Bus Rapid Transit at ang Davao Public Transport Modernization.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., maganda iyong project doon sa kabubukas lang, doon sa may isang shopping mall ano. Mayroon bang plano ang government para magkaroon pa ng similar project dito sa National Capital Region?
PCO USEC. CASTRO: Mayroon pa po. Nabanggit po nila, magkakaroon pa rin po tayo ng katulad ng ganiyang istasyon dito po sa Ortigas Station, Aseana EDSA Bus Station at—so far iyon po. Ito po ay may kaugnayan sa kasunduan po ng DOTr at SM Prime Holdings. So, asahan po natin ang mas magaganda pa pong istasyon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: So more public-private partnership, Usec.?
PCO USEC. CASTRO: Ito po ay kinabibilangan po ng iba ay donasyon din po, tulong din po ng ibang mga private sectors.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat po, Usec.
KENNETH PACIENTE/PTV4: Good morning po, Usec. Usec., makakaasa po ba iyong riding public na hindi lang po ito iyong mga pagbabago para mapagaan po iyong kanilang transportation araw-araw?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Sabi nga po natin, napakarami po talagang proyekto sa panahon po ni Secretary Vince Dizon. Kung iisa-isahin ko nga po ito ngayon, mapapahaba po ang oras natin at baka hindi tayo matapos. Marami pa pong proyekto maliban sa aking mga nabanggit.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning, Usec. How important is this project for the overall improvement of the EDSA Busway alone and maybe do you have figures, ma’am, kung how many commuters po iyong magbi-benefit nitong project?
PCO USEC. CASTRO: Ah, marami po. Parang—kung hindi po ako nagkakamali, libu-libo po talaga ang sumasakay lalo na sa MRT. So, sa mga ganito po—at saka po sa ating… sa busway po. So, sa atin po ay—mabibigay ko po siguro sa inyo ang ibang mga kopya po nito para po maintindihan po natin at mapakita po natin kung ano po iyong mga proyekto ng DOTr.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Opo. But, ma’am, how important is this po for the overall improvement of the EDSA busway system?
PCO USEC. CASTRO: It’s very important especially it will be so accessible, it would be easy for the commuters to use these facilities. So, definitely what we are catering now is the public and the commuters.
LUISA CABATO/INQUIRER.NET: Good morning, ma’am. May we get a confirmation from Palace if nangako po talaga si President Marcos kay Senator Bato na hindi siya gagalawin ng ICC?
PCO USEC. CASTRO: Wala po kaming napag-usapan kung personal po niya itong sinabi. Sa atin pong pagkakaalam, ang sinabi po niya ay wala po at hindi po—wala pong jurisdiction ang ICC at hindi po makikialam, hindi makikipag-cooperate ang administrasyon sa ICC. Pero never po naman niyang nabanggit na hindi po tayo makikipagtulungan sa Interpol.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, Usec. Good morning po. Ma’am, former President Duterte is set to appear sa ICC tonight. Siguro po, could you enlighten us on ano po ba ang extent ng government assistance na maaaring ibigay kay former President Duterte throughout this proceedings po?
PCO USEC. CASTRO: Wala po kasi tayong jurisdiction sa anumang gagawin po ng ICC. Sa kanilang mga procedures, wala pong jurisdiction at after natin madala po ang dating pangulo sa ICC, wala na pong kamay or responsibilidad ang gobyerno kay dating Pangulong Duterte.
Pero, base po sa RA 9851, bilang Pilipino hindi lang dahil bilang dating pangulo si dating Pangulong Duterte, kakailanganin din po natin ang gobyerno na mai-sure po, masigurado natin na nagkakaroon po ng fair trial lalong-lalo na po Pilipino ang dating Pangulong Duterte.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Okay. Pero, lahat po ng mga gastusin like for example for legal counsel and all, private capacity na po iyon ni former President? Sa kaniya dapat manggaling iyon.
PCO USEC. CASTRO: Opo. Kahit nga po sa mga complainants, hindi rin po iyan talaga sagot ng gobyerno dahil may kaniya-kaniya po silang mga abogado at sabi nga po natin ay wala po tayong responsibilidad or wala tayong hand over the ICC proceedings.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Last question na lang po, Usec. Si former Senator Trillanes, sinabi niya po in one of his interviews na there could be a seize order coming from the ICC sa mga Duterte assets while the trial or the investigation is ongoing. If maglabas po ang ICC ng ganoong klaseng order, to freeze the assets of the former president, will the government comply on that particular order?
PCO USEC. CASTRO: Kung mayroon naman po tayong batas at ina-allow po tayo, ipakita lamang po nila, tayo po’y magku-comply dahil lagi pong sinasabi natin na lahat po ng gagawin natin dito ay dapat lamang base sa batas.
EDEN SANTOS/NET25: Usec., good morning po. Sabi po, the Office of the President said it paid for the private jet that brought former President Rodrigo Duterte to The Hague. Maybe, do you confirm po itong statement na ito na ang Office of the President ang gumastos po doon sa pag-fly kay former President Duterte using a private—is it a jet plane or iyon pong ginamit niya last time?
PCO USEC. CASTRO: Opo, ina-admit po na ang Palasyo po ang nagbayad, ang gobyerno po. Ito po ay may kaugnayan sa assistance po na ibinigay natin sa Interpol. So, sabi nga natin, kapag hiningi po ang assistance ay siyempre po dapat kumpleto po dahil kung wala naman pong naipu-provide na sasakyan para madala po ang dating pangulo sa ICC, eh parang hindi rin po naging kumpleto ang pagtugon natin sa ating commitment to the Interpol.
EDEN SANTOS/NET25: Magkano po iyong—kung mayroon na tayong estimate na ginastos doon sa pag-travel po kay FPRRD?
PCO USEC. CASTRO: Wala po tayong kumpletong detalye about that at maaari po siguro ay hindi ko agad masasabi kung mayroon man po ha dahil mayroon pong kaugnayan ito sa isang pribadong korporasyon.
EDEN SANTOS/NET25: Yesterday po medyo hindi kasi ako nakadalo doon sa briefing ‘no, naikuwento po ng ating mga officers from the PNP, CIDG na iyong ginawa pong pag-aresto kay FPRRD, iyong naging attitude po ng mga pamilya na nagwala, parang nagsisigaw, nagmura. Iyon po bang ganoong attitude ay is it normal or sa tingin ninyo hindi po?
PCO USEC. CASTRO: Normal lang sumigaw at magmura – pamilya po iyon eh. Hindi po natin mawawala na ganoon ang maging damdamin. Pero since ito naman po ay matagal nang pinag-uusapan at aminado naman po ang dating Pangulong Duterte na may kaso naman po sa ICC. At nabanggit nga rin po niya sa kaniyang talumpati sa Hong Kong na mayroon siyang nadidinig na warrant of arrest. Pati nga po si Senator Bato ay inamin niya na mayroon kaya hindi siya sumama sa Hong Kong.
So, normal ang magkaroon ng ganoong klaseng damdamin pero siguro dapat malaman din po nating lahat kung hanggang saan iyong hangganan, kung hanggang kailan puwedeng mag-react sa kapulisan kung ginagawa ang tama, nandudoon ang mga dokumento, tingin ko dapat sumunod din tayo po sa batas. Iba po kasi ang sitwasyon na hinuli ka pero wala kang ginawa, hindi ka caught in the act or walang warrant of arrest. Pero dito po, lahat ay naipakita – may warrant of arrest, nandiyan po ang Interpol. So, siguro mas maganda po kung naging kalmado rin ang mga kamag-anak po ni dating Pangulong Duterte.
EDEN SANTOS/NET25: So, you’re saying … sinasabi ninyo po ba iyan dahil based on your own experience din po doon sa nangyari sa kliyente ninyo, parang sort of ganoon?
PCO USEC. CASTRO: Okay, sasagutin kita diyan. Unang-una, nalaman ninyo ba kung ano iyong totoong kuwento? Iyong aking kliyente—this is too personal na pag-usapan dito but I will explain. Iyong ating naging kliyente doon, hinuli – again, uulitin ko, hindi ko po alam kung nandito kayo noon – hinuli nang walang warrant of arrest, walang kaso, at hindi man lang sinabihan iyong kliyente ko ng nature of the case; ang sabi, confidential. What should a counsel react and how would a counsel react on that?
This situation of former President Duterte, it’s different from the case that I handled. There were violations committed by the police officers during that time, that’s 2015. But in this case, all document, all the legalities, nobody can question that, except maybe if they can use that as a defense in their case.
MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po. Ma’am, follow up lang doon kay Senator Bato. Ano po iyong nakikita natin na scenario once na ni-release na rin iyong arrest warrant against kay Senator Bato dela Rosa? Pareho rin po ba iyong assistance na ibibigay ng government sa Interpol?
PCO USEC. CASTRO: Pareho pa rin po. Hindi po kasi tayo puwedeng mamili. Kung ito po ay ginawa po at nakipag-coordinate, makipagtulungan tayo sa Interpol dahil ang dating Pangulo po ang subject po ng warrant of arrest, hindi po tayo puwedeng mamili, wala pong puwedeng special treatment. So, kung mangyayari po ito sa iba pang mga suspects na may warrant of arrest, basta valid po iyong warrant of arrest, at ito ay nai-course through the Interpol, gagawin pa rin po natin kung ano po iyong dapat gawin ng gobyerno.
MARICEL HALILI/TV5: Pero what will happen po? Kasi I understand, Senator Bato dela Rosa has already talked to Senate President Chiz Escudero, and he asked for the protection of the Senate. So, paano po ang magiging scenario doon kung may kausap siya sa senado?
PCO USEC. CASTRO: Hindi ko po alam kung ano ang magiging sagot ni Senate President patungkol diyan, hanggang sa anong proteksiyon ang kaniyang maibibigay, kung may warrant of arrest. Abogado naman po si Senate President, alam naman po niya kung ito ay valid at puwede niya pong ikumpirma kung valid ang warrant of arrest. Hindi naman po niya siguro ikakanlong at itatago ang masasabing suspect sa isang international criminal court.
MARICEL HALILI/TV5: Last na lang. Yesterday, Senator Bato dela Rosa mentioned that clearly, it was a demolition job against him pero parang nag-benefit pa siya doon sa demolition job kasi tumaas daw iyong kaniyang survey sa Pulse Asia. Your reaction on that?
PCO USEC. CASTRO: Papaano po magiging demolition job kung ito pong kasong ito ay na-file na hindi pa po panahon ng eleksiyon, hindi pa po panahon ni Pangulong Marcos? Ito po, naisampa po yata ito, kung hindi ako nagkakamali, taong 2017. Matagal na nga po eh, dapat noon pa po. ‘Di ba, kung ito po ay hindi po nag-withdraw, at alam naman po natin ang dahilan kung bakit nag-withdraw ang dating Pangulong Duterte dito sa Rome Statute. Siguro po pag-usapan din po natin iyong mga diumano’y biktima, hindi puro dapat sa kanila lang nakatuon ang atensiyon ng tao. Hindi napapansin sa ngayon ano ang naranasan ng mga biktima, ano ang naranasan ng mga pamilya na naiwan ng kanilang mga kamag-anak na naging diumano’y biktima ng EJK. Bakit ngayon ang mga Pilipino ay hindi na nakikita iyong mga namatay? Bakit napagtutuunan natin ng pansin iyong pinagbibintangan na pumatay at nagpapatay? Bakit parang nago-glorify pa natin sa ngayon iyong naakusahan ng murder and crimes against humanity.
Sana po ang taumbayan, buksan naman nila iyong isip. Tingnan po nila ano ang naramdaman ng mga tao, ng pamilya na naging biktima ng EJK.
MARICEL HALILI/TV5: Sorry, how far are we from achieving justice for those victims?
PCO USEC. CASTRO: Doon po sa ICC?
MARICEL HALILI/TV5: EJK.
PCO USEC. CASTRO: Ah, ng EJK. Sa ngayon po, alam ko po may mga naka-pending po na complaints. Pero ayon nga po kay SOJ Remulla, iyong mga complaints naman po, kung hindi ako nagkakamali, iyong complaints po sa ICC ay hindi naman po iyan ita-touch, so most probably, para hindi po magkaroon ng overlapping ng cases at para hindi magkaroon ng double jeopardy in the future. So, tingnan po natin at tatanungin ko po rin si SOJ patungkol sa mga pending cases patungkol po diyan.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Kahapon po ay itinanggi na ng Armed Forces of the Philippines and PNP na walang sundalo, pulis ang nag-resign sa service bilang suporta kay dating Pangulo. Alam po ba ito ni Presidente at ano po ang kaniyang reaksiyon? Sa tingin ninyo po ba, ano ang motibo ng mga nagpapakalat nito at saan po ito nanggaling?
PCO USEC. CASTRO: Marami po ang nagpapakalat ng iba’t ibang kuwento na wala hong katotohanan. Sa atin pong paningin, ang pagkakalat po ng mga ganitong klaseng kuwento ay para po mas lumaki ang simpatiya sa dating Pangulong Duterte.
Pero tandaan po natin, sabi nga po natin, ang mga taumbayan, sana po ay imulat ninyo ang inyong mga mata, tingnan ninyo po kung ano ba talaga ang katotohanan. Muli, huwag nating iwan iyong isyu ng extrajudicial killings; mayroon pong mga namatay, mayroon pong mga nagrireklamo at ang mga nagrireklamong ito ay noon pa pong 2017 – hindi po ito sa panahon ni Pangulong Marcos.
Okay, sa mga nag-resign, wala pong katotohanan. Ayon po kay General Fajardo, wala pong katotohanan na may nag-resign. Kung ito man po ay may kaugnayan sa pagpa-surrender ng gobyerno kay dating Pangulong Duterte sa ICC through the Interpol, wala pong nagri-resign ayon po kay General Fajardo. Kung wala pong nagri-resign, mas maganda po, eh di masaya po siya.
Wala po, loyalty check, wala po, wala po dahil kampante po ang Pangulo na ang ginawa po ng administrasyon ay naaayon sa batas.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Usec., magandang tanghali. Kaugnay ito noong sinasabi ni Senator Bato that he feels betrayed to the max – those were his words – na nangyari po ito sa kabila ng pagsigurong personal sa kaniya ng Pangulo na hindi siya gagalawin ng ICC. May lumutang din pong allegedly a letter to the Vice President Sara assuring her of the same thing that the government will not cooperate in any way, shape or form with the ICC and that the President will always protect the sovereignty of the country at all times. Is there such a letter?
PCO USEC. CASTRO: Nag-meeting po kami kanina ni Pangulo – kasama po ako sa meeting kanina – hindi po namin napag-usapan kung may letter. So, kung patungkol naman po kay Senator Bato unang-una po, ulitin natin, hindi po tayo puwedeng magkaroon ng special treatment. Ang betrayal po sa isang tao kung siya naman po ay naaakusahan hindi po ito masasabing isang isyu. Mas dapat po na ang Pangulo, ang gobyerno, ay hindi nagbi-betray sa batas; hindi siya nagbi-betray kung ano ang interes ng bansa; hindi siya dapat nagbi-betray sa mga taong diumanong naging biktima ng EJK; hindi pupuwede na dahil lang po naging kakilala, nakasama po – kung kailangan managot dapat managot.
Sabi naman po nila, sila naman po ay walang kasalanan, hindi po ba’t napakabilis naman nilang madidepensahan ang kanilang sarili at mapapabilis siguro ang pagtapos ng proceeding sa ICC kung sila mismo ang magdidepensa sa kanilang sarili dahil wala silang kinalaman, ayon sa kanila.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Ang tawag ni Senator Bato sa katwiran ng gobyerno that we are cooperating with the Interpol and not with the ICC ay flimsy because the President allowed it, that’s why it happened – ganoon po ang kanilang katwiran, nakikitang katwiran.
PCO USEC. CASTRO: Maaasahan po talaga natin iyan sa kanila dahil sila po iyong naging concerned parties dito, maaasahan po natin ang ganiyang damdamin pero hindi po niya puwedeng diktahan kung ano po ang ikikilos ng administrasyon lalung-lalo na po kung ito naman po ay mayroong patungkol sa ating commitment sa Interpol.
PIER PASTOR/BILYONARYO: Just concerned about the First Lady, Usec., wala pa kaming nakikitang video of her that she’s back and kung nasaan po siya and if she’s okay – iyong tungkol po doon sa case na ibinibintang sa kaniya.
PCO USEC. CASTRO: Wala pong katotohanan dahil po noong Monday po dumating po siya dito kung hindi po ako nagkakamali mga 5:00 ng madaling araw dahil po mayroon po siyang sinend [send] sa aming video, sa amin po na supposed to be na makaka-meet niya na pagdating po niya. 5:58 ang naka-register po sa akin na oras na – aga nga po eh—she’s back and ready for anything.
So, wala pong katotohanan iyong mga ibinibintang. Uli, mukhang ito iyong masasabi nating demolition job. So, wala pong katotohanan iyon.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning po, Usec. Patuloy po iyong pagkikilos-protesta noong mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nakita po ito kahapon sa iba’t ibang lugar dito sa bansa. Papaano ninyo po sila pakakalmahin para hindi po ito matuloy sa tinatawag na full blown people power?
PCO USEC. CASTRO: Okay. Sa ngayon po, sabi nga natin iyong mga nakikisimpatiya po sa dating Pangulong Duterte, karapatan po nila iyan, hindi po iyan pipigilan. Karapatan po nila na malungkot, magdalamhati para kay dating Pangulong Duterte.
Wala pa po tayong nakikita na maaaring makaalarma po sa administrasyon. Kapag po dumating na po iyon sa puntong iyon at puro po kasinungalingan na talaga ang kanilang mga sinasabi at ito ay nakakaalarma na po sa maaaring epekto sa taumbayan, doon po kikilos ang gobyerno.
TUESDAY NIU/DZBB: Ma’am, follow up lang, anong klaseng pagkilos na gagawin ng gobyerno kung sakali, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Kung ito naman po ay dumadami at puro po mga fake – ayaw ko na pong banggitin ang fake news…puro kasinungalingan ang mga pinangangalandakan especially sa social media, hindi po puwedeng tulugan ng administrasyon ito.
Sa ngayon po pinapahintulutan po natin, allowed naman po ito just to express their rights – they have to exercise that right of freedom of expression. Pero kung susobra po, of course, magkakaroon po tayo ng plano kung papaano po ito masasawata para po ito ay para sa gobyerno, para sa taumbayan. Kapag po kasi nagkaroon ng destabilization, hindi po pupuwedeng tulugan ng gobyerno ito lalo po na ang gobyerno naman ay sumusunod lamang sa batas, gumagawa lamang ng kanilang tungkulin – ganoon po.
TUESDAY NIU/DZBB: Last, ma’am. Ano ang extent o ano po ang triggering factor para umaksiyon na iyong gobyerno, ano iyong hangganan na hinihintay para sabihin na, “Oops, tama na iyan, pigilan na natin iyan!”?
PCO USEC. CASTRO: AS of now, napaka-hypothetical ng question. Titingnan po natin kung papaano.
TUESDAY NIU/DZBB: Thank you po.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: Good morning, Usec. Other matters lang po. Nakarating na po ba kay President iyong ulat po na may mga resident ho ng Palawan na na-detain sa China na alleged spy daw po?
PCO USEC. CASTRO: Parang wala pa po so far – so far ha! Aalamin po natin kung mayroon pong ganiyang pag-uulat. Wala pa po kaming natanggap, hindi po nabanggit sa amin kanina. So, tingnan po natin baka po kung anumang pag-uulat iyan ay kailangang pag-usapan kaagad.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: Thank you po.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good morning po, Usec. Balik lang po ako doon sa iyong kay FL po. Natunton na po ba ng Palace kung sino iyong nagpakalat noong information doon and ano pong planong gawin ng Palasyo?
PCO USEC. CASTRO: Nakita po namin sa reaksiyon ni FL ang pinakahuling sinabi niya ay dapat hindi nga po siya iyong nagiging issue. Ang dapat na pinag-uusapan po talaga ay ang Pangulo kung ano iyong mga naging proyekto ng Pangulo.
Hindi niya po ito dinaramdam dahil alam naman po niya ang katotohanan at kami po mismo, ako po I can attest na nakasama ko po siya sa meeting. Kaya po iyong mga ganiyan pong kuwento sana na po magmulat ang mga tao, iyong mga taong nagpapakita po niyan, mga social media na wala pong kredibilidad kung hindi po nanggagaling mismo sa mainstream at wala pong ebidensiya sana po ay huwag kayo agad maniwala.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Pero wala na pong planong magsampa pa po ng reklamo?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po ganoon ang ugali ni First Lady.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: On another topic lang, ma’am. Binigyan po ng 24 hours ng Supreme Court iyong mga respondents para sumagot doon sa petition for a writ of habeas corpus ng mga anak ni dating Pangulong Duterte and one of the respondents po is the Executive Department through ES Bersamin. Would you know, ma’am, kung natanggap na po ni ES iyong notice ng SC and kung sumagot na po?
PCO USEC. CASTRO: Wala pa pong pagsagot. Ang alam ko po ay magkakaroon sila at iri-represent po sila ng government lawyers. So, tingnan na lamang po natin ang susunod na hakbang.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Thank you, ma’am.
PCO USEC. CASTRO: Okay. At dito po nagtatapos ang ating briefing, maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali.
##